Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Ang
Sumpa ng Dios
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
PAGPAPALA AT SUMPA
Inihayag noong ika-22 ng Agosto 2005
NOON PA
MAN, ibinigay na ng Dios sa sangkatauhan ang paraan ng mapayapa at masaganang
pamumuhay dito sa mundo sa pamamagitan ng mga aral na nasusulat sa Banal na
Aklat. Kaya ang lahat ay may malayang pagpapasya para sa ikagaganda o
ikasasama ng pamumuhay. Hindi na masisisi ang Dios. Basahin ang tungkol sa
nabanggit na "mga bagay na nararapat mangyaring madali” (Apokalipsis 1:1)
sa pagbasa ng mga talata mula sa Banal na Aklat na inihahayag ni Maestro
Evangelista.
Ano ang
kautusan ng Dios tungkol dito?
Narito, inilalagay ko sa harap
ninyo sa araw na ito ang pagpapala at ang sumpa;
Ang pagpapala, kung inyong
didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, na aking iniutos sa inyo sa
araw na ito;
At ang sumpa, kung hindi ninyo
didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, kundi kayo lilihis sa daan na
aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, upang sumunod sa ibang mga dios, na hindi
ninyo nangakilala.
Deuteronomio 11:26 -28 (TAB)
Sa Halamanan ng Eden, binigyan ng Dios sina Adan at Eva ng malayang pagpapasya na
kung papaano sila mamumuhay ng mabuti. Sabi ni Maestro Evangelista,
nangangahulugan na ang Dios ay hindi sinasaklawan ang pagpili ng uri ng
pamumuhay ng bawa’t isa. Makakamit ang masagana at mapayapang buhay kung susunod
sa Kanyang mga Kautusan at makakaranas naman ng pasakit at paghihirap o sumpa
kung susuwayin ang Kanyang Kaloob at sasamba pa sa ibang dios na hindi kilala.
Tanong: Ilan ang Dios? Isasagot ng lahat: Isa! Ano ang Pangalan Niya? Marami ang
itinatawag na pangalan sa Kanya. Sumpa! Dahil inaangkin ng mga relihiyon na
kilala nila ang Dios ng higit sa lahat, nguni’t hindi naman nila tiyak ang Tunay
Niyang Pangalan.
Bakit
hindi napag-alaman ang Pangalan ng Dios noon pa man?
Malalaman
ang dahilan sa pagbasa sa mga sumusunod na mga talata sa Aklat ni Jeremias:
Bukod dito ay sinabi ni Jeremias
sa buong bayan, at sa lahat ng mga babae, Inyong pakinggan ang salita ng
Panginoon, buong Juda, na nasa lupain ng Egipto:
Jeremias 44:24 (TAB)
Ito ay patungkol sa mga tao ng Juda sa Egipto noong naninirahan pa sila bago pa ang
panahon ng Exodus:
Ganito ang sabi ng Panginoon ng
mga hukbo, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, Kayo at ang inyong mga asawa ay
kapuwa nangagsalita ng inyong mga bibig, at ginanap ng inyong mga kamay, na
nagsasabi, Tunay na aming tutuparin ang aming mga panata na aming ipinanata, na
magsunog ng kamangyan sa reina ng langit, at ipagbuhos ng mga inuming handog
siya: inyo ngang isagawa ang inyong mga panata, at inyong tuparin ang inyong mga
panata.
Jeremias 44:25 (TAB)
Sa panahon ng paninirahan ng bayan ng Juda sa Egipto, sila ay sumamba sa ibang
dios, na kanilang tinawag na “reina ng langit.” Kalapastanganan ito sa
tunay na Dios, dahil hindi naman sila inutusan na gawin iyon. Ano ang hatol ng
Dios sa patuloy nilang pagsamba sa ibang dios?
Ang Sumpa ng Dios
Kaya't inyong pakinggan ang salita
ng Panginoon, buong Juda na tumatahan sa lupain ng Egipto. Narito, ako'y sumumpa
ng aking dakilang pangalan, sabi ng Panginoon, na ang aking pangalan ay hindi
mababanggit sa bibig ng sinoman sa Juda sa buong lupain ng Egipto, na sabihin,
Buhay ang Panginoong Dios.
Jeremias 44:26 (TAB)
“hindi mababanggit sa bibig ng sinoman sa Juda”
- Hindi nalaman ng sangkatauhan ang Tunay na Pangalan ng Dios dahil sa sumpang
ibinigay sa bayan ng Judah noon at tumagos hanggang sa kasalukuyang panahon.
Ginamit ng mga relihiyon ang salitang Hebreo na “YHWH” na maging pangalan ng
Dios at dinagdagan pa ng mga patinig upang mabigkas na maging “Yahweh” at
isinalin naman sa wikang Ingles at naging “Jehovah:” isa itong halimbawa
na hindi talaga kilala ang tunay na Dios.
Upang patunayan na ang lahat ay nasumpa:
Tanong: Makakakita pa ba ang lahat sa kasalukuyan ng isang bansa o isang bayan
na tunay na maunlad at walang suliranin?
Sagot: Sa kasalukuyang panahon, wala na tayong makikitang bansa na hindi
dumaranas kung anu-anong mga problema at mga iba’t ibang uri ng
kapahamakan: digmaan, kagutuman, sakuna, salot, at mga lumulubhang krisis sa
ekomoniya. At dahil wala nang makitang bansa na hindi dumaranas ng mga
kalagayang ito, sabi ni Maestro Evangelista, ito ay tanda na ang mundo ay tunay
ngang isinumpa!
Ngayong
nalaman na ang lahat ay nasumpa dahil hindi sumunod at hindi nakinig sa Dios at
sumamba pa sa ibang dios na hindi nila kilala. Sa kaalamang ito, buksan ang mata
at hanapin ang paraan upang maalis ang sumpang ito.
Ano ang
katunayan na ang Dios ay hindi nagbabago sa Kanyang panukala tungkol sa
“Pagpapala at Sumpa?” Bakit ang mga tao at ang mga propeta sa Lumang Tipan
na sumunod sa mga utos ng Dios ay iniligtas lahat; mula sa pagkagunaw (si
Lot), mula sa baha (si Noah), sa mga leon (si Daniel), mula sa
malaking isda (si Jonas), mula sa apoy (mga kaibigan ni Daniel) at
mga iba pa. At bakit naman sa aklat ng Bagong Tipan, ang lahat ng sumunod kay
Jesus; simula kay Jesus, ay pinatay silang lahat. Nangangahulugan ba na ang Dios
sa Lumang Tipan ay iba pa kaysa sa Dios ng Bagong Tipan?
Dapat
maunawaan natin na ang Dios ay hindi nagbabago sa Kanyang panukala tungkol sa
“Pagpapala at Sumpa,” nagbigay Siya ng mga halimbawa sa Banal na Aklat upang
malaman ng bawa’t isa kung makakatanggap ng mga pagpapala at hindi ang mga
sumpa.
Maaaring tayong pumili mula sa dalawa; kung ang lahat ay susunod sa Dios –
Pagpapala, at kung may susuway at susunod sa ibang dios na hindi
kilala – Sumpa. Malayang pagpapasya. Hindi dapat sisihin ang Dios
sa mga paghihirap sa buhay, nguni’t ang mga relihiyon ay nagturo sa lahat na
kung maging mabuti o masama man ang pamumuhay ng sinoman, ito raw ay “kagustuhan
o kaloob ng Dios.” Ang sabi ni Maestro Evangelista, tayo ang gumagawa ng
lahat sa ating buhay: kung mabuti ito, ginawa mo iyon at kung sumama ito, ikaw
ang may gawa rin niyon. Galit na ang Dios sa kasisisi sa Kaniya.
Itinuturo ng mga relihiyon na ang mundo ay gugunawin, nguni’t dalawang libong
taon na ang lumipas at wala pang nangyayaring paggunaw ng mundo (nguni’t ang
buhay ng tao ay puno naman ng paghihirap), wala pa rin ang sinasabing
pagbabalik ni Jesus; pag-isipan ng lahat ito, kung totoo ba o hindi ang sinasabi
ng mga relihiyon!
Ang Pagkagunaw ng Mundo
Ang
sabi ni Maestro Evangelista, kung siya ay sinugo upang sabihin na ang mundo ay
gugunawin; huwag na lang, dahil pagsasayang lang ito ng panahon, magugunaw din
lang naman ang mundo.
Tanong:
Ang mundo ba ay gugunawin?
Ang sabi
ni Maestro Evangelista, basahin natin sa:
Isang salin ng lahi ay yumayaon,
at ibang salin ng lahi ay dumarating; nguni't ang lupa ay nananatili magpakailan
man.
Eclesiastes 1:4 (TAB)
Ang
mundo ay magpakailan man, hindi ito tatapusin o gugunawin, nakasulat ito sa
Banal na Aklat. Ang sinasabi ng mga relihiyon ay hindi totoo. Nguni’t kung ang
mundo ay hindi tatapusin at ito ay puno naman ng kasamaan, paghihirap, kamatayan
at may sumpa; mabuti pang tapusin na lang, ang sabi ni
Maestro Evangelista.
Nguni’t
ang katotohanan, ang mundo ay hindi tatapusin, ang wawakasan ay ang kasamaan na
nangingibabaw sa mundo sa kasalukuyan.
Ang
sangkatauhan ay dapat masabihan upang hindi matakot at mabagabag.
May pag-asang nakalaan para sa sangkatuhan upang magkaroon ng panibagong panimula.
Ang
tanong ngayon ay: Papaano matatapos ang kasamaan at paghihirap sa mundo? Hindi
matutuklasan ang sagot at lunas sa suliraning ito kung hindi malalaman ng lahat
ang ugat ng kasamaan sa mundo.
Bubuksan ni Maestro Evangelista ang mga mata at mga isipan ng lahat sa
pamamagitan ng kanyang mga pahayag mula sa Salita ng Dios na nasusulat sa Banal
na Aklat. Siya ay isinugo upang ipaalam sa lahat na ang Dios ay makatwiran, at
nagbibigay pa sa lahat ng huling pagkakataon na manumbalik sa Kaniya; bago
tuluyang sumpain ang mundo kasama na ang mga naninirahan doon magpakailan man.
Kung papaano malalaman ang mga dahilan at ang lunas dito, iyan ang ipakikita at
ihahayag ni Maestro Evangelista.
Pati ang
Pangako ng masaganang pamumuhay tulad noon sa Halamanan ng Eden ay ibabalik.
Huwag hayaang makaalpas ang pagkakataong ito ng hindi pinag-iisipan.
Ipagpatuloy ang pagbasa…
Ang Halamanan sa Eden, inalis ba?
Totoo
ba na ang Halamanan ng Eden ay inalis o nawala gaya ng sinasabi sa mga aral ng
mga relihiyon? Ano ang masasabi ni Maestro Evangelista tungkol dito? Basahin:
At sinabi ng Panginoong Dios,
Narito't ang tao'y naging parang isa sa atin, na nakakakilala ng mabuti at ng
masama; at baka ngayo'y iunat ang kaniyang kamay at pumitas naman ng bunga ng
punong kahoy ng buhay, at kumain at mabuhay magpakailan man:
Kaya pinalayas siya ng Panginoong
Dios sa halamanan ng Eden, upang kaniyang bukirin ang lupaing pinagkunan sa
kaniya.
Ano pa't itinaboy ang lalake; at
inilagay sa silanganan ng halamanan ng Eden ang mga Querubin at ang isang
nagniningas na tabak na umiikot, upang ingatan ang daang patungo sa kahoy ng
buhay.
Genesis 3:22-24 (TAB)
Sina Adan
at Eva ay pinalayas, wala na sila sa Pagpapala ng Dios. Ang Halamanan ng Eden
naririto pa rin (salungat sa itinuturo ng mga relihiyon!) upang hindi
muling makita ng mga masuwayin ang daan pabalik doon, at ang Dios ay
naglagay ng isang “anghel” na may “nagniningas na tabak na umiikot”
upang bantayan ang daan pabalik doon.
Nguni’t
ang sabi ni Maestro Evangelista: May pag-asa pa ang sangkatauhan, siya ang
magtuturo kung papaano makakaraan ang lahat sa daan na binabantayan ng "anghel"
patungo sa Halamanan ng Eden o sa kalagayang “sagana at mapayapang pamumuhay”
sa kasalukuyang panahon.
Ang
lahat ay tumatawag kay Jesus upang ang magulong mundo ay maging mabuti at payapa,
nguni’t siya ba ay sumasagot? Tumahimik ba ang mundo? Bagkus, ang mga kasakunaan,
kahirapan at mga digmaan ay lalo pang lumulubha araw-araw! At dahil sa mga
nararanasang ito, ang lahat ay tumatawag pa rin kay Jesus (ang lahat ay hindi
makatawag ng tuwid sa Dios – dahil hindi kilala ang tunay na Pangalan ng Dios!
Sabi ni
Maestro Evangelista, dahil marami ang naniniwala at tumatawag sa pangalan ni
Jesus, mas mabuti na tanungin na natin si Jesus sa Banal na Aklat kung ano ang
kanyang masasabi sa mga nagaganap na kaguluhan at kahipan sa mundo ngayon. Upang
sa wakas ay malaman na ang pinag-uugatan ng suliraning ito at makakita ng tunay
na lunas para sa ikabubuti ng sangkatauhan.
Bago
tanungin si Jesus tungkol dito, kilalanin siyang mabuti upang matiyak kung siya
lamang ang makakapagbigay lunas sa mga suliranin ng mundo at sa lahat ng
paghihirap na nararanasan ng lahat.
Bumalik sa Itaas.
Magpatuloy sa:
Sino si Jesus?
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Wednesday May 28, 2014
|