www.thename.ph

www.suurinimi.com

The Revelation of the Great Name of God

and of the Testimony of Jesus, and the New City of God, the New Jerusalem and the Coming of the Foreigner of God


"Generations come and generations go, but the earth remains forever." - Ecclesiastes 1:4 (NIV)

The world will not end, it will have a new beginning. One people, one world and One God.

The LORD will be king over the whole earth. On that day there will be one LORD, and his name the only name. Zechariah 14:9 (NIV)

The Name of God Revealed (NIV) | The Name of God Revealed (Tanakh) | The Testimony of Jesus | The Coming of the Foreigner 

Language versions:

English

Filipino

Finnish



Home - TheName.Ph
About
News
Sitemap
Email
Part 1: The Revelations
 Introduction
 
Introduction 2
 
The Condition of the World

 The Root Cause of Divisions

 The Greatest Deception

 The Name of God - Tanakh
Part 2: The Real Jesus
 The Testimony of Jesus
 
Are we cursed?
 
The Curse of God
 
Blessing & Curse
 
Who was Jesus?
 
A Short Story of Maestro
 
The Prophecy of God
 
The “Son” of David?
 
Will give one tribe
 
The Great Pretender
 
The Bright Morning Star
 
The Power of Jesus
 
The Deception of Jesus
 
Regarding Sins
 
The Deception of Satan
 
Did Jesus live again?
 
About The "Third Day"
 
The Reason Of It All
Part 3: The Name of God
 The Great Name of God
 
The Name of God - Tanakh

 Salvation in the Name of God 
 
The Promise of God
 
Authority of the Prophets
 
Visions of the Prophets
 
The Blessing and The Curse
 
The Commandments of God
 
The Counselor of Jesus
 
Jesus without Sin?
 
The Word became flesh
 
The Suffering Servant
 
Prophecy of Good against Evil
 
The Beast in the Holy Bible
 
The Great and Dreadful Day
 
End of Satan's Reign on Earth
Part 4: The Revelations
 The Coming of the Foreigner
 
The Sign of the "Day of the Lord"
 
The Curse on Babylon
 
Events that will happen soon
 
The Middle East Wars
 
What if the People will not heed?

 Part 5: Other Revelations
 Cherub in the Garden of Eden
 
Baptism by Water
 
Regarding the Origin of Baptism
 
Deceivers and Deceived

 Concerning tithes
 
Of Rites and Offerings
 
Of Prayers and vows
 
The Food that We should Eat
 
The Tree of Life
 
Be fruitful and increase


Unang Pahina - TheName.Ph

Tungkol sa Website
Mga Balita

Sitemap
Email
Unang Bahagi: Mga Pahayag
 Paunang Salita
 
Paunang Salita 2
 
Ang Kalagayan ng Mundo
Ikalawang Bahagi: Si Jesus
 Ang Patotoo ni Jesus
 
Tayo Ba Ay Nasumpa?
 
Ang Sumpa ng Dios
 
Pagpapala At Sumpa
 
Sino si Jesus?
 
Maikling Kasaysayan - Maestro
 
Ang Pahayag ng Dios
 
Ang Binhi ni David
 
Kundi ibibigay ko ang isang lipi

 Ang Dakilang Mapagpanggap
 
Maningning na Tala sa Umaga
 
Ang Kapangyarihan ni Jesus
 
Panlilinlang ni Jesus
 
Tungkol sa Kasalanan
 
Panglilinlang ni Satanas
 
Jesus, nabuhay muli?
 
Ang "Ikatlong Araw"
 
Ang Dahilan ng Lahat
Ikatlong Bahagi: Ang Pangalan
 Ang Dakilang Pangalan ng Dios
 
Pagliligtas sa Pangalan ng Dios  
 
Ang Pangako ng Dios
 
Ang Karapatan ng mga Propeta
 
Mga Pangitain ng mga Propeta
 
Ang Pagpapala at Ang Sumpa
 
Ang mga Kautusan ng Dios
 
Ang Mangaaliw ni Jesus
 
Si Jesus, walang pagkakasala?
 
Ang Verbo - Si Jesus?
 
Ang Abang Lingkod
 
Mabuti Laban sa Masama
 
Ang "Hayop" Sa Banal na Aklat
 
Ang "Kaarawan ng Panginoon"
 
Ang Wakas ni Satanas
Ikaapat na Bahagi: Mga Pahayag
 Ang Taga Ibang Lupa
 
Ang Sumpa sa Babilonia
 
Ang mga Magaganap na madali
 
Digmaan sa Gitnang Silangan
 
Kung hindi pakikinggan?

Ikalimang Bahagi: Mga Pahayag
 Ang Kerubin ng Dios
 
Ang Pagbabautismo ng Tubig
 
Ginaya ng Pagbabaustismo

 Hinggil sa Manloloko at Naloko

 Tungkol sa Pag-abuloy
 
Pagdiriwang at Pagaalay
 
Pananalangin at Pagpapanata
 
Hinggil sa Pagkain

 Ang Punong Kahoy ng Buhay

 Kayo'y magpalaanakin...


Unang Pahina | Tungkol sa site | Balita | Sitemap | Email

 

Ang Karapatan ng mga Propeta

 

Basahin ang Pahinang ito sa Ingles.

 

Ang Pangitain ng mga Propeta

Papaano Nakikipagusap ang Dios sa Kanyang mga Propeta?
Inihayag noong ika 12 ng Febrero taong 2005

 

Ang paraan upang tayo ay makakabalik sa Halamanan sa Eden ay naihayag na!

 

Tandaan, isinulat ni Moises ang unang limang aklat ng Banal na Alkat. Papaano naisulat niya ang mga kasaysayan nina Adan, Abraham, Isaac, Jacob at ng iba pa, kung sila ay naunang nangabuhay  sa kanya?    

 

Ihahayanag ni Maestro Evangelista sa atin ang dahilan:

At nakikipagsalitaan ang Panginoon kay Moises ng mukhaan, gaya ng isang taong nakikipagsalitaan sa kaniyang kaibigan. At siya'y bumabalik uli sa kampamento, datapuwa't ang kaniyang tagapangasiwang si Josue, na anak ni Nun, na may kabataan pa, ay hindi umaalis sa Tolda.

Exodus 33:11 (TAB)

Nakipagusap ang Dios kay Moises na parang isang kaibigan, at sa mga propeta? 

Ako rin naman ay nagsalita sa mga propeta, at ako'y nagparami ng mga pangitain; at sa pangangasiwa ng mga propeta ay gumamit ako ng mga talinhaga.

Oseas 12:10 (TAB)

Gaya ni Maestro Evangelista, tinatanggap niya ang mga inuutos sa kanya sa pamamagita ng mga pangitain mula sa Dios.

 

At sa mga hari ng Dios?

Pagka ang iyong mga araw ay naganap, at ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga magulang, aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo, na magmumula sa iyong tiyan, at aking itatatag ang kaniyang kaharian.

Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian magpakailan man.

Ako'y magiging kaniyang ama, at siya'y magiging aking anak: kung siya'y gumawa ng kasamaan, aking sasawayin siya ng pamalo ng mga tao, at ng panghampas ng mga anak ng mga tao;

Nguni't ang aking kagandahang loob ay hindi mahihiwalay sa kaniya na gaya nang aking pagkaalis niyan kay Saul, na aking inalis sa harap mo.

At ang iyong sangbahayan at ang iyong kaharian ay matitiwasay magpakailan man sa harap mo: ang iyong luklukan ay matatatag magpakailan man.

II Samuel 7:12-16 (NIV)

Ipinangako ito ng Dios kay David, nguni't sinabi ba ito ng harapan ng Dios kay David?

Ayon sa lahat ng mga salitang ito, at ayon sa buong pangitaing ito ay gayon sinalita ni Nathan kay David.

II Samuel 7:17 (TAB)

Si Propeta Nathan ang binigyan ng pangitain ng Dios at ibingay kay Haring David. At sa anak ni David, si Salomon, na sumunod na maging hari sa kanya; papaano tinanggap ni Salomon ang mga kautusan ng Dios?

At ang Panginoon ay napakita kay Salomon sa gabi, at sinabi sa kaniya, Aking narinig ang iyong dalangin, at pinili ko ang dakong ito sa aking sarili na pinakabahay na hainan.

Kung aking sarhan ang langit na anopa't huwag magkaroon ng ulan, o kung aking utusan ang balang na lamunin ang lupain, o kung ako'y magsugo ng salot sa gitna ng aking bayan;

Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.

II Cronica 7:12-14 (TAB)

"ang Panginoon ay napakita kay Salomon" - Sa pangunawa ng sinoman, aakalaing nakipagusap nga ng tuwiran ang Dios kay Salomon, nguni't magbasa pa tayo:

At ang Panginoo'y nagalit kay Salomon, dahil sa ang kaniyang puso ay humiwalay sa Panginoon, sa Dios ng Israel, na napakita sa kaniyang makalawa,

2 Mga Hari 11:9 (TAB)

It will be readily accepted that God appeared to Solomon, what does it mean? Is it literal?

 

Madali ngang tanggapin na ang Dios nga ay nagpakita kay Salomon, ano ang ibig sabihin nito? Ito ba ay literal?

Sa Gabaon ay napakita ang Panginoon kay Salomon sa panaginip sa gabi: at sinabi ng Dios, Hingin mo kung ano ang ibibigay ko sa iyo.

I Mga Hari 3:5 (TAB)

Kung binanggit na "ang Dios ay nagpakita..." - ito ay sa pamamagitan ng mga panaginip at mga pangitain, hindi sa pisikal na anyo.

 

And who are the other people in the Holy Bible that experienced God’s presence?

 

At sinu-sino pa ang mga ibang tao sa Banal na Aklat na makamalas na makatanggap pa ng Salita ng Dios?

Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

At si Jose na kaniyang asawa, palibhasa'y lalaking matuwid, at ayaw na ihayag sa madla ang kaniyang kapurihan, ay nagpasiyang hiwalayan siya ng lihim.

Datapuwa't samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo.

At siya'y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan.

Mateo 1:18-21 (TAB)

Alam na natin ang tungkol sa tunay na kahulugan ng Espiritu Santo, ito ay ang Salita ng Dios o ang pahayag ng ibinibigay ng mga propeta; hindi ang Dios sa ibang katauhan.

 

May isang Anghel ng Dios ang nagpakita kay Jose at ito ay sa panaginip pa; dahil hindi si Jose ang taong sinugo o ipinahayag ng Dios na gaganap nito; ang Anghel lamang ang nagpakita sa kanya upang ipaalala ang pahayag.


At tungkol naman kay Isias, papaano siya tinawag ng Dios upang ganapin ang kanyang misyon?

Noong taong mamatay ang haring Uzzias ay nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa isang luklukan, matayog at mataas; at pinuno ang templo ng kaniyang kaluwalhatian.

Sa itaas niya ay nangakatayo ang mga serapin: bawa't isa'y may anim na pakpak: na may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mukha, at may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mga paa, at may dalawa na naglilipad sa kaniya.

At nagsisigawang isa't isa, at nagsasabi, Banal, banal, banal ang Panginoon ng mga hukbo: ang buong lupa ay napuno ng kaniyang kaluwalhatian.

At ang mga patibayan ng mga pintuan ay nakilos sa tinig ng sumisigaw, at ang bahay ay napuno ng usok.

Nang magkagayo'y sinabi ko, Sa aba ko! sapagka't ako'y napahamak; sapagka't ako'y lalaking may maruming mga labi, at ako'y tumatahan sa gitna ng bayan na may maruming mga labi: sapagka't nakita ng aking mga mata ang Hari, ang Panginoon ng mga hukbo.

Nang magkagayo'y nilipad ako ng isa sa mga serapin, na may baga sa kaniyang kamay, na kaniyang kinuha ng mga pangipit mula sa dambana:

At hinipo niya niyaon ang aking bibig, at nagsabi, Narito, hinipo nito ang iyong mga labi; at ang iyong kasamaan ay naalis, at ang iyong kasalanan ay naalis.

Isias 6:1-7 (TAB)

ito ang paraan ng pagkatawag kay Isias ng Dios. Hindi rin siya iba sa atin; isa lamang siyang ordinaryong tao nguni't sinugo ng Dios. Ano ang kanyang misyon mula sa Dios?

At narinig ko ang tinig ng Panginoon, na nagsasabi, Sinong susuguin ko, at sinong yayaon sa ganang amin? Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito ako; suguin mo ako.

At sinabi niya, Ikaw ay yumaon, at saysayin mo sa bayang ito, inyong naririnig nga, nguni't hindi ninyo nauunawa; at nakikita nga ninyo, nguni't hindi ninyo namamalas.

Patabain mo ang puso ng bayang ito, at iyong pabigatin ang kanilang mga pakinig, at iyong ipikit ang kanilang mga mata; baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata; at mangakarinig ng kanilang mga pakinig, at mangakaunawa ng kanilang puso, at mangagbalik loob, at magsigaling.

Nang magkagayo'y sinabi ko, Panginoon, hanggang kailan? At siya'y sumagot, Hanggang sa ang mga bayan ay mangagiba na walang tumahan, at ang mga bahay ay mangawalan ng tao, at ang lupain ay maging lubos na giba,

At ilayo ng Panginoon ang mga tao, at ang mga nilimot na dako ay magsidami sa gitna ng lupain.

At kung magkaroon ng ikasangpung bahagi roon, mapupugnaw uli: gaya ng isang roble, at gaya ng isang encina, na ang puno ay naiiwan, pagka pinuputol; gayon ang banal na lahi ay siyang puno niyaon.

Isias 6:8-13 (TAB)

Ang Salita ng Dios ay ibinigay kay Isias, at siya ay sinugo lamang sa kanyang bayan na Israel.

 

Tungkol sa "huling propeta" sa ating kasalukuyang salinlahi, ano ang paraan ng pagkasugo sa kanya ng Dios? Papaano tinawag si Maestro Evangelista?

Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya.

Deuteronomio 18:18 (TAB)

Ito ang pangako ng Dios kay Moses nang una, na may isang propeta na susuguin upang iparating ang Salita ng Dios, sa anong paraan?

At mangyayari, na sinomang hindi makikinig sa aking mga salita na kaniyang sasalitain sa aking pangalan, ay aking sisiyasatin yaon sa kaniya.

Deuteronomio 18:19 (TAB)

Ito ang propetang sinugo na "gaya ni Moises" na dala ang Salita at ang Pangalan ng Dios, dahil si Moses ay binigyan lamang ng pahintulot na isulat ang mga sinabi ng Dios sa kanya. Hindi binigyan ng pahintulot si Moses na ipakilala ang Pangalan ng Dios.

 

Ano pa'ng mga pahayag tungkol sa kanya sa mga Salita ng Dios o sa Banal na Aklat?

Ang salita nga ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta sa mga bansa.

Jeremias 1:4-5 (TAB)

Siya ang propetang sinugo sa mga bansa, hindi lamang sa bayan ng Israel.

 

Mula kay Moses hanggang kay Jesus, sila ay sinugo noon upang magsalita at maghayag para sa bayan ng Israel lamang .

Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah, Panginoong Dios! narito, hindi ako marunong magsalita: sapagka't ako'y bata.

Nguni't sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong sabihin, Ako'y bata: sapagka't saan man kita susuguin ay paroroon ka, at anomang iutos ko sa iyo ay sasalitain mo.

Jeremias 1:6-7 (TAB)

"bata" - tumatanggap ng pag-uutos ng Dios, sa pamamagitan ng mga pangitain, sasabihin lamang niya ang ipasasabi ng Dios sa lahat; isa lamang siyang lingkod, isang tagapagsalita ng Dios.

Huwag kang matakot dahil sa kanila; sapagka't ako'y sumasaiyo upang iligtas kita, sabi ng Panginoon.

Jeremias 1:8 (TAB)

Bagaman sa kasalukuyan ang mga relihiyon ay naglalakihan kung ihahambing kay Maestro Evangelista; ang sabi niya ay hindi siya natatakot. Singuo siya at ang Dios ay nasa kanyang tabi.

 

At...

Nang magkagayo'y iniunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, at hinipo ang aking bibig; at sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig:

Jeremiah 1:9 (TAB)

Hindi kailangan ni Maestro Evangelista na pagaralan at saliksikin pa ang Banal na Aklat, hinihintay lamang niya na ang Salita ay ibigay sa kanya ng Dios!

 

Ano ang kanyang misyon sa Dios?

Tingnan mo, aking pinapagpupuno ka sa araw na ito sa mga bansa at sa mga kaharian, upang magalis at magbagsak at upang magsira at magwasak, upang magtayo at magtatag.

Jeremiah 1:10 (TAB)

Ito ang gawain na ibinigay sa kanya ng Dios, sa kanyang mga pahayag hinggil sa Banal na Aklat; tunay na ang mga relihiyon ay babagsak. Sila ang mabubunyag na may mga maling aral at pandaraya na ginawa sa mga tao tungkol sa Dios at sa mga Kautusan.

 

Ito ang magiging panahon ng panibagong simula para sa lahat ng tao sa mundo.

 

Tungkol sa mga pahayag: pagsusulit sa nakaraan

 

Ano ang pahayag na iniutos sa kanya na ipaikita sa ating lahat?

 

Ang sabi ni Maestro Evangelista, kung ang pahayag ay nasulat sa Lumang Tipan at ito ay ipinahahayag pa rin sa Aklat ng Apokalipsis sa Bagong Tipan, nangangahulugan na ang pahayag na ito ay hindi pa ganap.

 

Ano ang isang pahayag na nasa Lumang Tipan na inihahayag pa rin sa Aklat ng Apokalipsis sa Bagong Tipan?


Ipapakita sa atin ni Maestro Evangelista ang pahayag na iyon at ang kahulugan nito sa Aklat ng Apokalipsis:

At binigyan ako ng isang tambong katulad ng isang panukat: at may isang nagsabi, Magtindig ka, at sukatin mo ang templo ng Dios, at ang dambana, at ang mga sumasamba doon.

At ang loobang nasa labas ng templo ay pabayaan mo, at huwag mong sukatin; sapagka't ibinigay sa mga Gentil; at kanilang yuyurakang apat na pu't dalawang buwan ang banal na siudad.

Apokalipsis 11:1-2 (TAB)

Ito ang propetang may tambo na sinugo ng Dios, at tungkol sa isang mangyayari na may panahon na 42 buwan.

At may ipagkakaloob ako sa aking dalawang saksi, at sila'y magsisipanghulang isang libo at dalawang daan at anim na pung araw, na nararamtan ng magagaspang na kayo.

Ang mga ito'y ang dalawang punong olibo at ang dalawang kandelero, na nangakatayo sa harapan ng Panginoon ng lupa.

At kung nasain ng sinoman na sila'y ipahamak, ay apoy ang lumalabas sa kanilang bibig, at lumalamon sa kanilang mga kaaway; at kung nasain ng sinoman na sila'y ipahamak ay kailangan ang mamatay sa ganitong paraan.

Ang mga ito'y may kapangyarihang magsara ng langit, upang huwag umulan sa loob ng mga araw ng kanilang hula: at may kapangyarihan sila sa mga tubig na mapaging dugo, at mapahirapan ang lupa ng bawa't salot sa tuwing kanilang nasain.

Apokalipsis 11:3-6 (TAB)

"dalawang saksi" - sino sila?

At pagka natapos nila ang kanilang patotoo, ang hayop na umahon mula sa kalaliman ay babaka sa kanila, at pagtatagumpayan sila, at sila'y papatayin.

At ang kanilang mga bangkay ay nasa lansangan ng malaking bayan, na ayon sa espiritu ay tinatawag na Sodoma at Egipto, na doon din naman ipinako sa krus ang Panginoon nila.

At ang mga tao mula sa gitna ng mga bayan at mga angkan at mga wika at mga bansa, ay nanonood sa kanilang mga bangkay na tatlong araw at kalahati, at hindi itutulot na ang kanilang mga bangkay ay malibing.

At ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa ay mangagagalak tungkol sa kanila, at mangatutuwa; at sila'y mangagpapadalahan ng mga kaloob; sapagka't ang dalawang propetang ito ay nagpahirap sa nangananahan sa ibabaw ng lupa.

Apokalipsis 11:7-10 (TAB)

Ang mga aral at ang mga pahayag ng "dalawang saksi" ay isinang tabi ng mga relihiyon nguni't hindi inalis sa Banal na Aklat. Ginamit ng mga relihiyon ang Banal na Aklat, nguni't hindi nila ipinangaral ang mga pahayag ng mga propeta. Sa halip ay kanilang isinulong ang kasaysayan at ang mga sinabi ni Jesus, kahit na ito ay hindi malinaw, na tunay na "Salita ng Dios."

At pagkatapos ng tatlong araw at kalahati, ang hininga ng buhay na mula sa Dios ay pumasok sa kanila, at sila'y nangagsitindig; at dinatnan ng malaking takot ang mga nakakita sa kanila.

At narinig nila ang isang malakas na tinig na nagsasabi sa kanila, Umakyat kayo rito. At sila'y umakyat sa langit sa isang alapaap; at pinagmasdan sila ng kanilang mga kaaway.

At nang oras na yaon ay nagkaroon ng isang malakas na lindol, at nagiba ang ikasangpung bahagi ng bayan; at may nangamatay sa lindol na pitong libo katao: at ang mga iba ay nangatatakot, at nangagbigay ng kaluwalhatian sa Dios ng langit.

Nakaraan na ang ikalawang Pagkaaba: narito, nagmamadaling dumarating ang ikatlong Pagkaaba.

 At humihip ang ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi, Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya'y maghahari magpakailan kailan man.

Apokalipsis 11:11-15 (TAB)

"sa kaniyang Cristo" - o ang "Hinirang" ng Dios, hindi ang "Manunubos" na si Jesus na ipinangangaral ng mga relihiyon.  Ang misyon na kaakibat ng katawagang "Kristo" o "Kristos" sa Grieyego, "Māšîach"  sa Hebreo o "the Messiah" (annointed one) sa Ingles, ay hindi pa ganap, dahil si Jesus ay namatay ng maaga sa kanyang misyon.

 

"sila'y umakyat sa langit sa isang alapaap" - sa kasalukuyang salinlahi lamang natin na ang aral at mga pahayag ng "dalawang saksi" na ito ay nakita, nabasa at napagalaman ng mga tao sa buong mundo, nailagay na sa internet, sa website na ito - www.thename.ph!

At ang dalawangpu't apat na matatanda na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Dios,

Na nangagsasabi, Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka't hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari.

At nangagalit ang mga bansa, at dumating ang iyong poot, at ang panahon ng mga patay upang mangahatulan, at ang panahon ng pagbibigay mo ng ganting-pala sa iyong mga alipin na mga propeta, at sa mga banal, at sa mga natatakot sa iyong pangalan, maliliit at malalaki; at upang ipahamak mo ang mga nagpapahamak ng lupa.

At nabuksan ang templo ng Dios na nasa langit: at nakita sa kaniyang templo ang kaban ng kaniyang tipan; at nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog, at isang lindol, at malaking granizo.

Apokalipsis 11:16-19 (TAB)

"dalawangpu't apat na matatanda" - ito ang labingdalawang angkan ng Israel at ang labingdalawang apostol ni Jesus na nabanggit sa Banal na Aklat. Sa pagkakataong ito, ipapakita o ihahayag ang kanikanilang mga aral at kapahayagan upang makita ang totoo at hind at ang tama at mali, at ang sa Dios at ang hindi.

 

"ang panahon ng mga patay upang mangahatulan" - upang ating maalaman kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo at hindi.

 

Alamin natin ang buong kahulugan ng pahayag na ito na inihayag ni Maestro Evangelista:

At binigyan ako ng isang tambong katulad ng isang panukat: at may isang nagsabi, Magtindig ka, at sukatin mo ang templo ng Dios, at ang dambana, at ang mga sumasamba doon.

At ang loobang nasa labas ng templo ay pabayaan mo, at huwag mong sukatin; sapagka't ibinigay sa mga Gentil; at kanilang yuyurakang apat na pu't dalawang buwan ang banal na siudad.

Apokalipsis 11:1-2 (TAB)

Sino ang propetang na may tambo na binanggit sa mga pahayag sa Lumang Tipan?

Sa mga pangitain na mula sa Dios ay dinala niya ako sa lupain ng Israel, at inilagay ako sa totoong mataas na bundok, na kinaroroonan ng parang isang bayan sa timugan.
At dinala niya ako roon; at, narito, may isang lalake na ang anyo ay parang anyo ng tanso, na may pising lino sa kaniyang kamay, at isang panukat na tambo; at siya'y natayo sa pintuang-bayan.
At sinabi ng lalake sa akin, Anak ng tao, tumingin ka ng iyong mga mata, at makinig ka ng iyong mga pakinig, at ilagak mo ang iyong puso sa lahat na aking ipakikita sa iyo; sapagka't sa haka na aking mga maipakikita sa iyo ay dinala ka rito: ipahayag mo ang lahat na iyong nakikita sa sangbahayan ni Israel.
Ezekiel 40:2-4 (TAB)

"may isang lalake" - ang pahayag na ito ay tungkol sa isang lalake

 

"na ang anyo ay parang anyo ng tanso" - Ang kulay ng balat ni Maestro Evangelista ay kayumanggi, gaya ng tanso.

 

"sangbahayan ni Israel" - malalaman natin mamaya kung ito iyung dating bayan ng Israel o tumutukoy sa bagong bayan.

 

Kailan natin malalaman ito?

At aking itinanaw ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, ang isang lalake na may panukat na pisi sa kaniyang kamay.

Nang magkagayo'y sinabi ko, Saan ka paroroon? At sinabi niya sa akin, Upang sukatin ang Jerusalem, upang tingnan kung gaano ang luwang, at kung gaano ang haba.

Zacarias 2:1-2 (TAB)

"isang lalake na may panukat na pisi" - ito rin ang propetang inihayag na binabanggit pa rin ng iabgn propeta, nangangahulugan na ang pahayag ay hindi pa nagaganap! Ano ang gagawin niya?

 

"Upang sukatin ang Jerusalem" - Ito ay hindi na ang dating bayan ng Jerusalem sa Gitnang Silangan. Ang pahayag ay patungkol sa bagong bayan.

At, narito, ang anghel na nakikipagusap sa akin ay umalis, at ibang anghel ay lumabas na sumalubong sa kaniya,

At sinabi sa kaniya, Tumakbo ka, iyong salitain sa binatang ito, na sabihin, Ang Jerusalem ay tatahanan na parang mga nayon na walang mga kuta, dahil sa karamihan ng mga tao at hayop doon.

Zacarias 2:3-4 (TAB)

"parang mga nayon na walang mga kuta" - ang lahat ay may paanyaya mula sa Dios upang maging bahagi ng bagong bayan Niya, wala nang pagkakatangì sa uri ng katayuan sa buhay at sa kulay ng balat.

Sapagka't ako, sabi ng Panginoon, ay magiging sa kaniya'y isang kutang apoy sa palibot, at ako'y magiging kaluwalhatian sa gitna niya.

Zacarias 2:5 (TAB)

Ang Dios ang magiging tagapagtanggol o tagakupkop ng bagong bayan na ito.

Oy, oy, magsitakas kayo mula sa lupain ng hilagaan, sabi ng Panginoon; sapagka't kayo'y aking pinangalat na parang apat na hangin sa himpapawid, sabi ng Panginoon.

Oy Sion, tumanan ka, ikaw na tumatahan na kasama ng anak na babae ng Babilonia.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Dahil sa kaluwalhatian ay sinugo niya ako sa mga bansa na nanamsam sa inyo; sapagka't ang humihipo sa inyo, ay humihipo sa itim ng kaniyang mata.

Zacarias 2:6-8 (TAB)

"Sion" - ang bagong bayan ng Dios, ang Bagong Jerusalem!

 

"anak na babae ng Babilonia" - ang mga sumasamba sa mga imahen at mga anito, ang mga relihiyon!

 

"humihipo sa itim ng kaniyang mata" - ang bagong bayan ay mas higit pang bibiyayaan kaysa naunang bayan.

Sapagka't narito, aking ikukumpas ang aking kamay sa kanila, at sila'y magiging samsam niyaong nangaglilingkod sa kanila; at inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ang nagsugo sa akin.

Ikaw ay umawit at magalak, Oh anak na babae ng Sion; sapagka't narito, ako'y naparirito, at ako'y tatahan sa gitna mo, sabi ng Panginoon.

At maraming bansa ay magpipisan sa Panginoon sa araw na yaon, at magiging aking bayan; at ako'y tatahan sa gitna mo, at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa iyo.

Zacarias 2:9-11 (TAB)

"ako'y tatahan sa gitna mo" - ang mga taon doon ay kikilalanin ang Pangalan ng Dios sa "Kaarawan" na iyon.

At mamanahin ng Panginoon ang Juda na pinaka bahagi niya sa banal na lupain at pipiliin pa ang Jerusalem.

Tumahimik ang lahat na tao, sa harap ng Panginoon; sapagka't siya'y gumising na sa kaniyang banal na tahanan.

Zacarias 2:12-13 (TAB)

Ano ang tanda ng taong ito (ang propetang may hawak na tambo)?

At ipinakita niya sa akin si Josue na pangulong saserdote na nakatayo sa harap ng anghel ng Panginoon, at si Satanas na nakatayo sa kaniyang kanan upang maging kaniyang kaaway.

Zacarias 3:1 (TAB)

Kung inyong maalaala si Josue ang nagpatuloy ng gawain ni Moises, na gabayan ang kanyang bayan sa Lupang Pangako matapos ang kanilang pagka-kawalâ mula sa pagkaalipin.

 

"at si Satanas... upang maging kaniyang kaaway" - Ang sabi ni Maestro Evangelista, sa Aklat ng Genesis, ang Ahas ay dinaya at nanalo kina Adan at Eba. Sila ay pinalayas sa Halamanan ng Eden, nguni't ang sabi ng Dios na ang pagtutuos ng babae at ng ahas ay hindi pa tapos (Genesis 3:14-15), may pag-ulit ng pagtutuos - sa pagitan ng "anak" ng Ahas laban sa "anak" ng babae.

 

Ang "anak" ng babae ang dudurog ng ulo ng Ahas; ang inihayag na "Josue" ay ang "anak" ng babae, ang gaganap ng tunkuling ito.

 

Tanong: Ano ang pinakamahalagang iniambag ni Joshue sa kanyang bayan noon at ang kanyang pangalan ay binabanggit pa rin sa pahayag na ito?

At sinalita ni Moises sa Panginoon, na sinasabi,
Maghalal ang Panginoon, ang Dios ng mga diwa ng lahat ng laman, ng isang lalake sa kapisanan,
Na makalalabas sa harap nila, at makapapasok sa harap nila, at makapaglalabas sa kanila, at makapagpapasok sa kanila; upang ang kapisanan ng Panginoon ay huwag maging parang mga tupa na walang pastor.
Mga bilang 27:15-17 (TAB)

Nang sinabi ng Dios kay Moises na hindi na siya ang gagabay sa pagpasok ng kanyang bayan sa Lupang Pangako, hiningi niya sa Dios na magtalaga ng kapalit upang ipagpatuloy ang kanyang misyon; sino ang pinili?

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ipagsama mo si Josue na anak ni Nun, isang lalake na kinakasihan ng Espiritu, at ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya;

At iharap mo siya kay Eleazar na saserdote, at sa buong kapisanan; at pagbilinan mo siya sa kanilang paningin.

At lalagyan mo siya ng iyong karangalan upang sundin siya ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel.

At siya'y tatayo sa harap ni Eleazar na saserdote, na siyang maguusisa tungkol sa kaniya, ng hatol ng Urim sa harap ng Panginoon: sa kaniyang salita, ay lalabas sila, at sa kaniyang salita, ay papasok sila, siya at ang lahat ng mga anak ni Israel na kasama niya, sa makatuwid baga'y ang buong kapisanan.

At ginawa ni Moises gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya: at kaniyang ipinagsama si Josue, at kaniyang iniharap kay Eleazar na saserdote, at sa buong kapisanan:

At kaniyang ipinatong ang mga kamay niya sa kaniya, at pinagbilinan niya siya, gaya ng sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.

Mga Bilang 27:18-23 (TAB)

Ang Dios ang pumili kay Josue, hindi si Moses. Ipinakita niya sa kanyang bayan ang paglilipat ng tungkulin kay Josue. 

 

Sa pagsasagawâ ng tungkulin ni Josue, may binago o pinalitan ba siya sa mga Kautusan ng Dios na ibinigay ni Moises sa kanyang bayan? Nanatili ba siyang tapat sa kanyang tungkulin?

At siya'y sumulat doon sa mga bato ng isang salin ng kautusan ni Moises na kaniyang sinulat, sa harap ng mga anak ni Israel.

At ang buong Israel, at ang kanilang mga matanda at mga pinuno at ang kanilang mga hukom, ay tumayo sa dakong ito ng kaban at sa dakong yaon sa harap ng mga saserdote na mga Levita, na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa na gaya rin ng mga taga-roon; kalahati nila ay sa harap ng bundok ng Gerizim at kalahati nila ay sa harap ng bundok ng Ebal; gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon, na kanilang basbasan muna ang bayan ng Israel.

At pagkatapos ay kaniyang binasa ang lahat ng mga salita ng kautusan, ang pagpapala at ang sumpa, ayon sa lahat na nakasulat sa aklat ng kautusan.

Walang salita sa lahat na iniutos ni Moises na hindi binasa ni Josue sa harap ng buong kapulungan ng Israel at ng mga babae, at ng mga bata, at ng mga taga ibang lupa na nakikipamayan sa kanila.

Josue 8:32-35 (TAB)

Wala, at gumawa pa siya ng sipi o kopya ng mga Kautusan at wala siyang binago o pinalitan sa mga iyon upang ipaalam muli sa kanyang bayan. Siya'y naging matapat sa kanyang tungkulin.

 

Ang tanda ng inihayag na "Josue" ay ang katapatan sa tungkulin. Bumalik tayo sa:

At ipinakita niya sa akin si Josue na pangulong saserdote na nakatayo sa harap ng anghel ng Panginoon, at si Satanas na nakatayo sa kaniyang kanan upang maging kaniyang kaaway.

At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Sawayin ka nawa ng Panginoon, Oh Satanas; oo, ang Panginoon na pumili ng Jerusalem ay sumaway nawa sa iyo: di baga ito'y isang dupong na naagaw sa apoy?

Zacarias 3:1-2 (TAB)

Si Maestro Evangelista ang inihayag na "Josue" sa ating kasalukuyang salinlahi, siya ang magpapatuloy ng pakikibaka na nagsimula sa Halamanan ng Eden, sa pagitan ng "anak" ng Ahas at ng "anak" ng babae. Siya ang tanging nakapaghayag, sa kasalukuyang panahon, ng mga tunay na kahuluan ng mga pahayag mula sa Aklat ng Genesis hanggang sa Aklat ng Apokalipsis sa Banal na Aklat, na hindi napagalaman ng mga relihiyon. 

 

"isang dupong na naagaw sa apoy" - Si Maestro Evangelista ay dati rin kaanib ng isa sa mga relihiyon na gayundin naman tayo, nguni't siya at tinawag at sinugo ng Dios.

Si Josue nga ay nabibihisan ng maruming kasuutan, at nakatayo sa harap ng anghel.
At siya'y sumagot at nagsalita sa mga yaon na nangakatayo sa harap niya, na nagsabi, Hubarin ninyo ang mga maruming suot sa kaniya. At sa kaniya'y kaniyang sinabi, Narito, aking pinaram ang iyong kasamaan, at aking susuutan ka ng mainam na kasuutan.
Zacarias 3:3-4 (TAB)

Si Maestro Evangelista ay isang tao, hindi naiiba sa atin. Ang tanging namumukodtangi sa kanya ay ang:

At aking sinabi, Suutan siya nila ng isang magandang mitra sa kaniyang ulo. Sa gayo'y sinuutan siya ng magandang mitra sa kaniyang ulo, at sinuutan siya ng mga kasuutan; at ang anghel ng Panginoon ay nakatayo sa siping.

Zacarias 3:5 (TAB)

Pinili o sinugo siya ng Dios para sa lahat. Ano ang tagubilin o ang ipinaguutos sa kanya?

At ang anghel ng Panginoon ay tumutol kay Josue, na nagsabi,

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kung ikaw ay lalakad sa aking mga daan, at kung iyong iingatan ang aking bilin, iyo nga ring hahatulan ang aking bayan, at iyo ring iingatan ang aking mga looban, at bibigyan kita ng kalalagyan sa gitna ng mga ito na nangakaharap.

Zacarias 3:6-7 (TAB)

"Kung ikaw" - may tanda ng pag-iingat, gaya ng pagpapala at sumpa. Pagsumunod, may pagpapala at kung hindi, may sumpa.

 

Ano ang tagubilin na ibinigay sa kanya ng Dios?

 

"lalakad sa aking mga daan, at kung iyong iingatan ang aking bilin" - Ang pagsunod sa mga Kautusan ng Dios. Ito ang kanyang tungkulin at ipaalam din sa mga tao ang gayon.

 

"aking bayan" - Ang Bahay ni Israel; ang bayan ng tatawag sa Pangalan ng Dios, ang bagong bayan ng Dios.

 

"bibigyan kita ng kalalagyan sa gitna ng mga ito na nangakaharap" - Kung kanyang matapat na gaganapin ang kanyang gawain, bibigyan siya ng Dios ng pagpapala at kilalanin bilang isa sa mga dakilang propeta ng Dios.

 

At:

Dinggin mo ngayon, Oh Josue, na pangulong saserdote, dinggin mo, at ng iyong mga kasama na nangakaupo sa harap mo; sapagka't sila'y mga taong pinaka tanda: sapagka't narito, aking ilalabas ang aking lingkod na Sanga.

Zacarias 3:8 (TAB)

"at ng iyong mga kasama" - Bibigyan siya si Maestro Evangelista ng mga makakasama upang tulungan siya sa kanyang gawain. Gaano karami sila?

 

"na nangakaupo sa harap mo" - nangangahulugan na kakaunti lamang ang bilang nila nguni't sila ay pinili upang makasama si Maestro Evangelista. Ano ang kanilang gagawin?

 

"sila'y mga taong pinaka tanda" - sila ang magbibigay ng patotoo kay Maestro Evangelista sa kanyang mga pahayag. Sila ay kasama niya sa simula ng kanyang gawain at napakinig ang kanyang mga pahayag bago pa maganap ang mga ito: ang mga pahayag na tunay ninyong binabasa ngayon sa wwebsite na ito.  

 

"aking ilalabas ang aking lingkod na Sanga" - Ito ang tanda ni Maestro Evangelista bilang inihayag na "Josue." At sa kapanahunan na ang kaganapan ng mga pahayag ay managyayari na, ito rin ang panahon ni Maestro Evangelista na humarap sa mga tao sa buong mundo upang basahin at ihayag ang Salita ng Dios (ang mga pahayag) sa ikabubuti ng lahat!   

 

At:

Sapagka't, narito, ang bato na aking inilagay sa harap ni Josue; sa ibabaw ng isang bato ay may pitong mata: narito, aking iuukit ang ukit niyaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking aalisin ang kasamaan ng lupaing yaon sa isang araw.

Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, tatawagin ng bawa't isa sa inyo ang kaniyang kapuwa sa lilim ng puno ng ubas, at sa lilim ng puno ng igos.

Zacarias 3:9-10 (TAB)

"sa ibabaw ng isang bato ay may pitong mata" - Ito ang kapahintulutan ng inihayag na Josue (Maestro Evangelista) na mula sa Dios.

 

"aking aalisin ang kasamaan ng lupaing yaon sa isang araw" - Aalisin ng Dios ang sumpa na nasasaatin sa kasalukuyan kung ating didinggin ang Kanyang Salita na inihahayag ni Maestro Evangelista, makakamit natin ang pagpapala. Kailan?

 

"Sa araw na yaon" - May panahon ng kaganapan. At ano ang magiging uri ng pamumuhay ng mga tao sa pag naganap na ito?


"tatawagin ng bawa't isa sa inyo ang kaniyang kapuwa sa lilim ng puno ng ubas, at sa lilim ng puno ng igos" - Ang pamumuhay na mapayapa at masagana para sa lahat. Ang lahat ay may
kasiyahan ng loob at mamumuhay ng mahabang buhay.

 

Ano pa ang mga pahayag tungkol sa "Sanga?"

At may lalabas na usbong sa puno ni Isai, at isang sanga mula sa kaniyang mga ugat ay magbubunga:

Isias 11:1 (TAB)

"Isai" - ang ama ni Haring David.

 

"ugat " - patukoy kay Jesus, na isang "anak ni David."

 

"isang sanga" - siya ang ating Maestro Evangelista, dahil si Jesus ay nagbanggit din noon ng tungkol sa kanya nang nabubuhay pa siya. Basahin sa link na ito kung nais magkaroon pa ng karagdagang kaalaman tungkol dito: Ang Mangaaliw ni Jesus 

 

Ano ang kanyang dala mula sa Dios?

At ang Espiritu ng Panginoon ay sasa kaniya, ang diwa ng karunungan at ng kaunawaan, ang diwa ng payo at ng katibayan, ang diwa ng kaalaman at ng takot sa Panginoon;

Isias 11:2 (TAB)

"Espiritu" - Ang Salita ng Dios. Si Maestro Evangelista ay pinili at sinugo ng Dios upang iparating ang Kanyang Salita sa mga tao sa buong mundo.

 

"ng karunungan at ng kaunawaan" - isa sa mga pinakamahalagang biyaya na ibinigay ng Dios sa sangkatauhan, nguni't inalis ng mga relihiyon. Ipapakita ni Maestro Evangelista ang paraan kung papaano natin makakamit muli ito.

 

"ng payo at ng katibayan" - Maraming mga pinuno mula sa maraming bansa at bayan ang hihingi ng payo at patnubay kung papaano nila mapapanaliti ang kapayapaan magpakailanman.

 

Papaano gagawin ito ng "Sanga" (ni Maestro Evangelista)?

At ang kaniyang kaluguran ay magiging sa pagkatakot sa Panginoon: at hindi siya hahatol ng ayon sa paningin ng kaniyang mga mata, ni sasaway man ng ayon sa pakinig ng kaniyang mga tainga:

Isias 11:3 (TAB)

Si Maestro Evangelista ay maingat na huwag humusga sa kahit anong bagay ng walang maitbay na katibayan. Pinagpapahalagahan niya ang mga Kautusan at mga Kahatulan ng Dios sa Banal na Aklat, at walang bibigyan ng pagtatangi kaninoman hinggil sa kanyang mga payo.

Kundi hahatol siya ng katuwiran sa dukha, at sasaway na may karampatan dahil sa mga maamo sa lupa: at sasaktan niya ang lupa ng pamalo ng kaniyang bibig, at ng hinga ng kaniyang mga labi ay kaniyang papatayin ang masama.

Isias 11:4 (TAB)

Mamamahala siya ng may "katuwiran" at ibubunyag niya ang mga maling aral ng mga relihiyon sa pamamagitan ng paghahayag ng mga tunay na Salita ng Dios.

At katuwiran ang magiging bigkis ng kaniyang baywang, at pagtatapat ang pamigkis ng kaniyang mga balakang.

Isias 11:5 (TAB)

"katuwiran" - Ang "karunungan at ng kaunawaan," matapat at sumusunod sa Dios at sa Kanyang mga Kautusan.

 

Ano ang uri ng pamumuhay ang masasaksihan ng sangkatauhan?

At ang lobo ay tatahang kasama ng kordero, at ang leopardo ay mahihigang kasiping ng batang kambing; at ang guya, at ang batang leon, at ang patabain na magkakasama; at papatnubayan sila ng munting bata.

Isias 11:6 (TAB)

Ang pamumuhay sa "katuwiran" at kapayapaan, wala nang paghihirap at pagkakagulo sa pagitan ng mga bansa at mga tao.

 

"bata" - Siya ang propeta sa mga bansa na binanggit sa Jeremias 1:4-10.

At ang baka at ang oso ay manginginain; ang kanilang mga anak ay mahihigang magkakasiping: at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka.

At ang batang pasusuhin ay maglalaro sa lungga ng ahas, at isusuot ng batang kahihiwalay sa suso ang kaniyang kamay sa lungga ng ulupong.

Hindi sila magsisipanakit o magsisipanira man sa aking buong banal na bundok: sapagka't ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng Panginoon, gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.

Isias 11:7-9 (TAB)

Ito ang magiging kalagayan ng mundo sa araw na iyon, wala na ang mga sinasabing mga milagro o misteryo, hindi mangyayari ng bigla.

At mangyayari, sa araw na yaon na ang angkan ni Isai, na tumatayong pinakawatawat ng mga bayan, hahanapin ng mga bansa; at ang kaniyang pahingahang dako ay magiging maluwalhati.

Isias 11:10 (TAB)

Ito ang pangako na ibinigay ng Dios kay Davod noon; nguni't ngayon ito ay sa pagálaála na lamang kay David.

At mangyayari, sa araw na yaon, na ilalapag ng Panginoon uli ang kaniyang kamay na ikalawa upang mabawi ang nalabi sa kaniyang bayan na malalabi, mula sa Asiria, at mula sa Egipto, at mula sa Patros, at mula sa Cus, at mula sa Elam, at mula sa Sinar, at mula sa Amath, at mula sa mga pulo ng dagat.

Isias 11:11 (TAB)

Ito ang ikalawang pagkakataon na iuunat ng Dios ang Kanyang Makapangyarihan Kamay, at saan magaganap ito?

 

"sa mga pulo ng dagat" - ito ang dako kung saan ang mga pahayag ay magaganap.

At siya'y maglalagay ng pinakawatawat sa mga bansa, at titipunin niya ang mga tapon ng Israel, at pipisanin ang mga nangalat ng Juda mula sa apat na sulok ng lupa.

Isias 11:12 (TAB)

Upang ang lahat ang mga bansaay magkasamasama sa ilalim ng isang bandila, sa Pangalan ng Dios!

 

At: 

Ang inggit naman ng Ephraim ay maaalis, at ang mga lumiligalig ng Juda ay mahihiwalay: ang Ephraim ay hindi maiinggit sa Juda, at ang Juda ay hindi liligalig sa Ephraim.

At sila'y lulusob sa mga Filisteo sa kalunuran; magkasamang sasamsam sila sa mga anak ng silanganan: kanilang iuunat ang kanilang kamay sa Edom at sa Moab; at susundin sila ng mga anak ni Ammon.

At lubos na sisirain ng Panginoon ang look ng dagat ng Egipto; at iwawaswas ang kaniyang kamay sa Ilog ng kaniyang malakas na hangin, at papagpipituhing batis, at palalakarin ang mga tao na hindi basa ang mga paa.

Isias 11:13-15 (TAB)

At ito ang magiging daan upang ang kaguluhan sa Gitnang Silanagan ay matigil na.

 

Ang Ilog na binabanggit sa Aklat ng Apokalipsis 16:12.

At magkakaroon ng isang lansangan sa nalabi sa kaniyang bayan, na malalabi, mula sa Asiria; gaya ng nagkaroon sa Israel ng araw na siya'y umahon mula sa lupain ng Egipto.

Isias 11:16 (TAB)

Gaya nang sa panahon ng Exodo.

 

Bumalik tayo sa:

At binigyan ako ng isang tambong katulad ng isang panukat: at may isang nagsabi, Magtindig ka, at sukatin mo ang templo ng Dios, at ang dambana, at ang mga sumasamba doon.

At ang loobang nasa labas ng templo ay pabayaan mo, at huwag mong sukatin; sapagka't ibinigay sa mga Gentil; at kanilang yuyurakang apat na pu't dalawang buwan ang banal na siudad.

Apokalipsis 11:1-2 (TAB)

Ito ang propetang may hawak na tambo na sinugo ng Dios at tungkol sa isang pangyayari na may 42 buwan.

 

Ang Dalawang Saksi

At may ipagkakaloob ako sa aking dalawang saksi, at sila'y magsisipanghulang isang libo at dalawang daan at anim na pung araw, na nararamtan ng magagaspang na kayo.

Ang mga ito'y ang dalawang punong olibo at ang dalawang kandelero, na nangakatayo sa harapan ng Panginoon ng lupa.

Apokalipsis 11:3-4 (TAB)

Ang "Dalawang Saksi" ay maghahayag ng may 42 buwan (1,240 na araw), sila ay mga propeta ng Dios. Ano ang kanilang tanda? Papaano natin sila makikilala?.

At kung nasain ng sinoman na sila'y ipahamak, ay apoy ang lumalabas sa kanilang bibig, at lumalamon sa kanilang mga kaaway; at kung nasain ng sinoman na sila'y ipahamak ay kailangan ang mamatay sa ganitong paraan.

Ang mga ito'y may kapangyarihang magsara ng langit, upang huwag umulan sa loob ng mga araw ng kanilang hula: at may kapangyarihan sila sa mga tubig na mapaging dugo, at mapahirapan ang lupa ng bawa't salot sa tuwing kanilang nasain.

Apokalipsis 11:5-6 (TAB)

Sino ang propeta na may apoy na lumalabas sa kanyang bibg?

At sila'y nagsisagot sa kaniya: Siya'y lalaking mabalahibo at nakabigkis ng bigkis na balat ng hayop sa kaniyang mga balakang. At kaniyang sinabi, Siya'y si Elias na Thisbita.

Nang magkagayo'y nagsugo ang hari sa kaniya ng isang punong kawal ng lilimangpuin na kasama ang kaniyang limangpu. At inahon niya siya: at, narito, siya'y nakaupo sa taluktok ng burol. At siya'y nagsalita sa kaniya: Oh lalake ng Dios, sinabi ng hari: Bumaba ka.

At si Elias ay sumagot, at nagsabi sa punong kawal ng lilimangpuin: Kung ako'y lalake ng Dios, bumaba ang apoy na mula sa langit, at sakupin ka at ang iyong limangpu. At bumaba ang apoy na mula sa langit, at sinupok siya at ang kaniyang limangpu.

At muli siyang nagsugo sa kaniya ng ibang punong kawal ng limangpuin na kasama ang kaniyang limangpu. At siya'y sumagot, at nagsabi sa kaniya: Oh lalake ng Dios, ganito ang sabi ng hari, Bumaba kang madali.

At si Elias ay sumagot, at nagsabi sa kanila, Kung ako'y lalake ng Dios, bumaba ang apoy na mula sa langit, at supukin ka at ang iyong limangpu. At ang apoy ng Dios ay bumaba na mula sa langit, at sinupok siya at ang kaniyang limangpu.

At muling siya'y nagsugo ng punong kawal ng ikatlong lilimangpuin na kasama ng kaniyang limangpu. At ang ikatlong punong kawal ng lilimangpuin ay umahon, at naparoon at lumuhod sa harap ni Elias, at namanhik sa kaniya at nagsabi sa kaniya, Oh lalake ng Dios, isinasamo ko sa iyo na ang aking buhay, at ang buhay ng limangpung ito na iyong mga lingkod ay maging mahalaga nawa sa iyong paningin.

Narito, bumaba ang apoy na mula sa langit, at sinupok ang dalawang unang punong kawal ng lilimangpuin sangpu ng kanilang limalimangpu; nguni't ang aking buhay nga'y maging mahalaga nawa sa iyong paningin.

At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Elias, Bumaba kang kasama niya: huwag kang matakot sa kaniya. At siya'y tumindig, at bumabang kasama niya hanggang sa hari.

At sinabi niya sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon: Yamang ikaw ay nagsugo ng mga sugo upang magusisa kay Baal-zebub na dios sa Ecron, dahil ba sa walang Dios sa Israel na mapaguusisaan ng kaniyang salita? kaya't hindi ka bababa sa higaan na iyong sinampahan, kundi walang pagsalang mamamatay ka.

II Mg Hari 1:8-16 (TAB)

Ito ang tanda ni propeta Elias, isa sa mga "Dalawang Saksi" sa Pahayag sa Aklat ng Apokalipsis. Tungkol naman sa ulan?

At nangyari, pagkaraan ng maraming araw, na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Elias, sa ikatlong taon, na nagsasabi, Ikaw ay yumaon, pakita ka kay Achab; at ako'y magpapaulan sa lupa.

I Mga Hari 18:1 (TAB)

Si Elias ay binigyan ng kapangyarihan ng Dios na "may kapangyarihang magsara ng langit, upang huwag umulan."

 

Sino naman ang propetang may kapangyarihan "sa mga tubig na mapaging dugo."

Ganito ang sabi ng Panginoon, Dito mo makikilala, na ako ang Panginoon: narito, aking papaluin ng tungkod, na nasa aking kamay, ang tubig, na nasa ilog at magiging dugo.

Exodo 7:17 (TAB)

Ginawa ni Moises na maging dugo ang tubig sa Ilog ng Nile. Malinaw na ang "Dalawa Saksi" ay sina Elias at si Moises.

 

Nakilala na natin ang "Dalawang Saksi," ano ang mangyayari kapag ang kanilang mga aral at mga pahayag sa Banal na Aklat ay makikita at mababasa ng mga tao?

At pagka natapos nila ang kanilang patotoo, ang hayop na umahon mula sa kalaliman ay babaka sa kanila, at pagtatagumpayan sila, at sila'y papatayin.

Apokalipsis 11:7 (TAB)

"ang hayop na umahon mula sa kalaliman" - Sa mga pahayag ni Maestro Evangelista tungkol sa aral at pahayag ng "Dalawang Saksi,"  ang "hayop" ay mabubunyag na rin hinggil sa katauhan at sa mga aral nito. Alam na natin na ang hayop na ito ay si Jesus, sa Apokalipsis 13, Isaias 14 (ang maningning na tala sa umaga) at kanya rin inamin sa Apokalipsis 16:22. Si Jesus ang nagbaligtad ng kanilang mga aral; binago niya ang mga Kautusan ni Moises mula sampu na ginawang dalawa (Matthew 22:34-40), at nagpakita ng mga milagro at pagpapagaling, na ginaya ni Elias, nguni't sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Satanas at ng mga demonyo!   . 

At ang kanilang mga bangkay ay nasa lansangan ng malaking bayan, na ayon sa espiritu ay tinatawag na Sodoma at Egipto, na doon din naman ipinako sa krus ang Panginoon nila.

At ang mga tao mula sa gitna ng mga bayan at mga angkan at mga wika at mga bansa, ay nanonood sa kanilang mga bangkay na tatlong araw at kalahati, at hindi itutulot na ang kanilang mga bangkay ay malibing.

Apokalipsis 11:8-9 (TAB)

"ang kanilang mga bangkay" - ibig sabihin, ang mga aral ng "Dalawang Saksi" ay pinabayaan o idinantabi sa bayan na tinatawag na "Sodoma at Egipto," anong bayan ito?

 

"ipinako sa krus ang Panginoon nila" - Sino ang mga ito na pinapanginoon ang isang ipinako sa krus (si Jesus) - ang mga relihiyon!

 

"at hindi itutulot na ang kanilang mga bangkay ay malibing" - bagaman ang kanilang mga aral at mga pahayag ay hindi pinagpahalagahan, ang mga ito ay kasama pa rin sa Banal na Aklat, di pansin at hindi pinipili, nanatili itong gayon sa "tatlong araw."

At ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa ay mangagagalak tungkol sa kanila, at mangatutuwa; at sila'y mangagpapadalahan ng mga kaloob; sapagka't ang dalawang propetang ito ay nagpahirap sa nangananahan sa ibabaw ng lupa.

Apokalipsis 11:10 (TAB)

Gumawa ang mga relihiyon na bagong mga aral upang palitan ang mga aral at mga pahayag ng "Dalawang Saksi." Ang mga maling aral na nagpapalaya daw sa kanila sa hirap sa pagsunod sa mga tunay at mabuti na mga Kautusan ng Dios.

At pagkatapos ng tatlong araw at kalahati, ang hininga ng buhay na mula sa Dios ay pumasok sa kanila, at sila'y nangagsitindig; at dinatnan ng malaking takot ang mga nakakita sa kanila.

At narinig nila ang isang malakas na tinig na nagsasabi sa kanila, Umakyat kayo rito. At sila'y umakyat sa langit sa isang alapaap; at pinagmasdan sila ng kanilang mga kaaway.

Apokalipsis 11:11-12 (TAB)

"ang hininga ng buhay na mula sa Dios ay pumasok sa kanila" - Ang mga aral at mga pahayag ng "Dalawang Saksi" ay ipapakita muli sa mga tao sa pamamagitan ng pahayag ni Maestro Evangelista  mula sa Banal na Aklat.

 

"dinatnan ng malaking takot ang mga nakakita sa kanila" - ang mga relihiyon at ang mga tagasunod nila, sa buong mundo, ay mabibigla na ang aral ng "Dalawang Saksi" ay inihahayag muli, at nakita nila (ang mga relihiyon at ang mga tagasunod nila) na ang kanilang paniniwala ay salungat sa tunay na aral ng Dios na tangan ng dalawang ito.

 

"At sila'y umakyat sa langit sa isang alapaap" - Ang kanilang mga aral at pahayag tungkol sa Salita ng Dios ay "ipinanik" o inilagay na sa Internet sa pamamagitan ng website na ito - www.thename.ph, upang makita, mabasa at matuto ang mga tao sa buong mundo; anumang oras at anumang araw.

 

"at pinagmasdan sila ng kanilang mga kaaway" - Binasa at pinagaralan ng mga relihiyon at mga mananaliksik ang mga aral at mga pahayag ng "Dalawang Saksi" na ipinakikita ni Maestro Evangelista, nguni't magpahanggang ngayon ay hindi nila ito mapabulaanan, dahil ang mga ito ay ang tunay na aral mula sa Dios na nasusulat sa Banal na Aklat.

 

At dahil nakikita at nababasa na ng mga tao sa buong mundo ang mga aral at mga pahayag ng "Dalawang Saksi" na ito, ano ang susunod na mangyayari?

At nang oras na yaon ay nagkaroon ng isang malakas na lindol, at nagiba ang ikasangpung bahagi ng bayan; at may nangamatay sa lindol na pitong libo katao: at ang mga iba ay nangatatakot, at nangagbigay ng kaluwalhatian sa Dios ng langit.

Nakaraan na ang ikalawang Pagkaaba: narito, nagmamadaling dumarating ang ikatlong Pagkaaba.

Apokalipsis 11:13-14 (TAB)

Simula ng inihayag ni Maestro Evangelista ang tungkol sa mga aral at mga pahayag ng "dalawang Saksi" na ito, marami na ang mga pangyayari gaya ng malalaks na paglilindol, mga kasakunaan, pagsasalot, kagutuman, mga digmaan, mga krisis pang-ekonomiya sa mga bansa at kung anu-ano pa na nakakaapekto sa halos lahat ng tao sa mundo.

 

Ang sabi ni Maestro Evangelista, ang "Dakila at Kakilalkilabot na Kaarawan ng Dios" ay magaganap.

 

Pagkatapos niyon:

At humihip ang ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi, Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya'y maghahari magpakailan kailan man.

Apokalipsis 11:15 (TAB)

"malalakas na tinig sa langit" - ang panahon ng ang mga aral at mga pahayag ng Salita ng Dios ay ipapararting ni Maestro Evangelista sa mga tao sa buong mundo, sa pamamagitan ng website na ito at ng mga balitaan sa TV.

 

"Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon" - na matutupad na ang mga pahayag ng mga propeta tungkol sa paghaharin ng Dios sa sanglibutan, gaya ng inihayag sa Zacarias 14:9.

 

"at sa kaniyang Cristo" - Ito ang nais ni Maestro Evangelista na ating dapat manunawaan, sa panahon ng pagkakabigay ng pahayag na ito na ibinigay kay Propeta Juan, si Jesus ay malaon nang patay. Kaya ang banggit ng "kanyang Kristo," ang Dios ay hindi na tinutukoy si Jesus. Hindi ginanap ni Jesus ang kanyang misyon mula sa Dios. Ang pagkilila o pagtawag ng "Kristo" ay doon sa taong makakaganap ng mga pahayag ng Dios.

At ang dalawangpu't apat na matatanda na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Dios,

Apokalipsis 11:16 (TAB)

"ang dalawangpu't apat na matatanda" - ang sabi ni Maestro Evangelista, ito ay ipinakikita sa atin ng Dios, na ang Banal na aklat ay nahahati sa dalawang panig, kaya ito ay ang labindalawang angkan ng Israel sa Lumang Tipan at ang labindalawang mga apostol ni Jesus sa Bagong tipan. Dito makikita ang pagkakaiba ng aral ng Dios at ng aral ni Jesus.

 

Kapag ang mga tunay na aral ay nakita na ng mga tao sa buong mundo, at nahayag rin ang mga maling aral ng mga relihiyon:

Na nangagsasabi, Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka't hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari.

Apokalipsis 11:17 (TAB)

Ang mga tao sa buong mundo ay magkakaisa sa Dios. May panahon ng kaganapan.

At nangagalit ang mga bansa, at dumating ang iyong poot, at ang panahon ng mga patay upang mangahatulan, at ang panahon ng pagbibigay mo ng ganting-pala sa iyong mga alipin na mga propeta, at sa mga banal, at sa mga natatakot sa iyong pangalan, maliliit at malalaki; at upang ipahamak mo ang mga nagpapahamak ng lupa.

At nabuksan ang templo ng Dios na nasa langit: at nakita sa kaniyang templo ang kaban ng kaniyang tipan; at nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog, at isang lindol, at malaking granizo.

Apokalipsis 11:18-19 (TAB)

"mga patay upang mangahatulan, at ang panahon ng pagbibigay mo ng ganting-pala sa iyong mga alipin na mga propeta" - Ang sabi ni Maestro Evanelista, ang "mga patay" ay tumutukoy sa mga taong nabanggit sa Banal na Aklat, hindi ang mga patay na ipinangangako ng mga relihiyon na mabubuhay na muli!.

 

"mangahatulan" - Ang mga pahayag ni Maestro Evangelista tungkol sa Tunay na Salita ng Dios ang maghahayag kung sinu-sino sa mga taong ito na nabanggit sa Banal na Aklat ang naging matapat at masunurin sa Dios at ang mga hindi.

 

"ang panahon ng pagbibigay mo ng ganting-pala sa iyong mga alipin na mga propeta" - na ang mga taong ito, ang mga propeta ng Dios ay kikilalanin sa wakas na tunay na may dala ng Salita ng Dios, at hindi ang mga relihiyon.

 

"at sa mga banal" - ang mga banal ng Dios na nakitang matapat sa Kanya, hindi ang mga santo ng mga relihiyon na kanilang pinagbotohan lamang. Nirito ang pagkakaiba, ang sabi ni Maestro Evangelista ipinakikita ng Dios ang dalawang panig ng bawat bagay. Ang sa Dios at ang hindi. Ang Mabuti at Masama. Ang totoo at hindi.

 

"at sa mga natatakot sa iyong pangalan" - ang mga taong makikinig sa mga pahayag ni Maestro Evangelista na makakaalam at tatawag sa Pangalan ng Dios.

 

"ang kaban ng kaniyang tipan" - Dadalhin ni Maestro Evangelista ang mga Kautusan ng Dios sa harapan natin, nguni't sa pagkakataong ito, ang Pangalan ng Dios ay naroon na. Ang mga ito ay ibibigay sa lahat ng tao sa buong mundo, di gaya sa panahon ni Moises na hindi ipinakilala ang Pangalan sa kanyang bayan noon. Dahil ang dating ginawang tipan ay hindi naging matibay, binigyan sila ng maraming pagkakataon na malaman ang Pangalan nguni't sa katigasan at pagiging mapagmataas sila ay pinabayaan ng Dios. Kaya, ang sabi ni Maestro Evangelista kahit na sinusunod mo ang mga Kautusan nguni't hindi mo naman kilala ang Pangalan ng Dios, wala iyon. Kahit na nalalaman mo ang Pangalan ng Dios at hindi mo rin naman sinusunod ang Kanyang mga Kautusan, wala kang takot sa Dios: isang pamumuhay na may sumpa at walang pagpapala.        

 

Ang Pangalan ng Dios ay dapat din namang kasama ng mga Kautusan Niya, upang ang tiapn ay maging matibay magpakailan man.

 

Ang kaalaman ng Pangalan ng Dios ang panghuling tatak sa tipan sa pagitan ng Dios at ng mga tao sa buong mundo.

 

Anong uri ng araw ba ito ayon sa mga pahayag ng mga propeta ng Dios?

Sapagka't, narito, ang araw ay dumarating, na nagniningas na parang hurno; at ang lahat na palalo, at ang lahat na nagsisigawa ng kasamaan ay magiging parang dayami, at ang araw na dumarating ay susunog sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, na anopa't hindi magiiwan sa kanila ng kahit ugat ni sanga man.

Malakias 4:1 (TAB)

Ito ang panahon ng paglilipol ng mga mapagmataas at mga gumagawa ng kasamaan (ang mga magnanakaw at mga nanunumpa ng kasinungalingan sa pangalan ng Dios - na inihayag sa Zacarias 5:1-4)

 

Ano naman ang mangyayari sa mga matatakot at kikilala sa Pangalan ng Dios?

Nguni't sa inyo na nangatatakot sa aking pangalan ay sisikat ang araw ng katuwiran na may kagalingan sa kaniyang mga pakpak; at kayo'y magsisilabas, at magsisiluksong parang guya mula sa silungan.

At inyong yayapakan ang masasama; sapagka't sila'y magiging abo sa ilalim ng mga talampakan ng inyong mga paa sa kaarawan na aking gawin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Malakias 4:2-3 (TAB)

Pagliligyas sa mga matatakot sa Dios. Kikilalanin at pagpapalain tayo ng Dios. At ano ang tagubilin sa atin ng Dios:

Alalahanin ninyo ang kautusan ni Moises na aking lingkod na aking iniutos sa kaniya sa Horeb para sa buong Israel, sa makatuwid baga'y ang mga palatuntunan at mga kahatulan.

Malakias 4:4 (TAB)

"Alalahanin ninyo ang kautusan ni Moises na aking lingkod" - Ang mga Dakilang Kautusan na ibinigay ni Moises (ang isa sa "Dalawang Saksi" na nabanggit kanina) noon sa kanyang bayan, nguni't ibibigay muli ni Maestro Evangelista para sa mga tao sa buong mundo.

 

At ano ang mga tanda ng mga mangyayaring ito?

Narito, aking susuguin sa inyo si Elias na propeta bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.

Malakias 4:5 (TAB)

Bago pa mangyari ang "Dakila at Kakilakilabot na Kaarawan ng Dios," si Propeta Elias (ang isa sa "Dalawang Saksi" na nabanggit kanina) ay darating; nguni't siya ay malaon nang patay! Ang sabi ni Maestro Evangelista, ang tanda lamang ni Elias ang mangyayari muli (mga pangyayaring bantog na kasama sa kanyang pangalan). Anong mahalangang pangyayari na si Elias ay bantog. Sa anong dahilan?

At kaniyang papagbabaliking-loob ang puso ng mga ama sa mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang; baka ako'y dumating at saktan ko ang lupa ng sumpa.

Malakias 4:6 (TAB)

Sinira ni Jesus ang mabuting pakikipagugnayan ng mga anak sa mga ama, sa pamamagitan ng mga maling aral ni Jesus (pagsira sa mga Kautusan ng Dios), at ung hindi pa magbabalik loob ang mga anak sa kani-kanilang mga ama, ang mundo ay isusumpa magpakailan man!

 

Ano ang mga pangyayari sa panahon ni elias na mangyayaring muli, kasama ang pagbabalik ng mga Kautusan ng Dios na ibinigay ni Moises?

 

Ang Tanda ni Elias

Sa gayo'y nagsugo si Achab sa lahat ng mga anak ni Israel, at pinisan ang mga propeta sa bundok ng Carmelo.

At si Elias ay lumapit sa buong bayan, at nagsabi, Hanggang kaylan kayo mangagaalinlangan sa dalawang isipan? kung ang Panginoon ay Dios, sumunod kayo sa kaniya: nguni't kung si Baal, sumunod nga kayo sa kaniya. At ang bayan ay hindi sumagot sa kaniya kahit isang salita.

Nang magkagayo'y sinabi ni Elias sa bayan, Ako, ako lamang, ang naiwang propeta ng Panginoon; nguni't ang mga propeta ni Baal ay apat na raan at limang pung lalake.

I Mga Hari 18:20-22 (TAB)

Sa ating panahon, masasaksihan natin ang ganitong paghaharap na naganap noon, si Elias laban sa mga propeta ni Baal. Kaya ating panahon ito ay si Maestro Evanglista laban sa mga relihiyon. Masasaksihan ito ng maraming tao sa buong mundo, habang inihahayag ni Maestro Evangelista ang mga salita ng Dios, sa pamamagitan ng internet at TV.

 

"Baal" - isang dios na hindi kilala, sa panahon natin ay si Jesus.

 

"apat na raan at limang pung lalake" - gaya sa kasalukuyan, ang bilang ng mga pinuno at mga mangangaral ng mga relihiyon ay napakarami.

 

Sa ating panahon, si Maestro Evangelista ang huling sinugo ng Dios, ipakikita niya ang salita ng Dios sa mga tao sa buong mundo at lalabanan siya ng mga relihiyon.

 

Anong uri ng pakikipagtuos ito?

Bigyan nga nila tayo ng dalawang baka; at pumili sila sa ganang kanila ng isang baka, at katayin, at ilagay sa ibabaw ng kahoy, at huwag lagyan ng apoy sa ilalim: at ihahanda ko ang isang baka at ilalagay ko sa kahoy, at hindi ko lalagyan ng apoy sa ilalim.

At tawagan ninyo ang pangalan ng inyong dios, at tatawagan ko ang pangalan ng Panginoon: at ang Dios na sumagot sa pamamagitan ng apoy, ay siyang maging Dios. At ang buong bayan ay sumagot, at nagsabi, Mabuti ang pagkasabi.

I Mga Hari 18:23-24 (TAB)

Ito ang paghaharap kung saan masasaksihan ng mga tao sa buong mundo na babasahin ni Maestro Evangelista ang tunay na "Salita ng Dios" at ipakikilala ang Dakilang Pangalan ng Dios. At ang mga relihiyon naman ay sisikaping mabuti na maghayag ng kanilang mga aral sa huling pagkakataon. 

At sinabi ni Elias sa mga propeta ni Baal, Magsipili kayo ng isang baka sa ganang inyo, at inyong ihandang una, sapagka't kayo'y marami; at tawagan ninyo ang pangalan ng inyong dios, nguni't huwag ninyong lagyan ng apoy sa ilalim.

At kanilang kinuha ang baka na ibinigay sa kanila, at kanilang inihanda, at tinawagan ang pangalan ni Baal mula sa kinaumagahan hanggang sa kinatanghaliang tapat, na nagsisipagsabi, Oh Baal dinggin mo kami. Nguni't walang tinig, o sinomang sumagot. At sila'y nagsisilukso sa siping ng dambana na ginawa.

At nangyari, nang kinatanghaliang tapat, na biniro sila ni Elias, at sinabi, Sumigaw kayo ng malakas: sapagka't siya'y dios; siya nga'y nagmumunimuni, o nasa tabi, o nasa paglalakbay, o marahil siya'y natutulog, at marapat gisingin.

At sila'y nagsisigaw ng malakas, at sila'y nagsipagkudlit ayon sa kanilang kaugalian ng sundang at mga sibat, hanggang sa bumuluwak ang dugo sa kanila.

At nangyari nang makaraan ang kinatanghaliang tapat, na sila'y nanghula hanggang sa oras ng paghahandog ng alay na ukol sa hapon: nguni't wala kahit tinig, ni sinomang sumagot, ni sinomang makinig.

At sinabi ni Elias sa buong bayan, Lumapit kayo sa akin; at ang buong bayan ay lumapit sa kaniya. At kaniyang inayos ang dambana ng Panginoon na nabagsak.

At kumuha si Elias ng labing dalawang bato, ayon sa bilang ng mga lipi ng mga anak ni Jacob, na sa kaniya ang salita ng Panginoon ay dumating, na sinasabi, Israel ang magiging iyong pangalan.

At sa pamamagitan ng mga bato ay kaniyang itinayo ang dambana sa pangalan ng Panginoon; at kaniyang nilagyan ng hukay sa palibot ng dambana, na ang laki ay kasisidlan ng dalawang takal na binhi.

At kaniyang inilagay ang kahoy na maayos, at kinatay ang baka at ipinatong sa kahoy. At kaniyang sinabi, Punuin ninyo ang apat na tapayan ng tubig, at ibuhos ninyo sa handog na susunugin, at sa kahoy.

At kaniyang sinabi, Gawin ninyong ikalawa; at kanilang ginawang ikalawa. At kaniyang sinabi, Gawin ninyong ikaitlo; at kanilang ginawang ikaitlo.

At ang tubig ay umagos sa palibot ng dambana; at kaniyang pinuno naman ng tubig ang hukay.

At nangyari, sa oras ng paghahandog ng alay sa hapon, na si Elias, na propeta ay lumapit, at nagsabi, Oh Panginoon, na Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel, pakilala ka sa araw na ito, na ikaw ay Dios sa Israel, at ako ang iyong lingkod, at aking ginawa ang lahat na bagay na ito sa iyong salita.

Dinggin mo ako, Oh Panginoon, dinggin mo ako, upang matalastas ng bayang ito, na ikaw, na Panginoon, ay Dios, at iyong pinapanumbalik ang kanilang puso.

Nang magkagayo'y ang apoy ng Panginoon ay nalaglag, at sinupok ang handog na susunugin at ang kahoy, at ang mga bato, at ang alabok, at hinimuran ang tubig na nasa hukay.

At nang makita ng buong bayan, sila'y nagpatirapa: at kanilang sinabi, Ang Panginoon ay siyang Dios; ang Panginoon ay siyang Dios.

At sinabi ni Elias sa kanila, Dakpin ninyo ang mga propeta ni Baal; huwag makatanan ang sinoman sa kanila. At kanilang dinakip sila: at sila'y ibinaba ni Elias sa batis ng Cison, at pinatay roon.

I Mga Hari 18:25-40 (TAB)

Ang Kaalaman ng Pangalan ng Dios ang lilipol sa mga relihiyon na sumira ng Kanyang mga aral at mga Kautusan, gaya ng "apoy" na lumamon sa hain na iyon! Gagamitin rin ni Maestro Evangelista ang "apoy" sa ating panahon upang lipulin ang mga relihiyon!

 

"Dakpin ninyo ang mga propeta ni Baal" - Kapag nabunyag na ang mga pinuno at mga mangangaral ng mga relihiyon sa pamamagitan ng mga pahayag ni Maestro Evangelista, sila ay papatayin ng kani-kanilang mga tagasunod dahil sila ay makikitang mga tagapaglingkod ng Dios at dinaya pa sila sa pagamba sa ibang dios na hindi nila kilala, gaya ni Jesus, na hindi nakapagligtas ng iba.

 

Ang mga inialay na mga yaman sa mga relihiyon sa kasaysayan ay kukuin upang ipamahagi sa mga tao sa buong mundo. Ang mga yaman ay gagamitin upang itaas ang uri ng pamumuhay ng mga tao sa bawat bansa.

 

Anong uri ng "apoy" ang gagamitin ni Mestro Evangelista, ang huling propeta, sa ating panahon?

Narito, ang pangalan ng Panginoon ay magmumula sa malayo, na nagniningas ng kaniyang galit, at nasa umiilanglang na salimuot na usok: ang kaniyang mga labi ay puno ng pagkagalit, at ang kaniyang dila ay gaya ng mamumugnaw na apoy:

Isaias 30:27 (TAB)

"apoy" - Ang Salita ng Dios! Saan manggagaling ito?

 

"magmumula sa malayo" - Hindi sa Gitnang Silangan, kundi sa bayan na kung saan ang taong nilagyan ng Salita ng Dios, na inihayag sa DEuteronomy 18:18-19 at sa Jeremias 1:4-10, ay magmumula!

 

Tungkol sa Halaman ng Eden na ikinubli noon, kailang tayo makakapanumbalik roon?

 

Papaano ikinubli ang Halaman ng Eden sa atin?

At sinabi ng Panginoong Dios, Narito't ang tao'y naging parang isa sa atin, na nakakakilala ng mabuti at ng masama; at baka ngayo'y iunat ang kaniyang kamay at pumitas naman ng bunga ng punong kahoy ng buhay, at kumain at mabuhay magpakailan man:

Kaya pinalayas siya ng Panginoong Dios sa halamanan ng Eden, upang kaniyang bukirin ang lupaing pinagkunan sa kaniya.

Genesis 3:22-23 (TAB)

Matapos dayain o linlangin ng ahas sina Adan at Eba, nakakabigla na sila ang pinalayas rito ng Dios. Bakit?

 

Ang sabi ni Maestro Evangelista, binigyan ng Dios si Adan ng isang tagubilin na "Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan," liban sa isang bunga, ang bunga ng "kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama," na kung siya kakain niyon, siya ay mamamatay.

 

Si Adan ay sinubok kung siya ay mananatiling masunurin sa Dios, nguni't hinayaan niya ang kanyang sarili na malinlang ng ahas (sa pamamagitan ni Eba), at hindi sumunod sa Dios at sa kanyang tagubilin. Sino ang dapat palayasin?

 

Sila (Adan at Eba) ay binigyan ng katalinuhan at isang simpleng tagubilin na dapat nilang sundin, at hindi nila sinundan ang ibinigay na tagubilin, at sila ay pinalayas sa Halaman ng Eden!

 

"punong kahoy ng buhay" - Ayaw ng Dios ng mga manunuway, kaya hindi sila hahayaang mabuhay ng matagal. Si Adan, kasama si Eba, ay ibinalik sa pinagkunan sa kanya noon, sa labas ng Halaman ng Eden.

 

At:

Ano pa't itinaboy ang lalake; at inilagay sa silanganan ng halamanan ng Eden ang mga Querubin at ang isang nagniningas na tabak na umiikot, upang ingatan ang daang patungo sa kahoy ng buhay.

Genesis 3:24 (TAB)

Sa silanganan, naglagay ang Dios ng isang kerubin (isang anghel), ano ang hawak niya sa kamay?

 

"isang nagniningas na tabak na umiikot, upang ingatan ang daang patungo sa kahoy ng buhay" - Ang halamanan sa Eden ay hindi inalis, ang kaunawaan niyon ay itinago lamang sa atin. Naririto pa rin ito.

 

Ngayon, sa oras ding ito, ipakikita sa atin ni Maestro Evangelista ang daan upang makaraan sa anghel na hindi nasasaktan ng "nagniningas na tabak" at matuklasan ang daan pabalik sa puno ng buhay.

 

Ang isa sa hiwaga ng Halaman sa Eden ay ihahayag na sa atin ng Dios sa pamamagitan ng Kanyang propeta na si Maestro Evangelista:

 

Ang pagbabalik sa Halamanan ng Eden

 

Sinu-sino ang papayagang makabalik sa Halaman sa Eden sa ating kasalukuyang panahon?

Nguni't ngayo'y ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, Oh Jacob, at naganyo sa iyo, Oh Israel, Ikaw ay huwag matakot, sapagka't tinubos kita; tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin.

Isaias 43:1 (TAB)

"Oh Israel,... sapagka't tinubos kita" - Sila ang Bagong Bayan ng Dios!

Pagka ikaw ay dumaraan sa tubig, ako'y sasaiyo; at sa mga ilog ay hindi ka tatakpan niyaon: pagka ikaw ay lumalakad sa apoy, hindi ka masusunog; o magniningas man ang alab sa iyo.
Isaias 43:2 (TAB)

"dumaraan sa tubig" - gaya ng sa panahon ni Moises, na sila ay tumawid sa tubig, ang Dios ay kasama nila.

 

"lumalakad sa apoy, hindi ka masusunog; o magniningas man ang alab sa iyo." - hindi tayo masusunog ng apoy ng mula sa "nagniningas na tabak" na hawak ng kerubin habang tayo ay papasok sa Halaman ng Eden, papaano ito mangyayari?

 

Dahil si Maestro Evangelista ang isinasagisag na kerubin sa ating panahon, siya ang anghel (propeta) mula sa silangannan (mga pulo) na inilagay (sent forth) na bantayan ang daan (na marinig at mabasa) pabalik sa Halaman sa Eden (tungkol sa mga pahayag ng Salita ng Dios, ang apoy na mula sa langit upang ang lahat ay makatawag sa Dakilang Pangalan ng Dios!) - ang buhay na puno ng pagpapala.

 

Bagaman iyong sundin ang mga Aral at mga Kautusan ng Dios, nguni't hindi mo alam ang Kanyang Tunay na Pangalan o ni ang kerubin na nagbabantay ng daan nito, hindi ka papayagang makaraan at makita ang landas pabalik sa Halamanan ng Eden.

Sapagka't ako ang Panginoon mong Dios, ang Banal ng Israel, ang Tagapagligtas sa iyo; aking ibinigay na pinakatubos sa iyo ang Egipto, ang Etiopia at ang Seba.
Yamang ikaw ay naging mahalaga sa aking paningin, at kagalanggalang, at aking inibig ka; kaya't magbibigay ako ng mga tao na pinakatubos sa iyo, at ng mga bayan na pinakatubos sa iyong buhay.
Isaias 43:3-4 (TAB)

Nananawagan ang Dios sa lahat ng tao.

Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran;
Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa;
Bawa't tinatawag sa aking pangalan, at yaong aking nilikha ay sa aking kaluwalhatian, yaong aking inanyuan oo, yaong aking ginawa.
Isaias 43:5-7 (TAB)

Sino ang papayagan na makapasok sa Halamanan ng Eden?

 

Ang kikilala at tatawag sa Pangalan at susunod sa mga Kautusan ng Dios ang magkakaroon ng karapatan ng makapasok sa Halamanan ng Eden at makibahagi sa Bungan ng Punongkahoy ng Buhay!

 

Ang ating misyon para sa Dios?

Iyong ilabas ang bulag na bayan na may mga mata, at ang bingi may mga tainga.
Isaias 43:8 (TAB)

Upang ang mga tao, na dinaya ng mga relihiyon, ay makaalam ng  wagas na kaotohanan hinggil sa Dios at sa Kanyang Dakilang Pangalan and makatanggap ng Kaligtasan!


At ano ang sasabihin ng mga tao kapag tuluyan na nilang naunawaan ang Salita at ang Pangalan ng Dios?

Mapisan ang lahat na bansa, at magpulong ang mga bayan: sino sa gitna nila ang makapagpapahayag nito, at makapagpapakita sa amin ng mga dating bagay? dalhin nila ang kanilang mga saksi, upang sila'y mapatotohanan: o dinggin nila, at magsabi, Katotohanan nga.
Isaias 43:9 (TAB)

Ang sasabihin ng mga tao ay "Katotohanan nga."

 

Ano ang ating patotohanan sa Dios?

Kayo'y aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at aking lingkod na aking pinili: upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako nga; walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko.
Ako, sa makatuwid baga'y ako, ang Panginoon; at liban sa akin ay walang tagapagligtas.
Ako'y nagpahayag, at ako'y nagligtas, at ako'y nagpakilala, at walang ibang dios sa gitna ninyo: kaya't kayo ang aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at ako ang Dios.

Isaias 43:10-12 (TAB)

Na tayo ang mga saksi ng Dios araw na iyon, hindi ang mga relihiyon; na ang Dios lamang ang tanging Tagapagligtas, wala nang iba!

 

Tungkol sa mga makakasama ni Maestro Evangelista, ano ang pahayag sa kanila?

 

At ano rin ang mahahayag na kasama nito sa "Kaarawan" na iyon?

At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Pumarito ka, ipakikita ko sa iyo ang hatol sa bantog na patutot na nakaupo sa maraming tubig;
Na siyang pinakiapiran ng mga hari sa lupa, at ang mga nananahan sa lupa ay nalasing sa alak ng kaniyang pakikiapid.

Revelation 17:1-2 (TAB)

"bantog na patutot na nakaupo sa maraming tubig" - malalaman natin mamaya ang kanyang katauhan.

At ako'y kaniyang dinalang nasa Espiritu sa isang ilang: at nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang hayop na pula, na puno ng mga pangalang pamumusong, na may pitong ulo at sangpung sungay.

Revelation 17:3 (TAB)

"isang babae na nakasakay sa isang hayop na pula" - at sino naman siya?

 

"isang hayop na pula, na puno ng mga pangalang pamumusong" - mga pandaraya at kasinungalingan sa Dios.

 

"pitong ulo" - maraming mukha o anyo.

 

"sangpung sungay" - kapangyarihang may hangganan.

 

Papaano tinawag ang "babae?"

At nararamtan ang babae ng kulay-ube at ng pula, at nahihiyasan ng ginto at ng mga mahalagang bato at mga perlas, na sa kaniyang kamay ay may isang sarong ginto na puno ng mga kasuklamsuklam, at ng mga bagay na marurumi ng kaniyang pakikiapid,
At sa kaniyang noo ay nakasulat ang isang pangalan, HIWAGA, DAKILANG BABILONIA, INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM SA LUPA.

Revelation 17:4-5 (TAB)

"BABILONIA" - ang dakilang ina, dahil maraming relihiyon ang mga nanggaling sa kanya, na nababalutan ng mga hiwaga na madaya niya ang mga tao.

At nakita ko ang babae na lasing sa dugo ng mga banal, at sa dugo ng mga martir ni Jesus. At nang aking makita siya ay nanggilalas ako ng malaking panggigilalas.

Apokalipsis 17:6 (TAB)

"sa dugo ng mga banal, at sa dugo ng mga martir ni Jesus" - ang kabantugan ng babae ay nagmula sa mga sakripisyo at pagaalay ng buhay ng mga taong iniukol ang kanilang buhay para kay Jesus, sa buhay at sa kamatayan man!

At sinabi sa akin ng anghel, Bakit ka nanggilalas? Sasabihin ko sa iyo ang hiwaga ng babae, at ng hayop na sinasakyan niya, na may pitong ulo at sangpung sungay.

Apokalipsis 17:7 (TAB)

Ito ang panahon ng paghahayag ng katauhan ng babae, ang "dakilang patutot." Ang kanyang hiwaga ay aalisin, kasama ang "hayop"

 

Sino nga ba ang "Hayop" na ito?

At ang hayop na nakita mo ay naging siya, at wala na; at malapit ng umahon sa kalaliman, at patungo sa kapahamakan. At silang mga nananahan sa lupa ay manggigilalas na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanglibutan, pagkakita nila sa hayop, kung paano naging siya at wala na, at darating.

Apokalipsis 17:8 (TAB)

"ay naging siya, at wala na; at malapit ng umahon" - ito si Jesus, siya ay nabunyag na sa wakas. Isa siya sa mga pili ng Dios (ay naging siya), nguni't hindi nagtagumpay sa kanyang misyon (at wala na) at makikilala na siya at kung ano ang tunay niyang ginawa noon (at malapit ng umahon). Pindutin lamang ang kawing (link) upang basahin ang tungkol sa Patotoo ni Jesus.

 

"manggigilalas na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay" - ang mga taong inilagak ang kanilang pananampalataya kay Jesus at sa mga relihiyon ay mabibigla kapag nalaman na sila ay hindi maliligtas sa "Dakila at Kakilakilabot na Kaarawan ng Dios."

Narito ang pagiisip na may karunungan. Ang pitong ulo ay pitong bundok na kinauupuan ng babae:
At sila'y pitong hari; ang lima ay nanga buwal, ang isa'y narito, ang isa ay hindi pa dumarating; at pagdating niya ay dapat magtagal na sangdaling panahon.
At ang hayop na naging siya, at wala na, ay siya ring ikawalo at siya'y sa pito at siya'y patungo sa kapahamakan.

Apokalipsis 17:9-11 (TAB)

Tandaan, tinanggap ni Propeta Juan ang mga pangitain ito mula sa Dios, kaya isinulat niya ito. At sa ating panahon, Si Maestro Evangelista, na may dala ng Salita ng Dios, ay ipapaliwanag o ihahayag sa atin ang kahulugan ng mga pangitain ni Propeta Juan. 

 

Ang sabi ni Maestro Evangelista:

 

"pitong bundok na kinauupuan ng babae" - ang Vaticano sa Roma, ang ina ng Kristianismo! 

 

"pitong hari" - ang mga relihiyon na nagmula sa inang simbahan!

 

"ang hayop" - siya si Jesus.

 

"ay siya ring ikawalo at siya'y sa pito at siya'y patungo sa kapahamakan" - Ito ang relihiyon na Islam, dahil inilagak din nila ang kanilang pananampalataya kay Jesus, kanilang hinihintay siyang magbabalik bilang isang Muslim.

At ang sangpung sungay na iyong nakita ay sangpung hari, na hindi pa nagsisitanggap ng kaharian; datapuwa't magsisitanggap sila ng kapamahalaang paghahari na isang oras na kasama ng hayop.
Ang mga ito ay may isang kaisipan, at ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa hayop.

Apokalipsis 17:12-13 (TAB)

Ito ang mga relihiyon na nagmula sa inang simbahan, nguni't nagkakaisa sa pagpupuri at pagluluwalhati kay Jesus, bilang kanilang "Tagapagligtas!"

 

Ano ang kanilang gagawin alang-alang kay Jesus sa "Kaarawan" na iyon?

Makikipagbaka ang mga ito laban sa Cordero, at sila'y dadaigin ng Cordero, sapagka't siya'y Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga Hari; at ng mga kasama niya, na mga tinawag at mga pili at mga tapat ay nananaig din.

Apokalipsis 17:14 (TAB)

"Cordero" - ang katawagang ito ay hindi napunta kay Jesus, kung si Jesus ay naging masunurin sa Dios at ginanap ang kanyang misyon, hindi na kailangan pa ang mga pangitain na ating binabasa ngayon, at  hindi na rin ibinigay at ipinasuat kay Propeta Juan.

 

"Makikipagbaka ang mga ito laban sa Cordero" - Ang mga relihiyon ay lalabanan sa mga pahayag ni Maestro Evangelista, ang propeta ng Dios, gagawin nila ito sa pagtatanggol ng aral ni Jesus na sa ngalan ni Jesus (na inakalang Cordero ng Dios) sila ay maliligtas. Magtatagumpay ba naman sila?

 

"sila'y dadaigin" - Ang Dios na ang nagsasabi na mananaig si Maestro Evangelista sa mga relihiyon sa "Kaarawan" na iyon!

 

Bakit? Ano ba ang dala ni Maestro Evangelista?

 

"Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga Hari" - ito ang taglay niyang kapahintulutan mula sa Dios para sa kanyang propeta na si Maestro Evangelista, dala niya ang Salita ng Dios sa ating panahon. Hindi ito pag-angkin o isang kalagayan ng pagka-Dios kundi isang tanda na si Maestro Evaelista ay siyang tunay na tagapagsalita ng Dios!

 

"mga kasama niya..." - Si Maestro Evangelista ay may mga kasamam na tumutulong at magbibigay ng patotoo sa kanya sa "Kaarawan" na iyon. Papaano sila tatawagin?

 

"na mga tinawag at mga pili at mga tapat ay nananaig din" - na sa kabila ng mga paghihirap na kanilang dinanas sa mga nagdaang mga taon, nanatili silang matapat sa mga aral at mga pahayag, at iginalang ang nagbigay nito. Ito ang katawagan na ibibigay sa kanila.

 

At:

At sinabi niya sa akin, Ang tubig na iyong nakita, na kinauupuan ng patutot, ay mga bayan, at mga karamihan, at mga bansa, at mga wika.

Apokalipsis 17:15 (TAB)

Makikita mo na napakaraming mga simbahan at mga templo sa lahat ng mga bayan sa bawat bansa sa mundo. Ito ang "kubling-kapangyarihan" ng "inang simbahan" na ito.

At ang sangpung sungay na iyong nakita, at ang hayop, ay siyang nangapopoot sa patutot, at siya'y pababayaan at huhubaran, at kakanin ang kaniyang laman, at siya'y lubos na susupukin ng apoy.

Apokalipsis 17:16 (TAB)

"ang sangpung sungay" - ang mga relihiyon din na nagmula sa inang simbahan ay lalaban din dito, at wawasakin din ito. Sa kasaysayan, ito ay nagkaroon ng maraming pagkakabahabahagi, ang paghihiwalayan upang bumuo ng mga bagong pananampalataya.

Sapagka't inilagay ng Dios sa kanilang mga puso na gawin ang kaniyang kaisipan, at mangagkaisa ng kaisipan, at ibigay ang kanilang kaharian sa hayop, hanggang sa maganap ang mga salita ng Dios.
At ang babae na iyong nakita ay ang dakilang bayan, na naghahari sa mga hari sa lupa.

Apokalipsis 17:17-18 (TAB)

Ang lahat ng mga simbahan at mga relihiyon ay malilipol sa pagdating ng Dios sa "Kaarawan" na iyon!

 

Kailan magaganap ang lahat ng mga ito?

Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang ibang anghel na nananaog mula sa langit, na may dakilang kapamahalaan; at ang lupa ay naliwanagan ng kaniyang kaluwalhatian.

Apokalipsis 18:1 (TAB)

"ibang anghel" - isang mensahe mula sa propeta na sinugo na "gaya ni Moises" ang darating upang magbigay ng kaluwalhatian sa mundo - dahil dala niya ang Salita at ang Pangalan ng Dios.

At siya'y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa't espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa't karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon.
Sapagka't dahil sa alak ng galit ng kaniyang pakikiapid ay nangaguho ang lahat ng mga bansa; at ang mga hari sa lupa ay nangakiapid sa kaniya, at ang mga mangangalakal sa lupa ay nagsiyaman dahil sa kapangyarihan ng kaniyang kalayawan.

Apokalipsis 18:2-3 (TAB)

Ang mensahe na ang pagkalipol ng Dakilang Babilonia (ang mga relihiyon) ay naguumpisang mangyayari na.

At narinig ko ang ibang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot:

Apokalipsis 18:4 (TAB)

Ito ang panawagan ng Dios sa lahat ng tao sa buong mundo, lisanin ang mga relihiyon. Dahil ang panahon ng pagkalipol nito ay dumating na!

Sapagka't ang kaniyang mga kasalanan ay umabot hanggang sa langit at naalaala ng Dios ang kaniyang mga katampalasanan.
Ibigay din ninyo ang ayon sa ibinigay niya sa inyo, at ibayuhin ninyo ng ibayo sa kaniyang mga gawa: sa sarong kaniyang pinaghaluan ay ipaghalo ninyo siya ng ibayo.
Kung gaano ang pagkakapagmapuri, at pagkapamuhay na malayaw, ay gayon din naman ang ibigay ninyo sa kaniyang pahirap at pagluluksa: sapagka't sinasabi niya sa kaniyang puso, Ako'y nakaupong reina, at hindi ako bao, at hindi ko makikita kailan man ang pagluluksa.

Apokalipsis 18:5-7 (TAB)

Ang Babilonia ang umalipin at dumaya sa mga tao na sambahin ang "Hayop" (si Jesus) bilang isang dios.

Kaya't darating sa isang araw ang mga salot sa kaniya, kamatayan at pagluluksa, at gutom; at siya'y lubos na susunugin sa apoy; sapagka't malakas ang Panginoong Dios na humatol sa kaniya.
At ang mga hari sa lupa, na nangakiapid at nangabuhay na malayaw na kasama niya, ay mangagsisiiyak at mangagsisitaghoy tungkol sa kaniya, pagkakita nila ng usok ng kaniyang pagkasunog,
At nangakatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba ng dakilang bayang Babilonia, ng bayang matibay! sapagka't sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo.
At ang mga mangangalakal sa lupa ay mangagsisiiyak at mangagluluksa tungkol sa kaniya, sapagka't wala nang bibili pa ng kaniyang kalakal;
Ng kalakal na ginto at pilak, at mahalagang bato, at mga perlas, at mainam na lino, at kayong kulay ube, at sutla, at kayong pula; at sarisaring mababangong kahoy, at bawa't kasangkapang garing, at bawa't kasangkapang mahalagang kahoy, at tanso, at bakal, at marmol;
At kanela, at especias, at incienso, at ungguento, at kamangyan, at alak, at langis, at mainam na harina, at trigo, at mga baka, at mga tupa; at kalakal na mga kabayo at mga karo, at mga alipin; at mga kaluluwa ng mga tao.

Apokalipsis 18:8-13 (TAB)

Ang Babilonia (ang mga relihiyon) ay malilipol, at ang mga alay at mga kalakal nito.

At ang mga bungang pinipita mo ay nangapalayo sa iyo, at lahat ng mga bagay na maiinam at mariringal ay nangalipol sa iyo, at hindi na mangasusumpungan pa.
Ang mga mangangalakal ng mga bagay na ito, na nangagsiyaman dahil sa kaniya, ay mangagsisitayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nagsisiiyak at nagsisipagluksa;
Na nangagsasabi, Sa aba, sa aba, niyaong dakilang bayan, siya na nararamtan ng mahalagang lino at ng kayong kulay ube, at pula, at napapalamutihan ng ginto at ng mahalagang bato at ng perlas!
Sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol ang gayong malaking kayamanan. At bawa't pinunong daong, at bawa't naglalayag saan mang dako, at ang mga mangdaragat, at lahat ng nagsisipaghanap-buhay sa dagat, ay nangakatayo sa malayo,

Apokalipsis 18:14-18 (TAB)

"isang oras" - Masasaksihan ng lahat ang pagkalipol nito sa isang oras! Totoo ba na sa isang oras lamang kakailanganin upang ibagsak ang Dakilang Babilonia?

At nangagsisisigaw pagkakita sa usok ng kaniyang pagkasunog, na nangagsasabi, Anong bayan ang katulad ng dakilang bayan?
At sila'y nangagbubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo, at nagsisigawan, na nagiiyakan at nagtataghuyan, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba, ang dakilang bayan, na siyang iniyaman ng lahat na may mga daong sa dagat dahil sa kaniyang mga kayamanan! sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol.

Apokalipsis 18:19 (TAB)

Totoo! Isang oras lamang ang pagbagsak ng Dakilang Babilonia (ang mga relihiyon). Ito ang ikalawang pagbanggit ng pagbagsak nito.

Magalak ka tungkol sa kaniya, Oh langit, at kayong mga banal, at kayong mga apostol, at kayong mga propeta; sapagka't inihatol ng Dios ang inyong hatol sa kaniya.
At dinampot ng isang anghel na malakas ang isang bato, na gaya ng isang malaking gilingang bato, at inihagis sa dagat, na sinasabi, Gayon sa isang kakilakilabot na pagkahulog, igigiba ang Babilonia, ang dakilang bayan, at hindi na masusumpungan pa.

At ang tinig ng mga manunugtog ng alpa, at ng mga musiko at ng mga manunugtog ng plauta, at ng mga manunugtog ng pakakak ay hindi na maririnig pa sa iyo; at wala nang manggagawa ng anomang gawa ay masusumpungan pa sa iyo; at ang ugong ng gilingan ay hindi na maririnig pa sa iyo;
At ang ilaw ng ilawan ay hindi na liliwanag pa sa iyo, at ang tinig ng kasintahang lalake at ng kasintahang babae ay hindi na maririnig pa sa iyo; sapagka't ang mga mangangalakal mo ay naging mga pangulo sa lupa; sapagka't dinaya ng iyong panggagaway ang lahat ng mga bansa.
At nasumpungan sa kaniya ang dugo ng mga propeta, at ng mga banal, at ng lahat ng mga pinatay sa lupa.

Apokalipsis 18:20-24 (TAB)

Malilipol ang mga relihiyon! Ang lahat ng mga ritwal at ng mga pagdiriwang ay hindi na gagawin pa.

Pagkatapos ng mga bagay na ito ay narinig ko ang gaya ng isang malaking tinig ng isang makapal na karamihan sa langit, na nagsasabi, Aleluya; Kaligtasan, at kaluwalhatian, at kapangyarihan, ay nauukol sa ating Dios:
Sapagka't tunay at matuwid ang kaniyang mga paghatol; sapagka't hinatulan niya ang bantog na patutot, na siyang nagpasama sa lupa ng kaniyang pakikiapid, at iginanti niya ang dugo ng kaniyang mga alipin sa pamamagitan ng kaniyang kamay.
At sila'y muling nangagsabi, Aleluya. At ang usok niya ay napaiilanglang magpakailan kailan man.
At nangagpatirapa ang dalawangpu't apat na matatanda at ang apat na nilalang na buhay, at nangagsisamba sa Dios na nakaupo sa luklukan, na nangagsasabi, Siya nawa; Aleluya.
At lumabas ang isang tinig sa luklukan, na nagsasabi, Purihin ninyo ang ating Dios, ninyong lahat na mga lingkod niya, ninyong lahat na mga natatakot sa kaniya, maliliit at malalaki.
At narinig ko ang gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi, Aleluya: sapagka't naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat.

Apokalipsis 19:1-6 (TAB)

"dalawangpu't apat na matatanda" - sumasagisag ng labindalawang angkan ng Israel sa Lumang Tipan at ang labindalawang apostol ni Jesus sa Bagong Tipan: ang dalawang panig sa Aral ng Banal na Aklat: ang Pagpapala at ang Sumpa, ang Katotohanan at ang Kasinungalingan, ang Mabuti at ang Masama, ang Buhay at ang Kamatayan. 

 

"ang apat na nilalang na buhay" - ang mga anghel ng Dios.

 

"isang makapal na karamihan" - ang lahat ng mga taong naligtas makatapos ang araw na iyon ay magbibigay ng papuri at luluwalhatiin ang Dios.

Tayo'y mangagalak at tayo'y mangagsayang mainam, at siya'y ating luwalhatiin; sapagka't dumating ang pagkakasal ng Cordero, at ang kaniyang asawa ay nahahanda na.
At sa kaniya'y ipinagkaloob na damtan ang kaniyang sarili ng mahalagang lino, makintab at tunay; sapagka't ang mahalagang lino ay siyang mga matuwid na gawa ng mga banal.

Apokalipsis 19:7-9 (TAB)

"ang pagkakasal" - ito ang pagtatatag ng tipan sa pagitan ng mga tao at ng Dios.

 

"Cordero" - si Maestro Evangelista (ang huling sugo) ang may dala ng tipan.  Ito ay katawagan lamang sa taong gaganap sa mga pahayag ng Dios. 

At sinasabi niya sa akin, Isulat mo, Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero. At sinasabi niya sa akin, Ang mga ito'y siyang tunay na mga salita ng Dios.

Apokalipsis 19:9 (TAB)

Ito ang paanyaya ng Dios tungkol sa "pagkakasal" o ang pagtatatag ng Bagong Bayang ng Israel.

At ako'y nagpatirapa sa kaniyang paanan upang siya'y aking sambahin. At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mayroong patotoo ni Jesus: sumamba ka sa Dios: sapagka't ang patotoo ni Jesus ay siyang espiritu ng hula.

Apokalipsis 19:10 (TAB)

"patotoo ni Jesus" - Ito ang isa sa mga pahayag na dala ni Maestro Evangelista, upang ang lahat ay hindi na madaya pa ng mga relihiyon.

 

"sumamba ka sa Dios" - upang ibalik ang tao sa Dios. Ito ang misyon na hindi nagampanan ni Jesus.

 

At:

At nakita kong bukas ang langit; at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay tinatawag na Tapat at Totoo; at sa katuwiran siya'y humahatol at nakikipagbaka.

Apokalipsis 19:11 (TAB)

"Tapat at Totoo" - Si Maestro Evangelista ay nananatiling masunurin sa Dios at...

 

"siya'y humahatol" - sa paghahayag niya ng Paghahatol ng Dios sa pamamagitan ng kanyang pahayag ng Salita ng Dios and ginagawa niya ito ng may karunungan at kaunawaan.

 

"at nakikipagbaka" - laban sa mga relihiyon at sa Dakilang Babilonia.

At ang kaniyang mga mata ay ningas ng apoy, at sa kaniyang ulo ay maraming diadema; at siya'y may isang pangalang nakasulat, na sinoman ay di nakaaalam kundi siya rin.
At siya'y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios.

Apokalipsis 19:12-13 (TAB)

Ito ang pangitain ni Propeta Juan tungkol kay Maestro Evangelista sa pagganap niya ng mga pahayag ng Dios sa "Dakila at Kakilakilabot na Kaarawan ng Dios."

 

Mula kay Moses hanggang kay Jesus, si Maestro Evangelista ay inihayag na ng Dios sa Banal na Aklat, at anilang isinalarawan pa siya ng malinaw sa kanilang pahayag. At ngayon ito rin ang pagsasalarawan ng pangitain ns ibinigay at isinulat ni Propeta Juan sa Aklat ng Apokalipsis. 

 

"ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios" - ito ang pangalan ni Maestro Eraño M. Evangelista - sa madali't sabi ay Ang Makabagong Tagapagsalita (o Propeta) ng Dios.

At ang mga hukbong nasa langit ay sumusunod sa kaniya na mga nakasakay sa mga kabayong puti, at nangararamtan ng mahalagang linong maputi at dalisay.

Apokalipsis 19:14 (TAB)

"ang mga hukbong nasa langit" - ito ang mga taong makakasama ni Maestro Evangelista sa "Kaarawan" na iyon - ang "mga tinawag at mga pili at mga tapat ay nananaig din."

At sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito'y sugatan niya ang mga bansa: at kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat.

Apokalipsis 19:15 (TAB)

"isang tabak na matalas" - ang wawasak sa mga mapandayang aral ng mga relihiyon, upang sila ay ibagsak.

 

"tungkod na bakal" - ito ang kanyang kapahintulutan mula sa Dios na siya ay binanggit na sa mga ibang pahayag ng mga propeta ng Dios sa Banal na Aklat.

At siya'y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita, HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON.

Apokalipsis 19:16 (TAB)

"HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON" - Ito ang katawagan at ang kapahintulutan na ibinigay sa kanya ng Dios upang magawa niya ang kanyang misyon at ganapin ang mga pahayag sa "Dakila at Kakilakilabot na Kaarawan" na iyon.

 

Unawain natin ang mga kahulugan ng mga tanda na ibinigay ni propeta Juan sa kanyang mga pangitain sa Aklat ng Apokalipsis:

At nakita kong bukas ang langit; at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay tinatawag na Tapat at Totoo; at sa katuwiran siya'y humahatol at nakikipagbaka.
At ang kaniyang mga mata ay ningas ng apoy, at sa kaniyang ulo ay maraming diadema; at siya'y may isang pangalang nakasulat, na sinoman ay di nakaaalam kundi siya rin.
At siya'y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios.

Apokalipsis 19:11-13 (TAB)

"isang kabayong maputi" - Ang tanda ng Kapahintulutan at Ka

 

"Tapat at Totoo" - basahin natin muli ang naunang pahayag tungkol sa taong ito;

At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng banal, niyaong totoo, niyaong may susi ni David, niyaong nagbubukas at di mailalapat ng sinoman, at naglalapat at di maibubukas ng sinoman:

Apokalipsis 3:7 (TAB)

"niyaong may susi ni David" - ang taong ito ay hindi na manggagaling sa lahi ni David, siya lamang ang gaganap ng mga pahayag ng Dios sa ating panahon.

 

Ano pa?

Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan.

Apokalipsis 3:12 (TAB)

"isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios" - Mula sa taong tinawag na "Tapat at Totoo" at nakasakay sa "isang kabayong maputi," matatagpuan din sa kanya ang tatlong tanda:

1.) Ang Pangalan ng Dios;

 

2.) Ang Bangong Bayan ng Dios, ang Bagong Jerusalem;

 

3.) Ang bagong pangalan ni Jesus.

Alam ba ni Jesus ang kanyang pagdating?

Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.
At ako'y dadalangin sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man,
Sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siya'y nakikilala ninyo; sapagka't siya'y tumatahan sa inyo, at sasa inyo.

Juan 14:15-17 (TAB)

Nanalangin si Jesus sa Dios ng isang hahalili sa kanyang misyon at ang Dios ang pipili ng papalit sa kanya, kaya ang kapalit niya ay tinawag na "Mangaaliw," na mapapasaatin magpakailanman.

 

Ang "Mangaaliw" ay dala ang "Espiritu ng katotohanan" - ang Salita ng Dios, ibig sabihin, ang  "Mangaaliw" ay isang propeta ng Dios.

 

Ano ang misyon ng "Mangaaliw?"

Datapuwa't ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.

Juan 14:26 (TAB)

Ang "Mangaaliw" ang maghahayag sa atin ng tunay na Jesus sa Banal na Aklat, hindi ang mga aral ng relihyon na itinuro sa atin. Alam ni Jesus ang pagdating ng "Mangaaliw."

 

"sa aking pangalan" - Ang "Mangaaliw" ang magbibigay paliwanag o kaunawaan sa mga aral at mga sinabi ni Jesus noon at hindi naunawaan ng mga tao, na hanggang sa ating panahon, ang mga tao ay nagkakabahabahagi (nagaaway at nagpapatayan) tungkol dito. 

 

Kaya sa ating panahon, si Maestro ang "Mangaaliw" na binaggit ni Jesus noon.

 

Bumalik tayo sa:

At ang kaniyang mga mata ay ningas ng apoy, at sa kaniyang ulo ay maraming diadema; at siya'y may isang pangalang nakasulat, na sinoman ay di nakaaalam kundi siya rin.

Apokalipsis 19:12 (TAB)

Bakit ganito ang pagkakasulat, "mga mata ay ningas ng apoy?" Ano ang katangian ni Maestro Evangelista?

Narito, aking sinusugo ang aking sugo, at siya'y maghahanda, ng daan sa harap ko: at ang Panginoon na inyong hinahanap, ay biglang paroroon sa kaniyang templo; at ang sugo ng tipan na inyong kinaliligayahan, narito, siya'y dumarating, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Malakias 3:1 (TAB)

Ito ang "Mangaaliw" na binanggit ni Jesus noon, ang sugo na dala ang Salita ng Dios.

 

"ang sugo ng tipan" - Inihayag na sa atin in Maestro Evangelista ang Pangalan ng Dios, ang huling tatak sa tipan sa pagitan ng tao at ng Dios. Si Moses ay walang kapahintulutan na ipakilala ang Pangalan, kaya ang tipan na ginawa noon ay walang bisa, dahil hindi nila nalaman ang Pangalan ng Dios. 

 

Ano ang kanyang misyon para sa Dios?

Nguni't sino ang makatatahan sa araw ng kaniyang pagparito? at sino ang tatayo pagka siya'y pakikita? sapagka't siya'y parang apoy ng mangdadalisay, at parang sabon ng mga tagapagpaputi:
Mal 3:3 At siya'y mauupong gaya ng mangingintab at mangdadalisay ng pilak, at kaniyang dadalisayin ang mga anak ni Levi, at kaniyang pakikinising parang ginto at pilak; at sila'y mangaghahandog sa Panginoon ng mga handog sa katuwiran.

Malakias 3:2-3 (TAB)

Ang "Mangaaliw," na si Maetro Evangelista, ang magtatalaga kung sino ang mapapabilang na maglilingkod sa Dios - ang mga Levita.

Kung magkagayo'y ang handog ng Juda at ng Jerusalem ay magiging kalugodlugod sa Panginoon, gaya ng mga araw nang una, at gaya ng mga taon nang una.
At aking lalapitan kayo sa kahatulan; at ako'y magiging maliksing saksi laban sa mga manghuhula, at laban sa mga mangangalunya, at laban sa mga sinungaling na manunumpa, at laban doon sa nagsisipighati sa mangaaraw sa kaniyang mga kaupahan, sa babaing bao, at sa ulila, at sa nagliligaw sa taga ibang lupa mula sa kaniyang matuwid, at hindi natatakot sa akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
Sapagka't ako, ang Panginoon, ay hindi nababago, kaya't kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob ay hindi nangauubos.

Malakias 3:4-6 (TAB)

Ito ang "Dakila at Kakilakilabot ng Kaarawan ng Panginoon," hahatulan ng Dios ang lahat, at ililigtas Niya ang Kanyang bayan - ang mga tatawag sa Kanyang Dakilang Pangalan.

 

Bumalik tayo sa:

At siya'y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios.

Apokalipsis 19:13 (TAB)

"damit na winisikan ng dugo" - Ano ang ibig sabihin nito?

Sino ito na nanggagaling sa Edom, na may mga kasuutang tinina mula sa Bosra? itong maluwalhati sa kaniyang suot, na lumalakad sa di kawasang lakas? Ako na nagsasalita ng katuwiran, makapangyarihang magligtas.
Isa 63:2 Bakit ka mapula sa iyong kasuutan, at ang iyong damit ay gaya niyaong yumayapak sa alilisan ng alak?
Isa 63:3 Aking niyapakang magisa ang alilisan ng alak; at sa mga bayan ay walang isang sumasa akin: oo, aking niyapakan siya sa aking galit, at aking niyurakan sila sa aking kapusukan; at ang kanilang dugong buhay ay pumilansik sa aking mga suot, at natigmak ang buong suot ko.

Isaias 63:1-3 (TAB)

Ang Dios ay hahatol sa lahat, sa Katwiran

 

"Edom" - mula sa mga Gentil, hindo sa bayan ng Israel, kaya si Maestro  Evangelista ay tinawag din na "taga ibang lupa" - I Mga Hari 8:41-43.

 

"Aking niyapakang magisa ang alilisan ng alak" - ito ang panahon na kung saan haharap mag-isa si Maestro Evangelista laban sa mga relihiyon.

Sapagka't ang kaarawan ng panghihiganti ay nasa aking puso, at ang taon ng aking mga tinubos ay dumating.
At ako'y lumingap, at walang tumulong; at ako'y namangha na walang umalalay: kaya't iniligtas ako ng aking sariling kamay; at ang aking kapusukan, ay umalalay sa akin.
At aking niyapakan ang mga bayan sa aking galit, at nilango ko sila sa aking kapusukan, at ibinubo sa lupa ang kanilang dugong buhay.

Isaias 63:4-6 (TAB)

"ako'y namangha na walang umalalay" - sa simula at sa mga lumipas na mga taon, nag-iisa lamang si Maestro Evangelista sa kanyang misyon.

At siya'y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios.
At ang mga hukbong nasa langit ay sumusunod sa kaniya na mga nakasakay sa mga kabayong puti, at nangararamtan ng mahalagang linong maputi at dalisay.
At sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito'y sugatan niya ang mga bansa: at kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat.

Apokalipsis 19:13-15 (TAB)

"ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios" - Eraño M. Evangelista.

 

"sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas" at "tungkod na bakal" - ito ang kanyang misyon mula sa Dios, ang ihayag ang Salita at ang Pangalan ng Dios sa lahat ng tao sa mundo.

Kayo'y magsipakinig sa akin, Oh mga pulo; at inyong pakinggan, ninyong mga bayan, sa malayo: tinawag ako ng Panginoon mula sa bahay-bata; mula sa bahay-bata ng aking ina ay binanggit niya ang aking pangalan:

Isaiah 49:1(TAB)

Ang Propeta ng Dios ay manggagaling sa mga pulo mula sa malayong lupain. Siya ay tinawag at pinangalanan sa mga pahayag sa Banal na Aklat; "ang Salita ngDios" - Eraño M. Evangelista, ang taong dala ang Salita ng Dios.

At kaniyang ginawa ang aking bibig na parang matalas na tabak; sa lilim ng kaniyang kamay ay ikinubli niya ako: at ginawa niya akong makinang na pana; sa kaniyang lalagyan ng pana ay itinago niya ako:
At sinabi niya sa akin, Ikaw ay aking lingkod; Israel, na siyang aking ikaluluwalhati.

Isaiah 49:2-3 (TAB)

Si Maestro ay inihayag na noon sa Deutoronomio 18:18-19, sa Jeremias 1:4-10 at sa I Mga Hari 8:41-43 sa Banal na Aklat. Binanggit din ni Jesus ang kanyang pagdating sa Apokalipsis 22:16. Ang kanyang misyon ay ang ihayag ang tunay na Pangalan ng Dios sa lahat ng tao sa mundo upang sila'y makatawag sa Pangalan at maligtas kapad dumating ang "Dakila at Kakilakilabot na Kaarawan ng Panginoon."    

 

"Ikaw ay aking lingkod" - naglilingkod sa Dios na dala ang Pangalan.

Nguni't aking sinabi, Ako'y gumawang walang kabuluhan, aking ginugol ang aking lakas sa wala, at sa walang kabuluhan; gayon ma'y tunay na ang kahatulan sa akin ay nasa Panginoon, at ang kagantihan sa akin ay nasa aking Dios.

Isaiah 49:4 (TAB)

Hindi nanghihingi ng kahit anong abuloy o alay kaninoman sa pagganap ni ng kanyang misyon, ang Dios ang magbibigay sa kanya.

At ngayo'y sinasabi ng Panginoon na naganyo sa akin mula sa bahay-bata upang maging kaniyang lingkod, upang dalhin uli ang Jacob sa kaniya, at ang Israel ay mapisan sa kaniya: (sapagka't ako'y marangal sa mga mata ng Panginoon, at ang aking Dios ay naging aking kalakasan;)

Isaiah 49:5 (TAB)

Ang misyon ni Maestro Evangelista ay akayin ang lahat ng tao pabalik sa Dios sa pamamagitan ng paghahayag ng tunay na Salita ng Dios na nasusulat sa Banal na Aklat.

Oo, kaniyang sinasabi, Totoong magaan ang bagay na ikaw ay naging aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ng Jacob, at isauli ang iningatan ng Israel, ikaw ay aking ibibigay na pinakailaw sa mga Gentil upang ikaw ay maging aking kaligtasan hanggang sa wakas ng lupa.

Isaiah 49:6 (TAB)

"pinakailaw sa mga Gentil" - Siya Maestro Evangelista ang gagabay sa lahat upang turuan sa kaunawaan at kaalaman sa Dios, para makatanggap ng kaligtasan ang lahat.

Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Manunubos ng Israel, na kaniyang Banal, doon sa hinahamak ng tao, doon sa kinayayamutan ng bansa, sa lingkod ng mga pinuno, Ang mga hari at ang mga pangulo, ay mangakakakita at magsisibangon, at sila'y magsisisamba; dahil sa Panginoon na tapat, sa Banal ng Israel, na siyang pumili sa iyo.

Isaiah 49:7 (TAB)

"siyang pumili sa iyo" - Si Maestro Evangelista ay pinili mula sa mahigit na anim na bilyong tao sa mundo sa ating kasalukuyang panahon.

 

Kailan gagawin ng Dios ang mga ito?

Ganito ang sabi ng Panginoon, Sa kalugodlugod na panahon ay sinagot kita, at sa araw ng pagliligtas ay tinulungan kita: at aking iningatan ka, at ibibigay kita na pinakatipan sa bayan, upang ibangon ang lupain, upang ipamana sa kanila ang mga sirang mana;
Na nagsasabi sa kanilang nangabibilanggo, Kayo'y magsilabas; sa kanilang nangasa kadiliman, Pakita kayo. Sila'y magsisikain sa mga daan, at ang lahat na luwal na kaitaasan ay magiging kanilang pastulan.

Isaiah 49:8-9 (TAB)

Gaganapin ng Dios ito sa takdang panahon, ang mga pahayag ay ipinakikita na at ang mga tanda nito ay nakikita na rin.

Sila'y hindi mangagugutom, o mangauuhaw man; at hindi man sila mangapapaso ng init, o ng araw man: sapagka't siyang may awa sa kanila ay papatnubay sa kanila, sa makatuwid baga'y sa tabi ng mga bukal ng tubig ay papatnubayan niya sila.
At aking gagawing daan ang lahat ng aking mga bundok, at ang aking mga lansangan ay patataasin.
Narito, ang mga ito'y manggagaling sa malayo; at, narito, ang mga ito ay mula sa hilagaan, at mula sa kalunuran; at ang mga ito ay mula sa lupain ng Sinim.

Isaiah 49:10-12 (TAB)

"mga bukal ng tubig" - Ang Dios ang "mga bukal ng tubig."

Ikaw ay umawit, Oh langit; at magalak, Oh lupa; at kayo'y biglang magsiawit, Oh mga bundok: sapagka't inaliw ng Panginoon ang kaniyang bayan, at mahahabag sa kaniyang nagdadalamhati.
Nguni't sinabi ng Sion, Pinabayaan ako ni Jehova, at nilimot ako ng Panginoon.

Isaiah 49:13-14 (TAB)

Ito ang pangako na ibinibigay ng Dios sa Kanyang bayan. Makakalimutan ba ng Dios ang Kanyang pangako?

Malilimutan ba ng babae ang kaniyang batang pasusuhin; na siya'y hindi mahahabag sa anak ng kaniyang bahay-bata? oo, ito'y makalilimot, nguni't hindi kita kalilimutan.
Narito aking inanyuan ka sa mga palad ng aking mga kamay; ang iyong mga kuta ay laging nangasa harap ko.

Isaias 49:15-16 (TAB)

Ang Dios ay mapapasa Kanyang Bayan magpakailan man, ang mga tao na tatawag sa Kanyang Dakilang Pangalan at susunod sa Kanyang mga Kautusan.

 

Ito ang pagtiwalà ng ibinigay ng Dios sa Kanyang Bagong Bayan, ang Bagong Israel.

At sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito'y sugatan niya ang mga bansa: at kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat.
At siya'y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita, HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON.

Apokalipsis 19:15-16 (TAB)

Ang propeta ng Dios ay mamumuno ng may "tabak na matalas" at "tungkod na bakal."

 

Ano ang ibig sabihin nito?

 

Sino ang taong inihayag ng mga ibang propeta ng Dios na bibigyan ng "tungkod na bakal?"

Bakit ang mga bansa ay nangagugulo, at ang mga bayan ay nangagaakala ng walang kabuluhang bagay?
Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda, at ang mga pinuno ay nagsasanggunian, Laban sa Panginoon at laban sa kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi:
Lagutin natin ang kanilang tali, at ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin.

Awit 2:1-3 (TAB)

Ito ang panahon na lahat ng mga relihiyon ay haharap sa propeta ng Dios sa "Kaarawan" na iyon. Hindi pa nangyari ito. Ano ang gagawin ng Dios sa "Kaarawan" na iyon?

Siyang nauupo sa kalangitan ay tatawa: ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan.
Kung magkagayo'y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot, at babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama ng loob:

Awit 2:4-5 (TAB)

Lilipulin sila ng Dios!

Gayon ma'y inilagay ko ang aking hari sa aking banal na bundok ng Sion.
Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita.
Humingi ka sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana, at ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari.

Awit 2:6-8 (TAB)

"inilagay ko ang aking hari" - Ipinapakita ng Dios sa lahat na pinili Niya si Maestro Evangelista na maging Kanyang propeta sa mga bansa.

 

Ano ang ibinigay kay Maestro Evanglista?

Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal; iyong dudurugin sila na parang isang sisidlan ng magpapalyok.

Awit 2:9 (TAB)

Ibinigay ng Dios ang kapahintulutan kay Maestro Evangelista upang ihayag at ganapin ang Kanyang Salita sa Banal na Aklat sa kasiraan ng mga relihiyon!

 

Ano ang paalala o bilin ng Dios sa lahat tungkol sa Kanyang Propeta?

Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari: mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa.
Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot, at mangagalak na may panginginig.
Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan, sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab. Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.

Awit 2:10-12 (TAB)

"Hagkan ninyo ang anak" - Igalang ang Propeta ng Dios. May pahayag siya na dapat niyang ganapin, at ito ay para sa kabutihan ng lahat, alam niya ang daan pabalik sa Dios at sa punong kahoy ng buhay sa Halamanan ng Eden. 

 

Ano ang ibig sabihin ng "isang pamalong bakal?"

At may lalabas na usbong sa puno ni Isai, at isang sanga mula sa kaniyang mga ugat ay magbubunga:

Isaias 11;1 (TAB)

"isang sanga" - Siya si Maestro Evangelista.

At ang Espiritu ng Panginoon ay sasa kaniya, ang diwa ng karunungan at ng kaunawaan, ang diwa ng payo at ng katibayan, ang diwa ng kaalaman at ng takot sa Panginoon;

Isaias 11;2 (TAB)

"Espiritu ng Panginoon" - Ang Salita ng Dios na inilagay sa kanyang bibig, sa Deuteronomy 18:18-19 at Jeremias 1:4-10.

At ang kaniyang kaluguran ay magiging sa pagkatakot sa Panginoon: at hindi siya hahatol ng ayon sa paningin ng kaniyang mga mata, ni sasaway man ng ayon sa pakinig ng kaniyang mga tainga:

Isaias 41:3 (TAB)

"pagkatakot sa Panginoon" - hahatol siya ng may karunungan at kaunawaan, titiyakin niya na ang lahat ng mga panig ay narinig at magbibigay ng kanyang pasiya sa usapin ayon sa mga Kautusan ng Dios sa Banal na Aklat.

 

Papaano siya hahatol?

Kundi hahatol siya ng katuwiran sa dukha, at sasaway na may karampatan dahil sa mga maamo sa lupa: at sasaktan niya ang lupa ng pamalo ng kaniyang bibig, at ng hinga ng kaniyang mga labi ay kaniyang papatayin ang masama.

Isaias 11:4 (TAB)

"pamalo ng kaniyang bibig" - Siya ay hahatol ayon sa Salita ng Dios na nasusulat sa Banal na Aklat.

 

Tunay ba na walang makakalaban sa dala niyang aral ng Dios?

Magsitahimik kayo sa harap ko, Oh mga pulo; at mangagbagong lakas ang mga bayan: magsilapit sila; saka mangagsalita sila; tayo'y magsilapit na magkakasama sa kahatulan.

Isaias 41:1 (TAB)

"mga pulo" - ito ang lugar ng kahatulan ng Dios. Saang lupain matatagpuan ang mga pulo?

Sinong nagbangon ng isa na mula sa silanganan, na kaniyang tinawag sa katuwiran sa kaniyang paanan? siya'y nagbigay ng mga bansa sa harap niya, at pinagpuno niya siya sa mga hari; kaniyang ibinibigay sila na parang alabok sa kaniyang tabak, na parang pinaspas na dayami sa kaniyang busog.

Isaias 41:2 (TAB)

Mula sa "silanganan" - ang mga pulo sa Silanganan!

 

Isang matapat na tao, na may karunungan at unawa, ang binigyan ng kapahintulutan ng Dios upang ganapin ang mga pahayag.

Kaniyang hinahabol sila, at nagpatuloy na tiwasay, sa makatuwid baga'y sa daan na hindi niya dinaanan ng kaniyang mga paa.
Isa 41:4 Sinong gumawa at yumari, na tumawag ng mga sali't saling lahi mula ng una? Akong Panginoon, ang una, at kasama ng huli, ako nga,

Isaias 41:3-4 (TAB)

Si Maestro Evangelista lamang ang nakaphayag ng tunay na mga kahulagan ng Salita ng Dios, mula sa Aklat ng Genesis hanggang sa Aklat ng Apoklipsis sa Banal na Aklat.

Nakita ng mga pulo, at nangatakot; ang mga wakas ng lupa ay nagsipanginig: sila'y nagsilapit, at nagsiparito.
Sila'y tumutulong bawa't isa sa kaniyang kapuwa; at bawa't isa'y nagsasabi sa kaniyang kapatid, Ikaw ay magpakatapang.
Sa gayo'y pinalalakas ang loob ng anluwagi ang panday-ginto, at ng pumapatag ng pamukpok ang pumupukpok ng palihan, na sinasabi tungkol sa paghinang, Mabuti, at kaniyang inilalapat ng mga pako, upang huwag makilos.
Nguni't ikaw, Israel, lingkod ko, Jacob na siyang aking pinili, na binhi ni Abraham na aking kaibigan;
Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil;

Isaias 41:5-9 (TAB)

Si Maestro Evangelista ang huling Sugo ng Dios. Ano ang pangako na ibinigay sa kanya ng Dios?

Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

Isaias 41:10 (TAB)

Ang Dios ay sumasakanya.


Ano ang mangyayari sa mga lalaban sa kanya sa pag ganap niya ng mga pahayag?

Narito, silang lahat na nangagagalit sa iyo ay mangapapahiya at mangalilito: silang nangakikipaglaban sa iyo ay papanaw at mangapapahamak.
Iyong hahanapin sila, at hindi mo mangasusumpungan, sa makatuwid baga'y silang nangakikipaglaban sa iyo: silang nakikipagdigma laban sa iyo ay papanaw, at gaya ng bagay ng wala.

Isaias 41:11-12 (TAB)

Walang sinoman ang makakatayo at mananaig sa kanya at sa kanyang pahayag na dala tungkol sa Salita ng Dios. At madalas, ang mga lalaban sa kanya ay umaanib sa panig ng Dios kapag nakita ang katotohanan.

Sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay hahawak ng iyong kanang kamay, na magsasabi sa iyo, Huwag kang matakot; aking tutulungan ka.
Isa 41:14 Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at kayong mga tao ng Israel; aking tutulungan ka, sabi ng Panginoon, at ang iyong Manunubos ay ang Banal ng Israel.

Isaias 41:13-14 (TAB)

"uod na Jacob" - siya ay minamaliit ng mga relihiyon at mga iba.

 

Sa panahon na haharap si Maestro Evangelista sa mga relihiyon, papaano siya tutulungan ng Dios?

Narito, aking ginawa kang bagong kasangkapang panggiik na matalas na may mga ngipin; iyong gigiikin ang mga bundok, at didikdiking durog, at iyong gagawin ang mga burol na parang ipa.
Isa 41:16 Iyong pahahanginan, at tatangayin ng hangin, at pangangalatin ng ipoipo: at ikaw ay magagalak sa Panginoon, ikaw ay luwalhati sa Banal ng Israel.

Isaias 41:15-16 (TAB)

Tutulungan siya ng Dios na lipulin ang mga relihiyon, sa pamamagitan ng Salita ng Dios sa Banal na Aklat!

 

Ano ang sasabihin ng Dios tungkol sa Kanyang propeta?

Narito, ang aking lingkod, na aking inaalalayan; ang aking hinirang, na kinalulugdan ng aking kaluluwa; isinakaniya ko ang aking Espiritu; siya'y maglalapat ng kahatulan sa mga bansa.

Isaias 42:1 (TAB)

"ang aking lingkod" - ang propetang sinugo na dala ang Salita ng Dios!

 

"isinakaniya ko ang aking Espiritu" - gaya ng inihayag sa Deuteronomio18:18-19 at sa Jeremias 1:4-10.

Siya'y hindi hihiyaw, o maglalakas man ng tinig, o iparirinig man ang kaniyang tinig sa lansangan.
Ang gapok na tambo ay hindi niya babaliin, ni ang timsim na umuusok ay hindi niya papatayin: siya'y maglalapat ng kahatulan sa katotohanan.

Isaias 42:2-3 (TAB)

Hindi sisirain o babaguhin ni Maestro Evangelista ang mga aral at ang mga Kautusan ng Dios.

 

Saan siya manggagaling?

Siya'y hindi manglulupaypay o maduduwag man, hanggang sa maitatag niya ang kahatulan sa lupa; at ang mga pulo ay maghihintay sa kaniyang kautusan.

Isaias 42:4 (TAB)

"mga pulo" - nababanggit muli, sa Pilipinas kung saan ibibigay ang Pangalan at ang mga Kautusan ng Dios para sa lahat ng tao sa mundo! 

Ganito ang sabi ng Dios na Panginoon, na lumikha ng langit, at nagladlad ng mga yaon; siyang naglatag ng lupa at ng nagsisilitaw rito; siyang nagbibigay ng hinga sa bayang nito, at ng diwa sa kanila na nagsisilakad dito:
Ako, ang Panginoon, ay tumawag sa iyo sa katuwiran, at hahawak ng iyong kamay, at magiingat sa iyo, at ibibigay kita na pinakatipan sa bayan, na pinakaliwanag sa mga bansa;

Isaias 42:5-6 (TAB)

Si Moises ay sinugo noon upang dalhin ang kanyang bayan pabalik sa Dios; nguni't sa ting panahon, si Maestro Evangelista ay sinugo upang akayin ang lahat ng tao makilala ng wagas ang  Dios at magkaroon ng kapayapaan magpakailan man.

 

Ano ang misyon ni Maestro Evangelista?

Upang magdilat ng mga bulag na mata, upang maglabas ng mga bilanggo sa bilangguan, at nilang nangauupo sa kadiliman mula sa bilangguan.
Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.

Isaias 42:7-8 (TAB)

Upang ipakilala ang Nagiisang Tunay na Dios sa lahat ng tao!

Narito, ang mga dating bagay ay nangyayari na, at ang mga bagong bagay ay ipinahahayag ko: bago mangalitaw ay sinasaysay ko sa inyo.

Isaias 42:9 (TAB)

Ang Dios ay nagbibigay ng panibagong pahayag:

Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit, at ng kapurihan niya na mula sa wakas ng lupa; kayong nagsisibaba sa dagat, at ang buong nariyan, ang mga pulo, at mga nananahan doon,

Isaias 42:10 (TAB)

Alam ba ni Jesus ang tungkol sa mga pahayag na ito?

At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor.

Juan 10:16 (TAB)

"ibang mga tupa" - sino sila? Bagaman ang lugar ay hindi binanggit, sino ang magiging pastol nila?

Sila'y magsisiparitong may iyakan, at may mga pamanhik na aking papatnubayan sila; akin silang palalakarin sa tabi ng mga ilog ng tubig, sa matuwid na daan na hindi nila katitisuran; sapagka't ako'y pinakaama sa Israel, at ang Ephraim ang aking panganay.

Jeremias 31:9 (TAB)

"ako'y pinakaama sa Israel" - Ang Pangalan na ibinigay kay Jacob, pinili ng Dios upang maging Kanyang bayan.

Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh ninyong mga bansa, at inyong ipahayag sa mga pulo sa malayo; at inyong sabihin, Ang nagpangalat sa Israel, siyang magpipisan sa kaniya, at magiingat sa kaniya, gaya ng ginagawa ng pastor sa kaniyang kawan.

Jeremias 31:10 (TAB)

"sa mga pulo sa malayo" - sa mga malayong pulo na inihayag ng mga propeta ng Dios, hindi sa Gitnang Silangan na puro disyerto.

 

"gaya ng ginagawa ng pastor" - hindi na ito si Jesus.

 

Sino si "Ephraim?" Sino ang unang kinilala noon ng Dios na maging panganay Niya?

At iyong sasabihin kay Faraon, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang Israel ay aking anak, aking panganay:

Exodo 4:22 (TAB)

Ang Israel, ang Kanyang piniling bayan, na inilabas ni Moses mula sa Egipto.

 

Bumalik tayo sa:

Sila'y magsisiparitong may iyakan, at may mga pamanhik na aking papatnubayan sila; akin silang palalakarin sa tabi ng mga ilog ng tubig, sa matuwid na daan na hindi nila katitisuran; sapagka't ako'y pinakaama sa Israel, at ang Ephraim ang aking panganay.
Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh ninyong mga bansa, at inyong ipahayag sa mga pulo sa malayo; at inyong sabihin, Ang nagpangalat sa Israel, siyang magpipisan sa kaniya, at magiingat sa kaniya, gaya ng ginagawa ng pastor sa kaniyang kawan.

Jeremias 31:9-10 (TAB)

Ngayon, sa pagkakataong ito, ang Dios ang nagsasabi na si Ephraim ang Kanyang panganay na anak. At sila ay manggagaling sa "mga pulo." Sino ba si Ephraim noon?

At ang iyo ngang dalawang anak na ipinanganak sa iyo sa lupain ng Egipto bago ako naparito sa iyo sa Egipto, ay akin; si Ephraim at si Manases, gaya ni Ruben at ni Simeon ay magiging akin.
At ang iyong mga anak, na iyong mga naging anak na sumunod sa kanila ay magiging iyo; sila'y tatawagin ayon sa pangalan ng kanilang mga kapatid sa kanilang mana.
At tungkol sa akin, nang ako'y dumating mula sa Padan, si Raquel ay namatay sa akin sa lupain ng Canaan sa daan, nang kulang pa ng kaunti upang dumating sa Ephrata: at aking inilibing siya roon sa daan ng Ephrata (na siya ring Bethlehem).
At nakita ni Israel ang mga anak ni Jose, at sinabi, Sino sino ito?
At sinabi ni Jose sa kaniyang ama, Sila'y aking mga anak, na silang mga ibinigay ng Dios sa akin dito. At kaniyang sinabi, Isinasamo ko sa iyo, na iyong dalhin sila rito sa akin, at sila'y aking babasbasan.
Ang mga mata nga ni Israel ay malabo na dahil sa katandaan, na ano pa't hindi na siya makakita. At kaniyang inilapit sila sa kaniya; at sila'y kaniyang hinagkan, at niyakap.
At sinabi ni Israel kay Jose, Hindi ko akalaing makita ang iyong mukha: at, narito, ipinakita sa akin ng Dios pati ng iyong binhi.
At sila'y pinagkuha ni Jose sa pagitan ng kaniyang mga tuhod; at siya'y nagpatirapa sa lupa.
At kapuwa dinala ni Jose, si Ephraim sa kaniyang kanang kamay, sa dakong kaliwang kamay ni Israel, at si Manases sa kaniyang kaliwang kamay, sa dakong kanang kamay ni Israel, at inilapit niya sa kaniya.
At iniunat ni Israel ang kaniyang kanang kamay, at ipinatong sa ulo ni Ephraim, na siyang bunso, at ang kaniyang kaliwang kamay ay sa ulo ni Manases, na pinapatnubayang sadya ang kaniyang mga kamay; sapagka't si Manases ang panganay.
At kaniyang binasbasan si Jose, at sinabi, Ang Dios na sa harap niya ay lumakad ang aking mga magulang na si Abraham at si Isaac, ang Dios na nagpakain sa akin sa buong buhay ko hanggang sa araw na ito,
Ang anghel na tumubos sa akin sa buong kasamaan, ay siya nawang magpala sa mga batang ito; at tawagin nawa sila sa aking pangalan, at sa pangalan ng aking mga magulang na si Abraham at si Isaac; at magsidami nawa silang totoo sa ibabaw ng lupa.

Genesis 48:5-16 (TAB)

Si Jacob (tinawag na Israel) ang nagsabi ng ang dalawang anak ni Jose ay ibinigay sa kanya bilang mga anak na rin niya; si Manases ang panganay at si Ephraim ang pinakabata.

At nang makita ni Jose na ipinatong ng kaniyang ama ang kaniyang kanang kamay sa ulo ni Ephraim, ay minasama niya; at itinaas niya ang kamay ng kaniyang ama, upang ilipat sa ulo ni Manases mula sa ulo ni Ephraim.
At sinabi ni Jose sa kaniyang ama, Hindi ganyan, ama ko: sapagka't ito ang panganay; ipatong mo ang iyong kanang kamay sa kaniyang ulo.
At tumanggi ang kaniyang ama, at sinabi, Talastas ko, anak ko, talastas ko; siya man ay magiging isang bayan, at siya man ay magiging dakila: gayon ma'y ang kaniyang kapatid na bata ay magiging lalong dakila kay sa kaniya, at ang kaniyang binhi ay magiging isang makapal na bansa.

Genesis 48:17-19 (TAB)

Si Ephraim ay binasbasan ni Jose na maging panguna, hindi si Manasas. Sa kabila ng pagtutol ni Jose, si Ephraim ay binasbasan at binigyan ng pangako na "ang kaniyang binhi ay magiging isang makapal na bansa."

 

Papaano tinawag si Jacob sa Pangalan?

At sinabi niya sa kaniya, Ano ang pangalan mo? At kaniyang sinabi, Jacob.
At sinabi niya, Hindi na tatawaging Jacob ang iyong pangalan, kundi Israel; sapagka't ikaw ay nakipagpunyagi sa Dios at sa mga tao, at ikaw ay nanaig.

Genesis 32:27-28 (TAB)

Nanaig siya sa lalake ng Dios. Bakit siya binigyan ng Pangalan? 

At ang Dios ay napakita uli kay Jacob, nang siya'y manggaling sa Padan-aram, at siya'y pinagpala.
At sinabi sa kaniya ng Dios, Ang pangalan mo'y Jacob; ang pangalan mo'y hindi na tatawagin pang Jacob kundi Israel ang itatawag sa iyo: at tinawag ang kaniyang pangalan na Israel.
At sinabi sa kaniya ng Dios, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat; ikaw ay lumago at dumami ka; isang bansa at isang kapisanan ng mga bansa ang magmumula sa iyo, at mga hari ay lalabas sa iyong balakang;

Genesis 35:9-11 (TAB)

"isang bansa at isang kapisanan ng mga bansa ang magmumula sa iyo" - ang pangako na ibinigay ng Dios kay Jacob.

Sila'y magsisiparitong may iyakan, at may mga pamanhik na aking papatnubayan sila; akin silang palalakarin sa tabi ng mga ilog ng tubig, sa matuwid na daan na hindi nila katitisuran; sapagka't ako'y pinakaama sa Israel, at ang Ephraim ang aking panganay.
Jer 31:10 Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh ninyong mga bansa, at inyong ipahayag sa mga pulo sa malayo; at inyong sabihin, Ang nagpangalat sa Israel, siyang magpipisan sa kaniya, at magiingat sa kaniya, gaya ng ginagawa ng pastor sa kaniyang kawan.
Jer 31:11 Sapagka't tinubos ng Panginoon ang Jacob, at tinubos niya siya sa kamay ng lalong malakas kay sa kaniya.

Jeremias 31:9-11 (TAB)

Malinaw na ngayon, si Maestro at ang kanyang mga kasama, at ang bagong bayan ng Dios (ang mga tatawag sa pangalan ng Dios) ay magwawagi sa "Kaarawan" na iyon!

 

"Oh ninyong mga bansa" - ang mga Gentil, o ang buong mundo.

"ng lalong malakas kay sa kaniya" - ang mga relihiyon.

 

"Israel" - ang Jacob na tinawag sa Pangalan.

 

"Ephraim" - Ang kanyang mga anak ay ang mga Gentil.

 

Papaano na mangyayari na ang mga lipi ng Ephraim (mga Gentil) ay tatawagin mga Israelita, ang bagong bayan ng Dios?

Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi:
At ikaw, anak ng tao, kumuha ka ng isang tungkod, at sulatan mo sa ibabaw, Sa Juda at sa mga anak ni Israel na kaniyang mga kasama: saka kumuha ka ng ibang tungkod, at iyong sulatan: Sa Jose, na siyang tungkod ng Ephraim, at sa buong sangbahayan ni Israel na kaniyang mga kasama:
At iyong papagugnayugnayin sa ganang iyo na maging isang tungkod, upang maging isa sa iyong kamay.
At pagka ang mga anak ng iyong bayan ay mangagsasalita sa iyo, na mangagsasabi, Hindi mo baga ipakikilala sa amin kung ano ang kahulugan ng mga ito?
Sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking kukunin ang tungkod ng Jose, na nasa kamay ng Ephraim, at ang mga lipi ng Israel na kaniyang mga kasama: at akin silang isasama roon, sa tungkod ng Juda, at gagawin ko silang isang tungkod, at sila'y magiging isa sa aking kamay.
At ang tungkod na iyong sinusulatan ay hahawakan mo sa harap ng kanilang mga mata.
At sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking kukunin ang mga anak ni Israel mula sa gitna ng mga bansa, na kanilang pinaroonan, at pipisanin ko sila sa lahat ng dako, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain:
At gagawin ko silang isang bansa sa lupain, sa mga bundok ng Israel; at isang hari ang magiging hari sa kanilang lahat; at hindi na sila magiging dalawang bansa, o mahahati pa man sila sa dalawang kaharian;
At hindi na naman mapapahamak pa sila ng dahil sa kanilang mga diosdiosan, o sa kanila mang mga kasuklamsuklam na bagay, o sa anoman sa kanilang mga pagsalangsang; kundi aking ililigtas sila mula sa lahat nilang tahanang dako, na kanilang pinagkasalanan, at lilinisin ko sila: sa gayo'y magiging bayan ko sila, at ako'y magiging kanilang Dios.

Ezekiel 37:15-23 (TAB)

"Juda" - Ang anak ni Jacob (na tinawag na Israel).

 

Ang mga matatandang angkan ng Israel at ang mga Gentil (Ephraim) ay mapapasama sa Bagong Bayan ng Israel.

 

"na kaniyang mga kasama" - si Maestro Evsngelista at ang kanyang mga kasama.

 

Ito ang pagkakisa ng lahat ng mga tao sa mundo, walang pangi-ngilala sa kulay ng balat at katayuan sa buhay sa "Kaarawan" na iyon! Kapayapaan sa ating panahon!

 

Bumalik sa Itaas.

 

Magpatuloy sa: Ang Pagpapala at Ang Sumpa

 


Ang pahinang ito ay huling inayos noong: Wednesday May 28, 2014

 


Home | About | News | Sitemap | Email

Please go to www.facebook.com/Thenameph for more information.
Copyright © 2011 www.thename.ph


The Revelation of the Foreigner as mentioned by King Solomon in:

“As for the foreigner who does not belong to your people Israel but has come from a distant land because of your name— for they will hear of your great name and your mighty hand and your outstretched arm—when he comes and pray toward this temple, then hear from heaven, your dwelling place. Do whatever the foreigner asks of you, so that all the peoples of the earth may know your name and fear you, as do your own people Israel, and may know that this house I have built bears your Name."

I Kings 8:41-43 (NIV)

 


 

Maestro Eraño M. Evangelista was only sent to deliver God's Message to all people; he is not starting a new religion, nor asking for any kind of donation. Please find time to read the messages completely.

 


 

View the visitors from around the world:

 Click on the Revolving Map to view it entirely.

Since May 13, 2011

If for some reason that you cannot see the map in the link page, simply download the latest Java plug-in for your browser. Click here to install the latest version of Java.


Geo Visitors Map


 

Read the prophecies in your own language by linking to the BibleGateway.com website:

(Right click on the image and select "Open link in new window.")


 


Home | About | News | Sitemap | Email

Copyright © 2022    www.thename.ph