Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Pinagmulan ng Pagbabautismo
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
TUNGKOL SA “IKASANGPUNG BAHAGI” O “TITHES”
Ihahayag ni Maestro Evangelista ang Aral ng Dios tungkol sa “ikasangpung bahagi”
at:
Nanakawan baga ng tao ang Dios? gayon ma'y ninanakaw ninyo ako. Nguni't inyong
sinasabi, Sa ano ka namin ninakawan? Sa mga ikasangpung bahagi at sa mga handog.
Kayo'y nangagsumpa ng sumpa sapagka't inyo akong ninakawan, sa makatuwid baga'y
nitong buong bansa. Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain
sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon
ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at
ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan.
Malakias 3:8-11 (TAB)
Ito ang katunayan na tayo nga ay nasumpa.
“Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig” – Ipinag-uutos ng Dios na
dalhin natin ang mga ikasangpung bahagi sa kamalig at hindi sa mga templo o mga
simbahan. Sa kamalig – ang kaban ng bayan.
At sino ang may kapangyarihang maglikom?
Ang bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka't walang
kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng
Dios. Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios
sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa
kanilang sarili. Sapagka't ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At
ibig mo bagang mawalaan ng takot sa may kapangyarihan? gawin mo ang mabuti, at
magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya: Sapagka't siya'y ministro ng Dios sa ikagagaling mo. Datapuwa't kung ginagawa mo
ang masama, ay matakot ka; sapagka't hindi walang kabuluhan ang pagdadala niya
ng tabak: sapagka't siya'y ministro ng Dios, tagapaghiganti sa ikagagalit sa
gumagawa ng masama. Kaya nga't dapat na kayo'y pasakop, hindi lamang dahil sa kagalitan, kundi naman
dahil sa budhi. Sapagka't dahil dito ay nagsisipagbayad naman kayo ng buwis; sapagka't sila'y
mga tagapangasiwa ng paglilingkod sa Dios, na nagsisipamahalang walang patid sa
bagay na ito. Ibigay ninyo sa lahat ang sa kanila'y nararapat: buwis sa dapat buwisan; ambag
sa dapat ambagan; takot sa dapat katakutan; puri sa dapat papurihan.
Taga Roma 13:1-7 (TAB)
Hindi alam ng mga taga pamahalaan na sila ang tanging may kapangyarihan na
maglikom ng ikasangpung bahagi at mga handog.
Ang mga taga pamahalaan ay ang mga taga pamahala ng Dios! Sila ang lumilikom ng
mga ikasanpung bahagi sa pamamagitan ng buwis, at ang pamahalaan naman ay dapat
pangalagaan ang kapakanan ng taong bayan.
Nang lumikom ang mga relihiyon mula sa mga tao alinsabay sa pamahalaan, kinuha
nila ang yaman sa bayan – at ang nangyari, ang mga tao ay nasadlak sa kahirapan
at dahil ang mga relihiyon ay hindi binubuwisan, ang kalagayang pananalapi ng
mga bansa ay natuyot.
Gaano karaming kayamanan ang kinuha ng mga relihiyon sa mga tao sa lahat ng bansa sa mga lumipas ng libong taon?
Dapat itong bigyang pansin ng mga pahamalaan.
Maari bang lumikom ang mga relihiyon sa mga tao?
Sa isa ay samyo mula sa kamatayan sa ikamamatay; at sa iba ay samyong mula sa
kabuhayan sa ikabubuhay. At sino ang sapat sa mga bagay na ito? Sapagka't hindi kami gaya ng karamihan na kinakalakal ang salita ng Dios: kundi
sa pagtatapat, at gaya ng mula sa Dios, sa harapan ng Dios ay nagsasalita kami
para kay Cristo. II Corinto 2:16-17 (TAB)
Sabi ng mga apostol, hindi sila gaya ng mga simbahan o ng mga relihiyon sa
kasalukuyan. Nguni’t ano ang kanilang ginagamit upang mahikayat ang mga tao?
Sapagka't kayo rin ang nangakakaalam kung paano kami ay inyong dapat tularan:
sapagka't kami ay hindi nangagugali ng walang kaayusan sa inyo; Ni nagsikain man kami ng walang bayad ng tinapay ng sinoman; kundi sa pagpapagal
at sa pagdaramdam na gumagawa gabi't araw, upang kami ay huwag maging pasanin sa
kanino man sa inyo: Hindi dahil sa kami ay walang karapatan, kundi upang kami ay mangakapagbigay sa
inyo ng isang uliran, upang kami ay inyong tularan. Sapagka't noon pa mang kami ay kasama ninyo, ay aming iniutos ito sa inyo, Kung
ang sinoman ay ayaw gumawa, ay huwag din namang kumain. II Tesalonica 3:7-10 (TAB)
Sinasabi nila na sila ay gumagawa upang maging karapat-dapat na tumanggap ng
bayad sa kanilang paglilingkod.
Datapuwa't ang paggawa ng mabuti at ang pagabuloy ay huwag ninyong kalimutan:
sapagka't sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod. Hebreo 13:16 (TAB)
Ito ang kanilang ginagamit upang dayain ang mga tao, “ang pagabuloy” – Na ang
mga relihiyon ang lilikom.
Nguni’t kanino ba natin dapat ipamahagi ang ating kaunting yaman? Dapat ba
nating ibahagi sa mga relihiyon?
Datapuwa't sinasabi ko, Ang naghahasik ng bahagya na ay magaani namang bahagya
na; at ang naghahasik na sagana ay magaani namang sagana. Magbigay ang bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa
loob, o dahil sa kailangan: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.
At maaaring gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya ay magsisagana sa inyo; upang
kayo, na mayroong laging buong kaya sa lahat ay magsipanagana sa bawa't mabuting
gawa: Gaya ng nasusulat, Siyang nagsabog, siyang nagbigay sa mga dukha; Ang kaniyang
katuwiran ay nananatili magpakailan man. At ang nagbibigay ng binhi sa naghahasik at ng tinapay na pinakapagkain, ay
magbibigay at magpaparami ng inyong binhi upang ihasik, at magdaragdag ng mga
bunga ng inyong katuwiran: II Corintho 9:6-10 (TAB)
Dapat tayong magbigay sa mga kapus-palad, hindi sa mga relihiyon!!!
Ano ang dahilan kung bakit ang Dios ay nagtagubilin sa Kaniyang bayan na ibigay
ang ikasangpung bahagi sa mga nangangailangan at mga kapus-palad?
Pagkatapos mo ng pagbibigay ng buong ikasangpung bahagi ng iyong pakinabang sa
ikatlong taon, na siyang taon ng pagbibigay ng ikasangpung bahagi, ay magbibigay
ka nga rin sa Levita, sa taga ibang lupa, sa ulila, at sa babaing bao, upang
sila'y makakain sa loob ng iyong mga pintuang-daan, at mabusog; At iyong sasabihin sa harap ng Panginoon mong Dios, Aking inalis ang mga
pinapaging banal na bagay sa aking bahay, at akin ding ibinigay sa Levita, at sa
taga ibang lupa, sa ulila at sa babaing bao, ayon sa iyong madlang utos na iyong
iniutos sa akin: hindi ko sinalangsang ang anoman sa iyong mga utos, ni
kinalimutan ko: Deuteronomio 26:12-13 (TAB)
Ang sabi ni Maestro Evangelista, sa ating kasalukuyang panahon, walang taong namumuhay ng mag-isa; palaging inaasahan ang ating kapwa. At may mga panahon na
may taong lalapit at hihingi ng tulong sa iyo, ito ang pagkakataon na kukuha ka
sa inipon mong ikasangpung bahagi at magbigay sa taong nangangailangan. Hindi mo
masasabi na maaring dumating ang panahon na ikaw ay mangangailangan rin ng tulong ng iyong kapwa.
Tayo ay kumikita sa kahit anong paraan, dapat nating gugulin ang ikasiyamnapung
bahagi (90%) nito sa ating pangaraw-araw na pangangailangan at itago ang ikasangpung
bahagi (10%) o ang ating “mga pinapaging banal na bagay.”
Ito ang tunay na aral tungkol sa paglalagak ng "ikasangpung bahagi" sa Banal na
Aklat.
Bumalik sa
Itaas.
Magpatuloy sa:
Hinggil sa Pagdiriwang at Paghahandog
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Wednesday May 28, 2014
|