www.thename.ph

www.suurinimi.com

The Revelation of the Great Name of God

and of the Testimony of Jesus, and the New City of God, the New Jerusalem and the Coming of the Foreigner of God


"Generations come and generations go, but the earth remains forever." - Ecclesiastes 1:4 (NIV)

The world will not end, it will have a new beginning. One people, one world and One God.

The LORD will be king over the whole earth. On that day there will be one LORD, and his name the only name. Zechariah 14:9 (NIV)

The Name of God Revealed (NIV) | The Name of God Revealed (Tanakh) | The Testimony of Jesus | The Coming of the Foreigner 

Language versions:

English

Filipino

Finnish



Home - TheName.Ph
About
News
Sitemap
Email
Part 1: The Revelations
 Introduction
 
Introduction 2
 
The Condition of the World

 The Root Cause of Divisions

 The Greatest Deception

 The Name of God - Tanakh
Part 2: The Real Jesus
 The Testimony of Jesus
 
Are we cursed?
 
The Curse of God
 
Blessing & Curse
 
Who was Jesus?
 
A Short Story of Maestro
 
The Prophecy of God
 
The “Son” of David?
 
Will give one tribe
 
The Great Pretender
 
The Bright Morning Star
 
The Power of Jesus
 
The Deception of Jesus
 
Regarding Sins
 
The Deception of Satan
 
Did Jesus live again?
 
About The "Third Day"
 
The Reason Of It All
Part 3: The Name of God
 The Great Name of God
 
The Name of God - Tanakh

 Salvation in the Name of God 
 
The Promise of God
 
Authority of the Prophets
 
Visions of the Prophets
 
The Blessing and The Curse
 
The Commandments of God
 
The Counselor of Jesus
 
Jesus without Sin?
 
The Word became flesh
 
The Suffering Servant
 
Prophecy of Good against Evil
 
The Beast in the Holy Bible
 
The Great and Dreadful Day
 
End of Satan's Reign on Earth
Part 4: The Revelations
 The Coming of the Foreigner
 
The Sign of the "Day of the Lord"
 
The Curse on Babylon
 
Events that will happen soon
 
The Middle East Wars
 
What if the People will not heed?

 Part 5: Other Revelations
 Cherub in the Garden of Eden
 
Baptism by Water
 
Regarding the Origin of Baptism
 
Deceivers and Deceived

 Concerning tithes
 
Of Rites and Offerings
 
Of Prayers and vows
 
The Food that We should Eat
 
The Tree of Life
 
Be fruitful and increase


Unang Pahina - TheName.Ph

Tungkol sa Website
Mga Balita

Sitemap
Email
Unang Bahagi: Mga Pahayag
 Paunang Salita
 
Paunang Salita 2
 
Ang Kalagayan ng Mundo
Ikalawang Bahagi: Si Jesus
 Ang Patotoo ni Jesus
 
Tayo Ba Ay Nasumpa?
 
Ang Sumpa ng Dios
 
Pagpapala At Sumpa
 
Sino si Jesus?
 
Maikling Kasaysayan - Maestro
 
Ang Pahayag ng Dios
 
Ang Binhi ni David
 
Kundi ibibigay ko ang isang lipi

 Ang Dakilang Mapagpanggap
 
Maningning na Tala sa Umaga
 
Ang Kapangyarihan ni Jesus
 
Panlilinlang ni Jesus
 
Tungkol sa Kasalanan
 
Panglilinlang ni Satanas
 
Jesus, nabuhay muli?
 
Ang "Ikatlong Araw"
 
Ang Dahilan ng Lahat
Ikatlong Bahagi: Ang Pangalan
 Ang Dakilang Pangalan ng Dios
 
Pagliligtas sa Pangalan ng Dios  
 
Ang Pangako ng Dios
 
Ang Karapatan ng mga Propeta
 
Mga Pangitain ng mga Propeta
 
Ang Pagpapala at Ang Sumpa
 
Ang mga Kautusan ng Dios
 
Ang Mangaaliw ni Jesus
 
Si Jesus, walang pagkakasala?
 
Ang Verbo - Si Jesus?
 
Ang Abang Lingkod
 
Mabuti Laban sa Masama
 
Ang "Hayop" Sa Banal na Aklat
 
Ang "Kaarawan ng Panginoon"
 
Ang Wakas ni Satanas
Ikaapat na Bahagi: Mga Pahayag
 Ang Taga Ibang Lupa
 
Ang Sumpa sa Babilonia
 
Ang mga Magaganap na madali
 
Digmaan sa Gitnang Silangan
 
Kung hindi pakikinggan?

Ikalimang Bahagi: Mga Pahayag
 Ang Kerubin ng Dios
 
Ang Pagbabautismo ng Tubig
 
Ginaya ng Pagbabaustismo

 Hinggil sa Manloloko at Naloko

 Tungkol sa Pag-abuloy
 
Pagdiriwang at Pagaalay
 
Pananalangin at Pagpapanata
 
Hinggil sa Pagkain

 Ang Punong Kahoy ng Buhay

 Kayo'y magpalaanakin...


Unang Pahina | Tungkol sa site | Balita | Sitemap | Email

 

Pagliligtas sa Pangalan ng Dios

 

Basahin ang Pahinang ito sa Ingles.

Ang Pangako ng Dios sa Banal na Aklat

 

Ang ihahayag ni Maestro Evangelista ay ang tunay na kahulugan ng Pangako ng Dios para sa ating kasalukuyang panahon. May lumabas na mga relihiyon na inakala ng lahat ay totoo. Nagpapakilala na sila raw ang may kinagampan ng Pangako ng Dios.  Na kung ang lahat ay aanib sa kanila, mapapabilang na daw ang lahat sa Bayan ng Dios at pagpapalain magpakailan man.

 

Ngunit’ ano ba ang tunay na Pangako ng Dios?  Sino ba ang unang binigyan nito, ang mga relihiyon ba?

 

Ang pinangakuan ay si Abraham; ang mga naunang sina Adan, Noah at iba pa: ang mga kasaysayan nila sa Lumang Tipan ay mga halimbawa lamang ng pakikipag-ugnayan ng Dios sa tao.  Nguni’t naging higit na dakila ang Dios sa pagbibigay Niya ng Kanyang Pangako sa tao, sa pamamagitan ni Abraham.

 

Bakit tagos sa kasalukuyang lahi o bakit mapapasama ang lahat sa Pangako na ibinigay ng Dios?  Dapat malaman ng lahat ang kabuuan at kaganapan ng Pangako ng Dios sa tao, upang ang lahat ay maging bahagi nito.

 

Basahin sa simula:

 

At sinabi ng Panginoon kay Abram, pagkatapos na makahiwalay si Lot sa kaniya, Itingin mo ngayon ang iyong mga mata, at tumanaw ka mula sa dakong iyong kinalalagyan, sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at sa dakong kanluran: Sapagka’t ang buong lupaing iyong natatanaw ay ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi magpakaylan man.

At gagawin kong parang alabok ang iyong binhi: na ano pa’t kung mabibilang ng sinoman ang alabok ng lupa ay mabibilang na rin ang iyong binhi.

Genesis 13:14-16 (TAB)

 

Abram pa ang kaniyang pangalan noon.

 

“tumanaw ka mula sa dakong iyong kinalalagyan” – sa apat na dako ng Gitnang Silangan

 

"ang buong lupaing iyong natatanaw ay ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi magpakaylan man" - ito ang Pangako noon kay Abraham at sa kanyang lahi.

 

 “alabok” – napakarami, nguni’t kaya pang bilangin kung tutuusin, ito ang pangako ng magiging bilang ng kanyang lahi.

 

Natupad ba ang ipinangako ng Dios sa panahon niya?  Matanda na si Abram at wala pang anak.  Ang asawa niyang si Sarai ay matanda na rin.  Ano ang katayuan ni Abram sa buhay?

 

Pagkatapos ng mga bagay na ito ay dumating ang salita ng Panginoon kay Abram sa pangitain na nagsasabi, Huwag kang matakot, Abram: ako ang iyong kalasag, at ang iyong ganting pala na lubhang dakila.

At sinabi ni Abram, Oh Panginoong Dios, anong ibibigay mo sa akin, kung ako’y nabubuhay na walang anak at ang mag-aari ng aking bahay ay itong taga Damascong si Eliezer?

At sinabi ni Abram, narito, hindi mo ako binigyan ng anak at, narito’t isang ipinanganak sa aking bahay ang siyang tagapagmana ko.

Genesis 15:1-3 (TAB)

  

Wala pang anak si Abram at kung sakali ang magiging tagapagmana niya ay si Eliezer, na hindi naman niya kadugo.

 

Ano ang sabi ng Dios kay Abram?

 

At, narito, ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na nagsabi, Hindi ang taong ito ang magiging tagapagmana mo; kundi lalabas sa iyong sariling katawan ang magiging tagapagmana mo.

Genesis 15:4 (TAB)

 

Ang Dios ang nangako – huwag matakot o mag-alinlangan man.  Mangyayari iyon.

 

At siya’y inilabas at sinabi, Tumingala ka ngayon sa langit, at iyong bilangin ang mga bituin, kung mabibilang mo: at sa kaniya’y sinabi, Magiging ganiyan ang iyong binhi.

Genesis 15:5 (TAB)

 

Nangyari ba?  Hindi pa.

 

Dahil sa kagustuhan ni Sarai na mabigyan ng anak ang kanyang asawa, kinausap niya si  Hagar na bigyan niya ng anak si Abram, at ang naging anak nila ay lalaki na si Ishmael.

 

Nguni’t hindi si Ishmael ang naging kaganapan ng Pangako ng Dios kay Abram.  At nag kaanak naman si Sarai kay Abram ng isang lalaki – at tinawag na Isaac.

 

Dito na pinalitan ng Dios ang pangalan ni Abram na naging Abraham, at si Sarai naman ay naging Sarah.  Dahil nagkaroon siya ng anak sa tunay niyang asawa, tingnan kung natupad ang Pangako ng Dios kay Abraham.  Dapat ay hindi na ipinangako pang muli.

 

Matira ka sa lupaing ito, at ako’y sasa iyo, at ikaw ay aking pagpapalain; sapagka’t sa iyo at sa iyong binhi ay ibibigay ko ang lahat ng lupaing ito, at pagtitibayin ko ang sumpang aking isinumpa kay Abraham na iyong ama;

At aking pararamihin ang iyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at ibibigay ko sa iyong binhi ang lahat ng lupaing ito: at pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa;

Genesis 26:3-4 (TAB)

 

Kay Isaac itinuloy ang pangako.  At ang lahat ng mga bansa ay isinama na sa pagpapala ng Pangako sa kanya.  Naganap rin ba sa panahon ni Isaac?

 

At nanaginip, at narito, ang isang hagdan, na ang puno ay nasa lupa, at ang dulo ay umaabot sa langit; at narito, ang mga anghel ng Dios na nagmamanhik manaog doon.

At, narito, ang Panginoon ay nasa kataastaasan niyaon, at nagsabi, Ako ang Panginoon, ang Dios ni Abraham na iyong ama, at ang Dios ni Isaac: ang lupang kinahihigaan mo ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong binhi;

Genesis 28:12-13 (TAB)

 

Inulit naman kay Jacob.  Binanggit ang mga naunang pinangakuan, nilinaw pa ang pangako.

 

At ang iyong binhi ay magiging parang alabok sa lupa, at kakalat ka sa kulunuran, at sa silanganan, at sa hilagaan, at sa timugan at sa iyo at sa iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng angkan sa lupa.

Genesis 28:14 (TAB)

 

Buong mundo na ang ipinangangako kay Jacob. Alam ng lahat na ang lahi nila ay hindi dumami at hindi kumalat sa buong mundo. At nabasa rin sa kasaysayan ng bayan nila na halos malipol sila sa bawa’t pakikipagsapalaran nila sa mga bansa sa Gitnang Silangan at sa ibang mga lupain. At sa kasalukuyan, napakaliit na bansa pa rin nila, at ang mga relihiyon ang nanaig sa kanila, parang hindi totoo ang pangako sa lahi nila. Kung tutuusin, ang mga relihiyon na ang nagkapal sa Pangako ng Dios na ibinigay kay Abraham.

 

Mauuwi ba sa wala ang Tunay na Pangako ng Dios? Basahin kung sino na ang may hawak ng Pangako ng Dios sa ating kasalukuyang panahon:

 

Datapuwa't hindi sa ang Salita ng Dios ay nauwi sa wala.  Sapagka't hindi ang lahat ng buhat sa Israel ay mga taga Israel:

Taga Roma 9:6 (TAB)

 

Narito na at sinasalita na ang tungkol sa bayan nila:

 

Ni sapagka't sila'y binhi ni Abraham, ay mga anak na silang lahat: kundi; Kay Isaac tatawagin ang iyong binhi.

Taga Roma 9:7 (TAB)

 

Na hindi rin natupad.  Bakit hindi kay Isaac lamang?

 

Sa makatuwid, ay hindi mga anak sa laman ang mga anak ng Dios: kundi ang mga anak sa pangako'y siyang ibibilang na isang binhi.

Taga Roma 9:8 (TAB)

 

Bagaman ang Pangako ng Dios ay ibinigay kina Abraham, Isaak at Jacob, hindi nangangahulugan na ang lahi lamang nila ang magiging mga anak ng Dios.  Sa pagtanggap lamang ng Pangako sila kikilalanin.

 

Sapagka't ito ang salita ng pangako: Ayon sa panahong ito'y paririto ako, at magkakaroon si Sara ng isang anak na lalake.

Taga Roma 9:9 (TAB)

 

Kahit ipinangako ng Dios sa panahong iyon, hindi dapat isipin na mangyayari din agad sa panahon iyon.  May panahon at mga tanda na ibinigay sa pamamagitan ng mga Propeta tungkol sa kaganapan ng Pangako ng Dios. Kailan matutupad ang pangako?

 

Sino-sino ang tatawaging "mga anak ng Dios" na kasing dami ng buhangin at bituin, na ipinangako kina Abraham noon?

 

Nguni’t ngayo’y ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, Oh Jacob, at naganyo sa iyo, Oh Israel, Ikaw ay huwag matakot, sapagka’t tinubos kita; tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin.

Isaias 43:1 (TAB)

 

Ang Bayan ng Dios!  Sila ang magiging kaganapan ng Pangako ng Dios.

 

Pagka ikaw ay dumaraan sa tubig, ako’y sasaiyo; at sa mga ilog ay hindi ka tatakpan niyaon: pagka ikaw ay lumalakad sa apoy, hini ka masusunog; o magniningas man ang alab sa iyo.

Isaias 43:2 (TAB)

 

Anoman ang pagsubok na dumating sa buhay ay hindi sila papabayaan ng Dios.

 

Sapagka’t ako ang Panginoon mong Dios, ang Banal ng Israel, ang Tagapagligtas sa iyo; aking ibinigay na pinakatubos sa iyo ang Egipto, ang Etiopia at ang Seba.  Yamang ikaw ay naging mahalaga sa aking paningin, at kagalang-galang, at aking inibig ka; kaya’t magbibigay ako ng mga tao na pinakatubos sa iyo, at mga bayan sa pinakatubos sa iyong buhay.

Isaias 43:3-4 (TAB)

 

Ang pangtubos sa Bayan ng Israel ay mga tao.  Saan magmumula?

 

Huwag kang matakot, sapagka’t ako’y sumasaiyo; aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kanluran.

Isaias 43:5 (TAB)

 

“Silanganan” at “Kanluran” – ito ang kaganapan ng pangako na nagsimula kay Abraham, kay Isaac at kay Jacob…

 

Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking anak na mga lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak ng babae mula sa wakas ng lupa;

Isaias 43:6 (TAB)

 

“Hilaga” at “Timugan” – Buong mundo na!  Sinu-sino ang mga bayan at mga taong ito?

 

Paano natin sila makikilala?

 

Bawa’t tinatawag sa aking pangalan, at yaong  aking nilikha ay sa aking kaluwalhatian, yaong aking inanyuan oo, yaong aking ginawa.

Isaias 43:7 (TAB)

 

“Bawa’t tinatawag sa aking pangalan” – Ang mga tao na tatawag sa Pangalan ng Dios!

 

Nalaman na ba ang tunay na Pangalan ng Dios?  Sa kasalukuyan pa lang nalalaman ng lahat ang Pangalan, kaya ngayon pa lang nagkaroon ng kaganapan ng Pangako ng Dios.  Kung sino ang nakaalam at tumawag sa Pangalan Niya ay magkakaroon ng bahagi sa Pangako ng Dios!

 

Kaya kung ang lahat sa buong mundo ay kikilalanin at tatawag sa Tunay na Pangalan ng Dios ay magiging ganap ito!

 

Ano ang tungkulin natin sa Dios?

 

Iyong ilabas ang bulag na bayan na may mga mata, at ang bingi may mga tainga.

Mapisan ang lahat na bansa, at magpulong ang mga bayan; sino sa gitna nila ang makapagpapahayag nito, at makapagpapakita sa amin ng mga dating bagay? Dalhin nila ang kanilang mga saksi, upang sila’y mapatotohanan: o dinggin nila, at magsabi, Katotohanan nga.

Isaias 43:8-9 (TAB)

 

“ilabas ang bulag na bayan” – ipakilala ang tunay na Dios at ang Kanyang Dakilang Pangalan sa lahat.

 

sino sa gitna nila ang makapagpapahayag nito, at makapagpapakita sa amin ng mga dating bagay?” - Ang Propetang sinugo na "gaya ni Moises" na si Maestro Evangelista.  Siya lamang ang nakagawa nito!

 

Ano ang sasabihin ng lahat kapag nalaman nila ang kabuuan ng mga Pahayag ng Dios?  “Totoo ito”,  ang sasabihin nila.

 

Kayo’y aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at aking lingkod na aking pinili: upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako nga; walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko.

Isaias 43:10 (TAB)

 

Lahat ay sasaksi sa Dios at sa Propetang sinugo Niya, mula sa pagkaalam ng mga pahayag ng mga Propeta ng Dios na nakasulat sa Banal na Aklat at ang mga kahulugan ng mga ito, at lalo na sa panahon ng kaganapan ng mga ito.  Ano pa?

Ako, sa makatuwid baga’y ako, ang Panginoon; at liban sa akin ay walang tagapagligtas.

Isaias 43:11 (TAB)

Ang Dios lang ang Tagapagligtas natin!  Wala nang iba!

 

Papaano si Jesus, na ang nagsabing siya ang ating tagapagligtas?  Pinarusahan at hiniya siya ng Dios!

 

Ako’y nagpahayag, at ako’y nagligtas, at ako’y nagpakilala, at walang ibang dios sa gitna ninyo: kaya’t kayo ang aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at ako ang Dios.

Isaias 43:12 (TAB)

 

Ang Dios lamang, wala nang iba pa!

 

Ano ang katunayan na marami ang tatawag sa Pangalan ng Dios upang maging isang bayan?

 

Gumising ka, Oh tabak, laban sa pastor ko, at laban sa lalake na aking kasama, sabi ng Panginoon ng mga hukbo: saktan mo ang pastor at ang mga tupa ay mangangalat; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa mga maliliit.

At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ng Panginoon, dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay; nguni’t ang ikatlo ay maiiwan.

Zacarias 13:7-8 (TAB)

 

Sino ang ikatlong bahagi?

 

At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila’y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila’y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto.  Sila’y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya’y bayan ko; at kanilang sasabihin,  Ang Panginoon ay aking Dios.

Zacarias 13:9 (TAB)

 

Ano ang natatanging tanda nila?

  

Sila ang tatawag sa Pangalan ng Dios!  At sasagutin sila ng Dios!

 

Sila ang katuparan ng binhi na ipinangako kina Abraham, Isaac at Jacob noon!

 

Matutupad na ba ang pangako na ibinigay noon?  Oo. Ang ipinangako noon ay ang pagkakaroon ng bayan na tatawag sa Pangalan ng Dios.  Ngayon pa lang mangyayari ito.

  

Matutupad ba na isang Dios na lang ang kikilalanin ng lahat?

 

At ang Panginoo’y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao’y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa.

Zacarias 14:9 (TAB)

 

Mangyayari pa lang.  Ano ang katibayan?

 

Gaya ni Abraham, na walang anak sa tunay na asawa, nguni’t siya ay nagka-anak sa ibang babae, na si Ismael.  Pero kina Isaac at Jacob din ibinigay ang pangako.  Gayun din kay Maestro Evangelista, sa panahon niya ang kaganapan ng pangakong yaon.  Na kapag naipakilala at nalaman na ng lahat ang Pangalan ng Dios ay matutupad na ang pangako, nalalaman na ba ng mga tao ang Pangalan ng Dios sa mga pahayag ni Maestro Evangelista at sa website ring ito? Magaganap na!

  

Basahin kung bakit si Maestro Evangelista ang tunay na may tangan ng kaganapan ng pangako ng Dios nagsimula kay Abraham:

 

Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iniutos sa kaniya.

Deuteronomio 18:18 (TAB)

 

Isang propeta lang ang darating.  Bakit?

 

Ang sabi ni Maestro Evangelista, sa pagdating niya marami na ang mga relihiyon na nagtuturo ng kung ano-ano tungkol sa Dios.  Nguni't ang sabi ng Dios dito, sa kanya (ang propetang darating) lang kayo makikinig, dahil dala nito ang Salita at ang Pangalan ng Dios!

 

Ang Propetang dararting ng "gaya ni Moises" ay hindi manggagaling sa bayang Israel.  Sino ang pinangakuan?  Ang Propetang sinugo na “gaya ni Moses."

 

Papano makakasama ang sino man sa Pangako ng Dios sa ating panahon?  Makinig sa Propetang "gaya ni Moises!"

 

Papaano at ano ang kaibihan ng Propetang darating kay Moses?

  

At nakikipagsalitaan ang Panginoon kay Moises ng mukhaan, gaya ng isang taong nakikipagsalitaan sa kaniyang kaibigan.  At siya’y bumabalik uli sa kampamento, datapuwa’t ang kaniyang tagapangasiwang si Josue, na anak ni Nun, na may kabataan pa, ay hindi umaalis sa Tolda.

Exodo 33:11 (TAB)

 

 

Si Moses ang sumulat ng mga Aklat ng Genesis, Exodo, Mga Bilang, Levitico at Deuteronomio sa Lumang Tipan ng Banal na Aklat.  Kinakausap at ikinukuwento ng Dios kay Moses ang isusulat niya, pero sinabihan siya na may Propeta na magpapaliwanag ng lahat ng mga ito.

 

Bakit hindi ”Israel sa laman” ang makakaalam ng Pangalan ng Dios at makakaganap ng Pangako?

 

Bukod dito ay sinabi ni Jeremias sa buong  bayan, at sa lahat ng mga babae, Inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, buong Juda, na nasa lupain ng Egipto:

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, na nagsabi, Kayo at ang inyong mga asawa ay kapuwa nangagsalita ng inyong mga bibig, at ginanap ng inyong mga kamay, na nagsasabi, Tunay na aming tutuparin ang aming mga panata na aming ipinanata, na magsunog ng kamangyan sa reina ng langit, at ipagbuhos ng mga inuming handog siya: inyo ngang isagawa ang inyong mga panata, at inyong tuparin ang inyong mga panata.

Kaya’t inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, buong Juda na tumatahan sa lupain ng Egipto. Narito, ako’y sumumpa ng aking dakilang pangalan, sabi ng Panginoon, na ang aking pangalan ay hindi mababanggit sa bibig ng sinoman sa Juda sa buong lupain ng Egipto, na sabihin, Buhay ang Panginoong Dios.

Jeremias 44:24-26 (TAB)

 

Dahil sa pagsamba nila sa "reina ng langit" noong sila'y nasa Egipto pa - Nasumpa sila ng Dios!  Inalis sa kanila ang karapatan o kapahintulutan na masabi o mabanggit ang Pangalan ng Dios kanino man!  Kaya magpahanggang ngayon ang Pangalan ng Dios ay nalalaman ng iilan lamang!

 

Sa nagawa nilang kasalanan noon, sabi ni Maestro Evangelista, hindi na magaganap ng "Israel sa laman" ang kakailanganin sa katuparan ng Pangako ng Dios (ang tumawag sa Pangalan Niya), dahil kung “hindi mababanggit sa bibig ng sinoman sa Juda” ang Pangalan ng Dios, papaano pa sila makakatawag at magiging bayan Niya?

 

Noon pa man, wala na sa kanila ang kaganapan ng Pangako ng Dios!  Sino na ang may kaganapan ng pangakong ito sa ating panahon?  Ang Propetang sinugo na “gaya ni Moses" na inihayag sa Deuteronomio 18:18-19 na siyang darating at hindi sakop ng sumpa sa "Israel sa laman"!

 

Totoo ba na siya ang may hawak at ang may kaganapan ng Pangako sa Dios sa ating panahon?

 

Bakit ang mga bansa ay nangagugulo, At ang mga bayan ay nangagaakala ng walang kabuluhang bagay?

Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda, At ang mga pinuno ay nagsasanggunian,

Laban sa Panginoon at laban sa kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi: Lagutin natin ang kanilang tali,

At ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin.  Siyang nauupo sa kalangitan ay tatawa: Ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan.

Awit 2:1-4 (TAB)

 

"mga bansa" at "mga bayan"  - marami na ang nakakaalam ng tungkol sa mga pahayag ni Maestro Evangelista, at kung malalaman ng lahat ang katotohanan, magkakaroon ng malaking kaguluhan sa mga bansa pagpapaliwanagin nila ang mga relihiyon bakit sila dinaya ng napakatagal na panahon..

 

"Laban sa Panginoon at laban sa kaniyang pinahiran ng langis" - Lalabanan ng mga relihiyon ang dala niyang Pahayag na mula sa Dios.  Nguni’t gaya ng nasulat, hihiyain sila ng Dios!

 

Kung magkagayo’y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot,

At babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama ng loob:

Awit 2:5 (TAB)

 

Ano ngayon ang gagawin ng Dios?

 

Gayon ma’y inilagay ko ang aking hari Sa aking banal na Sion.

Awit 2:6 (TAB)

 

“Hari” – dahil taglay ni Maestro Evangelista ang tanda at kapahintulutan mula sa Dios.  Nag-iisa lamang siyang sugo upang wakasan ang pandararya ng mga relihiyon sa lahat ng mga tao.

 

“Sion” – ang ibang tawag sa bayan ng Jerusalem – Ang Pilipinas ang papangalanang Bagong Jerusalem.  Ano ang Pangako ng Dios sa kanya?

 

Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya:

Sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; Sa araw na ito ay ipinanganak kita.

Awit 2:7 (TAB)

 

Ang Propetang sinugo na “gaya” ni Moses, siya ang may pangako ng Dios, tao lamang siya. Dahil nagampanan niya ang kanyang misyon na ipakilala sa lahat ang Tunay na Pangalan ng Dios, ang kilalaning “anak ng Dios” ang kanyang magiging gantimpala!  At ano pa ang ibibigay sa kanya?

 

Humingi ka sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana,  At ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari.

Awit 2:8 (TAB)

 

Taglay niya ang pangako ng Dios, wala na sa bayan ng ”Israel sa laman” at wala rin sa mga relihiyon.  At ano ang gagawin sa mga relihiyon at mga simbahan?

 

Sila’y iyong babaliin ng isang pamalong bakal;

Iyong dudurugin sila na parang isang sisidlan ng magpalyok.

Awit 2:9 (TAB)

 

Mawawala na sila, at ano ang payo ng Dios sa lahat?

 

Ngayon nga’y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari:

Mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa.

Awit 2:10 (TAB)

 

Mga hari, mga pangulo, mga mambabatas at mga hukom ng mga bansa ay dapat sumangguni kay Maestro Evangelista upang mapakinggan at maaralang muli ng tunay na Salita at mga Kautusan ng Dios!  At:

 

            Kayo’y mangaglingkod sa Panginoon na may takot,

At mangagalak na may panginginig.

Awit 2:11 (TAB)

 

Kilalanin ng lubos ang Dios at sumunod sa mga Kautusan Niya!

 

Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo’y mangapahamak sa daan,

Sapagka’t ang kaniyang poot ay madaling magalab.

Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.

Awit 2:12 (TAB)

 

Si Maestro Eraño M. Evangelista ang may hawak ngayon ng Pangako ng Dios, kapag kinilala at iginalang ng mga tao ang pagkakasugo sa kanya, magiging kabahagi sila sa Pangako ng Dios magpakailan man.  Dapat dinggin at pakinggan ng lahat ang kanyang mga pahayag dahil siya ang may dala ng “Salita” at “Pangako” ng Dios sa ating panahon! 

 

Bumalik sa Itaas.

 

Magpatuloy sa: Ang Karapatan ng mga Propeta

 


Ang pahinang ito ay huling inayos noong: Tuesday November 03, 2015

 


Home | About | News | Sitemap | Email

Please go to www.facebook.com/Thenameph for more information.
Copyright © 2011 www.thename.ph


The Revelation of the Foreigner as mentioned by King Solomon in:

“As for the foreigner who does not belong to your people Israel but has come from a distant land because of your name— for they will hear of your great name and your mighty hand and your outstretched arm—when he comes and pray toward this temple, then hear from heaven, your dwelling place. Do whatever the foreigner asks of you, so that all the peoples of the earth may know your name and fear you, as do your own people Israel, and may know that this house I have built bears your Name."

I Kings 8:41-43 (NIV)

 


 

Maestro Eraño M. Evangelista was only sent to deliver God's Message to all people; he is not starting a new religion, nor asking for any kind of donation. Please find time to read the messages completely.

 


 

View the visitors from around the world:

 Click on the Revolving Map to view it entirely.

Since May 13, 2011

If for some reason that you cannot see the map in the link page, simply download the latest Java plug-in for your browser. Click here to install the latest version of Java.


Geo Visitors Map


 

Read the prophecies in your own language by linking to the BibleGateway.com website:

(Right click on the image and select "Open link in new window.")


 


Home | About | News | Sitemap | Email

Copyright © 2022    www.thename.ph