Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Ikalimang Bahagi: Iba pang mga
Pahayag
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
ANG QUERUBIN SA HALAMANAN SA EDEN
Ang Pastor ng Dios –
Sino siya?
Ito ang Pahayag sa
Kerubin na nagbabantay sa daan patungo sa “Punongkahoy ng Buhay” sa Halaman ng
Eden.
Alamin natin ang
dahilan ng galit ng Dios, na ang hindi tumawag sa Pangalan ng Dios ay nasumpa o
hindi:
Oh Dios, ang
mga bansa ay dumating sa iyong mana; ang iyong banal na templo ay kanilang
nilapastangan; kanilang pinapaging bunton ang Jerusalem.
Ang mga
bangkay ng iyong mga lingkod ay ibinigay nila na pagkain sa mga ibon sa
himpapawid, ang laman ng iyong mga banal ay sa mga hayop sa lupa.
Ang kanilang
dugo ay ibinubo nila na parang tubig sa palibot ng Jerusalem; at walang
naglibing sa kanila.
Kami ay naging
kadustaan sa aming kalapit, kasabihan at kakutyaan nilang nangasa palibot
namin.
Hanggang
kailan, Oh Panginoon, magagalit ka magpakailan man? Magaalab ba ang iyong
paninibugho na parang apoy?
Awit 79:1-5
(TAB)
Ito ang Galit ng Dios,
dahil tinalikuran natin Siya at sumunod pa sa ibang mg adios. Ang Kanyang Galit
ay hindi titigil, magpapatuloy…
Ibugso mo ang
iyong pagiinit sa mga bansa na hindi nangakakakilala sa iyo, at sa mga
kaharian na hindi nagsisitawag sa iyong pangalan.
Awit 79:6
(TAB)
Sinabi na ng Dios
noon: Pagpapala at Sumpa. Ang mga Kaabaang palad at kapahamakan at mga
kasakunaan na mangyayari sa kasalukuyan ay hindi papaglubayin, nguni’t mayroon
paraan upang matigil ito.
Sapagka't
kanilang nilamon ang Jacob, at inilagay na sira ang kaniyang tahanan.
Huwag mong
alalahanin laban sa amin ang kasamaan ng aming mga magulang: magmadali ang
iyong mga malumanay na kaawaan na tulungan kami: sapagka't kami ay totoong
hinamak.
Awit 79:7-8
(TAB)
Hindi natin dapat
paniwalaan ang aral tungkol sa “unang pagkakasala” o ang "original sin."
Iyong tulungan
kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, dahil sa kaluwalhatian ng iyong pangalan:
at iyong iligtas kami, at linisin mo ang aming mga kasalanan, dahil sa iyong
pangalan.
Awit 79:9
(TAB)
Tumawag lamang sa
Pangalan ng Dios!
Gaano kabisa ang
Panglaan ng Dios?
Bakit
sasabihin ng mga bansa, Saan nandoon ang kanilang Dios? Ang kagantihan sa
dugo na nabubo sa iyong mga lingkod maalaman nawa ng mga bansa sa aming
paningin.
Dumating nawa
sa harap mo ang buntong-hininga ng bihag; ayon sa kadakilaan ng iyong
kapangyarihan ay palagiin mo yaong nangatakda sa kamatayan:
At ibalik mo
sa aming mga kalapit-bansa sa makapito sa kanilang sinapupunan, ang kanilang
pagduwahagi na kanilang idinuwahagi sa iyo, Oh Panginoon.
Sa gayo'y
kaming iyong bayan at mga tupa sa pastulan mo mangagpapasalamat sa iyo
magpakailan man: aming ipakikilala ang iyong kapurihan sa lahat ng mga lahi.
Awit 79:10-13
(TAB)
At…
Dinggin mo, Oh
Pastor ng Israel, ikaw na pumapatnubay sa Jose na parang kawan; ikaw na
nauupo sa ibabaw ng mga querubin, sumilang ka.
Awit 80:1
(TAB)
“Jose” – ang nanguna
sa kanyang bayan na manirahan sa Egipto.
“sumilang ka” –
malalaman natin mamaya kung sino siya.
Sa harap ng
Ephraim, ng Benjamin at ng Manases, ay mapukaw nawa ang kapangyarihan mo, at
parito kang iligtas mo kami.
Awit 80:2
(TAB)
“Benjamin” – ang
pinakakaunti sa mga angkan. Ang taong mangunguna sa mga tao ay manggagaling sa
pinmaliit sa mga bansa.
Papanumbalikin
mo kami, Oh Dios; at pasilangin mo ang iyong mukha, at maliligtas kami.
Oh Panginoong
Dios ng mga hukbo, hanggang kailan magagalit ka laban sa dalangin ng iyong
bayan?
Iyong pinakain
sila ng tinapay na mga luha, at binigyan mo sila ng mga luha upang inumin ng
sagana.
Iyong ginawa
kaming kaalitan sa aming mga kalapit bansa: at ang mga kaaway namin ay
nagtatawanan.
Ibalik mo kami,
Oh Dios ng mga hukbo; at pasilangin mo ang iyong mukha at kami ay maliligtas.
Ikaw ay
nagdala ng isang puno ng ubas mula sa Egipto; iyong pinalayas ang mga bansa,
at itinanim mo yaon.
Awit 80:3-8
(TAB)
“itinanim mo yaon” –
Si “Jose” na pumunta sa Egipto.
Ikaw ay
naghanda ng dako sa harap niya, at napailalim ang ugat, at pinuno ang lupain.
Ang mga bundok
ay natakpan ng lilim niyaon, at ang mga sanga niyaon ay gaya ng mga sedro ng
Dios.
Kaniyang
pinaabot ang kaniyang mga sanga hanggang sa dagat, at ang kaniyang mga suwi
hanggang sa ilog.
Bakit mo
ibinagsak ang kaniyang mga bakod, na anopa't siya'y binubunot nilang lahat
na nangagdadaan?
Sinisira ng
baboy-ramo, at sinasabsab ng mailap na hayop sa parang.
Bumalik ka uli,
isinasamo ko sa iyo, Oh Dios ng mga hukbo: tumungo ka mula sa langit, at
iyong masdan, at dalawin mo ang puno ng ubas na ito,
Awit 80:9-14
(TAB)
Nanalangin ang bayan
ng Israel sa Dios sa pagdating Niya…
At ang ubasan
na itinanim ng iyong kanan, at ang suwi na iyong pinalakas para sa iyong
sarili.
Awit 80:15
(TAB)
Sino “ang suwi” na
pinili at sinugo?
Nasunog ng
apoy, at naputol: sila'y nalipol sa saway ng iyong mukha. Psa 80:17 Mapatong
nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan. Sa anak ng tao na iyong
pinalakas sa iyong sarili.
Awit 80:16-17
(TAB)
“anak ng tao” – ang
pinili ng Dios, nguni’t hindi tunay na “anak ng Dios” – tatawagin lang.
“iyong pinalakas sa
iyong sarili” – sa kaluwalhatian ng Dios, dahil ang misyon ng pinili ay upang
makilala ng lubos mga tao ang Dios at ang Kanyang Pangalan.
Sa gayo'y
hindi kami magsisitalikod sa iyo: buhayin mo kami, at tatawagan namin ang
iyong pangalan.
Papanumbalikin
mo kami, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo; pasilangin mo ang iyong mukha at
maliligtas kami.
Awit 80:18-19
(TAB)
Ito ang bagong bayan
ng Dios, ang mga tatawag sa Pangalan ng Dios.
May bansa na ba na
tumawag sa Pangalan ng Dios? Wala pa, ang sabi ni Maestro Evangelsita, dahil
hindi pa ito alam ng mga tao sa mundo, kaya, may sumpa.
Sa pagbasa muli sa:
Iyong ginawa
kaming kaalitan sa aming mga kalapit bansa: at ang mga kaaway namin ay
nagtatawanan.
Awit 80:6
(TAB)
Bakit nanatili ito
hanggang sa ating panahon? Bakit tayo ay naririto pa? Bakit hindi pa tayo
pinarurusahan ng Dios? Ang sabi ni Maestro Evangelista, basahin natin sa…
Gaya naman ng
sinasabi niya sa aklat ni Oseas, Tatawagin kong aking bayan na hindi ko
dating bayan; At iniibig, na hindi dating iniibig.
At mangyayari,
na sa dakong pinagsabihan sa kanila, kayo'y hindi ko bayan, Ay diyan sila
tatawaging mga anak ng Dios na buhay.
Roma 9:25-26
(TAB)
Ang sabi ng Dios,
Siya ay nakapili na ng isang bayan na Kanyang Bagong Bayan, at ang mg Hudyo, ang
Kanyang dating bayan, ay hindi na kikilalanini. Upang patunayan ito, tingnan ang
kalagaya ngayon sa Palestino, wala na sila kapayapaan.
Kung nabasa natin ito
sa mga aklat mg mga apostol dapat lamang na mabasa rin natin ito sa mga aklat ng
mga propeta upang makatiyak kung ang kanilang (ang mga apostol) mga isinulat at
tunay na nahayag.
Basahin natin sa…
Gayon ma'y ang bilang ng mga anak ni Israel ay magiging parang
buhangin sa dagat na hindi matatakal, o mabibilang man; at mangyayari, na sa
dakong pagsabihan sa kanila, Kayo'y hindi aking bayan, sasabihin sa kanila,
Kayo'y mga anak ng buhay na Dios.
Hosea 1:10 (TAB)
Ang mga Gentil ang magiging bagong bayan ng Dios, ang sabi ni Maestro
Evangelista ay basahin sa:
At aking itatatag siya para sa akin sa lupa; at ako'y magdadalang
habag sa kaniya na hindi nagtamo ng kahabagan; at aking sasabihin sa kanila na
hindi ko bayan, Ikaw ay aking bayan; at siya'y magsasabi, Ikaw ay aking Dios.
Hosea 2:23 (TAB)
Ang mga bayang isinumpa ng Dios ang Kanyang magiging bagong bayan kung sila
ay tatawag sa Kanyang Pangalan! Nasusulat sa Awit 79:6 na gigibain ng Dios ang
mga bansa na hindi tatawag sa Kanyang Pangalan.
Ano ang dahilan kung bakit hindi pa tayo pinarurusahan ng Dios magpahanggang
ngayon?
At lumapit si Abraham, at nagsabi, Ang mga banal ba ay iyong
lilipuling kasama ng mga masama?
Kung sakaling may limang pung banal
sa loob ng bayan: lilipulin mo ba, at di mo patatawarin ang dakong yaon,
alangalang sa limang pung banal na nasa loob niyaon?
Malayo nawa sa
iyo ang paggawa ng ganito, na ang banal ay iyong pataying kasama ng masama,
anopa't ang banal ay mapara sa masama; malayo nawa ito sa iyo: di ba gagawa ng
matuwid ang Hukom ng buong lupa?
Genesis 18:23-25 (TAB)
Ang ating hukom ay ang Dios, hindi makatwiran na ang mga matuwid ay kasamang
mapaparusahan kasama ng mga masasama sa bayan. Ano ang sabi ng Dios?
At sinabi ng Panginoon, Kung makasumpong ako sa Sodoma ng limang
pung banal sa loob ng bayan, patatawarin ko ang buong dakong yaon, alangalang sa
kanila.
At sumagot si Abraham, at nagsabi, Narito, ngayo'y nangahas
akong magsalita sa Panginoon, akong alabok at abo lamang:
Kung sakaling magkukulang ng lima sa limang pung banal: lilipulin mo ba, dahil sa
limang kulang, ang buong bayan? At sinabi niya, Hindi ko lilipulin kung
makasumpong ako roon ng apat na pu't lima.
At siya'y muling nagsalita
pa sa kaniya, at nagsabi, Marahil ay may masusumpungang apat na pu. At sinabi
niya, Hindi ko gagawin, alangalang sa apat na pu.
At sinabi niya, Oh
huwag magalit ang Panginoon, at ako'y magsasalita: kung sakaling may
masusumpungan doong tatlong pu. At sinabi niya, Hindi ko gagawin kung
makakasumpong ako roon ng tatlong pu.
At kaniyang sinabi, Narito
ngayon, ako'y nangahas na magsalita sa Panginoon: kung sakaling may
masusumpungan doong dalawang pu. At sinabi niya, Hindi ko lilipulin, alangalang
sa dalawang pu.
At sinabi niya, Oh huwag magalit ang Panginoon at
magsasalita na lamang akong minsan: kung sakaling may masusumpungan doong
sangpu: at sinabi niya, Hindi ko lilipulin, alangalang sa sangpu.
At ang Panginoon ay nagpatuloy, pagkatapos na makipagusap kay Abraham: at si
Abraham ay nagbalik sa kaniyang dako.
Genesis 18:26-33 (TAB)
Pinayagan ng Dios ang pakiusap ni Abraham. Nguni’t walang sampung matuwid na
tao na matatagpuan, apat lamang, at nang sila ay nakaalis sa bayan, sinira ito.
Makatarungan ang Dios. Nakiusap si Abraham sa Dios na huwag siraain ang
Sodom. Magiging mapagbigay ba sa atin ang Dios sa pagkakataon ito?
Hindi pa tayo sinisira ng Dios, bakit?
Gaya naman ng sinasabi niya sa aklat ni Oseas, Tatawagin kong aking
bayan na hindi ko dating bayan; At iniibig, na hindi dating iniibig.
At mangyayari, na sa dakong pinagsabihan sa kanila, kayo'y hindi ko bayan, Ay diyan
sila tatawaging mga anak ng Dios na buhay.
At si Isaias ay sumisigaw
tungkol sa Israel, Kung ang bilang man ng mga anak ng Israel ay maging tulad sa
buhangin sa dagat, ay ang nalalabi lamang ang maliligtas:
Sapagka't
isasagawa ng Panginoon ang kaniyang salita sa lupa, na tatapusin at paiikliin.
Roma 9:25-28 (TAB)
Ang pahayag ay sa bayan ng Israel, gaya ng sinabi dati ni Propeta Isaias:
At gaya ng sinabi nang una ni Isaias, Kung hindi nagiwan sa atin ng
isang binhi ang Panginoon ng mga hukbo, Tayo'y naging katulad sana ng Sodoma, at
naging gaya ng Gomorra.
Roma 9:29 (TAB)
At sa ibang salin na gayon ring talata…
And as Esaias said before, Except the Lord of Sabaoth had left us a seed, we
had been as Sodoma, and been made like unto Gomorrha.
Romans 9:29 (KJV)
“isang binhi” - Binigyan na tayo ng Dios ng huling pagkakataon na makaiwas sa
tiyan na pagkasira! Mapagbigay ang Dios lagi sa tao.
Gaya ng mga panahon ni Abraham, gaano karami ang kinakailangan upang
mailigtas ang mga tao sa bayan ng Sodom? Sampu na lamang.
Ang sabi ni Maestro Evangelista, sa pamamagitan ng “isang binhi” iuurong ng
Dios ang Kanyang galit sa buong mundo! Sino ang “isang binhi” na hindi na kinakailangan pang
makipagtawaran sa Dios gaya ng ginawa ni Abraham noon?
Sino ang propeta o “binhi” na pinili ng Dios?
Bakit ang mga bansa ay nangagugulo, at ang mga bayan ay nangagaakala
ng walang kabuluhang bagay?
Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda, at ang
mga pinuno ay nagsasanggunian, Laban sa Panginoon at laban sa kaniyang pinahiran
ng langis, na sinasabi:
Lagutin natin ang kanilang tali, at ating iwaksi
ang kanilang mga panali sa atin.
Siyang nauupo sa kalangitan ay tatawa:
ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan.
Kung magkagayo'y magsasalita
siya sa kanila sa kaniyang poot, at babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama
ng loob:
Awit 2:1-5 (TAB)
Ito ang ating kasalukuyang panahon, na kung saan ang mundo ay dumaranas ng
lahat ng uri ng kaabaáng palad at kapahamakan (mga digmaan, kasakunaan at mga
iba pa).
Ano ang sabi ng Dios tungkol dito?
Gayon ma'y inilagay ko ang aking hari sa aking banal na bundok ng
Sion.
Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa
akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita.
Awit 2:1-6-7 (TAB)
Ito ang panahon na si Maestro Evangelista ay pinili na maging propeta ng
Dios. Hindi gay ani Jesus, na ang tanda ay naihayag na pitong daang taon bago pa
siya ipinanganak upang makilala siya ng kanyang bayan at malaman ang kanyang
pagdating. Sa katayuan naman ni Maestro Evangelista, siya ay pinili nang siya ay
pitongpu’t pitong taong gulang na, noong ika-16 ng Hulyo 1990. At walang
anu-ano’y pinili siya na ipagpatuloy ang Pahayag ng Dios.
Humingi ka sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong
pinakamana, at ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari.
Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal; iyong dudurugin sila na parang
isang sisidlan ng magpapalyok.
Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh
kayong mga hari: mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa.
Kayo'y
mangaglingkod sa Panginoon na may takot, at mangagalak na may panginginig.
Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan,
sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab. Mapapalad ang nanganganlong sa
kaniya.
Awit 2:8-12 (TAB)
“isang pamalong bakal” – kalian ito naihayag? Ano ang nasusulat tungkol dito?
At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, Sapagka't ginawa mo ito, ay
sumpain ka ng higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawa't ganid sa parang;
ang iyong tiyan ang ilalakad mo, at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga
araw ng iyong buhay:
Genesis 3:14 (TAB)
Mapapansin ninyo, ang ahas ang gumawa ng kamalian sa pamamagitan ng
paglinlang kina Adan at Eba, hindi pinayagan ng Dios ang ahas na hindi
maparusahan.
At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang
kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang
sakong.
Genesis 3:15 (TAB)
Magkakaroon ng pagaalitan, labanan sa pagitan ng anak ng babae at ng anak ng
ahas, at nabasa natin sa Banal na Aklat, ang mga anak ng babae (na inutusan ng
Dios, si Salomon at si Jesus) ay tinalo, na nabanggit sa pahayag sa Patotoo ni
Jesus.
Kailan matatapos ang labanang ito? Ang sabi ni Maestro Evangelista, nasusulat
ito sa Jeremiah 31:21-22:
Ang Pagbabalik sa Dios
Maglagay ka ng mga patotoo, gumawa ka ng mga haliging tanda: ilagak
mo ang iyong puso sa dakong lansangan, sa daan na iyong pinaroonan: ikaw ay
magbalik uli, Oh dalaga ng Israel, ikaw ay bumalik uli rito sa mga bayang ito.
Hanggang kailan magpaparoo't parito ka, Oh ikaw na tumatalikod na anak
na babae? sapagka't ang Panginoon ay lumikha ng bagong bagay sa lupa, Ang babae
ay siyang mananaig sa lalake.
Jeremias 31:21-22 (TAB)
May tanda na ibinigay na magtuturo ng kaganapan nito, mangyayari ito sa
panahon na ang babae ay kapantay na ng lalaki, ang ating kasalukuyang panahon…
Ano ba ang kalagayan sa pagitan ng lalake at babae
sa lipinan nila noon?
At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa
larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.
Genesis
1:27 (TAB)
Sila ay nilikha ng Dios na magkasabay, nguni’t…
Sinabi niya sa babae, Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at
ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay
pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya'y papapanginoon sa iyo.
Genesis 3:16
(TAB)
Nang sila ay magkasala, ang babae ay inilagay sa kapangyarihan ng lalake,
hanggang sa anong salinlahi nanatili ang sumpa sa babae?
Ang babae'y magaral na tumahimik na may buong pagkapasakop.
Nguni't hindi ko ipinahihintulot na ang babae ay magturo, ni magkaroon ng
pamumuno sa lalake, kundi tumahimik.
1 Timoteo 2:11-12 (TAB)
Kailan matatapos ng tunay ang labanan sa pagitan ng anak ng babae at ng anak
ng ahas?
At ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit: isang babae na
nararamtan ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa, at sa
kaniyang ulo ay may isang putong na labingdalawang bituin;
At siya'y
nagdadalang tao; at siya'y sumisigaw, na nagdaramdam sa panganganak, at sa hirap
upang manganak.
At ang ibang tanda ay nakita sa langit: at narito, ang
isang malaking dragong mapula, na may pitong ulo at sangpung sungay, at sa
kaniyang mga ulo'y may pitong diadema.
At kinaladkad ng kaniyang buntot
ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit, at ipinaghagis sa lupa: at lumagay
ang dragon sa harapan ng babaing manganganak na, upang lamunin ang kaniyang anak
pagkapanganak niya.
Apokalipsis 12:1-4 (TAB)
Ang pahayag ng labanan sa pagitan ng anak ng babae laban sa anak ng ahas na
inihayag sa Aklat ng Genesis sa Kabanata 3:14-15 ay nanatili at umabot sa Aklat
ng Apokalipsis. Kahit si Jesus ay patay na, ito ay inihahayag pa.
Nangangahulugan na ang Pahayag na ito ay hindi pa nagaganap.
Bakit ang pahayag na ibinigay sa Aklat ng Genesis ay binabanggit pa sa Aklat
ng Apokalipsis? Ang sabi ni Maestro Evangelista nangangahulugan na wala pang
nakaganap ng pahayag.
At siya'y nanganak ng isang anak na lalake, na maghahari na may
panghampas na bakal sa lahat ng mga bansa: at ang kaniyang anak ay inagaw na
dinala hanggang sa Dios, at hanggang sa kaniyang luklukan.
At tumakas
ang babae sa ilang, na doon siya'y ipinaghanda ng Dios ng isang dako, upang doon
siya ampuning isang libo dalawang daan at anim na pung araw.
At nagkaroon ng pagbabaka sa langit: si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay
nakipagbaka sa dragon; at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka;
At hindi sila nanganalo, ni nasumpungan pa man ang kanilang dako sa
langit.
Apokalipsis 12:5-8 (TAB)
“isang anak na lalake” – hindi na si Jesus ito, naisinulat ang pahayag na ito
ay animnapung taon nang patay si Jesus.
“maghahari … sa lahat ng mga bansa” – aakayin niya ang lahat ng tao patungo
sa Dios at ipakikita niya na ang mga relihiyon ay hindi naglilingkod sa Dios.
Ang panloloko ay lumaganap na noon pa sa buong mundo, at nais ng Dios na alisin
ang Kasamaan sa mundo at gawin ang mundo na gaya ng Halaman ng Eden.
Sino ang binabanggit na “babae”? – Malalaman natin mamaya.
“si Miguel” – sumasagisag na “bata/anghel/propeta” na singuo ng Dios.
“…at ang kaniyang mga anghel” – ang mga anghel na ito ay sumasaisag rin ng
mga makakasama ng propeta. Sila ang mga naunang tinawag upang tumulong sa Gawain
ng propeta. Sila ay makikibaka laban sa:
“Dragon” – sumasagisag kay Jesus at ng iglesia na kanyang itinayo. Ito rin
ang mga relihiyon na inilagay ang kanilang pananampalataya kay Jesus. Mananaig
ba sila sa propeta ng Dios?
Ang sabi ni Maestro Evangelista ay hindi. Dati, ang mga relihiyon ay
tinitingala, nguni’t sa kasalukuyang kalagayan ngayon, ang mga digmaan,
kasakunaan, kagutuman at iba pang mga kalamidad, ang mga tao ay nagtatanong
bakit sila pinagdurusa ng Dios? Sa kanilang (ang mga relihiyon) pagiging
matahimik ay lalo lang silang nakikitang walang kakayahang ipaliwanang ang mga
Pahayag ng Dios.
Kaya:
At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag
na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa
lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.
Apokalipsis 12:9
(TAB)
Mahahayag ang mga relihiyon sa pagpapatuloy ng panloloko, sila ang mga anghel
ni Satanas!
At narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit, na nagsasabi,
Ngayo'y dumating ang kaligtasan, at ang kapangyarihan, at ang kaharian ng ating
Dios, at ang kapamahalaan ng kaniyang Cristo: sapagka't inihagis na ang
tagapagsumbong sa ating mga kapatid na siyang sa kanila'y nagsusumbong sa
harapan ng ating Dios araw at gabi.
At siya'y kanilang dinaig dahil sa
dugo ng Cordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo, at hindi nila inibig
ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan.
Apokalipsis 12:10-11 (TAB)
“kaniyang Cristo” – hindi si Jesus ito, dahil matagal na siyang patay at
hindi ginanap ang kanyang misyon. Iba ito – siya ang “binhi/anak/batang-lalake”
na inihahayag pa.
“ang tagapagsumbong sa ating mga kapatid” – Sinusubok ni Satanas ang mga tao
sa kanilang katwiran at kataptan sa Dios.
“dahil sa dugo ng Cordero” – tinuro ng mga relihiyon na si Jesus ay namatay
paras a ating mga kasalanan, na hindi naman totoo at niloko ang marami rito.
“hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan” – kaya nga sila
ang mga pinakamabisa na sandata labanan sa mga kaaway nila – sila ang mga
nagpapasabog ng sarili, dahil sa kanilang kasugiran o determinasyon sa kanilang
pananampalataya kay Jesus, nanalo ba sila o natalo?
Kaya't mangagalak kayo, Oh mga langit at kayong nagsisitahan diyan.
Sa aba ng lupa at ng dagat: sapagka't ang diablo'y bumaba sa inyo, na may
malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya.
Apokalipsis 12:12 (TAB)
Alam ni Satanas na ang kanyang panahon ay malapit na; ang mga relihiyon ay
mahahayag at masisira…
At nang makita ng dragon na siya'y inihagis sa lupa, ay inusig niya
ang babaing nanganak ng sanggol na lalake.
Apokalipsis 12:13 (TAB)
Hindi na titingalain ng mga taong sa mundo ang mga relihiyon. Hindi na sila
maloloko, malalaman na nila ang katotohanan tungkol sa Dios at ng Kanyang
Pangalan sa pamamagitn ng pahayag ng propeta.
At sa babae'y ibinigay ang dalawang pakpak ng agilang malaki, upang
ilipad sa ilang mula sa harap ng ahas hanggang sa kaniyang tahanan, na
pinagkandilihan sa kaniyang isang panahon, at mga panahon, at kalahati ng isang
panahon.
Apokalipsis 12:14 (TAB)
Ihahayag mamaya ni Maestro Evangelista ang tunay na kahulugan ng “babae”…
“isang panahon, at mga panahon, at kalahati ng isang panahon” – ang tatlong
hati ng panahon, ang kahulugan niyon ay ihahayag ng anak na lalake/propeta.
Pagkatapos niyang maihayag iyon sa sa mga tao, ano ang nangyari?
At ang ahas ay
nagbuga sa kaniyang bibig sa likuran ng babae ng tubig na gaya ng isang ilog,
upang maipatangay siya sa agos.
At tinulungan ng lupa ang babae, at ibinuka ang kaniyang bibig at nilamon ang ilog
na ibinuga ng dragon sa kaniyang bibig.
Apocalipsis 12:15-16 (TAB)
Ang labanan, ang pagaalit sa pagitan ng anak ng babae at ng anak ng ahas ay
magpapatuloy na sa huli ay patungo sa Halaman ng Eden!
Ano ang Patotoo ni Jesus>
At ako'y nagpatirapa sa kaniyang paanan upang siya'y aking
sambahin. At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa
mo alipin at ng iyong mga kapatid na mayroong patotoo ni Jesus: sumamba ka sa
Dios: sapagka't ang patotoo ni Jesus ay siyang espiritu ng hula.
Apokalipsis
19:10 (TAB)
“sumamba ka sa Dios” – Ito ang tanda at ang Gawain ni Jesus, nguni’t hindi
niya nasabi ito, dahil pinasamba niya ang mga tao sa kanya sa halip sa Dios!
Basahin sa…
At sinasabi niya sa akin, Isulat mo, Mapapalad ang mga inanyayahan
sa paghapon sa kasalan ng Cordero. At sinasabi niya sa akin, Ang mga ito'y
siyang tunay na mga salita ng Dios.
Apokalipsis 19:9 (NIV)
Si Jesus sana ang magdadala ng mga ito, at magbigay ng patotoo dito nang
sinabi niya sa…
Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo'y
magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat at ang supling ni
David, ang maningning na tala sa umaga.
Apokalipsis 22:16 (TAB)
Hindi na siya ang gaganap ng mga pahayag kundi ang “anghel” ang magbibigay ng
paliwanang sa lahat ng mga pahayag ng Dios.
Basahin natin sa….
Dinggin mo, Oh Pastor ng Israel, ikaw na pumapatnubay sa Jose na
parang kawan; ikaw na nauupo sa ibabaw ng mga querubin, sumilang ka.
Awit 80:1
(TAB)
“Jose” – ang mga Israelita at ang Judah – ang mga Hudyo at sila ay aakayin ng
“pastor,” ang taong may kapangyarihan at kspshintulutan na ibalik sila sa Dios
at magkaroon ng kaligtasan.
Bumalik ka uli, isinasamo ko sa iyo, Oh Dios ng mga hukbo: tumungo
ka mula sa langit, at iyong masdan, at dalawin mo ang puno ng ubas na ito,
At ang ubasan na itinanim ng iyong kanan, at ang suwi na iyong pinalakas
para sa iyong sarili.
Nasunog ng apoy, at naputol: sila'y nalipol sa
saway ng iyong mukha.
Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong
kinakanan. Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili.
Sa gayo'y hindi kami magsisitalikod sa iyo: buhayin mo kami, at tatawagan namin ang
iyong pangalan.
Awit 80:14-18 (TAB)
“ang puno ng ubas” – sumasagisag ng angkan ni Jose.
“ang suwi” – Siya ang “pinili” na iba kina Salomom at Jesus, na magmumula sap
uno ng ubas na naputol noon.
“Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan” – Ito si David noon
sa Awit 110:1 – ito ang paraan kung papaano tinatrato ng Dios ang Kanyang mga
“pinili,” hanggan sa Kanyang Huling propeta.
Ihahayag sa atin ni Maestro Evangelista ang hiwaga sa Halaman ng Eden. Sino
ang nagbabantay sa Halamanan ng Eden?
At sinabi ng Panginoong Dios, Narito't ang tao'y naging parang isa
sa atin, na nakakakilala ng mabuti at ng masama; at baka ngayo'y iunat ang
kaniyang kamay at pumitas naman ng bunga ng punong kahoy ng buhay, at kumain at
mabuhay magpakailan man:
Genesis 3:22 (TAB)
“nakakakilala ng mabuti at ng masama” – nang kinain nina Adan at Eba ang
ipinagbabawal na bunga sila ay naing parang mg adios, nalaman nila na sila ay
nakagawa ng masama.
“iunat ang kaniyang kamay at pumitas naman ng bunga ng punong kahoy ng buhay,
at kumain” – hindi katanggaptanggap na sila ay manatili pa sa Halamanan at
kinakailangang palayasin dahil hindi nila sinunod ang Dios na nagbigay ng
kautusan.
Kaya pinalayas siya ng Panginoong Dios sa halamanan ng Eden, upang
kaniyang bukirin ang lupaing pinagkunan sa kaniya.
Genesis 3:23 (TAB)
Dahil sa kanilang pagsuway sila ay pinalayas sa Halamanan…
Ano pa't itinaboy ang lalake; at inilagay sa silanganan ng halamanan
ng Eden ang mga Querubin at ang isang nagniningas na tabak na umiikot, upang
ingatan ang daang patungo sa kahoy ng buhay.
Genesis 3:24 (TAB)
Ang Halamanan ay naririto pa, may anghel o “kerubin” na inilagay upang
bantayan ang daan. Ang sabi ni Maestro Evangelista, ang Halamanan ay hindi
inalis ito ay itinago lamang sa atin – sa ating kaunawaan!
Sino ang “kerubin” o pastor? Alam b ani Jesus ang tungkol sa kanya?
At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y
kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y
magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor.
Juan 10:16 (TAB)
Siya ang “pastor” na
binanggit sa Awit 80:1. Saang lupain siya manggagaling?
“ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito” – Sino-sino sila?
Sila'y magsisiparitong may iyakan, at may mga pamanhik na aking
papatnubayan sila; akin silang palalakarin sa tabi ng mga ilog ng tubig, sa
matuwid na daan na hindi nila katitisuran; sapagka't ako'y pinakaama sa Israel,
at ang Ephraim ang aking panganay.
Jeremias 31:9 (TAB)
Hindi na tayo mabibigo sa pagsunod sa Dios.
Bakit “Ephraim”? Isang Gentil na bayan? Saan mangggaling ang mga tao?
Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh ninyong mga bansa, at
inyong ipahayag sa mga pulo sa malayo; at inyong sabihin, Ang nagpangalat sa
Israel, siyang magpipisan sa kaniya, at magiingat sa kaniya, gaya ng ginagawa ng
pastor sa kaniyang kawan.
Jeremias 31:10 (TAB)
“sa mga pulo sa malayo;” – malalaman natin kung ang “Pastor” na ito ay
manggagaling sa mga pulo.
Sapagka't tinubos ng Panginoon ang Jacob, at tinubos niya siya sa
kamay ng lalong malakas kay sa kaniya.
Jeremias 31:11 (TAB)
“lalong malakas kay sa kaniya” – ito ang bayan pinakamahina sa mga bansa.
At sila'y magsisiparito at magsisiawit sa kaitaasan ng Sion, at
magsisihugos na magkakasama sa kabutihan ng Panginoon, sa trigo, at sa alak, at
sa langis, at sa guya ng kawan at ng bakahan: at ang kanilang kaluluwa ay
magiging parang dinilig na halamanan; at hindi na sila mangamamanglaw pa sa
anoman.
Jeremias 31:12 (TAB)
“hindi na sila mangamamanglaw pa sa anoman” – dahil ang bayang ito
pagpapalain ng Dios.
Ang lahat ng mga anak no Jose ay kikilalanin ng Dios na anak rin Niya.
Ano ang mangyayari sa Ephraim?
Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi:
At ikaw, anak ng tao, kumuha ka ng isang tungkod, at sulatan mo sa ibabaw,
Sa Juda at sa mga anak ni Israel na kaniyang mga kasama: saka kumuha ka ng ibang
tungkod, at iyong sulatan: Sa Jose, na siyang tungkod ng Ephraim, at sa buong
sangbahayan ni Israel na kaniyang mga kasama:
At iyong
papagugnayugnayin sa ganang iyo na maging isang tungkod, upang maging isa sa
iyong kamay.
At pagka ang mga anak ng iyong bayan ay mangagsasalita sa
iyo, na mangagsasabi, Hindi mo baga ipakikilala sa amin kung ano ang kahulugan
ng mga ito?
Sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios:
Narito, aking kukunin ang tungkod ng Jose, na nasa kamay ng Ephraim, at ang mga
lipi ng Israel na kaniyang mga kasama: at akin silang isasama roon, sa tungkod
ng Juda, at gagawin ko silang isang tungkod, at sila'y magiging isa sa aking
kamay.
Ezekiel 37:15-19 (TAB)
Ang dalawang bayan (ang mga Hudyo at mga Gentil) ay ipagkakaisa upang maging
bagong bayan ng Dios.
“Ephraim” – sila ang mga Gentil na ipagkakaisa sa bagong sangbahayan ng
Israel.
Bumalik tayo sa “kerubin” sa Halamanan.
Ano pa't itinaboy ang lalake; at inilagay sa silanganan ng halamanan
ng Eden ang mga Querubin at ang isang nagniningas na tabak na umiikot, upang
ingatan ang daang patungo sa kahoy ng buhay.
Genesis 3:24 (TAB)
Naglagay ang Dios ng “kerubin” na may tabak na“nagniningas na tabak na
umiikot”. Sino ang Kerubin? Sino ang nagbabantay sa daan patungo sa Halamanan na
may “nagniningas na tabak na umiikot”?
May iba pa bang mga “kerubin”?
At ipinakita niya sa akin si Josue na pangulong saserdote na nakatayo
sa harap ng anghel ng Panginoon, at si Satanas na nakatayo sa kaniyang kanan
upang maging kaniyang kaaway.
Zacarias 3:1 (TAB)
May sinugo ang Dios na isang “anghel” o propeta.
“si Josue na pangulong saserdote” – ito ang “pinili” ng Dios – ang “anak” na
may pamalong bakal at ang “kerubin” na nagbabantay sa daan patungo sa Halamanan
ng Eden.
At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Sawayin ka nawa ng Panginoon, Oh
Satanas; oo, ang Panginoon na pumili ng Jerusalem ay sumaway nawa sa iyo: di
baga ito'y isang dupong na naagaw sa apoy?
Zacarias 3:2 (TAB)
“isang dupong na naagaw sa apoy” – ito ang bata ng kunuha sa Apokalipsis 12:5
– “At siya'y nanganak ng isang anak na lalake, na maghahari na may panghampas na
bakal sa lahat ng mga bansa: at ang kaniyang anak ay inagaw na dinala hanggang
sa Dios, at hanggang sa kaniyang luklukan.”
Si Josue nga ay nabibihisan ng maruming kasuutan, at nakatayo sa
harap ng anghel.
At siya'y sumagot at nagsalita sa mga yaon na
nangakatayo sa harap niya, na nagsabi, Hubarin ninyo ang mga maruming suot sa
kaniya. At sa kaniya'y kaniyang sinabi, Narito, aking pinaram ang iyong
kasamaan, at aking susuutan ka ng mainam na kasuutan.
Zacarias 3:3-4 (TAB)
“nabibihisan ng maruming kasuutan” – ang taong “pinili” ng Dios ay isang
karaniwang tao lamang. Ang nagbubukod tangi lang sa kanya ay kung papaano siya
pinili na inihayag noon pa.
“Hubarin ninyo ang mga maruming suot sa kaniya” – Ang kanyang mga kasalanan
ay inalis sa kanya.
At aking sinabi, Suutan siya nila ng isang magandang mitra sa
kaniyang ulo. Sa gayo'y sinuutan siya ng magandang mitra sa kaniyang ulo, at
sinuutan siya ng mga kasuutan; at ang anghel ng Panginoon ay nakatayo sa siping.
Zacarias 3:5 (TAB)
Siya ay binigyan ng isang “magandang mitra” – ibig sabihin na siya ang pinili
ng Dios.
At ang anghel ng Panginoon ay tumutol kay Josue, na nagsabi,
Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kung ikaw ay lalakad sa aking mga
daan, at kung iyong iingatan ang aking bilin, iyo nga ring hahatulan ang aking
bayan, at iyo ring iingatan ang aking mga looban, at bibigyan kita ng kalalagyan
sa gitna ng mga ito na nangakaharap.
Zacarias 3:6-7 (TAB)
Sa pagkakapili sa kanya, siya rin ay binigyan ng kundisyon, nagbibigay lagi
ang Dios ng kundisyon (Pagpapala at Sumpa) sa Kanyang mga propeta.
“Kung ikaw ay lalakad sa aking mga daan at kung iyong iingatan ang aking
bilin” – ito ang kundisyon, ang sundin ang Dios at ang Kanyang mga Kautusan.
“hahatulan ang aking bayan” – siya ang magtatatag ng bagong bayan ng Dios.
“iingatan ang aking mga looban” – ito ang “bagong Eden”
“kalalagyan sa gitna ng mga ito na nangakaharap” – sila ang mga anghel, mga
propeta at ang mga tao ng Dios na tinawag sa simula pa. Ito ang isa mga
karangalan na ibinibigay sa “pinili” kapag naganap niya ang mga pahayag.
Ang “pinili” ba ay magisa lamang sa kanyang Gawain?
Dinggin mo ngayon, Oh Josue, na pangulong saserdote, dinggin mo, at
ng iyong mga kasama na nangakaupo sa harap mo; sapagka't sila'y mga taong pinaka
tanda: sapagka't narito, aking ilalabas ang aking lingkod na Sanga.
Zacarias
3:8 (TAB)
“iyong mga kasama na nangakaupo sa harap mo” – Bibigyan ng Dios ang “pnili”
ng mga makakatulong niya sa kanyang Gawain. Ano ang kanilang magiging
pangunahing Gawain?
Ang kayang mga kasama ay magpapatotoo sa kanya bilang “Ang lingkod na Sanga”
na pinili ng Dios.
Sapagka't, narito, ang bato na aking inilagay sa harap ni Josue; sa
ibabaw ng isang bato ay may pitong mata: narito, aking iuukit ang ukit niyaon,
sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking aalisin ang kasamaan ng lupaing yaon sa
isang araw.
Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, tatawagin
ng bawa't isa sa inyo ang kaniyang kapuwa sa lilim ng puno ng ubas, at sa lilim
ng puno ng igos.
Zacarias 3:9-10 (TAB)
Sino ang “Sanga” na patotohanan; sino rin ang tatawaging “kerubin” na
nagbabantay ng daan patungo sa Halamanan ng Eden?
Ano ang “pitong mata” na ibinigay sa kanya?
At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay, at
sa gitna ng matatanda, ang isang Cordero na nakatayo, na wari ay pinatay, na may
pitong sungay, at pitong mata, na siyang pitong Espiritu ng Dios, na sinugo sa
buong lupa.
Apokalipsis 5:6 (TAB)
“isang Cordero na nakatayo, na wari ay pinatay” – hindi si Jesus ito, matagal
na siyang patay, ito si Masestro Evangelista – ang pinili at ang kerubin, ang
taong gaganap at magpapaliwanang ng mga pahayag ng Dios.
“mga sungay” – sagisag ng kapangyarihan at kapahintulutan.
“pito” – walang hangganan
“mga mata” – ibig sabihin, mga espiritu, ang Salita ng Dios.
Bumalik tayo sa…
At ipinakita niya sa akin si Josue na pangulong saserdote na nakatayo
sa harap ng anghel ng Panginoon, at si Satanas na nakatayo sa kaniyang kanan
upang maging kaniyang kaaway.
Zacarias 3:1 (TAB)
Ito ang huling pagtutuus sa pahayag ng labanan sa pagitan ng mabuti laban sa
masama na ibinigay sa Genesis 3:14-15.
At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Sawayin ka nawa ng Panginoon, Oh
Satanas; oo, ang Panginoon na pumili ng Jerusalem ay sumaway nawa sa iyo: di
baga ito'y isang dupong na naagaw sa apoy?
Zacarias 3:2 (TAB)
“isang dupong na naagaw sa apoy” – ito ang batang lalake na kinuha sa
Apokalipsis 12:5 - “At siya'y nanganak ng isang anak na lalake, na maghahari na
may panghampas na bakal sa lahat ng mga bansa: at ang kaniyang anak ay inagaw na
dinala hanggang sa Dios, at hanggang sa kaniyang luklukan.”
Si Josue nga ay nabibihisan ng maruming kasuutan, at nakatayo sa
harap ng anghel.
At siya'y sumagot at nagsalita sa mga yaon na
nangakatayo sa harap niya, na nagsabi, Hubarin ninyo ang mga maruming suot sa
kaniya. At sa kaniya'y kaniyang sinabi, Narito, aking pinaram ang iyong
kasamaan, at aking susuutan ka ng mainam na kasuutan.
At aking sinabi,
Suutan siya nila ng isang magandang mitra sa kaniyang ulo. Sa gayo'y sinuutan
siya ng magandang mitra sa kaniyang ulo, at sinuutan siya ng mga kasuutan; at
ang anghel ng Panginoon ay nakatayo sa siping.
Zecharias 3:3-5 (TAB)
Ang Sanga
Sino “ang Sanga”?
At may lalabas na usbong sa puno ni Isai, at isang sanga mula sa
kaniyang mga ugat ay magbubunga:
Isaias 11:1 (TAB)
“Isai” – ang ama ni David
“ugat” – si Jesus, na sinabi niya sa Apokalipsis 22:16
Ano ang dala ng “Sanga”?
At ang Espiritu ng Panginoon ay sasa kaniya, ang diwa ng karunungan
at ng kaunawaan, ang diwa ng payo at ng katibayan, ang diwa ng kaalaman at ng
takot sa Panginoon;
At ang kaniyang kaluguran ay magiging sa pagkatakot
sa Panginoon: at hindi siya hahatol ng ayon sa paningin ng kaniyang mga mata, ni
sasaway man ng ayon sa pakinig ng kaniyang mga tainga:
Kundi hahatol
siya ng katuwiran sa dukha, at sasaway na may karampatan dahil sa mga maamo sa
lupa: at sasaktan niya ang lupa ng pamalo ng kaniyang bibig, at ng hinga ng
kaniyang mga labi ay kaniyang papatayin ang masama.
Isaias 11:2-4 (TAB)
Kaya si Maestro Eraño M. Evangelista ay ibinibigay ang kanyang nga pahayag
ayon sa nasusulat sa Banal na Aklat, ang Salita ng Dios.
Ano ang kanyang “pamalo”? Amg pamalong bakal – ang Salita ng Dios.
At katuwiran ang magiging bigkis ng kaniyang baywang, at pagtatapat
ang pamigkis ng kaniyang mga balakang.
At ang lobo ay tatahang kasama
ng kordero, at ang leopardo ay mahihigang kasiping ng batang kambing; at ang
guya, at ang batang leon, at ang patabain na magkakasama; at papatnubayan sila
ng munting bata.
Isaias 11:5-6 (TAB)
Dadalhin ng “Sanga” ang kapayapaan para sa
lahat ng tao.
“munting bata” – ang huling propeta.
At ang baka at ang oso ay manginginain; ang kanilang mga anak ay
mahihigang magkakasiping: at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka.
At ang batang pasusuhin ay maglalaro sa lungga ng ahas, at isusuot ng
batang kahihiwalay sa suso ang kaniyang kamay sa lungga ng ulupong.
Hindi sila magsisipanakit o magsisipanira man sa aking buong banal na bundok:
sapagka't ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng Panginoon, gaya ng tubig na
tumatakip sa dagat.
At mangyayari, sa araw na yaon na ang angkan ni
Isai, na tumatayong pinakawatawat ng mga bayan, hahanapin ng mga bansa; at ang
kaniyang pahingahang dako ay magiging maluwalhati.
At mangyayari, sa
araw na yaon, na ilalapag ng Panginoon uli ang kaniyang kamay na ikalawa upang
mabawi ang nalabi sa kaniyang bayan na malalabi, mula sa Asiria, at mula sa
Egipto, at mula sa Patros, at mula sa Cus, at mula sa Elam, at mula sa Sinar, at
mula sa Amath, at mula sa mga pulo ng dagat.
Isaias 11:7-11 (TAB)
At hanggang saan?
…at mula sa mga pulo ng dagat.
Isaias 11:11 (TAB)
Ito ang ikalawang pagkakataon ng iuunat ng Dios ang Kanyang Kamay gaya sa
panahon noon ni Moises.
At siya'y maglalagay ng pinakawatawat sa mga bansa, at titipunin
niya ang mga tapon ng Israel, at pipisanin ang mga nangalat ng Juda mula sa apat
na sulok ng lupa.
Isaias 11:12 (TAB)
Sa panahon noon ni Moises, ang kanyang baya ay lumabas sa Egipto sa
pamamagitan ng pagtawid sa Dagat na Mapula.
Ano ng “pamalo sa kanyang bibig”? Saan bansa siya manggaling?
Ang mga pulo sa dagat
Kayo'y magsipakinig sa akin, Oh mga pulo; at inyong pakinggan,
ninyong mga bayan, sa malayo: tinawag ako ng Panginoon mula sa bahay-bata; mula
sa bahay-bata ng aking ina ay binanggit niya ang aking pangalan:
Isaias 49:1
(TAB)
Kanino magsasalita ng propeta? Sa malayong bayan sa mga pulo.
“tinawag ako ng Panginoon mula sa bahay-bata” – na siya ay inihayag na noon
pa.
At kaniyang ginawa ang aking bibig na parang matalas na tabak; sa
lilim ng kaniyang kamay ay ikinubli niya ako: at ginawa niya akong makinang na
pana; sa kaniyang lalagyan ng pana ay itinago niya ako:
Isaias 49:2 (TAB)
Ito ang propeta, siya ay reserba lamang, una si Salomon, si Jesus at ngayon
si Maestro Evangelista. Kung ang ibang mga pinili ng Dios ay naganap ang
kanilang misyon, hindi na sana siya kakailanangin.
Ano ang sinabi sa kanya ng Dios?
At sinabi niya sa akin, Ikaw ay aking lingkod; Israel, na siyang
aking ikaluluwalhati.
Nguni't aking sinabi, Ako'y gumawang walang
kabuluhan, aking ginugol ang aking lakas sa wala, at sa walang kabuluhan; gayon
ma'y tunay na ang kahatulan sa akin ay nasa Panginoon, at ang kagantihan sa akin
ay nasa aking Dios.
Isaias 49:3-4 (TAB)
Kaya mula noon nang umpisahan ni Maestro Evangelista ang kanyang Gawain mula
sa Dios, wala siyang hininging kapalit mula kanino man. Ang Dios ang magbibigay
ng kanyang kakailanganin.
At ngayo'y sinasabi ng Panginoon na naganyo sa akin mula sa
bahay-bata upang maging kaniyang lingkod, upang dalhin uli ang Jacob sa kaniya,
at ang Israel ay mapisan sa kaniya: (sapagka't ako'y marangal sa mga mata ng
Panginoon, at ang aking Dios ay naging aking kalakasan;)
Isaias 49:5 (TAB)
Mula nang pinili siya, ang sabi ng Dios:
Oo, kaniyang sinasabi, Totoong magaan ang bagay na ikaw ay naging
aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ng Jacob, at isauli ang iningatan ng
Israel, ikaw ay aking ibibigay na pinakailaw sa mga Gentil upang ikaw ay maging
aking kaligtasan hanggang sa wakas ng lupa.
Isaias 49:6 (TAB)
“Totoong magaan ang bagay” – Ang Gawain ng propeta ay hindi nga ganoon
kahirap, dahil uulitin at ipararating ang Mensahe ng Dios sa mga tao sa buong
mundo, kung maniniwala man sila o hindi.
“ikaw ay aking ibibigay na pinakailaw sa mga Gentil” – siya ang magbibigay ng
pag-asa sa lahat ng tao, ang patnubayan sila patungo sa Dios, sa pagpapakilala
ng Pangalan ng Dios, at upang tumawag ang lahat ng tao sa Pangalan ng Dios.
Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Manunubos ng Israel, na kaniyang
Banal, doon sa hinahamak ng tao, doon sa kinayayamutan ng bansa, sa lingkod ng
mga pinuno, Ang mga hari at ang mga pangulo, ay mangakakakita at magsisibangon,
at sila'y magsisisamba; dahil sa Panginoon na tapat, sa Banal ng Israel, na
siyang pumili sa iyo.
Isaias 49:7 (TAB)
Kikilalanin din siya ng lahat sa kapanahunan, kailan?
Ganito ang sabi ng Panginoon, Sa kalugodlugod na panahon ay sinagot
kita, at sa araw ng pagliligtas ay tinulungan kita: at aking iningatan ka, at
ibibigay kita na pinakatipan sa bayan, upang ibangon ang lupain, upang ipamana
sa kanila ang mga sirang mana;
Isaias 49:8 (TAB)
May panahon ng kaganapan ng mga pahayag. Ang gagawin lamang ni Maestro
Evangelsita ay ang maghintay hanggang siy ay sabihan ng Dios na gawin na..
Na nagsasabi sa kanilang nangabibilanggo, Kayo'y magsilabas; sa
kanilang nangasa kadiliman, Pakita kayo. Sila'y magsisikain sa mga daan, at ang
lahat na luwal na kaitaasan ay magiging kanilang pastulan.
Isaias 49:9 (TAB)
“nangabibilanggo” – dahil iginapos tayo ng mga relihiyon.
“nangasa kadiliman” – na naloloko rin naman tayo nila.
Ito ang panahon ng kasaganaan na ang mga tao ay nakalaya na sa mga relihiyon.
Sila'y hindi mangagugutom, o mangauuhaw man; at hindi man sila
mangapapaso ng init, o ng araw man: sapagka't siyang may awa sa kanila ay
papatnubay sa kanila, sa makatuwid baga'y sa tabi ng mga bukal ng tubig ay
papatnubayan niya sila.
Isaias 49:10 (TAB)
Ito ang mga pagpapala na ibibigay sa mga malalabi (ang mga didinig sa Mensahe
at kikilala sa Dios).
At aking gagawing daan ang lahat ng aking mga bundok, at ang aking
mga lansangan ay patataasin.
Narito, ang mga ito'y manggagaling sa
malayo; at, narito, ang mga ito ay mula sa hilagaan, at mula sa kalunuran; at
ang mga ito ay mula sa lupain ng Sinim.
Isaias 49:11-12 (TAB)
Manggagaling ang mga nalabi mula sa lahat ng dako ng mundo, darating sila at
makikita ang huling propeta at dinggin ang kanyang mga pahayag.
Ikaw ay umawit, Oh langit; at magalak, Oh lupa; at kayo'y biglang
magsiawit, Oh mga bundok: sapagka't inaliw ng Panginoon ang kaniyang bayan, at
mahahabag sa kaniyang nagdadalamhati.
Nguni't sinabi ng Sion,
Pinabayaan ako ni Jehova, at nilimot ako ng Panginoon.
Malilimutan ba
ng babae ang kaniyang batang pasusuhin; na siya'y hindi mahahabag sa anak ng
kaniyang bahay-bata? oo, ito'y makalilimot, nguni't hindi kita kalilimutan.
Isaias 49:13-15 (TAB)
Mangyayari ang mga pahayag ng Dios.
Narito aking inanyuan ka sa mga palad ng aking mga kamay; ang iyong
mga kuta ay laging nangasa harap ko.
Ang iyong mga anak ay
mangagmamadali; ang mga manghahamak sa iyo at ang sumisira sa iyo ay aalis sa
iyo.
Isaias 49:16-17 (TAB)
Kapag nangyari na ito, malalaman na nalalapit na ang kaganapan ng mga
pahayag.
Imulat mo ang iyong mga mata sa palibot, at tingnan mo: lahat ng
mga ito ay nagpipipisan, at naparirito sa iyo. Buhay ako, sabi ng Panginoon,
ikaw ay mabibihisan ng lahat ng mga yaon, na parang pinakagayak, at mabibigkisan
ka ng mga yaon na parang isang kasintahang babae.
Sapagka't tungkol sa
iyong mga sira at sa iyong mga gibang dako at sa iyong lupain na nawasak, tunay
na ikaw ngayon ay magiging totoong napakakipot sa mga mananahan, at silang
nagsisisakmal sa iyo ay mangalalayo.
Isaias 49:18-19 (TAB)
Sila ang magiging bayan ng Dios.
Ang mga anak ng inyong kapanglawan ay mangagsasabi pa sa iyong mga
pakinig, Ang dako ay totoong makipot sa ganang akin: bigyan mo ako ng dako upang
aking matahanan.
Kung magkagayo'y sasabihin mo sa iyong sarili, Sinong
nanganak ng mga ito sa akin, dangang nawalan ako ng aking mga anak, at ako'y
nagiisa, tapon, at lumalaboy na paroo't parito? at sinong nagpalaki ng mga ito?
Narito, ako'y naiwang magisa; mga ito, saan nangandoon?
Ganito ang
sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking ikakaway ang aking kamay sa mga bansa, at
itatayo ko ang aking watawat sa mga bayan; at sila'y kakalong ng iyong mga anak
na lalake sa kanilang sinapupunan, at ang iyong mga anak na babae ay papasanin
ng kanilang mga balikat.
Isaias 49:20-22 (TAB)
Ito ang panahon na ang mga lalake at mga babae ay magiging magkapantay sa
harap ng Dios.
At mga hari ang magiging iyong mga taga kandiling ama, at ang
kanilang mga reina, ay iyong mga taga kandiling ina: sila'y magsisiyukod sa iyo
ng kanilang mga mukha sa lupa, at hihimuran ang alabok ng inyong mga paa: at
iyong makikilala, na ako ang Panginoon, at ang nangaghihintay sa akin ay hindi
mangapapahiya.
Isaias 49:23 (TAB)
Ito ang panahon na ang mga pinuno ng mga bansa sa buong mundo ay kikilalanin
ang huling propeta at kanilang igagalang siya at makikinig sa kanya.
Makukuha baga ang huli sa makapangyarihan, o maliligtas ang mga
talagang nabihag?
Nguni't ganito ang sabi ng Panginoon, Pati ng mga
bihag ng makapangyarihan ay kukunin, at ang huli ng kakilakilabot ay maliligtas;
sapagka't ako'y makikipaglaban sa kaniya na nakikipaglaban sa iyo, at aking
ililigtas ang iyong mga anak.
At aking pakakanin silang nagsisipighati
sa iyo ng kanilang sariling laman; at sila'y mangalalango ng kanilang sariling
dugo, na gaya ng matamis na alak: at makikilala ng lahat ng tao, na akong
Panginoon ay iyong Tagapagligtas, at iyong Manunubos, na Makapangyarihan ng
Jacob.
Isaias 49:24-26 (TAB)
Ito ang pangako o ang pahayag, na makikilalang lubos at tunay ng lahat ang
God. Kung hindi tayo at kikilalanin ang Dios, hindi tayo makakapasok o
makakabalik sa Halamanan ng Eden. Masusumpa tayo magpakailanman.
Saan manggagaling ang Pangalan ng Dios?
Narito, ang pangalan ng Panginoon ay magmumula sa malayo, na
nagniningas ng kaniyang galit, at nasa umiilanglang na salimuot na usok: ang
kaniyang mga labi ay puno ng pagkagalit, at ang kaniyang dila ay gaya ng
mamumugnaw na apoy:
Isaias 30:27 (TAB)
Ang Pangalan ay manggagaling sa “malayo”… hindi na sa lupain ng Kanyang
dating bayan. Sino ang may dala ng Pangalan mula sa “malayo”?
Bukod dito'y tungkol sa taga ibang lupa, na hindi sa iyong bayang
Israel, pagka siya'y magbubuhat sa isang malayong lupain dahil sa iyong
pangalan;
I Hari 8:41 (TAB)
Siya ay isang “taga ibang lupa” – isang Gentil.
(Sapagka't kanilang mababalitaan ang iyong dakilang pangalan, at ang
iyong makapangyarihang kamay, at ang iyong unat na bisig:) pagka siya'y paririto
at dadalangin sa dako ng bahay na ito;
I Hari 8:42 (TAB)
Binigyan ba ng Dios ang “taga ibang lupa” ng buong kapangyarihan at
kapahintulutan?
Dinggin mo nga sa langit na iyong tahanang dako, at gawin mo ang
ayon sa lahat na idalangin sa iyo ng taga ibang lupa; upang makilala ng lahat ng
mga bayan sa lupa ang iyong pangalan, upang matakot sa iyo, gaya ng iyong bayang
Israel, at upang kanilang makilala na ang bahay na ito na aking itinayo ay
tinatawag sa pamamagitan ng iyong pangalan.
I Hari 8:43 (TAB)
Saang lupain manggagaling ang “taga ibang lupa”? Saang “malayong lupain”?
Magsitahimik kayo sa harap ko, Oh mga pulo; at mangagbagong lakas
ang mga bayan: magsilapit sila; saka mangagsalita sila; tayo'y magsilapit na
magkakasama sa kahatulan.
Isaias 41:1 (TAB)
Saan sa mga pulo?
Sinong nagbangon ng isa na mula sa silanganan, na kaniyang tinawag
sa katuwiran sa kaniyang paanan? siya'y nagbigay ng mga bansa sa harap niya, at
pinagpuno niya siya sa mga hari; kaniyang ibinibigay sila na parang alabok sa
kaniyang tabak, na parang pinaspas na dayami sa kaniyang busog.
Isaias 41:2
(TAB)
Ang huling propeta ay manggagaling sa silanganan, sa mga pulo dagat – ang
Pilipinas, at ang dala niya ay Katwiran.
“siya'y nagbigay ng mga bansa sa harap niya” – ito ang kanyang magiging
Gawain, ang turuan ang mga tao sa mundo ng tunay na aral tungkol sa Dios at ng
Kanyang Mga Kautusan.
Kaniyang hinahabol sila, at nagpatuloy na tiwasay, sa makatuwid
baga'y sa daan na hindi niya dinaanan ng kaniyang mga paa.
Sinong
gumawa at yumari, na tumawag ng mga sali't saling lahi mula ng una? Akong
Panginoon, ang una, at kasama ng huli, ako nga,
Isaias 41:3-4 (TAB)
Ang Dios ay laging nasa sa Kanyang mga propeta, ang mga naging masunurin at
matapat sa Kanyang mga ipinaguutos.
Nakita ng mga pulo, at nangatakot; ang mga wakas ng lupa ay
nagsipanginig: sila'y nagsilapit, at nagsiparito.
Isaias 41:5 (TAB)
Ito ang panahon ng pagdating at pagpapakilala ng propeta (si Maestro Eraño M.
Evangelista).
Sila'y tumutulong bawa't isa sa kaniyang kapuwa; at bawa't isa'y
nagsasabi sa kaniyang kapatid, Ikaw ay magpakatapang.
Sa gayo'y
pinalalakas ang loob ng anluwagi ang panday-ginto, at ng pumapatag ng pamukpok
ang pumupukpok ng palihan, na sinasabi tungkol sa paghinang, Mabuti, at kaniyang
inilalapat ng mga pako, upang huwag makilos.
Isaias 41:6-7 (TAB)
Sasabihin ng Dios ang Kanyang Mensahe:
Nguni't ikaw, Israel, lingkod ko, Jacob na siyang aking pinili, na
binhi ni Abraham na aking kaibigan;
Isaias 41:8 (TAB)
Pinili ng Dios si Jacob na maging “Israel”.
Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita
mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking
pinili ka at hindi kita itinakuwil;
Isaias 41:9 (TAB)
Nagbigay ng mga pangitain ang Dios kay Maestro Evangelista:
Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang
manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking
tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.
Isaias
41:10 (TAB)
Ano ang dala ni Maestro Evangelista paras a sangkatauhan? Katwiran – ang
“karunungan at kaunawaan”. Ipakikita niya sa atin ang paraan upang tayo ay
maging matuwid sa mata ng Dios at ng mga tao.
Narito, silang lahat na nangagagalit sa iyo ay mangapapahiya at
mangalilito: silang nangakikipaglaban sa iyo ay papanaw at mangapapahamak.
Isaias 41:11 (TAB)
Huwag magpakita ng awa. Ang lahat ng magpangayupapà (nangmamaliit) sa atin ay
mapapahiya, dahil sila ay makikitang mga sinungaling tungkol sa tunay na mga
aral ng Dios.
Iyong hahanapin sila, at hindi mo mangasusumpungan, sa makatuwid
baga'y silang nangakikipaglaban sa iyo: silang nakikipagdigma laban sa iyo ay
papanaw, at gaya ng bagay ng wala.
Sapagka't akong Panginoon mong Dios,
ay hahawak ng iyong kanang kamay, na magsasabi sa iyo, Huwag kang matakot; aking
tutulungan ka.
Isaias 41:12-13 (TAB)
Walang makakatayo na lalaban sa tunay na aral ng Dios. Ang buong mundo ay
naloko at sa dami at laki ng mga relihiyon sa kasalukuyan, gaano ang pinili kung
ihahambing sa kanila?
Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at kayong mga tao ng
Israel; aking tutulungan ka, sabi ng Panginoon, at ang iyong Manunubos ay ang
Banal ng Israel.
Isaias 41:14 (TAB)
May dalawang Jacob, ang “unang Jacob” na tinawag na Israel, at ngayon si
Maestro Evangelista ay tinawag na “uod na Jacob”, dahil siya ay sinugo upang
ipahayag ang katotohanan tungkol sa Dios, ng Kanyang Mga Kautusan at ng Kanyang
mga pahayag sa mga tao sa mundo sa ating panahon.
Narito, aking ginawa kang bagong kasangkapang panggiik na matalas
na may mga ngipin; iyong gigiikin ang mga bundok, at didikdiking durog, at iyong
gagawin ang mga burol na parang ipa.
Iyong pahahanginan, at tatangayin
ng hangin, at pangangalatin ng ipoipo: at ikaw ay magagalak sa Panginoon, ikaw
ay luwalhati sa Banal ng Israel.
Isaias 41:15-16 (TAB)
Gaganapin ng Dios ang lahat ng Kanyang ipinangako. Ang kaganapan ng mga
pahayag ay malapit na.
Magsisi at bumalik sa Dios!
Bumalik sa Itaas.
Mgpatuloy sa:
Ang Pagbabautismo ng Tubig
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Monday November 23, 2015
|