www.thename.ph

www.suurinimi.com

The Revelation of the Great Name of God

and of the Testimony of Jesus, and the New City of God, the New Jerusalem and the Coming of the Foreigner of God


"Generations come and generations go, but the earth remains forever." - Ecclesiastes 1:4 (NIV)

The world will not end, it will have a new beginning. One people, one world and One God.

The LORD will be king over the whole earth. On that day there will be one LORD, and his name the only name. Zechariah 14:9 (NIV)

The Name of God Revealed (NIV) | The Name of God Revealed (Tanakh) | The Testimony of Jesus | The Coming of the Foreigner 

Language versions:

English

Filipino

Finnish



Home - TheName.Ph
About
News
Sitemap
Email
Part 1: The Revelations
 Introduction
 
Introduction 2
 
The Condition of the World

 The Root Cause of Divisions

 The Greatest Deception

 The Name of God - Tanakh
Part 2: The Real Jesus
 The Testimony of Jesus
 
Are we cursed?
 
The Curse of God
 
Blessing & Curse
 
Who was Jesus?
 
A Short Story of Maestro
 
The Prophecy of God
 
The “Son” of David?
 
Will give one tribe
 
The Great Pretender
 
The Bright Morning Star
 
The Power of Jesus
 
The Deception of Jesus
 
Regarding Sins
 
The Deception of Satan
 
Did Jesus live again?
 
About The "Third Day"
 
The Reason Of It All
Part 3: The Name of God
 The Great Name of God
 
The Name of God - Tanakh

 Salvation in the Name of God 
 
The Promise of God
 
Authority of the Prophets
 
Visions of the Prophets
 
The Blessing and The Curse
 
The Commandments of God
 
The Counselor of Jesus
 
Jesus without Sin?
 
The Word became flesh
 
The Suffering Servant
 
Prophecy of Good against Evil
 
The Beast in the Holy Bible
 
The Great and Dreadful Day
 
End of Satan's Reign on Earth
Part 4: The Revelations
 The Coming of the Foreigner
 
The Sign of the "Day of the Lord"
 
The Curse on Babylon
 
Events that will happen soon
 
The Middle East Wars
 
What if the People will not heed?

 Part 5: Other Revelations
 Cherub in the Garden of Eden
 
Baptism by Water
 
Regarding the Origin of Baptism
 
Deceivers and Deceived

 Concerning tithes
 
Of Rites and Offerings
 
Of Prayers and vows
 
The Food that We should Eat
 
The Tree of Life
 
Be fruitful and increase


Unang Pahina - TheName.Ph

Tungkol sa Website
Mga Balita

Sitemap
Email
Unang Bahagi: Mga Pahayag
 Paunang Salita
 
Paunang Salita 2
 
Ang Kalagayan ng Mundo
Ikalawang Bahagi: Si Jesus
 Ang Patotoo ni Jesus
 
Tayo Ba Ay Nasumpa?
 
Ang Sumpa ng Dios
 
Pagpapala At Sumpa
 
Sino si Jesus?
 
Maikling Kasaysayan - Maestro
 
Ang Pahayag ng Dios
 
Ang Binhi ni David
 
Kundi ibibigay ko ang isang lipi

 Ang Dakilang Mapagpanggap
 
Maningning na Tala sa Umaga
 
Ang Kapangyarihan ni Jesus
 
Panlilinlang ni Jesus
 
Tungkol sa Kasalanan
 
Panglilinlang ni Satanas
 
Jesus, nabuhay muli?
 
Ang "Ikatlong Araw"
 
Ang Dahilan ng Lahat
Ikatlong Bahagi: Ang Pangalan
 Ang Dakilang Pangalan ng Dios
 
Pagliligtas sa Pangalan ng Dios  
 
Ang Pangako ng Dios
 
Ang Karapatan ng mga Propeta
 
Mga Pangitain ng mga Propeta
 
Ang Pagpapala at Ang Sumpa
 
Ang mga Kautusan ng Dios
 
Ang Mangaaliw ni Jesus
 
Si Jesus, walang pagkakasala?
 
Ang Verbo - Si Jesus?
 
Ang Abang Lingkod
 
Mabuti Laban sa Masama
 
Ang "Hayop" Sa Banal na Aklat
 
Ang "Kaarawan ng Panginoon"
 
Ang Wakas ni Satanas
Ikaapat na Bahagi: Mga Pahayag
 Ang Taga Ibang Lupa
 
Ang Sumpa sa Babilonia
 
Ang mga Magaganap na madali
 
Digmaan sa Gitnang Silangan
 
Kung hindi pakikinggan?

Ikalimang Bahagi: Mga Pahayag
 Ang Kerubin ng Dios
 
Ang Pagbabautismo ng Tubig
 
Ginaya ng Pagbabaustismo

 Hinggil sa Manloloko at Naloko

 Tungkol sa Pag-abuloy
 
Pagdiriwang at Pagaalay
 
Pananalangin at Pagpapanata
 
Hinggil sa Pagkain

 Ang Punong Kahoy ng Buhay

 Kayo'y magpalaanakin...


Unang Pahina | Tungkol sa site | Balita | Sitemap | Email

 

Ang mga Kaganapan na Mangyayaring Madali

 

Basahin ang Pahinang ito sa Ingles.

 

ANG MGA DIGMAAN SA GITNANG SILANGAN
Inihayag noong ika-7 ng Agosto 2006

 

Ito ang pahayag ni Maestro Eraño M. Evangelista hinggil sa mga digmaang nagaganap sa kasalukuyan sa pagitan ng bansang Israel at ang mga karatig bansa nito at sa Lupain ng Gitnang Silangan.  Ang labanan ay bahagi lamang ng pahayag na hahantung sa “Dakila at Kakilakilabot na Kaarawan, na ang Dios ay magpapakilala sa lahat ng tao sa mundo, sa pamamagitan ng Kanyang sinugo, si Maestro Eraño M. Evangelista.

 

Ano ang pahayag na ibinigay noon?

 

Ang pangitain at pagtawag sa propheta:

Noong taong mamatay ang haring Uzzias ay nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa isang luklukan, matayog at mataas; at pinuno ang templo ng kaniyang kaluwalhatian.

Sa itaas niya ay nangakatayo ang mga serapin: bawa't isa'y may anim na pakpak: na may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mukha, at may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mga paa, at may dalawa na naglilipad sa kaniya.

At nagsisigawang isa't isa, at nagsasabi, Banal, banal, banal ang Panginoon ng mga hukbo: ang buong lupa ay napuno ng kaniyang kaluwalhatian.

IAt ang mga patibayan ng mga pintuan ay nakilos sa tinig ng sumisigaw, at ang bahay ay napuno ng usok.

Nang magkagayo'y sinabi ko, Sa aba ko! sapagka't ako'y napahamak; sapagka't ako'y lalaking may maruming mga labi, at ako'y tumatahan sa gitna ng bayan na may maruming mga labi: sapagka't nakita ng aking mga mata ang Hari, ang Panginoon ng mga hukbo.

Nang magkagayo'y nilipad ako ng isa sa mga serapin, na may baga sa kaniyang kamay, na kaniyang kinuha ng mga pangipit mula sa dambana:

At hinipo niya niyaon ang aking bibig, at nagsabi, Narito, hinipo nito ang iyong mga labi; at ang iyong kasamaan ay naalis, at ang iyong kasalanan ay naalis.

At narinig ko ang tinig ng Panginoon, na nagsasabi, Sinong susuguin ko, at sinong yayaon sa ganang amin? Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito ako; suguin mo ako.

Isaias 6:1-8 (TAB)

“sapagka't ako'y lalaking may maruming mga labi” – ang sugo na pinili ng Dios ay hindi kinakailangang manggaling sa iilang pili sa lipunan. Kahit na hindi siya perpekto, ang Dios ang pumili sa kanya upang maging Kanyang sugo, may mga katangian siya na nagbubukod sa kanya sa iba.

 

 “ang iyong kasamaan ay naalis, at ang iyong kasalanan ay naalis” – Ang Dios ang nag-aalis ng kasamaan at kasalanan ng mga tao, wala nang iba.

 

 “Sinong susuguin ko” – Ito ang Panawagan, at ang Dios ang nagsugo ng Kanyang Propeta upang iparating ang Kanyang Mensahe.

 

Inutusan ng Dios si Isaiah na isulat ang Mensahe.  Kailan mahahayag ang Pahayag na mauunawaan ng mga tao? Ano ang Mensahe ng Dios?

At sinabi niya, Ikaw ay yumaon, at saysayin mo sa bayang ito, inyong naririnig nga, nguni't hindi ninyo nauunawa; at nakikita nga ninyo, nguni't hindi ninyo namamalas.

Isaias 6:9 (TAB)

Bagaman ang Mensahe ay inihayag ni Isaias at naisulat sa Banal na Aklat noon, hindi ito naunawaan ng mga tao. Gaya nang halimbawa na:

At kaniyang sinabi, Tunay na ako'y sasaiyo; at ito'y magiging tanda sa iyo, na ikaw ay aking sinugo: pagka iyong nailabas na sa Egipto ang bayan ay maglilingkod kayo sa Dios sa bundok na ito.

At sinabi ni Moises sa Dios, Narito, pagdating ko sa mga anak ni Israel, at sasabihin ko sa kanila, Sinugo ako sa inyo ng Dios ng inyong mga magulang; at sasabihin nila sa akin: Ano ang kaniyang pangalan? anong sasabihin ko sa kanila?

At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA.

Exodo 3:12-14 (TAB)

Bagaman humingi ng pahintulot si Moses na ihayag o sabihin ang Pangalan ng Dios sa kanyang bayan, siya ay sinagot ng “AKO YAONG AKO NGA”, sa halip na Tunay na Pangalan ng Dios. Kung siya ay sinagot na ganitong paraan ng Dios, nangangahulugan na hindi siya binigyan ng karapatan na ihayag o sabihin ang Pangalan ng Dios sa kanyang bayan.

 

“AKO YAONG AKO NGA” – Sinabi ng Dios kay Moises na kung siya ay tatanungin ng kanyang bayan tungkol sa Pangalan ng Dios, sasagot lamang siya sa kanila ng ““AKO YAONG AKO NGA”. Gumawa ang mga relihiyon ng maraming pangalan na pamalit rito, ang sabi nila, ang YHWH ay Yahweh, Jehovah, Hashem, Ya at mga iba pa. Sinabi lamang ng Dios na huwag niyang ihayag o sabihin ang Kanyang Pangalan sa kanyang bayan.

 

Ano ang ginawa ng Dios sa mga taong ito?

Patabain mo ang puso ng bayang ito, at iyong pabigatin ang kanilang mga pakinig, at iyong ipikit ang kanilang mga mata; baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata; at mangakarinig ng kanilang mga pakinig, at mangakaunawa ng kanilang puso, at mangagbalik loob, at magsigaling.

Isaias 6:10 (TAB)

“baka” – maari lamang nilang malaman na ang mga nangyari sa kanila ay hindi hindi gawa ng ibang tao, kundi isang sumpa sa Dios.

Nang magkagayo'y sinabi ko, Panginoon, hanggang kailan? At siya'y sumagot, Hanggang sa ang mga bayan ay mangagiba na walang tumahan, at ang mga bahay ay mangawalan ng tao, at ang lupain ay maging lubos na giba,

Isaias 6:11 (TAB)

hanggang kalian” – ang panahon na mauunawaan ng kanyang bayan na ang lahat ay magigiba o mawawasak.

 

Ang sabi ni Maestro Evangelista, hanggang ang mga tao sa Gitnang Silangan ay may magagawa pa hinggil sa mga digmaan at mga suliranin, hindi nila didinggin ang Mensahe ng Dios. Gayunman, hindi nila alam na ang panahon ng kanilang kagibaan ay nagsimula na.

At ilayo ng Panginoon ang mga tao, at ang mga nilimot na dako ay magsidami sa gitna ng lupain.

At kung magkaroon ng ikasangpung bahagi roon, mapupugnaw uli: gaya ng isang roble, at gaya ng isang encina, na ang puno ay naiiwan, pagka pinuputol; gayon ang banal na lahi ay siyang puno niyaon.

Isaias 6:12-13 (TAB)

ikasangpung bahagi roon, mapupugnaw uli” – Kahit na magsimula muli ang mga tao roon ay magigiba rin muli.

 

“ang banal na lahi ay siyang puno niyaon” – Ang mga Hudyo.

 

Hindi gugunawin ng Dios ang lupaing iyon, nguni’t magiging sira o giba, na hindi matatahanan.

 

Kailan ang panahon na malalaman ng mga taong ito na hindi na nila mapipigil ang kanilang kagibaan? Kapag dumating panahon na iyn, makikinig na sila sa Mensahe ng Dios.

 

Kanino dapat sila makinig? Sino ang magpapaunawa sa kanila ng Mensahe ng Dios?

 

Kailan makikita ng mga taong ito ang kawalang saysay ng pakikidigma sa ngalan ng relihiyon? Sino ang magdadala ng Mensahe ng Dios?

Narito, isang hari ay maghahari sa katuwiran, at mga pangulo ay magpupuno sa kahatulan.

Isaias 32:1 (TAB)

“hari” - Ilan? Isa lamang ang darating na may pahintulot mula sa Dios. May isa lamang na taong sinugo na may misyong ihayag ang Mensahe ng Dios sa mga tao.

At isang lalake ay magiging gaya ng isang kublihang dako sa hangin, at kanlungan sa bagyo, gaya ng mga ilog ng tubig sa tuyong dako, gaya ng lilim ng malaking bato sa kinapapagurang lupain.

Isaias 32:2 (TAB)

Ito ang Ipinangakong Lupain na ibinigay noon sa kanila ng Dios.

At ang mga mata nila na nangakakakita ay hindi manganlalabo, at ang mga tainga nila na nangakikinig ay mangakikinig.

Isaias 32:3(TAB)

Sa pagdating ng sinugo, ito ang panahon na mauunawaan na ng mga tao ang Mensahe ng Dios.

 

Ano ang magiging pakiramdam ng mga tao hinggil sa Mensahe?

Ang puso naman ng walang bahala ay makakaunawa ng kaalaman, at ang dila ng mga utal ay mangahahanda upang mangagsalita ng malinaw.

Isaias 32:4 (TAB)

Mangyayari ito kapag dumating na ang “hari” o ang “sinugo” na maghahayag ng Mensahe ng Dios.

Ang taong mangmang ay hindi na tatawagin pang dakila o ang magdaraya man ay sasabihing magandang-loob.

Isaias 32:5 (TAB)

Ito ang panlilinlang ng mga relihiyon, nilinlang nila ang mga tao hinggil sa Dios, nguni’t tinatangi, pinangangaral at iginagalang pa sila ng mga tao.

Sapagka't ang taong mangmang ay magsasalita ng kasamaan, at ang kaniyang puso ay gagawa ng kasalanan, upang magsanay ng paglapastangan, at magsalita ng kamalian laban sa Panginoon, upang alisan ng makakain ang taong gutom, at upang papagkulangin ang inumin ng uhaw.

Ang mga kasangkapan din naman ng magdaraya ay masama: siya'y kumakatha ng mga masamang katha upang ibuwal ang mga maamo sa pamamagitan ng mga sinungaling na salita, pagka nga ang mapagkailangan ay nagsasalita ng matuwid.

Nguni't ang mapagbiyaya ay kumakatha ng mga bagay na pagbibiyaya; at sa mga bagay na pagbibiyaya ay mananatili siya.

Isaias 32:6-8 (TAB)

“paglapastangan” – malalaman natin ito mamaya.

 

“at magsalita ng kamalian laban sa Panginoon” – Sila ang mga relihiyon, sila ang mga dahilan ng mga digmaan sa lupain.

 

Sino ang sinugo na “hari” na mamumuno sa katwiran at katarungan?

Narito, aking sinusugo ang aking sugo, at siya'y maghahanda, ng daan sa harap ko: at ang Panginoon na inyong hinahanap, ay biglang paroroon sa kaniyang templo; at ang sugo ng tipan na inyong kinaliligayahan, narito, siya'y dumarating, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Malakias 3:1 (TAB)

Siya ang “Hari” o ang sinugo ng Dios. Ano ang dala niya?

 

“tipan” - ang propetng sinugo ang taong magdadala ng Tipan ng Dios sa ating panahon. GAya ni Moises noon.

Nguni't sino ang makatatahan sa araw ng kaniyang pagparito? at sino ang tatayo pagka siya'y pakikita? sapagka't siya'y parang apoy ng mangdadalisay, at parang sabon ng mga tagapagpaputi:

Malakias 3:2 (TAB)

“sa araw ng kaniyang pagparito” – ang “sugo” o ang propheta ay naririto na at ang kanyang mga pahayag ay nailathala na sa internet upang Makita at mabasa ng mga tao sa mundo. Binabasa ninyo ang isang bahagi ng kanyang pahayag sa website na ito.

 

“sino ang tatayo pagka siya'y pakikita” – Wala ni isa man ang lumaban sa mga pahayag na ibinibigay ng propeta, dahil hindi alam ng mga relihiyon ay walang kaalaman sas tunay na aral ng Dios. Kung tatanggapin natin ang tunay na Mga Aral ng Dios at ng Kanyang Mga Kautusan tatanggap tayo ng mga pagpapala.

At siya'y mauupong gaya ng mangingintab at mangdadalisay ng pilak, at kaniyang dadalisayin ang mga anak ni Levi, at kaniyang pakikinising parang ginto at pilak; at sila'y mangaghahandog sa Panginoon ng mga handog sa katuwiran.

Malakias 3:3 (TAB)

Dala niya ang katwiran, karunungan at kaunawaan na inalis sa atin ng mga relihiyon. Mangangaral siya sa lahat ng tao na may isang Dios at Siya ay may isang Pangalan.

 

Anong uri ba ng “araw” ito?

Kung magkagayo'y ang handog ng Juda at ng Jerusalem ay magiging kalugodlugod sa Panginoon, gaya ng mga araw nang una, at gaya ng mga taon nang una.

At aking lalapitan kayo sa kahatulan; at ako'y magiging maliksing saksi laban sa mga manghuhula, at laban sa mga mangangalunya, at laban sa mga sinungaling na manunumpa, at laban doon sa nagsisipighati sa mangaaraw sa kaniyang mga kaupahan, sa babaing bao, at sa ulila, at sa nagliligaw sa taga ibang lupa mula sa kaniyang matuwid, at hindi natatakot sa akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Malakias 3:4-5 (TAB)

Ito ang mangyayari sa mga magpapatuloy ng kanilang mga masamang Gawain at hindi didinggin ang mensahe ng Dios sa pagdating ng propeta.

Sapagka't ako, ang Panginoon, ay hindi nababago, kaya't kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob ay hindi nangauubos.

Malakias 3:6 (TAB)

Ito ang Kagandahang Loob ng Dios sa Kanyang bayan, bagaman sila ay pinarurusahan palagi sa kanilang mga kasalanan, may naiiwan or itinitira.

 

Bumalik tayo sa:

Kayo'y magsibangon, kayong mga babaing tiwasay, at dinggin ninyo ang tinig ko; ninyong mga walang bahalang anak na babae, pakinggan ninyo ang aking pananalita.

Isaias 32:9 (TAB)

“mga babae” – sumisimbolo ng mga relihiyon!

Sapagka't sa mga araw na sa dako pa roon ng isang taon ay mangababagabag kayo, kayong mga walang bahalang babae: sapagka't ang ani ng ubas ay magkukulang, ang pagaani ay hindi darating.

Isaias 32:10 (TAB)

“ang pagaani ay hindi darating” – nararanasan na natin ang mga dekadang puno ng mga pandaigdigan krisis sa ekonomiya kasama na nito ang pagkaubos ng mga lika na yaman. Kahit ang mga relihiyon ay nakakaranas ng iba’t-ibang mga kaguluhan at mga iskandalo. 

Kayo'y magsipanginig, kayong mga babaing tiwasay; kayo'y mangabagabag, kayong mga walang bahala; kayo'y magsipaghubo, at kayo'y magsipaghubad, at mangagbigkis kayo ng kayong magaspang sa inyong mga balakang.

Isaias 32:11 (TAB)

“kayo'y magsipaghubo” – ang mga relihiyon ay mahahayag at mapapahiya dahil ang Tunay na Aral ng Dios ay dumating na.

 

Ano ang Pahayag tungkol sa lupain na ito?

Sila'y magsisidagok sa mga dibdib dahil sa mga maligayang parang, dahil sa mabungang puno ng ubas.

Sa lupain ng aking bayan ay tutubo ang mga tinik at mga dawag; oo, sa lahat na bahay na kagalakan sa masayang bayan:

Isaias 32:12-13 (TAB)

Hindi baga ito ang lupain ng Palestino sa ating panahon? Tingnan ang mga bayan na pinasabugan ng IDF sa Lebanon! At sa pagsasalarawan ng mga nagaganap na pangyayari sa Banal na Aklat:

Sapagka't ang bahay-hari ay mapapabayaan; ang mataong bayan ay magiging ilang; ang burol at ang bantayang moog ay magiging mga pinaka yungib magpakailan man, kagalakan ng mga mailap na asno, pastulan ng mga kawan;

Hanggang sa mabuhos sa atin ang Espiritu na mula sa itaas, at ang ilang ay maging mabungang bukid, at ang mabungang bukid ay mabilang na pinakagubat.

Isaias 32:14-15 (TAB)

Ito ang pahayag ng mga digmaan sa Gitnang Silangan, laban sa mga Hudyo. May katapusan ba ang mga karahasan at mga digmaan?

Kung magkagayo'y tatahan ang kahatulan sa ilang, at ang katuwiran ay titira sa mabungang bukid.

Isaias 32:16 (TAB)

Kung ang mga karahasan at mga digmaan ay aabot sa rurok, doon lamang darating ang kapayapaan dito, upang pagalingin ang lupain.

At ang gawain ng katuwiran ay magiging kapayapaan; at ang bunga ng katuwiran ay katahimikan at pagkakatiwala kailan man.

Isaias 32:17 (TAB)

Kapag natapos na ang panghuling digmaan, dadalhin ng propeta ng Dios ang kapayapaan at kasagaan sa panahon ng…

At ang bayan ko ay tatahan sa payapang tahanan, at sa mga tiwasay na tahanan, at sa mga tahimik na dako na pahingahan.

Isaias 32:18 (TAB)

Kung kanilang didinggin ang Mensahe ng Dios na ibibigay ng huling propet.

 

“ang bayan ko” – ito ba ay nabubukod lamang sa mga bayan ng Palestino? Sa mga didinig, kikilala at tatawag sa Pangalan ng Dios, ibig sabihin, lahat ng tao.

 

Kung sila ay titiwala sa Dios, ano ang kanilang matatanggap?

Nguni't lalagpak ang granizo, sa ikasisira ng gubat; at ang bayan ay lubos na mawawasak.

Mapapalad kayo na nangaghahasik sa siping ng lahat na tubig, na nangagpapalakad ng mga paa ng baka at ng asno.

Isaias 32:19-20 (TAB)

Ito ang pahayag ni Maetro Evangelista mula pa noon; kilalanin at tumawag sa Pangalan ng Dios at sundin ang Kanyang mga Kautusan at matatanggap natin ang mga pagpapala.

 

Ano ang Mensahe ng Dios sa mga relihiyon?

Sa aba mo na sumasamsam, at ikaw ay hindi nasamsaman; at gumagawa na may kataksilan, at sila'y hindi gumawang may kataksilan sa iyo! Pagka ikaw ay naglikat ng pagsamsam, ikaw ay sasamsaman; at pagka ikaw ay nakatapos ng paggawang may kataksilan, sila'y gagawang may kataksilan sa iyo.

Isaias 33:1 (TAB)

Ito ang panahon ng pagtutuos laban sa mga relihiyon na nanlinlang sa mga tao sa mga libong taong nagdaan.

Oh Panginoon, magmahabagin ka sa amin; aming hinintay ka: ikaw ay maging kanilang bisig tuwing umaga; aming kaligtasan naman sa panahon ng kabagabagan.

Sa ingay ng kagulo ay nagsisitakas ang mga bayan; sa pagbangon mo ay nagsisipangalat ang mga bansa.

At ang iyong samsam ay pipisanin na gaya ng pagpisan ng uod: kung paanong ang mga balang ay nagsisilukso ay gayon luluksuhan ng mga tao.

Ang Panginoon ay nahayag; sapagka't siya'y tumatahan sa mataas: kaniyang pinuno ang Sion ng kahatulan at katuwiran.

Isaias 33:2-5 (TAB)

Ito ang Dios na ipinakikilala ni Maestro Evangelista sa ating lahat; Siya ang Dios, ang tunay nating Tagapagligtas at ating Panginoon.

 

Ano ang ating matatanggap kung tayo ay magtitiwala sa Dios?

At magkakaroon ng kapanatagan sa iyong mga panahon, kasaganaan ng kaligtasan, karunungan at kaalaman: ang pagkatakot sa Panginoon ay kaniyang kayamanan.

Isaias 33:2-5 (TAB)

Mahalaga iito: ang Pagpapala na nagmumula sa Dios ay ibinibigay sa mga matiyagang naghihintay sa Kanya.

Narito, ang kanilang mga matapang ay nagsisihiyaw sa labas; ang mga sugo ng kapayapaan ay nagsisiiyak na mainam.

Ang mga lansangan ay sira, ang palalakad na tao ay naglilikat: kaniyang sinira ang tipan, kaniyang hinamak ang mga bayan, hindi niya pinakukundanganan ang kapuwa tao.

Ang lupain ay nananangis at nahahapis: ang Libano ay nahihiya at natutuyo: ang Saron ay gaya ng isang ilang; at ang Basan at ang Carmel ay napapaspas ang kanilang mga dahon.

Ngayo'y babangon ako, sabi ng Panginoon; ngayo'y magpapakataas ako; ngayo'y magpapakadakila ako.

Kayo'y mangaglilihi ng ipa, kayo'y manganganak ng dayami: ang inyong hinga ay apoy na pupugnaw sa inyo.

Isaias 33:7-11 (TAB)

Nagigiba at magiging sira. Ito ang ating nakikita sa mga balita sa hangganan ng Israel at Lebanon; simula lamang ito ng higit pang kakilakilabot na pangyayari.

At ang mga bayan ay magiging gaya ng pagluluto ng apog: gaya ng mga putol na mga tinik, na mga nasusunog sa apoy.

Pakinggan ninyo, ninyong nangasa malayo, kung ano ang aking ginawa; at kilalanin ninyo, na nangasa malapit, ang aking kapangyarihan.

Ang mga makasalanan sa Sion ay nangatatakot; nanginginig ang mga masasama. Sino sa atin ang tatahan sa mamumugnaw na apoy? Sino sa atin ang tatahan sa walang hanggang ningas?

Isaias 33:12-14 (TAB)

Ang mga pangyayari sa sa hangganan ng Israel at Lebanon at sa Gitnang Silangan ay nasusulat sa Banal na Aklat!

 

Ano ang Mensahe sa mga tao na didinggin ang panawagan ng propeta ng Dios?

Siyang lumalakad ng matuwid, at nagsasalita ng matuwid; siyang humahamak ng pakinabang sa mga kapighatian, na iniuurong ang kaniyang mga kamay sa paghawak ng mga suhol, na nagtatakip ng kaniyang mga tainga ng pagdinig ng tungkol sa dugo, at ipinipikit ang kaniyang mga mata sa pagtingin sa kasamaan;

Siya'y tatahan sa mataas, ang kaniyang dakong sanggalangan ay ang mga katibayan na malalaking bato: ang kaniyang tinapay ay mabibigay sa kaniya; ang kaniyang tubig ay sagana.

Isaias 33:15-16 (TAB)

Pagpapala mula sa Dios! Ano ang mangyayari pagkatapos?

Makikita ng iyong mga mata ang hari sa kaniyang kagandahan: sila'y tatanaw sa isang lupaing malawak.

Isaias 33:17 (TAB)

“Makikita ng iyong mga mata ang hari” – makikilala ng mga tao ang propeta, si Maestro Evangelista, na ang kanyang mga pahayag ay nakikita na sa internet, www.thename.ph.

 

At:

Ang inyong puso ay gugunita ng kakilabutan: saan nandoon siya na bumibilang, saan nandoon siya na tumitimbang ng buwis? saan nandoon siya na bumibilang ng mga moog?

Hindi mo makikita ang mabagsik na bayan, ang bayan na may malalim na pananalita na hindi mo matatalastas, na may ibang wika na hindi mo mauunawa.

Isaias 33:18-19 (TAB)

Ang mga mandaraya, na mga relihiyon, ay mawawala na. Ang kanilang mga maling aral ay malalaman na ng lahat ng mga tao.

Tumingin ka sa Sion, ang bayan ng ating mga takdang kapistahan: makikita ng iyong mga mata ang Jerusalem na tahimik na tahanan, isang tabernakulo na hindi makikilos, ang mga tulos niyao'y hindi mangabubunot kailan man, o mapapatid man ang alin man sa mga tali niyaon.

Isaias 33:20 (TAB)

“Sion… makikita ng iyong mga mata ang Jerusalem” – ito ang bagong bayan, at mananatili sa Dios magpakailanman.

Kundi doon ay sasa atin ang Panginoon sa kamahalan, na dako ng mga maluwang na ilog at batis; na hindi daraanan ng mga daong na may mga gaod, o daraanan man ng magilas na sasakyang dagat.

Sapagka't ang Panginoon ay ating hukom, ang Panginoon ay ating tagapaglagda ng kautusan, ang Panginoon ay ating hari; kaniyang ililigtas tayo.

Isaias 33:21-22 (TAB)

Ang Dios lamang ang ating Tagapagligtas, wala nang iba pa.

 

“ang Panginoon ay ating hukom” – Ibinigay ng Dios sa atin ang mga Kautusan sa mga tapyas ng baton a binasag naman ni Moises nang siya ay magalit sa kanyang bayan. Natuwa ba ang Dios sa ginawa niya?

Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya.

At mangyayari, na sinomang hindi makikinig sa aking mga salita na kaniyang sasalitain sa aking pangalan, ay aking sisiyasatin yaon sa kaniya.

Deuteronomio 8:18-19 (TAB)

Yamang sinira niya ang mga tapyas ng bato na sinulatan ng mga Kautusan, nagpadala ang Dios na isa na gaya niya. Sa pagkakataong ito, dadalhin niya ang tipan sa lahat ng mga tao.

 

At:

 

“Panginoon ay ating hari; kaniyang ililigtas tayo” – ito ang kaalaman at kaunawaan na ibinibigay ni Maaetro Evangelista sa lahat ng tao. Ang Dios lamang ang ating tagapagligtas, wala nang iba pa!

Ang iyong mga tali ay nangakalag: hindi nila mapatibay ang kanilang palo, hindi nila mailadlad ang layag: ang huli nga na malaking samsam ay binahagi; ang pilay ay kumuha ng huli.

Isaias 33:23 (TAB)

Ito ang bagong Bayan, ang Bagong Jerusalem. Ano ang Mensahe ng Dios sa lahat ng tao?

Kayo'y magsilapit, kayong mga bansa, upang mangakinig; at dinggin ninyo, ninyong mga bayan: dinggin ng lupa at ng buong narito; ng sanglibutan, at ng lahat na bagay na nagsisilitaw rito.

Isaias 34:1 (TAB)

Hinggil sa…

Sapagka't ang Panginoon ay may galit laban sa lahat na bansa, at pusok ng loob laban sa lahat nilang hukbo: kaniyang lubos na nilipol sila, kaniyang ibinigay sila sa patayan.

Isaias 34:2 (TAB)

Ang galit ng Dios sa mga bansa.

 

“lahat nilang hukbo” – kahit na ang mga hukbong sandatahan ng mga bansa ay maaapektuhan, na hindi mabisa sa paglutas ng mga labanan.

 

“patayan” – na nangyayari ngayon, at gaaano na ang mga namatay.

 

Ito ay pang-unang labanan sa pagitan ng mga relihiyon, nguni’t ang mga hukbo ang mga nasa unahan, gaya noong unang panahon. Ito ang dahilan ng mga digmaan, ang mga relihiyon ang mga nasa likuran nito.

 

Gaano karami ang mapapatay?

Ang kanilang patay naman ay matatapon, at ang baho ng kanilang mga bangkay ay aalingasaw, at ang mga bundok ay tutunawin ng kanilang dugo.

Isaias 34:3 (TAB)

Ang mga ito ay nakita na natin nangyari makailan lamang…

 

Hanggang sa:

At ang lahat na natatanaw sa langit ay malilipol, at ang langit ay mababalumbong parang isang ikid: at ang buo nilang hukbo ay mawawala na parang dahong nalalanta sa puno ng ubas, at gaya ng lantang dahon ng puno ng igos.

Isaias 34:4 (TAB)

“ang lahat na natatanaw sa langit ay malilipol,” – ang mga pinuno ng mga bansa at ng  mga relihiyon, na tinitingala o iginagalang pa ng mga tao.

 

“ang langit ay mababalumbong parang isang ikid” – ito ang paglalarawan ng isang “mushroom cloud” matapos ang pagsabog ng isang bomba atomika o nukleyar! Nakasulat. Kung hindi nila ititigil ang digmaan sa lupain na iyon, mangyayari ito.

 

Gaano ang kalaki ang galit ng Dios?

Sapagka't ang aking tabak ay nalango sa langit: narito, yao'y bababa sa Edom, at sa bayan ng aking sumpa, sa kahatulan.

Isaias 34:5 (TAB)

“yao'y bababa sa Edom” – dahil ang mga tao ay sumamba sa isang dios na hindi kilala.

 

Ito ang panahon na magpapakilala ang Dios sa lahat ng tao.

Ang tabak ng Panginoon ay napuno ng dugo, tumaba ng katabaan, sa dugo ng mga kordero at ng mga kambing, sa taba ng mga bato ng mga lalaking tupa: sapagka't may hain sa Panginoon sa Bosra, at may malaking patayan sa lupain ng Edom.

Isaias 34:6 (TAB)

“Edom” – ang mga Gentil, ang mga tao sa buong mundo.

 

Ang sabi ni Maestro Evangelista, ang labanan ay madugo, at walang mga labi na maglilibing sa mga patay.

 

Mangyayari lamang ba ito sa Gitnang Silangan?

At ako'y magpapasapit ng apoy sa Magog, at sa kanilang nagsisitahang tiwasay sa mga pulo; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.

Ezekiel 39:6 (TAB)

“Magog” – magkakaroon ng malaking kaguluhan sa buong mundo.

 

“sa mga pulo” – may mga taong mauunang kikilala at tatawag sa Pangalan ng Dios.

At ang aking banal na pangalan ay ipakikilala ko sa gitna ng aking bayang Israel; at hindi ko man titiising malapastangan pa ang aking banal na pangalan: at malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon, ang banal sa Israel.

Ezekiel 39:7 (TAB)

“ang aking banal na pangalan ay ipakikilala ko sa gitna ng aking bayang Israel” – Ipakikilala ng Dios ang Kanyang Pangalan sa Kanyang Bayan na nasa “mga pulo.”

 

“hindi ko man titiising malapastangan pa ang aking banal na pangalan” – kaya nga ginagawa ng Dios ang lahat ng mga ito, dahil ang Kanyang Pangalan ay nilalapastangan.

 

“malalaman ng mga bansa” – malalaman na ng mga bansa ang Kanyang PAngalan, sa pamamagitan ng pahayag ni Meastro Evangelista.

Narito, dumarating, at mangyayari, sabi ng Panginoong Dios; ito ang araw na aking sinalita.

Ezekiel 39:8 (TAB)

“dumarating, at mangyayari” – tiyak na mangyayari ito sa takdang panahon.

 

Ano ang susunod na mangyayari kapag kinilala n gang Pangalan ng Dios?

At silang nagsisitahan sa mga bayan ng Israel ay magsisilabas, at sisilaban ng mga apoy ang mga almas, at susunugin ang mga kalasag at gayon din ang mga longki, ang mga busog at ang mga pana, at ang mga tungkod, at ang mga sibat, at mga sisilaban nilang pitong taon;

Ezekiel 39:9 (TAB)

“mga sisilaban nilang pitong taon” – KAPAYAPAAN! Ito na ang mananaig na kalagayan kapag ang PAngalan ng Dios ay lubos nang kikilalanin. Ang mga sandatang pangdigma ay tuluyan nang susunugin at gagamitin sa ibang paraan ng “pitong taon” – ibig sabihin, maraming taon – hindi lamang pitong taon. Ang mga “bomba nuclear” ay gagamitin sa mapayapang layunin bilang gatong sa mga plantang nukleyar at hindi na gagamitin sa pakikidigma.

 

Ano pa?

Na anopa't sila'y hindi magsisikuha ng kahoy sa parang, o magsisiputol man ng anoman sa mga gubat; sapagka't kanilang sisilaban ang mga almas; at kanilang sasamsaman yaong nagsisamsam sa kanila, at nanakawan yaong nangagnakaw sa kanila, sabi ng Panginoong Dios.

Ezekiel 39:10 (TAB)

“Na anopa't sila'y hindi magsisikuha ng kahoy sa parang, o magsisiputol man ng anoman sa mga gubat” – dahil magkakaroon tayo ng maraming paggagamitan para sa gatong na magmumula sa mga sandatang pangdigma at hindi na rin tayo mangangailangan ng langis at pumutol pa ng maraming mga puno, magiimbak at pagiingatan na natin ang ating mga likas na yaman.

 

At kasabay niyon:

 

“kanilang sasamsaman yaong nagsisamsam sa kanila, at nanakawan yaong nangagnakaw sa kanila” – ang mga nanlinlang sa mga tao ay makikilala na. Ang mga relihiyon ay mahahayag na hindi nauukol sa Dios at pinahirapan ang mga tao. Sila ay ibabagsak at ang kanilang mga yaman na kanilang kinuha sa mga tao sa lahat ng kasaysayan ay sasamsamin ng mga pamahalaan.

 

Hindi na hahayaan ng Dios na ang Kanyang Pangalan ay lalapastanganin pa.

 

Ang bayan na binabanggit rito ay hindi na ang dating bayan, dahil sila ay may digmaan pa sa lupain ng Gitnang Silangan.

 

Sasabihin ng mga relihiyon na nangyari na ang mga ito, nangyari na nga ba?

 

Ang sabi ni Maestro Evangelista, bumasa tayo ng isang pahayag:

At ikaw, anak ng tao, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Salitain mo sa sarisaring ibon, at sa lahat na hayop sa parang, Magpupulong kayo, at kayo'y magsiparito; magpipisan kayo sa lahat ng dako sa aking hain na aking inihahain sa inyo, sa malaking hain sa ibabaw ng mga bundok ng Israel, upang kayo'y mangakakain ng laman at mangakainom ng dugo.

Kayo'y magsisikain ng laman ng makapangyarihan, at magsisiinom ng dugo ng mga prinsipe sa lupa, ng mga lalaking tupa, ng mga batang tupa, at ng mga kambing, ng mga toro, na pawang patabain sa Basan.

At kayo'y magsisikain ng taba hanggang sa kayo'y mangabusog, at magsisiinom ng dugo hanggang sa kayo'y mangalango, sa aking hain na aking inihain sa inyo.

At kayo'y mangabubusog sa aking dulang ng mga kabayo at mga karo, ng mga makapangyarihang lalake, at ng lahat na lalaking mangdidigma, sabi ng Panginoong Dios.

At aking pararatingin ang aking kaluwalhatian sa mga bansa; at makikita ng lahat ng bansa ang aking kahatulan na aking inilapat, at ang aking kamay na aking binuhat sa kanila.

Sa gayo'y malalaman ng sangbahayan ni Israel na ako ang Panginoon na kanilang Dios, mula sa araw na yaon hanggang sa haharapin.

At malalaman ng mga bansa na ang sangbahayan ni Israel ay pumasok sa pagkabihag dahil sa kanilang kasamaan; sapagka't sila'y nagsisalangsang laban sa akin, at ikinubli ko ang aking mukha sa kanila: sa gayo'y ibinigay ko sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, at silang lahat ay nangabuwal sa pamamagitan ng tabak.

Ezekiel 39:17-23 (TAB)

Ito lamang ang panahon na kanilang maalaman at mauunawaan ang mga pahayag kapag sila ay giba at ang kanilang lupain ay gaya ng isang ilang.

 

Ayon sa kanilang karumihan at ayon sa kanilang mga pagsalangsang ay gumawa ako sa kanila; at ikinubli ko ang aking mukha sa kanila.

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ngayo'y aking ibabalik ang Jacob na mula sa pagkabihag, at maaawa ako sa buong sangbahayan ni Israel; at ako'y magiging mapanibughuin dahil sa aking banal na pangalan.

At sila'y mangagtataglay ng kanilang kahihiyan, at ng kanilang lahat na pagsalangsang na kanilang isinalangsang laban sa akin, pagka sila'y magsisitahang tiwasay sa kanilang lupain, at walang tatakot sa kanila;

Pagka sila'y aking nadala uli na mula sa mga bayan, at nangapisan na mula sa mga lupain ng kanilang mga kaaway, at ako'y inaaring banal sa kanila sa paningin ng maraming bansa.

At kanilang malalaman na ako ang Panginoon nilang Dios, sa pagpapapasok ko sa kanila sa pagkabihag sa gitna ng mga bansa, at sa pagpipisan ko sa kanila sa kanilang sariling lupain; at hindi ako magiiwan sa kanila ng sino pa man doon;

Ni hindi ko na naman ikukubli pa ang aking mukha sa kanila; sapagka't binuhusan ko ng aking Espiritu ang sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoong Dios.

Ezekiel 39:24-29 (TAB)

Nangyari na ba ito noon?

At nakita kong bukas ang langit; at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay tinatawag na Tapat at Totoo; at sa katuwiran siya'y humahatol at nakikipagbaka.

At ang kaniyang mga mata ay ningas ng apoy, at sa kaniyang ulo ay maraming diadema; at siya'y may isang pangalang nakasulat, na sinoman ay di nakaaalam kundi siya rin.

At siya'y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios.

At ang mga hukbong nasa langit ay sumusunod sa kaniya na mga nakasakay sa mga kabayong puti, at nangararamtan ng mahalagang linong maputi at dalisay.

At sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito'y sugatan niya ang mga bansa: at kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat.

At siya'y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita, HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON.

At nakita kong nakatayo ang isang anghel sa araw; na siya'y sumisigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi sa lahat ng mga ibong lumilipad sa gitna ng himpapawid, Halikayo at mangagkatipon sa dakilang hapunan ng Dios;

Upang kayo'y makakain ng laman ng mga hari, at ng laman ng mga pangulong kapitan, at ng laman ng mga taong makapangyarihan, at ng laman ng mga kabayo at ng mga nakasakay dito, at ng laman ng lahat ng mga taong laya at mga alipin man, at maliliit at malalaki.

At nakita ko ang hayop, at ang mga hari sa lupa, at ang kanilang mga hukbo, na nangagkakatipon upang makipagbaka laban doon sa nakasakay sa kabayo, at laban sa kaniyang hukbo.

At sinunggaban ang hayop, at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda sa harapan nito, na siyang ipinangdaya sa mga nagsitanggap ng tanda ng hayop at sa mga sumamba sa larawan nito: ang dalawang ito ay inihagis na buhay sa dagatdagatang apoy na nagliliyab sa asupre:

At ang mga iba ay pinatay sa tabak na lumalabas sa bibig niyaong nakasakay sa kabayo, at ang lahat ng mga ibon ay nangabusog ng mga laman nila.

Apokalipsis 19:11-21 (TAB)

Ito ang pagpapatunay ng pahayag sa Ezekiel 39:17-29. Bago natin maalaman ang kahulugan nito, nangyayari na sa kasalukuyang panahon!

 

Maiiwasan ito, dagdag pa ni Maestro Evangelista, kung kikilalanin natin manunumbalik sa Dios, tumawag sa Kanyang Pangalan at sundin ang Kanyang Kautusan.

 

Kung hindi, lahatay mapaparusahan at dadanasin ang Sumpa, dahil walang kumukilala sa Dios.

 

Ano ang mangyayari sa lupaing binabanggit?

At ang mga mailap na baka ay magsisibabang kasama nila at ang mga baka na kasama ng mga toro, at ang kanilang lupain ay malalango ng dugo, at ang kanilang alabok ay tataba ng katabaan.

Sapagka't kaarawan ng panghihiganti ng Panginoon, na taon ng kagantihan sa pagaaway sa Sion.

At ang mga batis niya ay magiging sahing, at ang alabok niya ay azufre, at ang lupain niya ay magiging nagniningas na sahing.

Hindi mapapatay sa gabi o sa araw man; ang usok niyaon ay iilanglang magpakailan man: sa buong panahon ay malalagay na sira; walang daraan doon magpakailankailan man.

Kundi aariin ng ibong pelikano at ng hayop na erizo; at ang kuwago at ang uwak ay magsisitahan doon: at kaniyang iuunat doon ang panukat na pising panglito, at ang pabatong pangpawala ng tao.

Kanilang tatawagin ang mga mahal na tao niyaon sa kaharian, nguni't mawawalan doon; at lahat niyang mga pangulo ay magiging parang wala.

Isaias 34:7-12 (TAB)

Ang lupaing binabanggit ay tuay na magiging ilang.

At mga tinikan ay tutubo sa kaniyang mga palacio, mga kilitis at mga lipay ay sa mga kuta niyaon: at magiging tahanan ng mga chakal, looban ng mga avestruz.

At ang mga mailap na hayop sa ilang ay makikipagsalubong doon sa mga lobo, at ang lalaking kambing ay hihiyaw sa kaniyang kasama; oo, ang malaking kuwago ay tatahan doon, at makakasumpong siya ng dakong pahingahan.

Doon maglulungga ang maliksing ahas, at mangingitlog, at mangapipisa, at aampunin sa ilalim ng kaniyang lilim; oo, doon magpipisan ang mga lawin, bawa't isa'y kasama ng kaniyang kasamahan.

Isaias 34:13-15 (NIV)

Gaano katotoo ang pahayag na ito?

Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka't iniutos ng aking bibig, at pinisan sila ng kaniyang Espiritu.

At kaniyang pinagsapalaran, at binahagi ng kaniyang kamay sa kanila sa pamamagitan ng pising panukat: kan

Isaiah 34:16-17 (TAB)

Ano ang magiging uri n gating pamumuhay sa bayan na tinatawag na Bagong Jerusalem?

Ang ilang at ang tuyong lupa ay sasaya; at ang ilang ay magagalak, at mamumulaklak na gaya ng rosa.

Mamumulaklak ng sagana, at magagalak ng kagalakan at awitan; ang kaluwalhatian ng Libano ay mapaparoon, ang karilagan ng Carmel at ng Saron: kanilang makikita ang kaluwalhatian ng Panginoon, ang karilagan ng ating Dios.

Inyong palakasin ang mga mahinang kamay, at patatagin ang mga mahinang tuhod.

Inyong sabihin sa kanila na matatakuting puso, Kayo'y mangagpakatapang, huwag kayong mangatakot: narito, ang inyong Dios ay pariritong may panghihiganti, may kagantihan ng Dios; siya'y paririto at ililigtas kayo.

Kung magkagayo'y madidilat ang mga mata ng bulag, at ang mga pakinig ng bingi ay mabubuksan.

Kung magkagayo'y lulukso ang pilay na parang usa, at ang dila ng pipi ay aawit: sapagka't sa ilang ay bubukal ang tubig, at magkakailog sa ilang.

At ang buhanginang kumikislap ay magiging lawa, at ang uhaw na lupa ay mga bukal ng tubig; sa tahanan ng mga chakal, na kanilang hinihiligan, magkakaroon ng damo pati ng mga tambo at mga yantok.

At magkakaroon doon ng isang lansangan, at ng isang daan, at tatawagin Ang daan ng kabanalan; ang marumi ay hindi daraan doon; kundi magiging sa kaniyang bayan: ang mga palalakad na tao, oo, maging ang mga mangmang, ay hindi mangaliligaw roon.

Hindi magkakaroon ng leon doon, o sasampa man doon ang anomang mabangis na hayop, hindi mangasusumpungan doon; kundi ang nangatubos ay lalakad doon.

At ang pinagtutubos ng Panginoon ay mangagbabalik, at magsisiparoong nagaawitan sa Sion; at walang hanggang kagalakan ay mapapasa kanilang mga ulo: sila'y mangagtatamo ng kasayahan at kagalakan, at ang kapanglawan at ang pagbubuntong-hininga ay mapaparam.

Isaiah 35:1-10 (TAB)

Ang sabi ni Maestro Evangelista na sa kasalukuyang lahing ito na ang mga pahayag ay mangyayari. Na kapag wala na silang magagawa na mapigilan ang mga karahasan sa Gitnang Silangan, ito ang panahon na mauunawaan na ng mga tao ang kahulugan ng mga pahayag.

 

Pinapipili tayo ng Dios kung Pagpapala o Sumpa.

 

Papaano pipili ang mga tao sa mundo? Ang Pagpapala, kaya kilalanin ang Dios at tumawag sa Kanyang Pangalan!

 

Papaano kung hindi didinggin ng mga tao sa mundo?

 

Bumalik sa Itaas.

 

Magpatuloy sa: Kung hindi didinggin ng mga tao ang panawagan ng Dios?

 


Ang pahinang ito ay huling inayos noong: Monday November 23, 2015

 


Home | About | News | Sitemap | Email

Please go to www.facebook.com/Thenameph for more information.
Copyright © 2011 www.thename.ph


The Revelation of the Foreigner as mentioned by King Solomon in:

“As for the foreigner who does not belong to your people Israel but has come from a distant land because of your name— for they will hear of your great name and your mighty hand and your outstretched arm—when he comes and pray toward this temple, then hear from heaven, your dwelling place. Do whatever the foreigner asks of you, so that all the peoples of the earth may know your name and fear you, as do your own people Israel, and may know that this house I have built bears your Name."

I Kings 8:41-43 (NIV)

 


 

Maestro Eraño M. Evangelista was only sent to deliver God's Message to all people; he is not starting a new religion, nor asking for any kind of donation. Please find time to read the messages completely.

 


 

View the visitors from around the world:

 Click on the Revolving Map to view it entirely.

Since May 13, 2011

If for some reason that you cannot see the map in the link page, simply download the latest Java plug-in for your browser. Click here to install the latest version of Java.


Geo Visitors Map


 

Read the prophecies in your own language by linking to the BibleGateway.com website:

(Right click on the image and select "Open link in new window.")


 


Home | About | News | Sitemap | Email

Copyright © 2022    www.thename.ph