Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Ang Dakilang Pangalan ng Dios
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
Pagliligtas sa Pangalan ng Dios
Tungkol
sa Pagpapatawad ng mga
Kasalanan ng Lahat sa Dios
Ang sabi ni Maestro Evangelista, na inihayag niya noong
nakaraang Sabado, May 7, 2011:
Dahil sa ngayon pa lang nakikilala ang Dios sa pamamagitan ng
mga pahayag ni Maestro Evangelista, marami ang nagtatanong kung ang mga nagawa
nila noon ay aariin pa ring pagkakasala sa Dios matapos makilala at makatawag sa
Kanyang Tunay ng Pangalan?
Basahin:
"Mabuti at matuwid ang Panginoon: kaya't tuturuan niya
ang mga makasalanan sa daan."
Awit 25:8 (TAB)
Ang Dios ang magtuturo kung paano maipapatawad ang ating mga kasalanan.
Ang maamo ay papatnubayan niya sa kahatulan: at
ituturo niya sa maamo ang daan niya.
Lahat na landas ng Panginoon ay kagandahang-loob at katotohanan sa mga gayon
na nangagiingat ng kaniyang tipan at kaniyang mga patotoo.
Awit 25:9-10 (TAB)
Kung tunay tayong susunod sa Dios at sa mga tagubilin Niya,
papaano na ang mga kasalanan natin sa Kanya?
Dahil sa iyong pangalan, Oh Panginoon, iyong ipatawad
ang aking kasamaan,
sapagka't malaki.
Awit 25:11 (TAB)
Kapag nalaman at tinanggap natin ang Pangalan ng Dios, doon
pa lang mapapatawad ang mga kasalanan natin sa Kanya at mawawala na ang Sumpa sa
mundo.
Anong tao siya na natatakot sa Panginoon? Siya ang
tuturuan niya ng daan
na kaniyang pipiliin.
Awit 25:12 (TAB)
"tao siya na natatakot sa Panginoon" - Sinasabi ng Dios na
hanapin ang taong ito. Ibinigay sa kanya ng Dios ang paraan upang tayo ay
mapatawad sa ating mg kasalanan.
Ang pagkatakot sa Dios ay pasimula ng karunungan.
Sinu-sino ang tuturuan? At sino rin ang magdadala ng aral ng
Pagkatakot sa Dios?
At may lalabas na usbong sa puno ni Isai, at isang
sanga mula sa
kaniyang mga ugat ay magbubunga:
Isaias 11:1 (TAB)
"usbong" - Si Haring David.
"Isai" - Ang ama ni Haring David.
"isang sanga" - Siya ang magtuturo sa mga tao upang
makatanggap ng pagliligtas mula sa Dios.
"ugat" - Si Jesus, na nagmula sa angkan ni David.
Ano ang aral na dala ng "Sanga?"
At ang Espiritu ng Panginoon ay sasa kaniya, ang diwa
ng karunungan
at ng kaunawaan, ang diwa ng payo at ng katibayan, ang diwa ng kaalaman
at ng takot sa Panginoon;
Isaias 11:2 (TAB)
"ng takot sa Panginoon" - Siya ang magtuturo sa lahat upang
makilalang lubos ang Dios at ang mga Kautusan.
At ang kaniyang kaluguran ay magiging sa pagkatakot sa
Panginoon: at hindi siya hahatol ng ayon sa paningin ng kaniyang mga mata,
ni sasaway man ng ayon sa
pakinig ng kaniyang mga tainga:
Isaias 11:3 (TAB)
Ito ang katangian ng "Sanga" na binabanggit - si Maestro
Eraño M. Evangelista. Magtanong sa kanya upang magkaroon ng kalinawan sa mga aral
ng Dios.
Kundi hahatol siya ng katuwiran sa dukha, at sasaway
na may karampatan dahil
sa mga maamo sa lupa: at sasaktan niya ang lupa ng pamalo ng kaniyang bibig,
at ng hinga ng kaniyang mga labi ay kaniyang papatayin ang masama.
Isaias 11:4 (TAB)
"maamo sa lupa" - ito ang mga tuturuan. Ang mga taong
didinggin ang panawagan ng Dios at makikinig sa "Sanga", na si Maestro
Eraño M. Evangelista upang maalaman ang Pangalan at ang Pagkatakot sa Dios!.
Saan natin makikita ang pahayag ng tungkol sa "Sanga?"
Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan? Bakit ka
napaka layo sa pagtulong sa akin, at sa mga salita ng aking pag-angal? Oh
Dios ko, ako'y humihiyaw sa araw, nguni't hindi ka sumasagot: at sa gabi, at
hindi ako tahimik.
Nguni't ikaw ay banal, Oh ikaw na tumatahan sa mga pagpuri ng Israel.
Awit 22:1-3 (TAB)
Si Jesus ito.
Ang aking kalakasan ay natuyo na parang bibinga; at
ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala; at dinala mo ako sa alabok
ng kamatayan.
Sapagka't niligid ako ng mga aso: kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa
ng masama; binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa.
Aking maisasaysay ang lahat ng aking mga buto; kanilang minamasdan, at
pinapansin ako: Hinaak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila, at
kanilang pinagsapalaran ang aking kasuotan. Nguni't huwag kang lumayo, Oh
Panginoon: Oh ikaw na aking saklolo, magmadali kang tulungan mo ako.
Iligtas mo ang aking kaluluwa sa tabak; ang aking minamahal sa kapangyarihan
ng aso. Iligtas mo ako sa bibig ng leon; Oo, mula sa mga sungay ng torong
gubat
ay sinagot mo ako.
Awit 22:15-21 (TAB)
"dinala mo ako sa alabok ng kamatayan" - Pinatay na siya,
bilang kaparusahan sa kanyang mga kasamaang nagawa. Nguni't nagsasalita pa siya,
bakit?
Aking ipahahayag ang iyong pangalan sa aking mga
kapatid:
sa gitna ng kapulungan ay pupurihin kita.
Kayong nangatatakot sa Panginoon ay magsipuri sa kaniya: kayong
lahat na binhi ni Jacob ay lumuwalhati sa kaniya; at magsitayong may
takot sa kaniya, kayong lahat na binhi ni Israel.
Awit 22:22-23 (TAB)
Nagpapakilala na siya ng isang tao, na maghahayag ng Pangalan
ng Dios, dahil hindi niya nagawa.
Sapagka't hindi niya hinamak o pinagtaniman man ang
kadalamhatian ng nagdadalamhati; ni ikinubli man niya ang kaniyang mukha sa
kaniya; kundi nang siya'y dumaing sa kaniya, ay kaniyang dininig.
Awit 22:24 (TAB)
"dininig" - Ang tinutukoy dito ay ang "dininig" ng Dios. Si
Jesus sa huling hininga niya ay hindi dininig ng Dios upang iligtas.
Sa iyo nanggagaling ang pagpuri sa akin sa dakilang
kapisanan: aking tutuparin ang aking mga panata sa harap nila na
nangatatakot sa kaniya.
Awit 22:25 (TAB)
Ang mga hindi matatakot sa Dios ay hindi tatanggap ng
pagpapala.
Ang maamo ay kakain at mabubusog: kanilang pupurihin
ang Panginoon na
humanap sa kaniya; mabuhay nawa ang iyong puso magpakailan man.
Awit 22:26 (TAB)
Kailan ito mangyayari? Sa panahon natin sa kasalukuyan. Hindi
nangyari ito sa kanila noon, dahil ang taong inutusan na ipakilala ang Pangalan
ng Dios sa bayan niya ay hindi nagtagumpay..
Lahat ng mga wakas ng lupa ay makakaalaala, at
magsisipanumbalik sa Panginoon: at lahat ng mga angkan ng mga bansa ay
magsisisamba sa harap mo.
Awit 22:27 (TAB)
Ngayon pa lang ito mangyayari, dahil ngayon pa lang
makikilala ng buong mundo ang Tunay na Pangalan ng Dios!
Sapagka't ang kaharian ay sa Panginoon: at siya ang
puno sa mga bansa.
Lahat na matataba sa lupa ay magsisikain, at magsisisamba: silang lahat na
nagsisibaba sa alabok ay magsisiyukod sa harap niya, sa makatuwid baga'y
ang hindi makapagingat na buhay ng kaniyang kaluluwa.
Isang binhi ay maglilingkod sa kaniya, sasaysayin ang Panginoon
sa susunod na salin ng lahi,
Awit 22:28-30 (TAB)
"isang binhi" - ang "Sanga" o si Maestro
Eraño M. Evangelista.
Sila'y magsisiparoon at mangaghahayag ng kaniyang
katuwiran, sa bayan na ipanganganak ay ibabalita, yaong kaniyang ginawa.
Awit 22:31 (TAB)
Ipapanganak pa lang. Hindi si Jesus na ipinanganak na at
hindi nagtagumpay sa kanyang misyon noon.
Saan natin makikita ang sagot sa katangungan tungkol sa
kaligtasan.?
Kaya nang magsalita si Jesus tungkol rito:
Ang mabuting tao sa kaniyang mabuting kayamanan ay
kumukuha ng mabubuting bagay: at ang masamang tao sa kaniyang masamang
kayamanan ay kumukuha ng masasamang bagay.
At sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't salitang walang kabuluhang sabihin ng
mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom.
Sapagka't sa iyong mga salita ikaw ay magiging banal, at sa iyong mga salita
ay hahatulan ka.
Mateo 12:35-37 (TAB)
Gaya ni Maestro Eraño M. Evangelista - siya ay inutusan din
upang ihayag sa atin ang mensahe at ang hatol ng Dios, at nasasaatin kung tayo
ay maniniwala o hindi.
Nang magkagayo'y nagsisagot sa kaniya ang ilan sa mga
eskriba at sa mga Fariseo, na nangagsasabi, Guro, ibig namin makakita ng
isang tanda sa iyo.
Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi sa kanila, Isang lahing masama at
mapangalunya ay humahanap ng isang tanda; at hindi siya bibigyan ng anomang
tanda kundi ng tanda ng propeta Jonas:
Sapagka't kung paanong si Jonas ay napasa tiyan ng isang balyena na tatlong
araw at tatlong gabi; ay gayon ding mapapasa ilalim ng lupa na tatlong araw
at tatlong gabi ang Anak ng tao.
Mateo 12:38-40 (TAB)
Ito ang tanda ni Propeta Jonas. Gaya rin noong panahon niya,
siya ay inutusan ng Dios upang ihatid at ihayag ang hatol ng Dios sa bayan ng
Nineveh, nguni't hindi niya sinabi ang paraan kung papaano maiuurong o maaalis
ang hatol ng Dios sa kanila. Ang mga naninirahan, sa pangunguna ng kanilang hari,
ang gumawa ng paraan na magsisi sa Dios at magbago ng kanilang mga lakad!
Pinatawad sila ng Dios at hindi sila nilipol.
Bumalik sa Itaas.
Magpatuloy sa:
Ang Pangako ng Dios
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Tuesday November 03, 2015
|