Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Ang Maningning na Tala sa Umaga
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
Ang Kapamahalaan at Ang
Kaluwalhatian ng Mundo
Inihayag noong ika-22 ng Agosto 2005
Sino ang nagbigay nito kay Jesus?
Alam natin na hindi ipinangako ng Dios ang "kapamahalaan at kaluwalhatian ng mundo" kay Jesus. Siya ay inutusan lamang na
akayin ang kanyang bayan sa bahay na may Pangalan ng Dios upang maligtas sa
kanilang mga kasalanan.
Umpisahan natin at tukuyin kung kanino tumanggap at sino ang nagbigay ng "kapamahalaan
at kaluwalhatian ng mundo" kay Jesus; ang kapangyarihang magpagaling at
magpalayas ng mga demonyo, at gumawa ng mga himala.
Ang Pagtukso sa Ilang
Basahin sa:
At sinabi sa kaniya ng diablo, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ipag-utos mo na ang
batong ito ay maging tinapay.
Lucas 4:3 (TAB)
Mahalaga ang yugtong ito sa buhay ni Jesus na hindi naunawaan ng mga relihiyon
at ng mga tao.
Hinamon ng Diablo si Jesus na gawing tinapay ang bato;
at kung si Jesus nga ay isang tunay na “anak ng Dios,” hindi na siya kailangan
pang hamunin upang mapatunayan ito, iyan ay isang paghamak kung iisipin.
Nguni’t paano sinagot ni Jesus ang paghamon ng Diablo?
At sinagot siya ni Jesus, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao.
Lucas 4:4 (TAB)
Sinagot ni Jesus ang Diablo ng may pag-iwas; parang sinabi na rin niya na hindi
niya kayang gawing tinapay ang bato.
Alam ng Diablo na hindi siya tunay na "anak ng Dios" na walang kapangyarihan na
gawing tinapay ang bato at ito ang dahilan upang ang Diablo ay nagbigay ng alok:
At iniakyat pa siya niya, at ipinakita sa kaniya sa sandaling panahon ang lahat
ng mga kaharian sa sanglibutan.
At sinabi sa kaniya ng diablo, Sa iyo'y ibibigay ko ang lahat ng kapamahalaang
ito, at ang kaluwalhatian nila: sapagka't ito'y naibigay na sa akin; at ibibigay
ko kung kanino ko ibig.
Lucas 4:5-6 (TAB)
"At
iniakyat pa siya niya"
- kung Si Jesus ay tunay na "anak ng Dios;" bakit bitbit siya ng Diablo? Hindi
ba niya kayang pumaitaas ng mag-isa? Isa itong patunay na na tao lang siya at
walang kapangyarihan.
"sapagka't ito'y naibigay na sa akin" - Ang sabi
ni Maestro Evangelista, nagwagi ang ahas/Diablo/Satanas kina Adan at Eva sa
Halamanan ng Eden at ang mag-asawa ay pinalayas,
hindi ang ahas. Kaya nga ang mundo ay ibinigay na sa ahas noon; at kung iyan ay
hindi totoo, winasto sana ni Jesus ang pag-angkin nito.
Ang Diablo ang nangako ng "kapamahalaan at kaluwalhatian ng mundo" kay Jesus, ano ang hininging kapalit?
Kaya nga kung sasamba ka sa harapan ko, ay magiging iyong lahat.
Lucas 4:7 (TAB)
Ang sabi ni Maestro Evangelista, na ayon sa nasusulat sa Banal na Aklat, ang
Diablo ang nag-alok at nangako ng "kapamahalaan at kaluwalhatian ng mundo" kay Jesus. Upang
ating malaman kung ang alok nga ay tinanggap, tayo ay magtanong ng isang
palaisipan:
Ang sabi ng Diablo, ang mundo ay naibigay na sa kanya dahil pinagwagian niya
ito (sa anyong ahas) sa Halamanan ng Eden ng manaig siya kina Eva at Adan;
kung inalok at ibinigay ang mundo kay Jesus; hawak pa ba ni Satanas ang
mundo? Hindi na. Sino na ang may hawak ngayon? Si Jesus na.
At dahil sa sinabi ng Diablo na ang mundo ay naibigay sa
kanya, ang mundo dapat ay sumasamba sa Diablo (dahil ang hindi pagsunod sa Dios
ay pagsamba sa Diablo); ang tanong: sa kasalukuyan, kanino
nananalangin, sumasamba at nananawagan ang lahat? Kay Jesus!
Tinanggap ba niya ang alok ni Satanas o hindi? Tinanggap niya ang alok.
Papaano pa natin malalaman na tinanggap ni Jesus ang alok
ng "kapamahalaan at kaluwalhatian ng mundo?"
Papaano sumamba si Jesus sa Diablo? Anu-ano ang mga katunayan na makikita at
mababasa sa Banal na Aklat?
Una, kailangan nating malaman ang paraan ng pagsamba sa Dios, at makita rin ang
paraan ng pagsamba kay Satanas; gagawin natin ito upang ating malaman ng walang
pag-aalinlangan kung tayo ay sumasamba sa tunay na Dios o sa Diablo/ Satanas.
Ang
palagiang sinasabi ng mga relihiyon sa lahat na ang kanilang ipinangangaral ay
"ang
aral ng Dios" sa Banal na Aklat. Kailangan din natin silang tanungin, nasaan ang
"aral ng Diablo/Satanas?" Sasabihin pa rin nila, “Ito ang aral ng Dios!” nang
hindi ipinapakita ang "aral ni Satanas." Papaano mo malalaman na ang Dios na
ipinasasamba ng mga relihiyon sa atin ay ang tunay na Dios at hindi ang Diablo/Satanas?
Ito ang isa sa mga pamamaraan ng panlilinlang at pandaraya ng mga relihiyon sa
atin!
Hindi natin nakita ang dalawang aral; Ang "aral ng Dios" at ang
"aral ni Satanas," dahil itinago ito ng mga relihiyon.
Sa kaunaunahang pagkakataon, ipapakita sa atin ni
Maestro Evangelista ang dalawang panig, ang "aral ng Dios" laban sa
"aral ni Satanas."
Ang sabi ni Maestro Evangelista, kapag nakita o nalaman ang
"aral ng Dios" at ang "aral ng Diablo/Satanas," ano ang pipiliin
natin? Madadaya pa ba tayo? Iyan ay hindi na mangyayaring muli.
Ang Pagsamba sa Dios
Una, ating pag-aralan ang paraan ng pagsamba sa Dios:
At bukod dito, anak ko, maaralan ka: tungkol sa paggawa ng maraming aklat ay
walang wakas; at ang maraming pagaaral ay kapaguran ng katawan.
Eclesiastes 12:12 (TAB)
"kapaguran
ng katawan"
- Nalito at naligaw ang mga tao sa mga maraming aklat na ginawa ng mga relihiyon
tungkol sa kanilang mga maling aral tungkol kay Jesus at sa Dios, sapat na sa
atin ang Banal na Aklat. Hindi na natin kailangan ng napakaraming aklat tungkol
kay Jesus at mga aklat na gawa ng mga relihiyon.
May mga pastor at mga mangangaral na nakapakinig ng aral na ito mula kay
Maestro
Evangelista, at nang tinanong sila kung may tumama ba sa mga pinag-aralan nila sa
kani-kanilang mga relihiyon tungkol sa tunay na aral sa Dios at kay Jesus, ang
sagot nila: sa ilang taon nilang pag-aaral ay ni isa ay walang tumama.
Nagpagod lang sila.
Nalaman natin na hindi nagawa at hindi napagtagumpayan ni Jesus ang kanyang tungkulin;
at namatay siya hindi para sa ating mga kasalanan, kundi dahil sa kanyang "kasamaan," taliwas sa ipinangangaral ng mga relihiyon.
Nalaman din natin na ang ating natutunan mula sa mga relihiyon ay mali; sa
madaling salita, tayo ay nagsayang lamang ng panahon at sikap ukol sa isang
paniniwalang hindi naman pala totoo.
Ang
sabi ni Maestro Evangelista, alamin natin kung ano ang dapat basahin tungkol sa
Dios upang hindi tayo mapagod sa huli.
Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito
ay hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka't
iniutos ng aking bibig, at pinisan sila ng kaniyang Espiritu.
Isaias 34:16 (TAB)
“sa
aklat ng Panginoon” - malinaw na tinukoy na ang dapat lamang nating basahin
ay ang tungkol sa Dios at ang mga aklat sa Lumang Tipan; mula sa mga propeta na
binigyan ng mga lihim Niya, sapat na sana ang mga aklat na ito. Nguni’t ang mga
relihiyon ay gumawa pa ng mga aklat ng Bagong Tipan at mga aral na mula sa mga
apostol ni Jesus; na mga walang karapatan at walang kapahintulutan na magsalita
ukol sa Dios at magsalita rin tungkol kay Jesus.
Nagbunga ito ng malaking kalituhan at panlilinlang na nangyari
sa kasaysayan ng sangkatauhan!
Ang aral ng mga relihiyon ay tunay na lumihis
sa katotohanan, dahil ipinasasamba tayo kay Jesus na hindi
naman dios at hindi rin naman tunay na “anak ng Dios,” siya ay isang tao lamang na hindi nagawa
ang tungkulin at pinarusahan sa kanyang "kasamaan." Sumpa ang inabot natin mula sa
Dios!
Ating basahin muli at pag-aralan ang paraan ng pagsamba sa Dios.
Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo
ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao.
Eclesiastes 12:13 (TAB)
Ang paraan ng pagsamba sa tunay na Dios ay ang katakutan Siya at sundin ang mga kautusan
Niya; ito ang buong katungkulan ng tao. Upang ating maunawaan ito, ating basahin
muli sa:
Narito, inilalagay ko sa harap ninyo sa araw na ito ang pagpapala at ang sumpa;
Deuteronomio 11:26 (TAB)
Nalaman natin kanina na inilagay ng Dios sa atin ang
"pagpapala at ang sumpa," tayo na ang may pananagutan sa pagpili ng uri ng ating pamumuhay sa mundong ito.
At upang tayo ay makatanggap at magtamasa ng pagpapala ng Dios, ano ang dapat
nating gawin?
Ang pagpapala, kung inyong didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, na
aking iniutos sa inyo sa araw na ito;
At ang sumpa, kung hindi ninyo didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios,
kundi kayo lilihis sa daan na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, upang
sumunod sa ibang mga dios, na hindi ninyo nangakilala.
Deuteronomio 11:27-28 (TAB)
Tatanggap tayo ng biyaya kung ating susundin ang mga kautusan ng Dios, madali
lang, sundin ang Dios. At sa ating nabasa sa Ecclesiastes 12:12-13, na ang buong
katungkulan ng tao sa Dios ay ang katakutan Siya at sundin ang mga kautusan,
dito matatagpuan ang mga pagpapala.
Sa kaalamang ito, ano ang ibibigay ng Dios sa
atin
pag sumunod tayo sa Kaniya, ano ang mga pagpapala?
Sapagka't dadalhin ng Dios ang bawa't gawa sa kahatulan, pati ng bawa't kubling
bagay, maging ito'y mabuti o maging ito'y masama.
Eclesiastes 12:14 (TAB)
Ang pagpapala ng Dios na ibibigay sa atin ay ang kakayahang malaman ang mga
bagay na nilihim sa atin (ang mga itinago sa atin ng mga relihiyon), na matanto ang mga kahulugan niyon, at matukoy ang
pagkakaiba ng kung ano ang mabuti at masama; at makita rin ang pagkakaiba ng aral
ng Dios at ang aral ni Satanas. Ibig sabihin, hindi na tayo madadaya o
malilinlang pa ng iba, dahil alam na natin ang magkabilang panig ng usapin na iyon.
Ngayong nalaman na natin ang magkabilang panig ng usapin at hinayaan mo na ikaw
ay madaya pa, hindi na maiwasang sabihin na ang may problema ay, IKAW!
Ang Pagkatakot sa Dios
Alamin natin kung gaano kahalaga na malaman ang tunay na kahulugan
ng “Matakot ka sa Dios.”
Ano ang ibig sabihin ng “Matakot ka sa Dios?"
Kung iyong hahanapin siya na parang pilak, at sasaliksikin mo siyang parang
kayamanang natatago.
Kung magkagayo'y iyong mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon, at masusumpungan mo
ang kaalaman ng Dios.
Mga Kawikaan 2:4-5 (TAB)
Kung pagsusumikapan mong hanapin ang Dios ng lubos, matatagpuan mo Siya sa
pamamagitan ng taong inihayag sa Deuteronomio 18:18-19, ang taong nilagyan ng
Salita ng Dios - siya ang magpapakilala ng Dios at ng Kanyang Tunay na Pangalan. Sino
ang nagbibigay ng mga pahayag na ito - si Maestro Evangelista! Siya ang taong
dapat ninyong hanapin!
Ano ang ibig sabihin ng “Ang Pagkatakot sa Panginoon?”
Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan: at ang pagkakilala sa
Banal ay kaunawaan.
Mga Kawikaan 9:10 (TAB)
“Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan”
- sa pamamagitan ng mga pahayag ni Maestro Evangelista ay nalaman natin ang
aral ng Dios at ang hindi sa Dios. Nagkaroon na tayo ng kaunawaan sa Pagkilala
sa Tunay na Dios.
Upang ating masabi na tayo ay natatakot sa Dios at sinusunod natin
ang kanyang kautusan, dapat ay makilala rin natin ang Dios na kinakatakutan natin.
Paano?
Ang
malaman ang Kaniyang Tunay na Pangalan!
Bilang isang halimbawa, kung ang isang tao ay nagsasabi na may takot siya sa
Dios; tanungin natin siya, ilan ang Dios? Isa lang ang Dios. Kung tatanungin mo
siya ulit, ano ang Pangalan Niya? Hindi alam ang isasagot, marami raw pangalan,
subali't ang totoo ay hindi niya alam ang Pangalan Niya. “Takot loko!” Papaano mo malalaman na ang
sinasamba mong Dios ay tunay, kung hindi mo naman alam ang Pangalan Niya, ikaw ay
nasumpa!
Ano ang kulang sa atin? Ano ang nangyari sa atin at tayo ay
madaling nadaya ng mga relihiyon?
Karunungan ay pinaka pangulong bagay; kaya't kunin mo ang karunungan: Oo, sa
lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa.
Mga Kawikaan 4:7 (TAB)
Ang sabi ni Maestro Evangelista: Wala tayong unawa; inalis sa atin ng mga
relihiyon ang ating likas na pang-unawa. At maibabalik lang ito sa pamamagitan
ng pagkilala sa Tunay na Dios.
Ang
karunungan ay mahalaga sa atin, kaya tayo ipinapadala sa magagandang paaralan at
gumagastos ng malaking halaga para sa mabuting pag-aaral, upang ang ating
kaalaman ay lumawak. Nguni’t ano ang pinakamahalaga sa tao? Ang sabi ni Maestro
Evangelista, Kaunawaan. Ano ang katunayan?
Makikita ninyo ang mga pantas, pulitiko, mga
pangulo ng bansa, mga hari at iba pa na sa tuwing may nakapangingilabot na
nangyayari, sila ay pinangungunahan ng mga relihiyon na magdasal at humingi ng
tulong kay Jesus; si Jesus na sa huling sandali ng kanyang buhay ay tumawag sa
Dios at sinabing: "Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?"
Humihingi tayo sa taong humingi rin ng tulong
at sumigaw pa na siya ay pinabayaan ng Dios; at kung ang sarili niya ay hindi niya
nailigtas sa kapahamakan, tayo pa kaya? Nasaan ang unawa?
Ang sabi pa ni Maestro Evangelista:
Ang nangyari sa atin, marami tayong karunungan nguni’t walang kanunawaan. Nang
ating sambahin ang taong si Jesus, ano ang gagawin din sa ating ng Dios? Pababayaan
tayo ng Dios, at ito ang nangyayari sa atin ngayon, sumpa!
Binigyan tayo ng Dios ng mata, tainga at katalinuhan, at marami pang iba, at
hindi natin ito ginamit, masisisi pa ba natin ang Dios sa kadalamhatian at mga
paghihirap na ating dinaranas ngayon?
Sino ang nag-alis ng kaunawaan sa atin? Ang mga relihiyon!
Tayo'y magpatuloy, tuklasin natin ngayon ang pagkakaiba ng
"aral ng Dios" at
ang "aral ni Satanas," upang hindi na tayo malinlang.
Ang Aral ng Dios
Ano
ang tunay na aral ng Dios at ang paraan na ating masasabi na ang sinasambang
natin ay ang tunay na Dios?
At iniutos ng Panginoong Dios sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa
halamanan ay makakakain ka na may kalayaan:
Datapuwa't sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain;
sapagka't sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.
Genesis 2:16 -17 (TAB)
Isang utos ang ibinigay sa lalake, makakakain siya ng lahat ng bunga, liban sa
isa. Sa pagsamba sa Dios, ang kailangan lang ay ang pagsunod sa mga kautusan
Niya. Nasa lalake na kung sususundin ito o hindi, ito ang “likas na pagpapasiya”
o "free will."
Ang Aral ni Satanas
Nguni’t ano naman "ang aral" ni Satanas?
Ang ahas nga ay lalong tuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha ng
Panginoong Dios. At sinabi niya sa babae, Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag
kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan?
Genesis 3:1 (TAB)
Kinausap ng Ahas ang babae at binaligtad niya ang sinabi ng Dios tungkol sa
pagkain ng mga punongkahoy sa Halamanan.
Ano ang sabi ng babae sa ahas?
At sinabi ng babae sa ahas, Sa bunga ng mga punong kahoy sa halamanan ay
makakakain kami:
Datapuwa't sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng
Dios, Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo'y
mamatay.
Genesis 3:2-3 (TAB)
Inulit ng babae ang utos na ibinigay ng Dios sa lalake at sa pamamagitan ng
kanyang sagot, ito’y nagpapatunay na sinusunod nila ang utos at alam nila ang "aral
ng Dios." Nguni't ano ang sinabi ng ahas sa babae?
At sinabi ng ahas sa babae, Tunay na hindi kayo mamamatay:
Genesis 3:4 (TAB)
Sa unang pagkakataon, inihayag ni Maestro
Evangelista na ang paraan ng pagsamba sa
ahas o kay Diablo/Satanas ay ang baligtarin ang aral ng Dios! Ito ang misyon
ni Satanas; ang baligtarin ang Kautusan ng Dios at ituro ito sa iba!
Nguni’t maaari ba nating baguhin ang Kautusan ng Dios?
Huwag ninyong daragdagan ni babawasan ang salita na aking iniuutos sa inyo,
upang inyong maingatan ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios na aking iniuutos
sa inyo.
Deuteronomio 4:2 (TAB)
Hindi pinapayagan. Kung ano ang ibinigay sa kautusan
ay ito ang batas, may
kaukulang parusa sa pagsuway sa mga ito, at kung sinoman ang
magdaragdag o magbabawas
ng Kautusan ng Dios at
ituturo ito sa iba, siya ay susumpain.
Ating ipaghambing ang dalawang aral, bumasa tayo ng isang kautusan na kung
susundin natin ay pagpapalain tayo ng Dios; isa ito sa "lihim" ng pagkakaroon ng mahabang buhay
na hindi itinuro sa atin ng mga relihiyon:
Ang Kautusan na may Pagpapala
sa Dios – Kung ating susundin:
Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, gaya ng iniutos sa iyo ng Panginoon
mong Dios: upang ang iyong mga araw ay lumawig at upang ikabuti mo sa lupain na
ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
Deuteronomio 5:16 (TAB)
“Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina”
– kung susundin mo ang kautusang ito, ang pagpapala ay hahaba ang iyong buhay at
sasagana. Ang sabi ni Maestro Evangelista, igalang mo ang iyong ama’t ina,
masama man o mabuti, utang mo sa kanila ang iyong buhay. Ito ang isa sa mga
dahilan kung bakit dapat nating igalang ang ating mga magulang, pangalawa sa
Dios, dahil sila ang lumikha sa atin. Nilikha tayong lahat ng Dios, at ginawa
tayong gaya din ng Dios, na may kakayahan din na lumikha ng mga anak mula sa
ating sariling laman.
At kung kayo ay makakakita ng aral na kabaligtaran sa Dios, na “Kapootan mo ang
iyong ama at ina” kaninong aral iyon? Kay Satanas. Tingnan natin ang taong
nangaral sa pamamaraan ni Satanas?
Nagsisama nga sa kaniya ang lubhang maraming tao; at siya'y lumingon at sa
kanila'y sinabi,
Kung ang sinomang tao'y pumaparito sa akin, at hindi napopoot sa kaniyang
sariling ama, at ina, at asawang babae, at mga anak, at mga kapatid na lalake,
at mga kapatid na babae, oo, at pati sa kaniyang sariling buhay man, ay hindi
siya maaaring maging alagad ko.
Lucas 14:25-26 (TAB)
Si
Jesus! Nangaral siya ayon sa pamamaraan ng aral ni Satanas! Ito ang katunayan na
tinanggap ni Jesus ang alok ni Satanas, at ang kasunduan ay labanan at
baligtarin ni Jesus ang mga kautusan ng Dios. Gaya ng paraan ng ahas na
binaligtad ang utos ng Dios sa Halamanan. Ang sabi ni Maestro Evangelista,
walang nakakita nito noon kahit na ang mga relihiyon, at upang patunayan ulit na
sumamba si Jesus kay Satanas, bumasa pa tayo ng mga kautusan na binaligtad ni
Jesus:
Ay gagawin mo nga sa kaniya, ang gaya ng kaniyang inisip gawin sa kaniyang
kapatid: sa gayo'y iyong aalisin ang kasamaan sa gitna mo.
At maririnig niyaong mga natitira at matatakot, at hindi na sila magkakamit pa
ng gayong kasamaan sa gitna mo.
Deuteronomio 19:19-20 (TAB)
At papaano natin dapat pakitunguhan ang mga sumisira sa batas?
“Mata sa Mata, Ngiping sa Ngipin" – Ano ang kahulugan nito?
At ang iyong mata'y huwag mahahabag: buhay kung buhay, mata kung mata, ngipin
kung ngipin, kamay kung kamay, paa kung paa.
Deuteronomio 19:21 (TAB)
Hindi tayo dapat magpakita ng habag, upang ang kasamaan ay hindi lumaganap; ang
lahat ay matatakot sa Kautusan. Alam ba ni Jesus ang batas na ito? Kung kanyang
nasira ang kautusan na ito na hindi napag-alaman ang tungkol dito, ang parusa
niya sana ay magiging magaan.
Nguni’t lingid ba sa kanyang kaalaman ang Kautusang ito?
Narinig ninyong sinabi, Mata sa mata, at ngipin sa ngipin:
Mateo 5:38 (TAB)
Alam niya ang kautusang ito, at ano ang itinuro niya sa mga tao tungkol dito?
Itinaguyod ba niya ang Kautusan?
Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong makilaban sa masamang tao: kundi sa
sinomang sa iyo'y sumampal sa kanan mong pisngi, iharap mo naman sa kaniya ang
kabila.
Mateo 5:39 (TAB)
Hayagang nilabanan ni Jesus ang Kautusan ng Dios!
Binaliktad niya at
itinuro sa mga tao.
Tinuruan niya ang mga tao na huwag labanan ang masasama at ang mga mapang-api.
Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit lumalalaganap ang kasamaan sa mundo! Ito
ang magpapatunay na binaliktad ni Jesus ang tunay aral at ang mga Kautusan ng
Dios at sumamba na siya kay Satanas.
Bumasa pa:
At sa magibig na ikaw ay ipagsakdal, at kunin sa iyo ang iyong tunika, ay iwan
mo rin naman sa kaniya ang iyong balabal.
At sa sinomang pipilit sa iyo na ikaw ay lumakad ng isang milya, ay lumakad ka
ng dalawang milya na kasama niya.
Mateo 5:40-41 (TAB)
Sinabi pa niya na huwag nating labanan ang mga umaapi sa atin:
Bigyan mo ang sa iyo'y humihingi, at huwag mong talikdan ang sa iyo'y
nangungutang.
Mateo 5:42 (TAB)
Magpauto ka pa, ano pa ang sinabi ni Jesus na ating dapat gawin?
Narinig ninyong sinabi, Iibigin mo ang iyong kapuwa, at kapopootan mo ang iyong
kaaway:
Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin
ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig;
Mateo 5:43-44 (TAB)
Sa ganitong uri ng aral, kanino kumakampi si Jesus? Kinanlong pa o kinunsinti pa
niya ang mga gumagawa ng kasamaan, mga nang-aapi at ang mga nandaraya.
Ano ba ang tunay na kahulugan ng kautusang
“mata kung mata?”
Kaya't ginanting-pala ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran, ayon sa
kalinisan ng aking mga kamay sa kaniyang paningin.
Sa mahabagin ay pakikilala kang mahabagin; sa sakdal na tao ay pakikilala kang
sakdal;
Sa dalisay ay pakikilala kang dalisay; at sa matigas na loob ay pakikilala kang
mapagmatigas.
Sapagka't iyong ililigtas ang napipighating bayan: nguni't ang mga mapagmataas
na mata ay iyong ibababa.
Awit 18:24-27 (TAB)
Ito ang aral na nais ng Dios na ating sundin sa pang araw-araw na pamumuhay; upang
hindi tayo maapi, at hindi mapagsamantalahan ng kapwa natin. Gawin natin sa
kanila ang balak nilang gawin sa atin, upang kanilang malaman na hindi natin
papayagan ang kanilang masamang gawain.
At sa ating panahon, pinaniwala tayo ng mga relihiyon na si Satanas ang may gawa ng
mga kaguluhan sa mundo; ang mga digmaan, kamatayan, kagutuman at mga sakit.
Nguni’t ang sabi ni Maestro Evangelista, bakit si Satanas ang sinisisi ng mundo
gayong hindi na siya ang may kagagawan ng mga ito. Si Jesus na ang may gawa nito
sapagka't matagal ng nailipat o naipamana sa kanya ang kapangyarihan ni Satanas!
At ang mundo ay nananalanig kay Jesus upang humingi ng kapayapaan, nguni’t habang
tumatawag sila kay Jesus, ang kalagayan ng mundo ay mas lalo pang lumulubha!
Sa kabila ng ating pananalig sa kanya, bakit hindi tayo sinasagot ni Jesus? Ano ba
ang tunay na dala ni Jesus sa mundo, kapayapaan ba ayon sa mga relihiyon?
Ako'y naparito upang maglagay ng apoy sa lupa; at ano pa ang iibigin ko, kung
magningas na?
Lucas 12:49 (TAB)
Si
Jesus ang nagdala ng kaguluhan (apoy) sa mundo, hindi na si Satanas! Noon pa
nailipat ng Diablo/Satanas ang "kapamahalaan at kaluwalhatian ng mundo" sa kanya.
At:
Datapuwa't ako'y may isang bautismo upang ibautismo sa akin; at gaano ang aking
kagipitan hanggang sa ito'y maganap?
Lucas 12:50 (TAB)
“bautismo” – Ito ang panahon na mamamatay na siya,
ang kaparusahan sa kanyang mga
"kasamaan," na lumaban na siya sa Dios
at sa mga kautusan Niya.
“kagipitan” –
takot na siya, dahil nakikita na niya ang dadanasin niya ayon sa mga pahayag at mamamatay siya dahil dito.
Nguni’t patuloy pa rin ang mga relihiyon na nagsasabi na ang dala
ni Jesus ay
Kapayapaan, dala nga ba niya?
Inaakala baga ninyo na ako'y naparito upang magbigay ng kapayapaan sa lupa?
Sinasabi ko sa inyo, Hindi, kundi bagkus pagkakabahabahagi:
Lucas 12:51 (TAB)
Hindi niya dala ang kapayapaan; inamin na niya na siya pa ang dahilan ng
pagkakagulo mula sa araw ng kanyang pagadating bayan niya at lumaganap pa ang
kasamaan sa mundo hanggang sa ating panahon!
Anong uri ng pagkakabahabahagi ang nilikha niya?
Sapagka't mula ngayon ay magkakabahabahagi ang lima sa isang bahay, tatlo laban
sa dalawa, at dalawa laban sa tatlo.
Sila'y mangagkakabahabahagi, ang ama'y laban sa anak na lalake, at ang anak na
lalake ay laban sa ama; ang ina'y laban sa anak na babae, at ang anak na babae
ay laban sa kaniyang ina; ang biyanang babae ay laban sa kaniyang manugang na
babae, at ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyanang babae.
Lucas 12:52-53 (TAB)
Hanggang sa ating panahon at sa ating mga tahanan, may pagkakabahabahagi.
Nguni’t lahat ay tumatawag pa rin kay Jesus, sa pag-aakalang may kapayapaan pa
tayong matatanggap mula sa kanya.
Tayo’y magpatuloy, ipinangangaral ng mga relihiyon na si Jesus ay darating sa
wakas ng panahon. Nguni’t inihayag sa atin ni Maestro Evangelista na hindi na
makakarating si Jesus, sapagka't magpasa hanggang ngayon ay naroon pa rin siya
sa pinakailalim na hukay, ang lugar na tinanggap niya mula kay Satanas.
Bumalik sa Itaas.
Magpatuloy sa:
Ang Panlilinlang ni Jesus
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Wednesday May 28, 2014
|