Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Ang
Pangako ng Dios
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
Ang Karapatan ng mga Propeta
Inihayag noong ika-24 ng Setyembre
2006
Sabi ni Maestro Evangelista, sagutin
natin ang tanong:
Tungkol sa mga mangangaral, ipinagpalagay
ng mga pari at mga
pastor na sila ang tanging may karapatan na magsalita
tungkol sa Dios at kay Jesus, dahil pinag-aralan daw nila ang Banal na Aklat at
tumanggap ng mga aral mula sa mga apostol at mga unang simbahan.
Sila lang ba ang may kapangyarihan o
karapatan?
Una, sino ang dapat nating sangguniin
sa Banal na Aklat tungkol sa katotohanan sa Dios?
Kundi sa mga araw ng tinig ng
ikapitong anghel, pagka malapit nang siya'y humihip, kung magkagayo'y ganap na
ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang
mga alipin na mga propeta.
Apocalipsis 10:7 (TAB)
Ang mga propeta ng Dios lamang, wala
nang iba.
Ang sabi ni Maestro Evangelista,
gaya nang isang tao na magsasalaysay ng buhay mo sa iba, iyan ay isang balita o
isang “tsismis.” Kung ang isang talata o mga talata ay binanggit o binasa sa
Banal na Aklat, ay dapat na maipaliwanang o
sang-ayunan ng iba pang talata na matatagpuan rin sa website na ito upang tayo ay makatiyak
sa kahulugan nito.
Sa ganitong paraan tayo makatitiyak kung ang mga talata na ibinibigay sa atin ay totoo o hindi.
Kung ang mga relihiyon ay
iba ang itinuturo tungkol sa mga nasusulat sa Banal na Aklat, hindi natin dapat tanggapin ang
kanilang mga aral. Dapat nating makita ang pagkakaiba.
Sinabi ba sa Banal na Aklat na dapat
nating sundin ang mga tagubilin ng mga relihiyon na basahin natin ang tungkol sa
Dios at kay Jesus sa aklat ng mga apostol? Hindi.
Totoo ba na ang mga propeta
lamang ang nakakaalam ng mga hiwaga ng Dios?
Sabi ni Maestro
Evangelista, basahin
sa:
Tunay na ang Panginoong Dios ay
walang gagawin, kundi kaniyang ihahayag ang kaniyang lihim sa kaniyang mga
lingkod na mga propeta.
Amos 3:7 (TAB)
Malinaw ang mensahe! Kung nais nating
matanto ang katotohanan tungkol sa Dios, dapat tayong sumangguni sa mga propeta
sa Banal na Aklat upang tayo ay hindi madaya ng anumang mga aral.
Papaano naman ang
katotohanan tungkol kay Jesus? Sinasabi ng mga relihiyon na ang kasaysayan ni Jesus ay
nasusulat sa mga aklat ng mga apostol. Nguni’t sinabi ni Maestro Evangelista na
ang pinakamainam na maghayag ng tunay na kasaysayan ni Jesus ay si Jesus rin
mismo. Kaya’t ating basahin ang sinabi ni Jesus tungkol sa bagay na ito:
At sinabi niya sa kanila, Ito ang
aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako'y sumasa inyo pa, na
kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa
kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit.
Lucas 24:44 (TAB)
Sinabi ba ni Jesus na tayo ay bumasa
sa mga aklat ng mga apostol?
Ang sagot ay HINDI! Sa katotohanan pa
nga niyan, nais niyang basahin natin ang tungkol sa kanya sa:
1. sa kautusan ni Moses, na
isang propeta;
2. sa mga propeta; at
3. sa mga awit ni David, siya ay
propeta rin.
Sa kaalamang ito, makikita natin ang
katotohanan tungkol sa Dios at kay Jesus kung tayo ay patuloy na magbabasa sa
mga aklat ng mga propeta sa
Banal na Aklat.
Ang sabi ni Maestro Evangelista: Kung
ang isang pastor o pari ay magsabi na marami siyang ipamamahagi sa inyo tungkol
sa Dios at kay Jesus sa ganang kanyang pahayag; hingian ninyo siya ng kanyang
tanda at kapangyarihan sa Banal na Aklat; at kung hindi niya naipakita ito, wala
nang dahilan upang makipag-usap pa sa kanya. Wala siyang kapangyarihan na
magsalita tungkol sa Dios at kay Jesus!
Bumalik sa Itaas.
Magpatuloy sa:
Ang Pangitain ng mga Propeta
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Wednesday May 28, 2014
|