Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Ang Abang Lingkod
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
ANG
PAHAYAG NG MABUTI LABAN SA MASAMA
Inihayag noong ika-17 ng Disyembre 2005
At ang
Dalawang Paglikha sa Banal na Aklat
Hindi
napag-alaman ng mga tao ang Pahayag na ang labanan sa pagitan ng mabuti at masama ay
patuloy pa rin, mula pa sa kapanahunan sa Hardin ng Eden, at matatapos lamang sa
ating kasalukuyang kapanahunan.
Sa
pagbasa ng Pahayag tungkol sa labanan ng mabuti at masama:
At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, Sapagka't ginawa mo ito, ay sumpain ka ng
higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawa't ganid sa parang; ang iyong tiyan
ang ilalakad mo, at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong
buhay: At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi:
ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong. Genesis 3:14-15 (TAB)
Ang pagkakakilanlan sa ahas ay inihayag na ni Maestro Evangelista sa
Apocalipsis
12:9, ang ahas ay ang dragon, ang Diablo, at si Satanas.
Sa
pahayagng ito, inakala ng mga relihiyon na ito ay labanan sa pagitan ng Dios at ng
ahas.
Ito
ang sinasabi ni Maestro Evangelista: Kung ang ipinakikilala ng mga relihiyon na
si Jesus ang dios na nakikipaglaban pa kay Satanas, anong uri ng dios iyan,
napakahina na ay may kalaban at nakikipagpunyagi pa?
Ito
ang hindi napag-isipan ng mga tao dahil na rin sa pagkukundisyon ng mga relihiyon,
ng
mga simbahan, libro, sine, radyo, pahayagan, internet at sa
mga lansangan!
Alamin
na natin ang katotohanan:
Sino
ang “anak” ng ahas? Ito ang tanong na hindi pa nasasagot. At kailan magtatapos
ang labanan sa pagitan ng mabuti at masama na nagsimula pa sa Halamanan ng Eden?
Hindi natin malaman kung ang labanan nga ay tapos na o hindi pa, walang
binabanggit ang mga relihiyon tungkol dito.
Ang
sabi ni Maestro Evangelista, hindi pa nagtatapos; patuloy pa rin ang labanan
magpahanggang sa ating kapanahunan, dahil hindi natin nakilala ang mandaraya at
ang iba’t-ibang uri ng pandaraya nito.
Magpatuloy tayo sa pagalam ng mga hiwaga na bumabalot sa hulang ito: Dito'y nagising ako, at ako'y lumingap; at ang aking pagkakatulog ay masarap.
Jeremias 31:26 (TAB)
“nagising ako” – Patungkol ito sa atin (ang mga tao sa buong mundo) na namulat
sa tunay na aral ng Dios, ang magising sa matagal ng pagkatulog na ating
naranasan sa mga relihiyon.
Gaya
sa ating pagtulog, nananaginip tayo ng mga masasarap
na pagkain at mga inumin, nguni't sa ating pag-gising, alam natin na gutom pa rin
tayo. Gayun din ang ginawa sa atin ng mga relihiyon, hinainan tayo ng masasarap
na aral na hindi naman totoo.
Namuhay tayo sa ilalim ng maling pag-asa at walang kaligtasan.
Ano
ang susunod na mangyayari?
Ang
Binhi ng Tao at ang Binhi ng Hayop
Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aking hahasikan ang
sangbahayan ni Israel at ang sangbahayan ni Juda ng binhi ng tao at ng binhi ng
hayop. Jeremias 31:27 (TAB)
“ang mga araw ay dumarating” – Mangyayari pa lang.
Ang
dalawang sangbahayan ay ipipisan sa “binhi ng tao at ng binhi ng hayop” –
Ito
ang dakilang Pahayag ng Dios.
Ano
ang kahulugan ng pahayag na ito?
Sino
ang mga “binhi ng tao at ng binhi ng hayop” na ipipisan sa dalawang sangbahayan?
Tanungin ninyo ang mga relihiyon; wala silang maibibigay na sagot sa inyo.
Nguni’t ang sabi ni Maestro Evangelista, ang kahulugan ng pahayag na ito ay ihahayag
sa kauna-unahang pagkakataon upang malaman ng lahat ng tao na may isang
tunay na Dios na hindi kilala ng mga relihiyon at hindi alam ang lahat ng
Kanyang Pahayag.
Kailan
tayo magigising sa matagal na nating pagkatulog sa mga relihiyon?
Bakit
tinawag na “binhi ng tao at ng binhi ng hayop?”
At mangyayari, na kung paanong binantayan ko sila upang alisin, at upang ibuwal,
at upang madaig at upang ipahamak, at upang pagdalamhatiin, gayon babantayan ko
sila upang itayo at upang itatag sabi ng Panginoon. Jeremias 31:28 (TAB)
Ang “binhi ng tao at ng binhi ng hayop” at ang dalawang sangbahayan, gagawing
isang sangbahayan ng Dios.
Ano pa
ang ihahayag sa atin?
Sa mga araw na yaon ay hindi na sila mangagsasabi. Ang mga magulang ay nagsikain
ng mga maasim na ubas, at ang mga ngipin ng mga bata ay nagsisipangilo.
Nguni't bawa't isa ay mamamatay ng dahil sa kaniyang sariling kasamaan: lahat na
nagsisikain ng mga maasim na ubas ay magsisipangilo ang mga ngipin. Jeremias 31:29-30 (TAB)
“Sa mga araw na yaon” – Sa araw na ang “binhi ng tao at ng binhi ng hayop” at ang dalawang sangbahayan ay pag-isahin, ito ang kapanahunan na malalaman
natin na
ang aral tungkol sa “unang kasalanan” ng mga relihiyon ay walang
katotohanan; na ang bawa’t isa ay
may pananagutan sa kanyang sariling kasalanan at hindi na natin paniniwalaan ang
aral ng mga relihiyon na si Jesus ay namatay para sa ating mga kasalanan! At kung
namatay si Jesus, yun ay dahil sa sarili niyang "kasamaan!"
Mangyayari ito kapag natukoy na natin ang “binhi ng tao at ng binhi ng hayop.”
Nang
tayo ay naniwala sa mga relihiyon, nakatulog tayo (sa ating pag-iisip) ng mahimbing dahil
sa tamis ng kanilang mga aral, na hindi natin nalaman sa Banal na Aklat na ang
Dios ay ipinaalam na kung ano ang mabuti at kung ano ang hindi. Kaya nga tayo ay
dumaranas pa ng mga sumpa magpahanggang sa ating kapanahunan.
Ang
sabi ni Maestro Evangelista, hindi natin masasabihan ang lahat na sila lang ang
nalinlang ng mga relihiyon; lahat tayo, kasama na rin si Maestro Evangelista ay
nalinlang din noon ng mga relihiyon. Nguni’t dumating na ang panahon upang
tayo ay gumising at magsilabas na sa mga relihiyon para malaman na ang katotohanan,
ang magkaroon tayo ng pagliligtas sa Dios at hindi sa mga relihiyon.
Ito ang ginagawa ni Maestro Evangelista sa mga tao sa buong mundo, ang gisingin
tayo!
Papaano?
Ipakikita sa atin ni Maestro Evangelista kung ano ang ibig sabihin ng gumising:
Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aking hahasikan ang
sangbahayan ni Israel at ang sangbahayan ni Juda ng binhi ng tao at ng binhi ng
hayop. Jeremias 31:27 (TAB)
Sa kauna-unahang pagkakataon, ang mga aral ng mga relihiyon ay mayayanig at
mabubunot mula sa kanilang pinakaugat!
Sino
ang mga “binhi ng tao at ng binhi ng hayop?” Ito ang ihahayag ni Maestro
Evangelista sa ating lahat:
Ang
Kasaysayan ng Paglikha ng Dios
Ipinaliliwanag ni Maestro Evangelista, ang mga tao sa buong mundo ay naniwala sa
mga aral ng relihiyon tungkol sa kasaysayan ng Paglikha, na si Adan ang unang
taong nilalang. Basahin natin ang tunay na “Kasaysayan ng Paglikha” ayon sa
nakasulat sa Banal na Aklat (hindi mula sa aral ng mga relihiyon) na ibinigay ng
Dios kay Maestro Evangelista upang ihayag sa mga tao sa buong mundo.
“ang
mga araw ay dumarating” – Mangyayari sa ganap na kapanahunan, ang pag-iisa ng
dalawang sangbahayan, ang “Sangbahayan ng Judah at ng Sangbahayan ng Israel” –
ang mga bayan na binigyan ng pangako o tipan ng Dios; nguni’t sino ang mga
“binhi ng tao at ng binhi ng hayop,” sila ba’y mga nilalang ng Dios na iba pa
sa mga tao?
Ipapaliwanag sa atin ng malinaw ni Maestro Evangelista; sinasabi niya na may
ginawang dalawang Paglilikha ang Dios. Nangangahulugan ba na ang nakamulatan o nakagawian
nating mga aral mula sa mga relihiyon tungkol sa Paglikha ay hindi totoo?
Ang
sabi ni Maestro Evangelista, ating basahin ang Kasaysayan ng Paglikha:
At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang bawa't may buhay na
kinapal na gumagalaw, na ibinukal na sagana ng tubig, ayon sa kanikaniyang uri
at ang lahat na may pakpak na ibon, ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios
na mabuti. Genesis 1:21 (TAB)
Nilikha ng Dios ang mga hayop bago pa ang mga tao, totoo.
At mga binasbasan ng Dios, na sinabi, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at
inyong punuin ang tubig sa mga dagat, at magpakarami ang mga ibon sa lupa.
Genesis 1:22 (TAB)
Sinabihan ang mga hayop na magpakarami, walang ibinigay na tipan sa mga hayop.
Anong
araw ba iyon?
At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalimang araw.
Genesis 1:23(TAB)
Ano ang sumunod na ginawa ng Dios?
Ang
Paglikha ng unang mga Tao
At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating
wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon
sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na
nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.
At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan
ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae. Genesis 1:26-27 (TAB)
“Lalangin natin ang tao sa ating larawan” – Nilikha ng Dios ang tao –
“lalake at babae,” sabay. Sa pagkakasabing ito, “tao” ay dapat unawain sa kalahatan – kaya
nga isinulat na “nilalang niya sila na lalake at babae.” – gaano karaming pares
ang nilikha, hindi na binanggit.
“nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan” – Ang Dios ay
espiritu, sa anong larawan tayo nilikha?
Tungkol sa akin, aking mamasdan ang
iyong mukha sa katuwiran: ako'y masisiyahan pagka bumangon sa iyong wangis.
Awit 17:15 (TAB)
"sa
katuwiran" - Tayo ay kawangis lamang sa karunungan at unawa (katuwiran) at
hindi sa pisikal na anyo ng Dios.
"masisiyahan
pagka bumangon sa iyong wangis" - Kapag nakilala na ang Dios sa pamamagitan
ng "katuwiran," ibig sabihin ay sumusunod tayo sa Dios.
At sila'y binasbasan ng Dios, at sa kanila'y sinabi ng Dios, Kayo'y
magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin; at
magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa
himpapawid, at sa bawa't hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa. Genesis 1:28 (TAB)
“sila'y binasbasan ng Dios” – “Sila,” ibig
sabihin ay marami at higit pa sa isa.
“Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa” – Sinabihan
sila na magpakarami, tulad sa sinabi sa mga
hayop. At kung dumami na ang tao, ano ang bilin ng Dios sa atin?
“at
inyong supilin” – Sila ay pinaala-lalahanan na kontrolin o mag "birth control" sa pagdami ng bilang
nila, upang ang lupa o ang kapaligiran ay kayanin sila.
Nguni't ang itinuro lang sa atin ng mga relihiyon ay ang magparami at hindi
binabanggit ang sinalita ng Dios tungkol sa pag-supil o pagkontrol sa
pagpaparami natin!
“magkaroon kayo ng kapangyarihan" – Ibig sabihin ay gamitin
lamang ang mga hayop sa pagpapalago ng kaalaman, hindi
ang kainin ang mga ito. Ang kaalaman ng paglipad, nakuha natin ito sa mga ibon;
ang paggawa ng mga barko at submarino, mula sa mga isda. At ang iba pang mga teknolohiya
na ating natuklasan at pinabuti ay nakuha natin mula sa mga iba pang hayop.
Malinaw na ang mga tao at mga hayop ay nilikha na iisang uri – “binhi ng tao at
ng binhi ng hayop” – Sa mata ng Dios, walang tipan at walang kautusan na
ibinigay sa kanila.
Ito
ang ikaanim na araw.
At sa
ikapitong araw, nagpatuloy ba ang Dios sa paglikha ng mga ibang bagay?
Ang
sasabihin ng mga relihiyon ay hindi na lumikha pa ang Dios ng iba pang mga
bagay, nguni't ang
sabi ni Maestro Evangelista, bumasa pa tayo upang makatiyak tayo:
Ang Ikapitong Araw
ng Paglikha
At nayari ang langit at ang lupa, at ang lahat na natatanaw sa mga iyon.
At nang ikapitong araw ay nayari ng Dios ang kaniyang gawang ginawa; at
nagpahinga ng ikapitong araw sa madlang gawa niyang ginawa. At binasbasan ng Dios ang ikapitong araw at kaniyang ipinangilin, sapagka't
siyang ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa. Ito ang pinangyarihan ng langit at ng lupa, nang likhain noong araw, na gawin ng
Panginoong Dios ang lupa't langit. Genesis 2:1-4 (TAB)
Ito ang ikapitong araw, nagpahinga na ang Dios sa kanyang pag-gawa; ang panahon ng
paglikha ay tapos na, tandaaan ninyo
wala pa sina Adan at Eva.
“binasbasan ng Dios ang ikapitong araw at kaniyang ipinangilin, sapagka't siyang
ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa” – Siya ang
unang sumunod sa Kanyang kautusan. Kaya nga kung sisirain mo ang Sabbath, sumpa.
Ang sabi ni Maestro Evangelista, ang tinatawag na mga Gentil
(mga taong nilikha noong ika-anim na araw) ay ang mga “binhi ng tao at ng binhi ng hayop.” Tayo ang
mga “unang nilikha.” Kung tayo nga ay nagmula kina Adan at Eva, bakit may mga
maiitim, may mga puti, may mga Asyano, at iba pang mga lahi. Tayo ay nilikha na
pantay-pantay sa Dios!
Ang
Kasaysayan nga ng Paglikha ay natapos na. Nguni’t, maitatanong ninyo: Nasaan si
Adan? Kailan siya nilikha?
Si
Adan nga ay hindi pa nilikha ng Dios, nguni't ang Kapanahunan ng Paglikha ay tapos na.
Ang mga hayop at mga tao ay nilikha sa ikalima at ikaanim na mga araw na kinilala
ng Dios na Kanyang “unang mga nilikha” - Ang “binhi ng tao at ng binhi ng hayop.”
Ang sabi ni Maestro Evangelista, sa
pagkakataong ito, dumarami na ang bilang ng mga taong nilikha nang ikaanim na
araw.
Ang
Ikalawang Paglikha
Subali’t may ginawa pang katangi-tanging paglikha ang Dios:
At wala pa sa lupang kahoy sa parang, at wala pang anomang pananim na tumutubo
sa parang: (sapagka't hindi pa pinauulanan ng Panginoong Dios ang lupa) at wala
pang taong magbukid ng lupa, Genesis 2:5 (TAB)
“sa parang” – Ito ang disyerto sa lupain sa Gitnang Silangan o "Middle East," naglalarawan ng kawalan
ng mga puno at mga halaman. Ang kawalan na ito ba ang kalagayan ng mundo noon?
Ang sabi ni Maestro Evangelista, hindi, dahil ang mga halaman ay nalikha na sa Panahon ng
Pitong Araw ng Unang Paglikha. Totoo ba?
Basahin natin sa:
At sinabi ng Dios, Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong
kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa
ibabaw ng lupa, at nagkagayon.
At ang lupa ay sinibulan ng damo, pananim na nagkakabinhi, ayon sa kaniyang
pagkapananim, at ng punong kahoy na namumunga, na taglay ang kaniyang binhi,
ayon sa kaniyang pagkakahoy, at nakita ng Dios na mabuti. Genesis 1:11-12 (TAB)
Nilikha ng Dios ang mga halaman at puno para maging pagkain ng mga hayop.
Makikita mo ang dakilang paglikha ng Dios, papaano mabubuhay ang mga hayop kung
walang mga halaman upang kanilang maging pagkain?
Kailan nilikha ng Dios ang mga punong-kahoy at mga halaman para maging pagkain
ng mga hayop at tao?
At nagkahapon at nagkaumaga ang ikatlong araw. Genesis 1:13 (TAB)
Kung naunang nilikha ng Dios ang mga hayop at ang mga tao at hindi
pa nilikha ang mga
halaman at "mga punong kahoy na namumunga;" wala silang kakainin. Hindi sila mabubuhay ng
matagal.
Balik
tayo sa:
At wala pa sa lupang kahoy sa parang, at wala pang anomang pananim na tumutubo
sa parang: (sapagka't hindi pa pinauulanan ng Panginoong Dios ang lupa) at wala
pang taong magbukid ng lupa, Genesis 2:5 (TAB)
“sa parang” – Ang disyerto sa Gitnang
Silangan.
“wala
pang taong magbukid ng lupa” – Ibig sabihin na wala pang matalinong tao na
makakapagbungkal at makakapagtanim sa lupain na binabanggit. Dahil ang mga tao sa unang
paglikha, kahit na sila ay dumarami na, sila ay namimitas lang ng pagkain mula sa mga halaman at sa mga punong kahoy.
Nguni't may isang ulap na napaitaas buhat sa lupa at dinilig ang buong ibabaw ng
lupa. Genesis 2:6 (TAB)
Ang Dios ay nagpatubig sa lupain upang ito ay
maging masagana, at ano ang sumunod na nangyari?
At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang
kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang
may buhay. Genesis 2:7 (TAB)
“nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa”
– Ang
Dios ay lumikha muli: kahit tapos na ang ikapitong araw ng (Unang) Paglikha – ang
taong ito ay nilikha na nag-iisa, walang kapareha - hindi tulad ng paglikha
noong ika-anim na araw.
At:
At naglagay ang Panginoong Dios ng isang halamanan sa Eden, sa dakong
silanganan: at inilagay niya roon ang taong kaniyang nilalang. Genesis 2:8 (TAB)
Dito pa lang nilikha ng Dios ang Halamanan ng
Eden. Ito ang panahon na inilagay ng Dios ang tao (ang ikalawang nilikha na
galing sa alabok ng lupa) sa Halamanan.
At pinatubo ng Panginoong Dios sa lupa ang lahat na punong kahoy na nakalulugod
sa paningin, at mabubuting kanin; gayon din ang punong kahoy ng buhay sa gitna
ng halamanan, at ang punong kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama. Genesis 2:9 (TAB)
“pinatubo ng Panginoong Dios sa lupa ang lahat na punong kahoy” –
Kasama ito sa
mga panibagong paglikha ng Dios, anong mga uri ito?
“na
nakalulugod sa paningin” – Ito ang mga halaman na hindi nakakain, mga palamuti lamang
(ornamental plants).
“mabubuting kanin” – Mga punong kahoy na nagbibigay buhay kapag kinain
ang mga bunga nito.
Gaano
kasagana ang lupaing inihanda ng Dios para sa taong ito?
At may isang ilog na lumabas sa Eden na dumilig sa halamanan; at mula roo'y
nabahagi at nagapat na sanga.
Ang pangalan ng una ay Pison: na siyang lumiligid sa buong lupain ng Havilah, na
doo'y may ginto; At ang ginto sa lupang yao'y mabuti; mayroon din naman doong bedelio at batong
onix. At ang pangalan ng ikalawang ilog ay Gihon; na siyang lumiligid sa buong lupain
ng Cush. At ang pangalan ng ikatlong ilog ay Hiddecel, na siyang umaagos sa tapat ng
Asiria. At ang ikaapat na ilog ay ang Eufrates. Genesis 2:10-14 (TAB)
Ibig sabihin, ang Halamanan ay sagana at puno ng yaman.
Ang halamanan ay may mga bambang, isang paraan
ng patubig doon.
“ang
ginto sa lupang yao'y mabuti; mayroon din naman doong bedelio at batong onix”
–
Na ang Halamanan ay sagana sa likas na yaman. Ito ay ukol lamang sa tao sa
Halamanan.
At kinuha ng Panginoong Dios ang lalake at inilagay sa halamanan ng Eden, upang
kaniyang alagaan at ingatan. Genesis 2:15 (TAB)
Ang lalake ay inilagay sa Halamanan, at binigyan ng kanyang kakailanganin
upang panatilihin at taniman ito.
Ito ay
iba pa sa “paglikha” sa unang pitong araw. Hindi napag-alaman ng mga relihiyon
ang tungkol sa dalawang paglikha ng Dios sa Banal na Aklat.
At
dahil hindi nalaman ng mga tao ang tunay na aral na ito,
naniwala sila sa ipinangaral ng mga relihiyon sa kanila – na si Adan at Eva ang
mga unang nilikha ng Dios; kaya nga kahit kailan maraming kalituhan at hindi
pagkaunawaan sa mga relihiyon at sa kanilang mga tagasunod dahil hindi sapat ang mga paliwanag na ibinibigay tungkol sa Banal na Aklat.
Nguni’t sa pagdating ni Maestro Evangelista at sa paghahayag niya ng mga aral ng
Dios mula sa Banal na Aklat, ang mga tao ay maari nang suriin at
patunayan ang mga aral ng mga relihiyon kung ang mga ito nga ay tunay o hindi,
magtanong lamang sila tungkol sa mga tunay na aral ng Dios sa Banal na Aklat.
Kung
ang isang aral, na ibinigay ng isang mangangaral o isang pari o ng isang
ministro, at hindi nakasulat sa Banal na Aklat, dapat ay huwag itong paniwalaan ng mga
tao; lalong-lalo na kung sasabihin niya na sinaliksik niya ang tungkol dito.
Ito ay pagmamataas at pagkutya sa Dios. Papaano mo sasaliksikin ang Dios? Parang isinasailalim
mo Siya sa isang pagsusuri at hinahanapan ng kaalaman!
Ang
sabi ni Maestro Evangelista, inihahayag ng Dios ang Kanyang sarili sa mga
lingkod Niya, ang mga Propeta; dapat hanapin ang tunay na propeta sa ating
panahon at pakinggan ang kanyang mga sasalitain tungkol sa Dios at sa
Kanyang aral.
Magpatuloy tayo…
ANG
TAGUBILIN NG DIOS SA HALAMANAN SA EDEN
At iniutos ng Panginoong Dios sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa
halamanan ay makakakain ka na may kalayaan:
Datapuwa't sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain;
sapagka't sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.
Genesis 2:16-17 (TAB)
“sa lalake” –Isa lang ang binigyan ng utos ng Dios, dahil nag-iisa lang siya sa
Halamanan; iba siya sa mga tao na unang nilikha noong ikaanim na araw ng
Paglikha.
Totoo
ba?
At sila'y binasbasan ng Dios, at sa kanila'y sinabi ng Dios, Kayo'y
magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin; at
magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa
himpapawid, at sa bawa't hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa. Genesis 1:28 (TAB)
Ang sabi ni Maestro Evangelista, nagbigay ang Dios ng utos sa lalake lamang,
siya lang at ang Dios, isa sa isa. Ito ang nagbubukod sa lalake sa mga tao ng
“unang paglikha;” may kautusan siya at sila ay wala.
At sinabi ng Panginoong Dios, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya'y
ilalalang ko ng isang katulong niya.
At nilalang ng Panginoong Dios sa lupa ang lahat ng hayop sa parang at ang lahat
ng ibon sa himpapawid; at pinagdadala sa lalake upang maalaman kung anong
itatawag niya sa mga iyon: at ang bawa't itinawag ng lalake sa bawa't kinapal na
may buhay ay yaon ang naging pangalan niyaon.
At pinanganlan ng lalake ang lahat ng mga hayop, at ang mga ibon sa himpapawid,
at ang bawa't ganid sa parang; datapuwa't sa lalake ay walang nasumpungang
maging katulong niya. Genesis 2:18-20 (TAB)
Pinangalanan niya ang mga hayop at mga ibon sa paligid niya, ibig sabihin
ang kanyang katalinuhan at kaalaman ay lumalago. Nguni’t nakita ng Dios na siya
ay nag-iisa pa rin.
ANG
PAGLIKHA KAY EVA
At hinulugan ng Panginoong Dios ng di kawasang himbing ang lalake, at siya'y
natulog: at kinuha ang isa sa kaniyang mga tadyang at pinapaghilom ang laman sa
dakong yaon: Genesis 2:21 (TAB)
“di kawasang himbing” –Ang pananalitang ito ay naipapaliwanag lamang sa ating
kasalukuyang salinlahi . Ang tao ay pinatulog, na siya ay isinailalim sa isang
pamamaraan na kahalintulad sa isang pag-oopera sa ating kasalukuyang
kapanahunan!
At ang tadyang na kinuha ng Panginoong Dios sa lalake ay ginawang isang babae,
at ito'y dinala niya sa lalake. Genesis 2:22 (TAB)
Nilikha ang babae; ito ang isa pa sa mga katangi-tanging paglilikha ng Dios,
hindi tulad sa panahon ng pitong araw ng Paglikha, “lalake at babae” ay nilikha
ng magkasabay.
Ang
sabi ni Maestro Evangelista: Ito ang pahayag na ang lalake, na ating tinawag na
Adan, at ang babae, na tinawag na Eva, ay nilikha bukod pa sa mga naunang nga
taong nilikha sa mundo. Mapapalad tayo, tayo ang mga buhay na saksi tungkol sa
pahayag na ito, ang mga nauna ay hindi napag-alaman ang mga ito.
Si
Adan ay natatangi sa Dios, at ang pangako ay sa kanya lamang, hindi sa mga
taong namumuhay sa labas ng Halamanan ng Eden.
Upang
malaman ang pagkakaiba ng mga Unang Nilikha sa Ikalawang Nilikha, ipagpatuloy
natin ang ating pagbasa:
At nakilala ng lalake si Eva na kaniyang asawa; at siya'y naglihi at ipinanganak
si Cain, at sinabi, Nagkaanak ako ng lalake sa tulong ng Panginoon. At sa muli ay ipinanganak ang kaniyang kapatid na si Abel. At si Abel ay
tagapagalaga ng mga tupa; datapuwa't si Cain ay mangbubukid ng lupa. Genesis 4:1-2 (TAB)
Matapos mapalayas sina Adan at Eva mula sa
Halamanan ng Eden, nanirahan sila sa
lupain kung saan nagmula si Adan. Ito ang kapanahunan na dumarami na rin ang bilang
na mga tao na mga naunang nilikha. At sila ay nagkaroon ng mga anak na lalake,
si Cain at si Abel.
Basahin natin dito:
At yao'y sinabi ni Cain sa kaniyang kapatid na kay Abel. At nangyari, nang
sila'y nasa parang ay nagtindig si Cain laban kay Abel na kaniyang kapatid, at
siya'y kaniyang pinatay. At sinabi ng Panginoon kay Cain, Saan naroon si Abel na iyong kapatid? At sinabi
niya, Aywan ko: ako ba'y tagapagbantay sa aking kapatid? At sinabi niya, Anong iyong ginawa? ang tinig ng dugo ng iyong kapatid ay
dumadaing sa akin mula sa lupa. Genesis 4:8-10 (TAB)
Alam ng Dios ang ginawang pagpatay ni Cain kay Abel.
At ngayo'y sinumpa ka sa lupa na siyang nagbuka ng bibig na tumanggap sa iyong
kamay ng dugo ng iyong kapatid; Pagbubukid mo ng lupa, ay di na ibibigay mula ngayon sa iyo ang kaniyang lakas;
ikaw ay magiging palaboy at hampas-lupa sa lupa. At sinabi ni Cain sa Panginoon, Ang aking kaparusahan ay higit kaysa mababata
ko. Narito, ako'y iyong itinataboy ngayon mula sa ibabaw ng lupa, at sa iyong
harapan ay magtatago ako; at ako'y magiging palaboy at hampaslupa; at
mangyayari, na sinomang makasumpong sa akin ay papatayin ako. Genesis 4:11-14 (TAB)
“sinomang makasumpong sa akin ay papatayin ako” – Kung ating susundin ang mga
aral ng mga relihiyon, na si Adan at Eva ang mga naunang tao sa mundo, sino ang
papatay kay Cain, ang kanyang ama at ang kanyang ina?
At
binanggit na “sinomang” – Kung sino man ang nabubuhay noon, ibig sabihin may mga
tao na sa paligid nila.
Ano
ang ginawa ng Dios sa kanya?
At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Dahil dito'y sinomang pumatay kay Cain ay
makapitong gagantihan. At nilagyan ng Panginoon ng isang tanda si Cain, baka
siya'y sugatan ng sinomang makakasumpong sa kaniya. At umalis si Cain sa harapan ng Panginoon at tumahan sa lupain ng Nod, sa
silanganan ng Eden. Genesis 4:15-16 (TAB)
“sinomang pumatay kay Cain” – May mga tao
na liban pa sa kanila nang mga panahon na iyon.
“nilagyan ng Panginoon ng isang tanda si Cain” –Ang Pangako ng Dios kay Adan ay
ibinigay muli sa kanyang "anak."
At
nang mamuhay sa lupain ng Nod si Cain, ano ang nangyari?
At nakilala ni Cain ang kaniyang asawa, at siya'y naglihi at ipinanganak si
Enoc: at siya'y nagtayo ng isang bayan at tinawag ang bayan ayon sa pangalan ng
kaniyang anak, Enoc. At naging anak ni Enoc si Irad; at naging anak ni Irad si Mehujael; at naging
anak ni Mehujael si Metusael; at naging anak ni Metusael si Lamec. Genesis 4:17-18 (TAB)
Saan nanggaling ang naging asawa ni Cain? Ang mga mangangaral, mga pari at mga
ministro ay nagbigay na ng sagot noon pa: Ang kapatid na babae niya, na
ipinanganak mula sa kanyang ina na si Eva! Idinagdag pa nila: Si Adan at Eva ay
nagkaroon ng anak na babae, sumunod kina Cain at Abel.
Ibig
sabihin na ang mga relihiyon ay nagsasabi si Cain ay sinipingan ang kanyang kapatid na babae?
Patunayan natin kung totoo nga ang ipinangaral ng mga relihiyon tungkol sa bagay
na ito:
Ang
sabi ni Maestro Evangelista, hayaan natin na ang Banal na Aklat ang maghayag ng
Katotohanan, sino ang ikatlong anak ni Adan at Eva? Nagkaroon ba sila ng anak na
babae na sumunod kina Cain at Abel?
At nakilalang muli ni Adam ang kaniyang asawa; at nanganak ng isang lalake, at
tinawag ang kaniyang pangalan na Set; sapagka't aniya'y binigyan ako ng Dios ng
ibang anak na kahalili ni Abel; sapagka't siya'y pinatay ni Cain. Genesis 4:25 (TAB)
Ang sumunod na anak ay lalake rin! Mali ang mga relihiyon.
Nangangahulugan lamang na sa kapanahunan nina Adan at Eva, marami nang tao na
namumuhay sa mundo, bagaman hindi gaanong marami tulad ngayon.
Ang
aral ng mga relihiyon tungkol sa Kasaysayan ng Paglikha ay hindi totoo! Ang mga
aral na ito ay napatunayang mali mula sa simula, papaano tayo
makakatiyak na ang kanilang mga aral ay totoo hanggang sa huli?
Sa
kabuuan, ang unang nilikha, ang mga “binhi ng tao at ng binhi ng hayop,” ay
walang tipan at walang pangako sa Dios. Tayo ay labas sa Biyaya ng Dios, tayo
ang mga Gentil na tinatawag ng mga Hudyo, at ang mga "anak" o lahi ni Adan ang
may
Tipan sa Dios.
Papaano tayo makikihati sa Biyaya at sa Tipan ng Dios na ibinigay lamang sa mga
"anak" o lahi ni Adan?
Ito
ang inihahayag ni Maestro Evangelista, may pag-asa pa tayo.
Nagising ba kayo sa pahayag ng “binhi ng tao at ng binhi ng hayop?”
Muli,
ang Pahayag…
Dito'y nagising ako, at ako'y lumingap; at ang aking pagkakatulog ay masarap.
Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aking hahasikan ang
sangbahayan ni Israel at ang sangbahayan ni Juda ng binhi ng tao at ng binhi ng
hayop. Jeremias 31:26-27 (TAB)
Ito na ang panahon upang ang mga tao sa buong mundo ay gumising
na sa malalim na
pagkatulog sa mga relihiyon.
Anong
uri ng mga tao ang mga “binhi ng tao at ng binhi ng hayop?”
At mangyayari, na kung paanong binantayan ko sila upang alisin, at upang ibuwal,
at upang madaig at upang ipahamak, at upang pagdalamhatiin, gayon babantayan ko
sila upang itayo at upang itatag sabi ng Panginoon. Jeremias 31:28 (TAB)
Ang mga taong ito ay walang pangako at walang tipan, kaya’t hindi siya
maliligtas.
Dahil
sa hindi nakilala ang tunay na Dios, naghirap tayo ng labis sa mga panahon: mga
digmaan, mga kagutuman, mga sakuna, mga pagsasalot at iba pa, nguni’t ang Dios
sa kasalukuyan ay nagbibigay sa atin ng isang pangako ng bagong panimula. Na
kung saan ang mga tao ay mapipisan sa nag-iisang tunay na Dios.
Ano pa
ang ibang aral ng mga relihiyon na ating kinatulugan?
Anong
aral ng Dios ang hindi natin napag-alaman dahil sa mga relihiyon?
Sa mga araw na yaon ay hindi na sila mangagsasabi. Ang mga magulang ay nagsikain
ng mga maasim na ubas, at ang mga ngipin ng mga bata ay nagsisipangilo.
Nguni't bawa't isa ay mamamatay ng dahil sa kaniyang sariling kasamaan: lahat na
nagsisikain ng mga maasim na ubas ay magsisipangilo ang mga ngipin. Jeremias 31:29-30 (TAB)
Ang aral ng mga relihiyon tungkol sa “unang kasalanan” ay hindi totoong
nakasulat sa Banal na Aklat, ito ay ginamit ng mga Israel noon, at ang mga
relihiyon ay pinasunod pa rin tayo hanggang sa kasalukuyang panahon, dahil
inaral ito sa atin kahit na hindi nararapat! Napatunayan na
natin na ang mga aral ng mga relihiyon ay iba sa aral at kautusan ng Dios: ang
sinomang magkasala ay magbabayad rin niyon, walang ibang makapagtutubos o
makapagliligtas sa sariling buhay, siya rin ang magliligtas sa kanyang sarili.
Wala ng tayong malalapitan.
Maitatanong ninyo: Papaano?
Ang
Pagpapatawad ng mga Kasalanan
Ipapaliwanag ni Maestro Evangelista kung papaano tayo makakakita ng kapatawaran sa
ating mga kasalanan at mabuhay, muli sa unang pagkakataon:
Hindi
papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil
sa mga magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan.
Deuteronomio 24:16 (TAB)
Ang
sabi n Maestro Evangelista, gaano katagal na itong naisulat sa Banal na Aklat?
Naibigay na ito noon pa sa kapanahunan ni Moses. Bakit hindi ito inaral ng mga
relihiyon sa mga tao sa buong mundo?
Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi,
Anong ibig ninyong sabihin na inyong sinasambit ang kawikaang ito tungkol sa
lupain ng Israel, na sinasabi, Kinain ng mga magulang ang mga maasim na ubas, at
ang mga ngipin ng mga anak ay nagsisipangilo? Ezekiel 18:1-2 (TAB)
Ang aral ng “unang kasalanan,” ano ang sinabi ng Dios tungkol dito?
Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi na ninyo sasambitin pa ang kawikaang
ito sa Israel. Ezekiel 18:3 (TAB)
“Buhay ako” – tunay na may Dios!
Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang
kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay. Ezekiel 18:3-4 (TAB)
Inulit ng Dios ang Kautusan na ibinigay Niya kay Moses tungkol sa kasalanan.
Walang katotohanan sa aral ng “Unang Kasalanan.” Si Adan at Eva ay nakagawa ng
kasalanan sa Hardin; sila rin ang tumanggap ng kaparusahan. Nguni’t ang mga
relihiyon ay nagsasabi na ang kasalanan nina Adan at Eva ay umabot pa sa ating
kapanahunan! Hindo totoo ito ayon sa nakasulat sa Banal na Aklat!
Bumasa
tayo sa paglilinaw sa kautusan, at makita natin ang paraan sa ating kaligtasan.
Ang kaluluwa na nagkakasala, mamamatay: ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan
ng ama, o magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak; ang katuwiran ng matuwid
ay sasa kaniya, at ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya. Ezekiel 18:20 (TAB)
Sa kabuuan, kahit si Jesus ay hindi makakapaglitas.
At
kung tayo ay nakagawa ng kasalanan, paparusahan ba tayo kaagad ng Dios?
Nguni't kung ang masama ay humiwalay sa kaniyang lahat na kasalanan na kaniyang
nagawa, at ingatan ang lahat na aking mga palatuntunan, at gumawa ng tapat at
matuwid, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay. Ezekiel 18:21 (TAB)
Hindi, hindi tayo kaagad paparusahan ng Dios, binibigyan tayo ng pagkakataon na
tubusin ang ating mga sarili: magbago at magsipanumbumalik sa Dios.
At
ayon sa mga relihiyon, na nakalista ang ating mga kasalanan sa langit, may
katotohanan ba ito?
Wala sa kaniyang mga pagsalangsang na nagawa niya na aalalahanin laban sa
kaniya: sa kaniyang katuwiran na kaniyang ginawa ay mabubuhay siya. Ezekiel 18:22 (TAB)
Ang sabi ni Maestro Evangelista: Walang ganoong bagay. Kailangan lang natin
magsisi, baguhin ang ating sarili at magsipanumbumalik sa Dios.
Natutuwa ba ang Dios sa kamatayan ng nagkasala?
Mayroon baga akong anomang kasayahan sa kamatayan ng masama? sabi ng Panginoong
Dios: at hindi baga mabuti na siya'y humiwalay sa kaniyang lakad, at mabuhay?
Ezekiel 18:23 (TAB)
Nais ng Dios na magsisi tayo sa mga kasalanan natin, magbago at magbalik sa
Kaniya.
Papaano si Jesus, na alam ang tunay na aral, nakagawa ng kasamaan, ano ang
nangyari sa kanya?
Pagka ang matuwid ay humihiwalay sa kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan,
at kinamamatayan; sa kasamaan na kaniyang nagawa ay mamamatay siya. Ezekiel 18:26 (TAB)
Habang si Jesus ay naghihirap sa krus, sumigaw siya: “Dios ko, dios ko, Bakit mo
ako pinabayaan?” Ang tanong ni Maestro Evangelista, humihingi ba si Jesus ng
kapatawaran o sinisi pa niya ang Dios? "Nagsisisi" o "naninisi?"
Sinisisi niya ang Dios! Kaya hanggang sa huling hininga ni Jesus, hindi siya
sinagot ng Dios. Siya ay pinabayaan.
Ito
ang kapanahunan na dapat na tayong gumising.
Nais
ba ng Dios na si Jesus ay mamaytay?
Sapagka't wala akong kasayahan sa kamatayan niya na namamatay, sabi ng
Panginoong Dios: kaya't magsipagbalik-loob kayo, at kayo'y mangabuhay. Ezekiel 18:32 (TAB)
Namatay si Jesus nang hindi nagsisi at hindi humingi ng kapatawaran sa Dios.
Ngayon, ang aral tungkol sa Pagliligtas sa pamamagitan ni Jesus na inaalok ng
mga relihiyon ay hindi totoo. Sa pamamagitan lang ng Dios tayo makatatanggap ng
Pagliligtas at mamuhay ng lubos sa ating mga buhay. Walang kapangyarihan si
Jesus na magligtas noong kapanahunan niya.
Ang
sabi ni Maestro Evangelista, basahin at alamin natin kung ang isang tao ay
kayang tubusin ang kasalanan ng kanyang kapwa.
Basahin natin ang kasaysayan ni Moses, ang isa sa pinakadakila sa mga sinugo ng
Dios:
At nakikipagsalitaan ang Panginoon kay Moises ng mukhaan, gaya ng isang taong
nakikipagsalitaan sa kaniyang kaibigan. At siya'y bumabalik uli sa kampamento,
datapuwa't ang kaniyang tagapangasiwang si Josue, na anak ni Nun, na may
kabataan pa, ay hindi umaalis sa Tolda. Exodo 33:11 (TAB)
Malapit na tunay si Moses sa Dios at nakikipag-usap sa Kaniya tulad ng isang
kaibigan.
May
panahon ba na si Moses ay tinangkang tubusin ang mga kasalanan ng kanyang bayan
sa Dios?
At nangyari ng kinabukasan, na sinabi ni Moises sa bayan, Kayo'y nagkasala ng
malaking kasalanan: at ngayo'y sasampahin ko ang Panginoon; marahil ay aking
matutubos ang inyong kasalanan. At bumalik si Moises sa Panginoon, at nagsabi, Oh, ang bayang ito'y nagkasala ng
malaking kasalanan, at gumawa sila ng mga dios na ginto. Exodo 32:30-31 (TAB)
“marahil ay” – Hindi tiyak si Moses kung matutubos niya ang bayan niya.
Gayon ma'y ngayon, kung iyong ipatatawad ang kanilang kasalanan; at kung hindi,
ay alisin mo ako, isinasamo ko sa iyo, sa iyong aklat na sinulat mo. Exodo 32:32 (TAB)
Tinangka bang tubusin ni Moses ang kasalanan ng bayan niya?
Malaki
ang pakiusap ni Moses, na kahit ang buhay niya ay iaalay niya sa pagpapatawad ng
mga kasalanan nila, nguni’t ano ang sabi ng Dios sa kanya?
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ang magkasala laban sa akin ay siya kong
aalisin sa aking aklat. At ngayo'y yumaon ka, iyong patnubayan ang bayan sa dakong aking sinalita sa
iyo: narito, ang aking anghel ay magpapauna sa iyo: gayon ma'y sa araw na aking
dalawin sila ay aking dadalawin ang kanilang kasalanang ipinagkasala nila.
Exodo 32:33-34 (TAB)
Hindi pinayagan ng Dios si Moses na tubusin ang kasalanan ng kanyang bayan, kung
sino ang nagkasala ay mananagot sa Dios.
Sa
panahon ng paghuhukom, ang Dios ay palaging nagsusugo ng anghel. Naghihintay ang
Dios upang magsisi tayo, baguhin ang ating buhay at manumbalik sa kanya.
Patatawarin tayo at mabubuhay.
Kung
si Moses ay hindi pinayagan ng Dios na tubusin ang kasalanan ng kanyang bayan,
papaano pa kaya kay Jesus? Ang Diops ay hindi nagliliban sa Banal na Aklat.
Ang
aral ng mga relihiyon na iniligtas ni Jesus ang mga tao sa kasalanan ay
isang kasinungalingan.
Ang
sabi ni Maestro Evangelista, ang aral na ating nabasa ay nagpapakita at
nagpapaliwanag na ang bawat tao ay hihingi ng kapatawaran sa Dios at walang
makakatubos o makakapamagitan man sa kasalanan ng iba sa Dios.
Bumalik tayo sa…
Nguni't bawa't isa ay mamamatay ng dahil sa kaniyang sariling kasamaan: lahat na
nagsisikain ng mga maasim na ubas ay magsisipangilo ang mga ngipin. Jeremias 31:30 (TAB)
Hindi makakapagligtas ang isang tao ng kanyang kapwa tungkol sa kasalanan: ang
bawa’t isa sa atin ay ang hihingi ng kapatawaran sa Dios.
At pag
nagising na tayo at makitang mali ang mga aral ng mga relihiyon:
Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y makikipagtipan
ng panibago sa sangbahayan ni Israel, at sa sangbahayan ni Juda: Jeremias 31:31 (TAB)
“ang mga araw ay dumarating” – Sa ating kasalukuyang
panahon.
“makikipagtipan ng panibago” – Bakit “bago?”
Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aking hahasikan ang
sangbahayan ni Israel at ang sangbahayan ni Juda ng binhi ng tao at ng binhi ng
hayop. Jeremias 31:27 (TAB)
Ito ang bagong pakikipagtipan sa pagitan ng Dios at ng Kanyang bagong bayan, ang
mga tao sa buong mundo.
Ano
ang pagkakaiba nito?
Hindi
ayon sa tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga magulang sa araw na aking
kinuha sila sa pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Egipto; na
ang aking tipan ay kanilang sinira, bagaman ako'y asawa nila, sabi ng Panginoon.
Ganito
isinalarawan ng Dios ang dating bayan Niya… hindi sila nanatiling tapat sa
Kaniya.
Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos
ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, Aking itatala ang aking kautusan sa
kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako'y magiging
kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan; Jeremias 31:33 (TAB)
Binabanggit na ngayon ng Dios ang tungkol sa isang sangbahayan; ito ang
pagpipisan ng “sangbahayan ni Israel, at sa sangbahayan ni Juda” at ng “binhi ng
tao at ng binhi ng hayop.” At kikilalanin sila ng Dios bilang ang bagong bayan
Niya.
Anon
ang makikita natin sa kanila?
At hindi na magtuturo bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at bawa't tao sa
kaniyang kapatid, na magsasabi, Iyong kilalanin ang Panginoon; sapagka't
makikilala nilang lahat ako, mula sa kaliitliitan sa kanila hanggang sa
kadakidakilaan sa kanila, sabi ng Panginoon: sapagka't aking ipatatawad ang
kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin.
Jeremias 31:34 (TAB)
“Iyong kilalanin ang Panginoon” – Makikilala ng bagong bayan ang tunay na Dios
at ang Kanyang Dakilang Pangalan.
Anong
kapanahunan ito?
Ang
kapanahunan na wala nang makakapanlinlang sa kanyang kapwa tungkol sa
katotohanan sa Dios.
Ganito ang sabi ng Panginoon, na nagbibigay ng araw na sumisikat na
pinakaliwanag sa araw, at ng mga ayos ng buwan at ng mga bituin na pinakaliwanag
sa gabi, na nagpapakilos sa dagat, na humugong ang mga alon niyaon; ang
Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan: Jeremias 31:35 (TAB)
“ang Panginoon ng mga hukbo” – Ang titulo o katawagan na ibinigay sa Dios, dahil
hindi Siya nagpapaliban sa Kanyang mga kaaway.
Kung ang mga ayos na ito ay humiwalay sa harap ko, sabi ng Panginoon, ang binhi
nga ng Israel ay maglilikat sa pagkabansa sa harap ko magpakailan man.
Jeremias 31:36 (TAB)
Sa huli, may isa lamang bayan na tatayo sa buong mundo, dahil ang mga ibang bayan
ay pupunta rito at pipisan upang maging isang bayan, ang Bagong Bayan ng Dios.
Basashin natin muli:
Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos
ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, Aking itatala ang aking kautusan sa
kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako'y magiging
kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan; Jeremias 31:33 (TAB)
“sila'y magiging aking bayan” – Sinu-sino sila? Sino ang magkakaroon ng
karapatan na tawaging “bayan ng Dios” at tumawag sa Dios na “Ama?”
Gumising ka, Oh tabak, laban sa pastor ko, at laban sa lalake na aking kasama,
sabi ng Panginoon ng mga hukbo: saktan mo ang pastor at ang mga tupa ay
mangangalat; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa mga maliit. Zacarias 13:7 (TAB)
Ang “Pastor” na binabanggit ay si Jesus – Alam na natin ito.
“mga
tupa” – Ang kanyang mga apostol.
“mga
maliliit” – Ang mga relihiyon at ang galit ng Dios sa kanila ay higit.
At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ng Panginoon, dalawang bahagi ay
mahihiwalay at mamamatay; nguni't ang ikatlo ay maiiwan. Zacarias 13:8 (TAB)
Sila ay mawawasak sa kapanahunan… at sino ang maiiwan?
At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na
parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto.
Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking
sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.
Zacarias 13:9 (TAB)
Kanilang tatawagan ang Kanyang Pangalan, at didinggin Niya sila at tatawagin na
ang Bagong Bayan ng Dios.
Magaganap ba ang Pahayag?
At ang Panginoo'y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang
Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa. Zechariah 14:9 (TAB)
“sa araw na yao'y” – Tiyak na magaganap.
“isa”
– Kapag ganap na ang pagsasama ng “sangbahayan ni Israel at ang sangbahayan ni
Juda at ng binhi ng tao at ng binhi ng hayop” – Sila ay tatawaging Bagong Bayan
ng Dios.
Pag
hindi nakilala ang tunay na Pangalan ng Dios, anumang batas o kautusan na hindi
nilagdaan, ito ay walang bisa.
Tayo
ay mapalad sa ang Pangalan ng Dios ay mahahayag sa ating kapanahunan sa
pamamagitan ng “Taga Ibang Lupa,” na si Maestro Evangelista, na inihayag sa Banal
na Aklat, ang Salita ng Dios.
Bumalik tayo muli sa Pahayag:
Dito'y nagising ako, at ako'y lumingap; at ang aking pagkakatulog ay masarap.
Jeremias 31:26 (TAB)
Ito ang kalagayan sa kasalukuyan ng mga tao sa buong mundo; sila ay tulog pa sa
mga aral ng mga relihiyon. Gigisingin na natin sila.
“masarap” – Dahil ang mga aral ng mga relihiyon tungkol sa himala, ang
pagkabuhay muli at ang walang hanggang buhay ay hindi totoo.
Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aking hahasikan ang
sangbahayan ni Israel at ang sangbahayan ni Juda ng binhi ng tao at ng binhi ng
hayop. Jeremias 31:27 (TAB)
Ang mga taong mula sa “naunang nilikha” ay ipipisan sa mga taong mula sa
“ikalawang nilikha.”
At mangyayari, na kung paanong binantayan ko sila upang alisin, at upang ibuwal,
at upang madaig at upang ipahamak, at upang pagdalamhatiin, gayon babantayan ko
sila upang itayo at upang itatag sabi ng Panginoon. Jeremias 31:28 (TAB)
Ito ang dinanas ng mga “unang nilikha;” hindi ba natin dinaranas rin ang mga ito
sa kasalukuyan?
At
kung ang mga tao mula sa “naunang nilikha” ay ipipisan sa mga taong mula sa
“ikalawang nilikha,” ano ang mangyayari?
Sa mga araw na yaon ay hindi na sila mangagsasabi. Ang mga magulang ay nagsikain
ng mga maasim na ubas, at ang mga ngipin ng mga bata ay nagsisipangilo.
Jeremias 31:29 (TAB)
Wala na ang mga aral na mapanlilang ng mga relihiyon!
At mangyayari, na kung paanong binantayan ko sila upang alisin, at upang ibuwal,
at upang madaig at upang ipahamak, at upang pagdalamhatiin, gayon babantayan ko
sila upang itayo at upang itatag sabi ng Panginoon. Jeremias 31:28 (TAB)
“upang itayo at upang itatag” – Sino ang magtatayo at magtatatag, ang Dios ba
ang kakausap sa atin?
Basahin natin sa Banal na Aklat tungkol sa tagubilin ng Dios sa atin:
Ayon sa lahat ng iyong ninasa sa Panginoon mong Dios sa Horeb, sa araw ng
kapulungan, na sinasabi, Huwag mong iparinig uli sa akin ang tinig ng Panginoon
kong Dios, ni ipakita pa sa akin itong dakilang apoy, upang huwag akong mamatay.
Deuteronomio 18:16 (TAB)
Ito ang hiniling ng mga taong-bayan kay Moses tungkol sa Dios. Ano ang sagot ng
Dios?
At sinabi ng Panginoon sa akin, Mabuti ang kanilang pagkasabi ng kanilang
salitain. Deuteronomio 18:17 (TAB)
Hindi na maririnig ang Dios ng Kanyang bayan, ang panahon ng pakikipagtalastasan
sa mga tao ay tapos na.
Sino
na ang magsasalita sa mga tao para sa Dios?
Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid,
na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang
sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya. Deuteronomio 18:18 (TAB)
Ang Dios ay magsusugo ng isang gaya ni Moses, saan siya manggagaling?
“sa
gitna ng kanilang mga kapatid” – Manggagaling siya sa mga naunang nilikha ng
Dios o sa mga “binhi ng tao at ng binhi ng hayop,” hindi sa bayan ng Israel, ang
mga ikalawang nilikha.
“aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya” – Ito ang pagkakaiba niya
kay Moses.
Ano
ang malalaman natin mula sa sinugo?
At mangyayari, na sinomang hindi makikinig sa aking mga salita na kaniyang
sasalitain sa aking pangalan, ay aking sisiyasatin yaon sa kaniya.
Deuteronomio 18:19 (TAB)
Magsasalita siya sa mga tao sa Pangalan ng Dios.
Bakit?
Ano ang nangyari noon na kinailangan ng bayan Niya na malaman ang Kanyang
Pangalan?
Bukod dito ay sinabi ni Jeremias sa buong bayan, at sa lahat ng mga babae,
Inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, buong Juda, na nasa lupain ng Egipto:
Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, Kayo
at ang inyong mga asawa ay kapuwa nangagsalita ng inyong mga bibig, at ginanap
ng inyong mga kamay, na nagsasabi, Tunay na aming tutuparin ang aming mga panata
na aming ipinanata, na magsunog ng kamangyan sa reina ng langit, at ipagbuhos ng
mga inuming handog siya: inyo ngang isagawa ang inyong mga panata, at inyong
tuparin ang inyong mga panata. Jeremias 44:24-25 (TAB)
Ang bayan ni Moses (ang sangbahayan ng Judah) sa paninirahan nila sa Egipto noon ay sumamba sa ibang dios,
na tinawag nilang "reina ng langit," na kahit sa ating panahon ay sinasamba pa, sa
kaanyuan ni
Marya, ng ina ni Jesus, na tinatawag rin na
"Reina ng Langit at Lupa."
Ano
ang ibinigay sa kanila ng Dios?
Kaya't inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, buong Juda na tumatahan sa
lupain ng Egipto. Narito, ako'y sumumpa ng aking dakilang pangalan, sabi ng
Panginoon, na ang aking pangalan ay hindi mababanggit sa bibig ng sinoman sa
Juda sa buong lupain ng Egipto, na sabihin, Buhay ang Panginoong Dios.
Jeremias 44:26 (TAB)
Dahil sa pagsamba nila sa "reyna ng langit," sila
ay isinumpa ng Dios na hindi na nila
mababanggit ang Kanyang Pangalan. Ang sumpa ay may bisa pa hanggang sa
kasalukuyan, kahit ang mga Hudyo ay hindi alam at hindi mababanggit ang tunay na
Pangalan ng Dios. Mababanggit lang nila ang “Hashem” o "The Name" na kapalit sa
Tunay na Pangalan ng Dios.
At
ang mga tao at ang mga relihiyon ay hindi napag-alaman ang tunay na Pangalan ng
Dios dahil hindi sila ang mga sinugo ng Dios upang ipakilala ang Kanyang Tunay
ng Pangalan. Kaya’t makikita natin sa mga relihiyon ang pagtawag sa mga
pangalang YHWH, Yahweh, Jehovah, El, Elohim, Adonai, The LORD, Hashem, hanggang sa tinangka nilang
masanay ang mga tao sa pangalang “yeshua” o “yashua” ang pangalan ni
Jesus sa salitang Hebreo, na bilang ibang pangalan ng Dios. Ito ang isa sa mga
panglilinlang hanggang sa kasalukuyan.
May
isang tao lamang; isang sinugo, na darating, hindi galing sa bayan ng Israel,
siya ang magpapakilala ng Pangalan ng Dios sa mga tao. Magagawa niya
iyon dahil hindi siya saklaw ng sumpa na ibinigay sa bayan ng Judah!
Totoo
ba na ang sinugo na ipinangako ng Dios kay Moses ay hindi manggagaling sa bayan
ng Judah o sa bayan ng Israel?
Bukod dito'y tungkol sa taga ibang lupa, na hindi sa iyong bayang Israel, pagka
siya'y magbubuhat sa isang malayong lupain dahil sa iyong pangalan; I Mga
Hari 8:41 (TAB)
“na hindi sa iyong bayang Israel” – Malinaw na ngayon, ang
paglalarawan na ibinigay kay Moses tungkol sa “Taga Ibang Lupa” na sinugo ng
Dios ay lubos.
“magbubuhat sa isang malayong lupain” – Ang “Taga Ibang Lupa” ay hindi saklaw ng
Sumpa na ibinigay noon na nakasulat sa Jeremias 44:24-26, dahil hindi nabibilang
sa bayan nila.
(Sapagka't kanilang mababalitaan ang iyong dakilang pangalan, at ang iyong
makapangyarihang kamay, at ang iyong unat na bisig:) pagka siya'y paririto at
dadalangin sa dako ng bahay na ito; I Mga Hari 8:42 (TAB)
“kanilang mababalitaan ang iyong dakilang pangalan” – Darating ang panahon na
kalugodlugod sa Dios na ang “Taga Ibang Lupa” ay haharap sa mga tao sa buong
mundo sa pamamagitan ng cable TV upang kanyang ganapin ang tungkulin na ibinigay
sa kanya ng Dios.
Dinggin mo nga sa langit na iyong tahanang dako, at gawin mo ang ayon sa lahat
na idalangin sa iyo ng taga ibang lupa; upang makilala ng lahat ng mga bayan sa
lupa ang iyong pangalan, upang matakot sa iyo, gaya ng iyong bayang Israel, at
upang kanilang makilala na ang bahay na ito na aking itinayo ay tinatawag sa
pamamagitan ng iyong pangalan. I Mga Hari 8:43 (TAB)
“Dinggin mo nga sa langit” – Nasaan ang Dios? Nasa langit Siya, kaya nga ang
“Taga Ibang Lupa” ang magsasalita sa mga tao.
Ang
sinabi ng Dios kay Moses ang isang sinugo na “gaya mo” ibig sabihin ang taong
ito ay may tungkulin o misyon na gaya ng kay Moses.
Ano
ang dinala ni Moses? Ang Tipan sa pagitan ng Dios at ng kanyang bayan. Nagtagal
ba iyon? Hindi.
Iyon
ba ay sinira o pinutol? Pinutol. Dahil ang anumang tipan bilang isang kasunduan
ay dapat taglay ang mga pangalan ng magkabilang panig. Yamang hindi nakilala ang
Pangalan ng Dios ng kanyang bayan, ang bayan ng Israel noon; nawalan ng bisa ang
tipan ng lumaon.
Kaya
ang “Taga Ibang Lupa” ay paririto upang ihayag ang Pangalan ng Dios at ito ay
inuulit muli sa:
Ang salita nga ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata
ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta sa mga bansa. Jeremias 1:4-5 (TAB)
Ang pahayag na ito ay ibinigay din kay Jeremias upang ito ay maipagpatuloy hanggang
sa takdang panahon.
“propeta sa mga bansa” – Ang propetang binabanggit ay hindi si Jeremias, ito ay
isang propeta na susuguin sa mga bansa sa buong mundo.
Si
Jeremias ay sinugo lamang sa bayan ng Israel, kasama ng iba pang mga propeta.
Nguni’t ang propetang ito ay namumukod-tangi, ang propeta sa mga bansa sa buong
mundo.
Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah, Panginoong Dios! narito, hindi ako marunong
magsalita: sapagka't ako'y bata. Jeremias 1:6 (TAB)
Ang propetang sinugo ay hindi gaanong maalam sa Banal na Aklat sa pamantayan ng
mga relihiyon, nguni’t ano ang sinabi ng Dios?
Nguni't sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong sabihin, Ako'y bata: sapagka't
saan man kita susuguin ay paroroon ka, at anomang iutos ko sa iyo ay sasalitain
mo. Jeremias 1:7 (TAB)
Dahil kung ating titingnan ang kasalukuyang kalagayan ng mundo, ito ang magiging
labanan sa pagitan ng propeta at mga relihiyon.
Huwag kang matakot dahil sa kanila; sapagka't ako'y sumasaiyo upang iligtas
kita, sabi ng Panginoon. Jeremias 1:7-8 (TAB)
Hindi siya pababayan ng Dios.
Nang magkagayo'y iniunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, at hinipo ang aking
bibig; at sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, inilagay ko ang aking mga salita
sa iyong bibig: Jeremias 1:9 (TAB)
Siya ang propetang ipinangako ng Dios kay moses, at totoo ba na siya rin ang
propetang magtatayo mula sa mga ibinagsak?
Tingnan mo, aking pinapagpupuno ka sa araw na ito sa mga bansa at sa mga
kaharian, upang magalis at magbagsak at upang magsira at magwasak, upang magtayo
at magtatag. Jeremias 1:10 (TAB)
Siya ang propetang sinugo upang ganapin ang
Pahayag sa:
Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aking hahasikan ang
sangbahayan ni Israel at ang sangbahayan ni Juda ng binhi ng tao at ng binhi ng
hayop
Jeremias 31:27 (TAB)
Magkakaroon ng pagiisa ng mga tao ng “unang nilikha” at ng mga tao ng “ikalawang
nilikha.”
At mangyayari, na kung paanong binantayan ko sila upang alisin, at upang ibuwal,
at upang madaig at upang ipahamak, at upang pagdalamhatiin, gayon babantayan ko
sila upang itayo at upang itatag sabi ng Panginoon. Jeremias 31:28 (TAB)
Ito ang misyon ng “Taga Ibang Lupa” na ipinangako kay Moses.
Sino
ang ““Taga Ibang Lupa?” Mahahayag mamaya.
Gaya
ng nabanggit kanina:
Gumising ka, Oh tabak, laban sa pastor ko, at laban sa lalake na aking kasama,
sabi ng Panginoon ng mga hukbo: saktan mo ang pastor at ang mga tupa ay
mangangalat; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa mga maliit. Zacarias 13:7 (TAB)
Bakit binanggit na “laban sa lalake na aking kasama?”
Ang
paliwanag ni Maestro Evangelista, ang “lalake” na binabanggit ay ang isang sinugo ng Dios na inihayag sa:
At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, Sapagka't ginawa mo ito, ay sumpain ka ng
higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawa't ganid sa parang; ang iyong tiyan
ang ilalakad mo, at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong
buhay: Genesis 3:14 (TAB)
Matapos ang Pagtukso sa Halamanan, hindi pinayagan ng Dios na hindi maparusahan
ang ahas, nguni’t ang isang tanong na sumasaisip ay nang sabihin sa ahas – “ang
iyong tiyan ang ilalakad mo” ibig sabihin, ang ahas ay may paa noon! Kaya ang
manlilinlang ay nagtagumpay sa pagtukso kay Eva dahil ito ay lumapit sa kanya sa
anyo ng ahas bilang pagbabalat-kayo. Nguni’t kung ang manlilinlang ay tutuksuhin
si Eva sa tunay nitong anyo, matutukso ba nito si Eva?
Ang
dahilan kung bakit tayo rin ay nalilinlang sa takbo ng kasaysayan ay hindi natin
nakilala ang mga anyo ng pagbabalat-kayo ng “manlilinlang.”
Ano
ang tunay na anyo ng manlilinlang/ahas sa Banal na Aklat?
Ang
sabi ni Maestro Evangelista, basahin natin ang tungkol dito:
At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at
Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang
kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya. Apocalipsis 12:9 (TAB)
Sa kaunaunahang pagkakataon, ang ahas ay nabunyag na dragon, ang Diablo at
Satanas. Ang huling ibubunyag ay pagkakilala sa mga “anghel” ni Satanas. Ito ang
isa sa mga pahayag na ibibigay ni Maestro Evangelista sa ating pagbasa:
At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi:
ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong. Genesis 3:15 (TAB)
Ang labanan sa pagitan ng ahas at ng babae ay hindi pa tapos. Buhat ng mawala
sina Adan at Eva sa kinalalagyan nila sa Halamanan ng Eden, binigyan ng Dios ang
kanilang mga anak na pagkakataon na mabawi ito muli, sa paglupig sa ahas at sa
mga anghel nito; upang makabalik sa Halamanan ng Eden.
Ngunit
tatangkain ding talunin ng ahas ang kanyang anak. Ito ang misyon, ang “Taga
Ibang Lupa” ang magiging anak ng babae na tatalo sa ahas at ihanda ang daan
pabalik sa Halamanan ng Eden. Totoo ba ito?
Balik
tayo sa:
Gumising ka, Oh tabak, laban sa pastor ko, at laban sa lalake na aking kasama,
sabi ng Panginoon ng mga hukbo: saktan mo ang pastor at ang mga tupa ay
mangangalat; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa mga maliit. Zacarias 13:7 (TAB)
Bakit “lalake na aking kasama?” – Dahil ang lalaking ito ay kasama sa
Pahayag ng
Dios.
“pastor” – Si Jesus, na hindi nagtagumpay sa kanyang misyon.
“mga
tupa” – Ang mga apostol, na nagpatuloy ng mga maling aral ni Jesus.
“ang
mga maliliit” – ang mga relihiyon na sumunod sa mga aral ng mga apostol at ni
Jesus!
Ano
ang mangyayari sa kanila?
At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ng Panginoon, dalawang bahagi ay
mahihiwalay at mamamatay; nguni't ang ikatlo ay maiiwan. Zacarias 13:8 (TAB)
Sinu-sino ang maiiwan?
At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na
parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto.
Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking
sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.
Zacarias 13:9 (TAB)
Malinaw na ang bagong bayan ng Dios ay hindi na ang mga lahi ng “babae”
o ang dating bayan nila Jesus – ang
mga “ikalawang nilikha.”
Noon, ang mga sangbahayan ng Judah at Israel ay kinilala na bayan ng Dios, nguni’t
ngayon ayon sa Pahayag, at sa Jeremias 31:26-28; ang lahat ay inaanyayahan na
mapabilang sa bayan ng Dios, kung kikilalanin nila ang Dios, tumawag sa
Kanyang Pangalan at magsipanumbalik sa Kaniya.
Papaano itinuring na si Jesus ang lalaking malapit sa Dios?
Ang
sabi ni Maestro Evangelista, si Jesus ay sinugo ng Dios upang ipagpatuloy ang
labanan mula sa Halamanan ng Eden at ipakita sa kanyang bayan ang daan ng kaligtasan sa pagpapakilala ng
Dakilang
Pangalan ng Dios, na makikita sa bahay na itinayo noon ni Salomon. At sa gayon ay makatawag
ang kanyang bayan sa Pangalan ng Dios at sasagutin sila at ipapakita
ang pagliligtas sa kanyang bayan.
Basahin natin ang Pahayag tungkol sa pagdating ni Jesus:
At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon, Oh sangbahayan ni David; maliit na
bagay ba sa inyo ang mamagod sa mga tao na inyong papagurin rin ang aking Dios?
Isaias 7:13 (TAB)
Ang pangako sa Halamanan tungkol sa pagdating ng anak ng babae ay ginanap ng
Dios para sa Kanyang bayan.
Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay
maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na
Emmanuel. Isaias 7:14 (TAB)
Si Jesus ang taong inutusan na ipakilala ang Pangalan ng Dios sa kanyang bayan,
upang maganap na ang pangalang “Emmanuel” na “Ang Dios ay sumasaatin.” Ibig
sabihin, kilala na nila ang Dios.
Ngunit
ang Dios sa pagsusugo ng mga lingkod niya, ang pagpapala at sumpa ay ibibinigay
rin, kaya nga: Siya'y kakain ng mantekilla at pulot, pagka siya'y natutong tumanggi sa
kasamaan, at pumili ng mabuti. Isaias 7:15 (TAB)
“pulot” – Matamis, ibig sabihin siya ay tuturuan ng Dios ng mga tunay na aral.
“natutong tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti” – Dahil alam ng Dios na si
Jesus ay nagmula sa mga taong mapaghimagsik, may kundisyon na ibinigay.
At sinabi rin, na kung siya ay magtagumpay siya ay tatawagin ng kanyang bayan na
“anak ng Dios” at bibigyan siya ng karapatan na tawaging “Ama” ang Dios, ang
Pahayag ay nasa II Samuel 7:14-14.
Bakit tatawagin lang siyang “anak ng Dios?”
Ang
sabi ni Maestro Evangelista, alam natin sa tunay na buhay, ang Dios ay hindi
magkakaroon ng anak at gayundin kay satanas ay hindi rin maaring
magkaroon ng anak.
Ano
ang Pahayag at ang misyon ni Jesus?
At siya'y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y
JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan.
Mateo 1:21 (TAB)
Kung magtatagumpay si Jesus sa kanyang misyon, ang pangalang “Emmanuel” – Ang
Dios ay sumasaatin; sila ay makakabalik na sa Halamanan ng Eden (simboliko), ang pamumuhay
na puno ng pagpapala ng Dios.
Alam ba niya ang kanyang misyon?
Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi, Hindi ako sinugo kundi sa mga tupang
nangaligaw sa bahay ni Israel. Mateo 15:24 (TAB)
Oo, alam niya ang kanyang misyon, ang iligtas ang kanyang bayan lamang, hindi
ang lahat ng tao.
Basahin natin kung siya ay naging matagumpay sa kanyang misyon:
At kung paano ang pagkabigay sa kaniya ng mga pangulong saserdote at ng mga
pinuno upang hatulan sa kamatayan, at siya'y ipako sa krus. Lucas 24:20 (TAB)
Ipinako siya at namatay!
Datapuwa't hinihintay naming siya ang tutubos sa Israel. Oo at bukod sa lahat ng
mga ito ay ngayon ang ikatlong araw buhat nang mangyari ang mga bagay na ito.
Lucas 24:21 (TAB)
Hindi siya nagtagumpay sa kanyang misyon.
Ano ang mga pangyayari na hindi siya
nagtagumpay?
At sinabi sa kaniya ng diablo, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ipag-utos mo na ang
batong ito ay maging tinapay. Lucas 4:3 (TAB)
Ang Diablo, na si Satanas na nagbabalat-kayo, tinutuya si Jesus, ano ang sagot?
At sinagot siya ni Jesus, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao.
Lucas 4:4 (TAB)
Sinagot ni Jesus ang Diablo ng iba. Wala siyang kapangyarihan na gawing tinapay
ang bato.
At iniakyat pa siya niya, at ipinakita sa kaniya sa sandaling panahon ang lahat
ng mga kaharian sa sanglibutan. Lucas 4:5 (TAB)
Ipinakita ng Diablo ang mundo kay Jesus.
At sinabi sa kaniya ng diablo, Sa iyo'y ibibigay ko ang lahat ng kapamahalaang
ito, at ang kaluwalhatian nila: sapagka't ito'y naibigay na sa akin; at ibibigay
ko kung kanino ko ibig. Lucas 4:6 (TAB)
Inalok ng Diablo kay Jesus ang “kapamahalaan at ang kaluwalhatian” ng mundo,
ano ang kapalit?
Kaya nga kung sasamba ka sa harapan ko, ay magiging iyong lahat.
Lucas 4:7 (TAB)
Ang kundisyon na ibinigay ng Diablo kay Jesus ay katulad ng ibinigay kay Eva na baligtarin ang kautusan ng Dios
sa Halamanan ng Eden. Sa Halamanan, may isang kautusan, ngunit sa
kalagayan ni Jesus, ang Sampung Kautusan ay naitatag na. Ang pagbaligtad ng
Sampung Kautusan ng Dios ang kundisyon na ibinigay kay Jesus sa panahon niya. Kaya nga nang kanyang sirain at ginawang dalawa ang Sampung Kautusan ng Dios,
kanyang natanggap ang ipinangako sa kanya ng Diablo/Ahas. Sa halip na
manatiling tapat sa Dios, sinunod na niya ang Diablo/ahas.
Ang
tanong ni Maestro Evangelista: Sino ang tagapagmana ng ama? Ang anak. Ito ang
dahilan kung bakit ang pagkakilala sa “ama” na binabanggit ni Jesus sa kanyang
mga aral ay hindi natukoy ng mabuti. Dahil kabaligtaran ng mga aral ng Dios ang
kanyang ginagawa.
Magsimula tayong tuklasin kung sino ang “Ama” na binabanggit ni Jesus sa Bagong
Tipan:
At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, Sapagka't ginawa mo ito, ay sumpain ka ng
higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawa't ganid sa parang; ang iyong tiyan
ang ilalakad mo, at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong
buhay: At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi:
ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong. Genesis 3:14-15 (TAB)
Ang Pahayag ay nagbabanggit ng anak ng ahas at ng anak ng babae, hindi ang “anak ng
Dios.” Tinanggap ni Jesus ang “kapamahalaan at kaluwalhatian ng mundo” na
ipinangako ng Diablo, kaninong anak si Jesus ngayon? Sa Diablo/ahas!
Ito
ang pahayag ng Dios na nais na ibigay sa lahat ng tao; na si Jesus ay hindi
nagtagumpay sa kanyang misyon at ang labanan sa pagitan ng anak ng ahas at ng
anak ng babae ay patuloy pa rin.
Minana
ba ni Jesus ang kapangyarihan at kapamahalaan ng Diablo/ahas?
Sinasabi ng mga relihiyon kapag may masamang nangyari sa ating mga buhay dapat
isisi natin sa Diablo/Ahas. Ngayon basahin natin kung ano ang nasabi ni
Jesus tungkol dito:
Ako'y naparito upang maglagay ng apoy sa lupa; at ano pa ang iibigin ko, kung
magningas na? Datapuwa't ako'y may isang bautismo upang ibautismo sa akin; at gaano ang aking
kagipitan hanggang sa ito'y maganap? Lucas 12:49-50 (TAB)
Si Jesus ang nagdala ng ligalig sa mundo, hindi na ang Diablo/ahas!
Ang
mga relihiyon ay patuloy na nagsasabing; “Dala ni Jesus ang kapayapaan sa
mundo!” Tanungin natin si Jesus kung tunay ngang dala niya ang kapayapaan sa
mundo:
Inaakala baga ninyo na ako'y naparito upang magbigay ng kapayapaan sa lupa?
Sinasabi ko sa inyo, Hindi, kundi bagkus pagkakabahabahagi:
Sapagka't mula ngayon ay magkakabahabahagi ang lima sa isang bahay, tatlo laban
sa dalawa, at dalawa laban sa tatlo. Sila'y mangagkakabahabahagi, ang ama'y laban sa anak na lalake, at ang anak na
lalake ay laban sa ama; ang ina'y laban sa anak na babae, at ang anak na babae
ay laban sa kaniyang ina; ang biyanang babae ay laban sa kaniyang manugang na
babae, at ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyanang babae. Lucas 12:51-53 (TAB)
Kung iba ang sinasabi ni Jesus sa mga ipinapangaral ng mga relihiyon, sino na
ang nagsasabi ng totoo, si Jesus o ang mga relihiyon? Sino ang nandadaya o
nanlilinlang sa mga tao sa buong mundo sa kasalukuyan?
Basahin natin muli ang pagkakilala sa ahas:
At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at
Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang
kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya. Apocalipsis 12:9 (TAB)
Malinaw na, ang dahilan kung bakit matagumpay ang Manlilinlang sa pandaraya sa
mga tao sa mundo ay sa dahilang may kakayahan itong magbago ng anyo, at sa pagparito ng
“Taga Ibang Lupa,” mabubunyag ang Manlilinlang; at ang mga tao sa buong mundo ay
makikilala ang iba’t-ibang anyo ng pandaraya nito. Ang Ahas ay ang Satanas, ang
Diablo at ang Dragon!
Ang
huling ibubunyag ng “Taga Ibang Lupa” ay ang “mga anghel” ni Satanas.
Upang ating mabakas ang pagkakilala sa “mga anghel” ni Satanas dapat nating
malaman kung kanino inilipat ni Jesus ang kanyang kapangyarihan at
kapamahalaan mula sa Diablo/Ahas:
At tinipon niya ang labingdalawa, at binigyan sila ng kapangyarihan at
kapamahalaan sa lahat ng mga demonio, at upang magpagaling ng mga sakit.
At sila'y sinugo niya upang ipangaral ang kaharian ng Dios, at magpagaling ng
mga may sakit. Lucas 9:1-2 (TAB)
Bago mamatay si Jesus, nailipat niya ang kanyang kapangyarihan at kapamahalaan
sa mga apostol niya. Sa paanong paraan?
Ang
tanong ni Maestro Evangelista: Nakarinig o nakaalam ba kayo ng relihiyon o
simbahan na hindi nagsasagawa ng pagpapagaling sa pamamagitan ng pananalangin sa
pangalan ni Jesus at ang pangangaral ng kaharian ng Dios? Wala. Lahat sila ay
nagpapagaling at nagpapalayas ng mga demonyo at higit sa lahat, ang pangangaral
ng kaharian ng dios na hindi kilala.
Ang
sabi ni Maestro Evangelista, kung ang mga relihiyon ay nangangaral nga ng isang
kaharian ng dios; ano ang Pangalan ng Dios? Hindi nila alam, at kanilang
ipapalit ang mga ibang pangalan at ang pangalan ni Jesus. Kaya nga ang
ipinangakong kaharian ng dios na ipinangangaral ng mga relihiyon ay ang kaharian
ng isang dios na hindi kilala. Ganito, ang mundo ay nasumpa.
Lagi
nating nababasa ang tungkol sa “ama” na tinawag ni Jesus sa mga ebanghelyo sa
Bagong Tipan sa Banal na Aklat, sino siya?
Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong
gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa
katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng
kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang
sinungaling, at ama nito. Juan 8:44 (TAB)
“Ama” – Inihayag sa Genesis 3:14-15, dahil nga ang ahas ay hindi maaaring
magkaroon ng anak, kung sinoman ang sumailalim sa kapangyarihan ng ahas ay
ituturing na anak nito!
Ito
ang panahon na sinaway ni Jesus ang kanyang bayan, nguni’t sa kalaunan siya ay
naging kasangkapan ng Diablo. Nagsinungaling siya sa kanyang bayan, at hindi
ginampanan ang kanyang misyon, bagkus ay nilinlang pa niya ang kanyang bayan na
magkasala pa ng marami.
Binanggit ni Jesus na ang Diablo na isang “ama” rin, at kung tumawag siya sa
isang “ama” sa Bagong Tipan, nangangahulugan na si Jesus ay sumailalim sa
kapangyarihan ng Diablo/ahas!
Bagaman ang Dios ay binabanggit ding “Ama” sa Banal na Aklat, nguni’t sa
ginawang pagbaligtad sa mga aral at kautusan ng Dios at palaging malapit sa
isang “ama,” ang “ama” na binanggit ay hindi na ang Dios. Bakit?
Papaanong magagalak ang Dios kay Jesus kung binaligtad niya ang mga aral at mga
kautusan ng Dios?
Sino
ang “ama” ni Jesus kung gayon? Alam na ninyo ang sagot.
Kailan
natatapos ang labanan?
At ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit: isang babae na nararamtan ng
araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa, at sa kaniyang ulo ay may
isang putong na labingdalawang bituin; At siya'y nagdadalang tao; at siya'y sumisigaw, na nagdaramdam sa panganganak,
at sa hirap upang manganak. Apocalipsis 12:1-2 (TAB)
“babae” – Isinasagisag nito ang bagong bayan ng Dios, hindi ang ina ni Jesus.
Hindi
ito ang ina ni Jesus; matagal nang patay si Jesus nang ibinigay ang pahayag na ito
at binabanggit pa nito ang isang panganganak, hindi siya ang gaganap nito.
At ang ibang tanda ay nakita sa langit: at narito, ang isang malaking dragong
mapula, na may pitong ulo at sangpung sungay, at sa kaniyang mga ulo'y may
pitong diadema.
Apocalipsis 12:3 (TAB)
“dragon” – Ang sabi ni Maestro Evangelista, ang dragon/ahas ay binabanggit pa sa
Aklat ng Apocalipsis, nangangahulugan na ang labanan na nagsimula sa Halamanan
ng Eden sa Aklat ng Genesis ay patuloy pa, hindi pa ito natatapos.
At kinaladkad ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit, at
ipinaghagis sa lupa: at lumagay ang dragon sa harapan ng babaing manganganak na,
upang lamunin ang kaniyang anak pagkapanganak niya. Apocalipsis 12:4 (TAB)
Ang unang isinagisag na anak ng babae ay si Jesus, mula sa lahi ni
Eva, ang
ikalawang nilikha; nguni’t siya ay nadaig o nadurog ng ahas/Diablo ang “kanyang
sakong” – Genesis 3:14-15.
At siya'y nanganak ng isang anak na lalake, na maghahari na may panghampas na
bakal sa lahat ng mga bansa: at ang kaniyang anak ay inagaw na dinala hanggang
sa Dios, at hanggang sa kaniyang luklukan. Apocalipsis 12:5 (TAB)
Ngayon, ang Pahayag ay nagbanggit ng pagkapanganak ng isang anak na lalake, na
naririto na, ano ang mangyayari sa dragon/ahas?
Kaya't mangagalak kayo, Oh mga langit at kayong nagsisitahan diyan. Sa aba ng
lupa at ng dagat: sapagka't ang diablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit,
sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya. Apocalipsis 12:12 (TAB)
Sino ang nandaya kay Jesus? Ang Diablo/ahas.
Inamin
na ni Jesus na siya ay hindi nagtagumpay sa kanyang misyon at siya rin ang
nagdala ng pagkabahabahagi sa kapanahunan niya at nagdulot ng maraming ligalig
sa mundo. Nang namatay siya, ang kanyang mga apostol ang nagpatuloy ng kanyang
gawain ng pagkakabahabahagi at ipinagpatuloy ang panlilinlang sa kanilang
panahon. At nang mamatay ang mga apostol, ang mga relihiyon at ang mga simbahan
ang nagpatuloy sa pagpapalagananap ng panlilinlang sa mga bansa sa mundo, sila
ang “mga anghel” ni Satanas!
Ang
anak na lalake ng babae na ipinangako sa Halamanan ng Eden ang naging anak ng
lalake ng ahas!
Sino
ang tatayong “anak na lalake” ng babae kung wala na si Jesus? Ang anak na
lalake na iyon ay ipinanganak sa Aklat ng Apocalipsis!
Sino
ang “anak na lalake” na may “pamalong bakal?”
Ipakikita sa atin ni Maestro Evangelista:
Bakit ang mga bansa ay nagkakagulo, at ang mga bayan ay nangag-aakala ng walang
kabuluhang bagay?
Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda, at ang mga pinuno ay nagsasanggunian,
Laban sa Panginoon at laban sa kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi:
Lagutin natin ang kanilang tali, at ating iwaksi ang kanilang mga panali sa
atin. Awit 2:1-3 (TAB)
Ang panahon ay darating na, ang mga relihiyon ay lalaban sa mga aral na dala ng
“Taga Ibang Lupa” o ang “anak na lalake,” dahil ang mga ito ay totoo. Wawasakin
sila ng mga aral na ito.
Ano
ang sasabihin ng Dios?
Siyang nauupo sa kalangitan ay tatawa - ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan.
Kung magkagayo'y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot, at babagabagin
sila sa kaniyang malabis na sama ng loob:
Gayon ma'y inilagay ko ang aking hari sa aking banal na bundok ng Sion.
Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay
aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita. Awit 2:4-7 (TAB)
Ang mga relihiyon at ang mga tao sa buong mundo ay malalaman sa wakas
na ang
Dios nga ay nagsugo ng kanyang propeta upang magsalita para sa Kaniya.
Dagdag
pa ni Maestro Evangelista, si Jesus kahit bago pa siya ipanganak, ang tanda ay
ibinigay na nang ilang daang taon na nagtuturo sa kanya na siya (Jesus) ang
“pinili” o pinahiran ng langis ng Dios, nguni’t kay Maestro Evangelista, wala
siyang tanda na magtuturo sa kanya na siya ang sinugo, dahil sa mahigit na anim
na bilyong tao sa mundo, siya lang ang may kakayahang ibigay ang tunay ng
mensahe ng Dios. At nangyari iyon ng July 16, 1990.
Ano
ang sabi ng Dios?
Humingi ka sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana, at
ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari. Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal; iyong dudurugin sila na parang
isang sisidlan ng magpapalyok. Awit 2:8-9 (TAB)
Ang buong mundo ay bibigyan ng mana ng Dios, kung sila ay manunumbalik sa Dios,
ang pagbabalik sa Halamanan ng Eden! Ito ang pagpapala mula sa Dios: ang
Kapayapaan sa Mundo.
Ano
ang payo sa atin ng Dios?
Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari: mangatuto kayo, kayong mga
hukom sa lupa. Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot, at mangagalak na may
panginginig. Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan,
sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab. Mapapalad ang nanganganlong sa
kaniya. Awit 2:10-12 (TAB)
Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot” – dito, ang sabi Maestro
Evangelista, maglingkod lang tayo sa Dios at sundin ang Kanyang mga Kautusan at
magbigay galang sa Sinugo Niya, ang taong nilagyan ng Kanyang Salita.
Siya
ang magtuturo sa atin ng daan tungo sa tunay na Dios at ang landas pabalik sa
Halamanan ng Eden.
Sa
pagparito ng “Taga Ibang Lupa” ng Dios, ang dakilang panlilinlang ng mga
relihiyon ay umabot na sa sukdulan, ang panahon ng kanilang pagbagsak ay
parating na.
At
ating nabasa ang mga aral na hango sa Banal na Aklat, at walang sinoman ang
makakapangaral ng ganitong aral kung hindi siya kinasihan ng Dios, ang
Makapangyarihan, upang wakasan na ang panlilinlang sa mundo at gisingin ang mga
tao sa buong mundo sa kanilang mahimbing na pagkatulog sa mga relihiyon!
Sino
ang nagsisinungaling sa mundo? Ang Banal na Aklat o ang mga relihiyon?
Ito
ang panahon na kung saan ang mga tao sa buong mundo ay malalaman na sila ay
nilinlang ng matagal na panahon.
Ngayon,
binaggit ba ni Jesus na may parating na “taga Ibang Lupa?"
Papaano siya isinilarawan ni Jesus? Basahin ang Patotoo ni Jesus hinggil sa taong ito:
Bumalik sa Itaas.
Magpatuloy sa:
Ang "Hayop" Sa
Aklat ng Apokalipsis
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Wednesday May 28, 2014
|