Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Ang Tunay na Kahulugan ng "Ikatlong Araw"
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
ANG DAHILAN NG LAHAT
Inihayag noong ika-22 ng Agosto 2005
Isipin natin ang kasalukuyang kalagayan ng mundo. Sa mga nagdaang taon ay
naranasan natin ang mga digmaan, kagutuman, salot, kamatayan, mababagsik na
sakit, pagkasira ng kalikasan at sakuna... at mas lalo pang lumalala hanggang sa
kasalukuyan.
Kailan tayo magkakaroon ng Kapayapaan o Kapahingahan sa mga ito?
Ang sabi ni Maestro Evangelista, tayo ay nasumpa dahil hindi natin nakilala ang
Dios at sumamba tayo sa ibang dios na hindi natin kilala.
Maaaring ang mga kasagutan na ating kailangan ay hindi makikita sa iba't-ibang
lugar na ating pinagtingnan.
Upang ating malaman ang mga kasagutan sa ating mga tanong, basahin muna natin
kung ano ang masasabi ng Dios tungkol dito.
Bakit dinaranas natin ang ganito?
Sinasabi ni Maestro Evangelista na basahin natin ang kasagutan sa Banal na Aklat:
Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay
gumuho sa iyong harapan.
Gaya ng kung nililiyaban ng apoy ang siitan, at ng kung pinakukulo ng apoy
ang tubig; upang ipakilala ang iyong pangalan sa iyong mga kaaway, upang ang
mga bansa ay manginig sa iyong harapan!
Isaias 64:1-2 (TAB)
"ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan" - Ito ang simula
ng sunodsunod na mga sakuna, kaguluhan at mga kakaibang pangyayari sa
kasalukuyang salinlahi natin. Ito na ang kaganapan ng pahayag ng Dios, ang sumpa
Niya sa atin.
Kaya narito ngayon si Maestro Evangelista upang ibigay ang mga pahayag hinggil
sa Mensahe ng Dios:
Nang ikaw ay gumawa ng mga kakilakilabot na bagay na hindi namin
hinihintay, ikaw ay bumaba, ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan.
Sapagka't hindi narinig ng mga tao mula nang una, o naulinigan man ng
pakinig, o ang mata ay nakakita man ng Dios liban sa iyo, na iginagawa niya
ng kabutihan ang naghihintay sa kaniya.
Iyong sinasalubong siya na nagagalak at gumagawa ng katuwiran, yaong
nagsialaala sa iyo sa iyong mga daan: narito, ikaw ay napoot, at kami ay
nagkasala: napasa kanila kaming malaong panahon; at maliligtas baga kami?
Sapagka't kaming lahat ay naging parang marumi, at ang lahat naming
katuwiran ay naging parang basahang marumi: at nalalantang gaya ng dahon
kaming lahat; at tinatangay kami ng aming mga kasamaan, na parang hangin.
Isaias 64:3-6 (TAB)
"nakakita man ng Dios liban sa iyo" - Iisa lang ang tunay ng Dios!
"narito,
ikaw ay napoot, at kami ay nagkasala" - Tunay na tayo ay pinarurusahan ng Dios.
Hindi ba natin dinaranas ang mga nagaganap na kakilakilabot na pangyayari sa
buong mundo? Bakit ginagawa ito ng Dios?
At walang tumatawag ng iyong pangalan, na gumigising
upang manghawak sa iyo; sapagka't ikinubli mo ang iyong mukha sa amin, at
iyong pinugnaw kami sa aming mga kasamaan.
Isaias 64:7 (TAB)
Ang sabi ni Maestro Evangelista: Walang tumawag sa Pangalan ng Dios! Tayo ay
isinumpa nang tayo ay sumamba sa ibang dios na hindi natin nakilala.
Nakakalungkot man, nguni't ang totoo na sa dinamirami ng mga tao ngayon sa mundo,
ay walang tumawag sa Kanyang Pangalan.
Ngayon, ano ang huling gagawin ng Dios?
At ako'y magpapasapit ng apoy sa Magog, at sa kanilang
nagsisitahang tiwasay sa mga pulo; at kanilang malalaman na ako ang
Panginoon.
Ezekiel 39:6 (TAB)
"Magog" - Magkakaroon ng kaguluhan sa buong mundo.
"sa
mga pulo" - Ito ang mauunang kikilala sa tunay na Pangalan ng Dios.
At ang aking banal na pangalan ay ipakikilala ko sa
gitna ng aking bayang Israel; at hindi ko man titiising malapastangan pa ang
aking banal na pangalan: at malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon, ang
banal sa Israel.
Ezekiel 39:7 (TAB)
"ipakikilala ko sa gitna ng aking bayang Israel" - Magpapakilala ang Dios sa
bagong bayan Niya - sa mga pulo.
"hindi
ko man titiising malapastangan pa" - Kaya ginagawa ng Dios ito ay dahil ang
kanyang Pangalan ay nalalapastangan ng hindi natin alam.
"malalaman
ng mga bansa" - Makikilala ng mga bansa ang Dakilang Pangalan Niya.
Narito, dumarating, at mangyayari, sabi ng Panginoong
Dios; ito ang araw na aking sinalita.
Ezekiel 39:8 (TAB)
"dumarating, at mangyayari" - Magaganap ito sa di kalaunan. Ano ang dapat gawin
ng mga tao upang hindi ito maganap ng lubos?
Ang sabi ni Maestro Evangelista, makinig o basahin ang kanyang pagpapakilala sa
Tunay na Pangalan ng Dios sa pamamagitan ng website na ito, upang ang mga tao sa
mga bansa ay makaalam at makatawag sa Tunay na Pangalan!
Kapag nakilala na ang Dakilang Pangalan ng Dios, ano ang susunod na magaganap?
Mawawala na ang sumpa, Kapayapaan na sa buong mundo!
At silang nagsisitahan sa mga bayan ng Israel ay
magsisilabas, at sisilaban ng mga apoy ang mga almas, at susunugin ang mga
kalasag at gayon din ang mga longki, ang mga busog at ang mga pana, at ang
mga tungkod, at ang mga sibat, at mga sisilaban nilang pitong taon;
Ezekiel 39:9 (TAB)
"mga sisilaban nilang pitong taon" - At ang mga sandatang pangdigma ay gagawing
panggatong ng "pitong taon" - ibig sabihin, maraming taon - hindi lang pito.
Dahil ang mga "nuclear warheads" ay gagamitin na lamang sa mapayapang paraan
tulad ng panggatong sa mga "nuclear plants," hindi na sa pakikidigma.
At
ano pa?
Na anopa't sila'y hindi magsisikuha ng kahoy sa parang,
o magsisiputol man ng anoman sa mga gubat; sapagka't kanilang sisilaban ang
mga almas; at kanilang sasamsaman yaong nagsisamsam sa kanila, at nanakawan
yaong nangagnakaw sa kanila, sabi ng Panginoong Dios.
Ezekiel 39:10 (TAB)
"magsisikuha ng kahoy sa parang, o magsisiputol man ng anoman sa mga gubat" -
Dahil may pagkukunan na ng panggatong na gagamitin sa enerhiya (mula sa mga
sandatang nuklear na pangdigma.) Wala nang mag-aangkat ng maraming langis at
magpuputol ng maraming punong-kahoy; mapapangalagaan na natin ang ating
kalikasan at magiging dalisay ulit ang mundo (mawawala na ang mga polusyon at
global warming), ito ang "Eden."
"kanilang
sasamsaman yaong nagsisamsam sa kanila, at nanakawan yaong nangagnakaw sa kanila"
- Kasunod niyon ay ang mga nanlinlang sa tao ay makikilala na, dahil malalaman
na ang mga relihiyon ay hindi sa Dios at nagpahirap lang sa tao. Ang mga
relihiyon ay ibubuwal at kukunin ang kanilang mga ninakaw sa tao.
Ito ang sinasabi ng Dios na bagong panimula, magiging maganda na ang ating mundo
at may pabaon na yaman ang mga bansa galing sa Dios. Ito na ang pagbabalik sa
Eden, ito ang inihahayag ni Maestro Evangelista sa ating lahat, ang mensahe mula
sa Dios:
Isang bayan, isang mundo at isang Dios
Ito na ang panahon na dapat nating makilala ang tunay na Dios at ang Kanyang
Dakilang Pangalan upang tayo'y magkaroon ng bagong panimula; kung hindi tayo
magbabalik-loob at hindi kikilalanin ang Tunay na Dios, magpapatuloy ang "sumpa"
hanggang sa ito ay manaig sa atin magpakailan man.
Ang sabi ni Maestro Evangelista, dahil kayo mismo sa inyong mga sarili ang
nakakita ng katotohanan at nais malaman ang Tunay na Pangalan ng Dios:
ipakikilala na niya sa inyo ang tunay ng Pangalang ng Dios.
Bumalik sa Itaas.
Magpatuloy sa:
Ikatlong Bahagi:
Ang Pangalan ng Dios
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Wednesday May 28, 2014
|