Ang sabi ni Maestro Evangelista, si
Jose ang nakabuntis kay Maria at hindi ang "Espiritu Santo." Kaya walang
nangyari na walang dahilan. Ano o sino ang nagtulak kay Jesus na magpanggap na
siya ay “anak ng Dios”, ito ba ay ayon sa sariling nais ni Jesus, o siya ay
nadala lang ng iba?
Nang dumating nga si Jesus sa mga sakop ng Cesarea ni Filipo, ay itinanong niya
sa kaniyang mga alagad, na sinasabi, Ano baga ang sabi ng mga tao kung sino ang
Anak ng tao?
Mateo 16:13 (TAB)
Ito ang panahon ng tanungin ni Jesus
ang kanyang mga tagasunod ng isang tanong tungkol sa kanyang pagkakilanlan; na
kung siya ba ay ang “anak ng Tao” o ang “anak ni David?” At paano nagsisagot sa
kanya ang mga tagasunod niya?
Tandaan, ang tanong ay kung sino ang “anak ng
Tao,” hindi tungkol sa “anak ng
Dios?"
At kanilang sinabi, Anang ilan, Si Juan Bautista; ang ilan, Si Elias; at ang mga
iba, Si Jeremias, o isa sa mga propeta.
Mateo 16:14 (TAB)
Nagsisagot sila, na
ang “anak ng Tao” ay maaaring ang ibang mga propeta. Sa kanilang mga sagot hindi nila kilalang tunay si
Jesus.
At tinanong niya ulit
sila:
Kaniyang sinabi sa kanila, Datapuwa't, ano ang sabi ninyo kung sino ako?
Mateo 16:15 (TAB)
Ang nais ni Jesus na sabihin ng
kanyang mga tagasunod ay siya ang “anak ng Tao” o ang
“anak ni David”, na sila ang magbibigay patunay sa kanyang pagkakakilanlan.
Ngayon tinatanong niya ulit sila, at sino ang sasagot sa kanya?
At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay.
Mateo 16:16 (TAB)
At si Pedro ang sumagot na si Jesus ay
“anak ng Dios,” ngunit ang sagot niya ay malayo sa katotohanan, mali ang
isinagot sa ibinigay na tanong ni Jesus.
Ano ang
sinabi ni Jesus kay Pedro, pinagalitan ba niya si Pedro sa kanyang sagot?
At sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Mapalad ka, Simon Bar-Jonas:
sapagka't hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng aking Ama na
nasa langit.
Mateo 16:17 (TAB)
Hindi. Sa halip ay pinuri pa niya si
Pedro tungkol dito! Ibig sabihin, nagalak si Jesus sa sagot ni Pedro. Sa tamang
pag-iisip, dapat ay kinagalitan ni Jesus si Pedro sa pang-uuto nito sa kanya,
subali't sinang-ayunan pa niya ang sinagot sa kanya.
Sa pagkakataong ito, dito na nag-umpisang
lumihis si Jesus sa kanyang misyon, at lumabas ang tunay na saloobin niya na
kilalanin agad siyang "anak ng Dios," kahit na hindi pa niya nagagampanan ang
iniutos sa kanya ng Dios.
Ito ang unang "kasamaan" na ginawa
niya: ang magpatawag na “anak ng Dios.” Dahil sa kanyang tanda sa Isaias
7:13-15, may paalaala na nasa sa kanya ang pagpili ng mabuti at ang pagtanggi sa
masama.
Ito ang magpapatunay sa mapagmataas o palalong ugali na ipinakita ni Jesus kahit
nang kabataan pa niya. Tandaan ninyo na si Jesus ay ipinangangak ng isang
dalaga, nang hindi pa ikinakasal. Sa mahigpit na pagsunod sa kanilang batas, si Jesus
ay:..
Isang anak sa ligaw ay huwag papasok sa kapisanan ng Panginoon; hanggang sa
ikasangpung salin ng lahi ay walang sa kaniya'y makapapasok sa kapisanan ng
Panginoon.
Deuteronomio 23:2 (TAB)
“Isang anak sa ligaw” - ito ang
kalagayan ni Jesus sa kanilang lipunan noong kapanahunan niya. Itinuturing
siyang isang “tapon” o isang “hinahamak” – gayunpaman pinili siya upang
mailigtas at magsipanumbalik ang kanyang masuwaying bayan sa pamamagitan ng
pagpapakilala ng Tunay na Pangalan ng Dios sa kanila.
Ang sabi ni Maestro Evangelista, gaya ng kagat ng ahas, ang lunas ay ang gamot mula
rin sa lason ng ahas; ito ang pamamaraan ng Dios.
Sa pagiging masuwayin at mapaghimagsik nila sa Dios,
itinuturo sila sa pamamagitan ng pahayag, na kilalanin ang isang tao na "anak sa
ligaw" na si Jesus - na kanilang hinahamak sa kanilang lipunan - upang sila ay maaralan at
maligtas!
Kay Jesus naman, bilang isang hamak sa
kanilang lipunan,
ay “pinili” upang iligtas ang mapanghimagsik na bayan. Dapat ipinakita niya ang kanyang tanda at ang
kanyang bayan naman ay dapat kinilala at tinanggap rin ang kanyang tanda.
At upang ipakita ang
kanilang pagiging tapat sa Dios, dapat ay kinilala nila si Jesus na inutusan at
pinagpakumbaba ang kanilang mga sarili sa harapan ng Dios.
At, si Jesus naman ay
dapat nagpakita ng may kababaang-loob sa pakikipagharap niya sa kanyang bayan. Dahil siya ay inutusan ng Dios, hindi siya dapat maging
hambog upang
siya ay tanggapin din nila.
Tungkol sa mga “pinili” o “hinirang” ng Dios, saan ba sila nagmula?
“Pinili” ba
sila mula sa matataas na uri sa lipunan? Anong uri o katangian ng pagkatao
mayroon sila?
Nang magkagayo'y ang haring si David ay pumasok, at umupo sa harap ng Panginoon:
at kaniyang sinabi, Sino ako, Oh Panginoong Dios, at ano ang aking sangbahayan
na ako'y iyong dinala sa ganiyang kalayo?
At ito'y munting bagay pa sa iyong paningin, Oh Panginoong Dios; nguni't ikaw ay
nagsalita naman ng tungkol sa sangbahayan ng iyong lingkod nang hanggang sa
malaong panahong darating; at ito ay ayon sa paraan ng tao, Oh Panginoong Dios!
At ano pa ang masasabi ni David sa iyo? sapagka't iyong kilala ang iyong
lingkod, Oh Panginoong Dios.
II Samuel 7:18-20 (TAB)
Si David ay isang pastol lamang nang siya ay “pinili” ng Dios.
At:
At sinabi ni Samuel kay Isai, Narito ba ang iyong lahat na anak? At kaniyang
sinabi, Natitira pa ang bunso, at, narito, siya'y nag-aalaga sa mga tupa. At
sinabi ni Samuel kay Isai, Ipasundo mo siya; sapagka't hindi tayo uupo hanggang
sa siya'y dumating dito.
I Samuel 16:11 (TAB)
Si David ang bunso sa kanilang mag-anak. Papaano siya
“pinili” ng Dios, sa anong
dahilan?
Nguni't sinabi ng Panginoon kay Samuel, Huwag mong tingnan ang kaniyang mukha, o
ang taas ng kaniyang kataasan; sapagka't aking itinakuwil siya: sapagka't hindi
tumitingin ang Panginoon na gaya ng pagtingin ng tao: sapagka't ang tao ay
tumitingin sa mukha, nguni't ang Panginoon ay tumitingin sa puso.
I Samuel 16:7 (TAB)
Tumitingin ang Dios sa puso ng tao, nakita Niya kay David ang mababang loob at
pagiging masunurin.
May pangyayari ba noon na ganito rin ang ginawang pamamaraan ng pagpili ng Dios?
At ang anghel ng Panginoon ay naparoon at umupo sa ilalim ng encina na nasa
Ophra, na kay Joas na Abiezerita: at ang kaniyang anak na si Gedeon ay pumapalo
ng trigo sa ubasan, upang itago sa mga Madianita.
At napakita ang anghel ng Panginoon sa kaniya, at sinabi sa kaniya, Ang
Panginoo'y sumasaiyo, ikaw lalaking makapangyarihang may tapang.
At sinabi ni Gedeon sa kaniya, Oh Panginoon ko, kung ang Panginoon ay
sumasaamin, bakit nga ang lahat ng ito ay sumapit sa amin? at saan naroon ang
lahat niyang kababalaghang gawa na isinaysay sa amin ng aming mga magulang, na
sinasabi, Hindi ba tayo iniahon ng Panginoon mula sa Egipto? nguni't ngayo'y
hiniwalayan kami ng Panginoon at ibinigay kami sa kamay ng Madian.
At tiningnan siya ng Panginoon, at sinabi, Yumaon ka sa kalakasan mong ito, at
iligtas mo ang Israel sa kamay ng Madian: hindi ba kita sinugo?
At sinabi niya sa kaniya, Oh Panginoon, paanong ililigtas ko ang Israel? narito,
ang aking angkan ay siyang pinakadukha sa Manases, at ako ang pinakamaliit sa
bahay sangbahayan ng aking ama.
At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Walang pagsalang ako'y sasaiyo; at iyong
sasaktan ang mga Madianita na parang isang lalake.
Mga Hukom 6:11-16 (TAB)
Si Gideon ay nagmula sa pinakamaliit sa mga angkan ni Jacob, nguni’t siya ang
“pinili” ng Dios.
Tungkol kay Jesus, ano ang Salita ng Dios tungkol sa kanya, daang taon bago siya
ipanganak?
Basahin natin ulit:
Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay
maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na
Emmanuel.
Siya'y kakain ng mantekilla at pulot, pagka siya'y natutong tumanggi sa
kasamaan, at pumili ng mabuti.
Isaias 7:14-15 (TAB)
Ito ang tanda ng taong inutusan ng Dios para sa kanyang mapaghimagsik na bayan;
isang lalaki na “ipinanganak ng isang dalaga." Magiging isang “anak sa ligaw” si Jesus sa mga mata ng mga Hudyo.
Gayunpaman, inutusan pa rin ng Dios ang taong ito na pagpanumbalikin ang kanyang
bayan sa Dios.
At kung pipiliin ni Jesus ang tama at iwawaksi ang mali, magtatagumpay siya sa
kanyang misyon. Kailangan lang niyang pagtagumpayan at magpakababa ng kanyang
sarili sa harapan ng Dios at makilala na siya ang “hinirang” ng Dios.
Alam nila ang kanyang pagdating mula pa noong araw na siya ay inihayag, nguni’t ano
ang nangyari sa kanyang kabataan, papaano siya lumaki?
At nang siya'y may labindalawang taon na, ay nagsiahon sila ayon sa kaugalian ng
kapistahan;
At nang kanilang maganap na ang mga araw, sa pagbalik nila, ay naiwan ang batang
si Jesus sa Jerusalem; at di nalalaman ng kaniyang mga magulang;
Nguni't sa pagaakala nilang siya'y nasa kasamahan, ay nagsiyaon sila nang isang
araw na paglalakbay; at hinahanap nila siya sa mga kamaganak at mga kakilala;
At nang di nila siya matagpuan, ay nagsipagbalik sila sa Jerusalem, na hinahanap
siya.
At nangyari, na nang makaraan ang tatlong araw, ay nangatagpuan nila siya sa
templo, na nakaupo sa gitna ng mga guro, na sila'y pinakikinggan, at sila'y
tinatanong:
At ang lahat ng sa kaniya'y nangakakarinig ay nagsisipanggilalas sa kaniyang
katalinuhan at sa kaniyang mga sagot.
At nang siya'y mangakita nila, ay nangagtaka sila; at sinabi sa kaniya ng
kaniyang ina, Anak, bakit ginawa mo sa amin ang ganyan? narito, ang iyong ama at
ako na hinahanap kang may hapis.
Lucas 2:42-48 (TAB)
Malaking hirap ang dinanas ng kanyang ina sa paghahanap sa kanya.At ng magkita, papaano niya sinagot ang kanyang ina?
At sinabi niya sa kanila, Bakit ninyo ako hinahanap? di baga talastas ninyo na
dapat akong maglumagak sa bahay ng aking Ama.
Lucas 2:49 (TAB)
Sa gayong pagsagot sa kanyang ina, sa kabataan pa lang niya, nagpakita na siya ng pagmamataas
at malaking paghahangad; ninais na ninyang kilalaning “anak ng Dios,” kahit sa
murang edad pa lamang.
At di nila naunawa ang pananalitang sa kanila'y sinabi.
At lumusong siyang kasama nila, at napasa Nazaret; at napasakop sa kanila: at
iniingatan ng kaniyang ina sa kaniyang puso ang lahat ng mga pananalitang ito.
Lucas 2:50-51 (TAB)
Alam na ng kanyang ina na sa hinaharap si Jesus ay mapapariwara sa kanyang
misyon.
Totoo ba ito?
Ang tanong ni Maestro Evangelista: papaano pinakitunguhan ni Jesus ang kanyang
tunay na pamilya sa panahon ng kanyang misyon?
Kung magkagayo'y sinasabi niya, Babalik ako sa aking bahay na nilabasan ko; at
pagdating niya, ay nasusumpungan niyang walang laman, walis na, at nagagayakan.
magkagayo'y yumayaon siya, at nagsasama ng pito pang espiritu na lalong masasama
kay sa kaniya, at sila'y nagsisipasok at nagsisitahan doon: at nagiging lalo
pang masama ang huling kalagayan ng taong yaon kay sa una. Gayon din ang
mangyayari sa masamang lahing ito.
Samantalang siya'y nagsasalita pa sa mga karamihan, narito, ang kaniyang ina at
ang kaniyang mga kapatid ay nangakatayo sa labas, at ibig nilang siya'y
makausap.
At may nagsabi sa kaniya, Narito, ang iyong ina at ang iyong mga kapatid ay
nangakatayo sa labas, na ibig nilang makausap ka.
Nguni't siya'y sumagot at sinabi sa nagsabi sa kaniya, Sino ang aking ina? at
sino-sino ang aking mga kapatid?
At iniunat niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mga alagad, at sinabi, Narito,
ang aking ina at ang aking mga kapatid!
Sapagka't sinomang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit, ay siyang
aking kapatid na lalake at aking kapatid na babae, at ina.
Mateo 12:44-50 (TAB)
Inilayo na niya ang kanyang sarili sa kanyang tunay na
pamilya at hiniya pa sa
harapan ng maraming tao.
Sa mga ipinakita ni Jesus na kahambugan sa mga tao ng kanyang bayan, hindi siya nakitaan ng
tanda na siya ang “pinili” ng Dios.
At sa mga hindi nakakaalam ng tunay na pamilya ni Jesus,
sino-sino sila?
Hindi baga ito ang anluwagi, ang anak ni Maria, at kapatid ni Santiago, at ni
Jose, at ni Judas, at ni Simon? at hindi baga nangaririto sa atin ang kaniyang
mga kapatid na babae? At siya'y kinatitisuran nila.
Marcos 6:3 (TAB)
Ang pangalan ng mga kapatid na lalake ni Jesus ay binanggit, nguni’t ang mga
pangalan ng mga kapatid na babae niya ay hindi nabanggit. malinaw na si Jesus ay isang
“tao” lamang.
Ang Pagsunod sa Magulang
Ano ang kautusan ng Dios tungkol sa paggalang sa magulang?
Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, gaya ng iniutos sa iyo ng Panginoon
mong Dios: upang ang iyong mga araw ay lumawig at upang ikabuti mo sa lupain na
ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
Deuteronomio 5:16 (TAB)
Ito ang kautusan ng Dios na may pagpapala kung susundin Siya. Sinunod ba niya
ang kautusang ito? Hindi, siya pa ang nangunang sumuway nito!
Kung may pagpapala sa pagsunod, ano naman ang sumpa sa pagsuway nito?
Sapagka't bawa't isa na lumalait sa kaniyang ama o sa kaniyang ina ay papatayin
na walang pagsala: kaniyang nilait ang kaniyang ama o ang kaniyang ina: mabububo
ang kaniyang dugo sa kaniya.
Levitico 20:9 (TAB)
Nangyari ba ito kay Jesus o hindi? Nangyari.
Tungkol sa pahayag sa Isaias 7:14-15, pinili niya ang masama at dahil naging
mayabang na siya.
Balikan natin ang sinabi ni Jesus kay Pedro:
At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay
itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig
laban sa kaniya.
Mateo 16:18 (TAB)
Nagtayo na siya ng sariling simbahan
(iglesia sa pangalan niya), nguni’t ano ang ibinigay
na pahayag noon? Dapat ba talagang magtatayo ng kanyang sariling iglesia?
At sa muling pagbasa ng pahayag:
Pagka ang iyong mga araw ay naganap, at ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga
magulang, aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo, na magmumula sa iyong
tiyan, at aking itatatag ang kaniyang kaharian.
Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, at aking itatatag ang luklukan
ng kaniyang kaharian magpakailan man.
Ako'y magiging kaniyang ama, at siya'y magiging aking anak: kung siya'y gumawa
ng kasamaan, aking sasawayin siya ng pamalo ng mga tao, at ng panghampas ng mga
anak ng mga tao;
II Samuel 7:12-14 (TAB)
Siya ay tatawaging “anak ng Dios,” ito ang karangalan o kabansagang ibibigay sa
kanya kung maituturo niya ang bahay na may Pangalan ng Dios (o ang Pagpapakilala
niyon) at kung maakay niya ang kanyang bayan na magsisi at manumbalik sa Dios,
ito ang panahon na ang karangalan at kabansagang “anak ng Dios” ay ibibigay sa
kanya ng kanyang bayan bilang pagkilala sa kanyang gawa. Ito dapat ang
pagpapala.
At ang sumpa, kung siya makagawa ng kasamaan, siya ay paparusahan (papaluin at
hahampasin) ng mga tao, at ang dahilan kung bakit ang Dios ay laging binibigyan
ang kanyang mga propeta ng pagpapala at sumpa, dahil silang lahat ay mga tao lamang;
hindi sakdal, maari silang sumunod o hindi sa kautusan ng Dios, nasa sa kanila
na kung sundin man nila ito o hindi.
Basahin nating muli sa:
At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay
itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig
laban sa kaniya.
Mateo 16:18 (TAB)
Ito ang kanyang ikalawang "kasamaan;" nagtayo na siya ng sariling simbahan at
tinalikuran na ang kanyang tungkulin na ibinigay sa kanya ng Dios na ikaliligtas
sana ng kanyang bayan.
Ito ang isa sa pinakamalaking pagkakamali ng mga relihiyon, ginawa nilang
saligan ng kanilang pananampalataya ang sinalitang ito ni Jesus kay Pedro, ito
ang isa sa mga “kasamaan” ni Jesus. Binasa ng mga relihiyon ang sagot ni Pedro
nguni’t hindi nila binasa ang tanong ni Jesus. Nakita na dapat nila ang
pagkakaiba noon pa.
Ang sabi ni Jesus na kahit na ang impiyerno ay hindi mananaig dito, nguni’t wala
namang binanggit sa pahayag.
At anong bagay
pa ang kanyang sinabi kay Pedro?
Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian
sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa
langit.
Mateo 16:19 (TAB)
Ito ang mga pangakong ibinigay ni Jesus kay Pedro, dahil inuto ni Pedro si
Jesus; si Jesus ay inuto rin si Pedro. Ito ang pinagmulan ng kapamahalaan ng
mga papa sa Vatican at mga pastor ng iba pang mga relihiyon, sa mga walang
saysay na pangako ni Jesus kay Pedro. At sa pananampalataya ng tao sa kanila,
lahat ay nasumpa.
Nalaman ba ni Jesus na nakagawa na siya ng "kasamaan?" Ano ang
sinabi niya sa mga tagasunod niya?
Nang magkagayo'y ipinagbilin niya sa mga alagad na huwag sabihin kanino man na
siya ang Cristo.
Mateo 16:20 (TAB)
Ito ang isa sa mga katunayan na si Jesus ay nakaisip
na gumawa ng
"kasamaan." Kung siya ang tunay ng “anak ng Dios,” bakit pinag-utusan niya ang
kanyang mga tagasunod na huwag sabihin sa kahit kanino, na siya ang “Cristo?”
na dapat ay iparating ito sa mga tao.
At magmula sa panahon na nagpanggap siya bilang “anak ng Dios" at nagtayo ng
sariling simbahan, nalaman din ba niya na tatanggap na siya ng mabigat na
kaparusahan ayon sa pahayag?
Mula ng panahong yao'y nagpasimulang ipinakilala ni Jesus sa kaniyang mga
alagad, na kinakailangang siya'y pumaroon sa Jerusalem, at magbata ng maraming
bagay sa matatanda at sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba, at siya'y
patayin, at muling ibangon sa ikatlong araw.
Mateo 16:21 (TAB)
Napag-alaman na niya sa pahayag na siya ay tatanggap ng kaparusahan dahil sa kanyang
"kasamaan," at alam ni Jesus ito, kaya ng marinig ng mga tagasunod niya ang
sinabi niya, sino ulit ang dadamay sa kanya tungkol sa bagay na ito?
At isinama siya ni Pedro, at nagpasimulang siya'y pinagwikaan, na nagsasabi,
Panginoon, malayo ito sa iyo: kailan man ay hindi mangyayari ito sa iyo.
Mateo 16:22 (TAB)
Ang isang nang-uto at nagpa-hamak kay Jesus upang makagawa ng "kasamaan" ay siya
rin ang nagtangkang pabulaanan na ang parusa ay hindi mangyayari sa kanya!
Papaano sinagot ni Jesus si Pedro?
Datapuwa't lumingon siya, at sinabi kay Pedro, Lumagay ka sa likuran ko,
Satanas: ikaw ay tisod sa akin: sapagka't hindi mo pinagiisip ang mga bagay ng
Dios, kundi ang mga bagay ng tao.
Mateo 16:23 (TAB)
Kanina, siya ay nagalak nang iminungkahi (o ng inuto siya) ni Pedro na siya ay
ang “anak ng Dios”, nguni't nang sabihin na ni Jesus sa kanila na dadanas siya
ng kaparusahan sa pagpapanggap niya bilang “anak ng Dios," sa pagsagot ni Pedro
na hindi mangyayari iyon, doon na nalaman ni Jesus na si Pedro ay
naimpluwensiyahan na ni Satanas, mula nang inuto siya.
Nangahulugan niyon, nagtagumpay si Satanas kay Jesus, gaya ng pagtagumpayan ni
Satanas kay Adan sa pamamagitan ni Eva sa Halamanan, na sila ay nasumpa. Alam ng
Satanas na si Adan ay may tuwirang pakikipagtalastasan sa Dios, kaya’t upang
malinlang ni Satanas si Adan, tinukso muna ni Satanas ang babae at ang babae na
ang tumukso kay Adan.
Alam ni Jesus ang pangyayari sa Halamanan ng Eden kaya tiniyak niya na hindi ito
mangyayari sa kanya at hindi nga siya nag-asawa. Dahil walang asawa si Jesus,
ang ginawa ni Satanas ay nilinlang at ginamit niya ang pinakamalapit na
tagasunod, si Pedro. At nagtagumpay nga si Satanas.
Hindi ang pagkakanulo ni Judas kundi ang pang-uuto ni Pedro
ang dahilan ng paggawa ng "kasamaan" ni Jesus. Sino ang dapat sisihin sa
pagkamatay niya? Si Jesus mismo; kung natuto lamang siya sa mga
pagkakamali ng mga nauna sa kanya, at sumunod sa Salita ng Dios, nagtagumpay
sana siya sa kanyang tungkulin.
Itinuro ng mga relihiyon sa mga tao ang kasaysayan ng mga ginawa ni Jesus
sa mga aklat ng Bagong Tipan, nguni’t hindi ang pahayag sa mga aklat ng mga propeta; ang dahilan ng kanyang
pagdating at ang tunay niyang tungkulin na ibinigay ng Dios.
Kung ihambing ang mga ginawa niya sa paraan ng kanyang kaparusahan, hindi natin
malalaman ang katotohanan na si Jesus ay nabigo. At kung patuloy nating
babasahin ang tungkol kay Jesus sa aklat ng mga apostol, hindi natin makikilala
ang tunay na Jesus at hindi rin makikita ang lunas sa pangkasalukuyang mga
suliranin ng mundo.
Ito ay magiging isang kabiglaanan sa lahat nguni’t ito’y malinaw na nakasulat sa
Banal na Aklat… at ikaw ay magtanong, sino si Maestro Evangelista, ano ang karapatan niya
tungkol kay Jesus?
Si Maestro Evangelista ba ay isinugo upang kumalaban at pabulaanan si Jesus?
Ating basahin
sa mga sinalita ni Jesus noon:
Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo'y magpatotoo ng mga
bagay na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang
maningning na tala sa umaga.
Apocalipsis 22:16 (TAB)
Si Jesus ay nagsabi na siya ay nag-utos ng isang “anghel” o isang "tagahatid-balita"
sa ngalan niya na susuguin sa lahat ng tao, upang magturo na si Jesus ay "ang
ugat at ang supling ni David" at ang "maningning na tala sa umaga" na inihayag sa
Banal na Aklat.
May darating na “anghel” ni Jesus, bakit hindi nalaman ng mga relihiyon ang
tungkol dito sa mga nagdaang dalawang libong taon?
Kung ipagpipilitan ng mga relihiyon na ang kanilang aral na si Jesus ay tunay na
“anak ng Dios” at ihahambing sa inamin ni Jesus, lumalabas niyan si David ay
magiging dios! Na hindi naman totoo.
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Monday November 23, 2015
The Revelation of the Foreigner
as mentioned by King Solomon in:
“As for the
foreignerwho does not belong to your people Israel but has come from a
distant land because of your name— for they will hear of your great name and
your mighty hand and your outstretched arm—when he comes and pray toward this
temple, then hear from heaven, your dwelling place. Do whatever the foreigner
asks of you, so that all the peoples of the earth may know your name and
fear you, as do your own people Israel, and may know that this house I have
built bears your Name."
I
Kings 8:41-43 (NIV)
Maestro Eraño M. Evangelista was
only sent to deliver God's Message to all people; he is not starting a
new religion, nor asking for any kind of donation. Please find time to
read the messages completely.
View the visitors from around the
world:
Click
on the Revolving Map to view it entirely.
Since May 13, 2011
If for some reason that you cannot see the map in the link
page, simply download the latest Java plug-in for your browser. Click here to
install the
latest version of Java.
Read the prophecies in your own language by linking to the
BibleGateway.com website:
(Right click on the image and select
"Open link in new window.")