www.thename.ph

www.suurinimi.com

The Revelation of the Great Name of God

and of the Testimony of Jesus, and the New City of God, the New Jerusalem and the Coming of the Foreigner of God


"Generations come and generations go, but the earth remains forever." - Ecclesiastes 1:4 (NIV)

The world will not end, it will have a new beginning. One people, one world and One God.

The LORD will be king over the whole earth. On that day there will be one LORD, and his name the only name. Zechariah 14:9 (NIV)

The Name of God Revealed (NIV) | The Name of God Revealed (Tanakh) | The Testimony of Jesus | The Coming of the Foreigner 

Language versions:

English

Filipino

Finnish



Home - TheName.Ph
About
News
Sitemap
Email
Part 1: The Revelations
 Introduction
 
Introduction 2
 
The Condition of the World

 The Root Cause of Divisions

 The Greatest Deception

 The Name of God - Tanakh
Part 2: The Real Jesus
 The Testimony of Jesus
 
Are we cursed?
 
The Curse of God
 
Blessing & Curse
 
Who was Jesus?
 
A Short Story of Maestro
 
The Prophecy of God
 
The “Son” of David?
 
Will give one tribe
 
The Great Pretender
 
The Bright Morning Star
 
The Power of Jesus
 
The Deception of Jesus
 
Regarding Sins
 
The Deception of Satan
 
Did Jesus live again?
 
About The "Third Day"
 
The Reason Of It All
Part 3: The Name of God
 The Great Name of God
 
The Name of God - Tanakh

 Salvation in the Name of God 
 
The Promise of God
 
Authority of the Prophets
 
Visions of the Prophets
 
The Blessing and The Curse
 
The Commandments of God
 
The Counselor of Jesus
 
Jesus without Sin?
 
The Word became flesh
 
The Suffering Servant
 
Prophecy of Good against Evil
 
The Beast in the Holy Bible
 
The Great and Dreadful Day
 
End of Satan's Reign on Earth
Part 4: The Revelations
 The Coming of the Foreigner
 
The Sign of the "Day of the Lord"
 
The Curse on Babylon
 
Events that will happen soon
 
The Middle East Wars
 
What if the People will not heed?

 Part 5: Other Revelations
 Cherub in the Garden of Eden
 
Baptism by Water
 
Regarding the Origin of Baptism
 
Deceivers and Deceived

 Concerning tithes
 
Of Rites and Offerings
 
Of Prayers and vows
 
The Food that We should Eat
 
The Tree of Life
 
Be fruitful and increase


Unang Pahina - TheName.Ph

Tungkol sa Website
Mga Balita

Sitemap
Email
Unang Bahagi: Mga Pahayag
 Paunang Salita
 
Paunang Salita 2
 
Ang Kalagayan ng Mundo
Ikalawang Bahagi: Si Jesus
 Ang Patotoo ni Jesus
 
Tayo Ba Ay Nasumpa?
 
Ang Sumpa ng Dios
 
Pagpapala At Sumpa
 
Sino si Jesus?
 
Maikling Kasaysayan - Maestro
 
Ang Pahayag ng Dios
 
Ang Binhi ni David
 
Kundi ibibigay ko ang isang lipi

 Ang Dakilang Mapagpanggap
 
Maningning na Tala sa Umaga
 
Ang Kapangyarihan ni Jesus
 
Panlilinlang ni Jesus
 
Tungkol sa Kasalanan
 
Panglilinlang ni Satanas
 
Jesus, nabuhay muli?
 
Ang "Ikatlong Araw"
 
Ang Dahilan ng Lahat
Ikatlong Bahagi: Ang Pangalan
 Ang Dakilang Pangalan ng Dios
 
Pagliligtas sa Pangalan ng Dios  
 
Ang Pangako ng Dios
 
Ang Karapatan ng mga Propeta
 
Mga Pangitain ng mga Propeta
 
Ang Pagpapala at Ang Sumpa
 
Ang mga Kautusan ng Dios
 
Ang Mangaaliw ni Jesus
 
Si Jesus, walang pagkakasala?
 
Ang Verbo - Si Jesus?
 
Ang Abang Lingkod
 
Mabuti Laban sa Masama
 
Ang "Hayop" Sa Banal na Aklat
 
Ang "Kaarawan ng Panginoon"
 
Ang Wakas ni Satanas
Ikaapat na Bahagi: Mga Pahayag
 Ang Taga Ibang Lupa
 
Ang Sumpa sa Babilonia
 
Ang mga Magaganap na madali
 
Digmaan sa Gitnang Silangan
 
Kung hindi pakikinggan?

Ikalimang Bahagi: Mga Pahayag
 Ang Kerubin ng Dios
 
Ang Pagbabautismo ng Tubig
 
Ginaya ng Pagbabaustismo

 Hinggil sa Manloloko at Naloko

 Tungkol sa Pag-abuloy
 
Pagdiriwang at Pagaalay
 
Pananalangin at Pagpapanata
 
Hinggil sa Pagkain

 Ang Punong Kahoy ng Buhay

 Kayo'y magpalaanakin...


Unang Pahina | Tungkol sa site | Balita | Sitemap | Email

 

Ang "Hayop" Sa Aklat ng Apokalipsis

 

Basahin ang Pahinang ito sa Ingles.

 

ANG DAKILA AT KAKILAKILABOT NA KAARAWAN NG PANGINOON

Inihayag noong ika-29 ng Oktubre taong 2008

 

Ang sabi ni Maestro Evangelista, papalapit na tayo sa “Kaarawan ng Panginoon.”

 

Anong uri ba ng araw ang tinutukoy na ito? Ito ba ay isang kalugod-lugod na araw, mabuti ba ito sa mga hindi nakakakilala sa Pangalan ng Dios?

 

Basahin natin sa Banal na Aklat:

Sa aba ninyo na nangagnanasa ng kaarawan ng Panginoon! bakit ninyo ninanasa ang kaarawan ng Panginoon? kadiliman nga, at hindi kaliwanagan.
Amos 5:18 (TAB)

Ang mga tao sa mundo, ang mga relihiyon at ang mga pantas ay hinihintay ang araw na ito. Ang sabi nila ito raw ang simula ng araw ng pagbabalik ni Jesus. Nguni’t taliwas sa kanilang inaasahan, ito ay kaarawan ng pag-aalangan.

 

Bakit?

Gaya ng kung ang tao ay tumatakas sa leon, at isang oso ang sumasalubong sa kaniya; o pumapasok sa bahay at ikinakapit ang kaniyang kamay sa pinid, at isang ahas ang tumutuka sa kaniya.
Amos 5:19 (TAB)

Ito ay kaarawan na mapanganib, hindi araw ng kagalakan na inaasahan ng lahat. Ang kaarawan ng kapanganiban.

Hindi baga magiging kadiliman ang kaarawan ng Panginoon, at hindi kaliwanagan? na totoong madilim, at walang ningning?
Amos 5:20 (TAB)

“kadiliman” – Bakit? Ang sabi ni Maestro Evangelista, ito ay maipapalinawag sa Aklat ni Joel.

 

Isipin ninyo ang mga kasakunaan at mga ligalig sa buong mundo sa kasalukuyan – ang mga pahayag ay nalalapit na sa kanilang kaganapan!

 

Ano ba ang “Kaarawan ng Panginoon” ayon sa nakasulat sa Aklat ni Joel sa Lumang Tipan?

Ang iniwan ng tipaklong, ay kinain ng balang; at ang iniwan ng balang ay kinain ng uod; at ang iniwan ng uod ay kinain ng kuliglig.
Joel 1:4 (TAB)

Ito ang paunang mensahe. Sino ang unang daratnan ng ganitong mga kasakunaan?

Magsibangon kayo, kayong mga manglalasing, at magsiiyak kayo; at manambitan kayo, kayong lahat na manginginom ng alak, dahil sa matamis na alak; sapagka't nahiwalay sa inyong bibig.
Sapagka't isang bansa ay sumampa sa aking lupain, malakas at walang bilang; ang kaniyang mga ngipin ay mga ngipin ng leon, at siya'y may bagang ng malaking leon.
Kaniyang iniwasak ang aking puno ng ubas, at ibinagsak ang aking puno ng igos: kaniyang tinalupang malinis at inihagis; ang mga sanga niyao'y naging maputi.
Managhoy ka na parang babaing nabibigkisan ng kayong magaspang dahil sa asawa ng kaniyang kabataan.
Ang handog na harina at ang inuming handog ay nahiwalay sa bahay ng Panginoon; ang mga saserdote, ang mga tagapangasiwa ng Panginoon, ay nangananangis.
Ang bukid ay sira, ang lupain ay nahahapis; sapagka't ang trigo ay sira, ang bagong alak ay tuyo, ang langis ay kulang.
Mangahiya kayo, Oh kayong mga mangbubukid, manambitan kayo, Oh kayong mga maguubas, dahil sa trigo at dahil sa cebada; sapagka't ang pagaani sa bukid ay nawala.
Ang puno ng ubas ay natuyo, at ang puno ng higos ay nalalanta; ang puno ng granada, ang puno ng palma ay gayon din at ang puno ng manzanas, lahat ng punong kahoy sa parang ay tuyo; sapagka't ang kagalakan ay nawala sa mga anak ng mga tao.
Joel 1:5-12 (TAB)

Ang mga tao sa buong mundo ay hindi makahanap ng kagalakan sa ating kasalukuyang panahon. Magkakaroon ng mga pagkakatuyot at mga kagutuman sa mga lupain, kasakunaan at kapahamanakan.
 
At sinu-sino ang isusunod? May makakaalpas ba?

Mangagbigkis kayo ng kayong magaspang, at magsipanaghoy kayong mga saserdote; manambitan kayo, kayong mga tagapangasiwa ng dambana; halikayo, magsihiga kayo magdamag sa kayong magaspang, kayong mga tagapangasiwa ng aking Dios: sapagka't ang handog na harina at ang inuming handog ay nahiwalay sa bahay ng inyong Dios.
Joel 1:13 (TAB)

Kahit ang mga relihiyon ay hindi makakaalpas sa mabangis na galit ng Dios; ang kanilang mga panalangin ay hindi didinggin.

Mangaghayag kayo ng ayuno, magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan, inyong pisanin ang mga matanda at ang lahat na mananahan sa lupain sa bahay ng Panginoon ninyong Dios, at magsidaing kayo sa Panginoon.
Joel 1:14 (TAB)

Ito ang ipinagagawa ng mga relihiyon sa mga tao, magpunta sa mga simbahan at mga templo upang manalangin. At ang mababanggit lang nila ay ang “inyong dios.” Sapagka't ang Pangalan ng Dios ay ngayon pa lang inihahayag ni Maestro Evangelista sa buong mundo sa pamamagitan ng internet.

 

Anong kaarawan nga ito?

Sa aba ng araw na yaon! sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, at darating na parang kagibaan na mula sa Makapangyarihan sa lahat.
Joel 1:15 (TAB)

Hindi nga ba tayo nakakaranas sa kasalukuyang panahon ng mga ito?

Hindi baga ang pagkain ay nahiwalay sa ating mga mata, oo, ang kagalakan at ang kasayahan ay nahiwalay sa bahay ng ating Dios?

Ang mga binhi ay nangabubulok sa kanilang bugal; ang mga kamalig ay nangakahandusay na sira, ang mga imbakan ay bagsak; sapagka't ang trigo ay natuyo.
Joel 1:16-17 (TAB)

Kagutuman at pagkakatuyot, nangyayari na ito sa iba’t-ibang lugar sa mundo!

Ito ang pahayag, papalapit na sa tugatog nito.

Ganyan na lamang ang ungal ng mga hayop! ang mga kawan ng mga hayop ay natitigilan, sapagka't wala silang pastulan; oo, ang mga kawan ng tupa ay nangapahamak.
Oh Panginoon, sa iyo'y dumadaing ako: sapagka't sinupok ng apoy ang mga pastulan sa ilang, at sinunog ng liyab ang lahat na punong kahoy sa parang.
Joel 1:18-19 (TAB)

“apoy” – Hindi ba natin nasaksihan at dinanas ang tungkol sa mga sunog sa mga kagubatan?

Oo, ang mga hayop sa bukid ay nagsisihingal sa iyo; sapagka't ang mga batis ng tubig ay nangatuyo, at sinupok ng apoy ang mga pastulan sa ilang.
Joel 1:20 (TAB)

Ito ang sinasabi ni Maestro Evangelista noon pa tungkol sa mga kasakunaan na ating dinaranas sa kasalukuyang panahon sa buong mundo, kung hindi tayo dumadanas ng “tubig” – ibig sabihin ang mga pagbaha at mga bagyo, dadanas naman tayo ng kasakunaan sa “apoy” – digmaan at paghihirap.

 

Ano ang susunod na mangyayari?

Hipan ninyo ang pakakak sa Sion, at mangagpatunog kayo ng hudyat sa aking banal na bundok; manginig ang lahat na mananahan sa lupain: sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, sapagka't malapit na;
Araw ng kadiliman at ng pagkukulimlim, araw ng mga ulap at ng pagsasalimuot ng dilim, gaya ng liwayway na namumukadkad sa mga bundok; isang malaking bayan at matibay; hindi nagkaroon kailan man ng gaya niyaon, ni magkakaroon pa man pagkatapos ng mga yaon, hanggang sa mga taon ng maraming sali't saling lahi.
Joel 2:1-2 (TAB)

“kadiliman” – Pagka-alangan, puno ng kapanganiban at ng pagkabahala. Ito ang tunay na paglalarawan ng “Kaarawan ng Panginoon.” Ito ay nagsasabi ng mga pangyayari na walang kapara sa kasaysayan ng tao!

Isang apoy ang sumusupok sa harap nila; at sa likuran nila'y isang liyab ang sumusunog: ang lupain ay parang halamanan sa Eden sa harap nila, at sa likuran nila'y isang sirang ilang; oo, at walang nakatanan sa kanila.
Joel 2:3 (TAB)

Ang lahat ay makakaranas nito.

Ang anyo nila ay parang anyo ng mga kabayo; at kung paano ang mga mangangabayo, gayon sila nagsisitakbo.
Joel 2:4 (TAB)

Ito ay digmaan! Magkakaroon ng kagutuman at sa huli ay mga digmaan.

Parang ingay ng mga karo sa mga taluktok ng mga bundok nagsisilukso sila, parang hugong ng liyab ng apoy na sumusupok sa dayami, parang isang matibay na bayan na humahanay sa pagbabaka.
Sa kanilang harapan ay nangahihirapan ang mga bayan; lahat ng mukha ay nangamumutla.
Sila'y nagsisitakbong parang mga malakas na lalake; sila'y nagsisipagalambitin sa kuta na parang mga lalaking mangdidigma; at sila'y nagsisilakad bawa't isa ng kanikaniyang mga lakad, at hindi nila binabago ang kanilang mga hanay.
Joel 2:5-7 (TAB)

Ito ay nangyayari na sa iba’t-ibang lugar sa mundo: mga digmaan at pagpapatayan.

Ni nagtutulakan mang isa'y isa; sila'y lumalakad bawa't isa sa kanikaniyang landas; at sila'y magsisisagupa sa mga almas, at hindi sila malalansag.
Kanilang nilulukso ang bayan; kanilang tinatakbo ang kuta; kanilang pinagaalambitinan ang mga bahay; sila'y nagsisipasok sa mga dungawan na parang magnanakaw.
Ang lupa ay nayayanig sa harap nila; ang langit ay nanginginig; ang araw at ang buwan ay nagdidilim at itinitigil ng mga bituin ang kanilang kislap:
Joel 2:8-10 (TAB)

Ano ang ibig sabihin ng mga ito? Kaninong hukbo ito?

At pinatutunog ng Panginoon ang kaniyang tinig sa harap ng kaniyang hukbo; sapagka't ang kaniyang kampamento ay totoong malaki; sapagka't malakas na nagsasagawa ng kaniyang salita; sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay dakila at totoong kakilakilabot; at sinong makatatahan?
Joel 2:11 (TAB)

Ito ang Kaarawan ng sinasabi ng mga propeta; ang Dios ang darating sa “Araw na yaon!”

Gayon ma'y ngayon, sabi ng Panginoon, magsipanumbalik kayo sa akin ng inyong buong puso, na may pagaayuno, at may pananangis, at may pananambitan:
Joel 2:12 (TAB)

Ito ang Mensahe ng Dios na ibinigay sa mga tao noon sa pamamagitan ng mga propeta: Magsisi at magbalik-loob sa Dios.

At papagdalamhatiin ninyo ang inyong puso, at hindi ang mga damit ang inyong hapakin, at kayo'y magsipanumbalik sa Panginoon ninyong Dios; sapagka't siya'y maawain at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi siya sa kasamaan.
Joel 2:13 (TAB)

Kahit na sa tindi ng mga mangyayari sa “araw” na iyon, kikilalanin tayo ng Dios kung tayo ay magsisisi at magbabalik sa Kaniya. Totoo ba?

Sinong nakakaalam kung siya'y hindi magbabalik-loob, at magsisisi, at magiiwan ng isang pagpapala sa likuran niya, ng handog na harina, at ng inuming handog sa Panginoon ninyong Dios?
Joel 2:14 (TAB)

Ang sabi ni Maestro Evangelista, gaya ng sa panahon ni Jonas, na sinugo ng Dios sa bayan ng Nineveh upang ipaalam ang pagwasak nito; nguni't naging maawain ang Dios sa mga taong bayan, dahil sila ay nagsisi at nagbalik-loob sa Kaniya kahit na sila ay hindi binigyan ng tagubilin na gawin ito.

 

Ngayon, sa ating panahon, may isang taong pumarito, na sinugo ng Dios; si Maestro Evangelista, at ipinakita niya sa atin ang kanyang tanda. May Mensahe ang Dios na ipinararating sa atin. Nababasa na natin dito sa mga pahayag ni Maestro Evangelista ang mga paliwanag ng mga pahayag, nakikita at nararanasan din natin ang sumpa ng Dios, hindi natin Siya nakilala dahil sa panlilinlang at mga kasinungalingan ng mga relihiyon.

 

Ang Mensahe ng Dios ay pakinggan natin ang sinugo (Deuteronomio 18:18-19) upang ating malaman ang paraan kung papaano tayo makapagbabalik-loob sa Dios at tumanggap ng pagpapala at kapahingahan sa mga paghihirap na nararanasan ng buong mundo.

 

May pagkakataon ba na maaaring mangyari na ang Dios ay hindi tuluyang ganapin ang Kanyang sumpa sa atin?
 
Ang sabi ni Maestro Evangelista, kailangan lamang natin na makipag-usap sa kanya at makinig sa kanyang mga pahayag.
 
Kapag nagawa natin ito, dito natin malalaman na siya nga ay tunay na sinugo ng Dios. Magbibigay siya ng payo at mga tagubulin sa lahat ng tao kung papaano makakapagbalik-loob sa Dios at makakatagpo ng lubos na kapayapaan sa mundong ito, wala na ang mga relihiyon.
 
At:

Hipan ninyo ang pakakak sa Sion: magsipangilin kayo ng isang ayuno, magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan;
Tipunin ninyo ang bayan, banalin ang kapisanan, pisanin ang mga matanda, tipunin ang mga bata, at yaong mga pasusuhin; lumabas ang bagong kasal na lalake sa kaniyang silid, at ang bagong kasal na babae sa kaniyang silid.
Manangis ang mga saserdote, ang mga tagapangasiwa ng Panginoon, sa pagitan ng portiko at ng dambana, at kanilang sabihin, Maawa ka sa iyong bayan, Oh Panginoon, at huwag mong ibigay ang iyong bayan sa kakutyaan, na ang mga bansa baga'y magpuno sa kanila: bakit nila sasabihin sa gitna ng mga bayan, Saan nandoon ang kanilang Dios?
Joel 2:15-17 (TAB)

Ito ang isa sa mga dapat gawin ng mga bansa, nguni’t kailangan nilang makilala ang Dios at ang Kanyang Dakilang Pangalan.

 

Binibigyan tayo ng Dios ng pagkakataon, mababasa natin ang tungkol dito mamaya.

 

Magiging maawain ba ang Dios kung magbabalik-loob tayo sa Kaniya?

Noong ang Panginoon ay naging masikap sa kanilang lupain, at nahabag sa kaniyang bayan.
Joel 2:18 (TAB)

Sumasagot ang pahayag ng Dios!

 

“sa kaniyang bayan” – Sinu-sino sila?

At ang Panginoon ay sumagot, at nagsabi sa kaniyang bayan, Narito, ako'y magdadala sa inyo ng trigo, at alak, at langis, at inyong kabubusugan; at hindi ko na gagawin pa kayo na kakutyaan sa gitna ng mga bansa;
Kundi aking ihihiwalay na malayo sa inyo ang hukbo sa hilagaan, at aking itataboy siya sa isang lupaing basal at sira, ang kaniyang unaha'y sa dagat silanganan, at ang kaniyang pinakahuling bahagi ay sa dagat kanluran; at ang kaniyang baho ay aalingasaw, at ang masamang amoy ay iilanglang, sapagka't siya'y gumawa ng mga malaking bagay.
Huwag kang matakot, Oh lupain, ikaw ay matuwa at magalak; sapagka't ang Panginoon ay gumawa ng dakilang mga bagay.
Huwag kayong mangatakot, kayong mga hayop sa parang; sapagka't ang mga pastulan sa ilang ay lumalago, sapagka't ang punong kahoy ay nagbubunga, ang puno ng higos at ang puno ng ubas ay nagbubunga.
Kayo nga'y mangatuwa, kayong mga anak ng Sion, at mangagalak sa Panginoon ninyong Dios; sapagka't kaniyang ibinibigay sa inyo ang maagang ulan sa tapat na sukat, at kaniyang pinalalagpak ang ulan dahil sa inyo, ang maagang ulan at ang huling ulan, sa unang buwan.
At ang mga lapag ay mangapupuno ng trigo, at ang mga kamalig ay aapawan ng alak at langis.
At aking isasauli sa inyo ang mga taon na kinain ng balang, ng uod, at ng kuliglig, at ng tipaklong na siyang aking malaking hukbo, na aking sinugo sa gitna ninyo.
Joel 2:19-25 (TAB)

Tatanggapin natin ang pagpapala, kung magbabalik-loob tayo sa Dios.

At kayo'y magsisikaing sagana, at mangabubusog, at inyong pupurihin ang pangalan ng Panginoon ninyong Dios, na gumawa ng kababalaghan sa inyo; at ang aking bayan ay hindi mapapahiya kailan man.
Joel 2:26 (TAB)

Ito ang pangako ng Dios, at kung hindi natin pakikinggan ang panawagan na ibinibigay sa atin at hindi natin Siya kikilalanin, ang sumpa ay magpapatuloy hanggang sa:

At inyong malalaman na ako'y nasa gitna ng Israel, at ako ang Panginoon ninyong Dios, at wala nang iba; at ang aking bayan ay hindi mapapahiya magpakailan man.
Joel 2:27 (TAB)

Hanggang sa wala na tayong magawa sa mga kasakunaan, digmaan, kagutuman at mga salot na dumarating sa atin.

 

Ang Dios ang ating tanging Tagapagligtas, at wala nang iba!

 

Ilang ulit na itong binabanggit? Tunay na ang Dios ay tiyak sa Kanyang pangako!

 

At kapag nagbalik-loob at kinilala na natin ang Dios?

At mangyayari pagkatapos, na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman; at ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, ang inyong mga matanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip, ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain:
Joel 2:28 (TAB)

Ang Dakilang Pangalan ng Dios ay kikilalanin ng lahat ng tao sa buong mundo.
 
“Espiritu” – ang Salita ng Dios na inihahayag ni Maestro Evangelista.
 
“ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula” – Malalaman natin ang tunay na aral ng Dios na inihayag ng mga propeta noon, makikita at malalaman ng mga tao sa buong mundo ang tunay na kahulugan ng mga pahayag, sa pamamagitan ng pahayag ni Maestro Evangelista.

At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu.
Joel 2:29 (TAB)

Malalaman nating lahat ang Katotohanan, ang aral ng Dios na dala ni Maestro Evangelista. At kung ang lahat ay makakaalam nito, tutungo pa ba sila sa mga relihiyon at mga simbahan? Hindi na kailangan.

 

Hindi na makakapanlinlang ang isang tao ng kapwa niya hinggil sa Dios.

At ako'y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok.
Joel 2:30 (TAB)

Hanggang sa dumating…

 

Ang Kaarawan ng Dios

 

Sasagot ang Dios sa araw na ito… anong uri ang “araw” na ito?

Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.
Joel 2:31 (TAB)

Ano ang tawag sa “kaarawan” na ito?

… ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.
Joel 2:31 (TAB)

Hindi natin maisasalarawan ang mangyayari sa "araw" na yaon.

 

Binigyan tayo ng Dios ng “pagpapala at sumpa,” nguni’t sa kasalukuyan ay tinatanggap natin ang sumpa – na nasa harapan natin at ang Dios ay nagbigay ng panahon na makilala at magbalik-loob sa Kaniya.

 

Kung kikilalanin natin Siya, dito pa lang natin matatanggap ang pagpapala na Kanyang ipinangako, hanggang sa tayo ay magbalik-loob sa Kaniya.

At sa mga hindi katiyakan sa “kaarawan” na ito, sinu-sino ang maliligtas?

At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas, sapagka't sa bundok ng Sion at sa Jerusalem doroon yaong nangakatanan, gaya ng sinabi ng Panginoon, at sa nangalabi ay yaong mga tinatawag ng Panginoon.
Joel 2:32 (TAB)

Ang maliligtas ay ang mga magsisitawag sa Dakilang Pangalan ng Dios at ang kikilala sa Jerusalem ang maliligtas.

 

“sa Jerusalem doroon yaong nangakatanan” – Anong "Jerusalem?" Ito ba ang lumang bayan sa Gitnang Silangan?

 

Ito ang dahilan na ang mga relihiyon ay pinagsusumikapang makakuha ng ilang bahagi ng lumang bayan at makipaglaban sa iba, sa pag-aakala na ito pa rin ang bayan na  binabanggit sa pahayag.

 

Ang sabi ni Maestro Evangelista, ang "Jerusalem" na binabanggit sa pahayag ay hindi na ang lumang bayan. Totoo ba ito?

Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan.
Apocalipsis 3:12 (TAB)

Ang Bagong Jerusalem

 

“ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios” – Hind na ito ang lumang bayan sa Gitnang Silangan. Ang sabi ni Maestro Evangelista, ang bayang panggagalingan ng sinugo na magpapakilala ng Dakilang Pangalan ng Dios ay ang magiging Bagong Jerusalem - ang Pilipinas!

 

Ating alamin kung ang bansang Pilipinas ang magiging "Bagong Jerusalem:"

At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.
Apocalipsis 21.1 (TAB)

“isang bagong langit at ang isang bagong lupa” – Isang mundong malaya sa kapangyarihan at panlilinlang ni Satanas/Diablo. Ito ang magiging bagong kalagayan ng mundo.

 

“ang dagat ay wala na” – Ito ang sinabi ni Maestro Evangelista noon, darating ang panahon na tayong lahat ay magkakaisa, “Isang bayan, isang mundo, at isang Dios.” Wala na ang mga hangganang politikal at ang lahat ng mga bansa ay magiging bukas na para sa lahat.

At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.
Apocalipsis 21:2 (TAB)

“ang bagong Jerusalem” – Ang Pilipinas!

 

“na nananaog mula sa langit buhat sa Dios” – Ang inakala ng mga relihiyon na ang bagong bayan na binabanggit ay pisikal na bababa mula sa langit. Ang sabi ni Maestro Evangelista, walang gayong himala. Ito ang katuparan ng "pangako" (ang pagtatag ng bagong bayan, ang Bagong Jerusalem) na mula sa Dios na nasa langit.

At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:
Apocalipsis 21:3 (TAB)

“ang tabernakulo ng Dios” – May mga relihiyon, mga templo at mga simbahan pa ba?
 
“ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao” – Wala na ang mga templo at simbahan. Sapagka't hindi nananahan ang Dios sa mga yaon. Ang Dios ay sasaatin, sa ating mga puso at mga isipan!

 

Sino ang mga taong binabanggit?

 

“sila'y magiging mga bayan niya,” – Sila ang mga inihayag sa Zacarias 13:9 – ang bagong bayan ng Dios, ang mga taong tatawag at kikilala sa Kanyang Pangalan.

 

Ano na ang magiging kalagayan nila sa bagong bayang yaon?

At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na.
Apocalipsis 21:4 (TAB)

Wala na ang paghihirap at ang sumpa!

At yaong nakaluklok sa luklukan ay nagsabi, Narito, ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay. At sinabi niya, Isulat mo: sapagka't ang mga salitang ito ay tapat at tunay.
Apocalipsis 21:5 (TAB)

Ito ang panibagong pasimula para sa mg tao sa buong mundo kung tayo ay magsisibalik-loob sa Tunay na Dios.

At sinabi niya sa akin, Nagawa na. Ako ang Alpha at ang Omega, ang pasimula at ang wakas. Ang nauuhaw ay aking paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay.
Apocalipsis 21:6 (TAB)

“Ang nauuhaw” – Sino ang nauuhaw? Hindi baga tayo sabik sa tunay na aral ng Dios?

 

“walang bayad” – Hindi humihingi si Maestro Evangelista ng anumang kapalit sa kanyang mga pahayag at mga aral. Siya ay sinugo ng Dios upang ihayag ang Kanyang Salita; walang iniutos sa mga pahayag sa Banal na Aklat na humingi ng anumang kapalit.

 

“sa bukal ng tubig ng buhay” – Ano ang kahulugan nito?

Oh Panginoon, na pagasa ng Israel, lahat na nagpapabaya sa iyo ay mapapahiya. Silang nagsisihiwalay sa akin ay masusulat sa lupa, sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon, na bukal ng buhay na tubig.
Jeremias 17:13 (TAB)

Ang Dios ang “bukal ng tubig ng buhay.”

Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at ako'y magiging Dios niya, at siya'y magiging anak ko.
Apocalipsis 21:7 (TAB)

Kaya nga tayo nagpunyagi na mabasa ang mga pahayag ni Maestro Evangelista sa pamamagitan ng website na ito ay para malaman Ang Katotohanan sa Dios at ang Kanyang Dakilang Pangalan.

 

Tayo ay pinahihintulutang makapasok at makihati sa "Pangako" (at Pagpapala) ng Dios sa bagong bayan… nguni’t, sinu-sino ang hindi papayagang makapasok at makibahagi ng "Pangako" sa Bagong Bayan  ng Dios?

Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.
Apocalipsis 21:8 (TAB)

Sila ang mga taong "masasama" na hindi papayagagang makapasok at makibahagi ng "Pangako". Ang mga tao isang ulit lamang na mamamatay at kung sila'y magpapatuloy sa kanilang "masamang" gawain at hindi magbabalik-loob sa Tunay na Dios, sila ay makakatanggap ng walang hanggang sumpa - ang kamuhian ng kanilang kapwa kahit na sila'y patay na. Tulad ng "ikalawang kamatayan" (simboliko lamang).

 

Ano ang susunod na magaganap?

At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, na mga puno ng pitong huling salot; at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Halika, ipakikita ko sa iyo ang babaing kasintahan, ang asawa ng Cordero.
Apocalipsis 21:9 (TAB)

Ito ang panahon na ang bagong bayan ng Dios ay matatatag.

 

“ang babaing kasintahan” – Sino siya o ano ito?

At dinala niya akong nasa Espiritu sa isang malaki at mataas na bundok, at ipinakita sa akin ang bayang banal na Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios,
Na may kaluwalhatian ng Dios: ang kaniyang ilaw ay katulad ng isang totoong mahalagang bato, na gaya ng batong jaspe, na malinaw na gaya ng salamin:
Apocalipsis 21:10-11 (TAB)

“Ang babaing kasintahan” ng Dios ay ang bagong bayan, ang Bagong Jerusalem. Ito ang pagtatatag ng bagong bayan ng Dios.

 

“gaya” – Katulad lamang.

Na may isang malaki at mataas na kuta; na may labingdalawang pintuan, at sa mga pintuan ay labingdalawang anghel; at may mga pangalang nakasulat sa mga yaon, na siyang sa labingdalawang angkan ng mga anak ng Israel:
Sa silanganan ay may tatlong pintuan; at sa hilagaan ay may tatlong pintuan; at sa timugan ay may tatlong pintuan; at sa kalunuran ay may tatlong pintuan.
At ang kuta ng bayan ay may labingdalawang pinagsasaligan, at sa mga ito'y ang labingdalawang pangalan ng labingdalawang apostol ng Cordero.
Apocalipsis 21:12-14 (TAB)

Ito ay simboliko ng Pilipinas, ang tanging bansa na kumikilala sa Banal na Aklat sa Malayong Silangan.

At ang nakikipagusap sa akin ay may panukat na tambong ginto upang sukatin ang bayan, at ang mga pintuan nito, at ang kuta nito.

At ang pagkatayo ng bayan ay parisukat, at ang kaniyang haba ay gaya ng kaniyang luwang: at sinukat niya ng tambo ang bayan, ay labingdalawang libong estadio: ang haba at ang luwang at ang taas nito ay magkakasukat.
At sinukat niya ang kuta nito, ay isang daan at apat na pu't apat na siko, ayon sa sukat ng tao, sa makatuwid baga'y ng isang anghel.
At ang malaking bahagi ng kuta niya ay jaspe: at ang bayan ay dalisay na ginto, na katulad ng malinis na bubog.
Ang mga pinagsasaligan ng kuta ng bayan ay may pamuting sarisaring mahahalagang bato. Ang unang pinagsasaligan ay jaspe; ang ikalawa ay zafiro; ang ikatlo ay calcedonia; ang ikaapat ay esmeralda;
Ang ikalima ay sardonica; ang ikaanim ay sardio; ang ikapito ay crisolito; ang ikawalo ay berilo; ang ikasiyam ay topacio; ang ikasangpu ay crisopasio; ang ikalabingisa ay jacinto; ang ikalabingdalawa ay amatista.
Apocalipsis 21:21 (TAB)

Ang mga likas na yaman na binanggit ay matatagpuan dito sa Pilipinas.

At ang labingdalawang pintuan ay labingdalawang perlas; at bawa't pinto ay isang perlas; at ang lansangan ng bayan ay dalisay na ginto, na gaya ng nanganganinag na bubog.
Apocalipsis 21:21 (TAB)

Ano ang tawag sa Pilipinas? Ang Perlas ng Silangan.

At hindi ako nakakita ng templo doon: sapagka't ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, at ang Cordero ay siyang templo doon.
Apocalipsis 21:22 (TAB)

Wala na ang mga relihiyon, ang lahat ay mawawasak. Ang aral ng Tunay na Dios ang mananatiling nakatayo.

At ang bayan ay hindi nangangailangan ng araw, o ng buwan man, upang lumiwanag sa kaniya: sapagka't nililiwanagan ng kaluwalhatian ng Dios, at ang ilaw doon ay ang Cordero.
Apocalipsis 21: 23 (TAB)

“nililiwanagan ng kaluwalhatian ng Dios” – Ang Katotohanan.

 

“ang ilaw doon ay ang Cordero” – Simboliko, ito ang itatawag kay Maestro Evangelista, dahil siya ang maghahayag ng mga tunay na aral ng Dios sa lahat ng tao.

At ang mga bansa ay lalakad sa pamamagitan ng liwanag nito: at ang mga hari sa lupa ay mangagdadala ng kanilang karangalan sa loob niyaon.
Apocalipsis 21:24 (TAB)

“kings” – Bakit may binanggit ng mga hari na paparito sa bagong bayan? Ibig sabihin, ang Bagong Jerusalem ay sa lupa at hindi ang hiwaga na ipinapangako ng mga relihiyon sa mga tao sa buong mundo; na ang bagong bayan ng Dios ay pisikal na bababa mula sa langit. Ito ang panahon na ang mga himala ay hindi na mangyayari pa.

At ang mga pintuan niyaon ay hindi ilalapat kailan man sa araw (sapagka't hindi magkakaroon doon ng gabi):
At dadalhin nila sa loob niyaon ang karangalan at kapurihan ng mga bansa:
At hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan: kundi yaon lamang na mga nakasulat sa aklat ng buhay ng Cordero.
Apocalipsis 21:25-27 (TAB)

May isa pang aklat na isusulat... upang ipagpatuloy ang paghahayag at pag-ingatan ang tunay na aral ng Dios sa lahat ng mga panahon. Ang pahayag ng mga kahulugan ng mga pahayag mula sa Aklat ng Genesis hanggang sa Aklat ng Apocalipsis ng Banal na Aklat.

 

Basahin natin muli sa:

At sinukat niya ang kuta nito, ay isang daan at apat na pu't apat na siko, ayon sa sukat ng tao, sa makatuwid baga'y ng isang anghel.
Apocalipsis 21:17 (TAB)

Ang pahayag na ang isang “anghel” ay susukat sa bagong bayan. Kung ito ay inihayag sa Aklat ng Apocalipsis, kailangang makita na nakahayag ito sa mga aklat ng mga propeta noon.

Ito ang lupain na inyong babahagihin sa sapalaran sa mga lipi ng Israel na pinakamana, at ang mga ito ang kanilang mga iba't ibang bahagi, sabi ng Panginoong Dios.

At ang mga ito ang mga labasan sa bayan: Sa dakong hilagaan ay apat na libo at limang daang tambo sa sukat;
At ang mga pintuang-daan ng bayan ay magiging ayon sa mga pangalan ng mga lipi ng Israel, tatlong pintuang-daan sa dakong hilagaan: ang pintuang-daan ng Ruben, isa; ang pintuang-daan ng Juda, isa; ang pintuang-daan ng Levi, isa.
At sa dakong silanganan ay apat na libo at limang-daang tambo, at tatlong pintuang-daan: ang pintuang-daan ng Jose, isa; ang pintuang-daan ng Benjamin, isa; ang pintuang-daan ng Dan, isa:
At sa dakong timugan ay apat na libo at limang daang tambo sa sukat, at tatlong pintuang-daan: ang pintuang-daan ng Simeon, isa; ang pintuang-daan ng Issachar, isa; ang pintuang-daan ng Zabulon, isa:
Sa dakong kalunuran ay apat na libo at limang daang tambo, na may kanilang tatlong pintuang-daan: ang pintuang-daan ng Gad, isa; ang pintuang-daan ng Aser, isa; ang pintuang-daan ng Nephtali, isa.
Ezekiel 48:29-34 (TAB)

Ito ang “anghel” na sinugo upang sukatin ang bagong bayan, at kung ang pahayag ay mababasa pa sa Aklat ng Apocalipsis, nangangahulugan na iyon ay hindi pa nagaganap.

 

At paano tinawag ang bayang yaon?

Magkakaroon ng labing walong libong tambo ang sukat sa palibot: at ang magiging pangalan ng bayan mula sa araw na yaon ay, Ang Panginoon ay naroroon.
Ezekiel 48:35 (TAB)

“Ang Panginoon ay naroroon” – Ang bagong bayan ay hindi na ipinangako sa lupain ng dati Niyang bayan… ito ay nakahayag na ngayon sa lupain sa Malayong Silangan… sa Pilipinas.

 

Ang Bagong Jerusalem, ito ba ay tunay na pangako mula sa Dios?

 

Ang sabi ni Maestro Evangelista, basahin nating muli:

At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.
At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.
At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:
At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na.
Apocalipsis 21:1-4 (TAB)

Alam na natin ang tungkol sa mga tao na magkakaroon ng karapatan na makapasok sa bagong bayan ng Dios – ang mga magsisitawag sa Kanyang Pangalan.

At yaong nakaluklok sa luklukan ay nagsabi, Narito, ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay. At sinabi niya, Isulat mo: sapagka't ang mga salitang ito ay tapat at tunay.
Apocalipsis 21:5 (TAB)

“ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay” – Gaganapin ng Dios ang Kanyang pangako sa Kanyang bayan, at kailan ito inihayag?

Sapagka't narito, ako'y lumilikha ng mga bagong langit, at ng bagong lupa, at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala, o mapapasa isip man.
Isaias 65:17 (TAB)

Naihayag na ito ng Dios noon, nguni't ang mga relihiyon ay hindi maipaliwanag ang mga kahulugan nito.

 

Ang sabi ni Maestro Evangelista, ito ang panahon na matahimik ang lahat

Nguni't kayo'y mangatuwa at mangagalak magpakailan man sa aking nilikha; sapagka't, narito, aking nililikha na kagalakan ang Jerusalem, at kaligayahan ang kaniyang bayan.
Isaias 65:18 (TAB)

Ang bayan ng Jerusalem ay nariyan na noong ang pahayag na ito ay ibinigay. At sa kasalukuyan ang pangkalahatang kalagayan ng lumang bayan ito ay hindi mapayapa, pinag-aawayan pa. Nangangahulugan na ang pahayag ay tumutukoy sa ibang bayan, isang bagong Jerusalem.

At ako'y magagalak sa Jerusalem, at maliligaya sa aking bayan; at ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kaniya, o ang tinig man ng daing.
Isaias 65:19 (TAB)

Ito ang pangako ng Dios sa kanyang bagong bayan, wala nang paghihirap at kamatayan na dulot ng mga sakit at mga kasakunaan. Wala nang sumpa.

 

 Mula ngayon ay hindi na magkakaroon ng mga sanggol na mamamatay agad, o ng matanda na hindi nalubos ang kaniyang mga kaarawan; sapagka't ang  sanggol ay mamamatay na may isang daang taong gulang, at ang makasalanan na may isang daang taon ang gulang ay susumpain.

At sila'y mangagtatayo ng mga bahay, at ang mga yao'y kanilang tatahanan; at sila'y mangaguubasan, at magsisikain ng bunga niyaon.
Sila'y hindi magtatayo, at iba ang tatahan; sila'y hindi magtatanim, at iba ang kakain; sapagka't kung paano ang mga kaarawan ng punong kahoy, ay magiging gayon ang mga kaarawan ng aking bayan, at ang aking mga pinili ay mangagagalak na malaon sa gawa ng kanilang mga kamay.
Isaias 65:21-22 (TAB)

Ito ang pamumuhay na lubos sa pagpapala, mahaba ang buhay, at wala ng mga sakit at mga salot. Masagana at malinis na bayan.

 

Bagaman ang pahayag ay nagsasabi ng mga pinili ng Dios; ibig sabihin, may mga taong hindi pipiliin ng Dios.

Sila'y hindi gagawa ng walang kabuluhan, o manganganak man para sa kasakunaan, sapagka't sila ang lahi ng mga pinagpala ng Panginoon, at ang kanilang mga anak na kasama nila.
Isaias 65:23 (TAB)

Papaano natin malalaman na ang Dios ay sumasaatin na sa panahong ito?

At mangyayari, na bago sila magsitawag, sasagot ako; at samantalang sila'y nangagsasalita, aking didinggin.
Ang lobo at ang kordero ay manginginaing magkasama, at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka; at alabok ang magiging pagkain ng ahas. Sila'y hindi mananakit o magpapahamak man sa aking buong banal na bundok, sabi ng Panginoon.
Isaias 65:24-25 (TAB)

Ito ang panahon na ang Dios ay sasagot na sa ating mga panalangin.

 

Kapayapaan at kasaganaan. Ito ang panahon na ipinangako ng Dios, mangyayari ito kung tayo ay magbabalik-loob sa Dios.

 

Nguni’t bakit wala na ang mga templo at mga simbahan?

Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang langit ay aking luklukan, at ang lupa ay aking tungtungan: anong anyong bahay ang inyong itatayo sa akin? at anong dako ang magiging aking pahingahan?
Isaias 66:1 (TAB)

Kapag ang mga tao sa buong mundo ay mauunawaan na sa wakas na ang Dios ay hindi nananahan sa mga templo at mga simbahan, wala na ang pangangailangan na magtayo pa ng mga templo o bahay sambahan.

 

Ang Dios ang nangako sa atin, papaano natin makakamit ito, ano ang mga bagay na ating pagdaraanan pa?

Hipan ninyo ang pakakak sa Sion, at mangagpatunog kayo ng hudyat sa aking banal na bundok; manginig ang lahat na mananahan sa lupain: sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, sapagka't malapit na;
Araw ng kadiliman at ng pagkukulimlim, araw ng mga ulap at ng pagsasalimuot ng dilim, gaya ng liwayway na namumukadkad sa mga bundok; isang malaking bayan at matibay; hindi nagkaroon kailan man ng gaya niyaon, ni magkakaroon pa man pagkatapos ng mga yaon, hanggang sa mga taon ng maraming sali't saling lahi.
Isang apoy ang sumusupok sa harap nila; at sa likuran nila'y isang liyab ang sumusunog: ang lupain ay parang halamanan sa Eden sa harap nila, at sa likuran nila'y isang sirang ilang; oo, at walang nakatanan sa kanila.
Joel 2:1-3 (TAB)

“ang lupain ay parang halamanan sa Eden sa harap nila” –Ito ang ating patutunguhan kung ating kikilalanin ang Dios at tayo'y magbabalik-loob sa Kaniya.

 

At kung tayo ay titigil at walang gagawin, “sa likuran nila'y isang sirang ilang” ang aabot sa atin.

 

Ano ang ibig sabihin nito?

 

Sino ang pipigil sa sumpang mangyayari? Magagawa natin na ang sumpa ay hindi mangyari. Sa pamamagitan ng pagkilala sa Dios at ang Kanyang Pangalan; magbalik-loob sa Kaniya at sundin ang Kanyang mga Kautusan.

 

May pangako ba mula sa Dios na Siya ay ating makikilala?

 

Bagaman may araw na itinakda, "ang dakila at kakilakilabot,” ay tunay na darating, ngunit hindi tayo natatakot… dahil  ito ay di maiiwasan, tumawag lamang tayo sa Pangalan ng Dios na ipinakikilala sa atin ni Maestro Evangelista at mananaig tayo sa “araw” na iyon.

 

Si Maestro Evangelista ay isang "email" lamang ang layo sa atin, bakit hindi natin siya tanungin kung papaano natin mapipigil ang kakilakilabot na mangyayari… siya ay isang tao lamang, nguni’t sa ating salinlahi ay naihayag niya ng malinaw ang Banal na Aklat ng higit sa kanino man sa kasaysayan. At naipakita niya ang kanyang tanda at karapatan at napatunayan ito sa pamamagitan ng website na www.eranio.ph; tunay nga na hindi tayo mabibigo sa kanyang mga pahayag.

 

Magsasawalang kibo na lang ba tayo sa panawagan ng Dios sa pamamagitan ng Kanyang sinugo at isapalaran ang “kaarawan” na iyon? Bagaman makikita natin ang ating mga sarili sa kasalukuyan na naglilingkod ng lubos sa dios, nakakatiyak ba tayo na ang dios na ating pinaglilingkuran ay ang tunay na Dios; at hindi “ang dios na sa pangalan ni Jesus?”  

 

Sino ang magsasalita sa mga tao para sa Dios sa ating panahon?

Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya.
Deuteronomio 18:18 (TAB)

Isang propeta ang sinugo, saan siya manggagaling?

 

“sa gitna ng kanilang mga kapatid” – Manggagaling siya sa mga Gentil hindi sa bayan ng Israel.

 

“aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya” – Ito ang tanda at ang karapatan ng sinugo.

 

At kung hindi natin papansinin o pakikinggan ang sinugo?

At mangyayari, na sinomang hindi makikinig sa aking mga salita na kaniyang sasalitain sa aking pangalan, ay aking sisiyasatin yaon sa kaniya.
Deuteronomio 18:19 (TAB)

May isang propeta lamang na paparito na sinugo ng Dios, at siya ay magsasalita para sa Dios.

 

Sino ang propetang iyon?

Ang salita nga ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta sa mga bansa.
Jeremias 1:4-5 (TAB)

Siya ang sinugo ng Dios para sa mga bansa, hindi lamang sa bayan ng Israel.

Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah, Panginoong Dios! narito, hindi ako marunong magsalita: sapagka't ako'y bata.
Jeremias 1:6 (TAB)

“bata” – Ibig sabihin hindi siya sanay o hindi maalam sa Banal na Aklat, ang Dios ang magtuturo sa kanya.

Nguni't sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong sabihin, Ako'y bata: sapagka't saan man kita susuguin ay paroroon ka, at anomang iutos ko sa iyo ay sasalitain mo.
Huwag kang matakot dahil sa kanila; sapagka't ako'y sumasaiyo upang iligtas kita, sabi ng Panginoon.
Nang magkagayo'y iniunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, at hinipo ang aking bibig; at sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig:
Jeremias 1:7-9 (TAB)

Siya ang propetang ipinangako ng Dios.

 

Ano ang kaniyang misyon o tungkulin mula sa Dios?

Tingnan mo, aking pinapagpupuno ka sa araw na ito sa mga bansa at sa mga kaharian, upang magalis at magbagsak at upang magsira at magwasak, upang magtayo at magtatag.
Jeremias 1:10 (TAB)

Si Maestro Evangelista ang magpapayo sa mga tao sa buong mundo upang tayo ay magkaroon ng panibagong pasimula.

 

Kailan darating ang “taong nilagyan ng Dios ng Kanyang Salita sa bibig?”

 

Ihahayag na sa atin ni Maestro Evangelista ang mga pahayag sa Banal na Aklat tungkol sa araw na iyon:

Ayon sa kanilang mga gawa, ay gayon niya gagantihin, pusok ng loob sa kaniyang mga kaaway, kagantihan sa kaniyang mga kaalit; sa mga pulo ay gaganti siya ng kagantihan.
Isaias 59:18 (TAB)

“pusok ng loob sa kaniyang mga kaaway, kagantihan sa kaniyang mga kaalit” – Tulad ng “mata sa mata” – ang Kautusan ng Dios.

 

Papaano ang pagdating ng sinugo sa ating panahon?

Sa gayo'y katatakutan nila ang pangalan ng Panginoon mula sa kalunuran, at ang kaniyang kaluwalhatian ay mula sa sikatan ng araw sapagka't siya'y darating na parang bugso ng tubig na pinayaon ng hinga ng Panginoon.
Isaias 59:19 (TAB)

“kanluran” – Sila ang mga unang dumanas ng sumpa ng Dios upang kanilang maintindihan na tayong lahat ay pinarurusahan.

At isang Manunubos ay paroroon sa Sion, at sa kanila, na nangaghihiwalay sa Jacob ng pagsalangsang, sabi ng Panginoon.
Isaias 59:20 (TAB)

“isang Manunubos “ – May isang sinugo sa mga tao sa buong mundo.

At tungkol sa akin, ito ang aking tipan sa kanila, sabi ng Panginoon: ang aking Espiritu na nasa iyo, at ang aking mga salita na inilagay ko sa iyong bibig, hindi hihiwalay sa iyong bibig, o sa bibig man ng iyong lahi, o sa bibig man ng angkan ng iyong lahi, sabi ng Panginoon, mula ngayon at magpakailan pa man.
Isaias 59:21 (TAB)

“ang aking Espiritu na nasa iyo, at ang aking mga salita na inilagay ko sa iyong bibig” – Siya ang sinugo na ipinangako noon panahon ni Moses.

 

“mula ngayon at magpakailan pa man” – Ang aral ng Dios na inihayag ng sinugo o ni Maestro Evangelista ay mapapasabayan ng Dios magpakailan man.

 

Kailan darating ang “sinugo?”

Ikaw ay bumangon, sumilang ka: sapagka't ang iyong liwanag ay dumating, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa iyo.
Sapagka't narito, tatakpan ng kadiliman ang lupa, at ng salimuot na dilim ang mga bayan: nguni't ang Panginoon ay sisikat sa iyo, at ang kaniyang kaluwalhatian ay makikita sa iyo.
Isaias 60:1-2 (TAB)

Ito ang tanda ng pagdating ng “sinugo,” - sa panahon na ang mga bansa ay hindi na makakita ng lunas sa mga suliranin (mga sakuna, pagsasalot, digmaan, kagutuman, kasiraan sa kalikasan at paghihirap ng mga bansa ukol sa pandaigdigan ekonomiya) na mangyayari na sa buong mundo. Ano ang dapat nilang gawin?

At ang mga bansa ay paroroon sa iyong liwanag, at ang mga hari sa ningning ng iyong sikat.
Isaias 60:3 (TAB)

Si Maestro Evangelista lamang ang makakapagpakita ng lunas sa kasalukuyang mga suliranin sa mundo. Kailan iyon?

Imulat mo ang iyong mata sa palibot, at ikaw ay tumingin: silang lahat ay nangagpipisan, sila'y nagsiparoon sa iyo: ang iyong mga anak na lalake ay mangagmumula sa malayo at ang iyong mga anak na babae ay kakalungin.
Isaias 60:4 (TAB)

Ito ang panahon na ang lahat ng mga babae ay magiging kapantay na ng lahat ng mga lalake, pagkakapantay sa pagkilala at katayuan sa lipunan, sa ating kasalukuyang salinlahi.
 
At pag nagsilapit na ang mga pangulo ng mga bansa sa sinugo:

Kung magkagayon ikaw ay makakakita at maliliwanagan ka, at ang iyong puso ay titibok at lalaki; sapagka't ang kasaganaan ng dagat ay mababalik sa iyo, ang kayamanan ng mga bansa ay darating sa iyo.
Tatakpan ka ng karamihan ng kamelyo, ng mga dromedario sa Madian at sa Epha; magsisipanggaling na lahat mula sa Seba: mangagdadala ng ginto at kamangyan, at magtatanyag ng mga kapurihan ng Panginoon.
Lahat ng kawan sa Cedar ay mapipisan sa iyo, ang mga lalaking tupa sa Nebayoth ay mangahahain sa akin: sila'y kalugodlugod, na tatanggapin sa aking dambana, at aking luluwalhatiin ang bahay ng aking kaluwalhatian.
Isaias 60:5-7 (TAB)

Ito ang panahon ng kapayapaan at kasaganaan.

 

At ano pa ang ibang tanda?

Sino ang mga ito na lumalakad na parang alapaap at parang mga kalapati sa kanilang mga dungawan?
Isaias 60:8 (TAB)

Ito ang pangitain ni Isaias noon. Ang dahilan bakit binanggit ni Isaias ang “Sino ang mga ito na lumalakad na parang alapaap” – ay dahil ang kaganapan ng pahayag ay hindi mangyayari sa kanyang panahon, nguni’t sa ating salinlahi, ito ay ang paglalakbay ng mga tao sakay sa isang eroplano! Ibig sabihin, ang kaganapan ng pahayag ay mangyayari sa ating kapanahunan!

 

Saan sila papunta? Sa Bagong Jerusalem!

Tunay na ang mga pulo ay mangaghihintay sa akin, at ang mga sasakyang dagat ng Tarsis ay siyang mangunguna, upang dalhin ang iyong mga anak mula sa malayo, ang kanilang pilak at kanilang ginto na kasama nila, dahil sa pangalan ng Panginoon mong Dios, at dahil sa Banal ng Israel, sapagka't kaniyang niluwalhati ka.
Isaias 60:9 (TAB)

Papunta sila sa lupain ng sinugo upang pakinggan ang kanyang mga pahayag at payo.

 

At ano pa ang ating mamamalas sa araw ng panahon na iyon?

At itatayo ng mga taga ibang lupa ang iyong mga kuta, at ang kanilang mga hari ay magsisipangasiwa sa iyo: sapagka't sa aking poot ay sinaktan kita, nguni't sa aking biyaya ay naawa ako sa iyo.
Ang iyo namang mga pintuang-bayan ay mabubukas na lagi; hindi masasara sa araw o sa gabi man; upang ang mga tao ay mangagdala sa iyo ng kayamanan ng mga bansa, at ang kanilang mga hari ay makakasama nila.
Sapagka't yaong bansa at kaharian na hindi maglilingkod sa iyo ay mamamatay; oo, ang mga bansang yaon ay malilipol na lubos.
Ang kaluwalhatian ng Libano ay darating sa iyo, ang puno ng abeto, ng pino, at ng boj na magkakasama, upang pagandahin ang dako ng aking santuario; at aking gagawin ang dako ng aking mga paa na maluwalhati.
Isaias 60:10-13 (TAB)

At kung pakikinggan nila ang payo ni Maestro Evangelista, ito ay ang panahon ng kapayapaan at kasaganaan.

At ang mga anak nila na dumalamhati sa iyo ay magsisiparoong yuyuko sa iyo; at silang lahat na nagsisihamak sa iyo ay magpapatirapa sa mga talampakan ng iyong mga paa; at tatanawin ka nila Ang bayan ng Panginoon, Ang Sion ng Banal ng Israel.
Isaias 60:14 (TAB)

Sa wakas ay kikilalanin nila ang sinugo at magsisipagbalik-loob sa tunay na Dios.

Yamang ikaw ay napabayaan at ipinagtanim, na anopa't walang tao na dumadaan sa iyo, gagawin kitang walang hanggang karilagan, na kagalakan ng maraming sali't saling lahi.
Ikaw naman ay iinom ng gatas ng mga bansa, at sususo sa mga suso ng mga hari; at iyong malalaman na akong Panginoon ay Tagapagligtas sa iyo, at Manunubos sa iyo, Makapangyarihan ng Jacob.
Kahalili ng tanso ay magdadala ako ng ginto, at kahalili ng bakal ay magdadala ako ng pilak, at kahalili ng kahoy ay tanso, at kahalili ng mga bato ay bakal. Akin namang gagawin na iyong mga pinuno ang kapayapaan, at ang iyong mga maniningil ay katuwiran.
Isaias 60:15-17 (TAB)

Ito ang panahon na ang lahat ay kasaganaan, pagpapala mula sa Dios. At ang mga pangulo at ang mga tagapamahala ay makatwiran at tapat, wala nang kabulukan.

Karahasan ay hindi na maririnig sa iyong lupain, ni ang kawasakan o kagibaan sa loob ng iyong mga hangganan; kundi tatawagin mo ang iyong mga kuta ng Kaligtasan, at ang iyong mga pintuang-bayan na Kapurihan.

Ang araw ay hindi na magiging iyong liwanag sa araw; o ang buwan man ay magbibigay sa iyo ng liwanag: kundi ang Panginoon ay magiging sa iyo ay walang hanggang liwanag, at ang iyong Dios ay iyong kaluwalhatian.
Ang iyong araw ay hindi na lulubog, o ang iyo mang buwan ay lulubog; sapagka't ang Panginoon ay magiging iyong walang hanggang liwanag, at ang mga kaarawan ng iyong pagtangis ay matatapos.
Ang iyong bayan naman ay magiging matuwid na lahat; sila'y mangagmamana ng lupain magpakailan man, ang sanga ng aking pananim, ang gawa ng aking mga kamay, upang ako'y luwalhatiin.
Isaias 60:18-21 (TAB)

Ito ang pahayag na matatagpuan sa Apocalipsis 21:1-5, tungkol sa pagtatatag ng bagong bayan ng Dios, ang Bagong Jerusalem.

 

Papaano lalago ang bagong bayan ng Dios?

Ang munti ay magiging isang libo, at ang maliit ay magiging matibay na bansa: akong Panginoon, ay papapangyarihin kong madali sa kapanahunan.
Isaias 60:22 (TAB)

“sa kapanahunan” – May panahon na itinakda sa kaganapan ng mga pahayag ng Dios.

 

Ito ang mangyayari sa paglago ng bagong bayan ng Dios sa buong mundo.

 

Kapag nikita at narinig ang aral na inihahayag ng sinugo, si Maestro Evangelista, na mula sa Dios, pupunta sila sa lupain kung saan siya naninirahan.

 

Ang bagong bayan ng Dios, ang Bagong Jerusalam. Sa Pilipinas.

Tungkol sa Bagong Bayang ng Jerusalem… hinggil sa labanan na magaganap laban sa bayan, mangyayari ba ito?

At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.
Zacarias 13:9 (TAB)

Bago maganap ang inihayag na pagsabog ng mga armas na nukleyar, ihahayag ni Maestro Evangelista ang Pangalan ng Dios, na nasa harap na natin, nasa mga tao sa buong mundo kung nanaisin nilang mangyari ang “Kakilakilabot” na bahagi na inihayag sa “Kaarawan ng Dios.”

 

Ihahayag ni Maestro Evangelista ang paliwanag ng pahayag sa “kakilakilabot” na araw:

 

Ang Dakila at Kakilakilabot na Kaarawan

Narito ang araw ng Panginoon ay dumarating, na ang iyong samsam ay babahagihin sa gitna mo.
Zacarias 14:1 (TAB)

Ito ang pahayag ng “Dakila at Kakilakilabot na Kaarawan ng Dios,” ang araw ng pagsasamsam… sino ang sasamsaman?

 

Ipaliliwanag ni Maestro Evangelista:

Sapagka't aking pipisanin ang lahat na bansa laban sa Jerusalem sa pagbabaka; at ang bayan ay masasakop, at ang mga bahay ay lolooban, at ang mga babae ay dadahasin; at ang kalahati ng bayan ay yayaon sa pagkabihag, at ang nalabi sa bayan ay hindi mahihiwalay sa bayan.
Kung magkagayo'y lalabas ang Panginoon, at makikipaglaban sa mga bansang yaon, gaya nang siya'y makipaglaban sa araw ng pagbabaka.
At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan; at ang bundok ng mga Olivo ay mahahati sa gitna niya, sa dakong silanganan at sa dakong kalunuran, at magiging totoong malaking libis; at ang kalahati ng bundok ay malilipat sa dakong hilagaan, at ang kalahati ay sa dakong timugan.
At kayo'y magsisitakas sa libis ng aking mga bundok; sapagka't ang libis ng mga bundok ay magsisiabot hanggang sa Azel; oo, kayo'y magsisitakas gaya nang kayo'y tumakas mula sa lindol nang mga kaarawan ni Uzzias na hari sa Juda; at ang Panginoon kong Dios ay darating, at ang lahat na banal na kasama niya.
At mangyayari sa araw na yaon, na hindi magkakaroon ng liwanag; at ang mga nagniningning ay uurong.
Nguni't magiging isang araw na kilala sa Panginoon; hindi araw, at hindi gabi; nguni't mangyayari, na sa gabi ay magliliwanag.
Zacarias 14:2-7 (TAB)

Ito ang pahayag ng mga mangyayari sa “kaarawan” na iyon.

At mangyayari sa araw na yaon, na ang buhay na tubig ay magsisibalong mula sa Jerusalem; kalahati niyao'y sa dakong dagat silanganan, at kalahati niyao'y sa dakong dagat kalunuran: sa taginit at sa tagginaw mangyayari.
Zacarias 14:8 (TAB)

Alam na natin ang kahulugan ng “ang buhay na tubig” sa Apocalipsis 22:17 at Jeremias 17:13. At;

At ang Panginoo'y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa.
Zacarias 14:9 (TAB)

Ang Dios ang maghahari sa buong mundo, ngayon pa lang mangyayari ito.

 

Ang mga tao ay magsisibalik-loob sa Dios, kikilalanin ng lahat ang Kanyang Pangalan.

 

At ano ang mangyayari sa Bagong Bayang ng Dios, Ang Bagong Jerusalem?

Ang buong lupain ay magiging gaya ng Araba, mula sa Geba hanggang sa Rimmon na timugan ng Jerusalem; at siya'y matataas, at tatahan sa kaniyang dako, mula sa pintuang-bayan ng Benjamin hangang sa dako ng unang pintuang-bayan, hanggang sa sulok na pintuang-bayan, at mula sa moog ng Hananel hanggang sa pisaan ng ubas ng hari.
At ang mga tao'y magsisitahan doon, at hindi na magkakaroon pa ng sumpa; kundi ang Jerusalem ay tatahang tiwasay.
Zacarias 14:10-11 (TAB)

Matapos maibigay ng mga Hudyo ang “West Bank” sa mga Palestino, mangyayari ang mga sumusunod; basahin:

At ito ang salot na ipananalot ng Panginoon sa lahat na bayan na nakipagdigma laban sa Jerusalem: ang kanilang laman ay matutunaw samantalang sila'y nangakatayo ng kanilang mga paa, at ang kanilang mga mata'y mangatutunaw sa kanilang ukit, at ang kanilang dila ay matutunaw sa kanilang bibig.
At mangyayari sa araw na yaon, na magkakaroon ng isang malaking kaingay sa gitna nila na mula sa Panginoon; at hahawak ang bawa't isa sa kanila sa kamay ng kaniyang kapuwa, at ang kamay niya'y mabubuhat laban sa kamay ng kaniyang kapuwa.
At ang Juda naman ay makikipaglaban sa Jerusalem; at ang kayamanan ng lahat na bansa sa palibot ay mapipisan, ginto, at pilak, at kasuutan, na totoong sagana.
At magiging gayon ang salot sa kabayo, sa mula, sa kamelyo, at sa asno, at sa lahat ng hayop na naroroon, sa mga kampamentong yaon, na gaya ng salot na ito.
Zacarias 14:12-15 (TAB)

Ito ang pahayag, ipinakita na sa atin ng Dios ang mangyayari sa mga darating na panahon sa pamamagitan ng pahayag ng Kanyang sinugo na si Maestro Evangelista.

 

Binibigyan tayo ng pagkakataon ng Dios upang hindi mangyari iyon, kailangan natin na kilalanin ang Dios at ang Kanyang Pangalan, at ang Kanyang Sugo; at magsibalik-loob sa Dios.

 

Kapag ang lahat ay kinikilala ang isang tunay na Dios, wala nang dahilan ang pakikipagdigmaan, ang lubos na kapayapaan ay makakamit.

 

Ito ang pagkakataon na ang mga tao kasama ng kanilang mga pinuno ay hindi dapat iwasan. Ang ating huling pag-asa, ay ang Dios, ang ating tagapagligtas.

 

Papaano? Humingi ng payo kay Maestro Evangelista!

 

Kung ang mga tao sa buong mundo ay magsisipagbalik-loob sa Dios, ano ang mangyayari na sususnod?

At mangyayari, na bawa't maiwan, sa lahat na bansa na naparoon laban sa Jerusalem ay aahon taon-taon upang sumamba sa Hari, sa Panginoon ng mga hukbo, at upang ipangilin ang mga kapistahan ng mga balag.
Zacarias 14:16 (TAB)

“Panginoon ng mga hukbo” – Siya ang ating Hari, magkakaroon tayo ng Kapayapaan. At kung may mga bayan at mga bansa na hindi kikilala sa Dios at mananatili sa kanilang mga maling aral, ano ang mangyayari sa kanila?

At mangyayari, na ang sinoman sa mga angkan sa lupa na hindi umahon sa Jerusalem upang sumamba sa Hari, sa Panginoon ng mga hukbo, sila'y mawawalan ng ulan.
Zacarias 14:17 (TAB)

Ibinigay na ng Dios ang Kanyang Babala sa mga bansa; hindi sila makakatanggap ng “ulan” o pagpapala.

 

Kailangan lang nating matutunan ang tunay ng mensahe ng Dios na inihahayag ni Maestro Evangelista at ito ang panahon na kung sinoman ang lumalaban sa Jerusalem ay nalalaman na ang bayan ay sa Dios.

 

Isang Paanyaya mula sa Dios

 

Ihahayag na ni Maestro Evangelista ang paanyaya ng Dios sa mga tao sa buong mundo:

Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang ibang anghel na nananaog mula sa langit, na may dakilang kapamahalaan; at ang lupa ay naliwanagan ng kaniyang kaluwalhatian.
At siya'y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa't espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa't karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon.
Apocalipsis 18:1-2 (TAB)

“ibang anghel” – Ang sinugo na naghahayag ng mga pahayag dito, si Maestro Evamgelista.

 

“may dakilang kapamahalaan” – Mula sa Dios.

 

“naliwanagan ng kaniyang kaluwalhatian” – Dahil ang dala niya ay ang Katotohanan mula sa Dios para sa mga tao sa buong mundo.

 

“siya'y sumigaw ng malakas na tinig” – Dahil ang kanyang aral na nagmula sa Dios ay ihahayag sa pamamagitan ng “satellite communications” at “cable TV” sa buong mundo.

 

Habang kanyang ibinibigay ang kanyang pahayag, ang Katotohanan sa Dios, ang mga relihiyon ay mabubbunyag, na ang kanilang dios na sinasamba ay hindi tunay.

 

Ito ang panahon na pagbagsak ng Babilonia, sino ang hari nito?

Sapagka't ang Panginoon ay maaawa sa Jacob, at kaniyang pipiliin pa ang Israel, at ilalagay sila sa kanilang sariling lupain: at ang taga ibang lupa ay lalakip sa kanila, at sila'y masasanib sa sangbahayan ni Jacob.
Isaias 14:1 (TAB)

Sino ang mapapabilang sa sangbahayan ni Israel? Ang sangbahayan ba ni Jacob ay iba pa sa sangbahayan ni Israel?

Iyong dinggin ito, Oh sangbahayan ni Jacob, na tinatawag sa pangalan ng Israel, at nagsilabas sa bukal ng Juda; na nagsisumpa sa pangalan ng Panginoon, at nagsibanggit ng Dios ng Israel, nguni't hindi sa katotohanan, o sa katuwiran man.
Isaias 48:1 (TAB)

Ang dalawang sangbahayan ay iisa lamang. Ano ang pahayag tungkol sa Sangbahayang ito?

Sapagka't ang Panginoon ay maaawa sa Jacob, at kaniyang pipiliin pa ang Israel, at ilalagay sila sa kanilang sariling lupain: at ang taga ibang lupa ay lalakip sa kanila, at sila'y masasanib sa sangbahayan ni Jacob.

At kukunin sila ng mga tao, at dadalhin sila sa kanilang dako: at aariin sila ng sangbahayan ng Israel sa lupain ng Panginoon, na mga pinakaaliping lalake at babae: at kanilang bibihagin sila, na nagsibihag sa kanila; at mangagpupuno sila sa mga mamimighati sa kanila.
At mangyayari, sa araw na bibigyan ka ng Panginoon ng kapahingahan sa iyong kapanglawan, at sa iyong kabagabagan, at sa mabigat na paglilingkod na ipinapaglingkod sa iyo,
Na iyong gagamitin ang talinghagang ito laban sa hari sa Babilonia, at iyong sasabihin, Kung paano ang mamimighati ay naglikat! ang bayang ginto ay naglikat!
Isaias 14:1-4 (TAB)

Ito ang katapusan ng tao na tinawag na hari ng Babilonia sa Banal na Aklat. Siya ay mabubunyag.

 

Ang Hari ng Babilonia

Binali ng Panginoon ang tungkod ng masama, ang cetro ng mga pinuno;

Siya na sumakit ng mga tao sa poot ng walang likat na bugbog, na nagpuno sa mga bansa sa galit, na may pag-uusig na hindi pinigil ng sinoman.
Isaias 14:5-6 (TAB)

Ito ang magiging “Dakila at Kakilakilabot ng Kaarawan ng Dios.”

Ang buong lupa ay nasa katiwasayan, at tahimik: sila'y biglang nagsisiawit.

Oo, ang mga puno ng cipres ay nagagalak dahil sa iyo, at ang mga cedro sa Libano, na nangagsasabi, Mula nang ikaw ay malugmok wala nang mamumutol na umaahon laban sa amin.
Isaias 14:7-8 (TAB)

Ang taong ito ay mabubunyag. Sino ang “Hari ng Babilonia?”

Ang Sheol mula sa ibaba ay nakikilos sa iyo upang salubungin ka sa iyong pagdating; nangapupukaw ang mga patay dahil sa iyo, sa makatuwid baga'y ang lahat na pinakapangulo sa lupa; nagsitindig mula sa kanilang mga luklukan ang lahat ng hari ng mga bansa.
Silang lahat ay magsisisagot at mangagsasabi sa iyo, Pati ba ikaw ay naging mahinang gaya namin? ikaw ba'y naging gaya namin?
Ang iyong kahambugan ay nababa sa Sheol pati ng tunog ng iyong mga biola: ang uod ay nangangalat sa ilalim mo, at tinatakpan ka ng mga uod.
Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa!
Isaias 14:9-12 (TAB)

At kung babasahin ang isang salin na tutukoy sa tunay na katauhan ng taong ito:

King of Babylon, bright morning star, you have fallen from heaven! In the past you conquered nations, but now you have been thrown to the ground.
Isaiah 14:12 (Good News Bible)

Sa kapahayagang ito, ang Hari ng Babilonia ay siya rin ang “maningning na tala sa umaga!”

 

Ipakikita sa atin ni Maestro Evangelista ang tao ng tinawag na “Hari ng Babilonia” at ang “manigning na tala sa umaga” sa Banal na Aklat:

 

Sino ang aamin?

Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo'y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na tala sa umaga.
Apocalipsis 22:16 (TAB)

Si Jesus ang inihayag na “Hari ng Babilonia” at ang “manigning na tala sa umaga” sa Banal na Aklat! At ang pahayag ay nagsasabi ng pagbagsak ng mga relihiyon!

 

Balik tayo sa… Gaano kabilis ang pagbagsak ng mga relihiyon?

Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang ibang anghel na nananaog mula sa langit, na may dakilang kapamahalaan; at ang lupa ay naliwanagan ng kaniyang kaluwalhatian.
At siya'y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa't espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa't karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon.
Apocalipsis 18:1-2 (TAB)

Kanino ipinasa ng Diablo/Satanas ang kapangyarihan at kapamahalaan nito? Kay Jesus!

Sapagka't dahil sa alak ng galit ng kaniyang pakikiapid ay nangaguho ang lahat ng mga bansa; at ang mga hari sa lupa ay nangakiapid sa kaniya, at ang mga mangangalakal sa lupa ay nagsiyaman dahil sa kapangyarihan ng kaniyang kalayawan.
Apocalipsis 18:3 (TAB)

Hindi lihim na ang mga relihiyon ay may impluwensya sa mga bansa tungkol sa mga pamamalakad nito.

At narinig ko ang ibang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot:
Apocalipsis18:4 (TAB)

“narinig ko ang ibang tinig na mula sa langit” – Sa ating kasalukuyang mateknolohiyang panahon, ito ang pagsasalita ng sinugo sa pamamagitan ng “satellite communications” at “Cable TV,” upang ipalaganap ang paghahayag ng Katotohanan.

 

Bakit?

Sapagka't ang kaniyang mga kasalanan ay umabot hanggang sa langit at naalaala ng Dios ang kaniyang mga katampalasanan.
Ibigay din ninyo ang ayon sa ibinigay niya sa inyo, at ibayuhin ninyo ng ibayo sa kaniyang mga gawa: sa sarong kaniyang pinaghaluan ay ipaghalo ninyo siya ng ibayo.
Kung gaano ang pagkakapagmapuri, at pagkapamuhay na malayaw, ay gayon din naman ang ibigay ninyo sa kaniyang pahirap at pagluluksa: sapagka't sinasabi niya sa kaniyang puso, Ako'y nakaupong reina, at hindi ako bao, at hindi ko makikita kailan man ang pagluluksa.
Apocalipsis 18:5-7 (TAB)

Umabot na sa sukdulan ang katampalasanan at ang mga pinaggagagawa ng mga relihiyon sa “Ngalan ni Jesus!”

 

Ang mga relihiyon ay malaganap na sa mundo, may kanya-kanyang mga kaanib sa lahat ng mga bansa.

 

Ano ang mangyayari sa mga relihiyon kahit sila ay malaganap na sa mundo?

Kaya't darating sa isang araw ang mga salot sa kaniya, kamatayan at pagluluksa, at gutom; at siya'y lubos na susunugin sa apoy; sapagka't malakas ang Panginoong Dios na humatol sa kaniya.
Apocalipsis 18:8 (TAB)

Gaano kadali ang pagbagsak ng mga relihiyon?

At ang mga hari sa lupa, na nangakiapid at nangabuhay na malayaw na kasama niya, ay mangagsisiiyak at mangagsisitaghoy tungkol sa kaniya, pagkakita nila ng usok ng kaniyang pagkasunog,
At nangakatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba ng dakilang bayang Babilonia, ng bayang matibay! sapagka't sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo.
At ang mga mangangalakal sa lupa ay mangagsisiiyak at mangagluluksa tungkol sa kaniya, sapagka't wala nang bibili pa ng kaniyang kalakal;
Apocalipsis 18:9-11 (TAB)

“ang mga hari sa lupa” – Papaano sila kumita sa mga relihiyon?

Ng kalakal na ginto at pilak, at mahalagang bato, at mga perlas, at mainam na lino, at kayong kulay ube, at sutla, at kayong pula; at sarisaring mababangong kahoy, at bawa't kasangkapang garing, at bawa't kasangkapang mahalagang kahoy, at tanso, at bakal, at marmol;
At kanela, at especias, at incienso, at ungguento, at kamangyan, at alak, at langis, at mainam na harina, at trigo, at mga baka, at mga tupa; at kalakal na mga kabayo at mga karo, at mga alipin; at mga kaluluwa ng mga tao.
Apocalipsis 18:12-13 (TAB)

Kumita sila ng salapi sa mga bagay na material at espirituwal – “at mga alipin; at mga kaluluwa ng mga tao” – sa pangako ng paraiso at ng langit. Ito ang panlilinlang sa tao sa buong mundo sa kasaysayan, ang pangako ng buhay na walang hanggan!

 

Nguni’t ang sabi ni Maestro Evangelista, kung tayo nga ay dapat manatili sa langit magpakailan man, bakit pa tayo nilikha ng Dios dito sa lupa? Kinatigan ng mga relihiyon ang paghihirap ng mga tao sa pangako ng walang hanggang buhay! Hindi ito totoo.

At ang mga bungang pinipita mo ay nangapalayo sa iyo, at lahat ng mga bagay na maiinam at mariringal ay nangalipol sa iyo, at hindi na mangasusumpungan pa.

Ang mga mangangalakal ng mga bagay na ito, na nangagsiyaman dahil sa kaniya, ay mangagsisitayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nagsisiiyak at nagsisipagluksa;
Na nangagsasabi, Sa aba, sa aba, niyaong dakilang bayan, siya na nararamtan ng mahalagang lino at ng kayong kulay ube, at pula, at napapalamutihan ng ginto at ng mahalagang bato at ng perlas!

Sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol ang gayong malaking kayamanan. At bawa't pinunong daong, at bawa't naglalayag saan mang dako, at ang mga mangdaragat, at lahat ng nagsisipaghanap-buhay sa dagat, ay nangakatayo sa malayo,
At nangagsisisigaw pagkakita sa usok ng kaniyang pagkasunog, na nangagsasabi, Anong bayan ang katulad ng dakilang bayan?
At sila'y nangagbubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo, at nagsisigawan, na nagiiyakan at nagtataghuyan, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba, ang dakilang bayan, na siyang iniyaman ng lahat na may mga daong sa dagat dahil sa kaniyang mga kayamanan! sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol.
Apocalipsis 18:14-19 (TAB)

Tungkol sa pagbagsak ng mga relihiyon, ilang ulit itong binanggit?

Magalak ka tungkol sa kaniya, Oh langit, at kayong mga banal, at kayong mga apostol, at kayong mga propeta; sapagka't inihatol ng Dios ang inyong hatol sa kaniya.
At dinampot ng isang anghel na malakas ang isang bato, na gaya ng isang malaking gilingang bato, at inihagis sa dagat, na sinasabi, Gayon sa isang kakilakilabot na pagkahulog, igigiba ang Babilonia, ang dakilang bayan, at hindi na masusumpungan pa.
Apocalipsis 18:20-21 (TAB)

“isang anghel na malakas” – Siya, si Maestro Evangelista, ang “sinugo” sa ating panahon, sa pahayag na ito ng tunay na aral ng Dios, ang mga relihiyon ay mabubunyag na sila ay hindi naglilingkod sa tunay na Dios!

 

Ano ang mangyayari sa mga relihiyon?

At ang tinig ng mga manunugtog ng alpa, at ng mga musiko at ng mga manunugtog ng plauta, at ng mga manunugtog ng pakakak ay hindi na maririnig pa sa iyo; at wala nang manggagawa ng anomang gawa ay masusumpungan pa sa iyo; at ang ugong ng gilingan ay hindi na maririnig pa sa iyo;
At ang ilaw ng ilawan ay hindi na liliwanag pa sa iyo, at ang tinig ng kasintahang lalake at ng kasintahang babae ay hindi na maririnig pa sa iyo; sapagka't ang mga mangangalakal mo ay naging mga pangulo sa lupa; sapagka't dinaya ng iyong panggagaway ang lahat ng mga bansa.
Apocalipsis 18:22-23 (TAB)

Wala na ang mga “kasalan” – mga ritwal at kagalakan at pagdiriwang sa mga relihiyon na ginagawa sa kasalukuyan, may bansa bang makakaalpas?

At nasumpungan sa kaniya ang dugo ng mga propeta, at ng mga banal, at ng lahat ng mga pinatay sa lupa.
Apocalipsis 18:24 (TAB)

Wala.

 

Sila ang mga tao na mananatili sa pananampalataya sa Babilonia at sa hari nito na si Jesus!

 

Sila ay mawawasak, maliban kung sila ay magsisi at kilalanin ang Dios, at humingi kay Maestro Evangelista ng payo kung papaano sila makakatanggap ng kapatawaran at pagliligtas sa Dios.

 

Nasa sa kanila na iyon. Binigyan na sila ng Dios ng paraan kung papaano nila maililigtans ang kanilang mga buhay sa “kaarawan” na iyon.

 

Upang ating malaman na ang “Kaarawan g Panginoon” ay malapit na, basahin natin kung gaano kalapit na ito, ang sabi ni Maestro Evangelista:

Pansinin ang mga hula sa Aklat ng Apocalipsis ay nagsisumulang mangyari!
At ibinuhos ng ikaanim ang kaniyang mangkok sa malaking ilog na Eufrates; at natuyo ang tubig nito, upang mahanda ang dadaanan ng mga haring mula sa sikatan ng araw.
Apocalipsis 16:12 (TAB)

“malaking ilog na Eufrates” – ito ay matatagpuan sa bansang Iraq, ito ang panahon ng paghihirap sa ekonomiya sa buong mundo, na kahit ang mga pinuno ng mga bansa ay hindi makakakita ng lunas sa mga pandaigdigang suliranin, tulad ng mga digmaan, mga kasakunaan, mga salot at presyo ng langis…

 

“upang mahanda ang dadaanan” – ang panahon na ang sinugo ng Dios ay lalabas.

At nakita kong lumabas sa bibig ng dragon, at sa bibig ng hayop, at sa bibig ng bulaang propeta, ang tatlong espiritung karumaldumal, na gaya ng mga palaka:
Apocalipsis 16:13 (TAB)

“dragon” – ang dragon/Satanas ay binabanggit pa, kaya ang labanan na nagsimula sa Halamana sa Eden ay hindi pa umaabot sa tugatog nito, at sa pagkakataong ito hindi pahihintulutan ng Dios na ang Halamanan ay mapunta muli ito sa dragon/Satanas gaya nang sa Eden. Dahil ang Halamanan ay ang Pangako ng Pagpapala ng Dios sa Kanyang Bayan.

 

“sa bibig ng hayop” – ang bibig ni Jesus, ang kanyang mga aral na ang mga relihiyon ay nagsisampalataya.

 

“sa bibig ng bulaang propeta” - ang mga relihiyon, dahil sila ay nangangaral ng mga aral ni Jesus, hindi ang sa Dios.

 

Tunay nga ba?

Sapagka't sila'y mga espiritu ng mga demonio, na nagsisigawa ng mga tanda; na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan, upang tipunin sa pagbabaka sa dakilang araw ng Dios, na Makapangyarihan sa lahat.
Apocalipsis 16:14 (TAB)

“na nagsisigawa ng mga tanda” – ang kapangyarihan ni Jesus na ibinigay ng Diablo/Satanas.

 

“dakilang araw ng Dios” – ang “Dakila at Kakilakilabot na Kaarawan ng Panginoong Dios.”

(Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan.)
Apocalipsis 16:15 (TAB)

“Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw” – Walang sinoman ang nakakaalam kung kailan mangyayari ang “kaarawan” na ito. Ipagpatuloy lang natin ang pagbasa sa website na ito, upang ating mamalas ang mga tanda na ibinibigay ni Maestro Evangelista tungkol sa mga tanda ng pahayag sa “Dakila at Kakilakilabot na Kaarawan ng Panginoon.”

 

“Mapalad siyang nagpupuyat“ - Ito ang panawagan ng Dios sa ating lahat. At sa mga hindi kikilala kay Maestro Evangelista tungkol sa mga pahayag ng Katotohanan sa Dios at kay Jesus, kung sino talaga siya; mapapahiya sila sa “kaarawan” na iyon. Kaya kung ating kikilalanin si Maestro Evangelista, ang taong sinugo ng Dios upang ipahayag ang Katotohanan, “mapalad” ang itatawag sa atin ng Dios.

At tinipon sila sa dako na sa Hebreo ay tinatawag na Armagedon.
Apocalipsis 16:16 (TAB)

“Armagedon” – kaya nga ang “kaarawan” na ito ay tinawag na “Dakila” at “Kakilakilabot.” Dahil walang makakapagsabi kung ano ang mangyayari sa araw na iyon. Hindi maisasalarawan.

At ibinuhos ng ikapito ang kaniyang mangkok sa hangin; at lumabas sa santuario ang isang malakas na tinig, mula sa luklukan na nagsasabi, Nagawa na:
Apocalipsis 16:17 (TAB)

“Nagawa na” – ang panahon ay naitakda na upang ang dakilang pahayag ay mangyari.

At nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog; at nagkaroon ng malakas na lindol, na di nangyari kailan man mula nang magkatao sa lupa, isang lindol na lubhang malakas, lubhang kakilakilabot.

At ang dakilang bayan ay nabahagi sa tatlo, at ang mga bayan ng mga bansa ay nangaguho: at ang dakilang Babilonia ay napagalaala sa paningin ng Dios, upang siya'y bigyan ng inuman ng alak ng kabagsikan ng kaniyang kagalitan.
At tumakas ang bawa't pulo, at ang mga bundok ay hindi nangasumpungan.
Apocalipsis 16:18-20 (TAB)

Ang mga pangyayaring ito ay nagaganap na sa kasalukuyan; ang mga pagbaha, mga lindol, msamang kalagayan ng panahon, at ibang mga kasakunaan, patunay na ang kaganapan ng pahayag tungkol sa “Dakila at Kakilakilabot na Kaarawan ng Panginoon” ay malapit na. Ito ang mga tanda.

 At malaking granizo na kasinglaki ng talento ay lumagpak sa mga tao buhat sa langit, at namusong ang mga tao sa Dios dahil sa salot na granizo; sapagka't ang salot na ito ay lubhang malaki.
Apocalipsis 16:21 (TAB)

Ang mga pangyayari na inihayag ng mga propeta sa mga aklat ng Lumang Tipan ay nakasulat sa Aklat ng Apocalipsis o hindi? Mapipigil ba o hindi?

 

Kung hindi natin pakikinggan ang panawagan ng Maestro Evangelista at kilalanin ang Dios, ang Makapangyarihan at magbalik-loob sa Kaniya, ang lahat ng nakakakilabot na mga pangyayari na nasa pahayag ay mangyayari!

 

Nasususlat sa aklat ng mga propeta, ipinakita ng Dios kung papaano ang kapangyarihan at kabagsik ang Kanyang galit. May paraan ba na mapayapa natin ang Dios na iurong ang Kanyang malaking galit?

 

Ito ang misyon ni Maestro Evangelista para sa mga tao sa buong mundo… ang ipaliwanag sa lahat ang dakilang pagkamahabagin ng Dios, at ating babasahin ang mensahe ng sinugo, ni Maestro Evangelista, makikita natin ang paraan upang tayo ay makatanggap ng kaligtasan.

 

Alamin natin ang paraan, basahin natin kung ano ang masasasabi ni Jesus tungkol dito:

Ang mabuting tao sa kaniyang mabuting kayamanan ay kumukuha ng mabubuting bagay: at ang masamang tao sa kaniyang masamang kayamanan ay kumukuha ng masasamang bagay.
At sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't salitang walang kabuluhang sabihin ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom.
Sapagka't sa iyong mga salita ikaw ay magiging banal, at sa iyong mga salita ay hahatulan ka.
Mateo 12:35-37 (TAB)

Sa ating mga salita na binibitawan na tayo ay hahatulan, mabuti man o masama. Dito nakasalalay ang ating mga buhay. At…

Nang magkagayo'y nagsisagot sa kaniya ang ilan sa mga eskriba at sa mga Fariseo, na nangagsasabi, Guro, ibig namin makakita ng isang tanda sa iyo.
Mateo 12:38 (TAB)

Hiningian si Jesus ng kanyang bayan noon ng isang tanda, dahil hindi na nila matiyak ang kanyang tunay na layunin, ano ang kanyang sagot?

 

Ang Tanda ni Propeta Jonas

Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi sa kanila, Isang lahing masama at mapangalunya ay humahanap ng isang tanda; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda kundi ng tanda ng propeta Jonas:
Mateo 12:39 (TAB)

Hindi niya sinagot ng tuwiran ang tanong, ni hindi niya ibinigay ang kanyang sariling tanda. Ano ang ibinigay niyang tanda sa kanyang bayan? Ang tanda ng propeta Jonas.

 

Sa pagkakataong ito, dapat nating maunawaan at tanggapin ang katotohanan na si Jesus sa panahong iyon ay wala nang karapatan tungkol sa kanyang misyon; siya ay “inalis na” sa kanyang misyon. Hindi na siya ang magtutuloy sa gawain ng pagpapakilala sa tunay na Dios at ng Dakilang Pangalan; siya ay sinabihan na magbigay ng ibang tanda, na hindi ukol sa kanya.

 

“Jonas” – na may ibang darating na dala ang tanda ng propeta Jonas.

 

Ang sabi ni Maestro Evangelista, binabanggit pa ni Jesus si propeta Jonas na malaon nang patay. Ano ang ibig sabihin ni Jesus dito?

 

Dito ipapaliwanag ni Maestro Evangelista ang dahilan ng pagbanggit ng propeta Jonas. Dahil tanda lamang ni propeta Jonas ang binanggit ni Jesus, ano ang ibig sabihin nito?

 

Basahin natin ang kasaysayan ni Propeta Jonas sa Banal na Aklat upang ating malaman, ang sabi pa ni Maestro Evangelista:

Ano ba ang nangyari sa panahon ni propeta Jonas? Ano ang mga pangyayari sa panahon ni propeta Jonas na mahalaga tungkol sa sinalita ni Jesus?


Ang salita nga ng Panginoon ay dumating kay Jonas na anak ni Amittai, na nagsasabi,
Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at humiyaw ka laban doon; sapagka't ang kanilang kasamaan ay umabot sa harap ko.

Nguni't si Jonas ay bumangon upang tumakas na patungo sa Tarsis mula sa harapan ng Panginoon; at siya'y lumusong sa Joppe, at nakasumpong ng sasakyan na patungo sa Tarsis: sa gayo'y nagbayad siya ng upa niyaon, at siya'y lumulan, upang yumaong kasama nila sa Tarsis mula sa harapan ng Panginoon.

Nguni't ang Panginoon ay nagpasapit ng malakas na hangin sa dagat, at nagkaroon ng malakas na unos sa dagat, na anopa't ang sasakyan ay halos masira.

Nang magkagayo'y nangatakot ang mga taong dagat at dumaing ang bawa't tao sa kanikaniyang dios; at kanilang inihagis sa dagat ang mga daladalahang nangasa sasakyan upang makapagpagaan sa kanila. Nguni't si Jonas ay bumaba sa pinakaloob na bahagi ng sasakyan; at siya'y nahiga at nakatulog ng mahimbing.

Sa gayo'y lumapit sa kaniya ang puno ng sasakyan, at sinabi sa kaniya, Ano ang inaakala mo, O matutulugin? bumangon ka, tumawag ka sa iyong Dios, baka sakaling alalahanin ng Dios tayo, upang huwag tayong mangamatay.

At sinabi ng bawa't isa sa kanila sa kaniyang kasama, Magsiparito kayo at tayo'y mangagsapalaran, upang ating maalaman kung dahil kanino dumating ang kasamaang ito sa atin. Sa gayo'y nangagsapalaran sila, at ang palad ay nahulog kay Jonas.

Nang magkagayo'y sinabi nila sa kaniya, Isinasamo namin sa iyo na iyong saysayin sa amin, kung dahil kanino dumating ang kasamaang ito sa atin; ano ang iyong hanap-buhay? at saan ka nanggaling? ano ang iyong lupain? at taga saang bayan ka?

At kaniyang sinabi sa kanila, Ako'y isang Hebreo; at ako'y natatakot sa Panginoon, sa Dios ng langit, na siyang gumawa ng dagat at ng tuyong lupain.
Nang magkagayo'y nangatakot na mainam ang mga tao, at sinabi sa kaniya, Ano itong iyong ginawa? Sapagka't talastas ng mga tao na siya'y tumatakas mula sa harapan ng Panginoon, sapagka't isinaysay niya sa kanila,
Nang magkagayo'y sinabi nila sa kaniya, Anong gagawin namin sa iyo, upang ang dagat ay tumahimik sa atin? sapagka't ang dagat ay lalo't lalong umuunos.
At sinabi niya sa kanila, Ako'y inyong buhatin, at ihagis ninyo ako sa dagat; sa gayo'y ang dagat ay tatahimik sa inyo: sapagka't talastas ko na dahil sa akin dumating ang malaking unos na ito sa inyo.
Gayon ma'y ang mga lalake ay nagsisigaod na mainam upang bumalik sa lupa; nguni't hindi nila magawa; sapagka't ang dagat ay lalo't lalong umuunos laban sa kanila.
Kaya't sila'y nagsidaing sa Panginoon, at nangagsabi, Ipinamamanhik namin sa iyo, Oh Panginoon, ipinamamanhik namin sa iyo, huwag mo kaming ipahamak dahil sa buhay ng lalaking ito, at huwag mong ihulog sa amin ang walang salang dugo; sapagka't ikaw, Oh Panginoon, iyong ginawa ang nakalulugod sa iyo.
Sa gayo'y kanilang binuhat si Jonas, at inihagis sa dagat; at ang dagat ay tumigil sa kaniyang poot.
Nang magkagayo'y nangatakot na mainam ang mga tao sa Panginoon; at sila'y nangaghandog ng isang hain sa Panginoon, at nagsipanata.
At inihanda ng Panginoon ang isang malaking isda upang lamunin si Jonas; at si Jonas ay napasa tiyan ng isda na tatlong araw at tatlong gabi.
Jonas 1:1-17 (TAB)

Bagaman si propeta Jonas ay isinugo ng Dios sa bayan ng Nineveh upang iparating sa mga naninirahan doon ang tungkol sa Hatol na ang bayan ay wawasakin ng Dios, tumakbo siya; at:

Nang magkagayo'y nanalangin si Jonas sa Panginoon niyang Dios mula sa tiyan ng isda.

At kaniyang sinabi, Tinawagan ko ang Panginoon dahil sa aking pagdadalamhati, At siya'y sumagot sa akin; Mula sa tiyan ng Sheol ako'y sumigaw, At iyong dininig ang aking tinig.
Sapagka't inihagis mo ako sa kalaliman, sa gitna ng dagat, At ang tubig ay nasa palibot ko; Ang lahat ng iyong alon at lahat ng iyong malaking alon ay umaapaw sa akin.
At aking sinabi, Ako'y nahagis mula sa harap ng iyong mga mata; Gayon ma'y titingin ako uli sa iyong banal na templo.
Kinukulong ako ng tubig sa palibot hanggang sa kaluluwa; Ang kalaliman ay nasa palibot ko; Ang mga damong dagat ay pumilipit sa aking ulo.
Ako'y bumaba sa mga kaibaibabaan ng mga bundok; Ang lupa sangpu ng kaniyang halang ay tumakip sa akin magpakailan man: Gayon may isinampa mo ang aking buhay mula sa hukay, Oh Panginoon kong Dios.
Nang ang aking kaluluwa ay nanglupaypay sa loob ko; naaalaala ko ang Panginoon; At ang aking dalangin ay umabot sa loob ng iyong banal na templo.
Ang nagsisilingap ng mga walang kabuluhang magdaraya Binabayaan ang kanilang sariling kaawaan.
Nguni't ako'y maghahain sa iyo ng tinig ng pasasalamat; Aking tutuparin yaong aking ipinanata. Kaligtasa'y sa Panginoon.
At ang Panginoon ay nagsalita sa isda, at iniluwa si Jonas sa tuyong lupa.
Jonas 2:1-10 (TAB)

Sa wakas, sinunod ni Jonas ang misyon na ibinigay sa kanya ng Dios!

At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jonas na ikalawa, na nagsasabi,

Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at ipangaral mo ang pangaral na aking iniutos sa iyo.
Sa gayo'y bumangon si Jonas, at naparoon sa Ninive, ayon sa salita ng Panginoon. Ang Ninive nga ay totoong malaking bayan, na tatlong araw na lakarin.
At pumasok si Jonas sa bayan na may isang araw na gumagala, at siya'y sumigaw, at nagsasabi, Apat na pung araw pa at ang Ninive ay mawawasak.
Jonas 3:1-4 (TAB)

Ibinigay na ng Dios ang Kanyang Hatol tungkol sa bayan, at walang ibinigay na tagubilin kung papaano makakaalpas ang bayan sa nalalapit nitong wakas.

At ang bayan ng Ninive ay sumampalataya sa Dios; at sila'y nangaghayag ng ayuno, at nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila.
At ang mga balita ay dumating sa hari sa Ninive, at siya'y tumindig sa kaniyang luklukan, at hinubad niya ang kaniyang balabal, at nagbalot siya ng kayong magaspang, at naupo sa mga abo.
At kaniyang inihayag at itinanyag sa buong Ninive sa pasiya ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, na sinasabi, Huwag lumasa maging tao ni hayop man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain, ni magsiinom man ng tubig;
Kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang, ang tao at gayon din ang hayop, at magsidaing silang mainam sa Dios: oo, talikdan ng bawa't isa ang kaniyang masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay.
Sino ang nakaaalam kung manumbalik ang Dios at magsisisi, at hihiwalay sa kaniyang mabangis na galit, upang tayo'y huwag mangamatay.
At nakita ng Dios ang kanilang mga gawa, na sila'y nagsihiwalay sa kanilang masamang lakad; at nagsisi ang Dios sa kasamaan, na kaniyang sinabing kaniyang gagawin sa kanila; at hindi niya ginawa.
Jonas 3:5-10 (TAB)

Ang sabi ni Maestro Evangelista, ito ang sinabi ni Jesus sa kanyang bayan noon na ang kanyang misyon ay tinapos na at may isang magpapatuloy ng kanyang misyon na darating sa mga panahon ng pagaalangan. At ang “salinlahing” sinalita ni Jesus noon ay sa ating kasalukuyang panahon!

 

At ang taong magpapatuloy sa misyon at ang kalagayan ng mundo sa kanyang pagdating ay kagaya ng panahon nang binigyan ng Hatol ng Dios ang bayan ng Nineveh. Ibig sabihin, ang panahon ng pagdating ng sinugo ay sa panahon na ang mundo na gaya ng bayan ng Nineveh na may Hatol na ng Dios! Maniwala kayo o hindi!
 
Tingnan ang kapaligiran, gaano katahimik ba ang mundo ngayon, hindi ba tayo dumaranas ng mga digmaan, mga kagutuman, mga kasakunaan, mga salot at mababagsik ng mga sakit at mga iba pa?

 

At sa pagbasa ng mga pangyayari sa panahon ni Jonas, bagaman ang Hatol ng Dios ay nasasaatin, may pagasa pa na maaaring iurong ng Dios. Tayo ay mapalad sa ating panahon; ipinapakita ni Maestro Evangelista kung papaano tayo ng lunas upang ang sumpa ay maiurong.   

Nang magkagayon,

Nguni't naghinanakit na mainam si Jonas, at siya'y nagalit.
At siya'y nanalangin sa Panginoon, at nagsabi, Ako'y nakikipanayam sa iyo, Oh Panginoon, di baga ito ang aking sinabi, nang ako'y nasa aking lupain pa? Kaya't ako'y nagmadaling tumakas na patungo sa Tarsis; sapagka't talastas ko na ikaw ay Dios na mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi ka sa kasamaan.
Kaya nga, Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, na kitlin mo ang aking buhay; sapagka't mabuti sa akin ang mamatay kay sa mabuhay.
At sinabi ng Panginoon, Mabuti baga ang iyong ginagawa na magalit?
Nang magkagayo'y lumabas si Jonas sa bayan, at naupo sa dakong silanganan ng bayan, at doo'y gumawa siya ng isang balag, at naupo siya sa ilalim niyaon sa lilim, hanggang sa kaniyang makita kung ano ang mangyayari sa bayan.
At naghanda ang Panginoong Dios ng isang halamang kikayon, at pinataas sa itaas ni Jonas, upang maging lilim sa kaniyang ulo, upang iligtas siya sa kaniyang masamang kalagayan. Sa gayo'y natuwang mainam si Jonas dahil sa kikayon.
Nguni't naghanda ang Dios ng isang uod nang magumaga nang kinabukasan at sinira ang halamang kikayon, na anopa't natuyo.
At nangyari, nang sumikat ang araw, na naghanda ang Dios ng mainit na hanging silanganan; at sinikatan ng araw ang ulo ni Jonas, na anopa't siya'y nanglupaypay, at hiniling niya tungkol sa kaniya na siya'y mamatay, at nagsasabi, Mabuti sa akin ang mamatay kay sa mabuhay.
At sinabi ng Dios kay Jonas, Mabuti baga ang ginagawa mo na magalit dahil sa kikayon? At kaniyang sinabi, Mabuti ang ginagawa ko na magalit hanggang sa kamatayan.
At sinabi ng Panginoon, Ikaw ay nanghinayang sa kikayon na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man; na sumampa sa isang gabi, at nawala sa isang gabi:
At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive, sa malaking bayang yaon, na mahigit sa isang daan at dalawang pung libong katao na hindi marunong magmunimuni ng kanilang kamay at ng kanilang kaliwang kamay; at marami ring hayop?
Jonas 4:1-11 (TAB)

Ngayon tayo ay binibigyan ng tanda kung papaano natin magagawang maiurong ang Sumpa ng Dios… Magsisi at magsibalik-loob sa Dios! Nguni’t sa pagkakataon ito dapat magkaisa ang mga tao sa buong mundo sa pagkilala sa Dios at sa wakas ay magkakaroon ng kapayapaan at wala nang dahilan upang makipagdigmaan sa bawat isa.

 

Ito ang tunay na mensahe na iniukol ni Jesus na malaman ng kanyang bayan noon, dahil wala na siyang karapatan na ihayag ang tunay na kahulugan. Kaya, ito na ang pagkakataon ni Maestro Evangelista upang ihayag ang kahulugan ng sinalita ni Jesus ng kanyang sinabi na “hindi siya bibigyan ng anomang tanda kundi ng tanda ng propeta Jonas.”

 

Sa pagpapatuloy sa sinalita ni Jesus:

Magsisitayo sa paghuhukom ang mga tao sa Nineve na kasama ng lahing ito, at ito'y hahatulan: sapagka't sila'y nagsipagsisi sa pangangaral ni Jonas; at narito, dito'y may isang lalong dakila kay sa kay Jonas.
Mateo 12:41 (TAB)

Ang pangyayari na naganap sa panahon ni Jonas ay mangyayari muli, at sa ating panahon na ang huling hatol ay ibinigay ng Dios!

 

Kung matututo lamang tayo sa halimbawa ng mga tao sa bayan ng Nineveh…
 
Ang tanong ngayon: Sino ang “isang lalong dakila kaysa kay Jonas?”

 

Si Maestro Evangelista, dahil naipakita niya ang paraan upang tayo ay makahanap ng lunas sa sumpa ng Dios sa atin!

 

Kung ang mga tao sa buong mundo ay magkakaisa at makinig sa panawagan ni Maestro Evangelista; “magsisi at kilalanin ang Dios,” ang sumpa ay iuurong ng Dios, ano ang mangyayari susunod?

Magbabangon sa paghuhukom ang reina ng timugan na kasama ng lahing ito, at ito'y hahatulan: sapagka't siya'y nanggaling sa mga wakas ng lupa upang pakinggan ang karunungan ni Salomon; at narito, dito'y may isang lalong dakila kay sa kay Salomon.
Datapuwa't ang karumaldumal na espiritu, kung siya'y lumabas sa tao, ay lumalakad sa mga dakong walang tubig na humahanap ng kapahingahan, at hindi makasumpong.
Mateo 12:42-43 (TAB)

May binanggit pang iba si Jesus “ang reina ng timugan” sa panahon ni Haring Salomon. At isa pa, “isang lalong dakila kay Salomon.” 

 

Sinu-sino sila?

 

Sino “ang reina ng timugan” sa panahon ni Haring Salomon?

 

Ito ang isa pang tanda na ibinigay ni Jesus noon; hindi malaman ng mga relihiyon ang tunay na mga kahulugan ng kanyang mensahe, dahil hindi sila ang sinugo upang ipaliwanag ang mga patotoo niya!

 

Ano ang ihahayag ni Maestro Evangelista sa sinalita ni Jesus tungkol sa “reina ng timugan?”

 

Ang sabi ni Maestro Evangelista, kung ito ang binabanggit sa sinalita ni Jesus, kung gayon ay ating basahin ang pangyayari sa panahon ni Haring Salomon:

At nang mabalitaan ng reina sa Seba ang kabantugan ni Salomon, siya'y naparoon upang subukin si Salomon, sa mga mahirap na tanong sa Jerusalem, na may maraming kaakbay, at mga kamelyo na may pasang mga espesia, at ginto na sagana, at mga mahalagang bato: at nang siya'y dumating kay Salomon, kaniyang inihinga sa kaniya ang lahat na laman ng kaniyang dibdib.
At isinaysay ni Salomon sa kaniya ang lahat niyang tanong: at walang bagay na nalingid kay Salomon na hindi niya isinaysay sa kaniya.
At nang makita ng reina sa Seba ang karunungan ni Salomon, at ang bahay na kaniyang itinayo.
At ang pagkain sa kaniyang dulang, at ang pagkaayos ng kaniyang mga alila, at ang tayo ng kaniyang mga tagapaglingkod, at ang kanilang mga pananamit, gayon din ang kaniyang mga tagahawak ng saro, at ang kanilang mga pananamit; at ang kaniyang sampahan na kaniyang sinasampahan sa bahay ng Panginoon: nawalan siya ng loob.
II Chronicles 9:1-4 (TAB)

Ito ang panahon nang pagdalaw ng “reina sa Seba” kay haring Haring Salomon, matapos marinig ang balita tungkol sa kadakilaan ng hari. Pinuntahan ng reina ang hari upang pakinggan ang kasagutan sa kanyang mga tanong.

At sinabi niya sa hari, Tunay na balita ang aking narinig sa aking sariling lupain tungkol sa iyong mga gawa, at sa iyong karunungan.
Gayon ma'y hindi ko pinaniwalaan ang kanilang mga salita hanggang sa ako'y dumating, at nakita ng aking mga mata: at, narito, ang kalahati ng kalakhan ng iyong karunungan ay hindi nasaysay sa akin: ikaw ay humigit sa kabantugan na aking narinig.
II Chronicles 9:5-6 (TAB)

May kasing tulad ito sa gawain ni Maestro Evangelista, ang mga tao ay pumupunta upang mapakinggan ang kanyang pahayag tungkol sa aral ng Dios na nakasulat sa Banal na Aklat.


Mapapalad ang iyong mga tao, at mapapalad itong iyong mga lingkod, na nagsisitayong palagi sa harap mo, at nangakakarinig ng iyong karunungan.

Purihin ang Panginoon mong Dios, na nalulugod sa iyo, na inilagay ka sa kaniyang luklukan, upang maging hari na ukol sa Panginoon mong Dios: sapagka't minamahal ng iyong Dios ang Israel, upang itatag magpakailan man, kaya't ginawa ka niyang hari sa kanila, upang magsagawa ng kahatulan at ng katuwiran.
At siya'y nagbigay sa hari ng isang daan at dalawangpung talentong ginto, at mga espesia na totoong sagana, at mga mahalagang bato: ni nagkaroon pa man ng gayong espesia na gaya ng ibinigay ng reina sa Seba sa haring Salomon.
At ang mga bataan naman ni Hiram, at ang mga bataan ni Salomon, na nagsipagdala ng ginto mula sa Ophir, nagsipagdala ng mga kahoy na algum at mga mahalagang bato.
At ginawang mga hagdanan ng hari ang mga kahoy na algum sa bahay ng Panginoon, at sa bahay ng hari, at mga alpa, at mga salterio na ukol sa mga mangaawit: at wala nang nakita pang gaya niyaon sa lupain ng Juda.
At ang haring Salomon ay nagbigay sa reina sa Seba ng lahat niyang nasa, anomang hiningi niya, bukod sa timbang ng kaniyang dinala sa hari. Sa gayo'y siya'y bumalik, at umuwi sa kaniyang sariling lupain, siya at ang kaniyang mga lingkod.
II Chronicles 9:7-12 (TAB)

Dala ni Maestro Evangelista ang Salita ng Dios at ang mga ibang bagay pa na magpapabuti ng mundong ito sa hinaharap.

 

At ano ang ibinigay ng Dios kay Haring Salomon noon?

Narito, isang lalake ay ipanganganak sa iyo, na siyang magiging lalaking mapayapa; at bibigyan ko siya ng kapahingahan sa lahat ng kaniyang mga kaaway sa palibot: sapagka't ang kaniyang magiging pangalan ay Salomon, at bibigyan ko ng kapayapaan at katahimikan ang Israel sa kaniyang mga kaarawan:
I Chronicles 22:9 (TAB)

Siya ay binigyan ng “kapayapaan,” “kasaganaan,” at “katwiran.”

 

Alam ni Jesus na may taong darating na may tanda ni propeta Jonas at ni Haring Salomon.

 

Ang aral ng Dios na dala ni Maestro Evangelista ang lunas sa kasalukuyang suliranin ng mundong ito.

 

Totoo ba na ang “reina sa timugan”  ay dala ng kasaganaan?

Ikaw ay bumangon, sumilang ka: sapagka't ang iyong liwanag ay dumating, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa iyo.
Sapagka't narito, tatakpan ng kadiliman ang lupa, at ng salimuot na dilim ang mga bayan: nguni't ang Panginoon ay sisikat sa iyo, at ang kaniyang kaluwalhatian ay makikita sa iyo.
At ang mga bansa ay paroroon sa iyong liwanag, at ang mga hari sa ningning ng iyong sikat.
Imulat mo ang iyong mata sa palibot, at ikaw ay tumingin: silang lahat ay nangagpipisan, sila'y nagsiparoon sa iyo: ang iyong mga anak na lalake ay mangagmumula sa malayo at ang iyong mga anak na babae ay kakalungin.
Kung magkagayon ikaw ay makakakita at maliliwanagan ka, at ang iyong puso ay titibok at lalaki; sapagka't ang kasaganaan ng dagat ay mababalik sa iyo, ang kayamanan ng mga bansa ay darating sa iyo.
Tatakpan ka ng karamihan ng kamelyo, ng mga dromedario sa Madian at sa Epha; magsisipanggaling na lahat mula sa Seba: mangagdadala ng ginto at kamangyan, at magtatanyag ng mga kapurihan ng Panginoon.
Lahat ng kawan sa Cedar ay mapipisan sa iyo, ang mga lalaking tupa sa Nebayoth ay mangahahain sa akin: sila'y kalugodlugod, na tatanggapin sa aking dambana, at aking luluwalhatiin ang bahay ng aking kaluwalhatian.
Sino ang mga ito na lumalakad na parang alapaap at parang mga kalapati sa kanilang mga dungawan?
Tunay na ang mga pulo ay mangaghihintay sa akin, at ang mga sasakyang dagat ng Tarsis ay siyang mangunguna, upang dalhin ang iyong mga anak mula sa malayo, ang kanilang pilak at kanilang ginto na kasama nila, dahil sa pangalan ng Panginoon mong Dios, at dahil sa Banal ng Israel, sapagka't kaniyang niluwalhati ka.
Isaias 60:1-9 (TAB)

Ganito rin ang isasagana ng buhay natin kung…

 

Ang lahat ng ito ay mangyayari sa takdang panahon. Nasa sa mga tao ng buong mundo na maging ganap; magsisi at magbalik-loob sa Dios, pakinggan ang sinugo upang ang Pagpapala ng Dios ay maibigay sa atin, ng walang pili sa kulay ng balat at kinabibilangang bansa.
 
Ang Payo sa atin ng Dios

 

Sabi ni Maestro Evangelista, Kung tayo man ay dumaranas ng mga ganitong kapahamakan, ano ang nais ipaunawa sa atin ng Dios?

Anak ko, huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon; ni mayamot man sa kaniyang saway:
Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran.
Kawikaan 3:11-12 (TAB)

Ibinibigay ng Dios lamang ang kanyang pagsaway o pagparusa sa atin. Nilikha niya tayo, marapat lamang na atin gantihan ng pagkilala na Siya, ang ating Maykapal, ang ating tunay na Dios.

Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan, at ang tao na nagtatamo ng kaunawaan.
ang kalakal niya ay maigi kay sa kalakal na pilak, at ang pakinabang niyaon kay sa dalisay na ginto.
Mahalaga nga kay sa mga rubi; at wala sa mga bagay na mananasa mo sa maihahalintulad sa kaniya,
Karamihan ng mga araw ay nasa kanang kamay niya, sa kaniyang kaliwang kamay ay mga kayamanan at karangalan.
Kawikaan 12:13-16 (TAB)

Sa karunungan at sa kaunawaan, ang lahat ay dararting sa atin… at sino ang pakikinggan ng Dios?

Ang Panginoon ay malayo sa masama: nguni't kaniyang dinidinig ang dalangin ng matuwid.
Kawikaan 15:29 (TAB)

Dinidinig ng Dios ang matuwid… Dapat tayong makatiyak sa ating mga layunin sa pagkakataon ito kapag tayo ay nananalangin sa Dios.

 

Iyan po ang pahayag ni Maestro Evangelista tungkol sa pahayag ng “Dakila at Kakilakilabot na Kaarawan ng Panginoon.”

 

Sana maging gabay sa atin ang mga ito hanggang sa pagsapit ng “Kaarawan” na iyon.

 

Bumalik sa Itaas.

 

Magpatuloy sa: Ang Wakas ng Paghahari ni Satanas sa Mundo

 


Ang pahinang ito ay huling inayos noong: Wednesday May 28, 2014

 


Home | About | News | Sitemap | Email

Please go to www.facebook.com/Thenameph for more information.
Copyright © 2011 www.thename.ph


The Revelation of the Foreigner as mentioned by King Solomon in:

“As for the foreigner who does not belong to your people Israel but has come from a distant land because of your name— for they will hear of your great name and your mighty hand and your outstretched arm—when he comes and pray toward this temple, then hear from heaven, your dwelling place. Do whatever the foreigner asks of you, so that all the peoples of the earth may know your name and fear you, as do your own people Israel, and may know that this house I have built bears your Name."

I Kings 8:41-43 (NIV)

 


 

Maestro Eraño M. Evangelista was only sent to deliver God's Message to all people; he is not starting a new religion, nor asking for any kind of donation. Please find time to read the messages completely.

 


 

View the visitors from around the world:

 Click on the Revolving Map to view it entirely.

Since May 13, 2011

If for some reason that you cannot see the map in the link page, simply download the latest Java plug-in for your browser. Click here to install the latest version of Java.


Geo Visitors Map


 

Read the prophecies in your own language by linking to the BibleGateway.com website:

(Right click on the image and select "Open link in new window.")


 


Home | About | News | Sitemap | Email

Copyright © 2022    www.thename.ph