Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Hinggil sa Pagdiriwang at Paghahandog
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
Hinggil sa Pananalangin at
Pagmamanata
Inihayag noong ika-30 ng Disyembre 2008
Ang pahayag ni Maestro Evangelista ay tungkol sa kinagawian ng mga tao tungkol sa pagbibigay ng “New
Year’s Resolution” tuwing Bagong Taon.
Ano ang masasabi ni Maestro Evangelista tungkol dito? Basahin natin sa Banal na
Aklat:
Huwag mong ipaghambog ang kinabukasan; Sapagka't hindi mo nalalaman kung ano ang
ilalabas ng ibang araw. Kawikaan 27:1a (TAB)
Mainam pa na huwag ka nang gumawa ng “New Year’s Resolution,”
sapagka't hindi natin
alam ang mangyayari sa hinaharap, kaya't bantayan na lang natin ang ating mga sarili.
Gawin ng tama at tapat. Hindi dapat mangako sa sarili o kahit kanino. Kung ito
ay iyong gagawin, darating ang panahon na ikaw au susubukin sa gayon.
Tungkol sa pagbibigay ng panata at paghahain:
Ingatan mo ang iyong paa pagka ikaw ay napasasa bahay ng Dios; sapagka't ang
paglapit upang makinig ay maigi kay sa magbigay ng hain ng mga mangmang:
sapagka't hindi nila nalalaman na sila'y nagsisigawa ng kasamaan.
Eclessiastes 5:1 (TAB)
“makinig” – Tayo ay dapat makinig sa mga aral na ibinibigay, at huwag mag-alay ng
mga pag-aalay upang hindi ka matagpuang isang mangmang. Kapag tayo ay nag-alay, ito
ay kasamaan sa Dios.
Ang kaugalian ng pagbibigay ng mga alay sa mga templo at mga simbahan ang sumira
sa mga relihiyon, at sa paglaon ng panahon, ang pangangailangan sa pag-aalay ay
lumaki at magpahanggang sa ating panahon, at naging isang malaking kalakalan.
Walang kabusugan.
At kung tayo ay mananalangin, kailangan ba natin pahabain ito?
Huwag kang pakabigla ng iyong bibig, at huwag magmadali ang iyong puso na
magsalita ng anomang bagay sa harap ng Dios; sapagka't ang Dios ay nasa langit,
at ikaw ay nasa lupa: kaya't pakauntiin mo ang iyong mga salita. Sapagka't ang panaginip ay dumarating sa karamihan ng gawain; at ang tinig ng
mangmang sa karamihan ng mga salita.
Eclesiastes 5:2-3 (TAB)
“pakauntiin” – Hindi na natin kailangang magsabi ng marami, kailangan lang
manalangin ng tuwiran sa Dios at sabihin ang ating tunay na kailangan, sapagka't alam Niya
ang ating kailangan.
Tungkol sa pagpapanata:
Pagka ikaw ay nananata ng panata sa Dios, huwag kang magliban ng pagtupad;
sapagka't siya'y walang kaligayahan sa mga mangmang: tuparin mo ang iyong
ipinanata.
Eclesiastes 5:4 TAB)
Kapag ika’y namanata, huwag mong hayaang hindi matupad, hahanapin ito sa iyo ng
Dios kapag ito ay hindi mo nagampanan.
Nakasulat:
Maigi nga ang ikaw ay huwag manata, kay sa ikaw ay manata at hindi tumupad.
Eclesiastes 5:5 (TAB)
Mainam pang huwag mamanata, bantayan mo na lang ang
iyong sarili.
Bumalik sa
Itaas.
Magpatuloy sa:
Hinggil sa Pagkain
na Dapat Nating Kainin
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Wednesday May 28, 2014
|