Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Ang mga Kautusan ng Dios
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
ANG "MANG-AALIW" NI JESUS
Inihayag noon ika-22 ng Agosto 2005
Napag-alaman
na natin na si Maestro Evangelista ang taong magpapatuloy sa hindi naganap na
misyon o tungkulin na ibinigay ng Dios kay Jesus.
Nguni’t alam ba ni Jesus na darating si Maestro Evangelista upang ipagpatuloy
ang pagganap sa pagpapakilala ng Dakilang Pangalan ng Dios? Kung alam niya ang
tungkol dito, sinabi ba niya ito sa lahat?
Kung alam nga ni Jesus at sinabi sa lahat na may darating na iba upang ganapin
ang pahayag, bakit hindi naalaman ng mga tao ito? At sila ay matiyagang hinihintay
ang pagbabalik ni Jesus?
Ang pahayag na ito ang lubos na maglilinaw sa mga kamalian at hindi
pagkakaunawaan ng mga tao tungkol sa “Mangaaliw” ni Jesus.
Muli, si
Maestro Evangelista ang magpapaliwanag ng tungkol dito. Aniya’y si Jesus ay
malaon nang patay, dalawang libong taon na at hindi na magbabalik. Nguni’t kung
ating babasahin ang Apocalipsis 22:16-21 – magsasapantaha ang iba na magbabalik
si Jesus, at nagtulak sa mga relihiyon at sa mga iba pa na ipagpalalagay na si
Jesus nga ay magbabalik sa laman. Nguni’t tunay ba na ang isang tao ay maaaring
mabuhay na muli?
Nguni't ang tao ay namamatay at natutunaw;
Oo, ang tao ay nalalagutan ng hininga, at saan nandoon siya?
Kung paanong ang tubig ay lumalabas sa
dagat, at ang ilog ay humuhupa at natutuyo; Gayon ang tao ay nabubuwal
at hindi na bumabangon: hanggang sa ang langit ay mawala, sila'y hindi
magsisibangon, ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog. Job
14:10-12 (TAB)
Pinatunayan ng
talatang ating nabasa na ang tao kabilang na rin si Jesus ay hindi na maaaring
mabuhay na muli sa laman. Kaya pawang kasinungalingan lamang ang itinuturo ng
mga relihiyon tungkol sa pagbabalik ni Jesus!
Nguni’t sa huling bahagi ng Aklat ng Apocalipsis, ano ang kahulugan ng sinalita
pa ni Propeta Juan na “… pumarito ka Panginoong Jesus?” Apocalipsis 22:20
– Na animo’y si Jesus nga ang tunay na magbabalik. May kalituhan dito.
Basahin natin
ang mga susunod na pahayag ni Maestro Evangelista upang mabigyang linaw ang
sinalita ni propeta Juan at upang malaman na rin natin kung ano ang sinabi ni
Jesus tungkol dito.
Ang Anghel ni
Jesus
Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel
upang sa inyo'y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat
at ang supling ni David, ang maningning na tala sa umaga. Apocalipsis
22:16 (TAB)
Sa mga unang
pahayag ni Maestro Evangelista, naipakita na niya sa atin ang kanyang tanda at
kapahintulutan na:
• Siya ang sinugo na gaya ni Moses sa Deuteronomio 18:18-19.
• Siya rin ang “Taga Ibang Lupa" sa I Mga Hari 8:41-43.
• Siya rin ang sinugo sa
mga bansa sa at siya rin ang nilagyan ng Salita ng Dios sa bibig sa Jeremias
1:4-10.
• Siya rin ang sugo ng Dios sa Malakias 3:1-3.
• Siya rin ang “Anghel” ni Jesus sa Apocalipsis1:1-3 at sa Apocalipsis 22:16.
Walang ibang tao sa buong mundo ang may kakayahan na ipaliwanag ng malinaw ang
mga tunay na aral sa Banal na Aklat na gaya ng paghahayag sa atin ni Maestro
Evangelista. Ang pahayag tungkol sa pagparito ng “Taga Ibang Lupa” at ng “Anghel”
ni Jesus ay naganap na!
Magbasa pa tayo:
At ang Espiritu at ang kasintahang babae
ay nagsasabi, Halika. At ang nakikinig ay magsabi, Halika. At ang nauuhaw,
ay pumarito: ang may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay.
Apocalipsis 22:17 (TAB)
“ang Espiritu” – ang Dios.
Ang lahat ng tao ay inaanyayahan sa Bagong
Pakikipagtipan.
At ang lahat na makikibahagi sa Bagong Pakikipagtipan ay makakabahagi ng walang
bayad. Kaya nga mula sa simula ay sinabi ni Maestro Evangelista na hindi siya
hihingi ng anomang kapalit o bayad sa kanyang paggtuturo. Sinugo siya ng Dios
upang ihayag sa ating lahat ang Salita, ang Dios ang magbibigay ng kanyang
kagantihan o gantimpala.
“tubig ng buhay” – ano ang ibig sabihin nito?
Ang
Tubig ng Buhay
Oh Panginoon, na pagasa ng Israel, lahat
na nagpapabaya sa iyo ay mapapahiya. Silang nagsisihiwalay sa akin ay
masusulat sa lupa, sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon, na bukal ng
buhay na tubig. Jeremias 17:13 (TAB)
Ang Dios ang “tubig ng buhay,” hindi si
Jesus na inangkin ng mga relihiyon!
“buhay na
tubig.” – Kaalaman sa Dios, walang kapalit.
Magpatuloy tayo:
Aking sinasaksihan sa bawa't taong
nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, Kung ang sinoman ay
magdagdag sa mga ito, ay daragdagan siya ng Dios ng mga salot na
nangakasulat sa aklat na ito: Apocalipsis 22:18 (TAB)
Nakita natin
kung paano dinadagdagan ng mga relihiyon ang mga aral sa Banal na Aklat!
Ano
ang mangyayari kung ating daragdagan ang Salita ng Dios?
Kung hindi mo isasagawa ang lahat ng mga
salita ng kautusang ito na nasusulat sa aklat na ito, upang ikaw ay matakot
dito sa maluwalhati at kakilakilabot na pangalang, Ang Panginoon Mong Dios.
Kung magkagayo'y gagawin ng Panginoon na
kamanghamangha ang salot sa iyo, at ang salot sa iyong binhi, malaking salot,
at totoong malaon, at kakilakilabot na sakit, at totoong malaon. At
kaniyang pararatingin uli sa iyo ang lahat ng mga sakit sa Egipto, na iyong
kinatakutan at kakapit sa iyo. Bawa't sakit din naman, at bawa't salot,
na hindi nasusulat sa aklat ng kautusang ito'y pararatingin nga sa iyo ng
Panginoon, hanggang sa ikaw ay maibuwal. Deuteronomio 28:58-61 (TAB)
“Bawa't sakit din naman, at bawa't salot, na
hindi nasusulat sa aklat ng kautusang ito'y pararatingin nga sa iyo ng Panginoon”
– Hindi ba natin dinaranas ang mga ito sa ngayon? Sa ating salinlahi lamang tayo
dumaranas ng mga ganitong uri ng mababagsik na sakit at mga sukdol na mga
kasakunaan.
Nagpapatunay ito na dinagdagan nga ang Salita ng Dios!
Inakala natin
na sa pagsunod sa mga aral ng mga relihiyon ay pagpapalain tayo ng Dios, nguni’t
sumpa pala ang ating tinanggap – ni hindi man lang tayo nagtanong sa kanila kung
bakit ganoon ang nangyari!
Binigyan tayo ng Dios ng mga salot, kahit ang mga uri na hindi pa nasulat sa
Banal na Aklat, upang ating malaman na dinadagan ang Salita ng Dios!
Narito, inilalagay ko sa harap ninyo sa araw
na ito ang pagpapala at ang sumpa;
Ang pagpapala, kung inyong didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong
Dios, na aking iniutos sa inyo sa araw na ito; At ang sumpa, kung hindi
ninyo didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, kundi kayo lilihis
sa daan na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, upang sumunod sa ibang mga
dios, na hindi ninyo nangakilala. Deuteronomio 11:26-28 (TAB)
Nasa sa ating mga sarili; binigyan na tayo ng “Sariling Kalayaan,” ano ang sabi
noon?
“Pagpapala” – Kung ating susundin ang Dios, at “Sumpa” – Kung susuway tayo at sumunod pa sa ibang dios na hindi nakilala.
Kung sa mundong ito ay makakatagpo pa tayo ng isang bansa na maunlad, mapayapa,
walang salot, walang paghihirap sa kabuhayan at walang mga digmaan, masasabi
natin na ang bansang iyon ay pinagpala at sumasamba sa tunay ng Dios. Nguni’t
hindi na tayo makakatagpo ng gayong bansa sa mundo ngayon. Nangangahulugan na
tayo ay nasumpa at hindi sumunod sa Dios at sumamba pa sa ibang dios na hindi
kilala, ang mga dios ng mga relihiyon!
Sa Halamanan ng Eden, Nagbigay ang Dios kay Adan “Malayang Kalooban,” at nag-utos
na makakain niya ang lahat ng mga bunga liban sa isa: ang bunga ng pagkakilala
sa mabuti at masama. Pinaalaalahan siya, at kinain pa niya, siya ay pinalayas
kasama ni Eva.
Sa Banal na Aklat, nabasa na ninyo ang pagkakaiba ng tama at mali, ang mabuti at
ang masama, at hinayaan pa ninyo na kayo ay malinlang; binigyan pa ninyo ang
“manlilinlang” ng ikabubuhay, hindi na ninyo masisisi ang iba.
Ano ang
binanggit noon sa Apocalipsis 22:18 na kung magdaragdag sa aral, Anong uri ng
sumpa ang ibinigay sa atin ng Dios?
Gaya ng nabanggit sa simula, sa ating kasalukuyang salinlahi lamang dinanas ang
AIDS, ang H1N5, ang Ebola virus, ang SARS, at iba pang mga salot, bakit? Dahil
may idinagdag sa mga aral.
Ayon sa dami
ng mga karagdagan na ginawa ng mga relihiyon sa aral ay gayon din ang dami ng
mga salot na ibibigay sa atin. Ano ang mangyayari kung mag-aalis o babawasan ang
aral ng Dios?
At kung ang sinoman ay magalis sa mga
salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng Dios ang kaniyang bahagi sa
punong kahoy ng buhay, at sa bayang banal, na nangakasulat sa aklat na ito.
Apocalipsis 22:19 (TAB)
Kung sinoman ang mag-aalis o magbawas sa aral ng
Dios ay hindi pahihintulutang makapasok sa banal na bayan, ang Bagong Jerusalem
at makakain ng "bunga ng punong kahoy ng buhay."
Nakikita natin na ang mundo ay puno ng kasamaan at kaguluhan, at ang mga
relihiyon ay nangangaral na ang mundo ay wawasakin. Ang mundo nga ba ay
wawakasan ayon sa Banal na Aklat?
Isang salin ng lahi ay yumayaon, at ibang
salin ng lahi ay dumarating; nguni't ang lupa ay nananatili magpakailan man.
Eclesiastes 1:4 (TAB)
Ang mundo ay mananatili magpakailan man. Nguni’t kung ang mundo ay magpapatuloy,
ganoon rin ang sumpa dito, ano ang pakinabang na mamuhay pa sa mundong ito? Ito
ba ang nais ng Dios, na ang mundo ay sumailalim sa sumpa magpakailan man? Ano ba
ang Pangako sa atin ng Dios? Ano ang pangako o pahayag sa Halamanan ng Eden?
Nawala ang
Halamanan ng Eden?
At sinabi ng Panginoong Dios, Narito't ang
tao'y naging parang isa sa atin, na nakakakilala ng mabuti at ng masama; at
baka ngayo'y iunat ang kaniyang kamay at pumitas naman ng bunga ng punong
kahoy ng buhay, at kumain at mabuhay magpakailan man: Kaya pinalayas
siya ng Panginoong Dios sa halamanan ng Eden, upang kaniyang bukirin ang
lupaing pinagkunan sa kaniya. Genesis 3:22-23(TAB)
Matapos matagpuang kumain ng ipinagbawal na bunga
sina Adan at Eva, sila ay pinalayas sa Halamanan, at, sila ay hindi
pinahintulutang makakain mula sa punong kahoy ng buhay, dahil hindi mabuti na
ang mga masasama at masuwayin ay mabuhay ng mahaba, ayaw ng Dios ng gayon.
Nang mapalayas sina Adan at Eva ay naghirap sila
dahil sa kanilang kasalanan. Nguni’t ang Halaman ba ay inalis?
Ano pa't itinaboy ang lalake; at inilagay
sa silanganan ng halamanan ng Eden ang mga Querubin at ang isang nagniningas
na tabak na umiikot, upang ingatan ang daang patungo sa kahoy ng buhay.
Genesis 3:24 (TAB)
Ang sabi ni Maestro Evangelista, hindi. Ang
Halamanan ay naroon pa rin. Naglagay lang ang Dios ng “Querubin” at nang isang
“nagniningas na tabak na umiikot” upang bantayan ang daanan sa Halamanan, ito ay
itinago lamang sa ating kaalaman at kaunawaan. Kailangan lang nating kilalanin
at sundin ang Dios upang tayo ay makapasok doon.
Sino ang “Querubin” o ang anghel na nagbabantay sa daanan?
Muli, ating nalaman na ang Aklat ng Apocalipsis ay ukol kay Maestro Evangelista;
siya ang may karapatan at kapahintulutan na magpaliwanag ng mga pahayag sa Aklat na
ito.
Ipagpatuloy natin ang pagbasa sa:
Ang sumasaksi sa mga bagay na ito ay
nagsasabi, Oo: ako'y madaling pumaparito. Siya nawa: pumarito ka Panginoong
Jesus. Ang biyaya ng Panginoong Jesus ay mapasa mga banal nawa. Siya
nawa.
Apocalipsis 22:20-21(TAB)
Dito nagkaroon ng kalituhan, inakala kaagad ng mga relihiyon at ng mga tao na si
Jesus ang magbabalik ayon sa talatang ito.
May
katotohanan ba ito?
Ang sinabi ni Jesus na isang “anghel” ang
paparito, nguni’t sa mga huling talata na kung basahin ay inyong aakalaing si
Jesus ang magbabalik ng tunay. Basahin natin ulit ang Patotoo ni Jesus:
Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel
upang sa inyo'y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat
at ang supling ni David, ang maningning na tala sa umaga. Apocalipsis
22:16 (TAB)
Ang “anghel” ang paparito at siya ang
magpapaliwanag bakit sinabi ni Propeta Juan sa:
Ang sumasaksi sa mga bagay na ito ay
nagsasabi, Oo: ako'y madaling pumaparito. Siya nawa: pumarito ka Panginoong
Jesus. Ang biyaya ng Panginoong Jesus ay mapasa mga banal nawa. Siya
nawa.
Apocalipsis 22:20-21(TAB)
Tunay nga bang si Jesus ang magbabalik?
Ang sabi ni Maestro Evangelista, gamitin natin
ang ating karunungan at unawa, at alamin natin kung sino ang tunay na darating.
Si Jesus ba o ang kanyang “Anghel?”
May pagkakataon ba na sinabi ni Jesus na may
darating na iba at hindi na siya ang magbabalik?
Bakit sinabi ni Propeta Juan na “pumarito ka Panginoong Jesus?” – Magbabalik ba
talaga si Jesus ayon sa salitâ? Basashin natin at unawain ang sinabi ni Jesus
noon nang siya ay nabubuhay pa…
Kung kayo'y magsisihingi ng anoman sa
pangalan ko, ay yaon ang aking gagawin.
Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.
Juan 14:14-15 (TAB)
Ang Tunay na
Misyon ni Jesus
Ang sabi ni Maestro Evangelista, ang dahilan kung bakit sinabi ni Jesus ito ay
dahil ang kanyang pangalan ay may kahulugan:
At siya'y manganganak ng isang lalake; at
ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang
kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan.
Mateo 1:21 (TAB)
“ililigtas
niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan.” – Ito ang kahulugan ng
pangalang Jesus! Ito ang kanyang misyon, ang tungkuling ibinigay sa kanya ng
Dios. Siya ang magtuturo sa kanyang bayan kung papaano sila makakatanggap ng
kaligtasan mula sa Dios noong kapanahunan nila.
Nguni’t sino ang kanyang bayan, sinugo ba siya para sa lahat ng tao?
Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi, Hindi
ako sinugo kundi sa mga tupang nangaligaw sa bahay ni Israel. Mateo 15:24
(TAB)
Si Jesus ay sinugo lamang sa bayan ng Israel. Hindi siya sinugo para sa lahat ng
tao sa buong mundo. Kaya ang mga relihiyon ay iniligaw ang mga tao sa buong
mundo sa paniniwalang sila ay iniligtas ni Jesus.
Nguni’t si Jesus ay namatay dahil sa kanyang mga kasalanan, at sa pagpapanggap
at paniwalain ang mga tao na siya ay ang “anak ng Dios” at nagtayo pa ng kanyang
iglesia o relihiyon, ibig sabihin hindi siya sumunod sa Dios, nasumpa siya.
Nailigtas ba niya ang kanyang bayan? Alam ba ng kanyang bayan na siya ang
magliligtas sa kanila?
At kung paano ang pagkabigay sa kaniya ng
mga pangulong saserdote at ng mga pinuno upang hatulan sa kamatayan, at
siya'y ipako sa krus. Lucas 24:20 (TAB)
Nguni’t ano ang sinabi ng mga tao tungkol sa kanya ng mamatay siya?
Datapuwa't hinihintay naming siya ang
tutubos sa Israel. Oo at bukod sa lahat ng mga ito ay ngayon ang ikatlong
araw buhat nang mangyari ang mga bagay na ito.
Lucas 24:21(TAB)
Totoo, inasahan ng kanyang bayan ng siya ang magliligtas sa kanila. Bumalik tayo
sa:
Kung kayo'y magsisihingi ng anoman sa
pangalan ko, ay yaon ang aking gagawin.
Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.
Juan 14:14-15 (TAB)
Sumunod ba ang mga relihiyon sa mga sinabing tunay ni Jesus noon, nang sabihin
niyang siya ay isa lamang “anak ni David” at hindi “anak ng Dios?”
Sino na ngayon ang magpapatuloy ng kanyang tungkulin o misyon?
At ako'y dadalangin sa Ama, at kayo'y
bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man,
Juan 14:16 (TAB)
Humiling sa Dios si Jesus na isang “iba” sa
kanyang tungkulin, nang sinabi ni Jesus na “ibang Mangaaliw” sinasabi niya ang
pagdating ng ibang tao. Bakit hindi itinuro ng mga relihiyon ang tungkol sa
tunay pagparito ng “ibang Mangaaliw?”
“suma inyo magpakailan man” – Dahil hindi nagtagumpay si Jesus sa kanyang misyon,
na inihayag sa II Samuel 7:12-14, na kung siya ay magtatagumpay siya ay magiging
“magpakailan man,” ibig sabihin siya ay alalahanin sa kanyang ginawa. Ngunit,
siya ay hindi nagtagumpay, may ibang tao na darating at ipagpapatuloy ang misyon
at siya ang magiging “magpakailan man.”
Ang Espiritu ng Katotohanan
Ano ang dala ng “ibang Mangaaliw?”
Sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng
katotohanan: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya
nakikita, ni nakikilala man siya: siya'y nakikilala ninyo; sapagka't siya'y
tumatahan sa inyo, at sasa inyo. Juan 14:17 (TAB)
“ang Espiritu ng katotohanan” – Ito ang
tanda ng taong tinawag na “ibang Mangaaliw” na darating at ihahayag ang
Katotohanan tungkol sa Dios at ang Katotohanan din kay Jesus.
Sa dalang aral ng “ibang Managaaliw” ihahayag niya na si Jesus ay anak lamang ni
David at ang maningning na atala sa umaga.
Matatanggap ba kaagad ang aral?
“na hindi matatanggap ng sanglibutan” – marami ang hindi tatanggapin o
maniniwala sa kanya sa simula, dahil ang mga relihiyon ay nilinglang ang lahat
at pinaniwala sila na si Jesus ay tunay na “anak ng Dios at ang magbabalik.
“sasa inyo” – ang “Mangaaliw” ay tunay na darating, sa pangalan ni
Jesus, bakit?
Ang “Mangaaliw” ang magdadala ng katotohanan upang magbigay ng patotoo kay Jesus
ayon sa nakasulat sa Banal na Aklat. Maraming sinabi at ginawa si Jesus noong
nabuhay siya, at ang mga apostol at ang mga relihiyon ay marami ring sinabi na
naiiba sa mga sinabi ni Jesus noon. Hindi nila alam ang katotohanan tungkol kay
Jesus sa Banal na Aklat, dahil hindi sila ang mga inutusan upang ipaliwanag ang
mga ito.
Ngayon may nababasa tayo na aral na mula sa isang tao na malinaw na ipapaliwanag
ang mga sinabi ni Jesus noon, sino ang taong yaon? Siya si Maestro Evangelista!
Siya ang “anghel” ni Jesus – ang “Mangaaliw,” na binanggit ni Jesus noon.
Ano ang dala ni Maestro Evangelista? Dala ba niya ay masamang balita tungkol kay
Jesus?
Datapuwa't ang Mangaaliw, sa makatuwid
baga'y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang
magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa
inyo'y aking sinabi. Juan 14:26 (TAB)
Dala ni Maestro Evangelista ang “Espiritu Santo,”
ibig sabihin ang “Salita ng Dios,” ang Katotohanan. Ito na ang binabasa ninyo
ngayon, ang mga pahayag ni Maestro Evangelista, hinggil sa Dios at kay Jesus!
Si Maestro Evangelista ay pumaparito para kay Jesus rin; hindi siya kaaway at
hindi upang siraan si Jesus, ano ang sasabihin ni Maestro Evangelista tungkol kay
Jesus?
Ituturo ni Maestro Evangelista ang Katotohanan sa Banal na Aklat, ang Salita ng
Dios. Paaalalahanan niya tayo ng mga bagay na sinabi noon ni Jesus na hindi
inihayag ng mga relihiyon sa kanilang mga tagasunod; na tayo ay nilinlang ng mga
maling aral.
Basahin natin muli ang tungkol sa Espiritu Santo:
Mga kapatid, kinakailangang matupad ang
kasulatan, na nang una ay sinalita ng Espiritu Santo, sa pamamagitan ng
bibig ni David tungkol kay Judas, na siyang pumatnugot sa nagsihuli kay
Jesus. Mga Gawa 1:16 (TAB)
Nasulat na ang Espiritu Santo ay nagsalita sa pamamagitan ng bibig ni David
at ating mababasa muli sa:
Na sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sa
pamamagitan ng bibig ng aming amang si David, na iyong lingkod, ay sinabi
mo, Bakit nangagalit ang mga Gentil, At nagsipaghaka ang mga tao ng mga
bagay na walang kabuluhan? Mga Gawa 4:25 (TAB)
Alamin na natin kung ano ang tunay na kahulugan ng "Espiritu Santo" na
nagsalita sa pamamagitan ng bibig ni David:
Ito nga ang mga huling salita ni David.
Sinabi ni David na anak ni Isai, At sinabi ng lalake na pinapangibabaw, Na
pinahiran ng langis ng Dios ni Jacob, At kalugodlugod na mangaawit sa
Israel: Ang Espiritu ng Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ko, At ang
kaniyang salita ay suma aking dila. II Samuel 23:1 -2 (TAB)
At ang isa pa:
At kaniyang sinabi, Purihin ang Panginoon,
ang Dios ng Israel, na nagsalita ng kaniyang bibig kay David na aking ama,
at tinupad ng kaniyang kamay, na sinasabi, I Mga Hari 8:15 (TAB)
Ang kahulugan ng Espiritu Santo ay ang “Salita ng Dios,” hindi ang ikatlong
katauhan ng "trinity" (tatlong persona ng Dios) sa pag-aakala ng mga relihiyon.
Dito lamang sa ating panahon na ang tunay na kahulugan ng Espiritu Santo ay nasagot at ang mga sinasabi ng mga relihiyon tungkol dito ay hindi
totoo.
Muli, ipapaliwanag ni Maestro Evangelista: Ang Espiritu Santo na nagsalita sa
pamamagitan ng bibig ni David ay ang Salita ng Dios na ibinigay kay David.
"Espiritu," ibig sabihin, salita – at ang dahilan kung bakit tinawag itong Banal,
dahil ito ay mula sa Dios. Kaya nga kapag sinabi nating Espiritu Santo, ito ang
Salita ng Dios.
Ibinibigay ng Dios ang Kanyang Salita sa mga sinisugo Niya.
Bilang isang halimbawa, si propeta Isaias, papaano siya pinili?
At nagsisigawang isa't isa, at nagsasabi,
Banal, banal, banal ang Panginoon ng mga hukbo: ang buong lupa ay napuno ng
kaniyang kaluwalhatian.
At ang mga patibayan ng mga pintuan ay
nakilos sa tinig ng sumisigaw, at ang bahay ay napuno ng usok.
Nang magkagayo'y sinabi ko, Sa aba ko!
sapagka't ako'y napahamak; sapagka't ako'y lalaking may maruming mga labi,
at ako'y tumatahan sa gitna ng bayan na may maruming mga labi: sapagka't
nakita ng aking mga mata ang Hari, ang Panginoon ng mga hukbo. Isaias
6:3-5 (TAB)
Inamin ni Isaias na siya ay nagkasala rin. Ang
lahat ng mga propeta ay may iba’t-ibang pinagmulan at pag-uugali, upang sila ay
maging mapagkumbaba.
Nang magkagayo'y nilipad ako ng isa sa mga
serapin, na may baga sa kaniyang kamay, na kaniyang kinuha ng mga pangipit
mula sa dambana:
At hinipo niya niyaon ang aking bibig, at
nagsabi, Narito, hinipo nito ang iyong mga labi; at ang iyong kasamaan ay
naalis, at ang iyong kasalanan ay naalis. Isaias 6:6-7 (TAB)
Nguni’t sa ating panahon, ano ang ibig sabihin ng
“Espiritu?” Sa panahon lamang natin malalaman na ang aral na ibinigay ng mga
relihiyon sa atin ay mga kasinungalingan mula sa simula pa:
At ang lupa ay walang anyo at walang laman;
at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay
sumasa ibabaw ng tubig. At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at
nagkaroon ng liwanag. Genesis 1:1-3 (TAB)
Ano ang “Espiritu ng Dios” na sumasa ibabaw ng
tubig?
Ibigay ninyo sa Panginoon ang
kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan: inyong sambahin ang Panginoon
sa kagandahan ng kabanalan. Awit 29:2 (TAB)
Kung hindi mo alam ang Pangalan ng Dios, hindi mo
makikilala ang Tunay na Dios.
“Ang Espiritu ng Dios” na sumasa ibabaw ng
tubig, ano ang ibig sabihin nito sa Banal na Aklat?
Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng
tubig: ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog, sa makatuwid baga'y ang
Panginoon sa ibabaw ng maraming tubig.
Awit 29:3 (TAB)
“Ang tinig ng Panginoon” – Ibig sabihin,
ang Dios ay nagsalita. Hindi ito ang ikatlong katauhan ng "trinity" (tatlong
persona ng Dios) na inakala ng mga relihiyon.
Basahin muli ang talata:
At ang lupa ay walang anyo at walang laman;
at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay
sumasa ibabaw ng tubig. Genesis 1:1-2 (TAB)
Ano ang ginawa ng Dios pagkatapos?
At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at
nagkaroon ng liwanag. Genesis 1:1-3 (TAB)
“At sinabi ng Dios” – Sinabi ng Dios lamang, nagbigay siya ng utos gamit
ang Kaniyang Salita. Hindi lumilikha o gumagawa ang Dios
nang hindi Niya muna ipinag-uutos.
At ano pa ang mga kautusan o ang mga iniutos ng Dios noon na ibinigay?
Ito ang pangako ng Dios kay Moses:
Ayon sa lahat ng iyong ninasa sa Panginoon
mong Dios sa Horeb, sa araw ng kapulungan, na sinasabi, Huwag mong iparinig
uli sa akin ang tinig ng Panginoon kong Dios, ni ipakita pa sa akin itong
dakilang apoy, upang huwag akong mamatay.
Deuteronomio 18:16 (TAB)
Ang marinig ang Tinig ng Dios ay nakamamatay.
Ano ang sagot ng Dios?
At sinabi ng Panginoon sa akin, Mabuti ang
kanilang pagkasabi ng kanilang salitain. Deuteronomio 18:17 (TAB)
At…
Ang
Propetang sinugo na "gaya ni Moises"
Aking palilitawin sa kanila ang isang
propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang
aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat
ng aking iuutos sa kaniya. Deuteronomio 18:18 (TAB)
Isang sinugo na gaya ni Moses, ano ang magiging
kaibahan ni Maestro Evangelista?
at aking ilalagay ang aking mga salita sa
bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa
kaniya. Deuteronomio 18:18 (TAB)
Sasalitain lamang ni Maestro Evangelista ang mga
ibinibigay sa kanya ng Dios.
At ano naman ang magyayari kung hindi natin pakikinggan ang mga Salita ng Dios
na ihahayag ng propetang tinutukoy sa Banal na Aklat na si Maestro Evangelista?
At mangyayari, na sinomang hindi makikinig
sa aking mga salita na kaniyang sasalitain sa aking pangalan, ay aking
sisiyasatin yaon sa kaniya.
Deuteronomio 18:19 (TAB)
“sinomang” – kahit sinong tao.
Papaano naman ang mga tao na nakaalam na ng aral na ito at nakilala ang Pangalan ng
Dios nguni’t walang pakundangan o pinagpawalang halaga ang sinugo at ginamit
ang mga ito sa pansariling kapakanan o ang magtayo ng isang bagong relihiyon o
simbahan?
Nguni't ang propeta na magsasalita ng
salitang may pagpapalalo sa aking pangalan, na hindi ko iniutos sa kaniyang
salitain o magsasalita sa pangalan ng ibang mga dios, ay papatayin nga ang
propetang yaon.
At kung iyong sasabihin sa iyong puso:
Paanong malalaman namin ang salita na hindi sinalita ng Panginoon? Pagka
ang isang propeta ay nagsasalita sa pangalan ng Panginoon, kung ang bagay na
sinasabi ay hindi sumunod ni mangyari, ay hindi sinalita ng Panginoon ang
bagay na yaon: ang propetang yaon ay nagsalita ng kahambugan, huwag mong
katatakutan siya. Deuteronomio 18:19-22 (TAB)
May panahon ng kagantihan, at gagawin ito ng Dios.
At inihayag muli, isang tanda ang ibinigay
tungkol sa sinugo:
Ang salita nga ng Panginoon ay dumating sa
akin, na nagsasabi,
Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa
bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta sa mga bansa.
Jeremias 1:4-5 (TAB)
Hindi ito si Jesus, dahil sinugo lamang siya
sa kanyang bayan gaya ng mga propeta na nauna sa kanya. Nguni’t ang propetang
ito, bago pa man siya ipinanganak, inihayag na ng Dios ang kanyang pagparito, at
siya ay susuguin sa mga bansa.
At…
Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah, Panginoong
Dios! narito, hindi ako marunong magsalita: sapagka't ako'y bata.
Jeremias 1:6 (TAB)
“bata” – Ibig sabihin hindi siya maalam o hindi sanay sa Banal na
Aklat,
ang Dios ang magtuturo sa kanya.
Nguni't sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag
mong sabihin, Ako'y bata: sapagka't saan man kita susuguin ay paroroon ka,
at anomang iutos ko sa iyo ay sasalitain mo. Jeremias 1:7 (TAB)
At sa pagdating ng panahon na haharap si Maestro
Evangelista upang ihayag ang Mensahe ng Dios sa mga bansa at sa mga relihiyon,
ano ang sabi ng Dios?
Huwag kang matakot dahil sa kanila;
sapagka't ako'y sumasaiyo upang iligtas kita, sabi ng Panginoon.
Jeremias 1:8 (TAB)
Huwag matakot at hindi siya pababayaan ng Dios.
Papaanong naiba si Maestro Evangelista sa mga propetang sinugo noon? Ano ang
katangi-tanging bagay na ibinigay sa kanya?
Nang magkagayo'y iniunat ng Panginoon ang
kaniyang kamay, at hinipo ang aking bibig; at sinabi sa akin ng Panginoon,
Narito, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig: Jeremias 1:9
(TAB)
Inilagay ng Dios ang Kaniyang Salita sa bibig ni
Maestro Evangelista, ito ang tanda; isang tao na walang kaalaman sa Banal na
Aklat, na hindi nag-aral sa mga matataas na paaralan, nguni’t may kakayahang
magpaliwanag sa mga nasusulat sa Banal na Aklat. Matiyaga niyang hinihintay
ang Mensahe na ibinibigay sa kanya ng Dios.
Ang nag-iisang tao na binigyan ng Salita ng Dios, mula sa anim na bilyong tao sa
buong mundo!
Ano ang kanyang misyon sa Dios?
Tingnan mo, aking pinapagpupuno ka sa araw
na ito sa mga bansa at sa mga kaharian, upang magalis at magbagsak at upang
magsira at magwasak, upang magtayo at magtatag. Jeremias 1:10 (TAB)
“sa araw na ito” – May takdang panahon ng
kaganapan.
Ang sabi ni Maestro Evangelista, kapag ang mga tao sa buong mundo ay malalaman
na si Jesus ay:
• Hindi tunay na “anak ng Dios,” isang tao
lamang, na anak ni David,
• Na hindi nagtagumpay sa kanyang misyon at
gumawa na "kasamaan,"
• At siya rin ang “maningning na tala sa umaga”
Ang lahat ng mga relihiyon ba ay babagsak ng
sabay-sabay o hindi?
Si Maestro Evangelitsa ay sinugo na dala ang Salita ng Dios o ang “Espiritu
Santo” na
ihahayag sa mga bansa.
Ano ang dahilan na si Maestro Evangelista ang maghahayag ng katotohanan tungkol
kay Jesus, bakit hindi na lang si Jesus ang magpatotoo sa kanyang sarili? Ano
ang dahilan?
Kung ako'y nagpapatotoo sa aking sarili,
ang patotoo ko ay hindi katotohanan.
Juan 5:31 (TAB)
Sinabi na ito noon ni Jesus, hindi siya ang
magpapatotoo sa kanyang sarili.
Iba ang nagpapatotoo sa akin; at talastas
ko na ang patotoong isinasaksi niya sa akin ay totoo. Juan 5:32 (TAB)
Wala na siyang karapatan; inalis na sa kanya. May
ibang magpapatotoo sa kanya, sino?
Datapuwa't pagparito ng Mangaaliw, na
aking susuguin sa inyo mula sa Ama, sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng
katotohanan, na nagbubuhat sa Ama, ay siyang magpapatotoo sa akin: Juan
15:26 (TAB)
Si Maestro Evangelista ang magpapatotoo kay
Jesus.
“mula sa Ama” – Si Maestro Evangelista ay sinugo ng Dios upang ihayag rin
ang Patotoo ni Jesus. Upang ang mga tao sa buong mundo ay malaman na sa wakas ang
tungkol sa panlilinlang ng mga relihiyon at maunawaan na rin sa wakas na may isang
Dios at si Jesus ay hindi isang “anak ng Dios.”
Papaano natin malalaman na ang “Mangaaliw” ay naririto na?
Ang mga bagay na ito'y aking sinalita sa
inyo, upang kayo'y huwag mangatisod.
Kayo'y palalayasin nila sa mga sinagoga:
oo, dumarating ang oras, na ang sinomang pumatay sa inyo ay aakalaing
naghahandog siya ng paglilingkod sa Dios.
Juan 16:1-2 (TAB)
Ang “Mangaaliw” ang magpapaliwanag na pinaalalahanan na tayo noon pa man ni
Jesus sa mga kadahilanan kung bakit ang mga tao ay nagpapatayan, hanggang sa
ating panahon.
Bakit sila nagpapatayan?
At ang mga bagay na ito'y gagawin nila,
sapagka't hindi nila nakikilala ang Ama, ni ako man. Juan 16:3 (TAB)
Ang dahilan ng pagpapatayan ng mga tao ay dahil hindi nila kilala ang Dios at
hindi rin nila kilala si Jesus. Iisa ang binabasang Banal na Aklat, nguni’t
hindi nila nakilala ang Dios at si Jesus. Papaanong walang alam ang
mga apostol ni Jesus tungkol dito?
Datapuwa't ang mga bagay na ito'y sinalita
ko sa inyo, upang kung dumating ang kanilang oras, ay inyong mangaalaala,
kung paanong sinabi ko sa inyo. At ang mga bagay na ito'y hindi ko sinabi sa
inyo buhat pa nang una, sapagka't ako'y sumasa inyo. Juan 16:4 (TAB)
Hindi sa panahon ni Jesus mahahayag ang mga sinalita niya. Ito ay mahahayag sa
panahon ng pagparito ng “Mangaaliw.”
Bakit?
Datapuwa't ngayong ako'y paroroon sa
nagsugo sa akin; at sinoman sa inyo ay walang nagtatanong sa akin, Saan ka
paroroon? Juan 16:5 (TAB)
Hindi na siya ang “magpakailan pa man,” na
inihayag noon sa II Samuel 7:12-14.
Ang panahon ng kanyang pagpapanggap bilang “anak ng Dios” at nahatulang
tumanggap ng kaparusahan, at di kalaunan ay namatay; gayunpaman ang kanyang mga
apostol ay hindi naunawaan ang kanyang mga sinabi. Kaya nga kanyang sinabi
“sinoman sa inyo ay walang nagtatanong sa akin, Saan ka paroroon?”
At kung nasabi man niya sa kanyang mga
apostol kung saan siya papunta, ano ang kanilang mararamdaman? Nguni't
sapagka't sinalita ko ang mga bagay na ito sa inyo, ay napuno ng kalumbayan
ang inyong puso. Juan 16:6 (TAB)
Kung si Jesus, na ayon sa mga relihiyon ay umakyat
sa langit, bakit sinabi niyang malulungkot ang mga apostol niya kung alam din
naman nila na umakyat sila sa langit?
Nangangahulugang hindi siya nakaakyat sa langit.
Gayon ma'y sinasalita ko sa inyo ang
katotohanan: Nararapat sa inyo na ako'y yumaon; sapagka't kung hindi ako
yayaon, ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; nguni't kung ako'y yumaon,
siya'y susuguin ko sa inyo. Juan 16:7 (TAB)
Si Jesus nga ay tunay na paalis, dahil siya ay paparusahan, ito ang dahilan kung
bakit niya nasabi na kailangan na niyang umalis.
Bakit?
… sapagka't kung hindi ako yayaon, ang
Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; nguni't kung ako'y yumaon, siya'y
susuguin ko sa inyo. Juan 16:7 (TAB)
Kailangan na niya talagang umalis, kung hindi ay hindi darating ang
“Mangaaliw.”
At sa pagparito ng “Mangaaliw” o ni Maestro
Evangelista, ano ang mangyayari?
At siya, pagparito niya, ay kaniyang
susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa
paghatol: Juan 16:8 (TAB)
Matatagpuan ng “Mangaaliw” o ni Maestro
Evangelista na ang mga tao sa kasalukuyang panahon ay hindi gumagawa ng tama
ayon sa aral ng Dios.
Ihahayag ni Maestro Evangelista sa atin ang mga ito.
Tungkol sa kasalanan, sapagka't hindi sila
nagsisampalataya sa akin;
Juan 16:9 (TAB)
Dahil sinabi na ni Jesus noon na may darating na “anghel” (Apocalipsis 22:16) o ang “Mangaaliw” (Juan 14:16) upang ipagpatuloy ang misyon sa Dios; nguni’t
hinihintay pa rin ng mga tao ang kanyang pagbabalik, dahil sila ay nilinlang ng
mga relihiyon.
Tungkol sa katuwiran, sapagka't ako'y
paroroon sa Ama, at hindi na ninyo ako makikita; Juan 16:10 (TAB)
Hindi na magbabalik si Jesus, pinarusahan at namatay sa kanyang nagawang "kasamaan."
Tungkol sa paghatol, sapagka't ang
prinsipe ng sanglibutang ito ay hinatulan na.
Juan 16:11 (TAB)
Ang itinuturo ng mga relihiyon na kung sinoman ang darating na may dalang aral
na kakaiba sa mga aral nila tungkol kay Jesus ay ang “Anti-Kristo.”
Ang sabi ni Maestro Evangelista, ano ba ang ibig sabihin ng “Kristo?”
Nabasa at nalaman natin sa pamamagitan ng mga pahayag ni Maestro Evangelista
ang tungkol sa Patotoo ni Jesus sa Banal na Aklat, ang Salita ng Dios, na si Jesus
ay hindi naging isang “Kristo.”
Hindi nagtagumpay si Jesus sa kanyang misyon at ang mga tao ay hindi alam na
sinabi na ni Jesus na may darating na isang “Mangaaliw” na magtutuloy ng kanyang
gawain, at hindi kaaway niya.
Kung sinoman ang paparito at magtuturo tungkol sa tunay na Jesus, na nakasulat
sa Banal na Aklat, ito ay ang “Mangaaliw” (Juan 14:16) o “Anghel” (Apocalipsis
22:16).
Itinuturo ng mga relihiyon ang nais nilang maging Jesus, hindi ang tunay na
Jesus na nakasulat sa Banal na Aklat.
Sinabi ba ni Jesus ang lahat sa mga apostol niya?
Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo
ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Juan 16:12
(TAB)
“maraming bagay na sa inyo ay sasabihin “
– Nais sabihin ni Jesus ang Katotohanan kahit sa panahon niya, nguni’t hindi na
siya binigyan ng pagkakataong sabihin ang mga ito (Juan 5:31-32).
At sinasabi ng mga relihiyon na marami silang
alam tungkol kay Jesus, nililinlang nila ang mga tao.
Ito na ngayon ang gawain ng “Mangaaliw”, ang paghahayag ng Patotoo ni Jesus.
Sa panahon niya, kung sasabihin ni Jesus ang tungkol sa Katotohanan ng tunay na
nangyari sa kanya (na inihahayag ngayon sa atin ng kanyang “Mangaaliw,” na si
Maestro Evangelista, makakayanan ba nila ang kanyang pahayag?
Kaya nga nang kanyang sabihin na kung saan siya papunta, sila ay malulumbay.
Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng
katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan:
sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang
anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at
kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating. Juan 16:13
(TAB)
“ang Espiritu ng katotohanan ay dumating”
– Itinuturo ng mga relihiyon na ito ay ang Espiritu Santo, nguni’t ating
nabasa na isang tao lamang, “siya” ang tinutukoy na “Espiritu ng Katotohanan,”
ibig sabihin ay may isang taong darating dala ang Salita ng Dios.
Ang “Mangaaliw” ay magsasabi ng Katotohanan.
...sapagka't hindi siya magsasalita ng
mula sa kaniyang sarili Juan 16:13 (TAB)
Magtuturo at magsasalita ang “Mangaaliw” ayon sa
ipinaguutos ng Dios sa kanya, at ang mga aral na nakasulat sa Banal na Aklat.
… kundi ang anomang bagay na kaniyang
marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain Juan 16:13 (TAB)
Ihahayag lamang ng “Mangaaliw” ang Mensahe na
nais ng Dios na ipaalam sa lahat ng tao,
Hindi idaragdag o isasama ni Maestro Evangelista ang kanyang sariling kuru-kuro
tungkol sa ibinibigay na Mensahe mula sa Dios; kung anuman ang kanyang
ipinahahayag at ipinaliliwanag, mula ito sa Dios at makikita ang mga ito sa
Banal na Aklat, ang Salita ng Dios.
“at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” – Si Maestro
Evangelista ay binigyan ng mga pangitain mula sa Dios na kanyang ihahayag sa mga
tao sa buong mundo, mga pangyayari o mga bagay na mangyayaring madali.
At tungkol kay Jesus…
Luluwalhatiin niya ako: sapagka't kukuha
siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag. Juan 16:14 (TAB)
“Luluwalhatiin niya ako” – si Jesus na ang
nagsabi nito, hindi niya kaaway ang “Mangaaliw” o si Maestro Evangelista.
“sapagka't kukuha siya sa nasa akin” – si Maestro Evangelista ang
magpapatuloy ng hindi ganap na gawain ni Jesus, ang ipakilala ang Pangalan ng
Dios sa mga tao.
“at sa inyo'y ipahahayag” – upang ipakilala sa lahat ng tao sa buong
mundo.
Ang lahat na ibinigay ng Dios kay Jesus ay
inilipat kay Maestro Evangelista: ang misyon, ang pagpapala at sumpa, at
pagganap sa mga hindi ginanap ni Jesus. Ang lahat ng mga bagay na nasa
Ama ay akin: kaya sinabi ko, na siya'y kukuha sa nasa akin, at sa inyo'y
ipahahayag. Juan 16:15 (TAB)
Ngayong naalaman na natin ang Katotohanan tungkol
kay Jesus at kung patuloy pa tayong sasampalataya o mananalangin sa Dios sa
pamamagitan ng kanyang pangalan, ano ang masasabi ni Jesus tungkol dito?
Sinalita ko sa inyo ang mga bagay na ito
sa malalabong pananalita: darating ang oras, na hindi ko na kayo
pagsasalitaan sa malalabong pananalita, kundi maliwanag na sa inyo'y
sasaysayin ko ang tungkol sa Ama. Juan 16:25 (TAB)
Nagsalita si Jesus ng mga talinghaga na hindi
nila naunawaan ng lubos, at...
“darating ang oras” – Ang panahon ng pagparito ni Maestro Evangelista dala ang
Patotoo ni Jesus at ang Salita ng Dios.
“maliwanag na sa inyo'y sasaysayin ko ang tungkol sa Ama” – Sa pamamagitan
lamang ni Maestro Evangelista ay naunawaan natin ng malinaw ang mga sinalita ni
Jesus, at ang kaalaman ng Pangalan ng Dios.
At sa
pagdating ng panahon, na ngayon na, na ating naalalaman ang tunay na Jesus at
ang Katotohanan din tungkol sa Dios, makakatawag pa ba tayo sa Dios sa pangalan
ni Jesus?
Makakapanalangin pa ba tayo sa Dios at gamitin ang “Sa ngalan ni Jesus?”
Sa araw na yao'y magsisihingi kayo sa aking pangalan: at sa inyo'y hindi ko
sinasabi, na kayo'y idadalangin ko sa Ama; Juan 16:26 (TAB)
“Sa araw na yao'y magsisihingi kayo sa aking pangalan” – Hindi ba araw-araw
nating naririnig, nakikita kahit sa mga programa sa telebisyon na ito ang
ginagawa ng mga relihiyon.
At
dahil dumating na ang may dala ng tunay na aral, may bisa pa ba ang mga
pananalangin nila sa “Ngalan ni Jesus?”
“at sa
inyo'y hindi ko sinasabi, na kayo'y idadalangin ko sa Ama;” – Noon pa man sinabi
na ni Jesus ito, nilinlang tayo ng mga relihiyon upang sumampalataya kay Jesus
para
mapalapit sa Dios! Wala na siyang karapatan na idalangin tayo sa Dios.
Ano
ang kay Jesus na kukunin ng “Mangaaliw” at ipapakita sa lahat ng tao?
Ano ba
ang dapat na naging gawain ni Jesus mula sa Dios?
Oh Amang banal, hindi ka nakikilala ng sanglibutan, nguni't nakikilala kita; at
nakikilala ng mga ito na ikaw ang nagsugo sa akin; Juan 17:25 (TAB)
Alam ng kanyang bayan na si Jesus ay sinugo ng Dios, ano ang kanyang misyon?
At ipinakilala ko sa kanila ang iyong pangalan, at ipakikilala ko; upang ang
pagibig na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako'y sa kanila. Juan 17:26 (TAB)
Ang misyon ni Jesus ay ang ipakita ang Pangalan ng Dios sa kanyang bayan.
… upang ang pagibig na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako'y sa
kanila. Juan 17:26 (TAB)
Nang si Jesus ay hindi nagtagumpay at gumawa pa ng kasamaan,
ang Pagibig ng Dios ay hindi nakamit ng kanyang bayan; hindi nagkaroon ng
pagkakataon ang kanyang bayan na makilalala ang Pangalan ng Dios. Walang
Pagliligtas.
At,
ang dahilan kung bakit si Jesus ay pinarusahan ng mga tao ay dahil na nga rin sa
kanyang misyon; ang mga tao ang makikinabang sa pagkilala ng Pangalan ng Dios,
makatanggap ng pagliligtas at manumbalik sa Dios. Nang si Jesus ay hindi
nagtagumpay, sino ang nawalan ng pagkakataon na maligtas? Ang mga tao sa
kapanahunan niya. Kaya nga,
ayon sa inihayag sa II Samuel 7:12-14: kung siya'y gumawa ng kasamaan, aking
sasawayin siya ng pamalo ng mga tao, at ng panghampas ng mga anak ng mga tao,”
at si Jesus nga ay pinarusahan ng mga tao dahil hindi niya napagtagumpayan ang
kanyang misyon.
Sino
ang magpapatuloy at ang magpapakilala sa Pangalan ng Dios sa mga tao sa buong
mundo?
Nguni't katotohanan bang tatahan ang Dios sa lupa? Narito, sa langit at sa
langit ng mga langit ay hindi ka magkasiya; gaano pa sa bahay na ito na aking
itinayo! I Mga Hari 8:27 (TAB)
Ang Dios ay wala sa mga templo o mga simbahan…
Gayon ma'y iyong pakundanganan ang dalangin ng iyong lingkod at ang kaniyang
pamanhik, Oh Panginoon kong Dios, na dinggin ang daing at dalangin na
idinadalangin ng iyong lingkod sa harap mo sa araw na ito: Na anopa't ang iyong mga mata ay idilat sa dako ng bahay na ito gabi at araw, sa
dakong iyong sinabi, Ang aking pangalan ay doroon; upang dinggin ang panalangin
na idadalangin ng iyong lingkod sa dakong ito. I Mga Hari 8:28-29 (TAB)
Naitayo ba ni Salomon ang bahay na may Pangalan ng
Dios? Dapat nakita na ng
kanyang bayan ang Pangalan na nasa bahay, dahil siya ay nagtayo pa ng ibang mga
bahay o templo para sa mga dios ng kanyang mga asawa, ang mga tao ay nalito sa
maraming bahay o templo ng mga ibang dios na itanayo ni Salomon. Walang nakaalam
kung anong bahay ang may Pangalan ng Dios.
Matapos noon, dumating si Jesus, sa halip na akayain at ituro ang bahay na may
Pangalan ng Dios, siya ay nagpanggap na “anak ng Dios” at nagtayo pa ng sariling
bahay o iglesia, hindi rin siya nagtagumpay.
Ngayon, sino ang magpapatuloy ng misyong ito?
Bukod dito'y tungkol sa taga ibang lupa, na hindi sa iyong bayang Israel, pagka
siya'y magbubuhat sa isang malayong lupain dahil sa iyong pangalan; I Mga
Hari 8:41 (TAB)
“taga ibang lupa” – Ibig sabihin ay isang tao na manggagaling sa malayong lupain,
ang “Mangaaliw” ay hindi magmumula sa lahi ng sangbahayan ni David at siya ang
magpapakilala sa Dakilang Pangalan ng Dios sa lahat ng tao, at makikilala ba ng
lahat ang Dakilang
Pangalan?
(Sapagka't kanilang mababalitaan ang iyong dakilang pangalan, at ang iyong
makapangyarihang kamay, at ang iyong unat na bisig:) pagka siya'y paririto at
dadalangin sa dako ng bahay na ito;
Dinggin mo nga sa langit na iyong tahanang dako, at gawin mo ang ayon sa lahat
na idalangin sa iyo ng taga ibang lupa; upang makilala ng lahat ng mga bayan sa
lupa ang iyong pangalan, upang matakot sa iyo, gaya ng iyong bayang Israel, at
upang kanilang makilala na ang bahay na ito na aking itinayo ay tinatawag sa
pamamagitan ng iyong pangalan. I Mga Hari 8:42-43 (TAB)
Kahit si Salomon ay alam ang pagdating ng “Taga Ibang Lupa” o ni Maestro
Evangelista na inihayag sa Banal na Aklat.
Tunay
na si Maestro Evangelista ang taong ipinangako ng Dios para sa ating panahon!
Bumalik sa Itaas.
Magpatuloy sa:
Si Jesus walang pagkakasala?
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Tuesday November 03, 2015
|