Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Ang Pinagmulan ng
Pagbabaustismo
Hinggil sa Manloloko
at Naloloko
Kanino higit na napopoot ang Panginoong Dios?
Revealed October 10, 2011
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
Sa loob ng mahabang
panahon ay itinanim na sa ating mga kaisipan ng mga tagapagturo ng
iba’t-ibang simbahan at mga relihiyon na kamuhian ang diablo o ahas sa
pandaraya nito kina Adan at Eba sa Halamanan ng Eden, sa Aklat ng
Genesis ng Banal na Aklat. Nguni't nakalimutan nila na ikwento sa atin
ang tunay na kasaysayan sa Halamanan ng Eden.
Sa Halaman ng Eden,
sinabihan ng Dios si Adan na makakain niya lahat ang mga bunga ng mga
punoy-kahoy roon nguni’t sa isang puno sa gitna ng Halamanan ay hindi
niya dapat kainin. Nilalang si Eba, at siya ang tinukso ng Diablo, at
napasunod din niya si Adan na kumain ng iinagbawal na bunga. Sino ang
dapat na sundin nina Adan at Eba, ang Dios o ang ahas?
Nguni’t nagawang kainin
ang ipinagbawal sa kanila, sinuway nila ang Dios. Sa naganap na
pagsuway nina Adan at Eba sa Dios dahil sa panloloko ng diablo o ahas,
sila ang pinalayas ng Dios sa Halamanan at pinarusahan pa ng kamatayan!
Samantala ang ahas naman ay hindi pinalayas nguni’t pinagapang lamang
bilang kaparusahan at hindi pinatay! Bakit ganoon?
Kung uunawaing mabuti,
higit ang parusa ng Dios kina Adan at Eba na nagpaloko kaysa sa ahas na
nanloko sa kanila. Binigyan na sila ng Dios ng sariling pagiisip, mata,
tainga at kung anu-ano pa at lahat ng kakailanganin nila sa Halamanan,
at pinaalalahanan pa na huwag kainin ang nag-iisang bunga na tinukoy
baka sila mamatay, at naniwala sa mungkahi o panloloko ng ahas na kainin
ang ipinagbawal na bunga at hindi sila mamamatay… kinain nila, sumunod
sa ahas o hindi? Kaya, pinalayas sila ng Dios sa Kanyang harapan at mula
sa Halamanan!
Higit ang galit ng Dios
sa mga nagpapaloko, dahil alam na nila na magagalit ang Dios kapag
sinuway nila Siya, nguni’t sinuway pa nila Siya dahil lamang sa pangako
na ibinigay ng ahas o ng manloloko.
Ang trabaho ng manloloko
ay ang manloloko gn iba; gaya ng ahas o ng diablo, ang gawain niya ay
ang manloko, gaya ng ginawa niya kina Adan at Eba. Nabubuhay ang
manloloko dahil may naloloko siya, nguni’t kung hindi nagpaloko sina
Adan at Eba, mawawalan ng silbi ang manloloko, dahil hindi niya maloloko
ang dalawa.
Kaya nga makatwiran ang
ginawang pagpapalayas kina Adan at Eba, hindi nila ginamit ang kanilang
angking talino at unawa, at sinuway nila ang Dios dahil lamang sa salita
at pangako ng ahas ng walang kamatayan na kanilang pinaniwalaan na tutuo.
Gayondin naman sa
kasalukuyang panahon natin; napapanood, napapakinggan, at nababasa natin
sa mga balita na parami nang parami ang mga namamatay na tao sa
iba’t-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng mga kalamidad, pagbabago
ng pahahon, kasakunaan, kagutuman, pagsasalot, kahirapan, digmaan, at
iba pang mga kaguluhan.
Itinatanong natin sa
ating mga sarili: Bakit pinapayagan ng Dios na danasin natin ang
ganitong mga uri ng paghihirap? Ibig sabihin ba nito na tayo rin ay
pinarurusahan ng Dios hanggang sa kasalukuyan?
At kung ang dinaranas
natin ngayon ay halos katulad ng mga dinanas nina Adan at Eva, na walang
kaligtasan at biyaya mula sa Dios, hindi kaya tayo nadaya rin ng ahas o
ng Diablo gaya nila?
Papaano tayo nadadaya pa
sa panahong kasalukuyan?
Gamitin lang natin ang
ating unawa, nakikita natin kapag may dumating na mga kalamidad at mga
kaguluhan, ang mga relihiyon ay magsasabi na ang lahat ay humingi ng
tulong sa Dios upang maalpasan ang mga kalamidad na hinaharap sa
kasalukuyan.
Dinidinig ba ng Dios ang ating mga panalangin? Tumigil ba yung mga kalamidad? Hindi, lalo pang
lumulubha. Ibig sabihin, yung mga panalangin ng lahat, kasama na ang mga
panalangin din ng mga relihiyon ay hindi dinidinig ng Dios.
Bakit?
Ang sabi ni Maestro
Evangelista: Kapag tayo ay nahaharap sa mga kalamidad at ng iba’t-ibang
uri ng paghihirap at mga kaguluhan, tinuturuan tayo ng mga relihiyon na
tumawag sa ngalan ni Jesus upang makatanggap ng kaligtasan, na alam na
natin noon pa man na bago siya mamatay sa pagkapako sa krus ay sumigaw
pa ng “Dios ko! Dios ko! Bakit mo ako pinabayaan?”
Si Jesus na sumigaw na
pinabayaan siya ng Dios na mamatay sa krus, pagkatapos tinuturuan tayo
ng mga relihiyon na humihingi ng kaligtasan at tulong kay Jesus; sa
tingin ninyo hindi kaya tayo ay niloloko rin ng mga relihiyon?
Halimbawa, may nakita
tayong isang taong hinampas, pinahirapan at namatay pa na umamin na
pinabayaan siya ng Dios, at may darating na isa pang tao na magtuturo at
magsasabi na ang taong hinampas at pinatay na iyon ay ang ating
tagapagligtas at sa kanya tayo humingi ng tulong, malinaw na niloloko na
tayo ng taong tagapagturo na iyon!
At sa kasalukuyan iyan
ang paniniwala ng higit na karamihan sa atin, napaniwala ng mga
tagapagturo ng mga relihiyon na ang mga tao na tumawag kay Jesus bilang
tagapagligtas ng lahat. Isang kahangahangang panloloko o kasinungalingan
na ginawa ng Diablo o ahas at ng kanyang mga alagad!
At dahil tayo’y
nagpadaya sa kanila, hindi ba’t makatwiran lang na parusahan din tayo ng
Dios?
Kaya ang ang mga tao sa
buong mundo sa kasalukuyan ay dumaranas ng matitinding mga paghihirap
sanhi ng panlolokong ito. Isinumpa o pinarurusahan tayo ng Dios!
Wala tayong maaring
sisihin kundi sarili rin natin sa dinaranas natin ngayon, dahil
nagpaloloko tayo at naniwala sa mga itinuro ng mga relihiyon na puno ng
mga kasinungalingan at pandaraya! Hindi natin ginamit ang ating talino
at unawa, basta na lamang naniwala sa mga maling turo ng mga relihiyon.
Nangangahulugan din na
kaya rin nating palayain ang ating mga sarili sa panloloko sa
pamamagitan ng pagbubukas ng ating mga pangunawa sa mga tunay na aral ng
Dios na nasusulat sa Banal na Aklat na inihahayag ni Maestro Evangelista
sa website na ito.
Bumalik sa
Itaas.
Magpatuloy sa:
Tungkol sa "Ikasampung Bahagi" o Tithes
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Monday November 23, 2015
|