Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Isang Maikling Kasaysayan
ni Maestro Eraño M. Evangelista
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
ANG PAHAYAG
Inihayag noong ika-22 ng Agosto 2005
Ito ang pahayag na hindi napag-alaman ng
mundo, ANG KAGANAPAN NG PAGPAPAKILALA NG DAKILANG PANGALAN NG DIOS, at ito’y masasaksihan sa
ating kasalukuyang salinlahi.
Ito ang misyon na ibinigay ng Dios kay
Jesus, ito ang dahilan ng kanyang pagdating – ang ipakilala ang Pangalan ng
Tunay na Dios upang ang kanyang bayan ay mangaligtas.
Nguni't nang si Jesus ay dumating
at nagsabi na siya ay "sinugo" ng Dios upang ganapin ang kanyang misyon;
tinanggap agad ng mga tao ang kanyang sinabi at ni isa’y wala man lang nagtanong
kung ano ang kanyang tiyak (specific) na misyon mula sa Dios. Maging ang mga relihiyon ay
ipinagpatuloy ang pagtuturo tungkol sa pagdating at pangangaral ni Jesus.
Magpasa hanggang ngayon ay hindi pa rin nila itinuturo sa atin kung ano talaga
ang tunay na tungkulin ni Jesus sa Dios at sa Kanyang bayan noong kapanahunan
niya.
Ano ba ang tungkuling
ibinigay ng Dios kay Jesus? Marapat lang na ating malaman ang tungkulin na
ipinagawa sa kanya, at ito lamang ang dapat nating paniwalaan. Ang mahalaga ay
ang tungkulin na dapat gampanan at ganapin, hindi ang inutusang gaganap nito.
Gaya ni Maestro Evangelista, siya ay isinugo upang ganapin ang dalawang bagay,
ang ipakilala ang Tunay na Pangalan ng Dios at gayun din ang ipakilala ang tunay
na Jesus. Ang Kaluwalhatian ay dapat sa Dios na nag-utos, hindi ang inutusan.
Ating simulan, ano ba ang tunay na "misyon" ni Jesus?
Basahin natin ang pasimula nito:
Nang naisin ni David na magpatayo ng bahay ukol sa Kaban ng Tipan, kinuha
ng Dios ang pagkakataon na tanggapin ang mungkahi niya, nguni’t hindi siya ang
pinahintulutang makapagpatayo ng bahay na may Pangalan ng Dios. Sino?
Ang Tungkol sa Anak ni David
Sino ba talaga ang "Anak ni David?"
Ito ang pahayag na ibinigay ng Dios kay David sa pamamagitan ni propeta Nathan:
Pagka ang iyong mga araw ay naganap, at ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga
magulang, aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo, na magmumula sa iyong
tiyan, at aking itatatag ang kaniyang kaharian.
II Samuel 7:12 (TAB)
“ang
iyong binhi” - Ito ang pangako na ibinigay kay David, isang "anak" ang manggagaling sa kanya, ano ang magiging tungkulin ng "anak"?
Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, at aking itatatag ang luklukan
ng kaniyang kaharian magpakailan man.
II Samuel 7:13 (TAB)
Ang “anak” ni David ang magtatayo ng
bahay na may pangalan ng Dios, at kung maitayo niya ito; makikita ng kanyang
bayan ang Pangalan na nasa bahay at sa kaalamang iyon na hindi sila sinasabihan
ng ibang tao ay makakatawag na sila sa Dios, doon pa lang sila maliligtas (ang
bayan ni David).
Nguni’t bakit kinakailangan pang
magtayo ng bahay na may Pangalan ng Dios, hindi ba nila nalaman ang pangalan ng
Dios noon pa man?
Ano ang dahilan at bakit hindi nalaman ng Kanyang bayan ang Pangalan Niya?
Bukod dito ay sinabi ni Jeremias sa buong bayan, at sa lahat ng mga babae,
Inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, buong Juda, na nasa lupain ng Egipto:
Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, Kayo
at ang inyong mga asawa ay kapuwa nangagsalita ng inyong mga bibig, at ginanap
ng inyong mga kamay, na nagsasabi, Tunay na aming tutuparin ang aming mga panata
na aming ipinanata, na magsunog ng kamangyan sa reina ng langit, at ipagbuhos ng
mga inuming handog siya: inyo ngang isagawa ang inyong mga panata, at inyong
tuparin ang inyong mga panata.
Jeremias 44:24-25 (TAB)
Ikinagalit ito ng Dios sa Kanyang bayan nang sila ay sumamba sa “reyna ng
langit”, na katulad sa ating pang kasalukuyang panahon na si Maria, ina ni Jesus, na may
katawagang “reyna ng langit at lupa” na magpasa hanggang ngayon ay sinasamba. At
ano ang naging hatol sa kanila ng Dios?
Kaya't inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, buong Juda na tumatahan sa
lupain ng Egipto. Narito, ako'y sumumpa ng aking dakilang pangalan, sabi ng
Panginoon, na ang aking pangalan ay hindi mababanggit sa bibig ng sinoman sa
Juda sa buong lupain ng Egipto, na sabihin, Buhay ang Panginoong Dios.
Jeremias 44:26 (TAB)
Ito ang sumpa na ibinigay ng Dios sa Kanyang bayan, na hindi na nila mababanggit
ang Kanyang Pangalan. At kung ang Dios ay nanumpa, maaari ba niyang baguhin ang
Kanyang inihayag?
Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa, na nagsabi, Tunay na kung ano ang iniisip
ko, gayon ang mangyayari; at kung ano ang aking pinanukala, gayon mananayo:
Isaias 14:24 (TAB)
Kaya’t hanggang ngayon,
umabot pa sa atin ang sumpa.
Bakit kailangan nating
malaman ang Kanyang Pangalan?
Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila
at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.
Joel 2:31 (TAB)
Ito ang dahilan kung bakit kailangan nating malaman ang Pangalan ng Dios, at
sabi ni Maestro Evangelista, na nakasulat na kung ang tao sa mundo ay hindi magsisisi at magbago
ng kanilang gawi, maaaring may mangyari pang “nuclear holocaust” o pagsabog ng
bomba atomika… at sino ang maliligtas?
At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas,
sapagka't sa bundok ng Sion at sa Jerusalem doroon yaong nangakatanan, gaya ng
sinabi ng Panginoon, at sa nangalabi ay yaong mga tinatawag ng Panginoon.
Joel 2:32 (TAB)
Saan sa Banal na Aklat binabanggit ang "nuclear holocaust?"
At ito ang salot na ipananalot ng Panginoon sa lahat na bayan na nakipagdigma
laban sa Jerusalem: ang kanilang laman ay matutunaw samantalang sila'y
nangakatayo ng kanilang mga paa, at ang kanilang mga mata'y mangatutunaw sa
kanilang ukit, at ang kanilang dila ay matutunaw sa kanilang bibig.
At mangyayari sa araw na yaon, na magkakaroon ng isang malaking kaingay sa gitna
nila na mula sa Panginoon; at hahawak ang bawa't isa sa kanila sa kamay ng
kaniyang kapuwa, at ang kamay niya'y mabubuhat laban sa kamay ng kaniyang
kapuwa.
At ang Juda naman ay makikipaglaban sa Jerusalem; at ang kayamanan ng lahat na
bansa sa palibot ay mapipisan, ginto, at pilak, at kasuutan, na totoong sagana.
At magiging gayon ang salot sa kabayo, sa mula, sa kamelyo, at sa asno, at sa
lahat ng hayop na naroroon, sa mga kampamentong yaon, na gaya ng salot na ito.
Zacarias 14:12-15 (TAB)
Ito ang dapat malaman ng lahat na kung ang Jerusalem ay sasalakayin, ang
pahayag na
ito ay mangyayari.
Dapat bigyan ng pansin ng
mga bansa ang pahayag na ito at gumawa ng kaukulang hakbang sa pamamagitan ng
mapayapang pamamaraan upang ito ay hindi mangyari. Ang mga bansa ay hinihikayat
na sumangguni kay Maestro Evangelista bago pa mahuli ang lahat.
Ang dahilan kung bakit
ipagpapatayo ng isang bahay na may Pangalan ng Dios ay upang ang mga Israelita (ang
bayan na inilabas mula sa Egipto) ay makita at makatawag sa Pangalan ng Dios
upang maalis ang sumpa.
Sa katunayan, ipinamanhik
ni David ang magtayo ng bahay na may Pangalan ng Dios, nguni’t hindi siya
pinahintulutan na magtayo, ang tanging may karapatan sa pagtatayo ng bahay ay
ibinigay sa "binhi" o sa “anak” ni David.
Magbalik tayo muli sa pahayag:
Pagka ang iyong mga araw ay naganap, at ikaw ay matutulog na kasama ng iyong
mga magulang, aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo, na magmumula sa
iyong tiyan, at aking itatatag ang kaniyang kaharian.
Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, at aking itatatag ang
luklukan ng kaniyang kaharian magpakailan man.
II Samuel 7:12-13 (TAB)
"magtayo ng bahay na may Pangalan ng Dios", at kung ang "binhi" ay magtagumpay,
ang kanyang kaharian ay magpakailan man, at ano pa ang ibibigay o "pagpapala" sa kanya ng
Dios?
Ako'y magiging kaniyang ama, at siya'y magiging aking anak: kung siya'y gumawa
ng kasamaan, aking sasawayin siya ng pamalo ng mga tao, at ng panghampas ng mga
anak ng mga tao;
II Samuel 7:14 (TAB)
“Ako'y magiging kaniyang ama, at siya'y magiging aking anak”
–
Ito ang karangalan o titulo na ibibigay sa
kanya kung siya ay magtagumpay, siya ay "tatawagin" at kikilalanin lamang na “anak ng
Dios”, bagaman siya ay tunay na tao. At siya rin ay magkakaroon ng karapatan na
"tawagin" niyang "Ama" ang Dios, bagaman ang kanyang tunay na "ama" ay si David.
Ano ang tagubilin o kundisyon?
Ang
sabi ni Maestro Evangelista, dapat nating tandaan na ang Dios kapag nag-utos sa
Kanyang sinugo; ay palagi Siyang nagbibigay ng "Pagpapala at Sumpa;" pagsinunod
at nagtagumpay ang inutusan sa kanyang misyon – pagpapala ang makakamit at:
...kung siya'y gumawa ng kasamaan, aking sasawayin siya ng pamalo ng mga tao, at
ng panghampas ng mga anak ng mga tao;
II Samuel 7:14 (TAB)
May pasubali rin na ibinigay sa "binhi," kung sakaling siya ay gumawa ng “kasamaan,”
na iba pa sa "kasalanan," siya ay parurusahan ng tao.
Sabi ni Maestro Evangelista, kapag nakagawa ka ng ”kasalanan,” ginawa mo ito ng
sarili mo lamang. Nguni’t kung nakagawa ka ng “kasamaan,” ibig sabihin, gumawa
ka ng kasalanan na nangdamay ka pa ng iba upang magkasala rin.
Ano pa ang tagubilin sa "binhi" o "anak" ni
David?
Nguni't ang aking kagandahang loob ay hindi mahihiwalay sa kaniya na gaya nang
aking pagkaalis niyan kay Saul, na aking inalis sa harap mo.
At ang iyong sangbahayan at ang iyong kaharian ay matitiwasay magpakailan man sa
harap mo: ang iyong luklukan ay matatatag magpakailan man.
Ayon sa lahat ng mga salitang ito, at ayon sa buong pangitaing ito ay gayon
sinalita ni Nathan kay David.
II Samuel 7:15-17 (TAB)
Sino ang “binhi” o "anak" ni David? Alamin natin.
Bumalik sa Itaas.
Magpatuloy sa:
Ang Binhi ni David
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Wednesday May 28, 2014
|