Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Ang Dahilan ng
lahat
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
Ikatlong Bahagi: Ang Pahayag ng Dakilang Pangalan
ng Dios
Ipapakita ni Maestro Evangelista ang kanyang tanda at
kapahintulutan na ipakilala ang tunay na Pangalan ng Dios sa lahat. Marami
ang nanganaral ng tungkol sa kaalaman sa Dios mula sa Banal na Aklat,
nguni’t hindi naman nila maipakita ang kanilang kapahintulutan o tanda mula
rin dito, at ngayon ay nahayag pa ang kanilang pagpapanggap at pandaraya
bilang mga lingkod ng Dios. Na ang kanilang aral ay kabaligtaran sa Dios at
ginagamit ang istilo o pamamaraan ng Satanas.
Nakilala na rin ng lahat ang tunay na Jesus sa Banal na
Aklat. At ang lahat ay nagulat sa mga tunay na nangyari sa buhay ni Jesus.
Gaya nang nasabi ni Maestro Evangelista kanina:
• Nang mabasa mula sa Banal na Aklat na malaman na
hindi sumunod sina Adan at Eva sa iisang ipinag-utos ng Dios sa Halamanan ng
Eden, ang lahat ay hindi nabigla.
• Gayon din kay Moises na nagkamali rin, hindi rin
ito ikinabigla ng lahat.
• Sina David at Salomon ay nagkamali rin, hindi rin
ito ikinabigla o pinagtakhan ng lahat.
Nguni’t ng mabasa ang mga Patotoo ni Maestro
Evangelista tungkol sa mga
“kasamaan” na ginawa ni Jesus na:
• nilabanan, sinira at binaligtad niya ang mga Kautusan,
• nagpanggap siya bilang isang “anak ng Dios,”
• tinanggap ang alok na kapangyarihan at kaluwalhatian ng Diablo (Satanas)
• at tumanggap ng kaukulang parusa, na nabasa mula sa Banal na Aklat,
Ang lahat ay nabigla sa katotohanang nahayag tungkol
kay Jesus!
Mula sa pagkukundisyon ng mga relihiyon sa ating
pag-iisip, panahon na upang tayo ay lumaya sa pang-aalipin nila, at panahon
na rin na dapat ng makilala ang tunay na Dios na nasa Banal na Aklat. Ito ang dapat
mapagtagumpayan ng lahat.
Matagal na ring panahon na ang sangkatauhan ay
pinaikot-ikot ng mga relihiyon tungkol sa tunay na Dios at sa mga Kautusan
Niya. Sa pagkakataong ito, inihahandog ni Maestro Evangelista ang
Pagpapakilala ng Dakilang Pangalan ng Dios at ang Salita Niya para sa lahat.
Ang Dios ay hindi masasaklawan ng katalinuhan ng tao;
na parang kung ano ang maisip at mapagkasunduan ng mga relihiyon na maging
katangian Niya, ay magiging gayun na Siya. Gaano karami ang mga pangalan na
itinatawag sa Dios? Marami. Ibig sabihin hindi nila Siya kilala!
Pinagsumikapang malaman ng lahat ang karunungan at ang
kaunawaan ng Dios, nguni’t ang Propetang sinugo na “gaya” ni Moses
lamang ang makakapagtuturo ng landas patungo sa kaalaman ng Dios at ng
Kanyang Dakilang Pangalan, sa pamamagitan ng Banal na Aklat.
Ano ang Pangalan ng Dios na inihayag sa Banal na Aklat?
Ang kaalaman at kaunawaan ng Dios ay hindi para sa mga
relihiyon, wala silang karapatan at kapahintulutan. Tanging mga Propeta
lamang ang may taglay na kaalaman ng Tunay na Pangalan ng Dios
Matutunghayan ng lahat sa pagbabasa ng mga pahayag na ito ang tungkol sa
taong may tunay at matibay na kapahintulutan na ipakilala ang Pangalan ng
Dios. Kasabay na rin ang kapansinpansin na dami ng mga tao na naguguluhan at
nalilito sa mga mga pagbabago sa kagawian na isinasagawa ng mga relihiyon
ngayon. Ang pagsamba ay naging mistulang pang-aliwan, ang simbahan ay tulad
ng isang gusaling pamilihang-bayan, at ang kanilang dios ay naging tulad ng
isang pangunahing bilihin na inaakma sa iba’t-ibang panlasa ng mga
nananampalataya.
Basahin ang Pahayag ng Dakilang Pangalan ng Dios!
Bumalik sa Itaas.
Magpatuloy sa:
Ang
Pagpapakilala sa Dakilang Pangalan ng Dios
Unang Pahina |
Unang Bahagi |
Ikalawang Bahagi
|
Ikatlong
Bahagi |
Ikaapat na Bahagi
|
Ikalimang Bahagi
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Wednesday May 28, 2014
|