www.thename.ph

www.suurinimi.com

The Revelation of the Great Name of God

and of the Testimony of Jesus, and the New City of God, the New Jerusalem and the Coming of the Foreigner of God


"Generations come and generations go, but the earth remains forever." - Ecclesiastes 1:4 (NIV)

The world will not end, it will have a new beginning. One people, one world and One God.

The LORD will be king over the whole earth. On that day there will be one LORD, and his name the only name. Zechariah 14:9 (NIV)

The Name of God Revealed (NIV) | The Name of God Revealed (Tanakh) | The Testimony of Jesus | The Coming of the Foreigner 

Language versions:

English

Filipino

Finnish



Home - TheName.Ph
About
News
Sitemap
Email
Part 1: The Revelations
 Introduction
 
Introduction 2
 
The Condition of the World

 The Root Cause of Divisions

 The Greatest Deception

 The Name of God - Tanakh
Part 2: The Real Jesus
 The Testimony of Jesus
 
Are we cursed?
 
The Curse of God
 
Blessing & Curse
 
Who was Jesus?
 
A Short Story of Maestro
 
The Prophecy of God
 
The “Son” of David?
 
Will give one tribe
 
The Great Pretender
 
The Bright Morning Star
 
The Power of Jesus
 
The Deception of Jesus
 
Regarding Sins
 
The Deception of Satan
 
Did Jesus live again?
 
About The "Third Day"
 
The Reason Of It All
Part 3: The Name of God
 The Great Name of God
 
The Name of God - Tanakh

 Salvation in the Name of God 
 
The Promise of God
 
Authority of the Prophets
 
Visions of the Prophets
 
The Blessing and The Curse
 
The Commandments of God
 
The Counselor of Jesus
 
Jesus without Sin?
 
The Word became flesh
 
The Suffering Servant
 
Prophecy of Good against Evil
 
The Beast in the Holy Bible
 
The Great and Dreadful Day
 
End of Satan's Reign on Earth
Part 4: The Revelations
 The Coming of the Foreigner
 
The Sign of the "Day of the Lord"
 
The Curse on Babylon
 
Events that will happen soon
 
The Middle East Wars
 
What if the People will not heed?

 Part 5: Other Revelations
 Cherub in the Garden of Eden
 
Baptism by Water
 
Regarding the Origin of Baptism
 
Deceivers and Deceived

 Concerning tithes
 
Of Rites and Offerings
 
Of Prayers and vows
 
The Food that We should Eat
 
The Tree of Life
 
Be fruitful and increase


Unang Pahina - TheName.Ph

Tungkol sa Website
Mga Balita

Sitemap
Email
Unang Bahagi: Mga Pahayag
 Paunang Salita
 
Paunang Salita 2
 
Ang Kalagayan ng Mundo
Ikalawang Bahagi: Si Jesus
 Ang Patotoo ni Jesus
 
Tayo Ba Ay Nasumpa?
 
Ang Sumpa ng Dios
 
Pagpapala At Sumpa
 
Sino si Jesus?
 
Maikling Kasaysayan - Maestro
 
Ang Pahayag ng Dios
 
Ang Binhi ni David
 
Kundi ibibigay ko ang isang lipi

 Ang Dakilang Mapagpanggap
 
Maningning na Tala sa Umaga
 
Ang Kapangyarihan ni Jesus
 
Panlilinlang ni Jesus
 
Tungkol sa Kasalanan
 
Panglilinlang ni Satanas
 
Jesus, nabuhay muli?
 
Ang "Ikatlong Araw"
 
Ang Dahilan ng Lahat
Ikatlong Bahagi: Ang Pangalan
 Ang Dakilang Pangalan ng Dios
 
Pagliligtas sa Pangalan ng Dios  
 
Ang Pangako ng Dios
 
Ang Karapatan ng mga Propeta
 
Mga Pangitain ng mga Propeta
 
Ang Pagpapala at Ang Sumpa
 
Ang mga Kautusan ng Dios
 
Ang Mangaaliw ni Jesus
 
Si Jesus, walang pagkakasala?
 
Ang Verbo - Si Jesus?
 
Ang Abang Lingkod
 
Mabuti Laban sa Masama
 
Ang "Hayop" Sa Banal na Aklat
 
Ang "Kaarawan ng Panginoon"
 
Ang Wakas ni Satanas
Ikaapat na Bahagi: Mga Pahayag
 Ang Taga Ibang Lupa
 
Ang Sumpa sa Babilonia
 
Ang mga Magaganap na madali
 
Digmaan sa Gitnang Silangan
 
Kung hindi pakikinggan?

Ikalimang Bahagi: Mga Pahayag
 Ang Kerubin ng Dios
 
Ang Pagbabautismo ng Tubig
 
Ginaya ng Pagbabaustismo

 Hinggil sa Manloloko at Naloko

 Tungkol sa Pag-abuloy
 
Pagdiriwang at Pagaalay
 
Pananalangin at Pagpapanata
 
Hinggil sa Pagkain

 Ang Punong Kahoy ng Buhay

 Kayo'y magpalaanakin...


Unang Pahina | Tungkol sa site | Balita | Sitemap | Email

 

“At nagkatawang-tao ang Verbo” – Si Jesus ba ito?

 

Basahin ang Pahinang ito sa Ingles.

 

ANG ABANG LINGKOD

Inihayag noong ika-30 Abril 2005

 

Sino ang “Abang Lingkod” na isinalarawan sa Isaias 53:1-12?

 

Sinasabi ng mga relihiyon na ito ay pahayag na naganap kay Jesus, nguni’t sino ang tinutukoy na “Abang Lingkod” sa Banal na Aklat?

 

Ang sabi ni Maestro Evangelista: Hayaan ang Banal na Aklat ang maghayag kung sino ang taong binabanggit.

 

Bumasa tayo:

Sinong naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?
Isaias 53:1 (TAB)

Gamitin natin ang ating pang-unawa:

 

Ang itinatanong ay “Sinong naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?” Ibig sabihin, ang pangyayaring ito ay naganap na noon at naiulat na sa bayan.

Basahin natin muli ang kabuuan:

Sinong naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?
Isaias 53:1 (TAB)

“Sinong naniwala sa aming balita?” – Naiulat na ito noon sa bayan nila, nangyari ito bago pa sa kapanahunan ni Isaias.

 

“kanino nahayag” – Hindi ito pahayag, ito ay paggunita sa isang pangyayari na naganap sa kasaysayan ng bayan ng Israel. Ni hindi pa ipinapanganak si Jesus nang ito ay isinulat.

 

Ipinagpipilitan ng mga relihiyon na ito ay pahayag kay Jesus. Ang sabi ni Maestro Evangelista, iyan ang kanilang ipinapalagay. Sino ang inyong paniniwalaan: ang mga relihiyon o ang Banal na Aklat, na ng Salita ng Dios?

Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya.
Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya.
Isaias 53:2-3 (TAB)

Ang pagkawalang tiyaga at pagkawalan ng pananampalataya ng kanyang bayan sa panahon ng kanilang paglalakbay sa ilang ay itinuon kay Moses noon pa man.

Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati.
Isaias 53:4 (TAB)

“ma'y ating pinalagay siya na hinampas” – Ipinagpalagay lang, hindi tunay na hinampas. Nguni’t kay Jesus, siya ay hinampas, pinalo at pinatay. Dapat nakita na ng mga relihiyon ang pagkakaiba sa simula pa lamang.

Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.
Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.
Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay hindi nagbuka ng kaniyang bibig; gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma'y hindi niya binuka ang kaniyang bibig.
Isaias 53:5-7 (TAB)

Ginamit ng mga relihiyon ang talatang ito upang papaniwalain na ito ay isang pahayag na ginanap ni Jesus na siya ay naghirap at namatay para sa lahat ng tao; nguni't ito ay hindi totoo, sabi ni Maestro Evangelista.

 

“Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw” – Ang “lahat” na binabanggit dito ay ang bayan ng Israel, hindi ang mga Kristiyano o ang mga tao sa buong mundo. Kaya’t hindi maaaring ipagpalagay o angkinin ng mga relihiyon na ito ay si Jesus.

 

Sinasabi ng mga relihiyon na ito daw ay si Jesus na tunay, nguni’t ating dapat alalahanin na si Jesus ay ipinako sa krus, siya ay sumigaw “Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?” Sinisisi niya ang Dios sa kanyang huling mga sandali.

Kung hindi ito si Jesus, sino ang tunay na “Abang Lingkod?”

Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya: at tungkol sa kaniyang lahi, sino sa kanila ang gumunita na siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay? dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya.
At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama, at kasama ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan; bagaman hindi siya gumawa ng pangdadahas, o wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig.
Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan, makikita niya ang kaniyang lahi, pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay.
Isaias 53:8-10 (TAB)

Ang “Abang Lingkod” na ito ay namagitan para sa kanyang bayan.

 

“pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan” – Siya ay gugunitain magpakailan man at paparangalan – kahit na siya ay malaon nang patay. Si Jesus ay hindi nabuhay ng mahaba, namatay siya sa gulang na humigi’t kumulang sa tatlumpung taon. Nguni’t si Moses ay namuhay hanggang isangdaan at dalawampung taon!

Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng aking matuwid na lingkod ang marami; at dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan.
Kaya't hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kaniyang hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagka't kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at ibinilang na kasama ng mga mananalangsang: gayon ma'y dinala niya ang kasalanan ng marami, at namagitan sa mga mananalangsang.
Isaias 53:11-12 (TAB)

Ngayon, sabi ni Maestro Evangelista, alamin natin kung sinu-sino ang “mga mananalangsang:”

 

Ipakikita sa atin ni Maestro Evangelista.

 

Basahin natin ang kanilang kasaysayan:

At tumingin ako, at, narito, kayo'y nakapagkasala na laban sa Panginoon ninyong Dios: kayo'y nagsigawa para sa inyo ng isang guyang binubo: kayo'y lumihis na madali sa daan na iniutos sa inyo ng Panginoon.
Deuteronomio 9:16 (TAB)

Ang “mga mananalangsang” ay ang bayan ng Israel, ang mga tao na inilabas ni Moses mula sa Egypt, gumawa at sumamba sila sa mga dios-diosan na hindi naman ipinag-utos ng Dios. Ano ang ginawa ni Moses?

At aking tinangnan ang dalawang tapyas, at aking inihagis sa aking dalawang kamay, at aking iniwalat sa harap ng inyong mga mata.
At ako'y nagpatirapa sa harap ng Panginoon, gaya ng una, na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi ako kumain ng tinapay ni uminom ng tubig; dahil sa inyong buong kasalanan na inyong ipinagkasala sa paggawa ninyo ng masama sa paningin ng Panginoon na minungkahi ninyo siya sa galit;
Sapagka't natatakot ako dahil sa galit at maningas na poot, na ikinayamot ng Panginoon sa inyo, na lilipulin sana kayo. Nguni't dininig din naman ako noon ng Panginoon.
Deuteronomio 9:17-19 (TAB)

Tinubos niya ang kasalanan ng kanyang bayan sa Dios. Siya ang isang namagitan para sa kanyang bayan sa Dios.

 

Anong mga kasalanan ang kanyang tinubos sa Dios?

At ang Panginoo'y totoong nagalit kay Aaron na siya sana'y papatayin: at akin din namang idinalangin si Aaron nang panahon ding yaon.
At aking kinuha ang inyong kasalanan, ang guyang inyong ginawa, at aking sinunog sa apoy, at aking niyapakan, na dinurog na mainam, hanggang sa naging durog na parang alabok; at aking inihagis ang alabok niyaon sa batis na umaagos mula sa bundok.
Deuteronomio 9:20-21 (TAB)

Ito ang mensahe o ulat na binabanggit sa Isaias 53:1-12, at si Moses ang “Abang Lingkod.”

At sa Tabera, at sa Massa, at sa Kibroth-hataa-vah, ay inyong minungkahi ang Panginoon sa galit.
At nang suguin kayo ng Panginoon mula sa Cades-barnea, na sabihin, Sumampa kayo at ariin ninyo ang lupain na ibinigay ko sa inyo; kayo nga'y nanghimagsik laban sa utos ng Panginoon ninyong Dios, at hindi ninyo pinanampalatayanan siya, ni dininig ang kaniyang tinig.
Deuteronomio 9:22-23 (TAB)

Ano ang nangyari?

Kayo'y naging mapanghimagsik laban sa Panginoon, mula nang araw na kayo'y aking makilala.
Deuteronomio 9:24 (TAB)

Ano ang ginawa ni Moses?

Sa gayo'y nagpatirapa ako sa harap ng Panginoon na apat na pung araw at apat na pung gabi na ako'y nagpatirapa, sapagka't sinabi ng Panginoon, na kaniyang lilipulin kayo.
Deuteronomio 9:25 (TAB)

Namagitan na naman siya para sa kanyang makalawang ulit.

At aking ipinanalangin sa Panginoon, at sinabi, Oh Panginoong Dios, huwag mong lipulin ang iyong bayan at ang iyong mana, na iyong tinubos ng iyong kadakilaan na iyong inilabas sa Egipto ng makapangyarihang kamay.
Alalahanin mo ang iyong mga lingkod, si Abraham, si Isaac, at si Jacob; huwag mong masdan ang pagmamatigas ng bayang ito, ni ang kasamaan nila, ni ang kasalanan nila:
Deuteronomio 9:26-27 (TAB)

Sa anong dahilan niya hiningi ito?

Baka sabihin ng mga taga lupaing pinaglabasan mo sa amin: Sapagka't hindi sila naipasok ng Panginoon sa lupain na ipinangako sa kanila, at sa kapootan niya sa kanila, ay inilabas sila upang patayin sa ilang.
Deuteronomio 9:28 (TAB)

Ang sinugo ang tagapamagitan para sa kanyang bayan sa Dios. At ano pa ang nangyari?

Gayon man sila'y iyong bayan at iyong mana, na iyong inilabas ng iyong dakilang kapangyarihan at ng iyong unat na bisig.
Deuteronomio 9:29 (TAB)

Ang “unat na bisig” ng Dios ay nahayag kay Moses at sa Kanyang bayan, hindi kay Jesus.

 

At ano ang nangyari kay Moses pagkatapos?

Nang panahong yaon ay sinabi ng Panginoon sa akin, Humugis ka ng dalawang tapyas na bato, na gaya ng una, at sampahin mo ako sa bundok, at gumawa ka ng isang kaban na kahoy;
At aking isusulat sa mga tapyas ang mga salita na nasa unang mga tapyas na iyong binasag, at iyong isisilid ang mga iyan sa kaban.
Sa gayo'y gumawa ako ng isang kaban na kahoy na akasia, at ako'y humugis ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una, at ako'y sumampa sa bundok na aking dala sa aking kamay ang dalawang tapyas.
At kaniyang isinulat sa mga tapyas, ang ayon sa unang sulat, ang sangpung utos na sinalita ng Panginoon sa inyo sa bundok mula sa gitna ng apoy nang kaarawan ng kapulungan: at ang mga yaon ay ibinigay sa akin ng Panginoon.
At ako'y pumihit at bumaba mula sa bundok, at aking isinilid ang mga tapyas sa kaban na aking ginawa, at nangandoon, na gaya ng iniutos sa akin ng Panginoon.
(At ang mga anak ni Israel ay naglakbay mula sa Beerot Bene-ja-acan hanggang sa Mosera: doon namatay si Aaron, at doon siya inilibing; at si Eleazar na kaniyang anak ay nangasiwa sa katungkulang saserdote na kahalili niya.
Deuteronomio 10:1-6 (TAB)

Ipinag-utos ng Dios kay Moses na gumawa ng dalawang tapyas na bato, gaya ng mga nauna na kung saan isinulat ng Dios ang mga Sampung Kautusan.

Mula roon ay naglakbay sila hanggang Gudgod; at mula sa Gudgod hanggang sa Jotbatha, na lupain ng mga batis ng tubig.
Nang panahong yaon ay inihiwalay ng Panginoon ang lipi ni Levi, upang magdala ng kaban ng tipan ng Panginoon, upang tumayo sa harap ng Panginoon na mangasiwa sa kaniya, at upang magbasbas sa kaniyang pangalan hanggang sa araw na ito.
Deuteronomio 10:7-8 (TAB)

Sila ang mga tagapangasiwa sa Dios.

Kaya't ang Levi ay walang bahagi ni mana sa kasamahan ng kaniyang mga kapatid; ang Panginoo'y siyang kaniyang mana, ayon sa sinalita ng Panginoon mong Dios sa kaniya.)
At ako'y nalabi sa bundok, gaya ng una, na apat na pung araw at apat na pung gabi; at ako'y dininig din noon ng Panginoon; hindi ka lilipulin ng Panginoon.
At sinabi ng Panginoon sa akin, Tumindig ka, lumakad ka na manguna sa bayan; at sila'y papasok at kanilang aariin ang lupain, na aking isinumpa sa kanilang mga magulang upang ibigay sa kanila.
Deuteronomio 10:9-11 (TAB)

Ang kanilang mana ay sa Dios.

At ngayon, Israel, ano ang hinihingi sa iyo ng Panginoon mong Dios, kundi matakot ka sa Panginoon mong Dios, lumakad ka sa lahat ng kaniyang mga daan, at ibigin mo siya, at paglingkuran mo ang Panginoon mong Dios, ng buong puso mo at ng buong kaluluwa mo.
Na ganapin mo ang mga utos ng Panginoon, at ang kaniyang mga palatuntunan, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito sa iyong ikabubuti?
Narito, sa Panginoon mong Dios nauukol ang langit, at ang langit ng mga langit, ang lupa, sangpu ng lahat na nangariyan.
Ang Panginoon ay nagkaroon lamang ng hilig sa iyong mga magulang na ibigin sila, at kaniyang pinili ang kanilang binhi pagkamatay nila, sa makatuwid baga'y kayo, sa lahat ng mga bayan na gaya ng nakikita sa araw na ito.
Deuteronomio 10:12-15 (TAB)

Ito ang hinihingi ng Dios sa atin, matakot sa kanya, mahalin at sundin Siya.

 

Ang sabi ni Maestro Evangelista, maipapakita natin ang ating pagmamahal sa Kaniya sa pagsunod sa Kanyang mga Kautusan.

Tuliin nga ninyo ang balat ng inyong puso, at huwag ninyong papagmatigasin ang inyong ulo.
Deuteronomio 10:16 (TAB)

“Tuliin nga ninyo ang balat ng inyong puso” – gawing dalisay ang inyong mga puso, sundin ang Dios. Sino ang Dios?

Sapagka't ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios ng mga dios, at Panginoon ng mga panginoon, siyang dakilang Dios, siyang makapangyarihan at siyang kakilakilabot, na hindi nagtatangi ng tao ni tumatanggap ng suhol.
Deuteronomio 10:17 (TAB)

Siya ang ating Dios.

 

Kaya nga si Maestro Evangelista sa ginagawa niyang misyon at pagpapakilala sa Pangalan ng Dios, hindi siya humihingi ng kahit na anong kapalit at wala ring handugan at ang pagbibigay ng “ikasampung bahagi.”

 

Ano ang nais ng Dios na ipagunita sa atin?

Mangagingat kayo, baka ang inyong puso ay madaya, at kayo'y maligaw, at maglingkod sa ibang mga dios, at sumamba sa kanila;
Deuteronomio 11:16 (TAB)

Ito ang paalaala sa atin ng Dios, sundin ang kanyang mga Kautusan, at huwag magsisunod sa ibang mga dios. Ano ang mangyayari sa atin kapag tayo ay magsisipagsunod at magsisipaglingkod sa ibang mga dios?

At ang galit ng Panginoon ay magalab laban sa inyo, at kaniyang sarhan ang langit, upang huwag magkaroon ng ulan, at ang lupa'y huwag magbigay ng kaniyang bunga; at kayo'y malipol na madali sa mabuting lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon.
Deuteronomio 11:17 (TAB)

Tayo ay susumpain ng Dios!

 

Bumalik tayo sa:

Kaya't hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kaniyang hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagka't kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at ibinilang na kasama ng mga mananalangsang: gayon ma'y dinala niya ang kasalanan ng marami, at namagitan sa mga mananalangsang.
Isaias 53:12 (TAB)

Papaano ipinamagitan ni Moses ang kanyang bayan sa mga kasalanan nila sa Dios?

At ang buong kapisanan ay naglakas ng kanilang tinig, at humiyaw; at ang bayan ay umiyak ng gabing yaon.

At inupasala ng lahat ng mga anak ni Israel si Moises at si Aaron: at sinabi sa kanila ng buong kapisanan, Nangamatay na sana tayo sa lupain ng Egipto! o kaya'y nangamatay na sana tayo sa ilang na ito!

At bakit kaya tayo dinala ng Panginoon sa lupaing ito, upang tayo'y mabuwal sa tabak? Ang ating mga asawa at ang ating mga anak ay magiging mga huli: hindi ba magaling sa atin na tayo'y magbalik sa Egipto?

At nag-sangusapan sila, Tayo'y maglagay ng isang kapitan at tayo'y magbalik sa Egipto.
Mga Bilang 14:1-4 (TAB)

Dahil sa kanilang paguupasala at mapaghimagsik na kalooban, lagi silang dumadaing sa kanilang paglalakbay sa ilang.

Nang magkagayon, si Moises at si Aaron ay nagpatirapa sa harap ng buong kapulungan na kapisanan ng mga anak ni Israel.
At hinapak ni Josue na anak ni Nun, at ni Caleb na anak ni Jephone, na mga kasamang tumiktik sa lupain, ang kanilang mga suot:
At sinalita nila sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, na sinasabi, Ang lupain na aming dinaanan upang tiktikan ay isang napakainam na lupain.
Kung kalulugdan tayo ng Panginoon ay dadalhin nga niya tayo sa lupaing yaon, at ibibigay niya sa atin; na yao'y lupaing binubukalan ng gatas at pulot.
Huwag lamang kayong manghimagsik laban sa Panginoon, ni matakot sa bayan ng lupaing yaon, sapagka't sila'y tinapay sa atin; ang kaniyang kalinga ay inilayo sa kanila, at ang Panginoon ay sumasaatin: huwag kayong matakot sa kanila.
Mga Bilang 14:5-9 (TAB)

Hindi dapat asahan ng bayan niya ang pangako na ibinigay sa kanila ay mangyayari agad-agad. Kailangan nilang pagsumikapan iyon at tapusin ang kanilang paglalakbay patungo sa Lupang Pangako.

 

Ano ang ginawa ng mga tao kay Moses?

Datapuwa't tinangka ng buong kapisanan na pagbatuhanan sila. At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa tabernakulo ng kapisanan sa lahat ng mga anak ni Israel.
Mga Bilang 14:10 (TAB)

Babatuhin pa nila si Moses!

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Hanggang kailan hahamakin ako ng bayang ito? at hanggang kailan hindi sila mananampalataya sa akin, sa lahat ng mga tanda na aking ginawa sa kanila?
Aking sasaktan sila ng salot, at hindi ko sila pamamanahan at gagawin kita na isang bansang malaki at matibay kay sa kanila.
Mga Bilang 14:11-12 (TAB)

Ito ang galit ng Dios sa kanilang hindi pagtitiyaga at ang kanilang hindi pananalig sa Kanyang Pangako.

 

Ano ang ginawa ni Moses para sa kanyang bayan?

At sinabi ni Moises sa Panginoon, Kung gayo'y mababalitaan ng mga taga Egipto; sapagka't isinampa mo ang bayang ito ng iyong kapangyarihan sa gitna nila;
At kanilang sasaysayin sa mga tumatahan sa lupaing ito. Kanilang nabalitaan na ikaw Panginoon, ay nasa gitna ng bayang ito; sapagka't ikaw Panginoon, ay napakita ng mukhaan, at ang iyong ulap ay nakatindig sa ibabaw ng mga yaon, at ikaw ay nangunguna sa kanila, sa isang haliging ulap sa araw, at sa isang haliging apoy sa gabi.
Kung iyong papatayin nga ang bayang ito na parang isang tao, ay magsasalita nga ang mga bansang nakabalita ng iyong kabantugan na sasabihin,
Sapagka't hindi madadala ng Panginoon ang bayang ito sa lupain, na kaniyang isinumpa sa kanila, kaya't kaniyang pinatay sila sa ilang.
Mga Bilang 14:13-16 (TAB)

Ito ang hibik ni Moses sa Dios. Kahit na ang kanyang bayan ay nais batuhin siya, gayunpaman siya’y nakiusap sa Dios para sa kanilang mga buhay.

 

 “Kung iyong papatayin nga ang bayang ito na parang isang tao” – Alam ni Moses na lilipuling lubos sila ng Dios.

At ngayon, idinadalangin ko sa iyo, na itulot mo na ang kapangyarihan ng Panginoon ay maging dakila, ayon sa iyong sinalita, na sinasabi,
Mga Bilang 14:17 (TAB)

Ganito ang pagpamamagitan ng mga propeta ng Dios para sa kanilang bayan sa Kaniya…

Ang Panginoon ay banayad sa pagkagalit at sagana sa kaawaan, na nagpapatawad ng kasamaan at ng pagsalangsang; at sa anomang paraan ay hindi aariing walang muang ang may sala, na dinadalaw ang kasamaan ng mga ama sa mga anak sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng lahi.
Mga Bilang 14:18 (TAB)

Ganito ang pagniningas ng galit ng Dios sa bayan niya, hanggang sa ika-apat ng salinlahi.

 

Ano ang ipinakiusap ni Moses sa Dios?

Ipatawad mo, isinasamo ko sa iyo, ang kasamaan ng bayang ito ayon sa kalakhan ng iyong kaawaan, at ayon sa iyong pagkapatawad sa bayang ito, mula sa Egipto hanggang ngayon.
Mga Bilang 14:19 (TAB)

Ano ang sagot sa kanya ng Dios?

At sinabi ng Panginoon, Aking pinatawad ayon sa iyong salita:
Nguni't tunay, na kung paanong ako'y buhay at kung paanong mapupuspos ng kaluwalhatian ng Panginoon ang buong lupa:
Mga Bilang 14:20-21 (TAB)

Bagaman sila ay pinatawad…

Sapagka't ang lahat ng taong yaon na nakakita ng aking kaluwalhatian at ng aking mga tanda, na aking ginawa sa Egipto at sa ilang ay tinukso pa rin ako nitong makasangpu, at hindi dininig ang aking tinig;
Tunay na hindi nila makikita ang lupain na aking isinumpa sa kanilang mga magulang, ni sinoman sa kanila na humamak sa akin ay hindi makakakita:
Kundi ang aking lingkod na si Caleb, sapagka't siya'y nagtaglay ng ibang diwa at siya'y sumunod na lubos sa akin, ay aking dadalhin siya sa lupain na kaniyang pinaroonan; at aariin ng kaniyang lahi.
Ngayon nga'y ang mga Amalecita at ang mga Cananeo ay tumatahan sa libis: bukas ay magbalik kayo at kayo'y pasa ilang sa daang patungo sa Dagat na Mapula.
At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,
Hanggang kailan titiisin ko ang masamang kapisanang ito, na naguupasala laban sa akin? Aking narinig ang mga pag-upasala ng mga anak ni Israel na kanilang inuupasala laban sa akin.
Sabihin mo sa kanila, Ako'y buhay, sabi ng Panginoon, tunay na kung paano ang sinalita ninyo sa aking pakinig ay gayon ang gagawin ko sa inyo:
Ang inyong mga bangkay ay mangabubuwal sa ilang na ito; at yaong lahat na nangabilang sa inyo ayon sa inyong kabuoan ng bilang, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda na nag-upasala laban sa akin,
Ay tunay na hindi kayo papasok sa lupaing pinagtaasan ko ng aking kamay, na patatahanan ko sana sa inyo, maliban si Caleb na anak ni Jephone, at si Josue na anak ni Nun.
Nguni't ang inyong mga bata, na inyong sinabing magiging mga huli ay aking papapasukin, at kanilang makikilala ang lupain na inyong itinakuwil.
Nguni't tungkol sa inyo, ang inyong mga bangkay ay mangabubuwal sa ilang na ito.
Mga Bilang 14:22-32 (TAB)

Galit pa rin ang Dios sa kanilang bayan:

 

Sa kanilang salinlahi ng inilabas sa Egypt, sina “Caleb na anak ni Jephone, at si Josue na anak ni Nun” lamang ang pinhintulutang makarating at makapasok sa Lupang Pangako, dahil sa pagsunod nila sa Dios.

 

Sa mapaghimagsik na salinlahi na naglakbay sa ilang, hindi sila pinahintulutang makita ang kaganapan ng Pangako.

 

Ang sabi ni Maestro Evangelista, na ang pag-angkin na si Jesus ang “Abang Lingkod” na binanggit sa Isaias 53:1-12 ay hindi totoo.

 

Si Moses ang nagpakahirap ng labis sa ikaliligtas ng kanyang bayan.

 

Bumalik sa Itaas.

 

Magpatuloy sa: Ang Pahayag Tungkol sa Mabuti Laban sa Masama

 


Ang pahinang ito ay huling inayos noong: Wednesday May 28, 2014

 


Home | About | News | Sitemap | Email

Please go to www.facebook.com/Thenameph for more information.
Copyright © 2011 www.thename.ph


The Revelation of the Foreigner as mentioned by King Solomon in:

“As for the foreigner who does not belong to your people Israel but has come from a distant land because of your name— for they will hear of your great name and your mighty hand and your outstretched arm—when he comes and pray toward this temple, then hear from heaven, your dwelling place. Do whatever the foreigner asks of you, so that all the peoples of the earth may know your name and fear you, as do your own people Israel, and may know that this house I have built bears your Name."

I Kings 8:41-43 (NIV)

 


 

Maestro Eraño M. Evangelista was only sent to deliver God's Message to all people; he is not starting a new religion, nor asking for any kind of donation. Please find time to read the messages completely.

 


 

View the visitors from around the world:

 Click on the Revolving Map to view it entirely.

Since May 13, 2011

If for some reason that you cannot see the map in the link page, simply download the latest Java plug-in for your browser. Click here to install the latest version of Java.


Geo Visitors Map


 

Read the prophecies in your own language by linking to the BibleGateway.com website:

(Right click on the image and select "Open link in new window.")


 


Home | About | News | Sitemap | Email

Copyright © 2022    www.thename.ph