Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Ikatlong Bahagi: Ang
Pangalan ng Dios
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
ANG DAKILANG PANGALAN
NG DIOS
Inihayag sa www.thename.ph noong ika 24 ng Setyembre 2006
Narito, sa kaunaunahang pagkakataon, ang Pangalan ng Dios ay ihahayag na sa atin ni Maestro Eraño M.
Evangelista upang ang "sumpa" sa mundo ay maalis na.
Sa pagsisimula, naibigay na noon ang mga pahayag, nguni’t ang hindi nalaman ng mga tao na ang
pagbibigay ng mga pahayag ng Dios ay nahahati sa dalawa: "ang pagpapala at ang sumpa."
Narito, inilalagay
ko sa harap ninyo sa araw na ito ang pagpapala at ang sumpa;
Ang pagpapala, kung inyong didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios,
na aking iniutos sa inyo sa araw na ito;
At ang sumpa, kung hindi ninyo didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong
Dios, kundi kayo lilihis sa daan na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito,
upang sumunod sa ibang mga dios, na hindi ninyo nangakilala.
Deuteronomio 11:26 -28 (TAB)
Ang sabi ni Maestro Evangelista: Tayo ang gagawa ng buhay natin,
nasasaatin kung papaano natin ito pagagandahin. Kung gumanda o sumama man ang
buhay natin, tayo ang may gawa nito. Hindi dapat isisi sa iba at lalo na sa Dios.
Tungkol sa mga relihiyon at mga “fortune tellers:” Walang
katotohanan at hindi dapat paniwalaan ang kanilang mga kasabihan na ang mga
nangyayari daw sa buhay natin ay “itinadhana ng Dios,” at ang nakukuha sa mga
“horoscope,” “cards/tarots” at “crystal ball,” ay ang “kapalaran” daw natin.
Ito ay isa lamang sa mga pandaraya na ginawa nila sa atin na
taliwas sa “pahayag” o “revelation” na ibinibigay ng Dios sa pamamagitan ng mga
propeta na isinusugo Niya.
Dahil sa “panghuhulang” ginawa nila, ang mga tao ay tuluyan ng
napalayo sa Dios at wala ng pagpipilian kundi sundin ang “nakatadhana na daw
nating kapalaran” ayon sa
mga relihiyon at mga manghuhula.
Nguni’t binigyan tayo ng Dios ng kapangyarihan na pumili kung anong uri ng
pamumuhay ang nais natin. Bakit hindi natin gamitin? Ipapakita sa atin ni
Maestro Evangelista kung papaano natin makakamit ang magandang pamumuhay!
Tungkol sa Paghuhula
ng Kapalaran
Noon pa man ay
galit ang Dios sa mga manghuhula, ano ang Kanyang kahatulan hinggil sa kanila?
Kung may bumangon
sa gitna mo na isang manghuhula, o isang mapanaginipin ng mga panaginip, at
kaniyang bigyan ka ng isang tanda o kababalaghan,
At ang tanda o ang kababalaghan ay mangyari, na kaniyang pagsalitaan ka, na
sabihin, Sumunod tayo sa ibang mga dios, na hindi mo nakikilala, at ating
paglingkuran sila;
Deuteronomio 13:1-2 (TAB)
"kaniyang bigyan ka ng isang tanda o kababalaghan,
At ang tanda o ang kababalaghan ay mangyari," - Ito ang isang
pamamaraan ng panlilinlang upang tayo ay sumamba sa ibang "dios na hindi
kilala."
Sa anong dahilan bakit may mga “manghuhula?” Ano ang masasabi ng Dios tungkol sa
kanila?
Ay huwag mong
didinggin ang mga salita ng manghuhulang yaon, o ng mapanaginiping yaon ng
mga panaginip: sapagka't sinusubok kayo ng Panginoon ninyong Dios, upang
maalaman kung iniibig ninyo ang Panginoon ninyong Dios ng inyong buong puso
at ng inyong buong kaluluwa.
Kayo'y lalakad ayon sa Panginoon ninyong Dios, at matatakot sa kaniya, at
gaganap ng kaniyang mga utos, at susunod sa kaniyang tinig at maglilingkod
sa kaniya at lalakip sa kaniya.
Deuteronomio 13:3-4 (TAB)
Malinaw, sinusubok tayo ng Dios kung sumusunod tayo sa Kaniyang mga kautusan.
Sinisubok Niya kung gaano tayo katapat sa Kaniya kahit dumanas man tayo ng hirap
sa buhay!
At ano ang kaparusahan sa mga gumagawa ng mga yaon?
At ang
manghuhulang yaon o ang mapanaginiping yaon ng mga panaginip, ay papatayin,
sapagka't siya'y nagsalita ng panghihimagsik laban sa Panginoon ninyong Dios
na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto, at tumubos sa iyo sa bahay ng
pagkaalipin, upang iligaw ka sa daan na iniutos sa iyong lakaran mo ng
Panginoon mong Dios. Ganito mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo.
Deuteronomio 13:5 (TAB)
Ang kaparusahan pala ay kamatayan. Ang mga sumusunod sa mga “manghuhula” ay
ang sumpa ng Dios!
Kung ating susundin ang mga ipinag-uutos ng Dios tungkol sa dapat nating
gawin mula sa mga pahayag ng mga Kanyang lingkod na mga propeta, tatanggap tayo ng
pagpapala. Nguni’t susumpain tayo kung hindi natin pansinin o hindi sundin ang
mga kautusan ng Dios at sumamba pa sa ibang dios na hindi natin nakilala dahil
sa mga relihiyon at mga “manghuhula!”
Naihayag sa atin ni Maestro Evangelista na ang tunay
na aral ng Dios ay nahahati sa dalawa;
"ang pagpapala at sumpa,” at nang sumamba tayo kay Jesus; sinumpa tayo ng Dios,
dahil si Jesus ay hindi ang Dios!
Dahil sinamba
natin si Jesus; ang sinambang dios na hindi kilala, inakala natin na tayo ay
pinagpapala. Nguni’t tayo nga ba ay "pinagpapala?" Tingnan ang mga nangyayari
sa mundo sa ating kasalukuyan.
At habang ipinagpapatuloy natin ang pagsamba at paglilingkod kay Jesus, ang
sumpa (mga digmaan, sakuna, kagutuman, pagsasalot, pagputok ng mga bulkan at mga
lindol) ay lalong titindi.
Papaano tayo makakawala sa ganitong abang kalagayan?
Kilalanin ang
Dios at manumbalik sa Kaniya. Si Maestro Evangelista ang magpapakilala sa atin
upang makahingi ng kaligtasan sa pamamagitan ng pagtawag sa Tunay na Pangalan ng
Dios.
Ang sabi ni Maestro Evangelista, "karunungan at unawa" lamang ating kailangan upang malaman ang tunay na Pangalan ng Dios. Ipagpatuloy lang natin ang
pagbasa sa mga pahayag ni Maestro Evangelista. Makikilala natin ang tunay na Dios.
Ang pagpili ay nasa sa atin: "Ang pagpapala" o "ang sumpa."
Upang lalo natin maunawaan ang tungkol dito, bumasa tayo ng isang halimbawa
hinggil sa mga tagubilin ng Dios:
Si Jonas at ang Isda
Basahin ang Kasaysayan ni Jonas. Ipakikita ni Maestro Evangelista na walang "naitadhana
na" o "predestination” hinggil sa pasya ng Dios.
Ang salita nga ng
Panginoon ay dumating kay Jonas na anak ni Amittai, na nagsasabi,
Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at humiyaw ka
laban doon; sapagka't ang kanilang kasamaan ay umabot sa harap ko.
Jonas 1:1-2 (TAB)
Isinumpa na
ng Dios ang bayan
ng Nineve.
Alam natin na si Jonas ay hindi agad pumunta sa Nineve, siya'y tumakas at pumunta sa
ibang lugar sakay ng isang sasakyang pangdagat.
Upang matigil ang bagyo, ipinakiusap niyang ihagis siya sa dagat at “napasa tiyan ng isda ng
tatlong araw at tatlong gabi.”
Pagkatapos ay iniluwa siya ng “isda,” at ano ang nangyari sa ikalawang pagkakataon?
At ang salita ng
Panginoon ay dumating kay Jonas na ikalawa, na nagsasabi,
Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at ipangaral mo
ang pangaral na aking iniutos sa iyo.
Sa gayo'y bumangon si Jonas, at naparoon sa Ninive, ayon sa salita ng
Panginoon. Ang Ninive nga ay totoong malaking bayan, na tatlong araw na
lakarin.
At pumasok si Jonas sa bayan na may isang araw na gumagala, at siya'y
sumigaw, at nagsasabi, Apat na pung araw pa at ang Ninive ay mawawasak.
Jonas 3:1-4 (TAB)
May pasya na ang Dios
sa bayan ng Ninive, wawasakin na ito.
Ano ang ginawa ng taong bayan?
At ang bayan ng
Ninive ay sumampalataya sa Dios; at sila'y nangaghayag ng ayuno, at
nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa
kaliitliitan sa kanila.
At ang mga balita ay dumating sa hari sa Ninive, at siya'y tumindig sa
kaniyang luklukan, at hinubad niya ang kaniyang balabal, at nagbalot siya ng
kayong magaspang, at naupo sa mga abo.
At kaniyang inihayag at itinanyag sa buong Ninive sa pasiya ng hari at ng
kaniyang mga mahal na tao, na sinasabi, Huwag lumasa maging tao ni hayop
man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain, ni
magsiinom man ng tubig;
Kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang, ang tao at gayon din ang hayop,
at magsidaing silang mainam sa Dios: oo, talikdan ng bawa't isa ang kaniyang
masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay.
Jonas 3:5-8 (TAB)
Nagsisi silang lahat,
mula sa pinakadakila hanggang sa kaliitliitan.
“pangdadahas” - Gaya ng mga nangyayari ngayon sa lahat ng panig ng mundo,
mga kaguluhan at patayan sa mga bansa.
Sino ang nakaaalam
kung manumbalik ang Dios at magsisisi, at hihiwalay sa kaniyang mabangis na
galit, upang tayo'y huwag mangamatay.
Jonas 3:9 (TAB)
Ito ang kanilang
panalangin sa Dios, at ano ang ginawa ng Dios?
At nakita ng Dios
ang kanilang mga gawa, na sila'y nagsihiwalay sa kanilang masamang lakad; at
nagsisi ang Dios sa kasamaan, na kaniyang sinabing kaniyang gagawin sa
kanila; at hindi niya ginawa.
Jonas 3:10 (TAB)
Kahit naibigay na ng
Dios ang Kanyang pasya, hindi Niya “winasak” ang bayan ng Nineve dahil nagsisi
mga tao at nagbalikloob sa Kaniya.
Ang sabi ni Maestro Evangelista: Kahit na naibigay na ang pasya ng Dios, kung
tayo lamang ay magsisisi, magbabago at manunumbalik sa Kaniya, iuurong Niya ang
Kanyang pasya at mawawala ang sumpa, gaya ng ginawa niya sa bayan ng Nineve.
Dito natin nalaman na wala talagang “naitakda na” hinggil sa pasya ng Dios. May
pag-asa tayong lahat.
Ano ang masasabi ng Dios hinggil dito?
Nguni't kung ang
masama ay humiwalay sa kaniyang lahat na kasalanan na kaniyang nagawa, at
ingatan ang lahat na aking mga palatuntunan, at gumawa ng tapat at matuwid,
siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay.
Wala sa kaniyang mga pagsalangsang na nagawa niya na aalalahanin laban sa
kaniya: sa kaniyang katuwiran na kaniyang ginawa ay mabubuhay siya.
Ezekiel 18:21-22 (TAB)
Tunay nga ba
na gusto ng
Dios na mamatay ang masama?
Mayroon baga akong anomang kasayahan sa kamatayan ng masama? sabi ng
Panginoong Dios: at hindi baga mabuti na siya'y humiwalay sa kaniyang lakad,
at mabuhay?
Ezekiel 18:23 (TAB)
Tunay na mahabagin ang Dios sa mga mapagkumbaba at
sa mga nanunumbalik sa Kaniya.
Ano
ang nangyari kay Jonas?
Nguni't
naghinanakit na mainam si Jonas, at siya'y nagalit.
At siya'y nanalangin sa Panginoon, at nagsabi, Ako'y nakikipanayam sa iyo,
Oh Panginoon, di baga ito ang aking sinabi, nang ako'y nasa aking lupain pa?
Kaya't ako'y nagmadaling tumakas na patungo sa Tarsis; sapagka't talastas ko
na ikaw ay Dios na mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan, banayad sa
pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi ka sa kasamaan.
Kaya nga, Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, na kitlin mo ang aking buhay;
sapagka't mabuti sa akin ang mamatay kay sa mabuhay.
Jonas 4:1-3 (TAB)
“mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa
kagandahang-loob, at nagsisisi ka sa kasamaan” – ito ang tunay na Dios na
pinangangalagaan ang mga kumikilala at sumusunod sa Kanyang mga Kautusan.
“kitlin mo
ang aking buhay” - Dahil hindi nangyari ang kanyang sinabi sa mga tao (ang
pagkawasak ng Nineve), lalabas na sinungaling na propeta si Jonas.
At ano ang sagot ng Dios sa kanya?
At sinabi ng
Panginoon, Mabuti baga ang iyong ginagawa na magalit?
Nang magkagayo'y lumabas si Jonas sa bayan, at naupo sa dakong silanganan ng
bayan, at doo'y gumawa siya ng isang balag, at naupo siya sa ilalim niyaon
sa lilim, hanggang sa kaniyang makita kung ano ang mangyayari sa bayan.
At naghanda ang Panginoong Dios ng isang halamang kikayon, at pinataas sa
itaas ni Jonas, upang maging lilim sa kaniyang ulo, upang iligtas siya sa
kaniyang masamang kalagayan. Sa gayo'y natuwang mainam si Jonas dahil sa
kikayon.
Nguni't naghanda ang Dios ng isang uod nang magumaga nang kinabukasan at
sinira ang halamang kikayon, na anopa't natuyo.
At nangyari, nang sumikat ang araw, na naghanda ang Dios ng mainit na
hanging silanganan; at sinikatan ng araw ang ulo ni Jonas, na anopa't siya'y
nanglupaypay, at hiniling niya tungkol sa kaniya na siya'y mamatay, at
nagsasabi, Mabuti sa akin ang mamatay kay sa mabuhay.
At sinabi ng Dios kay Jonas, Mabuti baga ang ginagawa mo na magalit dahil sa
kikayon? At kaniyang sinabi, Mabuti ang ginagawa ko na magalit hanggang sa
kamatayan.
At sinabi ng Panginoon, Ikaw ay nanghinayang sa kikayon na hindi mo
pinagpagalan o pinatubo man; na sumampa sa isang gabi, at nawala sa isang
gabi:
At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive, sa malaking bayang yaon, na
mahigit sa isang daan at dalawang pung libong katao na hindi marunong
magmunimuni ng kanilang kamay at ng kanilang kaliwang kamay; at marami ring
hayop?
Jonas 4:4-10 (TAB)
Dahil nga sa
kagandahang loob ng Dios ay hindi Niya itinuloy ang Kanyang pasya na wasakin ang bayan ng
Nineve. Ganito kalaki ang pag-ibig ng Dios sa tao!
Kaya ang
masasabi ni Maestro Evangelista sa pagkakataong ito: Magsisi na tayo, kilalanin
at manumbalik sa Dios at sundin ang Kanyang mga Kautusan at tiyak na pagpapalain
Niya tayo ng lubos.
Nasa sa atin kung ano ang gusto nating mangyari sa buhay natin.
At narito ngayon si Maestro Evangelista na naghahayag ng kapasyahan o hatol ng
Dios sa atin, may panahon pa tayo upang hindi mangyari ang pasya ng Dios, paano?
Basahin at unawaing mabuti ang pahayag ni Maestro Evangelista hinggil sa
Pangalan ng Dios. Basahin at hanapin natin ang pagpapala ng Dios.
Ang sabi pa ni Maestro Evangelista: Walang katotohanan sa sinasabi ng mga
relihiyon na “kagustuhan ng Dios.” Kung sumpa ang tinatanggap mo, ikaw ang may
gusto na mangyari iyon sa iyo. At kung pagpapala naman, ikaw rin ang may gusto
na mangyari iyon sa iyo.
Wala tayong dapat sisihin kundi ang ating mga sarili. Bakit?
Ibugso mo ang
iyong pagiinit sa mga bansa na hindi nangakakakilala sa iyo, at sa mga
kaharian na hindi nagsisitawag sa iyong pangalan.
Awit 79:6 (TAB)
Ang sabi ni Maestro
Evangelista: Hindi sapat ang pagsunod sa mga Kautusan, kailangan din nating
malaman ang Kanyang tunay na Pangalan, dahil maraming pangalang ibinibigay sa
Kaniya.
Kapag hindi ka tumawag sa Dios, ang tatanggapin mo ay ang Kanyang “Sumpa.”
Ang mga
pangyayaring nagaganap sa mundo sa kasalukuyang panahon ay ang “sumpa” na
ibinigay sa atin ng Dios, ito ay patuloy na mangyayari hanggang sa umabot na
tayo sa “wakas ng mga araw.”
Basahin:
Iyong tulungan
kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, dahil sa kaluwalhatian ng iyong pangalan:
at iyong iligtas kami, at linisin mo ang aming mga kasalanan, dahil sa iyong
pangalan.
Awit 79:9 (TAB)
Ang sabi ni Maestro Evangelista ay: Kilalanin ang Dios at tumawag sa Kanyang
Pangalan – ito lamang ang magliligtas sa atin at wala ng iba!
Nguni’t ano ang Pangalan ng Dios?
Ito ang ihahayag ni Maestro Evangelista sa atin.
Pagbutihin
natin ang pagbabasa sa pahayag ni Maestro Evangelista tungkol sa pagpapakilala
ng Dakilang Pangalan ng Dios.
At nakita ko nang
buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang
araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang
buong buwan ay naging gaya ng dugo;
Apocalipsis 6:12 (TAB)
Ito ang panahon ng
pagtawag
ng Dios kay Maestro Evangelista noong Hulyo 16, 1990, na naisabi niya na
lilindol sa araw ring iyon, lumindol nga at nasabi pa niya na may puputok na
bulkan at magkakaroon ng digmaan.
Nangyari ang
lahat ng iyon.
At ang mga bituin
sa langit ay nangahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang
kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na hangin. At ang
langit ay nahawi na gaya ng isang lulong aklat kung nalululon; at ang bawa't
bundok at pulo ay naalis sa kanilang kinatatayuan.
Apocalipsis 6:13-14 (TAB)
Ito ang larawan ng
bulkang Pinatubo matapos ang pagsabog nito.At magpasa hanggang ngayon, nangyayari pa rin ang mga sakuna at digmaan.
At ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan,
at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa't alipin at ang
bawa't laya, ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok;
Apocalipsis 6:15 (TAB)
Ito naman ang
pangyayari sa mga digmaan sa Gitnang Silangan, na kasalukuyan ay sa hangganan ng
Israel-Lebanon at sa Gaza.
At sinasabi nila
sa mga bundok at sa mga bato, Mahulog kayo sa amin, at kami'y inyong itago
sa mukha noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero:
Apocalipsis 6:16 (TAB)
Anong uri ng galit ito?
Sapagka't dumating
na ang dakilang araw ng kanilang kagalitan; at sino ang makatatayo?
Apocalipsis 6:17 (TAB)
Naihayag na ba ito
noon pa?
Sa aba ninyo na
nangagnanasa ng kaarawan ng Panginoon! bakit ninyo ninanasa ang kaarawan ng
Panginoon? kadiliman nga, at hindi kaliwanagan.
Amos 5:18 (TAB)
“ninanasa”
- Ito ang "araw" na ipinangangaral at ipagdidiwang ng mga relihiyon na sa
kanilang pag-aakala ay ang maluwalhating pagbabalik ni Jesus, nguni’t anong uri
ba ang tunay na "kaarawan ng Panginoon" ayon sa propeta ng Dios?
"kadiliman nga, at
hindi kaliwanagan" – Taliwas sa ipinangangaral ng mga relihiyon.
Hindi pala dapat ipagdiwang ang "araw" na iyon, bagkus dapat nating paghandaan ng
may pag-iingat.
Gaya ng kung ang
tao ay tumatakas sa leon, at isang oso ang sumasalubong sa kaniya; o
pumapasok sa bahay at ikinakapit ang kaniyang kamay sa pinid, at isang ahas
ang tumutuka sa kaniya.
Amos 5:19 (TAB)
Ang "kaarawan
ng Panginoon" ay panahon pala ng "panganib at kabagabagan," hindi kapayapaan
at hindi kagalakan.
Hindi baga
magiging kadiliman ang kaarawan ng Panginoon, at hindi kaliwanagan? na
totoong madilim, at walang ningning?
Amos 5:20 (TAB)
Tunay na ito ang galit
ng Dios! Bakit?
Aking kinapopootan,
aking hinahamak ang inyong mga kapistahan, at hindi ako malulugod sa inyong
mga takdang kapulungan.
Oo, bagaman inyong ihandog sa akin ang inyong mga handog na susunugin at mga
handog na harina, hindi ko tatanggapin; ni akin mang kalulugdan ang mga
handog tungkol sa kapayapaan na inyong mga matabang hayop.
Ihiwalay mo sa akin ang ingay ng iyong mga awit; sapagka't hindi ko
didinggin ang tinig ng iyong mga biola.
Kundi bumugso ang katarungan na parang tubig, at ang katuwiran na parang
malakas na agos.
Nagdala baga kayo sa akin ng mga hain, at ng mga handog sa ilang na apat na
pung taon, Oh sangbahayan ni Israel?
Oo, inyong pinasan ang tabernakulo ng inyong hari at ang dambana ng inyong
mga larawan, ang bituin ng inyong dios, na inyong ginawa para sa inyong
sarili.
Amos 5:21-26 (TAB)
Ang galit ay nakatuon sa mga relihiyon.
"ang bituin ng inyong dios" – Dito galit ang Dios, dahil ang
lahat ay sumamba sa ibang dios na
hindi kilala.
Kaya't kayo'y
aking papapasukin sa pagkabihag sa dako roon ng Damasco, sabi ng Panginoon,
na ang pangala'y Dios ng mga hukbo.
Amos 5:27 (TAB)
Ang "kaarawan
ng Panginoon" ay panahon pala ng panganib at kabagabagan, hindi kapayapaan
at hindi kagalakan.
Totoo ba na galit na sa kanila ang Dios, na pinabayaan na sila?
Ganito nagpakita
ang Panginoong Dios sa akin: at, narito, ang isang bakol ng bunga ng taginit.
At kaniyang sinabi, Amos, anong iyong nakikita? At aking sinabi, Isang bakol
ng bunga ng taginit. Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Ang wakas
ay dumating sa aking bayang Israel; hindi na ako daraan pa uli sa kanila.
Amos 8:1-2 (TAB)
"hindi na ako daraan
pa uli sa kanila" - Wala na sa kanila ang Dios!
Ano ang iba pang tanda na wala na talaga sa kanila ang Dios?
At mangyayari,
kung may matirang sangpung tao sa isang bahay, na pawang mangamamatay.
At pagka itataas siya ng amain, sa makatuwid baga'y ng sumusunog sa kaniya,
upang ilabas ang mga buto sa bahay, at sasabihin doon sa nasa pinakaloob ng
bahagi ng bahay, May kasama ka pa bagang sinoman? at kaniyang sasabihin:
Wala; kung magkagayo'y kaniyang sasabihin: Tumahimik ka; sapagka't hindi
natin mababanggit ang pangalan ng Panginoon.
Amos 6:9-10 (TAB)
"sapagka't hindi natin
mababanggit ang pangalan ng Panginoon" – Isinumpa sila noon dahil sumamba sila
sa ibang dios na hindi nila kilala
– Jeremias 44:26-28
Sapagka't narito,
naguutos ang Panginoon, at ang malaking bahay ay magkakasira, at ang munting
bahay ay magkakabutas.
Tatakbo baga ang mga kabayo sa malaking bato? magaararo baga roon ang sino
man sa pamamagitan ng mga toro? inyo ngang ginagawang kapaitan ang
katarungan, at ajenjo ang bunga ng katuwiran,
Amos 6:11-12 (TAB)
Walang sisinuhin. Kaya
kahit sa magkabilang panig ng hangganan ng Israel at Lebanon, nilisan ng mga tao
ang mga bahayan nila ng may pagmamadali, mayaman at mahirap, upang mailigtas ang
kanilang mga sarili.
Ito na ang sinasabing kagalitan ng Dios.
Ang Ibang Anghel
At ngayon, para sa kaalaman ng mga tao sa buong mundo, ano pa ang mga susunod na mga
pangyayari?
At pagkatapos nito
ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na
pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa,
o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy.
Apocalipsis 7:1 (TAB)
Ito ang mga
Pangulo ng mga UN, US, UK, at mga bansang Arabo na sa kasalukuyan ay pinipigil at
namamagitan sa alitan sa pagitan ng Israel at Hezbollah sa lugar na iyon sa
Gitnang Silangan, ayaw nilang lumaki pa ang kaguluhan doon.
At nakita ko ang
ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng
Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na
pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat,
Apocalipsis 7:2 (TAB)
"ibang anghel" – iba
pa sa apat na anghel, dahil hindi siya isang Pangulo ng bansa, ito si Maestro
Evangelista na makikita at makikilala ng mga tao sa buong mundo, ang magbibigay
ng mensahe ng Dios.
"mula sa sikatan ng araw" – Ang "ibang anghel" ay manggagaling dito sa Pilipinas, sa Timog
Silangang Asya o Far East.
At ano ang Mensahe ni Maestro Evangelista para sa ating lahat?
Na nagsasabi,
Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy,
hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios.
Apocalipsis 7:3 (TAB)
Huwag ituloy ang digmaan at upang maipangaral ang Tunay at Nag-iisang Pangalan
ng Dios.
Alamin natin kung ano ang pinipigil na "apat na hangin?"
Sa panahong yaon
ay sasabihin sa bayang ito at sa Jerusalem, Isang mainit na hangin na mula
sa mga luwal na kaitaasan sa ilang ay dumating sa anak ng aking bayan, hindi
upang sumimoy, o maglinis man:
Jeremias 4:11 (TAB)
"mainit na hangin" – Iba
ang kalagayan ng pamumuhay sa mga tao roon. Hindi sa kapayapaan o kasaganaan
man, saan?
Isang malakas na
hangin na mula sa mga ito ay darating sa akin: ngayo'y magsasalita naman ako
ng mga kahatulan laban sa kanila.
Jeremias 4:12 (TAB)
Ang pamumuhay sa
ilalim ng paghahatol ng Dios!
Ito na ang kalagayang nangyayari sa lugar na iyon, anong uri ng paghahatol ito
mula sa Dios?
Narito, siya'y
sasagupang parang mga ulap, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang
ipoipo ang kaniyang mga kabayo ay lalong matulin kay sa mga aguila.
Sa aba natin! sapagka't tayo'y nangapahamak.
Jeremias 4:13 (TAB)
Ito ang pagsasalarawan ng mga makabagong gamit pangdigma na nakita natin sa
pamamagitan ng Cable TV na nakahanay sa lugar na iyon!
Ang paghahatol ng Dios ay sa pamamagitan ng mga digmaan sa pagitan ng mga bayan!
Oh Jerusalem,
hugasan mo ang iyong puso sa kasamaan, upang ikaw ay maligtas. Hanggang
kailan titigil sa loob mo ang iyong mga masamang pagiisip?
Jeremias 4:14 (TAB)
Ito na ang panawagan
ng “pagbabalik loob” ng mga tao sa Dios.
Anong uri ng "hangin" ang binabanggit?
Ang hirap ko, ang
hirap ko! Ako'y nagdaramdam sa aking puso; ang dibdib ko ay kakabakaba,
hindi ako matahimik; sapagka't iyong narinig, Oh kaluluwa ko, ang tunog ng
pakakak, ang hudyat ng pakikipagdigma.
Jeremias 4:19 (TAB)
Ito na ang
pinakamalinaw na Pahayag at paliwanag ng tunay na dahilan ng mga sunod-sunod na
kaguluhan na mula sa Middle East at sa ibang mga dako sa mundo!
Kagibaan at
kagibaan ang inihihiyaw; sapagka't ang buong lupain ay nasira: biglang
nangasira ang aking mga tolda, at ang aking mga tabing sa isang sandali.
Jeremias 4:20 (TAB)
Ito ang mga
natutungyahan natin na ipinalalabas at ibinabalita sa mga CableTV tungkol sa mga
digmaan at karasahan na nangyayari sa iba’t ibang panig ng mundo!
Hanggang kailan makikita ko ang watawat, at maririnig ang tunog ng pakakak?
Jeremias 4:21 (TAB)
Ito ang
isinasamo ng mga tao sa lugar na iyon, hanggang kailan ang kalagayan ng pamumuhay nila sa
ilalim ng mga panganib at kamatayan?
Balik tayo sa…
At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay
ang tatak ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na
anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat,
Na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang
mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga
alipin ng ating Dios.
Apocalipsis 7:2-3 (TAB)
"Dios na buhay" – Siya ang tunay na Dios
at wala ng iba!
Ang Sagisag ng Dios na Buhay
Anong uri ng "tatak" o sagisag ang ilalagay ng isang anghel sa noo ng mga tao? Ano ang
kahalagahan ng “tatak” na ito?
At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na
gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero, Apocalipsis 22:1 (TAB)
Ito ay isang pangitain, ang panahon na darating.
"Cordero" – May binabanggit pang ibang cordero, hindi si Jesus ito, namatay na
siya ng isinulat ito.
Sa gitna ng lansangang yaon. At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito,
naroon ang punong kahoy ng buhay, na namumunga ng labingdalawang iba't ibang
bunga, na namumunga sa bawa't buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay
pangpagaling sa mga bansa.
Apocalipsis 22:2 (TAB)
"punong kahoy ng buhay" – Na nasa Halamanan ng Eden, ito ang sagisag ng masagana
at mapayapang pamumuhay para sa buong mundo.
At ano pa ang kaibahan ng kalagayan ng pamumuhay ng mga tao sa mga darating na
mga panahong iyon?
At hindi na magkakaroon pa ng sumpa: at ang luklukan ng Dios at ng
Cordero ay naroroon: at siya'y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin;
Apocalipsis 22:3 (TAB)
Wala na ang
galit ng Dios sa tao, wala na ang sumpa. Ito na ang panahon na nakapanumbalik na
tayong lahat sa Dios!
At kung tunay ngang manunumbalik tayo sa Dios?
At makikita nila ang kaniyang mukha; at ang kaniyang pangalan ay sasa
kanilang mga noo.
Apocalipsis 22:4 (TAB)
Ang itatatak ng "ibang anghel"
sa ating mga noo ay ang Pangalan ng Dios!
“sasa kanilang mga noo” – O sa kanilang “pag-iisip.”
Ibig sabihin, malalaman at mauunawaan na ng mga tao sa buong mundo ang nag-iisa at
Tunay na Pangalan ng Dios!
Kaya dapat samantalahin natin ang tigil-putukan sa mga hangganan ng
Israel-Lebanon at pakinggan ang mga pahayag ni Maestro Evangelista hinggil sa
Pagpapakilala ng Pangalan ng Dios!
Dahil nabanggit na "makikita nila ang kanyang mukha," maari
nga ba nating makita ang Mukha ng Dios?
At kaniyang sinabi, Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka't hindi
maaaring makita ako ng tao at mabuhay.
Exodo 33:20 (TAB)
Hindi, dahil
mamamatay tayo. Nguni’t sa anong paraan natin masasabi na nakita natin ang Mukha
ng Dios?
Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho
sa iyong harapan.
Gaya ng kung nililiyaban ng apoy ang siitan, at ng kung pinakukulo ng apoy
ang tubig; upang ipakilala ang iyong pangalan sa iyong mga kaaway, upang ang
mga bansa ay manginig sa iyong harapan!
Isaias 64:1-2 (TAB)
Hindi ba ninyo napapansin,
"apoy ang siitan" – Ito na ang kasalukuyang kalagayan
ng mundo ngayon.
"ipakilala ang iyong pangalan" – Ito na ang panahon na magpapakilala na ang Dios
sa atin sa pamamagitan ng Kanyang isinugo na si Maestro Evangelista. At ito ang
natutunghayan natin sa pamamagitan ng website na ito.
Sa anong
dahilan at ginagawa sa atin ng Dios ang mga nararanasan nating paghihirap?
Sapagka't kaming lahat ay naging parang marumi, at ang lahat naming
katuwiran ay naging parang basahang marumi: at nalalantang gaya ng dahon
kaming lahat; at tinatangay kami ng aming mga kasamaan, na parang hangin.
At walang tumatawag ng iyong pangalan, na gumigising upang manghawak sa iyo;
sapagka't ikinubli mo ang iyong mukha sa amin, at iyong pinugnaw kami sa
aming mga kasamaan.
Isaias 64:6-7 (TAB)
"walang tumatawag ng iyong pangalan" – Malinaw, hanggang sa sandaking ito, hindi
natin kinila ang tunay na Dios at sumamba pa tayo sa ibang dios na hindi natin
kilala!
“ikinubli” –
Isinasagisag
nito na hindi tayo sinasagot ng Dios sa ating pagsusumamo sa Kaniya.
Kaya pag sinabing nakita ang “mukha ng Dios” – Ibig sabihin, sapat na ang
malaman ang Pangalan ng Dios, para na rin natin nakita ang Kanyang Mukha.
Paano natin ngayon makikilala ang tunay na Dios at ang Kanyang Pangalan?
Makinig o basahin ang mga Pahayag ni Maestro Evangelista sa
website na ito!
Maitatanong ninyo: Bakit ngayon lang?
Ano ang bilin sa atin ng Dios?
At ang Panginoon ay sumagot sa akin, at nagsabi, Isulat mo ang pangitain, at
iukit mo na malinaw sa mga tapyas na bato upang makatakbo ang bumabasa
niyaon.
Sapagka't ang pangitain ay sa panahong takda pa, at nagmamadali sa
pagkatapos, at hindi magbubulaan: bagaman nagluluwat ay hintayin mo;
sapagka't walang pagsalang darating, hindi magtatagal.
Habacuc 2:2-3 (TAB)
Ito ang ipinakikita ni Maestro Evangelista sa atin, na ang lahat ng mga
pahayag ng
Dios ay may panahon ng kaganapan. Hindi dapat asahan na sa pagkabigay ng pahayag ay mahahayag at magaganap din sa panahong iyon.
At narito, si Maestro Evangelista ang tanging isinugo ng Dios para sa lahat ng
tao upang ihayag ang mga kahulugan ng mga pahayag mula sa Dios na isinulat ng mga
propeta sa Banal na Aklat, alinsabay sa mga kaganapan ng mga kaguluhan,sakuna at
pagsasalot sa ating panahon. Tanging si Maestro Evangelista ang makakatulong sa
atin upang malunasan na ang abang kalagayan ng mundo, hindi pa ba tayo makikinig
sa kanya?
Kailan mangyayari ang mga kaganapan ng mga pahayag ng Dios?
At ipinanumpa yaong nabubuhay magpakailan kailan man, na lumalang ng langit
at ng mga bagay na naroroon, at ng lupa at ng mga bagay na naririto, at ng
dagat at ng mga bagay na naririto, na hindi na magluluwat ang panahon:
Apocalipsis 10:6 (TAB)
Magaganap na ang mga pahayag ng Dios sa ating panahon. Dahil narito na ang taong
isinugo upang ipakita at ipaliwanag ang mga kahulugan nito. Kailan?
Kundi sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, pagka malapit nang siya'y
humihip, kung magkagayo'y ganap na ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting
balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta.
Apocalipsis 10:7 (TAB)
Sa panahon na
si Maestro Evangelista ay makita at marinig na ng lahat ng tao ang kanyang mga
Pahayag; ng sabay-sabay sa pamamagitan ng live broadcast sa TV, Cable TV, Radyo
at Internet.
"ganap na ang hiwaga ng Dios"
– Makikilala na ng lahat ng tao ang Pangalan ng
Dios.
At sino lang ang nakakaalam ng mga hiwaga ng Dios? Ang mga propeta lamang.
Totoo ba na silang mga propeta lamang ang nakakaalam ng hiwaga ng Dios?
Tunay na ang Panginoong Dios ay walang gagawin, kundi kaniyang ihahayag ang
kaniyang lihim sa kaniyang mga lingkod na mga propeta.
Amos 3:7 (TAB)
Tunay na ang mg propeta lamang ang nakakaalam ng mga hiwaga ng Dios!
Basa ulit tayo sa:
At nakita ko ang ibang malakas na anghel na nanaog na mula sa langit, na
nabibihisan ng isang alapaap; at ang bahaghari ay nasa kaniyang ulo, at ang
kaniyang mukha ay gaya ng araw, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng mga
haliging apoy;
Apocalipsis 10:1 (TAB)
"ibang malakas na anghel" –
Si Maestro
Evangelista ang isinugo na may kapangyarihan o pahintulot mula sa Dios.
At may isang maliit na aklat na bukas sa kaniyang kamay: at itinungtong ang
kaniyang kanang paa sa dagat, at ang kaniyang kaliwa ay sa lupa;
Apocalipsis 10:2 (TAB)
"isang maliit na aklat na bukas" –
Sa ating panahon,
Ang Biblia o ang Banal na
Aklat ng Dios.
At sumigaw ng malakas na tinig, na gaya ng leon na umaangal: at pagkasigaw
niya, ay ang pitong kulog ay umugong.
Apocalipsis 10:3 (TAB)
"ang pitong kulog" –
Ano ang ibig sabihin nito?
Ang Dios ay kumukulog na kagilagilalas ng kaniyang tinig; dakilang mga bagay ang
ginawa niya, na hindi natin matalastas. Job 37:5 (TAB)
" Ang Dios ay kumukulog na kagilagilalas ng kaniyang tinig "
– Ang Tinig ng Dios ang narinig na umuugong.
At pagkaugong ng pitong kulog, ay isusulat ko sana: at narinig ko ang isang
tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Tatakan mo ang mga bagay na sinalita
ng pitong kulog, at huwag mong isulat.
Apocalipsis 10:4 (TAB)
"huwag mong isulat" –
Si Maestro
Evangelista ay magsasalita na lamang at ipaliliwanag ang mga pahayag sa Banal na
Aklat.
At ang anghel na aking nakita na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng
lupa ay itinaas ang kaniyang kanang kamay sa langit,
At ipinanumpa yaong nabubuhay magpakailan kailan man, na lumalang ng langit
at ng mga bagay na naroroon, at ng lupa at ng mga bagay na naririto, at ng
dagat at ng mga bagay na naririto, na hindi na magluluwat ang panahon:
Apocalipsis 10:5-6 (TAB)
Dahil
malapit
na ang panahon ng kaganapan kaya wala na ang hiwaga. Si Maestro Evangelista na
ang magpapaliwanag ng mga ito.
Kailan ang simula ng mga kaganapan nito?
Kundi sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, pagka malapit nang siya'y
humihip, kung magkagayo'y ganap na ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting
balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta.
Apocalipsis 10:7 (TAB)
“araw ng
tinig ng ikapitong anghel,” – Ito ang araw ng pagdating ni Maestro
Evangelista upang ipahayag ang mga pahayag at ipakikilala sa ating lahat ang Tunay
na Pangalan ng Dios. At kapag naipahayag na ito, ano ang kasunod nito?
“ganap na
ang hiwaga ng Dios,” – Ito na ang panahon na ang Dios ay “nasasaatin” na
dahil kilala na natin ang Tunay na Dios at ang Kanyang Pangalan – dahil ito ang
kabuuan ng Banal na Aklat – ang makilala ang may “akda” nito!
At ang tinig na aking narinig na mula sa langit, ay muling nagsalita sa
akin, at nagsabi, Humayo ka, kunin mo ang aklat na bukas na nasa kamay ng
anghel na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa.
Apocalipsis 10:8 (TAB)
"aklat na bukas" – O Ang Biblia, ang Salita ng Dios.
“anghel” – Si Maestro Evangelista, saan siya isinugo?
"sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa" – Sa buong mundo.
At ako'y naparoon sa anghel na nagsabi ako sa kaniya na ibigay sa akin ang
maliit na aklat. At kaniyang sinabi sa akin, Kunin mo ito, at ito'y kanin
mo; at papapaitin ang iyong tiyan, datapuwa't sa iyong bibig ay magiging
matamis na gaya ng pulot.
At kinuha ko ang maliit na aklat sa kamay ng anghel, at aking kinain; at sa
aking bibig ay matamis na gaya ng pulot: at nang aking makain, ay pumait ang
aking tiyan.
Apocalipsis 10:9-10 (TAB)
Hindi ninyo napapansin, kayong mga nakarinig at nakabasa ng pahayag ni Maestro
Evangelista ay pumait din ang tiyan?
“matamis na gaya ng pulot”
– Dahil ang ating nalaman mula sa mga Pahayag ni Maestro Evangelista ay ang
Katotohanan, ang tunay na aral ng Dios.
“pumait” –
Sapagka’t ang dating mga aral na ating tinanggap mula sa mga relihiyon ay hindi
totoo.
Ang sabi Maestro Evangelista, bago maibigay ang Pangalan ng Dios, kailangan
nating maranasan lahat ang pagpait ng tiyan, sa kaalaman na ang ilang libong
taong aral ng mga relihiyon ay mga kasinungalingan!
Ano ang gawain na ibinigay sa sugo?
At sinasabi nila sa akin, Dapat kang manghulang muli sa maraming mga bayan at
mga bansa at mga wika at mga hari. Apocalipsis 10:11 (TAB)
Ang mga
propeta ang tanging nakakaalam ng mga hiwaga ng Dios.
Si Maestro Evangelista ang magpapa-alala at magpapaliwanag sa atin ng mga
pahayag na ibinigay ng mga propeta na nasusulat sa Banal na Aklat, dahil ang isinugo at
mga propeta lamang ang tanging nakakaalam ng mga hiwaga ng Dios. Si Maestro
Evangelista rin ang magpapaliwanag ng mga nasusulat mula sa Genesis hanggang
Apocalipsis.
Gaya ng nabasa natin kanina sa Apocalipsis 10:9-10 - "Kunin mo ito, at
ito'y kanin mo" – Ito ba ay literal na kainin ang aklat?
Dahil may mga relihiyon at mga kulto na ginawang literal ang kahulugan nito at
ginawa pa nga nilang mga ating-anting.
Ang iyong mga salita ay nangasumpungan, at aking kinain; at ang
iyong mga salita sa ganang akin ay katuwaan at kagalakan sa aking puso:
sapagka't ako'y tinawag sa iyong pangalan, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo.
Jeremias 15:16 (TAB)
"mga salita… at aking kinain" – Unawain at
isaisip ang Salita ng Dios, hindi literal na kainin ang aklat!
Sabi ni Maestro Evangelista, bago natin maunawaan, maisaisip at maisapuso ang
tunay na kahulugan ng mga nakasulat sa Banal na Aklat ay dapat muna nating
malaman ang Pangalan ng Dios na Siyang nagbigay diwa at ang may “akda” nito.
Basahin ang
patunay tungkol dito:
At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y
dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang
pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang
didinggin: aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang
Panginoon ay aking Dios.
Zacarias 13:9 (TAB)
Kailangang
makilala natin ang Pangalan ng Dios na may akda ng Banal na Aklat at makatawag
sa Kaniya upang ating lubos na maunawaan ang mga nasusulat sa Kanyang Aklat.
Dahil sa
pagkakataong ito, ang kikilalanin ng Dios ay ang tatawag sa Pangalan Niya.
Papaano tayo mapapabilang sa Bagong Bayan ng Dios kung hindi natin alama ang
Dakilang Pangalan Niya?
Mula noon at sa magpahanggang ngayon, hindi maunawaan at maipaliwanag ng malinaw
ang mga nakasulat sa Banal na Aklat, dahil walang makapagpakilala sa tunay na
Pangalan ng Dios! Kahit ang mga relihiyon ay walang alam sa mga ito, kaya sila
ay laging nagtuturo ng mga “hiwaga” sa Banal na Aklat. Nguni’t narito na si
Maestro Evangelista na siyang magpapa-alala at magpapaliwanag ng mga kahulugan
ng nasusulat dito at aalisin na ang “hiwaga.”
Ang sabi ni Maestro Evangelista: “Anomang napakagandang aklat kung hindi mo
kilala ang may gawa o akda nito ay magiging isang palaisipan ito sa babasa nito.”
Kung ang sabi ng mga relihiyon na ang Banal na Aklat ay binigyang diwa ng Dios,
ano ang Pangalan Niya?
Bakit hindi maunawaan ng mga relihiyon ang katagang "tinawag sa iyong pangalan?"
Paano
malalaman na si Maestro Evangelista ang tunay na sinugo na Dios upang maghayag
sa ating lahat ng Dakilang Pangalan Dios?
At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay
sinasabi ng banal, niyaong totoo, niyaong may susi ni David, niyaong nagbubukas
at di mailalapat ng sinoman, at naglalapat at di maibubukas ng sinoman:
Apocalipsis 3:7 (TAB)
"banal, niyaong totoo" –
Nangangahulugang may mga naunang bumago ng mga aral at hindi nanatiling tapat sa
Dios.
"may susi ni David" –
Hindi sinabing "anak ni David" ang darating na sugo,
ang may hawak lang ng "susi." Nangangahulugan hindi siya manggagaling sa lahi ng bayan ni David, "taga ibang
lupa" na ito.
Gaano kahalaga ang "susi?" Ang sabi ni Maestro Evangelista, ito ay gaya ng
paggawa ng isang bahay, pag ito ay tapos na, saka lamang iniaabot ang susi sa
may-ari ng bahay. Kung wala ang susi, kahit na ang may-ari ay hindi makakapasok
sa bahay. At dahil buo na ang Banal na Aklat, ang "may susi ni David" lang ang
may karapatang magbukas at ipaunawa ng mga nilalaman nito.
Ito ang paliwanag ni Maestro Evangelista hinggil sa nakasulat na “susi ni David:”
Si David ay kinagiliwan ng Dios at inilagay sa bibig niya ang Kanyang Salita, na ating
mababasa sa:
Ang Espiritu ng Panginoon ay nagsalita sa
pamamagitan ko, At ang kaniyang salita ay suma aking dila. Sinabi ng Dios ng
Israel, Ang malaking bato ng Israel ay nagsalita sa akin: Ang naghahari sa mga
tao na may katuwiran, Na mamamahala sa katakutan sa Dios,”
II Samuel 23:2-3 (TAB)
Na pinatunayan naman ni Salomon sa:
"At kaniyang sinabi,
Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na nagsalita ng kaniyang bibig kay
David na aking ama, at tinupad ng kaniyang kamay, na sinasabi…"
I Mga Hari 8:15 (TAB)
dahil ang Aklat
ng Mga Awit (Book of Psalms) ay kabuuan ng mga pahayag na inilagay sa bibig ni
David. At dahil si David nga ay malaon nang “namahinga,” ang may “susi ni David”
na ang magpapaliwanag ng mga inihayag noon ni David sa Aklat ng mga Awit.”
Ano ang kaibahan nina Moses, David at kay Maestro Evangelista, ang huling sugo,
na may hawak ng “susi ni David?”
Si Moses noon, ay sinugo sa pamamaraan ng:
"At sinabi ni
Moises sa Panginoon, Oh Panginoon, ako'y hindi marikit mangusap, kahit ng
panahong nakaraan, kahit mula ng magsalita ka sa iyong lingkod: sapagka't ako'y
kimi sa pangungusap at umid sa dila.
At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Sinong gumawa ng bibig ng tao? o sinong gumawa
ng pipi, o bingi, o may paningin, o bulag sa tao? Hindi ba akong Panginoon?
Ngayon nga'y yumaon ka, at ako'y sasaiyong bibig, at ituturo ko sa iyo kung ano
ang iyong sasalitain."
Exodo 4:10-12 (TAB)
Inilagay ng Dios ang Kanyang Salita sa bibig ni Moses! Gayun din kay David,
inilagay din ang Salita ng Dios sa bibig niya; naibigay sa kanila ang Salita ng
Dios, nguni’t hindi sila binigyan ng pahintulot na ipaalam o ipakilala ang
Pangalan ng Dios. Sa bibig rin ni Maestro Evangelista inilagay ang Salita ng Dios
(“gaya” ni Moses), at siya lang ang binigyan ng pahintulot na ipaalam at
ipakilala ang Pangalan ng Dios (ang “taga ibang lupa”) upang ang sumpa ay
mawala sa ating kasalukuyang panahon, gaya ng nakasulat sa:
“Aking palilitawin sa
kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking
ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila
ang lahat ng aking iuutos sa kaniya. At mangyayari, na sinomang hindi makikinig sa aking mga salita na kaniyang
sasalitain sa aking pangalan, ay aking sisiyasatin yaon sa kaniya.”
Deuteronomio 18:18-19 (TAB)
Si Maestro Evangelista ang huling sugong taglay ang Salita ng Dios at ang tanging may dala
at kapahintulutan upang ang
Pangalan ng Dios ay ipakilala sa lahat ng tao sa buong mundo! Alam ba ng “mga tao” at “mga propeta” ang Pangalan ng Dios?
At nagtanim si Abraham ng isang punong kahoy na tamaring sa Beerseba, at
sinambitla doon ang pangalan ng Panginoong Dios na walang hanggan. Genesis 21:33 (TAB)
"sinambitla
doon ang pangalan ng Panginoong Dios" - Alam ni Abraham, at…
At si Isaac ay nagtayo roon ng isang dambana, at kaniyang sinambitla ang
pangalan ng Panginoon, at itinindig niya roon ang kaniyang tolda: at humukay
roon ang mga bataan ni Isaac ng isang balon. Genesis 26:25 (TAB)
"sinambitla
ang pangalan ng Panginoon," - Si Isaac man ay nakaalam
din, si Moses alam din ba niya?
Si Moises at si Aaron sa gitna ng kaniyang mga saserdote, at si Samuel sa kanila
na nagsisitawag sa kaniyang pangalan; sila'y nagsisitawag sa Panginoon, at
siya'y sumasagot sa kanila. Awit 99:6 (TAB)
"sila'y
nagsisitawag sa Panginoon," - Hindi lang si Moses, pati rin si Aaron. Kahit si Samuel!
Bakit hindi nalaman ng mga pinuno ng mga relihiyon ang mga bagay na ito?
Patunay na ang “mga tao” at “mga propeta” ng Dios ay kilala ang Pangalan Niya.
Nguni’t hindi sila pinahintulutang ipakilala ang Kanyang Pangalan liban kay Maestro
Evangelista! – sa ating panahon.
Hawak ni Maestro Evangelista ang "susi ni David." Siya ang magbubukas ng mga
hiwaga na hindi natin nauunawaan sa Banal na Aklat.
Binubuksan niya sa atin ang aklat upang makita at mabasa natin ang Katotohanan.
Ano pa ang iba pa niyang kaalamang ihahayag?
Nalalaman ko ang iyong mga gawa (narito, inilagay ko sa harapan mo ang isang
pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman), na ikaw ay may kaunting
kapangyarihan, at tinupad mo ang aking salita, at hindi mo ikinaila ang aking
pangalan. Apocalipsis 3:8 (TAB)
"ang isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman" –
Hindi
mapasinungalingan si Maestro Evangelista ng mga relihiyon at mga pantas hinggil
sa mga tunay aral na inihayag niya mula sa Dios.
"kaunting kapangyarihan" – May tibay ng loob at lakas na harapin ang misyon ng
ibinigay ng Dios.
Natupad ni Maestro Evangelista ang tungkulin na iniatang sa kanya
at hindi ikinaila ang Pangalan ng Tunay na Dios.
Hinggil sa mga Hudyo na nagsasabing sila pa rin ang bayan ng Dios, may
katotohanang pa ba ang kanilang inaangkin?
Narito, ibinibigay ko sa sinagoga ni Satanas, ang mga nagsasabing sila'y mga
Judio, at sila'y hindi, kundi nangagbubulaan; narito, sila'y aking papapariyanin
at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at nang maalamang ikaw ay aking
inibig. Apocalipsis 3:9 (TAB)
"sila’y nangagbubulaan" -
Noon pa man ay wala na ang Dios sa bayan ng mga Hudyo! Dahil noong nasa Egipto
pa sila ay sinamba nila ang “reina ng langit,” ito ang dahilan kung bakit sila
isinumpa ng Dios – Jeremias 44:24-26. Kaya papaano nila masasabi na sila pa rin
ang Bayan ng Dios magpasahanggang ngayon kung ang sumpa sa kanila ay hindi na
nila muli pang mababanggit ang Pangalan ng Dios?
At
magpahanggang ngayon ay hinihintay pa rin nila ang kanilang "manunubos" o
“Messiah” na may tanda na "anak ni David," nguni’t tinanggihan nila noon si
Jesus, wala ng darating pang “manunubos” na magmumula sa kanilang lahi dahil si
Jesus ang huling isinugo ng Dios sa lahi ng mga Hudyo.
Si Maestro Evangelista na ang may dala ng "susi ni David” na ang darating sa
ating pahahon – siya rin ang "taga ibang lupa" na binanggit ni Salomon sa I
Mga Hari 8:41-43, ang taong magpapakilala sa Dakilang Pangalan ng Dios sa
buong mundo.
"maalamang ikaw ay aking inibig"
– Si Maestro Evangelista ang may dala ng Pangalan ng Dios, siya ang magtuturo sa
atin kung papaano makakawala sa “sumpa” at ng makatawag muli sa Pangalan ng
Dios upang magkaroon na tayo ng kapayapaan at kapahingahan na noon pa natin
inaasam.
Bakit siya ang
“inibig?”
Sapagka't tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan
sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga
nananahan sa ibabaw ng lupa. Apocalipsis 3:10 (TAB)
“Sapagka't tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis” –
Sinunod ni Maestro Evangelista ang mga iniutos sa kanya ng Dios, at patuloy na
ipinakikila sa mga tao ang tunay na Pangalan ng Dios at nagbibigay ng mga
paliwanang sa mga pahayag na nasusulat sa Banal na Aklat.
"panahon ng pagsubok" –
Tunay na darating ang panahong ito, walang hindi
dadanas ng pagsubok.
Ilang mga sakuna, malalakas na bagyo, pagsasalot, kagutuman, paglindol, at
digmaan pa ang ating maranasan sa panahong ito?
At:
Ako'y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag
kunin ng sinoman ang iyong putong. Apocalipsis 3:11 (TAB)
“upang
huwag kunin ng sinoman ang iyong putong” – Dahil noon pa naipakilala ni
Maestro Evangelista ang Pangalan ng Dios, hindi na makukuha o hindi na maaagaw
pa sa kanya ang “putong.”
“putong”
– Kapahintulutan o karapatan mula sa Dios.
Sino ang “dumarating na madali?”
Ang Dumarating na Madali
Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at
sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat. Apocalipsis 1:8 (TAB)
Ang Dios ang
"siyang darating," taliwas sa mga aral ng mga relihiyon na si Jesus
ang darating.
Inulit pa sa:
At ang apat na nilalang na buhay, na may anim na pakpak bawa't isa sa kanila, ay
mga puno ng mata sa palibot at sa loob; at sila'y walang pahinga araw at gabi,
na nagsasabi, Banal, banal, banal, ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa
lahat, na nabuhay at nabubuhay at siyang darating. Apocalipsis 4:8 (TAB)
Ang Dios ang
"siyang darating."
Tungkol naman
sa sinabi ng mga relihiyon na si Jesus “daw” ang darating, basahin natin ang mga
susunod na talata na magpapatunay kung ito nga ba ay totoo o hindi:
At nang siya'y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan.
At ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang
matakot; ako'y ang una at ang huli, Apocalipsis 1:17 (TAB)
"waring patay sa kaniyang paanan" –
Nang makita ni Propeta Juan si Jesus, akala
niya namatay na siya, dahil ang anyo ni Jesus ay si Kamatayan.
At ang Nabubuhay; at ako'y namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man,
at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades. Apocalipsis 1:18 (TAB)
Mali ang mga
itinuturo sa atin ng mga relihiyon tungkol sa pagbabalik ni Jesus sa laman.
Hindi na siya muling magbabalik dahil siya ay nasa “kailaliman.” Hindi siya
naka-alis dito at hindi rin siya umakyat sa langit.
“nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades.” - Bakit “susi ng
kamatayan at impyerno” ang hawak ni Jesus?
Ihahayag ni Maestro Evangelista ang dahilan, basahin natin sa:
At iniakyat pa siya niya, at ipinakita sa kaniya sa sandaling panahon ang lahat
ng mga kaharian sa sanglibutan. At sinabi sa kaniya ng diablo, Sa iyo'y ibibigay ko ang lahat ng kapamahalaang
ito, at ang kaluwalhatian nila: sapagka't ito'y naibigay na sa akin; at ibibigay
ko kung kanino ko ibig. Kaya nga kung sasamba ka sa harapan ko, ay magiging iyong lahat.
Lucas 4:5-7 (TAB)
Nabasa natin na ang Diablo ang nag-alok ng kapangyarihan kay Jesus. At
nabasa rin natin kung papaano sinira ni Jesus ang mga Kautusan at binaligtad
ang mga aral ng Dios. Nangangahulugang tinanggap ni Jesus ang alok na
kapangyarihan ng Diablo.
Ang paliwanag ni Maestro Evangelista: nang tanggapin ni Jesus ang alok na
kapangyarihan ng Diablo, dala na niya ang tungkulin bilang “manlilinglang” at
minana niya ang mga nasasakupan ng Diablo, hindi ang pagkakilanlan nito.
Nguni’t saan ba ang hangganan ng nasasakupan ng Diablo?
Isang araw nga nang ang mga anak ng Dios ay magsiparoon na magsiharap sa
Panginoon, na si Satanas ay naparoon din naman na kasama nila. At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Saan ka nanggaling? Nang magkagayo'y sumagot
si Satanas sa Panginoon, at nagsabi, Sa pagpaparoo't parito sa lupa, at sa
pagmamanhik manaog doon. Job 1:6-7 (TAB)
“pagpaparoo't parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon” –
Ito ang
nasasakupan ng Diablo, ang mundo pati na ang “impyerno” (kailaliman). Nangangahulugan na
sa pagsunod ni Jesus sa Diablo, si Jesus na ang may taglay ng tungkulin at ang
kapamahalaan sa mga nasasakupan ng Diablo.
Si Jesus ba talaga ito?
At sa anghel ng iglesia sa Smirna ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi
ng una at ng huli, na namatay, at muling nabuhay: Apocalipsis 2:8 (TAB)
Ito ang palatandaan ni Jesus,
na "una at ng huli, na namatay, at muling nabuhay."
Nang nabubuhay pa si Jesus, dahil sa pagtanggap niya ng kapangyarihan ni
Satanas, siya na ang nanlinlang sa mga tao sa bayan niya noon. At nang mamatay siya, “muling nabuhay” patungo sa impyerno upang gampanan ang tungkulin ni Satanas; si Jesus
bilang si Lucifer.
At bakit rin
sinabi ni Jesus na siya ang "una at ng huli?"
Ang
Una at ang Huli
Sabi ni
Maestro Evangelista, alamin natin kung ano ang unang pangako ng Dios noon:
At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, Sapagka't ginawa mo ito, ay sumpain ka ng
higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawa't ganid sa parang; ang iyong tiyan
ang ilalakad mo, at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong
buhay: Genesis 3:14 (TAB)
Nang madaya ng Ahas sina
Eva at Adan sa Halamanan ng Eden ay pinalayas sila.
Nguni’t hindi pumayag ang Dios na hindi maparusahan ang Ahas.
"ang iyong tiyan ang ilalakad mo" – Bakit ganito ang sinabi ng Dios sa Ahas?
Ano ba ito bago tinawag na Ahas?
Si Maestro Evangelista ang inatasang magpaliwanang ng mga hiwaga sa Banal na
Aklat, ano ang dating anyo ng Ahas?
At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at
Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang
kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya. Apocalipsis 12:9 (TAB)
Ang Ahas ay
ang “malaking dragon,” “ang Diablo” at Satanas, iisa lang lahat ito, ang
mapagpanggap na “manililinlang.” Ito ang iba’t ibang uri ng panglilinlang,
pagbabalatkayo ang ginagamit ng “manlilinlang” upang manaig sa mga tinutukso
nito!
Hindi pumayag ang Dios na ang Ahas ay hindi maparusahan, kaya inalisan ng paa
ang “dragon” bilang kaparusahan, kaya naging Ahas ito.
At sa panahon ni Jesus:
At sinabi sa kaniya ng diablo, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ipag-utos mo na ang
batong ito ay maging tinapay. Lucas 4:3 (TAB)
Sa panahon ni Jesus, ginamit ni Satanas ang anyo ng Diablo upang tuksuhin siya.
Hindi na maaring gamitin ang anyo ng “Ahas” dahil kilala na ito sa panlilinlang
kina Eva at Adan sa Halamanan ng Eden noon.
Ang sabi ni Maestro Evangelista: Ang “manlilinlang” ay nagtatagumpay dahil hindi
ito kilala.
Kaya’t:
At isinama siya ni Pedro, at nagpasimulang siya'y pinagwikaan, na nagsasabi,
Panginoon, malayo ito sa iyo: kailan man ay hindi mangyayari ito sa iyo. Datapuwa't lumingon siya, at sinabi kay Pedro, Lumagay ka sa likuran ko,
Satanas: ikaw ay tisod sa akin: sapagka't hindi mo pinagiisip ang mga bagay ng
Dios, kundi ang mga bagay ng tao. Mateo 16:22-23 (TAB)
Ginamit ni Satanas si Pedro upang matagumpay na linlangin si Jesus.
Bago namatay si Jesus, kanino niya ipinasa ang kanyang kapangyarihan na
tinanggap niya kay Satanas?
At tinipon niya ang labingdalawa, at binigyan sila ng kapangyarihan at
kapamahalaan sa lahat ng mga demonio, at upang magpagaling ng mga sakit. At sila'y sinugo niya upang ipangaral ang kaharian ng Dios, at magpagaling ng
mga may sakit. Lucas 9:1-2 (TAB)
Ito ang huling pagbabalatkayo ni Satanas na ibinigay sa mga apostol sa
pamamagitan ni Jesus “upang ipangaral ang kaharian ng Dios, at magpagaling ng
mga sakit.”
Ang sabi ni Maestro Evangelista: Magbanggit kayo ng isang simbahan na hindi
ipinangangaral ang kaharian ng Dios (na hindi kilala) at nagpapagaling ng sakit?
Ito na ang huling panlilinlang ni Satanas para madaya ang mga tao hanggang sa
ating panahon.
Dahil pag pinagaling ka, patuloy kang sasamba sa dios na hindi kilala – kaya
tumuloy ang sumpa ng Tunay na Dios sa panahon natin.
Dahil natukoy na natin ang mga nanlilinlang, mula kina Satanas, kay Jesus at sa
mga apostol, sinu-sino ang hindi pa nakikilala?
At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at
Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang
kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya. Apocalipsis 12:9 (TAB)
“ang kaniyang mga anghel”
– Ang mga relihiyon sa kasalukuyan.
At ano ang pahayag na ibinigay noon sa Halamanan ng Eden?
At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi:
ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong. Genesis 3:15 (TAB)
"papagaalitin ko ikaw at ang babae" – Binigyan pa ng Dios sina Adan
at Eva nang
isa pang pagkakataon na makabawing muli sa kanilang kasalanan, nguni’t sa
pagitan ng babae kasama ang kanyang binhi laban sa Ahas kasama rin ang binhi
nito.
Ayon sa pahayag ng Dios, ang binhi ng babae ay may pahintulot na durugin ang ulo ng
Ahas o patayin, ang Ahas naman ay binigyan din ng pahintulot na durugin ang
sakong o itumba ang binhi ng babae, ano ba ang nangyari kay Jesus?
At hindi ito ang labanan sa pagitan ng Dios at ng Ahas.
Ito ang hindi naunawaan ng mga relihiyon at ng mga pantas, ginawa nilang labanan
sa pagitan ng Dios at ng Ahas o ni Satanas. Sabi ni Maestro Evangelista ito ay
isang insulto o kalapastanganan sa Dios: Ang Dios ang pinakamakapangyarihan sa
lahat, paanong magiging kalaban niya si Satanas? Magiging inutil ang Dios nila
dahil may kalaban.
Ang labanan ay sa pagitan ng "anak ng babae" laban sa ahas at sa binhi nito.
Nangangahulugan, magpasahanggang ngayon ang labanan na nagsimula sa Halamanan ng
Eden ay hindi pa natatapos.
Nangako ang Dios noon sa Halamanan ng Eden tungkol sa labanan sa pagitan ng
“binhi ng babae” at ng Ahas, si Jesus ang katuparan ng “binhi ng babae.” Kaya
sinabi ni Jesus na “ako ang una at huli” siya ang katuparan ng pangako ng Dios
sa lahi ni Adan at Eva na naging lahing Israel. Ang msyon niya mula sa Dios ay
ang iligtas ang kanyang bayan, hindi ang mga tao sa mundo.
Ano ang katunayan?
At siya'y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y
JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan.
Mateo 1:21 (TAB)
"siya'y manganganak ng isang lalake" –
May lalabas sa binhi ng babae, sa lahi ni
Adan.
"kanilang mga kasalanan" –Sa pagsalangsang nila sa Dios.
Iyan ba ang tanging tungkulin o misyon niya sa Dios?
Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi, Hindi ako sinugo kundi sa mga tupang
nangaligaw sa bahay ni Israel. Mateo 15:24 (TAB)
Tunay na ito ang natatanging tungkulin ni Jesus na iniatang sa kanya ng Dios,
para sa bayan ng Israel lang at hindi sa lahat ng tao sa mundo.
Nagampanan ba niya ang kanyang tungkulin at papaanong siya rin ang "huli?"
At kung paano ang pagkabigay sa kaniya ng mga pangulong saserdote at ng mga
pinuno upang hatulan sa kamatayan, at siya'y ipako sa krus. Lucas 24:20 (TAB)
Papaano pa niya maililigtas ang bayan niya, namatay siya ng maaga? Alam din kaya
ng kanyang bayan na siya sana ang tagapagligtas nila?
Datapuwa't hinihintay naming siya ang tutubos sa Israel. Oo at bukod sa lahat ng
mga ito ay ngayon ang ikatlong araw buhat nang mangyari ang mga bagay na ito.
Lucas 24:21 (TAB)
Si Jesus ang katuparan ng pahayag ng Dios sa Halamanan ng Eden na hindi
nagkaroon ng kaganapan. Sapagka’t siya’s nagapi ni Satanas. Bakit nalaman ni
Maestro Evangelista ang lahat ng mga kapahayagang ito?
Ang sabi ni Maestro Evangelista, kanino ba ipinababatid o inuukol ang Aklat ng
Apocalipsis? Sa lahat ba ng tao?
Ang Apocalipsis ni Jesucristo, na ibinigay ng Dios sa kaniya upang ipahayag sa
kaniyang mga alipin, sa makatuwid ay ang mga bagay na nararapat mangyaring
madali: at kaniyang ipinadala at ipinaalam sa pamamagitan ng kaniyang anghel sa
kaniyang alipin na si Juan; Apocalipsis 1:1 (TAB)
"Ang Apocalipsis ni Jesucristo"
– Ang pag-amin o patotoo ni Jesus.
"nararapat mangyaring madali" – Kapag dumating na ang pinag-ukulan ng Aklat ng
Apocalipsis.
Na sumaksi sa salita ng Dios, at sa patotoo ni Jesucristo, sa lahat ng mga bagay
na nakita niya. Apocalipsis 1:2 (TAB)
"patotoo ni Jesucristo"
– Ang pag-amin ni Jesus sa mga bagay na kanyang sinabi
at ginawa na naisulat sa Banal na Aklat, na magpasahanggang ngayon ay
pinagtatalunan pa ng mga relihiyon.
Bakit, ilan ba dapat ang babasa ng Aklat ng Apocalipsis?
Mapalad ang bumabasa, at ang nangakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng
mga bagay na nangasusulat doon: sapagka't ang panaho'y malapit na.
Apocalipsis 1:3 (TAB)
Ang sabi ni Maestro Evangelista:
"mapalad ang bumabasa" – Isa lang ang babasa,
hindi isinulat na "mga bumabasa." At: "ang nangakikinig" –
Gaya natin, upang tayo ay maging mapalad din kailangang
pakinggan at sumang-ayon sa nag-iisang bumabasa sa
Aklat na ito
upang tayo rin ay tumanggap ng pagpapala mula sa Dios!
"ang panaho'y malapit na" –
Nahahayag na ang katotohanan. Ang tanong ni Maestro Evangelista: Gaano ninyo
kadaling naunawaan ang mga pahayag ng mga nakasulat sa Banal na Aklat? Madali di
ba? Ibig sabihin, narito na ang "anghel" o yung bumabasa ng aklat! At siya ay
si Maestro Evangelista. Ano pa ang dapat nating malaman?
Ang sabi ni Maestro Evangelista ang mga pangunahing magsasalita rito sa Aklat ng
Apocalipsis ay:
1. Ang Dios
2. si Jesus
3. si Propeta Juan at
4. Ang huling "anghel" o
ang sugo, na inihayag rito
Ano ang pahayag ni Jesus hinggil rito sa huling "anghel" o sugo?
Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking
Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang
pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong
Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking
sariling bagong pangalan. Apocalipsis 3:12 (TAB)
“Ang
magtagumpay,” – Ang susuguin ng Dios!
“hindi na
siya'y lalabas pa doon:” – Magiging matapat.
“isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios” - Bakit
ngayon pa lang isusulat ang Pangalan ng Dios kung nalaman na nila noong araw pa?
Wala na rin si Jesus. Ibig sabihin, ngayon lang sa panahon natin malalaman ang
tunay na Pangalan ng Dios dahil dumating na ang may “susi ni David,” na siyang
magbubukas ng Banal na Aklat ng Dios.
Ilang sandali na lamang at malalaman na rin natin sa wakas ang Pangalan ng Dios
sa pamamagitan ng librong ito na ating binabasa ngayon.
“ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem,” -
Hindi na ito ang
dating bayan, na pinagaagawan ng mga Israel, Kristiyano at Muslim. Saan natin
matatagpuan ang bagong bayan?
Pansinin natin, saan ba nagmula si Maestro Evangelista? Sa Pilipinas – ang
bagong Jerusalem! “ang aking sariling bagong pangalan.” –
(Si Jesus) ang kinatuparan ng pahayag tungkol sa kung sino ang “tala sa umaga” o “Lucifer.” Ang sabi ni Maestro Evangelista, hindi makikilala ang tunay na Dios
kung hindi
nahayag ang tunay na katauhan ni Jesus at tungkol sa mga nangyari sa buhay niya ayon sa
nakasulat sa Banal na Aklat:
1. Siya ang "una" na lalabanan sa Ahas na ipinangako ng Dios sa
Halamanan ng Eden.
2. Siya rin ang huli sa lahi nila na gaganap na mga pahayag.
3. Siya ang pinangakuan ni Satanas ng kapangyarihan sa mundo, ano ang ginawa
niya?
a. Ang Sampung Kautusan ginawa niyang dalawa.
b. Sinira niya ang mga aral ng Dios.
c. Nagpanggap siya na "anak ng Dios."
d. At ang pinakamahalagang bagay na dapat malaman ng lahat – ang bagong pangalan
ni Jesus.
4. Siya rin ang kinaganapan ng pahayag sa Halamanan ng Eden na naging binhi ng Ahas.
(Genesis 3:14-15)
Ngayon, kung nakasulat na ang Dios ay
ang siyang darating, kailan
Siya umalis?
Ngayon nga, anong ginagawa ko rito, sabi ng Panginoon, yamang ang aking bayan ay
dinala ng walang anoano? silang nangagpupuno sa kanila ay nagsisiungal, sabi ng
Panginoon, at ang aking pangalan ay natutungayaw na lagi buong araw, Isaias 52:5 (TAB)
Ang sabi ng
Dios, Ang Pangalan Niya ay "natutungayaw na lagi buong araw!" Dahil hindi
kilala ang Pangalan Niya, nagagamit o palagiang nababanggit ng hindi natin
namamalayan! At ano ang gagawin ng Dios tungkol dito?
Kaya't makikilala ng aking bayan ang aking pangalan: kaya't matatalastas nila sa
araw na yaon, na ako yaong nagsasalita; narito, ako nga. Isaias 52:6 (TAB)
Sino ang binabanggit na "aking bayan?" At papaano magpapakilala
sa atin ang Dios? Maririnig ba natin ang tinig Niya?
Alamin natin. Sino ang kikilalaning bayan ng Dios?
At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na
parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto.
Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking
sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.
Zacarias 13:9 (TAB)
Ang bagong bayan ng Dios ay ang bayan na tatawag sa Kanyang Dakilang Pangalan!!!
Hindi na ang dating bayan Niya. Kung hindi mo alam ang Pangalan Niya, hindi ka mapapabilang sa
Kanyang bayan.
Maririnig ba natin ang tinig Niya kapag Siya ay magpapakilala sa atin?
Maaari bang mangyari ito?
At nakikita ng buong bayan ang mga kulog, at ang mga kidlat, at ang tunog ng
pakakak at ang bundok na umuusok: at nang makita ng bayan, ay nanginig sila, at
tumayo sa malayo. At sinabi nila kay Moises, Magsalita ka sa amin, at aming didinggin: datapuwa't
huwag magsalita ang Dios sa amin, baka kami ay mamatay. Exodo 20:18-19 (TAB)
Mamamatay tayo.
At inyong sinabi, Narito, ipinakita sa amin ng Panginoon nating Dios ang
kaniyang kaluwalhatian at ang kaniyang kadakilaan, at aming narinig ang kaniyang
tinig mula sa gitna ng apoy: aming nakita sa araw na ito, na ang Dios ay
nakikipag-usap sa tao, at siya'y buhay. Ngayon nga, bakit kami mamamatay? sapagka't pupugnawin kami ng dakilang apoy na
ito: kung marinig pa namin ang tinig ng Panginoon nating Dios, ay mamamatay nga
kami. Sapagka't sino sa lahat ng laman na nakarinig ng tinig ng buhay na Dios na
nagsasalita mula sa gitna ng apoy, na gaya namin, at nabuhay? Deuteronomio 5:24-26 (TAB)
Hiniling ng
bayan ni Moises na huwag nang marinig ang Tinig ng Dios sa takot na sila’y
mamamatay.
Sang-ayon ba ang Dios sa hiling nilang ito?
Lumapit ka, at iyong pakinggan ang lahat ng sasabihin ng Panginoon nating Dios:
at iyong salitain sa amin, yaong lahat na sasalitain sa iyo ng Panginoon nating
Dios; at aming didinggin, at gagawin. At narinig ng Panginoon ang tinig ng inyong mga salita, nang kayo'y magsalita sa
akin; at sinabi ng Panginoon sa akin, Aking narinig ang tinig ng mga salita ng
bayang ito, na kanilang sinalita sa iyo; mabuti ang kanilang pagkasabi ng lahat
na kanilang sinalita. Deuteronomio 5:27-28 (TAB)
Tinanggap ng Dios ang kanilang mungkahi, kaya't hindi na makikipag-usap ang Dios sa
kanila at sa mga susunod na saling lahi. Ayon sa sabi ng Dios "sa araw na iyon" (Isaias 52:5-6), sino ang magpapakilala
ng Pangalan ng Dios, sino ang magsasalita para sa Dios?
Basahin natin ulit:
Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid,
na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang
sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya. Deuteronomio 18:18 (TAB)
"Kanilang mga kapatid" – Kapatid ng mga Israel, o manggagaling sa lahi ng mga
Gentil. "na gaya mo" - Si Moses, ang nagdala ng tipan.
Ano ang kaibahan ng darating na sugo kay Moses? IIalagay
ang Salita ng Dios sa bibig ng darating na propeta, si Maestro Evangelista. Ang
Dios ang magtuturo sa kanya ng kaniyang mga sasabihin sa lahat.
Ano pa?
At mangyayari, na sinomang hindi makikinig sa aking mga salita na kaniyang
sasalitain sa aking pangalan, ay aking sisiyasatin yaon sa kaniya.
Deuteronomio 18:19 (TAB)
Hindi na siya kakausapin ng Dios, dahil naisulat na ang Salita ng Dios sa mga
pahayag na hindi naipaliwanag ng mga propeta noon. Si Maestro Evangelista ang
magpapaliwanag ng mga ito para sa ikabubuti nating lahat.
At ang isa pang kaibahan ni Maestro Evangelista kay Moses ay magsasalita siya sa
Pangalan ng Dios na nag-utos sa kanya, na hindi nabanggit ng mga propeta noon.
Si Moses ba ay pinayagang ihayag o ipakilala ang Pangalan ng Dios sa kanyang
bayan noon?
At kaniyang sinabi, Tunay na ako'y sasaiyo; at ito'y magiging tanda sa iyo, na
ikaw ay aking sinugo: pagka iyong nailabas na sa Egipto ang bayan ay
maglilingkod kayo sa Dios sa bundok na ito. Exodo 3:12 (TAB)
Ang Dios ang nag-utos kay Moses na ilabas ang kanyang bayan sa Egipto, ang Dios
din ang gagawa ng paraan upang maganap ni Moses ang ipinag-uutos sa kanya.
At:
At sinabi ni Moises sa Dios, Narito, pagdating ko sa mga anak ni Israel, at
sasabihin ko sa kanila, Sinugo ako sa inyo ng Dios ng inyong mga magulang; at
sasabihin nila sa akin: Ano ang kaniyang pangalan? anong sasabihin ko sa kanila?
Exodo 3:13 (TAB)
“anong
sasabihin ko sa kanila?” - Humingi ng pahintulot si Moises, na kung maaari
ba niyang ihayag o ipakilala ang Pangalan kung sakaling tanungin ito ng kanyang
bayan. Pinahintulutan ba siya ng Dios?
At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang
sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA. Exodo 3:14 (TAB)
Hindi siya pinahintulutan ng Dios na ihayag ang Kanyang tunay na Pangalan. Kung
sakaling tatanungin siya ng taong bayan, ang isasagot lang niya ay "AKO NGA."
Tungkol naman sa naunang mga propeta, papaano ibinibigay
sa kanila ang Salita ng Dios? Sa anong paraan?
Ako rin naman ay nagsalita sa mga propeta, at ako'y nagparami ng mga pangitain;
at sa pangangasiwa ng mga propeta ay gumamit ako ng mga talinhaga. Hosea 12:10 (TAB)
Ang Salita ng Dios ay ibinigay sa kanila sa
pamamagitan ng mga pangitain.
Ano ngayon ang katunayan na si Maestro Evangelista ang tagapagsalita ng Dios sa
ating makabagong panahon?
Saan ba sinugo
si Maestro Evangelista?
Ang
Propetang Sinugo sa mga Bansa
Ang salita nga ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata
ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta sa mga bansa. Jeremias 1:4-5 (TAB)
Sinugo siya ng
Dios sa mga bansa sa ating panahon. Hindi gaya ng mga naunang propeta na sinugo
ng Dios para lamang sa bayan ng Israel.
Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah, Panginoong Dios! narito, hindi ako marunong
magsalita: sapagka't ako'y bata. Jeremias 1:6 (TAB)
“hindi ako
marunong magsalita:” - Walang kaalaman si Maestro Evangelista sa Banal na
Aklat. Tinuturuan siya ng Dios kung ano ang kanyang sasabihin o ipapahayag para
sa ating lahat!
“sapagka't
ako'y bata." – Sapagka’t siya ang pinakahuli sa mga isinugo ng Dios!
At:
Nguni't sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong sabihin, Ako'y bata: sapagka't
saan man kita susuguin ay paroroon ka, at anomang iutos ko sa iyo ay sasalitain
mo. Huwag kang matakot dahil sa kanila; sapagka't ako'y sumasaiyo upang iligtas
kita, sabi ng Panginoon.
Jeremias 1:7-8 (TAB)
Siya ang
“tagapagsalita ng Dios” sa ating panahon.
“Huwag kang
matakot dahil sa kanila;” – Sa ating kasalukuyang panahon, naglalakihan na
ang bilang ng mga iba’t ibang relihiyon at mga taong kaanib na
sumasampalataya’t sumusunod sa kanila. Sila ang makakaharap ni Maestro
Evangelista sa gagawin niyang paghahayag ng mga Salita ng Dios sa araw na
itinakda. Nag-iisa laban sa mga “aral at kaalaman” ng mga relihiyon.
“sapagka't
ako'y sumasaiyo upang iligtas kita,” – Nguni’t sinabihan siya ng Dios na
huwag matakot dahil gaano at ano pa man ang sabihin at gawin ng mga relihiyon
kay Maestro Evangelista ay hindi siya dapat mangamba sapagka’t kakampi at
ililigtas siya ng Dios. Papaano niya sasalitain
sa atin ang "Mensahe" o ang Salita ng Dios?
Nang magkagayo'y iniunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, at hinipo ang aking
bibig; at sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, inilagay ko ang aking mga salita
sa iyong bibig: Jeremias 1:9 (TAB)
“inilagay
ko ang aking mga salita sa iyong bibig:” - Ito ang masasaksihan ng mga tao
sa araw ng pagdating ni Maestro Evangelista.
Isang taong walang kaalaman sa Banal na Aklat nguni’t naihahayag niya ng malinaw
sa kahit kaninong tao ang tunay na Salita ng Dios! Ito ang kanyang tanda.
Ano ang tungkulin ni Maestro Evangelista sa Dios?
Tingnan mo, aking pinapagpupuno ka sa araw na ito sa mga bansa at sa mga
kaharian, upang magalis at magbagsak at upang magsira at magwasak, upang magtayo
at magtatag. Jeremias 1:10 (TAB)
Sa panahon na naipakilala na sa ating lahat ni Maestro Evangelista ang Pangalan
ng Tunay na Dios sa Banal na Aklat at mahayag na ang tunay na katayuan ni Jesus
sa Dios, ang mga relihiyon ay tuluyan ng babagsak at mawawasak dahil malalaman
ng mga tao na ang mga relihiyon ay hindi pala naglilingkod sa Tunay na Dios.
Totoo ba na si Maestro Evangelista ang may dala ng Pangalan ng Dios
at wala ng iba?
Bukod dito'y tungkol sa taga ibang lupa, na hindi sa iyong bayang Israel, pagka
siya'y magbubuhat sa isang malayong lupain dahil sa iyong pangalan;
1Mga Hari 8:41 (TAB)
“taga ibang lupa,” – Ang kanyang tanda.
"magbubuhat sa isang malayong lupain" –
Hindi siya manggagaling sa lahi ni Jacob.
Sa Pilipinas manggagaling ang may dala ng Pangalan ng Dios!
(Sapagka't kanilang mababalitaan ang iyong dakilang pangalan, at ang iyong
makapangyarihang kamay, at ang iyong unat na bisig:) pagka siya'y paririto at
dadalangin sa dako ng bahay na ito;
1Mga Hari 8:42 (TAB)
“mababalitaan ang iyong dakilang pangalan,” -
Narito at
atin ng binabasa ang Pagpapakilala ng Pangalan ng Dios sa website na ito.
At ano pa?
Dinggin mo nga sa langit na iyong tahanang dako, at gawin mo ang ayon sa lahat
na idalangin sa iyo ng taga ibang lupa; upang makilala ng lahat ng mga bayan sa
lupa ang iyong pangalan, upang matakot sa iyo, gaya ng iyong bayang Israel, at
upang kanilang makilala na ang bahay na ito na aking itinayo ay tinatawag sa
pamamagitan ng iyong pangalan.
1Mga Hari 8:43 (TAB)
Si Maestro
Evangelista ang “taga ibang lupa” magpakilala ng Pangalan ng Dios.
Bakit
kailangan pang taga ibang lupa ang magpakilala ng Pangalan ng Dios? Bakit hindi
na lang si Salomon noon, ano ang dahilan?
Basahin natin ang dahilan:
Ang Sumpa sa Dating Bayan ng
Dios
Bukod dito ay sinabi ni Jeremias sa buong bayan, at sa lahat ng mga babae,
Inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, buong Juda, na nasa lupain ng Egipto:
Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, Kayo
at ang inyong mga asawa ay kapuwa nangagsalita ng inyong mga bibig, at ginanap
ng inyong mga kamay, na nagsasabi, Tunay na aming tutuparin ang aming mga panata
na aming ipinanata, na magsunog ng kamangyan sa reina ng langit, at ipagbuhos ng
mga inuming handog siya: inyo ngang isagawa ang inyong mga panata, at inyong
tuparin ang inyong mga panata. Kaya't inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, buong Juda na tumatahan sa
lupain ng Egipto. Narito, ako'y sumumpa ng aking dakilang pangalan, sabi ng
Panginoon, na ang aking pangalan ay hindi mababanggit sa bibig ng sinoman sa
Juda sa buong lupain ng Egipto, na sabihin, Buhay ang Panginoong Dios. Jeremias 44:24-26 (TAB)
Ito ang sumpa na ibinigay ng Dios sa lahi ng Israel dahil sila ay sumamba sa
"reina ng langit" na hindi naman iniutos ng Dios sa kanila. At
magpahanggang ngayon ay inaalayan at hinihingian pa rin ng tulong ng mga
Kristiyano sa anyo ni "maria, na ina ng dios, reina ng langit at lupa."
Malinaw, si Maestro Evangelista lamang ang may pahintulot na ipakilala ang
Pangalan ng Dios, dahil wala siya sa lahing Israel.
Ang
Dakilang Pangalan ng Dios
Kung hindi
maaaring marinig ang Tinig ng Dios at kung si Maestro Evangelista ang
nagsasalita, papaano magpapakilala ang Dios sa atin? Totoo ba na kakausapin tayo
ng Dios?
Tunay na ang
Dios ang kakausap at Siya ang magpapakilala sa atin ng Kanyang Pangalan, nguni’t
sa pamamagitan ng Kanyang Salita na nasusulat sa Banal na Aklat. At si Maestro
Evangelista ang magtuturo o magpapakita sa atin kung saan mababasa ang talatang
ito.
Iyong narinig; tingnan mong lahat ito; at kayo, hindi ba ninyo ipahahayag? Ako'y
nagpakita sa iyo ng mga bagong bagay mula sa panahong ito, sa makatuwid baga'y
mga kubling bagay na hindi mo naalaman. Isaias 48:6 (TAB)
Ilang libong taon
na ang nakalipas, nguni’t ngayon lang mahahayag ang Tunay na Pangalan at malalaman ng
lahat ng tao. Totoo ba?
Mga nalikha ngayon, at hindi mula nang una; at bago dumating ang araw na ito ay
hindi mo nangarinig; baka iyong sabihin, Narito, aking nangaalaman. Isaias 48:7 (TAB)
Sabihin ninyo man na nabasa ninyo ito noon pa, ano ang sabi ng Dios hinggil
dito?
Oo, hindi mo narinig; oo, hindi mo naalaman; oo, mula nang una ay hindi nabuksan
ang iyong pakinig: sapagka't talastas ko na ikaw ay gumawa na totoong may
kataksilan, at tinawag na mananalangsang mula sa bahay-bata. Isaias 48:8 (TAB)
Lahat tayo walang tumama na aral ng mga relihiyon hinggil sa Dios! Dahil hindi
sila ang sinugo o inutusan.
At sa kadahilanang iyan, bakit hindi pa tayo pinarurusahan ng Dios?
Dahil sa aking pangalan ay aking iuurong ang aking galit, at dahil sa kapurihan
ko ay aking ititigil, upang huwag kitang ihiwalay. Isaias 48:9 (TAB)
Hindi makagalit ang Dios sa atin, dahil hindi kilala ang Pangalan Niya.
Narito dinalisay kita, nguni't hindi parang pilak; pinili kita sa hurno ng
kadalamhatian. Dahil din sa akin, dahil din sa akin, aking gagawin yaon; sapagka't, bakit
lalapastanganin ang aking pangalan? at ang kaluwalhatian ko ay hindi ko ibinigay
sa iba. Isaias 48:10-11 (TAB)
"sa hurno ng kadalamhatian"
– Ito ang pangkasalukuyang kalagayan ng mundo
ngayon.
Ano ang Pangalan ng Dios?
Inyong dinggin ako, Oh Jacob, at Israel na tinawag ko: Ako nga; ako ang una, ako
rin ang huli. Isaias 48:12 (TAB)
Ang "ISRAEL" na tinawag na "AKO NGA" ay ang Pangalan ng Dios!
Totoo ba na "ISRAEL" ang Pangalan ng Dios?
Oh Panginoon, dinggin mo; Oh Panginoon, patawarin mo; Oh Panginoon, iyong
pakinggan at gawin; huwag mong ipagpaliban, alangalang sa iyong sarili, Oh Dios
ko, sapagka't ang iyong bayan at ang iyong mga tao ay tinatawag sa iyong
pangalan. Daniel 9:19 (TAB)
"iyong bayan at ang iyong mga tao ay tinatawag sa iyong pangalan" - Kung ang
bayan at ang mga tao ay tinatawag na “Israel,” ano ang Pangalan ng Dios?
May mababasa pa ba tayo sa Banal na Aklat na naghahayag ng tunay ng Pangalan ng
Dios?
At ang Panginoon ay napakita kay Salomon sa gabi, at sinabi sa kaniya, Aking
narinig ang iyong dalangin, at pinili ko ang dakong ito sa aking sarili na
pinakabahay na hainan. Kung aking sarhan ang langit na anopa't huwag magkaroon ng ulan, o kung aking
utusan ang balang na lamunin ang lupain, o kung ako'y magsugo ng salot sa gitna
ng aking bayan; Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay
magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang
kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko
ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain. II Mga
Cronica 7:12-14 (TAB)
"Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan" – Malinaw,
"ISRAEL" ang Pangalan ng Dios!
Papaano nagsimulang tawaging "Israel" ang kanilang bayan, at kanino ibinigay ang
Pangalan noon?
Si Jacob at ang Anghel
At naiwang magisa si Jacob: at nakipagbuno ang isang lalake sa kaniya, hanggang
sa magbukang liwayway. Genesis 32:24 (TAB)
Tandaan, isang lalake ang nakabunuan ni Jacob.
At nang makita nitong siya'y hindi manaig sa kaniya ay hinipo ang kasukasuan ng
hita niya; at ang kasukasuan ni Jacob ay sinaktan samantalang nakikipagbuno sa
kaniya. At sinabi, Bitawan mo ako, sapagka't nagbubukang liwayway na. At kaniyang
sinabi, Hindi kita bibitawan hanggang hindi mo ako mabasbasan. Genesis 32:25-26 (TAB)
Nanaig siya sa “lalake.”
At sinabi niya sa kaniya, Ano ang pangalan mo? At kaniyang sinabi, Jacob.
At sinabi niya, Hindi na tatawaging Jacob ang iyong pangalan, kundi Israel;
sapagka't ikaw ay nakipagpunyagi sa Dios at sa mga tao, at ikaw ay nanaig.
Genesis 32:27-28 (TAB)
“Hindi na tatawaging Jacob ang iyong pangalan, kundi Israel;” - Ito ang
Pangalan na ibinigay sa kanya ng “lalake.” Ito ang kanyang pagpapala.
At siya'y tinanong ni Jacob, at sinabi, Ipinamamanhik ko sa iyong sabihin mo sa
akin ang iyong pangalan. At kaniyang sinabi, Bakit nagtatanong ka ng aking
pangalan? At siya'y binasbasan doon. Genesis 32:29 (TAB)
Binigyan na siya ng Pangalan, nguni’t hinihingi pa niya ang pangalan ng “lalake”
nguni’t hindi ito ibinigay sa kanya.
At tinawag ni Jacob ang pangalan ng dakong yaon na Peniel; sapagka't aniya'y
nakita ko ang Dios ng mukhaan, at naligtas ang aking buhay. Genesis 32:30 (TAB)
Bakit nasabi ni Jacob na nakita niya ang Dios gayong isang lalake lang ang
kanyang nakita at nakabunuan? Marami ang nalito dito at hanggang ngayon ay
pinagtatalunan pa ng mga relihiyon ang tungkol sa katotohanan ng sinalita ni
Jacob.
Ang tanong ni Maestro Evangelista, maaari bang makita ang Dios?
At kaniyang sinabi, Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka't hindi maaaring
makita ako ng tao at mabuhay. Exodo 33:20 (TAB)
Kung makikita natin ang Dios, mamamatay tayo.
Papaano natin mapapatunayan na hindi ang Dios ang nakita ni Jacob?
Kung hindi namatay si Jacob, samakatuwid hindi ang Dios ang nakita niya.
Sino si Jacob? Ano ang katangian niya?
Ang Panginoon ay may pakikipagkaalit din sa Juda, at parurusahan niya ang Jacob
ayon sa kaniyang mga lakad; ayon sa kaniyang mga gawa ay gagantihan niya siya.
Sa bahay-bata ay kaniyang hinawakan sa sakong ang kaniyang kapatid; at sa
kaniyang kabinataan ay nagtaglay ng kapangyarihan ng Dios: Hosea 12:2-3 (TAB)
Si Jacob ito, nagtaglay ng kapangyarihan
sa tao na mula sa Dios. Anong uri ng
kapangyarihan?
Oo, siya'y nagtaglay ng kapangyarihan sa anghel, at nanaig: siya'y tumangis, at
namanhik sa kaniya: nasumpungan niya siya sa Beth-el, at doo'y nakipagsalitaan
siya sa atin. Hosea 12:4 (TAB)
Malinaw na, ang nakabunuan ni Jacob na “lalake” ay isang "anghel", at ang
kapangyarihan ni Jacob na manaig rito ay mula sa Dios.
Nang hindi ibigay ang pangalan ng anghel, ano ang Pangalang ibinigay kay Jacob?
Narito, aking sinusugo ang isang anghel sa unahan mo, upang ingatan ka sa daan,
at upang dalhin ka sa dakong aking inihanda sa iyo. Magingat kayo sa kaniya, at dinggin ninyo ang kaniyang tinig; huwag ninyong
mungkahiin siya: sapagka't hindi niya patatawarin ang inyong pagsalangsang;
sapagka't ang aking pangalan ay nasa kaniya. Exodo 23:20-21 (TAB)
“aking pangalan ay nasa kaniya.” - Dala ng “anghel” ang
Pangalan. At ang Pangalang ibinigay ng “lalake” o ng "anghel" kay Jacob ay ang
Pangalan ng Dios!
At ano ang tawag ng Dios sa kanyang mga anghel?
Ang mga Anak ng Dios
Isang araw nga nang ang mga anak ng Dios ay magsiparoon na magsiharap sa
Panginoon, na si Satanas ay naparoon din naman na kasama nila. Job 1:6 (TAB)
“mga anak ng Dios”
– Ito ang tawag sa mga anghel Niya.
Ang sabi ni Maestro Evangelista: Gaya nating mga tao, tayo rin ay tinatatawag
sa pangalan ng ating tunay na ama, “anak ni ____,” kaya ang mga anghel ay tinawag na mga “anak ng Dios”
sapaagka't dala nila ang Pangalan Niya. Kaya ng hingiin
ni Jacob ang pangalan ng lalake o “anghel,” ang ibinigay sa kanya ay ang dalang
Pangalan o Israel, para maging “anak” din ng Dios si Jacob.
Kailan naman nangyari na ang Pangalan ay ibinigay sa bayan ni Jacob?
At ang Dios ay napakita uli kay Jacob, nang siya'y manggaling sa Padan-aram, at
siya'y pinagpala. At sinabi sa kaniya ng Dios, Ang pangalan mo'y Jacob; ang pangalan mo'y hindi na
tatawagin pang Jacob kundi Israel ang itatawag sa iyo: at tinawag ang kaniyang
pangalan na Israel. At sinabi sa kaniya ng Dios, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat; ikaw ay
lumago at dumami ka; isang bansa at isang kapisanan ng mga bansa ang magmumula
sa iyo, at mga hari ay lalabas sa iyong balakang; Genesis 35:9-11 (TAB)
Ang mensahe ng Dios ay ibinibigay kay Jacob sa pamamagitan ng kanyang anghel,
hindi Siya nagpapakita ng harapan.
Dito nagmula na ang bayan ni Jacob ay tinawag sa pamamagitan ng Pangalang
“Israel.”
Malinaw na ang Tunay na Pangalan ng ating Dakilang Dios ay “ISRAEL!” Siya na
mismo ang nagpakilala sa atin ng Kanyang Tunay na Pangalan. At ito ay sa
pamamagitan ng pag-utos Niya kay Maestro Evangelista na ituro sa atin kung saang
talata sa Banal na Aklat makikita ang Kanyang Pagpapakilala.
Ang Dios na mismo ang nagpakilala sa atin ng Kanyang Tunay na Pangalan, hindi pa
ba tayo maniniwala sa Kaniya?
Totoo ba na lagi na lang nalalapastangan ang Pangalan ng Dios?
Sa anong
paraan ang Pangalan ng Dios ay “natutungayaw?”
Lalung-lalo na sa ating panahon, dahil araw-araw na lamang ang mga Muslim at
marami pang iba ay inaalimura ang bayan ng Israel. At alam natin na iyan ay ang
Pangalan ng Dios, kaya galit na galit na sa atin ang Dios!
Ano ang gagawin ng Dios hinggil dito?
Kaya't buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, aking gagawin ayon sa iyong galit, at
ayon sa iyong pananaghili na iyong ipinakilala sa iyong pagtatanim laban sa
kanila: at ako'y pakikilala sa gitna nila pagka aking hahatulan ka. Ezekiel 35:11 (TAB)
Magpapakilala ang Dios sa lahat alinsabay ng Paghahatol Niya sa atin.
At iyong malalaman na akong Panginoon ay nakarinig ng lahat mong panunungayaw na
iyong sinalita laban sa mga bundok ng Israel, na sinasabi, Nangalagay na sira
ang mga yaon, nangabigay sa atin upang lamunin. At kayo'y nangagmalaki laban sa akin ng inyong bibig, at inyong pinarami ang
inyong mga salita laban sa akin: aking narinig yaon. Ezekiel 35:12-13 (TAB)
Lahat ng mga ginagawa at sinasabi na masama laban sa bayan ng Israel ay para na
ring sinasabi ng direkta sa Dios. Dahil hindi alam ng mga tao na ang pangalan ng
Kanyang bayan at ang Kanyang Pangalan ay iisa!
Hindi baga nito yayanigin ang pinakasaligan ng ating kasalukuyang sibilisasyon
at ang lahat ng ating kaalaman?
Magpapakilala ang Dios sa pamamagitan ng Pahayag ng Pangalan niya at ano ang
gagawin ng Dios ngayon?
Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Pagka ang buong lupa ay nagagalak, akin
gagawin kang sira. Kung paanong ikaw ay nagalak sa mana ng sangbahayan ni Israel, dahil sa sira,
gayon ang gagawin ko sa iyo: ikaw ay magiging sira, Oh bundok ng Seir, at buong
Edom, oo, lahat ng ito; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. Ezekiel 35:14-15 (TAB)
Ito na ang ginagawa ng Dios sa buong mundo
sa kasalukuyan.
At sa Kanyang bayan, ano naman ang masasabi Niya sa paglalapastangan sa Kanyang
Pangalan?
At nang sila'y dumating sa mga bansa, na kanilang pinaroonan, kanilang
nilapastangan ang aking banal na pangalan; sa pagsasabi ng mga tao tungkol sa
kanila, Ang mga ito ay bayan ng Panginoon, at nagsilabas sa kaniyang lupain.
Ezekiel 36:20 (TAB)
Pag nakagawa ng mga masasamang bagay ang bayan niya sa mga bansang kanilang
tinuluyan, ang Pangalan ng Dios ang nalalapastangan pag inalimura na sila ng mga
kaalitan nila sapagka’t dala nila ang Pangalan ng Dios!
At bakit din naman, na kahit na matagal nang ganito ang kanilang ginagawa ay
hindi pa sila pinarurusahan ng Dios?
Nguni't iginalang ko ang aking banal na pangalan, na nilapastangan ng
sangbahayan ni Israel sa mga bansa na kanilang pinaroonan. Kaya't sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios;
Hindi ko ginawa ito dahil sa inyo, Oh sangbahayan ni Israel, kundi dahil sa
aking banal na pangalan, na inyong nilapastangan sa mga bansa na inyong
pinaroonan. Ezekiel 36:21-22 (TAB)
Dahil ibinigay Niya ang Kanyang Pangalan sa bayan Niya, kahit hindi Siya
kinilala.
At aking babanalin ang aking dakilang pangalan, na nalapastangan sa mga bansa,
na inyong nilapastangan sa gitna nila; at malalaman ng mga bansa na ako ang
Panginoon, sabi ng Panginoong Dios, pagka ako'y aariing banal sa inyo sa harap
ng kanilang mga mata. Ezekiel 36:23 (TAB)
Nguni’t sa pagkakataong ito, kailangang manumbalik sila sa Dios at alamin ang
Kanyang Tunay na Pangalan upang sila rin ay mailigtas.
Sa dami ng kanilang ginawang kasamaan at pagsuway sa Dios, bakit palagi silang inililigtas?
Sapagka't hindi pababayaan ng Panginoon ang kaniyang bayan dahil sa kaniyang
dakilang pangalan, sapagka't kinalulugdan ng Panginoon na gawin kayong bayan
niya. I Samuel 12:22 (TAB)
Dahil lang talaga sa Pangalan ng Dios.
Dumating si Hitler noong Ikalawang Digmaang Pangdaigdig, tinangkang lipulin
sila, nagawa ba niya? May pangyayari rin ba noon na nalagay ang mga Israel sa
ganitong kagipitan?
At sinabi ni Josue, Ay, Oh Panginoong Dios, bakit mo pinatawid ang bayang ito sa
Jordan, upang ibigay kami sa kamay ng mga Amorrheo, na ipalipol kami? nakatigil
sana kaming masaya at nakatahan sa dakong yaon ng Jordan! Oh Panginoon, anong aking sasabihin pagkatapos na ang mga anak ng Israel ay
makatalikod sa harap ng kanilang mga kaaway! Sapagka't mababalitaan ng mga Cananeo at ng lahat na nananahan sa lupain, at
kami ay kukubkubin at ihihiwalay ang aming pangalan sa lupa: at ano ang iyong
gagawin sa iyong dakilang pangalan? Josue 7:7 -9 (TAB)
Ang sugo ng Dios lang ang maaring humingi ng kaligtasan para sa bayan niya.
Ang bayan ni Jacob ay iniligtas ng Dios dahil sa kanyang Banal na Pangalan.
Kung
mamarapatin ng mga Muslim at mga Kristiyano, alam ba ng bayan ni Jacob na kaya
lamang sila iniligtas ng Dios ay dahil sa Kanyang Pangalan?
Kami ay nangagkasala na kasama ng aming mga magulang, kami ay nangakagawa ng
kasamaan, kami ay nagsigawa ng masama. Awit 106:6 (TAB)
Umamin na sila noon pa sa kanilang kasalanan. Bakit?
Hindi naunawa ng aming mga magulang ang iyong mga kababalaghan sa Egipto; hindi
nila inalaala ang karamihan ng iyong mga kagandahang-loob, kundi naging
mapanghimagsik sa dagat, sa makatuwid baga'y sa Dagat na Mapula. Awit 106:7 (TAB)
Nailabas sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios, nguni’t hindi nila
naalaala at naunawaan, dahil lahi sila ng mapaghimagsik.
Bakit sila ay inililigtas pa rin?
Gayon ma'y iniligtas niya sila dahil sa kaniyang pangalan, upang kaniyang
maipabatid ang kaniyang matibay na kapangyarihan. Awit 106:8 (TAB)
Inililigtas sila dahil sa Pangalan ng Dios.
Alam na natin na ang Pangalan ng Dios ay "ISRAEL," ang sabi ni Maestro
Evangelista, kilalanin natin ang Kanyang Pangalan at magbalikloob sa Kaniya.
Ngayon,
malinaw na ang dahilan kung bakit sinagot ng Dios si Moses ng “AKO NGA” ay dahil
sa kahilingan nitong ipakilala sa bayan niya.
Basahin nating
muli:
At kaniyang sinabi, Tunay na ako'y sasaiyo; at ito'y magiging tanda sa iyo, na
ikaw ay aking sinugo: pagka iyong nailabas na sa Egipto ang bayan ay
maglilingkod kayo sa Dios sa bundok na ito. Exodo 3:12 (TAB)
Ang tungkulin ni Moses ay ang ilabas ang kanyang bayan sa Egipto.
At sinabi ni Moises sa Dios, Narito, pagdating ko sa mga anak ni Israel, at
sasabihin ko sa kanila, Sinugo ako sa inyo ng Dios ng inyong mga magulang; at
sasabihin nila sa akin: Ano ang kaniyang pangalan? anong sasabihin ko sa kanila?
Exodo 3:13 (TAB)
Humingi ng pahintulot upang ipakilala ang Pangalan ng Dios sa bayan niya.
Ano ang sagot sa kanya ng Dios?
At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang
sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA. Exodo 3:14 (TAB)
Hindi siya binigyan ng pahintulot na ipakilala ang Pangalan, pag siya ay tinanong
kung ano ang pangalan ng nagsugo sa kanya, ang isasagot lamang ni Moses sa mga
tao ng anak ni Israel, ay "AKO NGA."
Ang sabi Maestro Evangelista, dahil naibigay na ng Dios ang pangalan niya sa bayan kaya ang
sagot ay "AKO NGA." Kaya kung tinatanong si Moses na "Ano ang Pangalan ng
nagsugo sa iyo?" ang isasagot niya, "Ano ka ba?" at sasabihin ng mga tao,
"Israel," " at sasagutin sila ni Moses ng 'AKO NGA ang sabi ng Dios', dahil nasa
inyo na ang Pangalan Ko."
Maliwanag na ang Pangalan ng Dios ay "ISRAEL."
Kailan malalaman at mauunawan ng lahat ng tao ang Tunay na Pangalan ng Dios?
Ano ang mga pangyayaring magaganap bago makilala ng lahat ng tao ang Tunay na
Pangalan ng Dios?
Gumising ka, Oh tabak, laban sa pastor ko, at laban sa lalake na aking kasama,
sabi ng Panginoon ng mga hukbo: saktan mo ang pastor at ang mga tupa ay
mangangalat; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa mga maliit. Zacarias 13:7 (TAB)
Ito ang unang bahagi ng mga pangyayari na magaganap; ang
"pastor" ay sasaktan,
ibig sabihin, ang kanyang pagkakilanlan ay mahahayag – ang taong pinarusahan ng
Dios.
"mga tupa" – sinu-sino sila?
"mga maliliit" – ang galit ng Dios ay higit sa "mga maliliit!" Sinu-sino rin
sila?
Ano ang mangyayari sa kanilang lahat?
At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ng Panginoon, dalawang bahagi ay
mahihiwalay at mamamatay; nguni't ang ikatlo ay maiiwan. Zacarias 13:8 (TAB)
Hinati sa "tatlong bahagi" ang panahon iyon.
Ang dalawang bahagi; ang "pastor" at "mga tupa" kasama ng "mga maliliit", ay
malilipol! May maiiwang "ikatlong bahagi."
At ano ang mangyayari sa "ikatlong bahagi?"
At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na
parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto…
Zacarias 13:9 (TAB)
Sinu-sino sila?
…Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: Zacarias 13:9 (TAB)
Ang maiiwang bahagi ay ang magsisitawag sa Pangalan ng Dios!
Sila ang mga taong tatawag sa Dakilang Pangalan ng Dios!
Papaano sila kikilalanin ng Dios?
…aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking
Dios. Zacarias 13:9 (TAB)
Ang tatawag sa Pangalan ng Dios ay ang kikilalaning "Bayan ng Dios!" Hindi na
ang bayang tinawag sa Pangalan ng Dios."
Magaganap ba ang pahayag na malalaman ng lahat ng tao ang Pangalan ng Dios maging sa buong
mundo?
At ang Panginoo'y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang
Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa. Zacarias 14:9 (TAB)
Ang sabi ni
Maestro Evangelista; kapag naganap na ito, magkakaisa na ang mga tao sa mundo
magiging mapayapa at puno ng pagpapala.
Isang bayan, isang mundo at isang Dios
Sa buong mundo ay magkakaroon ng isang Panginoon at ang Kanyang Pangalan ay isa
lamang!
Malalaman na natin kung sino ang "pastor" na binabanggit sa Zacarias 13:7, sino
siya?
Ang Pastor na Sinaktan
Nang magkagayo'y sinabi sa kanila ni Jesus, Kayong lahat ay mangagdaramdam sa
akin sa gabing ito: sapagka't nasusulat, Sasaktan ko ang pastor,.. Mateo 26:31 (TAB)
Ito na ang panahon ng pag-amin ni Jesus.
Inamin ni Jesus na siya ang "pastor," ang hinampas.
Sino ang "mga tupa?"
…at mangangalat ang mga tupa ng kawan. Mateo 26:31 (TAB)
Ang "mga tupa" na nangalat ay ang mga apostol!
Totoo ba na ang mga apostol ay nangalat?
Sinagot sila ni Jesus, Ngayon baga'y nagsisisampalataya kayo? Narito, ang oras ay dumarating, oo, dumating na, na kayo'y mangangalat, ang
bawa't tao sa kanikaniyang sarili, at ako'y iiwan ninyong magisa: at gayon ma'y
hindi ako nagiisa, sapagka't ang Ama ay sumasa akin. Juan 16:31-32 (TAB)
"kayo'y mangangalat"
- Ang mga apostol ay nagsilakad ng kanya-kanyang daan upang
magsipagtayo ng mga iba’t-ibang mga simbahan gamit ang aral ni Jesus.
"iiwan ninyong magisa" – Walang nakaalam, hindi nakita na siya ay nasa
kailaliman.
"ang Ama ay sumasa akin" – Sa pagkakataong ito hindi na malaman o matukoy kung
sino ang "ama" na tinutukoy ni Jesus.
Nguni’t sa pagkakataong ito, ihahayag ni Maestro Evangelista ang "ama" na
binabanggit ni Jesus sa aklat ng "Bagong Tipan!"
Basahin natin:
Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong
gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa
katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng
kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang
sinungaling, at ama nito. Juan 8:44 (TAB)
"amang Diablo" – Ang tanging "ama" ng pinangalanan ni Jesus.
Sino ang "maliliit?"
Basahin natin:
Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga
propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin. Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at
ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala
sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay. Kaya't ang sinomang sumuway sa isa sa kaliitliitang mga utos na ito, at ituro
ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit:
datapuwa't ang sinomang gumanap at ituro, ito'y tatawaging dakila sa kaharian ng
langit. Mateo 5:17-19 (TAB)
Ang
"sinomang sumuway" at "ituro ang gayon sa mga tao" ay ang mga maliliit.
Ano ba ang nasa mga Kautusan ng Dios, maari ba nating baguhin ang mga ito?
Huwag ninyong daragdagan ni babawasan ang salita na aking iniuutos sa inyo,
upang inyong maingatan ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios na aking iniuutos
sa inyo. Deuteronomio 4:2 (TAB)
Ang magbabago, magdagdag at magbawas sa mga Kautusan ng Dios ay tatawaging
"maliliit."
May sumpa roon?
Sino ang nagbago ng mga Kautusan ng Dios na sinunod ng mga tao na maaaring
tukuying "mga maliliit?"
Sino ang unang sumuway sa mga kautusan ng Dios?
Datapuwa't nang marinig ng mga Fariseo na kaniyang napatahimik ang mga Saduceo,
ay nangagkatipon sila. At isa sa kanila, na tagapagtanggol ng kautusan, ay tinanong siya ng isang
tanong, upang siya'y tuksuhin: Guro, alin baga ang dakilang utos sa kautusan?
At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng
buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos.
At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong
sarili. Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.
Mateo 22:34-40 (TAB)
Si Jesus ang unang sumuway sa mga kautusan ng Dios na kanyang ginawang dalawa
ang Sampung utos!
Ang malala pa, ito ay ipinagtibay pa ng kanyang mga apostol at ng mga relihiyon
sa kanilang mga aral!
Sino ang "mga maliliit?" Ang mga relihiyon na gumamit ng mga aral at
sumampalataya kay Jesus!
At anong aral pa ni Jesus na ginamit ng mga maliliit?
Habang nangagkakatipon nga ang mga Fariseo, ay tinanong sila ni Jesus ng isang
tanong. Na sinasabi, Ano ang akala ninyo tungkol kay Cristo? kanino bagang anak siya?
Sinabi nila sa kaniya, kay David. Sinabi niya sa kanila, Kung gayo'y bakit tinatawag siya ni David na Panginoon,
sa espiritu, na nagsasabi, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, Maupo ka sa aking kanan, Hanggang sa
ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa? Kung tinatawag nga siya ni David na Panginoon, paanong siya'y kaniyang anak?
At wala sinomang nakasagot sa kaniya ng isang salita, ni wala sinomang nangahas
buhat sa araw na yaon na tumanong pa sa kaniya ng anomang mga tanong. Mateo 22:41-46 (TAB)
Sa unang pagkakataon rin na ito, sasagutin na ni Maestro Evangelista ang tanong
ni Jesus na ito.
Ang sabi ni Maestro Evangelista, totoo ba na ang kausap ni David ay ang "Panginoon" na si Jesus?
Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa
aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway. Awit 110:1 (TAB)
Si David ang nagsasalita dito.
Sabi ni Maestro Evangelista, ano ang nauna ang Awit110 o ang Awit 16?
Basahin natin:
Ingatan mo ako, Oh Dios; sapagka't sa iyo nanganganlong ako. Oh kaluluwa ko, iyong sinabi sa Panginoon, ikaw ay aking Panginoon: ako'y walang
kabutihan liban sa iyo. Awit 16:1-2 (TAB)
Ang kaluluwa o ang sarili ni David ang ipinakikiusap niya sa Panginoong Dios,
hindi si Jesus!
Kausap ni David (na isang panginoon dahil hari siya) ang PANGINOON ng mga
Panginoon.
Papaano ba nagkikipag-usap si Haring David sa Dios?
Nang magkagayo'y ang haring si David ay pumasok, at umupo sa harap ng Panginoon:
at kaniyang sinabi, Sino ako, Oh Panginoong Dios, at ano ang aking sangbahayan
na ako'y iyong dinala sa ganiyang kalayo? At ito'y munting bagay pa sa iyong paningin, Oh Panginoong Dios; nguni't ikaw ay
nagsalita naman ng tungkol sa sangbahayan ng iyong lingkod nang hanggang sa
malaong panahong darating; at ito ay ayon sa paraan ng tao, Oh Panginoong Dios!
At ano pa ang masasabi ni David sa iyo? sapagka't iyong kilala ang iyong
lingkod, Oh Panginoong Dios.
II Samuel 7:18-20 (TAB)
Ang tanong ni Maestro Evangelista, Sino’ng David ang binabanggit ni David?
Malinaw, hindi si Jesus ang binabanggit ni David na "panginoon" dito.
Balik tayo sa:
Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa
aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway. Awit 110:1 (TAB)
Totoo ba na tinungtungan ni David ang mga kaaway niya?
At si Salomon ay nagsugo kay Hiram, na kaniyang sinasabi, Talastas mo na kung paanong si David na aking ama ay hindi nakapagtayo ng bahay
sa pangalan ng Panginoon niyang Dios dahil sa mga pagdidigmaan sa palibot niya
sa bawa't dako, hanggang sa inilagay sila ng Panginoon sa ilalim ng mga
talampakan ng kaniyang mga paa. I Mga Hari 5:2-3 (TAB)
Tunay na sa paanan ni David inilagay ang kanyang kaaway.
Sa paghayag ni Maestro Evangelista, tunay na si Jesus ay “manililinlang” na
magpasahanggang ngayon ay ginagamit ang talatang ito (Mateo 22:41-46) ng mga
Kristiyano.
Sa Pahayag ng katotohanan sa Banal na Aklat, tunay na si Maestro Evangelista ay
ang huling sugo sa ating panahon!
Tunay ba?
Bukod dito'y tungkol sa taga ibang lupa, na hindi sa iyong bayang Israel, pagka
siya'y magbubuhat sa isang malayong lupain dahil sa iyong pangalan; (Sapagka't kanilang mababalitaan ang iyong dakilang pangalan, at ang iyong
makapangyarihang kamay, at ang iyong unat na bisig:) pagka siya'y paririto at
dadalangin sa dako ng bahay na ito; I Mga Hari 8:41-42 (TAB)
Ipinakilala na ang Pangalan ng Dios sa internet.
Dinggin mo nga sa langit na iyong tahanang dako, at gawin mo ang ayon sa lahat
na idalangin sa iyo ng taga ibang lupa; upang makilala ng lahat ng mga bayan sa
lupa ang iyong pangalan, upang matakot sa iyo, gaya ng iyong bayang Israel, at
upang kanilang makilala na ang bahay na ito na aking itinayo ay tinatawag sa
pamamagitan ng iyong pangalan. I Mga Hari 8:43 (TAB)
Si Maestro Evangelista ang sinugo upang ipakilala ang Pangalan ng Dios sa lahat
ng tao sa mundo, na nakasulat na “na ang bahay na ito na aking itinayo ay
tinatawag sa pamamagitan ng iyong pangalan” – Ang Bahay ni Israel.
Saan ipakikilala ang Pangalan ng Dios?
At siya'y naglagay ng larawang inanyuan na Asera, na kaniyang ginawa, sa bahay
na pinagsabihan ng Panginoon kay David, at kay Salomon na kaniyang anak, Sa
bahay na ito, at sa Jerusalem, na aking pinili sa lahat na lipi ng Israel, aking
ilalagay ang aking pangalan magpakailan man. II Mga Hari 21:7 (TAB)
Nangako ang Dios na ilalagay Niya ang Kanyang Panglan sa Jerusalem magpakailan
man.
At ito ay inihayag muli sa:
Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na
siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at
ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa
langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan.
Apocalipsis 3:12 (TAB)
“at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem”
– Bakit dito
binabanggit na “Bagong Jerusalem?”
Ang sabi ni Maestro Evangelista: Dahil hindi babaguhin ng Dios ang pangako niya
na sa Jerusalem ilalagay ang Pangalan, kaya kung saan ipakikilala ang Pangalan
Niya, ang lugar na iyon ang tatawaging “Bagong Jerusalem.”
Saang dako?
Ang mga ito ay maglalakas ng kanilang tinig, sila'y magsisihiyaw; dahil sa
kamahalan ng Panginoon ay nagsisihiyaw sila ng malakas mula sa dagat. Kaya't luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa silanganan, sa makatuwid baga'y ang
pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa mga pulo ng dagat. Mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa ay nakarinig kami ng mga awit,
kaluwalhatian sa matuwid. Nguni't aking sinabi, Namamatay ako, namamayat ako, sa
aba ko! ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawang may kataksilan, oo, ang mga
manggagawang taksil ay nagsisigawa na may lubhang kataksilan. Isaias 24:14-16 (TAB)
Ang Pangalan ng Dios ay malalaman mula sa Pilipinas, sa "mga pulo ng dagat!"
“sa silanganan” – Saan sa silanganan?
Narito, ang pangalan ng Panginoon ay magmumula sa malayo, na nagniningas ng
kaniyang galit, at nasa umiilanglang na salimuot na usok: ang kaniyang mga labi
ay puno ng pagkagalit, at ang kaniyang dila ay gaya ng mamumugnaw na apoy:
Isaias 30:27 (TAB)
“magmumula sa malayo” – sa malayong silanganan o Far East.
Saan din ba manggaling ang “huling sugo?” Kundi rin sa “siya'y magbubuhat sa
isang malayong lupain…” (I Mga Hari 8:41)
Nangangahulugan na sa mga pulo sa malayong silanganan manggagaling ang Pangalan
ng Dios.
Dahil sa Lumang Jerusalem, nariyan ang mga digmaan at pangdadahas, ang mga
pag-aalitan ng mga relihiyon, at mga kasamaan, wala na ang Dios sa kanila. Totoo
ba?
Ganito nagpakita ang Panginoong Dios sa akin: at, narito, ang isang bakol ng
bunga ng taginit.
At kaniyang sinabi, Amos, anong iyong nakikita? At aking sinabi, Isang bakol ng
bunga ng taginit. Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Ang wakas ay
dumating sa aking bayang Israel; hindi na ako daraan pa uli sa kanila. Amos 8:1-2 (TAB)
"hindi na ako daraan pa uli sa kanila" - Wala na sa kanila ang Dios!
Nasaan na ba ang Dios sa ating panahon?
Ako'y napagsasangunian ng mga hindi nagsipagtanong tungkol sa akin; ako'y
nasusumpungan nila na hindi nagsihanap sa akin: aking sinabi, Narito ako, narito
ako, sa bansa na hindi tinawag sa aking pangalan. Isaias 65:1 (TAB)
Ang Dios ay nasa bansang hindi tinawag sa Pangalan ng Dios o sa bayan ng Israel!
Saan?
Sa mga pulo sa malayong lugar sa silanganan! Ang Pilipinas ang Bagong
Jerusalem!
Alam na natin ang Pangalan ng Dios, ang tanong ni Maestro Evangelista: Ano ang
biyayang ating tatanggapin mula sa Dios?
Sapagka't kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin, kaya't iniligtas ko
siya: aking ilalagay siya sa mataas, sapagka't kaniyang naalaman ang pangalan
ko. Siya'y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya; ako'y sasa kaniya sa kabagabagan:
aking ililigtas siya, at pararangalan siya. Aking bubusugin siya ng mahabang buhay, at ipakikita ko sa kaniya ang aking
pagliligtas. Awit 91:14-16 (TAB)
Sa pagtanggap at pagtawag kay Panginoong Dios Israel, ngayon pa lang Siya
sasagot sa atin.
Sa nanyayaring mga sakuna at digmaan sa ating panahon, sino lang ang may
karapatang humingi ng pagliligtas sa Dios?
Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati, matayog na moog
sa mga panahon ng kabagabagan; At silang nangakakaalam ng iyong pangalan ay maglalagak ng kanilang tiwala sa
iyo; sapagka't ikaw, Panginoon, ay hindi mo pinabayaan sila na nagsisihanap sa
iyo. Awit 9:9-10 (TAB)
Hindi pababayan ng Dios ang tatawag sa Kanyang Dakilang Pangalan!
Sa ating panahon, para malaman natin na ito na ang panahon ng kabagabagan, saan
ito maguumpisa?
Sapagka't, narito, ako'y nagpapasimulang gumawa ng kasamaan sa bayang tinawag sa
aking pangalan, at kayo baga'y lubos na hindi mapaparusahan? Kayo'y walang
pagsalang parurusahan; sapagka't aking tatawagin ang tabak laban sa lahat ng
nananahan sa lupa, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Jeremias 25:29 (TAB)
"bayang tinawag sa aking pangalan"
– O ang bayang Israel. Ito na ang simula ng
mga kaganapan ng mga pahayag sa huling mga araw.
"lahat ng nananahan sa lupa" – Kasama rin ang lahat ng mga tao sa buong mundo,
walang hindi dadanas ng paghahatol ng Dios.
Kaya't ihula mo laban sa kanila ang lahat ng mga salitang ito, at sabihin mo sa
kanila, Ang Panginoon ay uungol mula sa itaas, at ilalakas ang kaniyang tinig
mula sa kaniyang banal na tahanan; siya'y uungol ng malakas laban sa kaniyang
kulungan; siya'y hihiyaw, gaya nila na magsisiyapak ng ubas, laban sa lahat na
nananahan sa lupa. Ang ingay ay darating hanggang sa wakas ng lupa; sapagka't ang Panginoon ay may
pakikipagpunyagi sa mga bansa, siya'y papasok sa paghatol sa lahat ng tao;
tungkol sa masasama ay kaniyang ibibigay sila sa tabak, sabi ng Panginoon.
Jeremias 25:30-31 (TAB)
Pag masasama ang mga bayan sa digmaan at patayan sila parurusahan.
Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, kasamaan ay mangyayari sa
bansa at bansa, at malakas na bagyo ay ibabangon mula sa kahulihulihang bahagi
ng lupa. Jeremias 25:32 (TAB)
Naranasan natin ang mga malalakas na bagyo, pati na ang pagbabago ng lagay ng
panahon ng mundo, na hindi pa nararanasan noon. Nababalitaan at napapanood pa
habang nangyayari ang mga ito sa mga balita sa Cable TV.
At kung hindi naman, sila ay bibigyan ng mga sakuna, kagutuman, at pagsasalot.
At ang mapapatay ng Panginoon sa araw na yao'y magiging mula sa isang dulo ng
lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa: sila'y hindi tataghuyan, o dadamputin
man, o ililibing man; sila'y magiging dumi sa ibabaw ng lupa. Jeremias 25:33 (TAB)
Sa dami ng mamamatay ay hindi maililibing! Ito ang dapat iwasan, kailangang
magusap-usap ang mga pinuno ng mga bayan na kilalanin, magsisi at manumbalik sa
Dios.
At kung hindi natin gagawin...
Kayo'y magsiangal, kayong mga pastor, at kayo'y magsihiyaw; at kayo'y
mangagsigumon sa abo, kayong pinakamainam sa kawan; sapagka't ang mga kaarawan
ng pagpatay at ang pangangalat sa inyo ay lubos na dumating, at kayo'y
mangababagsak na parang mainam na sisidlan. Jeremias 25:34 (TAB)
Ang mga relihiyon ang dadanas ng matinding galit ng Dios, ang mga pinuno ng mga
relihiyon ay papatayin ng mga tao dahil mahahayag na sila ang nanlinlang sa
lahat ng mga tao sa buong mundo.
May makakaalpas ba sa mga pinuno ng mga relihiyon hinggil sa galit ng Dios?
At ang mga pastor ay walang daang tatakasan, o tatanan man ang pinakamainam sa
kawan. Tinig ng hiyaw ng mga pastor, at ng angal ng pinakamainam sa kawan! sapagka't
inilalagay ng Panginoon na sira ang kanilang pastulan. Jeremias 25:35-36 (TAB)
Magiging ganap na ang kanilang pagkawasak.
At ang mga payapang tahanan ay nangadala sa katahimikan dahil sa mabangis na
galit ng Panginoon. Jeremias 25:37 (TAB)
Kasama rin ang lahat ng uri ng tao, maging mabuti at masama, dahil lahat ay di
tumawag sa tunay na Pangalan ng Dios! Lahat ay nasumpa.
Kaniyang pinabayaan ang kaniyang kublihan na gaya ng leon; sapagka't ang
kanilang lupain ay naging katigilan dahil sa kabangisan ng mamimighating tabak,
at dahil sa kaniyang mabangis na kagalitan. Jeremias 25:38 (TAB)
Pagkatapos ng mga ito, ang mga relihiyon ay mahahayag na sila ang dumaya sa
buong sanlibutan kaya tayo ay nagkaroon ng mga digmaan at sanhi ng sumpa ng
Dios.
Gaano kahalaga ang malaman ang Pangalan ng Dios, ani ni Maestro Evangelista?
At ako'y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at
mga haliging usok. Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila
at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon. Joel 2:30-31 (TAB)
Ito na ang ating natutunghayan natin sa mga panahong ito sa iba’t-ibang panig ng
mundo.
Papaano tayo maliligtas?
At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas,
sapagka't sa bundok ng Sion at sa Jerusalem doroon yaong nangakatanan, gaya ng
sinabi ng Panginoon, at sa nangalabi ay yaong mga tinatawag ng Panginoon.
Joel 2:32 (TAB)
Malinaw, kung sino ang tumawag sa Pangalan ng Dios ang siyang maliligtas.
Sa mga panahong ito, ano ang dapat gawin ng mga nakaalam at tumatawag sa
Pangalan ng Dios?
Ikaw ay parito, bayan ko, pumasok ka sa iyong mga silid, at isara mo ang iyong
mga pintuan sa palibot mo: magkubli kang sangdali, hanggang sa ang galit ay
makalampas; Sapagka't, narito, ang Panginoon ay lumalabas mula sa kaniyang dako upang
parusahan ang mga nananahan sa lupa dahil sa kanilang kasamaan: ililitaw naman
ng lupa ang kaniyang dugo, at hindi na tatakpan ang kaniyang nangapatay. Isaias 26:20-21 (TAB)
Sino ang tinatawag ng Dios na “bayan ko?”
At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na
parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto.
Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking
sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.
Zacarias 13:9 (TAB)
Ang tatawag sa Pangalan ng Dios ay ang kikilalaning “bayan” Niya!
Kaya ang "Jerusalem" – hindi na ito ang dating bayan na nasa sa Middle East, ito
ay ang bagong bayan ng Dios.
Totoo ba?
Isang Bagong Langit at Isang Bagong Lupa
At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang
unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.
Apocalipsis 21:1 (TAB)
Dahil hindi maaaring mawala ang dagat, ito ay sagisag na wala na ang mga
hangganan ng mga bansa. Magbubukas na ng mga pinto ang bawat bansa sa isa’t-isa,
na nakasulat sa:
At ang Panginoo'y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang
Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa. Zacarias 14:9 (TAB)
Ang sabi ni Maestro Evangelista, dahil na rin sa iba’t-ibang relihiyon,
paguugali, at batas kaya may hangganan ang mga bansa noon.
Nguni’t ngayon, magkakaisa na ang Sangkatauhan. Isang bayan, isang mundo, at
isang Dios.
At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit
buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang
talaga sa kaniyang asawa. Apocalipsis 21:2 (TAB)
Ito ang isinasagisag ng bagong bayan ng Dios.
At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi,
Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila,
at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging
Dios nila: Apocalipsis 21:3 (TAB)
"sila'y magiging mga bayan niya" –
Sila ang kikilala sa Pangalan ng Dios.
Dahil sa paghahanap natin sa Dios, pinupuntahan pa noon natin ang mga “templo,”
nguni’t sa pagkakataong ito, nasa tao na ang Dios, saang “templo” pa tayo
pupunta?
At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon
ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng
hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na. Apocalipsis 21:4 (TAB)
Ito na ang panahon na matagal na nating inaasam-asam.
Sino ang tunay na Dios?
Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling, Ni anak ng tao na magsisisi; Sinabi
ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?
Bilang 23:19 (TAB)
At sino nga Siya na hindi tao na hindi magsisinungaling at hindi magsisisi?
At ang Lakas ng Israel naman ay hindi magbubulaan o magsisisi man; sapagka't
siya'y hindi isang tao na magsisisi. I Samuel 15:29 (TAB)
Siya ang Panginoong Dios Israel!
Ano ang Kanyang Mensahe para sa atin?
At tatawagin kayo ng lahat na bansa na mapalad: sapagka't kayo'y magiging
maligayang lupain, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Ang inyong mga salita ay naging lapastangan laban sa akin, sabi ng Panginoon.
Gayon ma'y inyong sinasabi, Sa ano kami nangagsalita ng laban sa iyo? Inyong sinabi, Walang kabuluhan ang maglingkod sa Dios; at anong kapakinabangan
nito na ating iningatan ang kanyang bilin, at tayo'y nagsilakad na may
pananangis sa harap ng Panginoon ng mga hukbo? At ngayo'y ating tinatawag ang palalo na mapalad, oo, silang nagsisigawa ng
kasamaan ay nangagtayo; oo, kanilang tinutukso ang Dios, at tumatakas.
Malakias 3:12-15 (TAB)
Ito ang nangyayari sa kasalukuyan, “ang palalo” ay ang mga pinuno ng mga
relihiyon na nagdidikta sa mga pinuno ng mga bansa at mga tao sa mundo upang
sumamba sa ibang dios at ang pangdadahas at kasamaan. At sila nga ay iginagalang
pa.
At:
Nang magkagayo'y silang nangatatakot sa Panginoon ay nagsangusapan: at
pinakinggan ng Panginoon, at dininig, at isang aklat ng alaala ay nasulat sa
harap niya, para sa kanila na nangatakot sa Panginoon, at gumunita ng kaniyang
pangalan. Malakias 3:16 (TAB)
Ano ang pangako ng Dios sa mga taong gumugunita ng Kanyang Pangalan?
At sila'y magiging akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, sa araw na aking gawin,
sa makatuwid baga'y isang tanging kayamanan; at akin silang kaaawaan, na gaya ng
isang tao na naaawa sa kaniyang anak na naglilingkod sa kaniya. Malakias 3:17 (TAB)
At ano ang ating maaalaman?
Kung magkagayo'y manunumbalik kayo at makikilala ninyo ang matuwid at ang
masama, yaong naglilingkod sa Dios at yaong hindi naglilingkod sa kaniya.
Malakias 3:18 (TAB)
Ano ang susunod na pahayag ni Maestro Evangelista?
Sapagka't, narito, ang araw ay dumarating, na nagniningas na parang hurno; at
ang lahat na palalo, at ang lahat na nagsisigawa ng kasamaan ay magiging parang
dayami, at ang araw na dumarating ay susunog sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga
hukbo, na anopa't hindi magiiwan sa kanila ng kahit ugat ni sanga man. Nguni't sa inyo na nangatatakot sa aking pangalan ay sisikat ang araw ng
katuwiran na may kagalingan sa kaniyang mga pakpak; at kayo'y magsisilabas, at
magsisiluksong parang guya mula sa silungan. At inyong yayapakan ang masasama; sapagka't sila'y magiging abo sa ilalim ng mga
talampakan ng inyong mga paa sa kaarawan na aking gawin, sabi ng Panginoon ng
mga hukbo. Malakias 4:1-3 (TAB)
“sa kaarawan na aking gawin”
– Ang sabi Maestro Evangelista: Tunay na may
panahon ng kaganapan ang mga pahayag ng Dios.
Alalahanin ninyo ang kautusan ni Moises na aking lingkod na aking iniutos sa
kaniya sa Horeb para sa buong Israel, sa makatuwid baga'y ang mga palatuntunan
at mga kahatulan. Malakias 4:4 (TAB)
Ang tanda ni Moses ay ang pagbibigay ng Tipan ng Dios sa bayan ng Israel, at
nasulat rin na may darating na “gaya” ni Moses sa Deuteronomio 18:18-19. Nguni’t
ang kaibahan ng "tao" na ipinangako kay Moses ay dala niya ang Tipan ng Dios
para sa lahat ng tao sa mundo upang maunawaan at tanggapin.
Ang Tipan na ibinigay sa bayan ng Israel noon ay hindi nagkabisa, dahil hindi
inihayag ni Moses ang Pangalan ng Dios. Hindi nagkabisa ito.
At ngayon, ang mga tao sa buong mundoi ay tunay tatanggapin ang Tipan,
mapagaalaman nila na ang tipan na dala ng "tao na gaya ni Moses" ay tunay ngang
mula sa Dios! Dahil naihayag na ang Pangalan ng Dios!
Basahin natin kung ano ang masasabi ng Dios hinggil sa Kanyang Huling Sugo? Narito, aking sinusugo ang aking sugo, at siya'y maghahanda, ng daan sa harap
ko: at ang Panginoon na inyong hinahanap, ay biglang paroroon sa kaniyang
templo; at ang sugo ng tipan na inyong kinaliligayahan, narito, siya'y
dumarating, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Malakias 3:1 (TAB)
“aking sinusugo ang aking sugo” – Malinaw, nagsugo ang Dios ng isang sugo na may
dala ng bagong tipan.
“at ang Panginoon na inyong hinahanap” – darating ang panahon na ang mga tao sa
buong mundo ay hahanapin at hihingin ang Pangalan ng Dios, panahon na ang mundo
ay magulo, sanhi ng mga digmaan, sakuna, kagutuman, at iba pang mga sakuna.
Nguni't sino ang makatatahan sa araw ng kaniyang pagparito? at sino ang tatayo
pagka siya'y pakikita? sapagka't siya'y parang apoy ng mangdadalisay, at parang
sabon ng mga tagapagpaputi:At siya'y mauupong gaya ng mangingintab at mangdadalisay ng pilak, at kaniyang
dadalisayin ang mga anak ni Levi, at kaniyang pakikinising parang ginto at
pilak; at sila'y mangaghahandog sa Panginoon ng mga handog sa katuwiran.
Malakias 3:2-3 (TAB)
Siya ang inatasan ng Dios na maghahayag ng mga Salita ng Dios o ang “apoy” na
susunog sa mga relihiyon!
At:
Narito, aking susuguin sa inyo si Elias na propeta bago dumating ang dakila at
kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon. Malakias 4:5 (TAB)
Alam natin na hindi babalik si Elias, ang kanyang tanda lamang, ang “inihyag
na
Elijah.”
Totoo ba na hindi na muling magbabalik si Elias?
Kung paanong ang tubig ay lumalabas sa dagat, at ang ilog ay humuhupa at
natutuyo; Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon: hanggang sa ang langit ay
mawala, sila'y hindi magsisibangon, ni mangagigising man sa kanilang
pagkakatulog. Job 14:11-12 (TAB)
Hindi na siya babalik, ano ang bumabalik?
Isang salin ng lahi ay yumayaon, at ibang salin ng lahi ay dumarating; nguni't
ang lupa ay nananatili magpakailan man. Eclesiastes 1:4 (TAB)
Ang mga pangyayari lang ang bumabalik.
Yaong nangyari ay siyang mangyayari; at yaong nagawa ay siyang magagawa: at
walang bagong bagay sa ilalim ng araw. May bagay ba na masasabi ang mga tao, Tingnan mo, ito'y bago? nayari nga sa mga
panahon na una sa atin. Eclesiastes 1:9-10 (TAB)
Ang bumabalik lang ay ang mga pangyayari, hindi ang mga tao.
Ang nangyari sa nagdaan ay nangyari na; at ang mangyayari pa ay nangyari na rin;
at hinahanap uli ng Dios ang nakaraan na. Eclesiastes 3:15 (TAB)
Ibig sabihin, pag ang pahayag o pangako ng Dios ay hindi natupad sa panahong yaon,
hindi titigil ang Dios hangga’t ito ay maganap sa ibang panahon at pagkakataon. Ano ang tanda o pangyayari na naganap sa panahon ni Elijah na mangyayari rin sa
ating panahon?
Sa gayo'y nagsugo si Achab sa lahat ng mga anak ni Israel, at pinisan ang mga
propeta sa bundok ng Carmelo. At si Elias ay lumapit sa buong bayan, at nagsabi, Hanggang kaylan kayo
mangagaalinlangan sa dalawang isipan? kung ang Panginoon ay Dios, sumunod kayo
sa kaniya: nguni't kung si Baal, sumunod nga kayo sa kaniya. At ang bayan ay
hindi sumagot sa kaniya kahit isang salita. I Mga Hari 18:20-21 (TAB)
Ito ang panahon na pinapipili na ng Dios ang mga tao hinggil sa pagkilala sa
Kaniya at sa ibang mga dios.
Nang magkagayo'y sinabi ni Elias sa bayan, Ako, ako lamang, ang naiwang propeta
ng Panginoon; nguni't ang mga propeta ni Baal ay apat na raan at limang pung
lalake. I Mga Hari 18:22 (TAB)
Gaya ni Maestro Evangelista, sa dinamidami ng mga relihiyon sa mundo, nagiisa
lang siya na may dala ng tunay na Pangalan ng Dios sa ating kasalukuyang panahon
!
At ano ang pamamaraan ng labanan?
Bigyan nga nila tayo ng dalawang baka; at pumili sila sa ganang kanila ng isang
baka, at katayin, at ilagay sa ibabaw ng kahoy, at huwag lagyan ng apoy sa
ilalim: at ihahanda ko ang isang baka at ilalagay ko sa kahoy, at hindi ko
lalagyan ng apoy sa ilalim. At tawagan ninyo ang pangalan ng inyong dios, at tatawagan ko ang pangalan ng
Panginoon: at ang Dios na sumagot sa pamamagitan ng apoy, ay siyang maging Dios.
At ang buong bayan ay sumagot, at nagsabi, Mabuti ang pagkasabi. I Mga Hari 18:23-24 (TAB)
Ang labanan ay ang pagtawag ng pangalan ng kanikanilang dios. At kung sino ang
didinggin iyon ang tunay na Dios.
At sinabi ni Elias sa mga propeta ni Baal, Magsipili kayo ng isang baka sa
ganang inyo, at inyong ihandang una, sapagka't kayo'y marami; at tawagan ninyo
ang pangalan ng inyong dios, nguni't huwag ninyong lagyan ng apoy sa ilalim. At kanilang kinuha ang baka na ibinigay sa kanila, at kanilang inihanda, at
tinawagan ang pangalan ni Baal mula sa kinaumagahan hanggang sa kinatanghaliang
tapat, na nagsisipagsabi, Oh Baal dinggin mo kami. Nguni't walang tinig, o
sinomang sumagot. At sila'y nagsisilukso sa siping ng dambana na ginawa. At nangyari, nang kinatanghaliang tapat, na biniro sila ni Elias, at sinabi,
Sumigaw kayo ng malakas: sapagka't siya'y dios; siya nga'y nagmumunimuni, o nasa
tabi, o nasa paglalakbay, o marahil siya'y natutulog, at marapat gisingin. At sila'y nagsisigaw ng malakas, at sila'y nagsipagkudlit ayon sa kanilang
kaugalian ng sundang at mga sibat, hanggang sa bumuluwak ang dugo sa kanila. At nangyari nang makaraan ang kinatanghaliang tapat, na sila'y nanghula hanggang
sa oras ng paghahandog ng alay na ukol sa hapon: nguni't wala kahit tinig, ni
sinomang sumagot, ni sinomang makinig. I Mga Hari 18:25-29 (TAB)
Walang nangyari sa mga alay ng mga propeta ng “ibang dios” na hindi kilala.
At ano naman ang ginawa ni Elijah?
At sinabi ni Elias sa buong bayan, Lumapit kayo sa akin; at ang buong bayan ay
lumapit sa kaniya. At kaniyang inayos ang dambana ng Panginoon na nabagsak. At kumuha si Elias ng labing dalawang bato, ayon sa bilang ng mga lipi ng mga
anak ni Jacob, na sa kaniya ang salita ng Panginoon ay dumating, na sinasabi,
Israel ang magiging iyong pangalan. I Mga Hari 18:30-31 (TAB)
Ang labing dalawang bato ay pinangalanang “Israel.”
At sa pamamagitan ng mga bato ay kaniyang itinayo ang dambana sa pangalan ng
Panginoon; at kaniyang nilagyan ng hukay sa palibot ng dambana, na ang laki ay
kasisidlan ng dalawang takal na binhi. At kaniyang inilagay ang kahoy na maayos, at kinatay ang baka at ipinatong sa
kahoy. At kaniyang sinabi, Punuin ninyo ang apat na tapayan ng tubig, at ibuhos
ninyo sa handog na susunugin, at sa kahoy.
At kaniyang sinabi, Gawin ninyong ikalawa; at kanilang ginawang ikalawa. At
kaniyang sinabi, Gawin ninyong ikaitlo; at kanilang ginawang ikaitlo. At ang tubig ay umagos sa palibot ng dambana; at kaniyang pinuno naman ng tubig
ang hukay. At nangyari, sa oras ng paghahandog ng alay sa hapon, na si Elias, na propeta ay
lumapit, at nagsabi, Oh Panginoon, na Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel,
pakilala ka sa araw na ito, na ikaw ay Dios sa Israel, at ako ang iyong lingkod,
at aking ginawa ang lahat na bagay na ito sa iyong salita. Dinggin mo ako, Oh Panginoon, dinggin mo ako, upang matalastas ng bayang ito, na
ikaw, na Panginoon, ay Dios, at iyong pinapanumbalik ang kanilang puso. Nang magkagayo'y ang apoy ng Panginoon ay nalaglag, at sinupok ang handog na
susunugin at ang kahoy, at ang mga bato, at ang alabok, at hinimuran ang tubig
na nasa hukay. At nang makita ng buong bayan, sila'y nagpatirapa: at kanilang sinabi, Ang
Panginoon ay siyang Dios; ang Panginoon ay siyang Dios. I Mga Hari 18:32-39 (TAB)
Ang panalangin ni
Elias ay dininig ng Dios. Tunay ang Kanyang Dios!
Ano ang ginawa ng mga tao sa mga propeta ng ibang dios na hindi kilala?
At sinabi ni Elias sa kanila, Dakpin ninyo ang mga propeta ni Baal; huwag
makatanan ang sinoman sa kanila. At kanilang dinakip sila: at sila'y ibinaba ni
Elias sa batis ng Cison, at pinatay roon. I Mga Hari 18:40 (TAB)
Ganito rin ang mangyayari sa ating panahon na marami ang mamamatay sa mga pinuno
ng mga relihiyon, dahil sa pangdaraya nilang ginawa sa mga tao sa mundo.
Anong uri ng “apoy” ang ating mamamalas na magmumula sa Dios? At saang lugar
manggagaling ang Pangalan ng Dios?
Narito, ang pangalan ng Panginoon ay magmumula sa malayo, na nagniningas ng
kaniyang galit, at nasa umiilanglang na salimuot na usok: ang kaniyang mga labi
ay puno ng pagkagalit, at ang kaniyang dila ay gaya ng mamumugnaw na apoy:
Isaias 30:27 (TAB)
Ang Pangalan ng Dios ay magmumula sa malayong lugar… sa malayong Silanganan. At ang “apoy” na ating mamamalas ay ang “Salita ng Dios!” Ito ang susunog sa:
Sapagka't, narito, ang araw ay dumarating, na nagniningas na parang hurno; at
ang lahat na palalo, at ang lahat na nagsisigawa ng kasamaan ay magiging parang
dayami, at ang araw na dumarating ay susunog sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga
hukbo, na anopa't hindi magiiwan sa kanila ng kahit ugat ni sanga man.
Malakias 4:1 (TAB)
Ito ang susunugin ng “apoy” ng Dios! Sila ang mga pinuno ng mga relihiyon at
ang mga taong gumagawa ng kasamaan! Ano ang pangako ng dios sa mga gumugunita ng Pangalan Niya?
Nguni't sa inyo na nangatatakot sa aking pangalan ay sisikat ang araw ng
katuwiran na may kagalingan sa kaniyang mga pakpak; at kayo'y magsisilabas, at
magsisiluksong parang guya mula sa silungan. At inyong yayapakan ang masasama; sapagka't sila'y magiging abo sa ilalim ng mga
talampakan ng inyong mga paa sa kaarawan na aking gawin, sabi ng Panginoon ng
mga hukbo. Malakias 4:2-3 (TAB)
At sa pagpapatuloy:
At kaniyang papagbabaliking-loob ang puso ng mga ama sa mga anak, at ang puso ng
mga anak sa kanilang mga magulang; baka ako'y dumating at saktan ko ang lupa ng
sumpa. Malakias 4:6 (TAB)
Bakit ganito ang pagkakahayag dito, nangangahulugan may nagpahiwalay ng mga loob
ng mga anak sa ama. Sino siya?
Ako'y naparito upang maglagay ng apoy sa lupa; at ano pa ang iibigin ko, kung
magningas na? Datapuwa't ako'y may isang bautismo upang ibautismo sa akin; at gaano ang aking
kagipitan hanggang sa ito'y maganap? Lucas 12:49-50 (TAB)
Ipinangaral ng mga relihiyon na dala ni Jesus ay kapayapaan sa lupa, nguni’t
narito, inamin niyang “apoy” ang dala niya, ang “impyierno!” Totoo ba?
Inaakala baga ninyo na ako'y naparito upang magbigay ng kapayapaan sa lupa?
Sinasabi ko sa inyo, Hindi, kundi bagkus pagkakabahabahagi: Lucas 12:51 (TAB)
Inamin ni Jesus na dala niya ay ang “pagkakabahabahagi” hindi “kapayapaan.” Sino
ang paniniwalaan ninyo: si Jesus na nagsasabi na dala niya ay
“pagkakabahabahagi” o ang mga relihiyon na nangangaral na ang dala ni Jesus ay
“kapayapaan?” Sinu-sino ang kanyang “pinagbahabahagi?”
Sapagka't mula ngayon ay magkakabahabahagi ang lima sa isang bahay, tatlo laban
sa dalawa, at dalawa laban sa tatlo. Sila'y mangagkakabahabahagi, ang ama'y laban sa anak na lalake, at ang anak na
lalake ay laban sa ama; ang ina'y laban sa anak na babae, at ang anak na babae
ay laban sa kaniyang ina; ang biyanang babae ay laban sa kaniyang manugang na
babae, at ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyanang babae. Lucas 12:52-53 (TAB)
At:
Narito, aking susuguin sa inyo si Elias na propeta bago dumating ang dakila at
kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon. At kaniyang papagbabaliking-loob ang puso ng mga ama sa mga anak, at ang puso ng
mga anak sa kanilang mga magulang; baka ako'y dumating at saktan ko ang lupa ng
sumpa. Malakias 4:5-6 (TAB)
Kung hindi pa natin diringgin ang panawagang ito susumpain na ng Dios ng tuluyan
ang lupa. Hindi niya gugunawin, nguni’t magpakailan man nasa atin ang Kanyang sumpa!
At ako'y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at
mga haliging usok. Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila
at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon. At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas,
sapagka't sa bundok ng Sion at sa Jerusalem doroon yaong nangakatanan, gaya ng
sinabi ng Panginoon, at sa nangalabi ay yaong mga tinatawag ng Panginoon.
Joel 2:30-32 (TAB)
“dakila” – Dahil nagpapakilala na ang Panginoong Dios sa buong mundo! At “kakilakilabot” kung hindi natin kikilalanin at tatanggapin ang Pangalan ng
Panginoong Dios Israel at magpapatuloy ang sumpa! Sa anong dahilan si Maestro Evangelista ay puspusan at nakatitiyak na ihayag ang
Mensahe ng Dios sa mga tao sa mundo?
Bukod dito'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, lahat ng aking mga salita na
aking sasalitain sa iyo ay tanggapin mo sa iyong puso, at dinggin mo ng iyong
mga pakinig. At yumaon ka, pumaroon ka sa mga bihag, na mga anak ng iyong bayan at magsalita
ka sa kanila, at saysayin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; sa
didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila. Ezekiel 3:10-11 (TAB)
Ito ang “pagtawag” kay Maestro Evangelista na ibinigay sa kanya ng Dios. At ano ang mga tungkulin ng mga sinugo sa kanilang pagkakasugo ng Dios?
Anak ng tao, ginawa kitang bantay sa sangbahayan ni Israel: kaya't pakinggan mo
ang salita sa aking bibig, at ipanguna mo sa kanila sa ganang akin. Pagka aking sinabi sa masama, Ikaw ay walang pagsalang mamamatay; at hindi mo
pinagpaunahan siya, o nagsasalita ka man upang hikayatin ang masama mula sa
kaniyang masamang lakad, upang iligtas ang kaniyang buhay; ang gayong masamang
tao ay mamamatay sa kaniyang kasamaan; nguni't ang kaniyang dugo ay aking
sisiyasatin sa iyong kamay. Gayon ma'y kung iyong pagpaunahan ang masama, at siya'y hindi humiwalay sa
kaniyang kasamaan, o sa kaniyang masamang lakad man, siya'y mamamatay sa
kaniyang kasamaan; nguni't iyong iniligtas ang iyong kaluluwa. Muli, pagka ang isang taong matuwid ay lumilihis sa kaniyang katuwiran, at
gumawa ng kasamaan, at ako'y naglalagay ng katitisuran sa harap niya, siya'y
mamamatay; sapagka't hindi mo siya pinagpaunahan, siya'y mamamatay sa kaniyang
kasalanan, at ang kaniyang mga matuwid na gawa na kaniyang ginawa ay hindi
aalalahanin; nguni't ang kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay. Gayon ma'y kung iyong pinagpaunahan ang taong matuwid, upang ang matuwid ay
huwag magkasala, at siya'y hindi nagkakasala, siya'y walang pagsalang mabubuhay,
sapagka't siya'y nahikayat; at iyong iniligtas ang iyong kaluluwa. At ang kamay ng Panginoon ay sumasa akin, at sinabi niya sa akin, Bumangon ka,
lumabas ka sa kapatagan at doo'y makikipagusap ako sa iyo. Ezekiel 3:17-22 (TAB)
Sinugo siya ng Dios upang ganapin ang tungkulin; gagampanan iyon ni Maestro
Evangelista upang ating malaman ang Katotohanan. At sa pagkakataong ito, ganap na ang
pahayag tungkol sa pagpapakilala ng Dakilang
Panglan ng Dios sa pamamagitan ng “Taga Ibang Lupa” na si Maestro Eraño M.
Evangelista.
Bumalik sa Itaas.
Magpatuloy sa:
Pagliligtas sa
Pangalan ng Dios
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Wednesday May 28, 2014
|