Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Digmaan sa Gitnang Silangan
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
Kung hindi didinggin ng mga tao ang panawagan ng Dios?
Ano ang mangyayari?
Inihayag noong ika-24 ng Setyembre 2006
Ano ang sabi ng Dios hinggil sa
mga taong hindi didinggin ang Kanyang Salita?
Ano ang mangyayari?
Hanggang kailan
kayong mga musmos, magsisiibig sa inyong kamusmusan? At ang mga nanunuya ay
maliligaya sa panunuya, at ang mga mangmang ay mangagtatanim sa kaalaman?
Magsibalik kayo sa aking saway: narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa
inyo.
Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi: aking iniunat ang aking kamay,
at walang makinig;
Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo, at hindi ninyo inibig ang
aking saway:
Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan: ako'y manunuya pagka
ang inyong takot ay dumarating;
Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo. At ang inyong
kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo; pagka ang hirap at hapis ay
dumating sa inyo.
Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot; hahanapin
nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan:
Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman, at hindi pinili ang takot sa
Panginoon.
Kawikaan 1:22-29 (TAB)
Ito ang huling panawagan ng Dios sa mga tao.
"ang takot sa Panginoon" - Ano ang ibig sabihin nito?
Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula
ng karunungan: at ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan.
Kawikaan 9:10 (TAB)
Dapat mong kilalanin ang
kinakatakutan mo, kung hindi, wala rin iyon. Bakit kaunawaan?
Karunungan ay pinaka pangulong bagay;
kaya't kunin mo ang karunungan: Oo, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang
unawa.
Kawikaan 4:7 (TAB)
Dapat ay magkaroon din tayo ng Kaunawaan. Nawala ito nang inilagay natin ang ating pananalig
sa mga relihyon at sa isang paniniwala
na nagpababahabahagi sa ating lahat.
Bakit ngayon lang? Ang sagot ni Maestro
Evangelista:
At ang Panginoon ay sumagot sa akin, at
nagsabi, Isulat mo ang pangitain, at iukit mo na malinaw sa mga tapyas na
bato upang makatakbo ang bumabasa niyaon.
Sapagka't ang pangitain ay sa panahong takda pa, at nagmamadali sa
pagkatapos, at hindi magbubulaan: bagaman nagluluwat ay hintayin mo;
sapagka't walang pagsalang darating, hindi magtatagal.
Habakkuk 2:2-3 (TAB)
Ang panahon na sinabi noon ng mga
propeta ay malapit na.
Sa mga taong sumusubaybay sa mga
pahayag ni Maestro Evangelista, mayroon rin kayong gagampanan sa Dakilang
Pahayag ng Dios. Ito ang panawagan ng Dios sa inyo upang ipaalam sa mga pinuno
ng mga bansa at paniniwala na pakinggan ang sasabihin ni Maestro Evangelista,
ang huling sugo, sa ngalan ng Dios.
Marami pang mga kasakunaan, digmaan,
kagutuman at pagsasaot na darating pa, hanggang sa tayo ay masupil o madaig.
Ito ang panahon o
"kaarawan" na mananawagan tayo
sa Dios. Sa anong Pangalan natin tatawagan Siya, na siyang nasa itaas!
Bumalik sa Itaas.
Magpatuloy sa:
Ikalimang Bahagi: Iba pang mga Pahayag ng "Taga Ibang Lupa" ng Dios
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Wednesday May 28, 2014
|