Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Ang Pahayag ng Dios
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
SINO ANG “BINHI” O ANG "ANAK" NI DAVID?
Inihayag noong ika-22 ng Agosto 2005
Ayon sa inaral ng mga relihiyon, pinaniwala tayo na si Jesus ang tanging sinugo
na nagmula sa Bahay ni David.
Sino ang “binhi” o ang "anak" ni David?
Narito, isang lalake ay ipanganganak sa iyo, na siyang magiging lalaking mapayapa; at bibigyan ko siya ng kapahingahan sa lahat ng kaniyang mga kaaway sa
palibot: sapagka't ang kaniyang magiging pangalan ay Salomon, at bibigyan ko ng
kapayapaan at katahimikan ang Israel sa kaniyang mga kaarawan:
1
Mga Cronica 22:9 (TAB)
Si Salomon ang tunay na "anak" ni
David na pinili upang ganapin ang pahayag. Hindi itinuro sa atin ng mga relihiyon
na si Salomon ang unang gumanap sa pahayag - II Samuel 7:12-14.
Si Salomon ang
naunang gaganap sa Pahayag na ipakilala ang Pangalan ng Dios, sa kanyang bayan
lamang at hindi sa mga tao sa buong mundo.
"Salomon" - Ibig sabihin ay kapayapaan.
Ang sabi ni Maestro
Evangelista, ang nais ng lahat ay “kapayapaan,” nagkaroon ba tayo ng kapayapaan
mula noon hanggang ngayon? Hindi, dahil ito ay laging tumatalilis sa atin. Ang
mga bansa ay gumugugol ng malaking bahagi ng kanilang pambansang puhunan sa mga
sandata upang pangalagaan ang kapayapaan.
Ang pinakamahalagang bagay
sa mundong ito ay ang “kapayapaan” o “kapahingahan;” kahit na ikaw pa ang
pinakamayamang tao, kung wala namang kapayapaan sa iyong kapaligiran ay hindi
magiging magandang ang iyong pamumuhay. Kahit na ang mundo ay nakapagbibigay pa
sa iyo ng pinakamainam sa lahat, nguni’t kung walang kapayapaan, lahat ay
balewala. Hindi matatamasa ang magandang pamumuhay kung walang kapayapaang
naghahari.
Ano ang tungkulin ng "anak" ni David sa Dios?
Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan; at siya'y magiging aking anak,
at ako'y magiging kaniyang ama; at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang
kaharian sa Israel magpakailan man.
1
Mga Cronica 22:10 (TAB)
Siya ay binigyan ng tungkulin na magtayo ng bahay ng may Pangalan ng Dios, ito
ang patotoo sa pahayag na ibinigay noon sa Samuel 7:12-14, upang ang kanyang bayan
ay makita ang Pangalan at tumawag sa Dios.
“siya'y magiging aking anak, at ako'y magiging kaniyang ama “
- Kung magtatagumpay, siya ay tatawaging “anak ng Dios.” Isang titulo o parangal
na ibibigay sa kanya, kahit na siya ay tunay na anak ni David.
Hindi pala si Jesus ang unang pinangakuan ng katawagan o parangal na tatawaging
“anak ng Dios.” Si Salomon.
At…
Ngayon, anak ko, ang Panginoon ay sumaiyo; at guminhawa ka, at iyong itayo ang
bahay ng Panginoon mong Dios, gaya ng kaniyang sinalita tungkol sa iyo.
Pagkalooban ka lamang ng Panginoon ng pagmumunimuni, at pagkakilala, at bigyan
ka niya ng bilin tungkol sa Israel; na anopa't iyong maingatan ang kautusan ng
Panginoon mong Dios.
Kung magkagayo'y giginhawa ka, kung isasagawa mo ang mga palatuntunan at ang mga
kahatulan na ibinilin ng Panginoon kay Moises tungkol sa Israel: ikaw ay
magpakalakas at magpakatapang; huwag kang matakot o manglupaypay man.
1
Mga Cronica 22:11-13 (TAB)
Ito ang ipinagbilin o paalaala na
ibinigay ng Dios kay Salomon, upang siya ay maging matapang at sumunod sa mga
kautusan. Alamin natin kung sinunod niya ang kautusan ng Dios.
Ang tanong ni Maestro Evangelista,
nagtagumpay ba si Salomon na makilala ng kanyang bayan ang Pangalan ng Dios?
Ang haring Salomon nga ay sumisinta sa maraming babaing taga ibang lupa na pati
sa anak ni Faraon, mga babaing Moabita, Ammonita, Idumea, Sidonia, at Hethea;
Sa mga bansa na sinabi ng Panginoon sa mga anak ni Israel: Kayo'y huwag
makikihalo sa kanila o sila man ay makikihalo sa inyo: sapagka't walang
pagsalang kanilang ililigaw ang inyong puso sa pagsunod sa kanilang mga dios:
nasabid si Salomon sa mga ito sa pagsinta.
1
Mga Hari 11:1-2 (TAB)
“maraming babaing taga ibang lupa”
- Si Salomon ay nagkaroon ng maraming asawa na nagmula sa iba’t-ibang bansa at
kaharian, nguni't hindi dahil sa pag-aasawa ng marami siya makakagawa ng
kasalanan, kundi ay maaari nilang ilayo ang kanyang puso sa Dios. Ano ang
kautusan tungkol sa pag-aasawa mula sa mga ibang lahi?
Pagka ipapasok ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na iyong pinaroroonan upang
ariin, at palalayasin ang maraming bansa sa harap mo, ang Hetheo, at ang
Gergeseo at ang Amorrheo, at ang Cananeo, at ang Pherezeo, at ang Heveo, at ang
Jebuseo, na pitong bansang lalong malalaki at mga lalong makapangyarihan kay sa
iyo;
At pagka sila'y ibibigay sa harap mo ng Panginoon mong Dios, at iyong sasaktan
sila; ay lubos mo ngang lilipulin sila; huwag kang makikipagtipan sa kanila, ni
huwag mong pagpakitaan ng kaawaan sila:
Ni magaasawa sa kanila; ang iyong anak na babae ay huwag mong papag-aasawahin sa
kaniyang anak na lalake, ni ang kaniyang anak na babae, ay huwag mong
papag-aasawahin sa iyong anak na lalake.
Sapagka't kaniyang ihihiwalay ang iyong anak na lalake sa pagsunod sa akin,
upang sila'y maglingkod sa ibang mga dios: sa gayo'y magaalab ang galit ng
Panginoon laban sa iyo, at kaniyang lilipulin kang madali.
Kundi ganito ang inyong gagawin sa kanila; inyong igigiba ang kanilang mga
dambana, at inyong pagpuputolputulin ang kanilang mga haligi na pinakaalaala at
inyong ibubuwal ang kanilang mga Asera, at inyong susunugin sa apoy ang kanilang
mga larawang inanyuan.
Deuteronomio 7:1-5 (TAB)
Malinaw na sa pagkakaroon ng maraming
asawa mula sa iba’t ibang bayan ang ikapangyayari ng puso ni Salomon na mabaling
palayo sa Dios.
Gaano karami ang naging asawa ni
Salomon? Ang ipinagbabawal ba ay nangyari kay Salomon?
At siya'y nagkaroon ng pitong daang asawa, na mga prinsesa, at tatlong daang
babae: at iniligaw ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso. Sapagka't nangyari,
nang si Salomon ay matanda na, iniligaw ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso
sa ibang mga dios: at ang kaniyang puso ay hindi naging sakdal sa Panginoon
niyang Dios, na gaya ng puso ni David na kaniyang ama. Sapagka't si Salomon ay
sumunod kay Astaroth, diosa ng mga Sidonio, at kay Milcom, na karumaldumal ng
mga Ammonita. At gumawa si Salomon ng masama sa paningin ng Panginoon, at hindi
sumunod na lubos sa Panginoon, na gaya ng ginawa ni David na kaniyang ama.
Nang magkagayo'y ipinagtayo ni Salomon ng mataas na dako si Chemos na
karumaldumal ng Moab, sa bundok na nasa tapat ng Jerusalem, at si Moloch na
kasuklamsuklam ng mga anak ni Ammon. At gayon ang ginawa niya sa lahat niyang
asawang mga taga ibang lupa, na nagsunog ng mga kamangyan at naghain sa
kanikanilang mga dios.
1
Mga Hari 11:3-8 (TAB)
“iniligaw ng kaniyang mga asawa ang
kaniyang puso” - Siya ay nagpatayo pa ng ibang mga templo ng mga dios ng
kanyang mga asawa. Ano ang ginawa ng Dios kay Salomon?
At ang Panginoo'y nagalit kay Salomon, dahil sa ang kaniyang puso ay humiwalay
sa Panginoon, sa Dios ng Israel, na napakita sa kaniyang makalawa,
At siyang nagutos sa kaniya tungkol sa bagay na ito, na siya'y huwag sumunod sa
ibang mga dios; nguni't hindi niya iningatan ang iniutos ng Panginoon.
Kaya't sinabi ng Panginoon kay Salomon, Yamang ito'y nagawa mo, at hindi mo
iningatan ang aking tipan, at ang aking mga palatuntunan na aking iniutos sa
iyo, walang pagsalang aking aagawin ang kaharian sa iyo, at aking ibibigay sa
iyong lingkod.
Gayon ma'y sa iyong mga kaarawan ay hindi ko gagawin alangalang kay David na
iyong ama: kundi sa kamay ng iyong anak aking aagawin.
1
Mga Hari 11:9-12 (TAB)
Sumuway sa Dios si Salomon, at ano ang magiging parusa ayon sa
pahayag na ibinigay
noon?
Basahin nating muli ang pahayag na
ibinigay sa kanyang ama na si David:
Pagka ang iyong mga araw ay naganap, at ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga
magulang, aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo, na magmumula sa iyong
tiyan, at aking itatatag ang kaniyang kaharian.
Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, at aking itatatag ang luklukan
ng kaniyang kaharian magpakailan man.
Ako'y magiging kaniyang ama, at siya'y magiging aking anak: kung siya'y gumawa
ng kasamaan, aking sasawayin siya ng pamalo ng mga tao, at ng panghampas ng mga
anak ng mga tao;
II Samuel 7:12-14 (TAB)
Sa mga nagawa niya, alam natin na hindi siya pinarusahan ng mga tao, ni
pinatay sa kahit anong paraan.
At:
Nguni't ang aking kagandahang loob ay hindi mahihiwalay sa kaniya na gaya nang
aking pagkaalis niyan kay Saul, na aking inalis sa harap mo.
II Samuel 7:15 (TAB)
Totoo ba na naging maawain ang Dios kay Salomon? Paano namatay si Salomon?
Ang iba nga sa mga gawa ni Salomon, at ang lahat na kaniyang ginawa, at ang
kaniyang karunungan, hindi ba nasusulat sa aklat ng mga gawa ni Salomon? At ang
panahon na ipinaghari ni Salomon sa Jerusalem sa buong Israel ay apat na pung
taon.
At natulog si Salomon na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing sa bayan
ni David na kaniyang ama: at si Roboam, na kaniyang anak ay naghari na kahalili
niya,
1
Mga Hari 11:41-43 (TAB)
Namatay si Salomon ng mapayapa; hindi siya pinarusahan ng mga tao. Dahil si
Salomon ay tunay na anak ni David. Naging maawain sa kanya ang Dios dahil sa
kanyang ama, at sinabi na ang kanyang kaharian lamang ang aalisin sa kanya.
At kung ang pahayag ay matatapos kay
Salomon, ano ang mangyayari sa bahay na may Pangalan ng Dios na nanatiling hindi
kilala dahil sa dami ng mga templo na itinayo ni Salomon? Paano makikita ng
kanyang bayan ang bahay ng may Pangalan ng Dios? Papaano pa sila maliligtas,
gayong patuloy pa rin ang sumpa sa kanilang bayan.
Ang tanong ngayon ay: Sino ang magpapatuloy na ipakita ang bahay na may Pangalan
ng Dios sa kanyang bayan?
Gayon ma'y hindi ko aagawin ang buong kaharian; kundi ibibigay ko ang isang lipi
sa iyong anak alangalang kay David na aking lingkod, at alangalang sa Jerusalem
na aking pinili.
1
Mga Hari 11:13 (TAB)
Ating basahin ang tungkol sa "ipinangakong tao," na manggagaling sa sangbahayan ni
David.
Bumalik sa Itaas.
Magpatuloy sa:
Ibibigay ko ang isang lipi...
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Wednesday May 28, 2014
|