Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Unang Bahagi: Ang mga Pahayag ni Maestro Eraño M.
Evamgelista
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
Panimula
May isang pahayag sa Banal na Aklat na hindi pa nabibigyan ng kaukulang pansin
ng mga relihiyon at mga tao
at nanatiling hindi ganap hanggang sa kasalukuyan. Ang mga pinuno ng
mga relihiyon at mga pantas na pinagaaralan at sinasaliksik ang Banal na Aklat ay hindi batid ang
kaalaman at ang kahalagahan
nito. Narinig o napagalaman na ba ninyo ang tungkol sa dakilang pahayag na ito
mula sa Dios?
At ang Panginoo'y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang
Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa.
Zechariah 14:9 (TAB)
Ang pahayag na ito ay nagsasabi ng kaarawan na ang Pangalan ng Dios ang
nagiisang kikilalaning pangalan ng mga tao sa mundo. Nguni’t bago pa dumating
ang kaarawan na iyon: Ano ang Pangalan ng Dios? Papaano malalaman ang Pangalan?
Sino ang magpapakilala ng Pangalan ng Dios sa mga tao sa buong mundo sa
kasalukuyang panahon? Iyan ang
pahayag na mangyayari pa lamang. Bakit napakahalaga nito?
Ang Pangalan ng Dios ay kilala na raw ng lahat ng mga tao at mga bansa sa buong
mundo. Ano nga ang Pangalan Niya uli?
“Ang Dios”
“Ang Panginoon”
“Ang Panginoong Dios”
“Ang May-Kapal”
“Ang Makapangyarihan sa Lahat”
“Ang Ama”
“El”
“Elohim”
“El Shaddai” |
“Adonai”
“YHWH”
“AKO YAONG AKO NGA”
“AKO NGA”
“Yahweh”
“Jehovah”
“Yah”
“Allah” |
Ang mga iba pang mga pangalan mula sa mga iba’t –ibang relihiyon: Ano sa mga
ito ang tunay na Pangalan ng Dios? Nagkaisa ba ang mga tao sa mundo sa kaalaman
ng mga pangalan ito? Nasaan ang KAPAYAPAAN na ipinangako ng mga relihiyon? At
bakit nagpapatayan ang mga tao “sa ngalan ng Dios?”
Noong una pa man, walang nakaalam ng may katiyakan kung ano ang tunay na
Pangalan ng Dios, kahit ang mga pinuno ng mga iba’t-ibang relihiyon ay
nagpalagay ng mga iba’t-ibang mga pangalan, ipinagbahabahagi lamang nito ang mga
tao sa buong mundo. Bakit? Dahil hindi ang mga ito ay hindi tunay na Pangalan ng Dios!
Kaya nga nasusulat sa pahayag na “at
ang kaniyang pangalan ay isa.” Ang pahayag na ito, na nasusulat sa
Banal na Aklat, ay mangyayari pa lamang.
Gumawa o lumikha ang mga relihiyon ng mga pangalan sa pamamagitan ng kanilang
mga sariling pananaliksik at ipinalagay at itinawag ang mga iyon sa Dios. Nguni’t hindi
pinahintulutan sila ng Dios na gawin ang gayon at hindi rin naman inihayag ng
Dios mismo ang Pangalan Niya sa kanila. Ang mga relihiyon ay binubuo ng mga
kani-kanilang mga pinuno upang ipagbili sa mga tao ang kanilang mga sariling
kuro-kuro tungkol sa Dios; hindi sila ang tunay ng mga tao o lingkod ng Dios.
Papaano mangyayari ang pagpapahayag ng Pangalan ng Dios sa ating kasalukuyan
generasyon? Sino ang maghahayag nito sa mga tao sa buong mundo? Tiyak, ang taong
maghahayag nito ay hindi magmumula sa mga relihiyon!
Ang Pangalan nga ba ng Dios ay naihayag na noon ng mga propeta at ni Jesus? Ang
sagot ay: Hindi. Bakit? Dahil tayo ay pinagbabahabahagi pa ng mga relihiyon, na
ang bawa’t isa ay may iba't-ibang dios na may maraming pangalan. Kahit na si Jesus ay
naging isang dios din!
Bilang halimbawa: kung ang sinoman ay magsalita o mangusap tungkol sa
kaalamang pantao (sa pilisopiya, sa batas, sa ekonomiya, sa pisika, sa kemistry
at iba pa) ang karapatan ay sa taong nag-aral at tumanggap ng titulo mula sa
pinakamainam na mga pamantasan at mataas na paaralan ng kaalaman. Nguni’t ang
magsalita tungkol sa Dios, kung may pinuno ng isang relihiyon ay angkining na
may tangan ng tunay na kaalaman ng katotohanan tungkol sa Dios, na pinag-aralan
din sa mga paaralan na nabanggit at sa mga kolehiyo ng Banal na Aklat.
Itinatanong: Anong katiyakan na ang kanyang ipinangangaral tungkol sa Dios ay
totoo? Iyan ay kalapastanganan, papaano makakayanang alamin ang kaunawaan ng
Dios nang walang ipinaguutos mula sa Kanya?
Maaaring ang isang tao ay magsalita tungkol sa Dios sa kanyang pangangaral,
nguni’t narinig o nabasa rin ba natin ang Dios na malimit magsalita o magbangit
tungkol sa kanya sa Banal na Aklat?
Kung ang sinoman ay magtanong sa kaalaman at katotohanan tungkol sa Dios upang
ganapin ang dakilang pahayag na ito, hayaang ipakita ng Dios sa atin, sa
pamamagitan ng Kanyang Salita na nasusulat sa Banal na Aklat, tungkol sa tao na
magsasalita para sa Kanya sa ating kasalukuyang panahon!
Nguni’t ito ba’y maaring mangyari? Ang sagot ay: Oo.
Nguni’t kailangang makita at mabasa natin ang utos ng Dios kung kanino niya
inilagay ang Kanyang Salita at ang kapahintulutan tungkol sa taong ito.
At, gayon din, ang taong inutusan na ihayag ang Pangalan ng Dios ay marapat na
maipakita at mapatunayan ang kanyang kapahintulutan mula sa Dios sa pamamagitan
ng Banal na Aklat!
Narito ang isang tao, ang kanyang pangalan ay Eraño M. Evangelista, tinawag
naming siyang “Maestro” o “Guro,” na inutusang ihayag ang Pangalan ng Dios sa
mga tao sa buong mundo!
Naipakita na niya ang kanyang tanda at kapahintulutan
mua sa Banal na Aklat, ang Salita ng Dios. Hindi niya hinihingi o pinipilit ang
sinoman na maniwala sa kanyang mga pahayag na mula sa Dios, ang kailangan
lamang niya ay basahin ang pahayag o ang ipinararating ng Dios na mula sa Banal
na Aklat na ipinaguutos sa kanya na isalaysay sa kanyang mga tagapakinig.
Hindi siya nagtatayo ng isang relihiyon o ng isang kilusan, kundi ang ihayag
ang tunay na Pangalan at iparating ang Salita o Mensahe ng Dios sa lahat na nasusulat sa
mga pahayag ng mga propeta sa Banal na Aklat. Bagaman masasabi na ito ay
hindi maaring mangyari o hindi
mapaniniwalaan, ngunit tingnan ang kasalukuyang
kalagayan ng mundo, hindi rin baga kakatwa o katakataka na habang ang mga
relihiyon ay patuloy na nangangaral na ang Dios ay maluwalhating naghahari at
ang kapayapaan ay laganap sa mundo; sa bawa’t dako sa mundo ay may mga kalamidad,
mga digmaan, kagutuman at tagtuyot, krisis sa ekonomiya, at pagkasira ng
kalikasan sa lupa, dagat at hangin, ay nangyayari at lumulubha pa? At kapag
dumating o nangyari ang mga kasakunaan ay sasabihan nila tayo na manalangin sa
Dios at humingi ng tulong, at ang mga kasakunaan ay lalo pang lumulubha at
dumadalas ng walang babala.
Ito ba ang uri ng pamumuhay na ipinangako sa atin ng mga relihiyon? Tayong lahat
nga ba ay namumuhay ng tahimik at may masaganang buhay? Kung hindi,
nagsinungaling sa atin ang mga relihiyon. Marahil nais ninyong magbasa o
makaalam ng isa pang paliwanag na malapit sa katotohanan, na mula sa Salita ng
Dios na nasusulat sa Banal na Aklat? Si Maestro Evangelista ang maghahayag sa
atin ng tunay na Salita ng Dios na mula sa Banal na Aklat! Maitatanong ninyo,
saan nanggaling ang kanyang kapahintulutan na magsalita tungkol sa Dios at ng mga
dakilang pahayag sa Banal na Aklat? Ipapakita niya ang kanyang kapahintulutan sa
pagbasa natin ng kanyang pahayag tungkol sa:
•
Ang Dakila at Banal na Pangalan ng Dios
– May isang Dios at may isang Pangalan siya,
at may isang taong inutusan upang ihayag ito sa mga tao sa buong mundo.
•
Ang Pahayag ng
"Taga Ibang Lupa" – Ihahayag ni Maestro Evangelista ang kanyang
tanda at kapahintulutan mula sa mga pahayag
ng mga propeta ng Dios mula sa Banal na Aklat, bilang ang Propetang sinugo na “gaya ni Moses” (Deuteronomio
18:18-19, Jeremias 1:4-10 at I Mga Hari 8:41-43)
•
Ang
Patotoo ni Jesus – Ang pahayag ng tunay na katauhan,
buhay at misyon ni Jesus, ang kanyang mga
gawa at mga sinalita na matatagpuan sa Bagong Tipan sa Banal na Aklat, hindi
mula sa mga aral ng mga relihiyon.
Nais ring ipaalam din naman ni Maestro Evangelista ang tungkol sa isang
Kautusan ng Dios: Ang Pagpapala at Sumpa! Ano ito? Ang mga pahayag niya ang
magpapaliwanag ng mga paghihirap, ng mga kalamidad, at mga digmaan na naranasan
ng sangkatauhan at nararanasan pa sa kasalukuyan.
Ang Kaalaman ng tunay na Pangalan ng Dios ang mamamatnubay sa panibagong
kaunawaan tungkol sa Dios at ang magpapakita ng mga kadahilanan ng kasalukuyang
kalagayan ng mundong ating kinabibilangan. Ito ang panahon ng paggaling ng mundo;
wala nang digmaan, wala nang kahirapan – ang panahon ng wagas na kapayapaan at
kasaganaan. Ang panahon na ang Dios ay nasasa ating lahat, wala na ang sumpa.
Sa kaunaunahang pagkakataon, masasaksihan ng lahat ang tunay na aral tungkol sa
Dios mula sa mga pahayag ng mga Propeta sa Banal na Aklat at ang tungkol din sa
Patotoo ni Jesus alinsunod sa mga nasusuat sa mga Kautusan, sa mga aklat ng mga
pahayag ng mga Propeta at sa mga Awit ni David, at hindi mula sa mga aral ng mga
relihiyon. Ang tunay na kahulugan ng Salita ng Dios sa Banal na Aklat ay itinago
sa atin mula sa simula, at sa itong mga huling araw na ang katotohanan sa Dios,
sa Kanyang Dakilang Pangalan at ng Kanyang Banal na Salita ay mahahayag sa wakas
upang maunawaan ng lahat ng tao sa buong mundo.
Ipinakita lamang ng mga relihiyon ang kanilang mga aral sa mga tao, upang
paglingkuran ang kanilang kapakanan kahit na ito ay nangangahulugan ng isang
sumpa mula sa Dios. Hindi nila ipanakita sa atin ang Pagpapala at Sumpa, ang
Katotohanan at ang Kasinungalingan, ang Mabuti at ang Masama, at ang
pinakamahalaga sa lahat, ang Pangalan ng Dios na nagsugo sa mga Propeta at
nagbigay diwa sa Banal na Aklat, ipinakilala nila ang isang dios na hindi rin
nila kilala, nagdusa ang mga tao sa buong mundo bunga ng kasamaan ng mga religion
sa pagpapawalang halaga sa Panagan, samga aral at sa Salita ng Dios sa Banal na Aklat.
Basahin ang mga Pahayag ni Maestro Evangelista at makikita ng lahat ang
katotohanan tungkol sa tunay na Aral (Salita) ng Dios. Makikita ng lahat ang
dahilan ng kasalukuyang kalagayan ng mundo at makikita rin ang lunas sa mga
kahirapan at mga suliranin na ating hinaharap sa kasalukuyang panahon. Ang lahat ng mga tanong na ating (matahimik na) inisip (nguni’t takot itanong)
tungkol sa Dios, sa mga relihiyon at ang mga aral nito ay masasagot sa mga
pahayag niya. At kung nais ninyong malaman sa kung ano o kaninong
kapahintulutan na inihahayag niya ang tungkol sa Dios at sa Kanyang Dakilang
Pangalan, simulan ang paglalakbay sa tunay na daan patungo sa kaalaman at
kaunawaan sa Dios sa Banal na Aklat.
Bumalik sa
Itaas.
Magpatuloy sa:
Panimula 2
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Wednesday May 28, 2014
|