www.thename.ph

www.suurinimi.com

The Revelation of the Great Name of God

and of the Testimony of Jesus, and the New City of God, the New Jerusalem and the Coming of the Foreigner of God


"Generations come and generations go, but the earth remains forever." - Ecclesiastes 1:4 (NIV)

The world will not end, it will have a new beginning. One people, one world and One God.

The LORD will be king over the whole earth. On that day there will be one LORD, and his name the only name. Zechariah 14:9 (NIV)

The Name of God Revealed (NIV) | The Name of God Revealed (Tanakh) | The Testimony of Jesus | The Coming of the Foreigner 

Language versions:

English

Filipino

Finnish



Home - TheName.Ph
About
News
Sitemap
Email
Part 1: The Revelations
 Introduction
 
Introduction 2
 
The Condition of the World

 The Root Cause of Divisions

 The Greatest Deception

 The Name of God - Tanakh
Part 2: The Real Jesus
 The Testimony of Jesus
 
Are we cursed?
 
The Curse of God
 
Blessing & Curse
 
Who was Jesus?
 
A Short Story of Maestro
 
The Prophecy of God
 
The “Son” of David?
 
Will give one tribe
 
The Great Pretender
 
The Bright Morning Star
 
The Power of Jesus
 
The Deception of Jesus
 
Regarding Sins
 
The Deception of Satan
 
Did Jesus live again?
 
About The "Third Day"
 
The Reason Of It All
Part 3: The Name of God
 The Great Name of God
 
The Name of God - Tanakh

 Salvation in the Name of God 
 
The Promise of God
 
Authority of the Prophets
 
Visions of the Prophets
 
The Blessing and The Curse
 
The Commandments of God
 
The Counselor of Jesus
 
Jesus without Sin?
 
The Word became flesh
 
The Suffering Servant
 
Prophecy of Good against Evil
 
The Beast in the Holy Bible
 
The Great and Dreadful Day
 
End of Satan's Reign on Earth
Part 4: The Revelations
 The Coming of the Foreigner
 
The Sign of the "Day of the Lord"
 
The Curse on Babylon
 
Events that will happen soon
 
The Middle East Wars
 
What if the People will not heed?

 Part 5: Other Revelations
 Cherub in the Garden of Eden
 
Baptism by Water
 
Regarding the Origin of Baptism
 
Deceivers and Deceived

 Concerning tithes
 
Of Rites and Offerings
 
Of Prayers and vows
 
The Food that We should Eat
 
The Tree of Life
 
Be fruitful and increase


Unang Pahina - TheName.Ph

Tungkol sa Website
Mga Balita

Sitemap
Email
Unang Bahagi: Mga Pahayag
 Paunang Salita
 
Paunang Salita 2
 
Ang Kalagayan ng Mundo
Ikalawang Bahagi: Si Jesus
 Ang Patotoo ni Jesus
 
Tayo Ba Ay Nasumpa?
 
Ang Sumpa ng Dios
 
Pagpapala At Sumpa
 
Sino si Jesus?
 
Maikling Kasaysayan - Maestro
 
Ang Pahayag ng Dios
 
Ang Binhi ni David
 
Kundi ibibigay ko ang isang lipi

 Ang Dakilang Mapagpanggap
 
Maningning na Tala sa Umaga
 
Ang Kapangyarihan ni Jesus
 
Panlilinlang ni Jesus
 
Tungkol sa Kasalanan
 
Panglilinlang ni Satanas
 
Jesus, nabuhay muli?
 
Ang "Ikatlong Araw"
 
Ang Dahilan ng Lahat
Ikatlong Bahagi: Ang Pangalan
 Ang Dakilang Pangalan ng Dios
 
Pagliligtas sa Pangalan ng Dios  
 
Ang Pangako ng Dios
 
Ang Karapatan ng mga Propeta
 
Mga Pangitain ng mga Propeta
 
Ang Pagpapala at Ang Sumpa
 
Ang mga Kautusan ng Dios
 
Ang Mangaaliw ni Jesus
 
Si Jesus, walang pagkakasala?
 
Ang Verbo - Si Jesus?
 
Ang Abang Lingkod
 
Mabuti Laban sa Masama
 
Ang "Hayop" Sa Banal na Aklat
 
Ang "Kaarawan ng Panginoon"
 
Ang Wakas ni Satanas
Ikaapat na Bahagi: Mga Pahayag
 Ang Taga Ibang Lupa
 
Ang Sumpa sa Babilonia
 
Ang mga Magaganap na madali
 
Digmaan sa Gitnang Silangan
 
Kung hindi pakikinggan?

Ikalimang Bahagi: Mga Pahayag
 Ang Kerubin ng Dios
 
Ang Pagbabautismo ng Tubig
 
Ginaya ng Pagbabaustismo

 Hinggil sa Manloloko at Naloko

 Tungkol sa Pag-abuloy
 
Pagdiriwang at Pagaalay
 
Pananalangin at Pagpapanata
 
Hinggil sa Pagkain

 Ang Punong Kahoy ng Buhay

 Kayo'y magpalaanakin...


Unang Pahina | Tungkol sa site | Balita | Sitemap | Email

 

Panimula 2

 

Basahin ang Pahinang ito sa Ingles.

 

ANG KALAGAYAN NG MUNDO
Inihayag noong ika 22 ng Agosto, 2010

 

Sa mga huling dekada ng nakaraang siglo (20th century) hanggang sa kasalukuyan, nakita at naranasan ng sangkatauhan ang maraming kasakunaan sa iba’t-ibang dako ng mundo na nagpapaalala sa mga ipinahayag ng mga Propeta ng Dios sa Banal na Aklat, tungkol sa “katapusan ng mundo” at ang “dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.” Parang mabilis na sumusulong patungo sa kaganapan ang mga ito, mga pahayag na ayaw pag-usapan, kahit na ang mga relihiyon ay tikom ang bibig. Bakit? Dahil wala silang sapat na kaalaman tungkol dito!

 

Sa pagmamasid sa mga nagaganap sa palibot ng mundo, ito ang tanda na ang panahon ng kaganapan ng mga pahayag na ibinigay ng mga propeta sa Banal na Aklat ay nalalapit na. Nguni’t dahil sa hindi pa ito lubos na nahahayag, ang inaalala ng mga tao ay kung papaano at kailan ito magaganap.

 

Ipakikita at ipapaliwanag ni Maestro Evangelista ang mga ipinahayag ng mga propeta ng Dios, upang maunawaan ang Salita ng Dios sa lahat. Anu-ano ba ang mga pangyayari sa ating panahon na nagbibigay ng kaisipang nalalapit na ang “katapusan ng mundo?”

 

Sa pakiwari ng lahat, ang kasalukuyan ay patungo sa isang panibagong yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan na puno ng:

Mga digmaan at mga karahasan ay ginaganap sa iba’t-ibang dako ng mundo sa iba’t-ibang kadahilanan at paniniwala: Civil wars, Terrorism, Religious fundamentalism, Extremism, Suicide bombings, Genocide, at iba pa. Ang mga hindi pagkakaunawaan tungkol sa mga interes sa pulitika, ekonimiya at kalakalan, relihiyon, kultura at kagawian sa pagitan ng mga bansa ay naglilikha ng iringan na maaring maging sanhi ng panibagong malawakang digmaan anomang oras. At ang nakakabahala pa nito, sa dami ng mga gamit pandigma, hindi maaring sabihing na ang mga bansang magkakatunggali ay hindi gagamit ng mga kemikal, biological, at nuclear na mga gamit-pandigma! Ilan ba ang mga digmaan at hidwaan sa pagitan ng mga bansa sa kasalukuyan?

 

Kahirapan, Kagutuman at Walang Mapanirahan maging sa sariling bayan, ang lumalalang kalagayan ng walang trabaho, at walang sapat na tulong. Sa ating kasalukuyang panahon lamang may kakayahang lumikha ng mas higit pa sa ating kinakailangan, nguni’t bakit may mga ibang tao at mga bayan na napapabayaang magutom? Ang mundo ba ay sadyang napakalawak kung kaya’t hindi makapagparating ng tulong o maiabot ang kaunting pagkain sa kanila?

 

Mga mababagsik na mga sakit at mga pagsasalot: AIDS-HIV, Ebola, Foot and Mouth Disease (FMD), H5N1 – Avian Flu virus, SARS, Swine Flue Virus, H1N1 – Influenza A. Ano pa ang susunod?

 

Ang walang pakundangan na pagsira sa ating kalikasan at pag-ubos ng ating likas na yaman sa mundo.  Oil spills, toxic waste, mauusok na mga sasakyan at mga pabrika, ang pagkabutas ng ating ozone layer, pag-ubos ng mga kagubatan, ang walang pakundangang pagkuha ng langis, at ang susunod? Agawan sa tubig? Marami na tayong nakuha mula sa likas na yaman ng ating daigdig, wala man lang tayong isinukli na kahit na kaunting kapahingahan nito.  

 

Ang Pag-iinit ng mundo o ang pagbabago ng panahon: Heat wave, ang pagkatunaw ng Arctic Ice caps at sa Antartica, ang mga pag-urong o pagkatunaw ng mga glaciers sa mga bundok ng iba’t ibang bansa. 

 

Mga kasakunaan (na gawa ng kalikasan): mga pagbaha, malalakas na alon at tsunami, pagtaas ng antas ng tubig dagat, ang pagbabago ng klima ng mundo, mga mapinsalang bagyo tulad ng Andrew, Katrina, Rita, Wilma at iba pa. Ano pa ang susunod?

 

Mga Kasakunaan (mga gawa ng tao): Pagbagsak ng mga eroplano, paglubog ng mga barko, pagguho at pagsabog sa mga minahan at marami pang iba sakuna sa industriya.

 

Paglilindol: Piipinas 1990, Japan 1995, Turkey 1997, Iran 2003, California 2004, Indonesia 2004, Pakistan 2005, Indonesia 2006. Ang pinakabagong paglindol sa Haiti 2010 at Chile 2010, gaano karami ang namatay mula sa ilang sandali ng paglindol? At ano pa ang susunod na lugar o bansa? Ang tinatawaag na “Big One?”

 

Pagputok ng mga bulkan: Mt. Pinatubo 1991, Mt. Unzen 1991, Soufriere Hills 1995.

 

Pagsabog at sakunang mga nuclear: Hiroshima at Nagasaki 1945, Three Mile Island 1975 at Chernobly 1986?

 

Pandaigdigang panghihina ng kalakalan: Asian financial meltdown 1997, US sub prime and financial meltdown 2008-09, world economic and financial crisis 2009, mga krisis sa tubig at enerhiya, krisis sa pagkain at mga iba pa na nakakaapekto sa mundo, at ang China product scares.

 

Ano pa ang mga sususnod?

ANG MENSAHE SA LIKOD NG MGA  PANGYAYARING ITO

 

Napansin ba na kahit gaano man kataimtim ang panalangin ng lahat sa kani-kanilang mga dios upang maalis ang mga suliraning ito, ay lalo pang dumadalas at tumitindi ang mga nangyayari? Bakit? Maaaring hindi batid ng lahat ang ipinararating na kahulugan ng mga pangyayaring ito.

 

Bakit nangyayari ang mga kasakunaan ito?

 

Tinitiyak naming na may mga dahilan sa likod ng mga kakaibang pangyayaring ito. At ito ay makikita sa Banal na Aklat na kung saan ang mga ito ay nasusulat rito noon pa.

 

Ito ang paksa ng mga pahayag ni Maestro Evangelista habang makikita natin ang kasagutan mamaya.

 

ANG "KAARAWAN NG PANGINOON"

 

Hindi mailalarawan ang “kaarawan” na ito, kundi ang mga naisulat tungkol rito sa Banal na Aklat.

 

Nguni’t sa pamamagitan ng pahayag ni Maestro Evangelista ay makikita at mauunawaan ng lahat ang mga tanda ng mga kaganapan ng mga ito sa mga pahayag ng mga Propeta ng Dios na nasusulat sa Banal na Aklat.

 

Nakikita natin ang mga iba’t ibang tao sa ibat-ibang bayan na nananalangin sa kani-kanilang mga dios, at nagtatanong “Bakit nangyayari ito?” Sinasagot ba ang kanilang mga panalangin? O sinong dios ang dapat sumagot sa kanila?

 

Kahit ang mga pinuno ng mga relihiyon ay hindi maipaliwanag ang mga kasakunaang ito, at sasabihin nila na ito ay “kaloob ng Dios” at bunga ng sumpa.

 

Nguni’t alam ba nila ang pinag-ugatan ng “sumpa” na kanilang sinasabi? Kung napatawad na ng Dios ang lahat sa pamamagitan ng kamatayan noon ni Jesus, bakit mayroon pa rin “sumpa” na nananatili sa mundo? Hindi ba dapat ay mapayapa na ang pamumuhay ng lahat at wala na ang paghihirap, wala na rin sana ang mga kasakunaan at digmaan sa pagitan ng mga bansa.

 

Ang mundo ba’y tunay na isinumpa? Sa anong dahilan?

 

Maaaring ipagsawalang bahala lamang ito ng mga relihiyon, o hindi kaya’y sabihin na isang kahibangan lamang na pag-usapan ito. Nguni’t may maibibigay ba silang higit na mabuting paliwanag kung bakit nangyayari ang mga ito, ano ang sinasabi ng kani-kanilang mga dios tungkol dito?

 

Ang mga dalubhasa sa agham ay maaaring maipaliwanag kung papaano nangyari ang mga ito batay sa pananaliksik sa kani-kanilang larangan ng agham, nguni’t hindi rin maipaliwanag ang dahilan sa karagdagang sidhi at lawak ng mga kasakunaang pangyayari sa lahat ng dako ng mundo.

 

Sa mga panahon ng kawalan ng pag-asa, masasabi lamang ng mga relihiyon at ng mga siyentipiko at mga mananaliksik na tumawag na lamang sa Dios. At ilang milyong ulit nang nanawagan ang mga relihiyon sampu ng kani-kanilang mga kaanib sa mga pangalan ng kani-kanilang mga dios, at sa kabila nito’y pansinin natin; tumigil ba ang mga kasakunaan, mga digmaan at iba pang mga kalunos-lunos na mga pangyayari? Hindi, ibig sabihin, walang kapangyarihan ang kani-kanilang dios!

 

Nguni’t ang tanong ni Maestro Evangelista: Ano ang Pangalan ng Dios na dapat tawagan nating lahat? Ang tanong na ito ay mahalaga ba? Oo, ito’y mahalagang-mahalaga, dahil dito nakasalalay ang lahat sa pagdating ng “dakila at kakilakilabot na kaarawan ng panginoon.”

 

Ito ang ating dapat pagukulan ng pansin at alamin ang dahilan ng ating kasalukuyang paghihirap. Tunay na hindi natin alam kung sino ang Dios. At hindi rin natin alam na ang Dios ay galit na galit na sa atin dahil dito.

 

Nalalapit na tayo sa “dakila at kakilakilabot na kaarawan ng panginoon.” Kung anong uri ng kaarawan na iyon, si Maestro Evangelista ang magpapaliwanag sa atin niyon.

 

Kaya sa kasalukuyang kalagayan, pagaagam-agam at pagaalinlangan, may isang pangulo ng isang bansa sa may Gitnang Silangan ang nagbanta noon na lulusubin at wawasakin ang bayan ng Jerusalem. Kung siya man ay nagbibiro, nagpapakilala o nananakot, dapat malaman ng lahat sa buong mundo ang pahayag ng Dios tungkol sa bayan na ito, na kung lulusubin at tangkaing wasakin, isang kahindik-hindik na pangyayari ang magaganap:

 

At ito ang salot na ipananalot ng Panginoon sa lahat na bayan na nakipagdigma laban sa Jerusalem: ang kanilang laman ay matutunaw samantalang sila'y nangakatayo ng kanilang mga paa, at ang kanilang mga mata'y mangatutunaw sa kanilang ukit, at ang kanilang dila ay matutunaw sa kanilang bibig.

At mangyayari sa araw na yaon, na magkakaroon ng isang malaking kaingay sa gitna nila na mula sa Panginoon; at hahawak ang bawa't isa sa kanila sa kamay ng kaniyang kapuwa, at ang kamay niya'y mabubuhat laban sa kamay ng kaniyang kapuwa.

At ang Juda naman ay makikipaglaban sa Jerusalem; at ang kayamanan ng lahat na bansa sa palibot ay mapipisan, ginto, at pilak, at kasuutan, na totoong sagana.

At magiging gayon ang salot sa kabayo, sa mula, sa kamelyo, at sa asno, at sa lahat ng hayop na naroroon, sa mga kampamentong yaon, na gaya ng salot na ito.

Zacarias 14:12-15 (TAB)

 

Nakakapangingilabot mang isipin, hindi hangad ni Maestro Evangelista ang manakot. Ang hangad lamang niya ay ipabatid sa lahat ang pahayag na ito, upang huwag maganap. Umaasa ang lahat na ang mga pangulo ng mga iba’t ibang mga bansa ay maging mahinahon at maging maingat upang maiwasang mangyari ito. Hindi mangyayari ang pahayag na ito kung didinggin ang Salita ng Dios.

 

Bakit magulo at puno ng paghihirap ang mundo? Basahin natin kung papaano sinabi ng Dios ang tungkol dito:

 

Narito, inilalagay ko sa harap ninyo sa araw na ito ang pagpapala at ang sumpa;

Ang pagpapala, kung inyong didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, na aking iniutos sa inyo sa araw na ito; At ang sumpa, kung hindi ninyo didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, kundi kayo lilihis sa daan na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, upang sumunod sa ibang mga dios, na hindi ninyo nangakilala.

Deuteronomio 11:26-28 (TAB)

 

Hindi baga nasabihan ng mga relihiyon ang lahat tungkol sa mahalagang kautusang ito ng Dios? Ang totoo lang ay hindi!

 

Sa mga talatang ito, ang Dios ay wala nang kapangyarihan sa mga tao, ang bawa’t isa na ang huhubog ng kani-kanilang buhay: bumuti o sumama man, sila na ang may gawa niyon, hindi na dapat sisihin ang Dios. Malayang pagpipili o "Free Will" sa wikang Inges.

 

Ito ang nagpapakita ng malinaw na sa bawa’t sitwasyon  sa buhay ng tao ay may dalawang pagpipilian, at may kahahantungan sa bawa’t pagpili:

• Sumunod sa mga kautusan ng Dios at tatanggap ng “Pagpapala.”
 
• Huwag sumunod sa Dios at sumunod pa sa ibang mga dios na hindi kilala, tatanggap ng “Sumpa.”  

Tunay na napakasimple at walang paligoy-ligoy ang mga kautusan ng Dios!

 

Sa Halamanan ng Eden, ang Dios ay nagbigay ng isang kautusan kina Adan at Eva; isang kautusan na hindi pa nila sinunod! Kaya tinanggap nila ang kaparusahang “Sumpa” at ipinatapon sila palabas ng Halamanan at binigyan pa ng kamatayan! Batay sa nabanggit na kautusan, ano dapat ang tatanggapin nina Adan at Eva kung sinunod nila ang nagiisiang Kautusan ng Dios noon? Pagpapala ba?

 

Hindi maitatanggi na ang paghihirap ng lahat sa kasalukuyan ay sadyang laganap at walang bansa o bayan na makakapagsabi na sila ay ligtas sa mga kasakunaan na binanggit kanina. Sa totoo lang, ang mga ibinabalita na nagaganap sa lahat ng mga oras sa mga palatuntunan sa radyo, telebisyon at maging sa internet man na ating napapakinggan at napapanood o nakikita araw-araw ang nagpapatunay na ang lumalalang kalagayan na ating nararanasan ay pandaigdigan sa lawak nito. Nagbibigay sa lahat ng sapantaha na ang buong mundo nga ay tunay na sumasailalim sa Sumpa at ito ay lumulubha pa habang lumilipas ang mga araw.

 

Bakit? Ang binanggit na talata ay nagbibigay linaw: Ang hindi pagsunod sa kautusan ng Dios at ang pagsamba sa ibang dios na hindi kilala ang sanhi ng ating kasalukuyang kahabag-habag na kalagayan!

 

Nguni’t ang mga relihiyon ay patuloy na nangangaral at ipinasasamba sa ibang dios na hindi kilala upang dadalanginan at hingian ng tulong, ito pa ang nagpapalubha ng abang kalagayan ng lahat!

 

Sa mga kaalamang ito, dapat magising ang sangkatauhan sa malalim na pagkakahimbing sa mga maling aral ng lahat ng relihiyon; buksan ang mga mata, at pag-isipan ang dahilan ng sumpa na dinaranas ng lahat.

 

At kung hindi pa ito sapat para makuha ang inyong pansin, tingnan at unawain ang isa pang talata na nagbibigay ng higit pang kaalaman at mga tanda tungkol sa pinagmulan ng kasalukuyang kalagayan ng mundo:

 

Aking sinasaksihan sa bawa't taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito, ay daragdagan siya ng Dios ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito:

At kung ang sinoman ay magalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng Dios ang kaniyang bahagi sa punong kahoy ng buhay, at sa bayang banal, na nangakasulat sa aklat na ito. 

Apocalipsis 22:18-19 (TAB)  

 

“Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito” – ang mga pagsasalot ay mapapa sa kanya. Hindi baga ang lahat ay dumaranas ng mga gayon sa kasalukuyan? Tunay ngang may nagdagdag sa mga aral ng Dios!

 

“kung ang sinoman ay magalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito” – walang matatanggap na bahagi sa “punong kahoy ng buhay” at hindi makakapasok sa banal na bayan, ang Bagong Bayan ng Dios.

 

Sa paglabag sa mga kautusan ng Dios, ito ay tunay na magbubunga ng kaparusahan o “sumpa” sa sinomang gumawa ng gayon. At kung sa paglabag ng mga kautusan ng Dios at ipangaral pa ito sa iba, higit ang kaparusahan!

 

Ano nga ba ang mga “salot” na tinutukoy sa talatang ito? Nabanggit na ba angtungkol sa mga ito noong una? 

 

Kung hindi mo isasagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito na nasusulat sa aklat na ito, upang ikaw ay matakot dito sa maluwalhati at kakilakilabot na pangalang, Ang Panginoon Mong Dios.

Kung magkagayo'y gagawin ng Panginoon na kamanghamangha ang salot sa iyo, at ang salot sa iyong binhi, malaking salot, at totoong malaon, at kakilakilabot na sakit, at totoong malaon.

At kaniyang pararatingin uli sa iyo ang lahat ng mga sakit sa Egipto, na iyong kinatakutan at kakapit sa iyo.

Bawa't sakit din naman, at bawa't salot, na hindi nasusulat sa aklat ng kautusang ito'y pararatingin nga sa iyo ng Panginoon, hanggang sa ikaw ay maibuwal.

Deuteronomio 28:58-61 (TAB)

 

Ang Dios na ang nagbabala na ang mga pangyayaring pagsasalot noong panahon ni Moises sa Egipto ay mangyayaring muli. At ang mga mababagsik na mga sakit at mga kasakunaan na nararanasan ng lahat ngayon sa kasalukuyan; tulad ng AIDS, Ebola, SARS, avian flu, the mad cow disease, FMD, swine flu at mga mapangpinsalang bagyo at paglilindol na hindi naranasan sa panahon ni Moises noon ay patunay sa sumpa ng Dios sa lahat! Sa kasalukuyan, nagbabala na ang Dios na mararanasan ng lahat ang mga iyon kung hindi susundin ang Kanyang mga Kautusan at kung magdaragdag pa sa Kanyang mga Salita. At ngayon, sa pagdanas ng mga kasakunaang ito ng sabay-sabay, ang tanong ngayon ay: Sino ang nagdagdag sa mga aral ng Dios? At kung higit ang kamatayan at kagibaan sa mundo: sino ang nag-alis o nagbawas sa aral ng Dios? 

 

Ang website na ito, sa pamamagitan ng mga pahayag ni Maestro Evangelista, ang magbubunyag sa mga taong may kagagawan ng ating kalunoslunos na kinasaklakang kalagayan!

 

Kahit na ang mga kahindik-hindik na mga pangyayari (digmaan, kasakunaan, kagutuman, pagsasalot at paghihirap) na isinalarawan sa Aklat ng Apocalipsis ay nangyayari na sa maraming dako ng mundo, ang mga relihiyon na dapat ay may kakayahang ipaliwanag ang mga pangyayaring ito sa mga tao (sa pag-aakalang sila ay mga lingkod ng Dios) ay tikom ang bibig at wari’y hindi nababahala sa lumalalang kalagayan. Ni hindi nila naunawaan at hindi nila kayang tanggapin na ang kasalukuyang kalagayan ng mundo ay higit pa sa panahon ni Jesus!

 

Na ang mga kalunoslunos na kalagayan at paghihirap ay patuloy na dumarating patungo sa isang kaganapan, sasabihin pa ng mga relihiyon na tanggapin na lamang ng lahat ang sinapit na kapalaran at sasabihing ito ay ang “kagustuhan” o “Kaloob ng Dios.” Ni wala man lamang naglakas ng loob na magsalita at magtanong sa mga pinuno ng mga relihiyon upang maliwanagan ang tungkol dito. Walang maisasagot, dahil hindi sila ang may kapahintulutang mag paliwanang tungkol dito.

 

Nguni’t sa mga pahayag ni Maestro Envangelista, matutuklasan ninyo na ang mga pangyayari ay mga tanda patungo sa kaganapan ng mga pahayag ng Dios na mauunawaan na sa wakas pagkatapos mabasa ang website na ito – na kahit sa dami ng kalituhan at pagaagam-agam ng lahat, may pag-asa pa. Manatili at ipagpatuloy ang pagbabasa upang maunawaan ang mga Salita ng Dios na inihahayag ni Maestro Evangelista.

 

Ano ang sumasaisip sa atin kapang relihiyon ang pinag-uusapan? Si Jesus. Magbasa mula sa kanyang mga sinalita noon, baka mayroon siyang masasabi tungkol sa pinag-uusapan.

 

Ano ang tunay na sinabi ni Jesus tungkol sa “kaarawan ng panginoon?” Tunay bang si Jesus nga ang darating ayon sa mga sinasabi ng mga relihiyon?

 

Sino ba talaga ang darating? Basahin ang Patotoo ni Jesus sa Banal na Aklat:

 

Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.

Mateo 24:27 (TAB) 

 

kidlat na kumikidlat sa silanganan” – ito ang tanda ng panahon ng pagdating ng “Anak ng tao,” ang taong sinugo ng Dios.

 

Ano ang kahulugan nito?

 

Ang sabi ni Maestro Evangelista, ang “kidlat” na sinasabi ay ang tanda sa ating panahon ng mataas na antas ng karunungan sa teknolohiya o sa wikang Ingles ay “technological era,” ito ay ang tanda ng mabilis at malawak ng pamamaraan ng pakikipagtalastasan, “the Digital Age” o “Electronic Age,” sa mundo,gaya ng "internet" na sinasasikhan ninyo ngayon.

 

“nakikita hanggang sa kalunuran” – ito ang lawak na naaabot ng pakikipagtalastasan sa kasalukuyan, sa pamamagitan ng "satellite communications', sa isang iglap lamang ay naipararating na ang mga balita sa palibot ng buong mundo.

 

 “pagparito ng Anak ng tao” – ang pagdating ng “Anak ng tao” na ngayon pa lang siya nagpapakilala, hindi ang pagbabalik ni Jesus na inaangkin ng mga relihiyon.

 

Ano pa ang sinabi niya?

 

Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.

Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito.

Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.

Mateo 24:33-35 (TAB) 

 

Si Jesus ay malinaw na nagsalita; hindi tungkol sa kanyang pagbabalik, kundi sa pagdating ng isang “Anak ng tao.”

 

Ano ang mga tanda na sinabi ni Jesus tungkol sa mangyayaring ito?

 

Hindi na siya nagsalita pa ng marami, ibig sabihin, hindi na siya ang magpapaliwanag ng mga ito. Papaano ngayon masasabi ng mga relihiyon na ang mangyayaring iyon ay ang pagbabalik ni Jesus? May darating na ibang tao upang ipaliwanag ang mga kahulugan nito.

 

Si Maestro Evangelista na ang magbibigay paliwanag ng Patotoo ni Jesus.

 

Bakit binanggit ni Jesus “ang lahing ito,” na inakala o inisip ng marami na siya ay nagsasalita tungkol sa kanyang bayan noong panahon niya? Oo, siya ang inutusan ng Dios na maging tagapagligtas ng kanyang bayan lamang (hindi sa mundo); at dalawang libong taon na ang nakakalipas at nangamatay na rin sila, at si Jesus ay hindi pa nakakabalik. At magpasahanggang ngayon ay hindi pa tiyak kung nailigtas nga ba niya ang kanyang bayan sa Dios o hindi.

 

Nangangahulugan na si Jesus ay nagsalita na hindi na tungkol sa kanyang bayan noon. Siya ay nagsasalita tungkol sa lahi na daratnan ng kaganapan ng pagparito ng “Anak ng Tao.” Na makikita at mapapakinig gamit ang makabagong pamamaraan ng pakikipagtalastasan! Hindi himala na gaya ng sinabi ng mga relihiyon! Sino ang taong ito? Tiyak na hindi na ito si Jesus!

 

“Anak ng tao” – ipinangaral ng mga relihiyon na siya ay si Jesus na magbabalik sa laman, nguni’t ngayon ay napag-alaman na hindi ito totoo ayon na rin sa Patotoo ni Jesus… ang “Anak ng tao” na binabanggit ay ang  propetang sinugo ng Dios na inihayag kay Moses sa Deuteronomio 18:18-19 upang maging tagapasalita ng Dios sa panahong daratnan niya.

 

Binigyan ang lahat ng ibang kaalaman at kaunawaan ng mga relihiyon tungkol sa “kaarawan” na iyon at ipinalit ang “pagbabalik ni Jesus;” kaya ang lahat ay nalilito dahil ang panlilinlang ay hinigitan ang tunay na kahulugan ng “kaarawan ng panginoon” na inakala na maluwalhating pagbabalik ni Jesus.

 

Kaninong lahi ang binabanggit ni Jesus na makakasaksi sa pagdating ng “Anak ng tao?”

 

Sinu-sino sila?

 

Gumising ka, Oh tabak, laban sa pastor ko, at laban sa lalake na aking kasama, sabi ng Panginoon ng mga hukbo: saktan mo ang pastor at ang mga tupa ay mangangalat; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa mga maliit.

At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ng Panginoon, dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay; nguni't ang ikatlo ay maiiwan.

At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.

Zacarias 13:7-9 (TAB) 

 

"Sila'y magsisitawag sa aking pangalan" - Ang mga taong makakaalam ng Pangalan ng Dios, at sa pagtawag nila sa tunay na Pangalan ng Dios, sila ang kikilalaning "Ang Bagong Bayan ng Dios"!

 

Nguni’t sinu-sino ang tatawag sa Pangalan ng Dios?

 

Kung nais ng lahat na magkaroon ng karagdagang kaalaman tungkol sa mga pahayag na ito, at kung nais ring malaman ang Dakilang Pangalan na itatawag sa Dios, basahin ang mga pahayag ni Maestro Evangelista sa website na ito. Siya ang may “susi” sa pagbubukas ng kaalaman at kaunawaan ng Pangalan ng Dios at sa lunas sa ating kasalukuyang abang kalagayan.

 

Bakit hindi natin napagalaman ang tungkol sa mga pahayag na nasusulat sa Banal na Aklat? Sinu-sino ang mga taong may pananagutan sa ating kasalukuyang paghihirap?

 

Ano ang masasabi ng mga relihiyon?

 

Hindi nila alam ang dahilan at kung ano ang lunas din dito dahil wala silang kapahintulutan mula sa Dios na ihayag ang mga ito. Hindi sila ang sinugo ng Dios! Ang mga pahayag ni Maestro Evangelista ang magpapaliwanag sa mga hiwaga na hindi mabibigyang kasagutan kailan man ng mga relihiyon. Ang mga kasakunaan na ating dinaranas ngayon ay liligirin ang mundo… at mangyayari ang “kaarawan” na iyon. Ang website na ito ay ang magpapabatid sa lahat. 

 

Bigyan ang inyong mga sarili ng panahon upang basahin ang mga pahayag ni Maestro Evangelista at makikita na kahit ang lahat ay dinaratnan ng maraming kasakunaan, mayroong pag-asa na mapapabutia pa ang pamumuhay ng lahat.

 

Kung ang mga pinuno ng inyong mga relihiyon ay pinagbabawalan basahin o alamin ang tungkol sa mga pahayag ni Maestro Evangelista sa website na ito, ano ang ikinatatakot nila? At sa anong dahilan? Kung ang kanilang aral ay mula sa Dios, ano ang kanilang ikinababahala, ngayon ninyo mapapatunayan na kung sila nga ay tunay na mga lingkod ng Dios o hindi? 

 

Hindi nagtatayo ng panibagong relihiyon o ng isang kilusan si Maestro Evangelista. Walang hingian o pagbibili ng anomang mga bagay; walang hihingiin sa inyo bilang kapalit. Ginagampanan lamang ni Maestro Evangelista ang ibinigay na gawain sa kanya ng Dios; na iparating sa lahat ang Kanyang Salita mula sa Banal na Aklat, at ipakilala ang tunay na Pangalan ng Dios sa lahat; kung dinggin man ang panawagan o hindi, nasasa bawa’t isa na ang pagpapapasya.

 

Alamin kung sinu-sino ang nagdagdag sa mga aral at ang nag-alis sa mga Kautusan at Salita ng Dios.

 

Bumalik sa Itaas.

 

Magpatuloy sa: Ikalawang Bahagi: Ang tunay na Jesus sa Banal na Aklat

 


Ang pahinang ito ay huling inayos noong: Wednesday May 28, 2014

 


The Revelation of the Foreigner as mentioned by King Solomon in:

“As for the foreigner who does not belong to your people Israel but has come from a distant land because of your name— for they will hear of your great name and your mighty hand and your outstretched arm—when he comes and pray toward this temple, then hear from heaven, your dwelling place. Do whatever the foreigner asks of you, so that all the peoples of the earth may know your name and fear you, as do your own people Israel, and may know that this house I have built bears your Name."

I Kings 8:41-43 (NIV)

 


 

Maestro Eraño M. Evangelista was only sent to deliver God's Message to all people; he is not starting a new religion, nor asking for any kind of donation. Please find time to read the messages completely.

 


 

View the visitors from around the world:

 Click on the Revolving Map to view it entirely.

Since May 13, 2011

If for some reason that you cannot see the map in the link page, simply download the latest Java plug-in for your browser. Click here to install the latest version of Java.


Geo Visitors Map


 

Read the prophecies in your own language by linking to the BibleGateway.com website:

(Right click on the image and select "Open link in new window.")


 


Home | About | News | Sitemap | Email

Copyright © 2022    www.thename.ph