Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Pagpapala At Sumpa
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
SINO
SI JESUS?
Inihayag noong ika-22 ng Agosto 2005
SI JESUS nga ba ang nag-iisang isinugo ng Dios upang maging tagapagligtas ng
lahat? Si Jesus nga ba ang bugtong na "anak ng Dios?" Ano ang tunay na misyon
niya mula sa Dios? Siya ba’y dumating upang tubusin ang kasalanan ng
sangkatauhan sa pamamagitan ng kanyang kamatayan? Dala rin ba niya ang
kapayapaan sa mundo?
At ang mga relihiyon lamang ba ang may karapatan na magpakilala kay Jesus sa
lahat?
Siya ba ang nagdala ng kapayapaan sa mundo?
Kung siya nga ang nagbigay ng kaligtasan at kapayapaan sa mundo, wala na sanang
paghihirap, pagsasalot at kamatayan mula noon magpahanggang ngayon.
Hindi na dapat dumating ang kanyang “anghel” na magpapatotoo sa kanya at hindi
na rin nahayag sa lahat ang mga nilalaman ng aklat na ito.
Ang kaalaman sa tunay na pagkatao ni Jesus ang sasagot sa:
• mga suliranin sa mundo sa kasalukuyan,
• ito rin ang magbibigay daan sa kaunawaan ng mga pahayag ng mga propeta ng Dios
tungkol kay Jesus na nasusulat sa Lumang Tipan,
• ito rin ang magpapaalala at magpapalinaw upang ating maunawaan ang mga
sinalita at ginawa ni Jesus sa mga aklat ng Bagong Tipan at sa Aklat ng
Apocalipsis na naglalaman ng kaganapan ng mga pahayag ng mga propeta ng Dios,
• ang magbubunyag at magpapaliwanag sa tunay na nangyari kay Jesus sa kanyang
buhay at misyon, kung naganap nga ba ito ng lubos o hindi.
Dahil kung ang mga
pahayag na ibinigay sa mga aklat ng mga propeta sa Lumang Tipan ay inihahayag
pang muli sa Aklat ng Apocalipsis sa Bagong Tipan, nangangahulugan na hindi pa
naganap ang mga ito dahil hindi pa nasaksihan ng sinoman ang mga pahayag na ito.
Sa kasalukuyan, nababalitaan ang patayan sa pagitan ng mga Kristiyano laban sa
mga Muslim; ngayon, labanan ng mga kapwa Muslim sa Iraq at sa ibang mga bansa;
ang mga “suicide bombing” sa iba't ibang dako ng mundo; at ang mga paghihirap na
ibinunga ng mga iyon.
Tungkol sa mga Muslim: Sino rin ba ang kanilang pinaniniwalaan?
Ating basahin sa aklat na: “The Noble Qur’an in the English Language,” sa pahina
994, na isinulat ni Dr. Muhammad Muhsin Khan, Islamic University AL-MADINA AL-MUNAWARRA:
Descent of Jesus, son of Mary
"I wish to remind the reader here that Jesus, son of Mary will be returning to
this world before the Day of Resurrection. He will return to become a leader of
the Muslim nation as has been revealed in the Qur'an: (Chapter 43:61-64)… and as
narrated by Abu Huraira: Allah's Messenger said: "By Him (Allah) in whose Hands
my soul is, surely (Jesus) son of Mary, will shortly descend amongst you
(Muslims) and will judge mankind justly by the law of the Qur'an (as a just
ruler) and will break the Cross and kill the pigs and abolish the Jizya (a tax
levied upon the non-Muslims who are under the protection of a Muslim government.
The Jizya Tax will not be accepted by Jesus and all mankind will be required to
embrace Islam with no other alternative). Then there will be abundance of money
and nobody will accept charitable gifts." (Sahih Al-Bukhari, Vol 3, Hadith No. 425)
At dahil maraming mga tao, sa mga iba’t-ibang bansa, ay tumatawag kay Jesus at
nananabik habang matiyagang naghihintay sa kanyang pagbabalik, gaya rin ng mga
Muslim: Ano ang sinabi ni Jesus sa Banal na Aklat (ang aklat na pinaniniwalaan
din ng mga Muslim) tungkol sa mga patayan ito?
Basahin sa:
Ang mga bagay na ito'y aking sinalita sa inyo, upang kayo'y huwag mangatisod.
Juan 16:1 (TAB)
Ang sabi ni Maestro Evangelista: Noon pa man ay pinaalalahanan na niya ang lahat
upang hindi magkamali. Anong pagkakamali?
Kayo'y palalayasin nila sa mga sinagoga: oo, dumarating ang oras, na ang
sinomang pumatay sa inyo ay aakalaing naghahandog siya ng paglilingkod sa Dios.
Juan 16:2 (TAB)
Alam kasi ni Jesus na may panahon na magkakaroon ng lubhang hindi pagkakaunawaan
tungkol sa pagkakilala ng mga tao sa pagkatao niya, sa mga sinalita at ginawa
niya noon.
Sa kasalukuyang panahon, lagi ang mga patayang ito ay ibinabalita sa mga
pahayagan, sa mga programa sa radio; at napapapanood pa ang mga pinangyarihan ng
mga ito sa mga programa sa cable telebisyon, at maging sa internet.
Bakit, sa anong dahilan ginagawa ng mga taong ito ang pagpatay?
Sinasabi ng mga pumatay (Kristiano man o Muslim) na ginagawa nila ang mga ito
para sa paglilingkod at pagluluwalhati kay Jesus at sa Dios!
Nguni’t ano ang tunay na dahilan kung bakit ginagawa nila ito, ano ang masasabi
ni Jesus?
At ang mga bagay na ito'y gagawin nila, sapagka't hindi nila nakikilala ang Ama,
ni ako man.
Juan 16:3 (TAB)
Ang sabi ni Jesus: Ang dahilan pala ng patayan sa pagitan ng mga magkakalaban na
relihiyon at mga bansa ay ang hindi nila pagkakilala sa tunay na Dios at kung
sino rin ang tunay na Jesus.
Upang patunayan ito: kapag nagtanong ka sa mga tao kung ilan ang Dios; sasagot
sila, isa lang ang Dios! Nagkakaisa.
At kung tatanungin naman kung ano ang Pangalan Niya, magbibigay sila ng maraming
pangalan. Ito na ang pag-aawayan nila.
Nagpapakita lamang na hindi nila tunay na kilala ang Dios, ito ang dahilan ng
sumpa at pagaaway-away sa mundo.
At kung may magtatanong naman ng tungkol sa pagkatao ni Jesus, magsasabi ang iba
na siya ay "anak ng Dios, na dios din" (sa mga Kristiyano) at sa mga Muslim,
siya ay "anak ni Maria at isang propeta;" at sa mga pa ibang mga relihiyon,
"anak
ng Dios ngunit tao lang," ito ang mga katunayan na hindi kilalang tunay si
Jesus; kaya patuloy ang patayan magpahanggang ngayon.
Wala ring makatawag sa tunay na Pangalan ng Dios! Sumpa!
Tanong: Papaano malulutas ang problemang ito?
Sagot: Ang sabi ni Maestro Evangelista, upang tuluyang matigil ang patayan sa
pagitan ng mga relihiyon at mga tao sa kasalukuyan, ang gagawin lamang niya ay
ihayag at ipakilala sa lahat ang tunay na Dios at ang tunay na Jesus sa
pamamagitan ng Banal na Aklat, mawawala na ang patayan. Maalis rin ang sumpa
kapag nakilala na at makatawag sa tunay na Pangalan ng Dios ang mga tao.
Masisisi ang mga relihiyon sa pagkakasumpa dahil iniligaw nila ang kaisipan ng
sangkatauhan. Nagkukunwari na kilala nila ang Dios at si Jesus nguni’t hindi
naman totoo.
Bakit ngayon lamang napag-alaman ito mula kay Jesus?
Datapuwa't ang mga bagay na ito'y sinalita ko sa inyo, upang kung dumating ang
kanilang oras, ay inyong mangaalaala, kung paanong sinabi ko sa inyo. At ang mga
bagay na ito'y hindi ko sinabi sa inyo buhat pa nang una, sapagka't ako'y sumasa
inyo.
Juan 16:4 (TAB)
Hindi ipinaliwanag ni Jesus sa mga tagasunod niya noon ang lahat ng tungkol sa
kanya, kaya ano ang karapatan ng kanyang mga tagasunod at ng mga relihiyon na
magpahayag ng katotohanan tungkol sa kanya? Malalaman mamaya kung bakit hindi
sinabi ni Jesus sa kanyang mga tagasunod ang tungkol dito.
At sa pagpapatuloy:
Datapuwa't ngayong ako'y paroroon sa nagsugo sa akin; at sinoman sa inyo ay
walang nagtatanong sa akin, Saan ka paroroon?
Juan 16:5 (TAB)
At kung sasabihin ni Jesus kung saan siya patungo?
Nguni't sapagka't sinalita ko ang mga bagay na ito sa inyo, ay napuno ng
kalumbayan ang inyong puso.
Juan16:6 (TAB)
Bakit sila “malulumbay” kung si Jesus ay sumalangit nga?
Nangangahulugan ba na siya ay nagtungo sa ibang lugar na kung malalaman, ng
lahat ay malulumbay?
Kaya may tatlong katanungan na sasagutin at ipapaliwanag si Maestro Evangelista
sa lahat:
1. Ano ang katotohanan tungkol sa Dios at tungkol kay Jesus sa Banal na Alkat?
(Juan 16:1-3);
2. Bakit hindi sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya ang katotohanan tungkol sa
Dios at sa kanyang sarili? (Juan 16:4)
3. Bakit malulumbay ang kanyang mga tagasunod kung malalaman kung saan siya
naparoon, kung hindi nga siya sumalangit (o nagtungo) sa langit? (Juan 16:5-6)
Sa pamamagitan ng mga isasagot at ipapaliwanag ni Maestro Evangelista, mahahayag
na ang mga hiwaga na bumabalot sa katauhan at mga nangyari sa buhay ni Jesus.
Gayundin naman ang hinggil sa tunay na Dios, makikilala na rin ng lahat sa wakas.
Una, alamin muna ang katotohanan tungkol sa Dios.
Sino ang may kapangyarihan at kapahintulutan na maghayag ng katotohanan tungkol
sa Dios? Si Jesus din ba?
Sinasabi ng mga relihiyon na ang kanilang aral ay galing kay Jesus at mula rin
sa Dios
Nguni’t kung ang mga aral ng mga relihiyon ay ang katotohanan tungkol sa Dios,
nasaan din ang kabaligtaran nito o ang aral ni Satanas?
Ang paliwanang ni Maestro Evangelista:Kung nais ng mga tao na makasiguro sa mga
aral na ibinibigay sa kanla ng mga relihiyon, dapat maihambing nla iyon sa aral
ng Satanas, upang Makita ang pagkakaiba.
Palagiang nating napapakinig ang mga sinasabi ng mga relihiyon na, “Ito ang
aral ng Dios!”
Kung iyan nga ay totoo, ipakita rin nila ang hindi, o ang aral ng Satanas.
Nguni’t igigiit pa ng mga relihiyon, “Ito ang tunay na aral ng Dios!” Nang
hindi ipinakikita ang ibang aral ng Satanas. At nakikita rin natin ang di
pagkakaunawaan or alitan ng mga relihiyon tungkol sa mga nilalaman ng Banal na
Alklat. May kani-kanila silang mga paliwanag kung papaano ang paraan ng pagunawa
ng aklat.
Kailangan makita ng lahat ang dalawang magkabilang panig, ang aral na galing
sa tunay na Dios at ang aral ng galing sa Satanas o ang tinatawag na
“Mandaraya,” upang maipaghambing at makapagpasiya ang lahat kung ano ang dapat
sundin at kung ano ang dapat iwasan.
Ang sabi ni Maestro Evangelista, kung ang mga relihiyon ay hindi maipapakita
ang tamang aral at ang mali, papaano malalaman ang katotohanan?
Sino ang dapat sangguniin ng lahat tungkol sa kaalaman sa Dios sa Banal na
Aklat?
Kundi sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, pagka malapit nang siya'y
humihip, kung magkagayo'y ganap na ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting balita
na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta.
Apocalipsis 10:7
(TAB)
Ang mga propeta ang may kaalaman sa mga hiwaga ng Dios, hindi ang mga
relihiyon!
Ang sabi ni Maestro Evangelista, ito ay gaya ng paglalahad ng ibang tao
tungkol sa buhay mo, iyan ay isang “tsismis.” Gayundin naman sa Banal na Aklat,
kapag ang isang talata ay tinukoy o binasa, upang maging tiyak ang lahat sa
kahulugan niyon, ito ay nararapat lang na ipaliwanag at patotohanan ng isa ring
talata mula sa aklat. Ito ang paraan na makakatiyak tayo kung ang binabasa ay
tama o mali tungkol sa Banal na Aklat. Kung ang mga relihiyon ay nagtuturo ng
iba sa mga nakasulat sa Banal na Aklat, hindi ito nararapat tanggapin ang
kanilang aral. Kailangang Makita ang pagkakaiba mula sa loob ng Banal na Aklat
sa paghahambing sa aral ng mga relihiyon.
Nakasulat ba sa Banal na Aklat na dinggin at sundin ng lahat ang mga aral ng
mga relihiyon at basahin lamang ang tungkol sa Dios at ang tungkol kay Jesus sa
mga aklat ng mga tagasunod niya? Hindi.
Totoo ba na ang mga propeta lamang ang nakakaalam ng mga hiwaga ng Dios? Sabi
ni Maestro Evangelista, basahin ang isa pang patunay:
Tunay na ang Panginoong Dios ay walang gagawin, kundi kaniyang ihahayag ang
kaniyang lihim sa kaniyang mga lingkod na mga propeta.
Amos 3:7 (TAB)
Ang pahayag ay napakaliwanag! Kung nais nating malaman ang katotohanan
tungkol sa Dios, nararapat na basahin ang mga pahayag ng mga propeta sa Banal na
Aklat upang hindi mailigaw at madaya ng ibang mga aral.
Ano ang katotohanan tungkol kay Jesus? Ang mga relihiyon ay nagsasabi na ang
kasaysayan ni Jesus ay nakasulat sa mga aklat ng mga tagasunod niya, na dapat
lamang na sundin at paniwalaan ang mga aral nila.
Nguni’t ang sabi ni Maestro Evangelista, ang pinakamainam na maghahayag ng
tunay na kasaysayan ni Jesus ay ang sarili rin niya (Jesus) mismo.
Kaya nga, basahin kung ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa bagay na ito:
At sinabi niya sa kanila, Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang
ako'y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na
nangasusulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga
awit.- Lucas 24:44 (TAB)
Sinabi ba ni Jesus na sumangguni ang lahat sa aklat ng mga tagasunod niya?
Ang sagot ay HINDI! Sa katunayan, nais niyang basahin ng lahat ang kasaysayan
niya sa:
1. sa mga kautusan ni Moises, isang propeta.
2. mga propeta; at
3. mga awit ni David, na isang propeta rin.
Hindi binanggit ni Jesus na sumangguni sa kanyang mga tagasunod tungkol sa
katotohanan sa kanyang pagkatao.
Kaya dapat munang malaman ng lahat ang mga sumusunod:
1. Ano ang pahayag ng mga Propeta ng Dios tungkol sa pagdating ni Jesus sa
kanyang bayan, at kung ano rin ang misyon niya na ibinigay sa kanya ng Dios?
2. Siya ba ay sinugo ng Dios at namatay upang ang lahat ay matubos at maligtas
sa kasalanan sa Dios?
3. Siya ba ay tunay na “bugtong na anak ng Dios,” gaya ng ipinangangaral ng mga
relihiyon at mga simbahan?
4. Na siya ba ay magbabalik sa wakas ng mga araw at maghahari upang maging
mapayapa ang mundo magpakailanman?
Ito ang mga bibigyang kasagutan sa pamamagitan ng mga pahayag ni Maestro
Evangelista tungkol sa tunay na katauhan ni Jesus, upang maalis na ang sumpa at
alitan sa pagitan ng mga iba’t ibang relihiyon at mga bayan upang ang lahat ay
magkaroon ng wagas na kapayapaan.
Ano ba ang tunay na pahayag ng mga Propeta ng Dios tungkol kay Jesus na
ngayon lang malalaman at maliliwanagan ang lahat sa pamamagitan ng Patotoo ni
Jesus na ihahayag ni Maestro Evangelista?
Papaano nalaman ni Maestro Evangelista ang tungkol sa mga kapahayagang ito?
Bumalik sa Itaas.
Magpatuloy sa:
Isang Maikling
Kasaysayan ni Maestro Eraño M. Evangelista
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Monday November 23, 2015
|