Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Ang
Binhi ni David
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
KUNDI IBIBIGAY KO ANG ISANG LIPI
Inihayag noong ika-22 ng Agosto 2005
Ngayong napag-alaman na natin na hindi
si Jesus ang naunang tinawag upang ganapin ang pahayag. Sa pagkabigo ni Salomon, si
Jesus ang tinawag upang ipagpatuloy at ganapin ang misyon na ipakita ang
Pangalan ng Dios sa kanyang bayan.
At malalaman natin kung ginanap ni Jesus ang kanyang tungkulin o hindi
Upang ating matukoy ang pagkakilanlan ng taong ipinangako (na manggagaling sa
sangbahayan ni David, “ang isang lipi” – I Mga Hari 11:13) na magpapatuloy sa
tungkulin na maipakilala sa tao ang Pangalan ng Dios.
Bakit "alang-alang sa Jerusalem?" Bakit pinili ng Dios ang Jerusalem?
At siya'y naglagay ng larawang inanyuan na Asera, na kaniyang ginawa, sa bahay
na pinagsabihan ng Panginoon kay David, at kay Salomon na kaniyang anak, Sa
bahay na ito, at sa Jerusalem, na aking pinili sa lahat na lipi ng Israel, aking
ilalagay ang aking pangalan magpakailan man.
II
Mga Hari21:7 (TAB)
Ito ang Pangako ng Dios, ilalagay Niya ang Kanyang Pangalan sa Jerusalem lamang.
Ating unang unawain ang paraan kung papaano
makikilala ng bayan nila ang mga
propeta ng Dios, paano sila madaling makilala? Ang sabi ni Maestro Evangelista, sa
kahulugan ng mga pangalan
ng mga propeta malalaman ang tungkulin nila. Tingnan si Moses, papaano siya pinangalanan?
At ang bata ay lumaki, at kaniyang dinala sa anak ni Faraon, at siya'y kaniyang
inaring anak. At kaniyang pinanganlang Moises, at sinabi, Sapagka't aking
sinagip siya sa tubig.
Exodo 2:10 (TAB)
Ito ang ibinigay na pangalan sa kanya, at ano ang misyon niya mula sa Dios?
At kaniyang sinabi, Tunay na ako'y sasaiyo; at ito'y magiging tanda sa iyo, na
ikaw ay aking sinugo: pagka iyong nailabas na sa Egipto ang bayan ay
maglilingkod kayo sa Dios sa bundok na ito.
Exodo 3:12 (TAB)
Ito ang tungkulin at tanda ni Moses mula sa Dios. Ang ilabas ang kanyang bayan na
katulad ng kahulugan ng kanyang pangalang Moses – sapagka’t siya ay sinagip din
mula sa tubig.
Dahil nga nailabas niya ang kanyang bayan mula sa Egipto sa pamamagitan ng
pagtawid sa tubig ng Dagat na Mapula, na hinawi ng Dios; nagampanan niya ang
misyon o ang “tanda” na nasa kanyang pangalan.
At kung hindi rin naman hinawi ang tubig sa dagat,
hindi niya naitawid ang bayan niya at hindi siya magiging si "Moses" na sinugo
ng Dios.
Ngayon, hinggil sa tao na darating na manggagaling sa
"sangbahayan ni David," ano
ang tanda niya upang makilala siya ng kanyang bayan?
At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon, Oh sangbahayan ni David; maliit na
bagay ba sa inyo ang mamagod sa mga tao na inyong papagurin rin ang aking Dios?
Isaias 7:13 (TAB)
At sa wakas ay binigyan sila ng tanda ng Dios, ito ang
pahayag na ibinigay sa
"sangbahayan ni David."
Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay
maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na
Emmanuel.
Siya'y kakain ng mantekilla at pulot, pagka siya'y natutong tumanggi sa
kasamaan, at pumili ng mabuti.
Isaias 7:14-15 (TAB)
Dahil kahit sino ay maaaring magpanggap na "anak" ni David
sa mga panahong yaon. Nguni't nagbigay ng tanda ang Dios na ang taong ito ay "ipapanganak" ng isang dalaga
sa kanilang kapanahunan.
Mula noon, hinintay ng bayan ang pagdating ng taong
ito na magmumula sa "sangbahayan ni David" upang ipagpatuloy ang
tungkulin na hindi nagampanan ni Salomon.
"isang
dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake"
- Ano ang kahalagahan ng tanda na ito sa kapanahunan nila? Dahil sa panahon natin sa kasalukuyan, marami na ang mga
nagbubuntis at nanganganak sa pagkadalaga. Ganoon rin ba sa kapanahunan nila?
Nagkamali ng pag-unawa ang mga relihiyon at naging isa sa kanilang pangunahing
aral; ang paniniwala sa “virgin birth.” Upang maalis ang kahit na anong maling
pag-aakala tungkol sa tanda na ibinigay ng Dios, ating itanong kung madali sa
isang dalaga ang magbuntis at manganak ng isang bata sa panahon ng Lumang Tipan;
Ano ang “kautusan” hinggil dito?
Nguni't kung ang bagay na ito ay totoo na ang mga tanda ng pagka donselya ay
hindi masumpungan sa dalaga;
Ay kanila ngang ilalabas ang dalaga sa pintuan ng bahay ng kaniyang ama, at
babatuhin siya ng mga bato, ng mga lalake sa kaniyang bayan upang siya'y
mamatay: sapagka't nagkasala siya ng kaululan sa Israel, na nagpatutot sa bahay
ng kaniyang ama: gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo.
Deuteronomio 22:20 (TAB)
Ano rin ang mangyayari sa lalaking "sisiping" sa isang dalaga?
Ay inyo ngang ilalabas kapuwa sila sa pintuan ng bayang yaon, at inyong
babatuhin sila ng mga bato upang sila'y mamatay; ang babae, sapagka't di siya
sumigaw, ay nasa bayan; at ang lalake, sapagka't pinangayupapa ang asawa ng
kaniyang kapuwa: gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo.
Deuteronomio 22:24 (TAB)
At kung iisipin sa higpit ng pagpapatupad ng
batas sa kanilang panahon, ito ang magiging tanda ng anak na lalake ng dalaga,
"ang
ipanganak sa pagkadalaga" ay isang kakaibang katangian sa kanilang panahon.
Sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng mga
batas noon, nakaligtas ang dalaga sa kaparusahan sa tulong ng Dios.
Sino ang dalagang ito, sino ang kinaganapan ng pahayag ni Isaias?
Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay
magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang-tao sa
pamamagitan ng Espiritu Santo.
Mateo 1:18 (TAB)
Ang dalaga ay si Maria, at siya ay nakatakdang ikasal kay Jose, at
bago pa sila
ikasal siya ay nabuntis, ibig sabihin sumiping sa kanya si Jose bago pa sila
ikasal; ngayon ang mga relihiyon ay itinuturo na siya ay nabuntis ng
Espiritu Santo, nguni’t ating basahin ang kahulugan ng Espiritu Santo sa Banal na
Aklat?
Ang Kahulugan ng Espiritu Santo
Mga kapatid, kinakailangang matupad ang kasulatan, na nang una ay sinalita ng
Espiritu Santo, sa pamamagitan ng bibig ni David tungkol kay Judas, na siyang
pumatnugot sa nagsihuli kay Jesus.
Mga Gawa 1:16 (TAB)
Nakasulat na ang Espiritu Santo ay nagsalita sa pamamagitan ng bibig ni David
at mababasa rin natin sa:
Na sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sa pamamagitan ng bibig ng aming amang si
David, na iyong lingkod, ay sinabi mo, Bakit nangagalit ang mga Gentil, At
nagsipaghaka ang mga tao ng mga bagay na walang kabuluhan?
Mga Gawa 4:25 (TAB)
Ano ang Espiritu Santo na nagsalita sa pamamagitan ng
bibig ni David, ating basahin sa:
Ito nga ang mga huling salita ni David. Sinabi ni David na anak ni Isai, At
sinabi ng lalake na pinapangibabaw, Na pinahiran ng langis ng Dios ni Jacob, At
kalugodlugod na mangaawit sa Israel:
Ang Espiritu ng Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ko, At ang kaniyang salita
ay suma aking dila.
II Samuel 23:1 -2 (TAB)
Ang Espiritu Santo na nagsalita sa pamamagitan ng bibig ni David ay ang
"Salita" ng Dios o Kautusan na ibibinibigay rin sa mga propeta.
"Espiritu" - ibig sabihin
“Salita” na hindi nakikita.
“Banal” - dahil galing
sa Dios,
At:
At kaniyang sinabi, Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na nagsalita ng
kaniyang bibig kay David na aking ama, at tinupad ng kaniyang kamay, na
sinasabi,
1 Mga Hari 8:15 (TAB)
At isa pa:
Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; at huwag mong bawiin ang iyong santong
Espiritu sa akin.
Awit 51:11 (TAB)
Ang kahulugan ng "Espiritu Santo" ay ang "Salita ng Dios,"
at hindi ang ikatlong persona ng trinity ayon sa pagaakala ng mga relihiyon.
Ang "trinity" ay isang maling aral, wala nang pag-uusapan dito.
Sa ating panahon lamang nalaman ang tunay na kahulugan ng Espiritu Santo at nasagot na ang mga sinasabi ng mga relihiyon ukol sa “tatlong persona ng dios” o
ang tinatawag na "trinity" ay hindi totoo.
Ang Espiritu Santo na nagsalita sa pamamagitan ng bibig ni David ay
Salita ng Dios o Kautusan na ibibinibigay sa mga propeta. Kaya pag ating sasabihin na
Espiritu Santo ay Salita ng Dios. At kung ano ang
sinabi ng Dios sa pamamagitan ng mga propeta ay magaganap.
Basahin natin ang tungkol sa kahulugan ng "espiritu" sa Banal na Aklat:
Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.
At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng
kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.
At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag.
Genesis 1:1-3 (TAB)
Ano ang kahulugan ng “Espiritu ng Dios” na nasa ibabaw ng tubig?
Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan:
inyong sambahin ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan.
Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig: ang Dios ng kaluwalhatian ay
kumukulog, sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng maraming tubig.
Awit 29:2-3 (TAB)
“Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig”
- malinaw na ang ang Tinig o ang "Salita ng Dios" ang narinig at hindi ang Dios
mismo, na iba sa akala ng mga relihiyon; na Dios daw ang nasa ibabaw ng tubig.
Totoo ba ito?
Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit; at lahat ng
natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig.
Awit 33:6 (TAB)
At basahin ulit sa:
Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.
At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng
kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.
At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag.
Genesis 1:1-3 (TAB)
Bago lumikha ang Dios ng mga bagay, gagawa siya ng utos
sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Kung may nais
sabihin ang Dios sa Kanyang bayan, ipinaaalam niya ang mga ito sa pamamagitan ng
Kanyang mga propeta.
Kaya ng sabihin sa:
Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay
magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang-tao sa
pamamagitan ng Espiritu Santo.
Mateo 1:18 (TAB)
Iyan ang pahayag na naganap ayon sa inihayag ni Propeta Isaias.
Ituloy natin:
At si Jose na kaniyang asawa, palibhasa'y lalaking matuwid, at ayaw na ihayag sa
madla ang kaniyang kapurihan, ay nagpasiyang hiwalayan siya ng lihim.
Mateo 1:19 (TAB)
Nang nalaman ni Jose na nagbuntis si Maria bago
pa man sila makasal, alam niya na sila ay paparusahan at papatayin ayon sa
kautusan kapag sila ay natuklasan. Iniisip na niya na tumakas, iwanan ang
babae at iligtas ang sarili niyang buhay.
Datapuwa't samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng
Panginoon ay napakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David,
huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ang
kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo.
Mateo 1:20 (TAB)
Bagaman nalagay ang buhay nila sa bingit ng kamatayan, si Jose ay
pinaalaalahanan ng anghel ng Dios hinggil sa hinula sa Isaias 7:12-15 – na may
isang dalaga na magbubuntis at manganganak ng isang lalake at maliligtas at
hindi mapaparusahan – ito ang nilalaman ng "Espiritu Santo" o "Salita ng Dios" o ng pahayag na iyon. Dahil ang Dios ang nagbigay ng pahayag, ang Dios din ang
magliligtas sa kanila.
Ito ang patunay na si Jose ang nakabuntis kay Maria at hindi ang "Espiritu
Santo."
Ano ang misyon ng "anak" ni Jose at Maria?
At siya'y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y
JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan.
Mateo 1:21 (TAB)
Ang ipinangalan ay Jesus, siya ang inutusan sa panahon nila upang ipagpatuloy
ang nabigong misyon ni Salomon, dahil si Jesus ay nagmula rin sa lahi ni David.
Ito ang kanyang misyon: ang iligtas ang kanyang bayang Israel sa kanilang
kasalanan, hindi ang mga Kristiyano o sino pa man. Ang kanyang bayan lamang.
At:
At nangyari nga ang lahat ng ito, upang maganap ang sinalita ng Panginoon sa
pamamagitan ng propeta, na nagsasabi,
Narito, ang dalaga'y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, At ang
pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa
atin ang Dios.
At nagbangon si Jose sa kaniyang pagkakatulog, at ginawa niya ang ayon sa
ipinagutos sa kaniya ng anghel ng Panginoon, at tinanggap ang kaniyang asawa;
Mateo 1:22 -24 (TAB)
"sumasa atin ang Dios" - ibig sabihin, kilala na ang Dios. Ito ang tanda ni
Jesus, kapag nagampanan niya ang kanyang misyon na makilala ng bayan
niya ang Pangalan ng Dios, kikilalanin siyang "Emmanuel."
Totoo ba na si Jesus ay anak o "supling" ni David? At totoo din ba nang
ipinanganak si Jesus ay hindi pa kasal ang mga magulang niya?
Sa isang dalagang magaasawa sa isang lalake, na ang kaniyang ngala'y Jose, sa
angkan ni David; at Maria ang pangalan ng dalaga.
Lucas 1:27 (TAB)
Ang ama ni Jesus ay si Jose na nabibilang sa sangbahayan ni David. Kaya kung
ating paniniwalaan ang aral ng mga relihiyon na si Jesus ay “anak ng Dios,” si
Maria ang dapat na nabibilang sa sangbahayan ni David. At…
At narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at
tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS.
Lucas 1:31 (TAB)
Sino ang tunay na "ama" ni Jesus?
Siya'y magiging dakila, at tatawaging Anak ng Kataastaasan: at sa kaniya'y
ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama:
Lucas 1:32 (TAB)
Gaya ng nabasa ninyo, si Jesus ay anak lamang ni David, hindi tunay
na “anak ng Dios”… isa lamang siyang tao.
Totoo rin ba na si Maria ay buntis na bago siya ikasal kay Jose?
At si Jose naman ay umahon mula sa Galilea, mula sa bayan ng Nazaret, hanggang
sa Judea, sa bayan ni David, na kung tawagi'y Bet-lehem, sapagka't siya'y sa
angkan at sa lahi ni David;
Upang patala siya pati ni Maria, na magaasawa sa kaniya, na kasalukuyang
kagampan.
Lucas 2:4-5 (TAB)
Ang kasaysayan ni Jesus na itinuro sa atin ng mga relihiyon ay hindi totoo,
magmula sa panahon ng pagkahayag at sa panahon ng kanyang kapanganakan. Malinaw
na si Jesus ay anak ni Jose, na mula sa "lahi" ni David; ipinanganak ng isang
dalaga, ibig sabihin, ng hindi kasal. Ito ang tanda ng inutusan (Messiah) na
magpapatuloy ng tungkulin ni Salomon na ipinangako ng Dios sa I Mga Hari 11:13;
na siya ang pinakahuli na magmumula sa kanyang bayang Israel; na ipakita sa
kanila ang bahay na itinayo ni Salomon, ang bahay na may Pangalan ng Dios.
At sang-ayon sa pahayag sa II Samuel 7:12-14 na kung ang "anak" ni David ay makagawa
ng “kasamaan,” siya ay paparusahan ng panghampas ng tao, ang sabi ni Maestro
Evangelista, si Jesus ay pinarusahan ng tao, ano ang katunayan?
At sumagot ang buong bayan at nagsabi, Mapasa amin ang kaniyang dugo, at sa
aming mga anak.
Nang magkagayo'y pinawalan niya sa kanila si Barrabas; nguni't si Jesus ay
hinampas at ibinigay upang ipako sa krus.
Mateo 27:25-26 (TAB)
Siya ay pinarusahan ng tao, ano ang nagawa niyang
"kasamaan?"
Nagsisagot sa kaniya ang mga Judio, Kami'y mayroong isang kautusan, at ayon sa
kautusang yaon ay nararapat siyang mamatay, sapagka't siya'y nagpapanggap na
Anak ng Dios.
Juan 19:7 (TAB)
Sa huling dalawang libong taon, tinuruan tayo ng mga relihiyon ng doktrina na si
Jesus ay namatay para sa ating mga kasalanan. Ang mga Hudyo sa kanyang panahon
ang mas nakakakilala kung sino siya, higit sa mga relihiyon na sumunod lang sa
kanila. Sino ang paniniwalan ninyo?
Ano ang mga pangyayari na ipalagay ni Jesus ang kanyang sarili na siya ay “anak
ng Dios?” Ito ba ay sariling hangad ni Jesus o may nag-udyok ba sa kanya upang
magpanggap?
Bumalik sa Itaas.
Magpatuloy sa:
Ang Dakilang Mapagpanggap
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Monday November 23, 2015
|