www.thename.ph

www.suurinimi.com

The Revelation of the Great Name of God

and of the Testimony of Jesus, and the New City of God, the New Jerusalem and the Coming of the Foreigner of God


"Generations come and generations go, but the earth remains forever." - Ecclesiastes 1:4 (NIV)

The world will not end, it will have a new beginning. One people, one world and One God.

The LORD will be king over the whole earth. On that day there will be one LORD, and his name the only name. Zechariah 14:9 (NIV)

The Name of God Revealed (NIV) | The Name of God Revealed (Tanakh) | The Testimony of Jesus | The Coming of the Foreigner 

Language versions:

English

Filipino

Finnish



Home - TheName.Ph
About
News
Sitemap
Email
Part 1: The Revelations
 Introduction
 
Introduction 2
 
The Condition of the World

 The Root Cause of Divisions

 The Greatest Deception

 The Name of God - Tanakh
Part 2: The Real Jesus
 The Testimony of Jesus
 
Are we cursed?
 
The Curse of God
 
Blessing & Curse
 
Who was Jesus?
 
A Short Story of Maestro
 
The Prophecy of God
 
The “Son” of David?
 
Will give one tribe
 
The Great Pretender
 
The Bright Morning Star
 
The Power of Jesus
 
The Deception of Jesus
 
Regarding Sins
 
The Deception of Satan
 
Did Jesus live again?
 
About The "Third Day"
 
The Reason Of It All
Part 3: The Name of God
 The Great Name of God
 
The Name of God - Tanakh

 Salvation in the Name of God 
 
The Promise of God
 
Authority of the Prophets
 
Visions of the Prophets
 
The Blessing and The Curse
 
The Commandments of God
 
The Counselor of Jesus
 
Jesus without Sin?
 
The Word became flesh
 
The Suffering Servant
 
Prophecy of Good against Evil
 
The Beast in the Holy Bible
 
The Great and Dreadful Day
 
End of Satan's Reign on Earth
Part 4: The Revelations
 The Coming of the Foreigner
 
The Sign of the "Day of the Lord"
 
The Curse on Babylon
 
Events that will happen soon
 
The Middle East Wars
 
What if the People will not heed?

 Part 5: Other Revelations
 Cherub in the Garden of Eden
 
Baptism by Water
 
Regarding the Origin of Baptism
 
Deceivers and Deceived

 Concerning tithes
 
Of Rites and Offerings
 
Of Prayers and vows
 
The Food that We should Eat
 
The Tree of Life
 
Be fruitful and increase


Unang Pahina - TheName.Ph

Tungkol sa Website
Mga Balita

Sitemap
Email
Unang Bahagi: Mga Pahayag
 Paunang Salita
 
Paunang Salita 2
 
Ang Kalagayan ng Mundo
Ikalawang Bahagi: Si Jesus
 Ang Patotoo ni Jesus
 
Tayo Ba Ay Nasumpa?
 
Ang Sumpa ng Dios
 
Pagpapala At Sumpa
 
Sino si Jesus?
 
Maikling Kasaysayan - Maestro
 
Ang Pahayag ng Dios
 
Ang Binhi ni David
 
Kundi ibibigay ko ang isang lipi

 Ang Dakilang Mapagpanggap
 
Maningning na Tala sa Umaga
 
Ang Kapangyarihan ni Jesus
 
Panlilinlang ni Jesus
 
Tungkol sa Kasalanan
 
Panglilinlang ni Satanas
 
Jesus, nabuhay muli?
 
Ang "Ikatlong Araw"
 
Ang Dahilan ng Lahat
Ikatlong Bahagi: Ang Pangalan
 Ang Dakilang Pangalan ng Dios
 
Pagliligtas sa Pangalan ng Dios  
 
Ang Pangako ng Dios
 
Ang Karapatan ng mga Propeta
 
Mga Pangitain ng mga Propeta
 
Ang Pagpapala at Ang Sumpa
 
Ang mga Kautusan ng Dios
 
Ang Mangaaliw ni Jesus
 
Si Jesus, walang pagkakasala?
 
Ang Verbo - Si Jesus?
 
Ang Abang Lingkod
 
Mabuti Laban sa Masama
 
Ang "Hayop" Sa Banal na Aklat
 
Ang "Kaarawan ng Panginoon"
 
Ang Wakas ni Satanas
Ikaapat na Bahagi: Mga Pahayag
 Ang Taga Ibang Lupa
 
Ang Sumpa sa Babilonia
 
Ang mga Magaganap na madali
 
Digmaan sa Gitnang Silangan
 
Kung hindi pakikinggan?

Ikalimang Bahagi: Mga Pahayag
 Ang Kerubin ng Dios
 
Ang Pagbabautismo ng Tubig
 
Ginaya ng Pagbabaustismo

 Hinggil sa Manloloko at Naloko

 Tungkol sa Pag-abuloy
 
Pagdiriwang at Pagaalay
 
Pananalangin at Pagpapanata
 
Hinggil sa Pagkain

 Ang Punong Kahoy ng Buhay

 Kayo'y magpalaanakin...


Unang Pahina | Tungkol sa site | Balita | Sitemap | Email

 

Ang Pangitain ng mga Propeta

 

Basahin ang Pahinang ito sa Ingles.

 

ANG PAGPAPALA AT ANG SUMPA

Inihayag noong ika-24 ng Setyembre 2006

 

Ang Pahayag ng Pangalan ng Dios ay patungkol sa:

At ang Panginoo'y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa.

Zacarias 14:9 (TAB)

"ang Panginoo'y magiging Hari sa buong lupa" - Ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng sangkatauhan na ang Dios ang maghahari sa buong mundo.
 
"sa araw na yao'y" - Na may araw na takda sa kaganapan nito.
 
 "magiging ang Panginoon ay isa" - Dahil ang buong mundo ay sumasamba pa sa mga iba't ibang dios.
 
 "ang kaniyang pangalan ay isa" - Iisa lang ang Pangalan ng Dios, at ang Dakilang Pangalan ng Dios ay mahahayag sa pamamagitan ng website na ito sa takdang panahon.
 
Magpahanggang sa ngayon, nananawagan ang mga tao sa Dios sa pamamagitan ng mga pangalang "Jesus," "Ang Panginoon," "YHWH," "Yahweh," "Yah," "El," "Elohim," "Adonai," "Hashem," "Allah," at sa marami pang iba ayon sa mga ipinangangaral ng mga relihiyon.
 
Nguni't hindi ba ninyo alam na ang Dios ay may isang Pangalan na hindi nalaman, na sinasamantala ng mga relihiyon ang paggamit ng mga katawagang ito na pamalit upang maitaguyod at ipagpatuloy ang kanilang mga aral? Binabaluktot nito ang Katotohanan hinggil sa Dios nguni't walang may lakas ng loob na sila ay tanungin at tutulan. Alam ba ninyo kung bakit?
 
Sa kasalukuyan, ang mga relihiyon ay nahaharap sa isang malaking paghamon habang binibigyang linaw at ibinubunyag ni Maestro Evangelista ang mga baluktot at mga maling aral ng mga relihiyon hinggil sa Dios, ayon sa Mensahe na nakasulat sa Banal na Aklat.
 
Inuumpisahan ni Maestro Evangelista sa pagtatanong sa lahat at sa mga relihiyon kung kanilang nalalaman ang tungkol sa Kautusan hinggil sa "Pagpapala at Sumpa" ng Dios?"
 
Iniiutos ng Dios noon:

Narito, inilalagay ko sa harap ninyo sa araw na ito ang pagpapala at ang sumpa;
Deuteronomio 11:26 (TAB)

Papaano natin pamamatnugutan o iaasal ang ating mga sarili upang makamtan ang pagpapala ng Dios?

Ang pagpapala, kung inyong didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, na aking iniutos sa inyo sa araw na ito;
Deuteronomio 11:27 (TAB)

Makakamtan natin ang mga pagpapala kung tayo ay susunod sa mga Kautusan ng Dios, at papaano naman natin sasapitin ang sumpa mula sa Dios?

At ang sumpa, kung hindi ninyo didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, kundi kayo lilihis sa daan na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, upang sumunod sa ibang mga dios, na hindi ninyo nangakilala.
Deuteronomio 11:28 (TAB)

Sasapitin natin ang sumpa kung tayo ay hindi susunod sa mga Kautusan ng Dios at sumunod pa sa ibang dios na hindi kilala.
 
Sa kautusang ito, ang Aral ng Dios sa Banal na Aklat ay nahahati sa dalawang panig, ang Tama at ang Mali.
 
Ipinahihiwatig nito na:

- ang mga aklat ng Lumang Tipan ay ang mga sipi ng Salita ng Dios na inihayag ng mga propeta at naisulat; at
 
- ang mga aklat ng Bagong Tipan, liban sa Aklat ng Apocalipsis, ay ang mga sipi ng mga sinalita at ginawa ni Jesus, na isinulat ng kanyang mga tagasunod na walang karapatan mula sa Dios.

Kung gayon, sino ang may karapatan na magsalita at mangaral hinggil sa Dios?

Tunay na ang Panginoong Dios ay walang gagawin, kundi kaniyang ihahayag ang kaniyang lihim sa kaniyang mga lingkod na mga propeta.
Amos 3:7 (TAB)

Ang mga propeta lamang ang may tanging karapatan noon na magsalita at mangaral hinggil sa Dios; nguni't sa ating panahon, sino ang binigyan ng karapatan na maghayag ng Salita ng Dios?

Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya.
Deuteronomio 18:18 (TAB)

Ito ang pahayag na ibinigay ng Dios kay Moses. Nguni't saan manggagaling ang sinugo?
 
"sa gitna ng kanilang mga kapatid" - Manggagaling siya sa mga lahi ng mga Gentil at hindi siya magmumula sa mga lahi ng Israel. Hindi si Jesus ito dahil si Jesus ay nabibilang sa mga lahi ng Israel.
 
Ang lahat ng mga propheta noon ay sinugo sa bayan ng Israel.
 
Papaano magsasalita ang "sinugo" para sa Dios?
 
"aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya" – Dahil ilalagay ng Dios ang Kanyang Salita sa bibig ng "sinugo" - ang kakayahan na maipaliwanag ang bawat nakasulat na mga salita sa Banal na Aklat nang hindi pinag-aralan, ito ang magiging tanda ng kanyang kapangyarihan. Upang matiyak, marapat nating mabasa ang mga gayon sa Banal na Aklat, Ang Salita ng Dios.
 
At sino ang sinugo na binabanggit? Saan siya isinisugo? Ano ang kanyang tungkulin sa Dios?
 
Ano ang tanda na siya ay narito na?

Ang salita nga ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta sa mga bansa.
Jeremias 1:4-5 (TAB)

Ito ang sinugo ng Dios para sa mga tao sa buong mundo.
 
Kahit si Jeremias ay alam ang pahayag hinggil sa sinugong ito. Siya ay isinusugo ng Dios sa mga tao sa buong mundo! Ang mga naunang propeta ng Dios, kasama si Jeremias, ay isinugo lamang sa bayan ng Israel.

Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah, Panginoong Dios! narito, hindi ako marunong magsalita: sapagka't ako'y bata.
Jeremias 1:6 (TAB)

"bata" – Nangangahulugan na walang kaalaman sa Banal na Aklat. Ang susuguin ay maghihintay ng panahon kung kailan ibibigay ng Dios ang Kanyang Salita.

Nguni't sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong sabihin, Ako'y bata: sapagka't saan man kita susuguin ay paroroon ka, at anomang iutos ko sa iyo ay sasalitain mo.
Jeremias 1:7 (TAB)

Kaniya lamang ipapabatid ang mga Salita na ibinigay sa kanya na salitain sa lahat. Walang labis, walang kulang.

Huwag kang matakot dahil sa kanila; sapagka't ako'y sumasaiyo upang iligtas kita, sabi ng Panginoon.
Jeremias 1:8 (TAB)

Hindi siya papababayaan ng Dios, at siya ang sinugo na binanggit sa Deuteronomio 18:18-19.

Nang magkagayo'y iniunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, at hinipo ang aking bibig; at sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig:
Jeremias 1:9 (TAB)

"inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig" - Siya ang sinugo na ipinangako kay Moses. Tinupad ng Dios ang pahayag o hindi?
 
At ano ang kanyang tungkulin o misyon mula sa Dios?

Tingnan mo, aking pinapagpupuno ka sa araw na ito sa mga bansa at sa mga kaharian, upang magalis at magbagsak at upang magsira at magwasak, upang magtayo at magtatag.
Jeremias 1:10 (TAB)

"aking pinapagpupuno ka sa araw na ito” - May araw ng kaganapan. Kanino siya maghahari?
 
"sa mga bansa at sa mga kaharian" - Siya ay sinugo sa mga bayang ito, sa mga Gentil. Pagkatapos ni Moses, siya ang nag-iisang sinugo ng Dios para sa lahat ng tao sa buong mundo.
 
Totoo ba na dala ni Maestro Evangelista ang Pangalan ng Dios upang ipakilala sa lahat?

Bukod dito'y tungkol sa taga ibang lupa, na hindi sa iyong bayang Israel, pagka siya'y magbubuhat sa isang malayong lupain dahil sa iyong pangalan;
I Mga Hari 8:41 (TAB)

“tungkol sa taga ibang lupa, na hindi sa iyong bayang Israel” – inulit pa, ang sinugo ay hindi manggagaling sa kanilang bayan o lipi, siya ang manggagaling sa mga Gentil.
 
“dahil sa iyong pangalan” – Dala niya ang Pangalan ng Dios.

(Sapagka't kanilang mababalitaan ang iyong dakilang pangalan, at ang iyong makapangyarihang kamay, at ang iyong unat na bisig:) pagka siya'y paririto at dadalangin sa dako ng bahay na ito;
I Mga Hari 8:42 (TAB)

"mababalitaan ang iyong dakilang pangalan" - Kaya ang mga pahayag ni Maestro Evangelista ay nasa website na ito www.thename.ph! Nai-lagay sa Internet ng ika-22 ng Agosto taong 2005, na binabasa na ng mga tao sa buong mundo ang mga tunay na aral ayon sa Salita ng Dios.

Dinggin mo nga sa langit na iyong tahanang dako, at gawin mo ang ayon sa lahat na idalangin sa iyo ng taga ibang lupa; upang makilala ng lahat ng mga bayan sa lupa ang iyong pangalan, upang matakot sa iyo, gaya ng iyong bayang Israel, at upang kanilang makilala na ang bahay na ito na aking itinayo ay tinatawag sa pamamagitan ng iyong pangalan.
I Mga Hari 8:43 (TAB)

Siya ang magpapakilala sa Pangalan ng Dios sa lahat ng tao sa buong mundo, upang ang lahat ay makatawag sa Dios!
 
Sinang-ayunan ba ng Dios ang mga pahayag ng mga naunang sinugo hinggil sa sinugong ito na "taga ibang lupa?"
 
Basahin nating ang pahayag ng Dios hinggil sa sinugong ito?
 
ANG SINUGO NG DIOS

Narito, aking sinusugo ang aking sugo, at siya'y maghahanda, ng daan sa harap ko: at ang Panginoon na inyong hinahanap, ay biglang paroroon sa kaniyang templo; at ang sugo ng tipan na inyong kinaliligayahan, narito, siya'y dumarating, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
Malakias 3:1 (TAB)

“aking sinusugo ang aking sugo” – Malinaw, ang Dios ay magpaparating ng kanyang sinugo.
 
“ang Panginoon na inyong hinahanap” – Mangyayari na darating ang panahon ng ang mga tao sa buong mundo ay mananawagan sa Dios habang ang mundo ay nasa kaguluhan, dahil sa digmaan, sakuna, kagutuman at iba pang mga pangyayari... hindi baga ito ang panahon sa kasalukuyan? At sa anong Pangalan sila mananawagan sa Dios?
 
"biglang paroroon sa kaniyang templo" - Ang dahilan kung bakit ganito ang pagkakasulat ay sapagka't si Salomon ay nagtayo ng bahay na may Pangalan ng Dios, bunga ng sumpa na ibinigay sa kanila noon, na hindi napagtagumpayang ipakita sa kanyang bayan at nagtayo pa ng ibang mga templo sa mga pangalan ng ibang mga dios ng kanyang mga asawa. Dumating si Jesus, ang kanyang misyon ay ang tipunin at akayin ang kanyang bayan sa bahay na may Pangalan ng Dios; nguni't sa halip ay nagpatayo siya ng kanyang sariling templo, ang simbahan ni Jesus! Ito ang isa sa mga kadahilanan ng maaga niyang pagpanaw sa kalagitnaan ng kanyang buhay.
 
“at ang sugo ng tipan na inyong kinaliligayahan, narito, siya'y dumarating” – Kaya nga nakasulat sa Deuteronomio 18:18-19, sinabi ng Dios kay Moses na magpaparating Siya ng isang sinugo na gaya niya - gaya nang ibinigay ni Moses ang Sampung Kautusan sa kanyang bayan noon... nguni't sa pagkakataong ito ay ibibigay sa lahat ng tao sa buong mundo.
 
ANG BAGONG TIPAN
 
Hinggil sa Bagong Tipan, ang sabi ni Maestro Evangelista, alamin natin kung ano ang Salita ng Dios hinggil dito:

Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y makikipagtipan ng panibago sa sangbahayan ni Israel, at sa sangbahayan ni Juda:
Jeremias 31:31 (TAB)

"ang mga araw ay dumarating" - Mangyayari pa ito..
 
"makikipagtipan ng panibago" - Ang Lumang Tipan ay hindi nagkaroon ng bisa nang kapanahunan ni Moses, dahil ang Pangalan ng Dios ay hindi kilala, kaya may kakulangan sa pakikipagtipan ng Dios at ng Kanyang bayan. Ipinaliliwanag ni Maestro Evangelista na ang pakikipagtipan dapat ay naglalaman ng mga pangalan ng bawat panig; spagka't ang Pangalan ng Dios ay hindi ibinigay upang makilala sa kapanahunan ni Moses, papaano natin tatanggapin ito na may bisa sa magkabilang panig?
 
Ito ay ang bagong pakikipagtipan sa pagitan ng Dios at ng Kanyang bayan, papaano ito naiiba sa nauna?
 
Ang Dating Bayan ng Dios

Hindi ayon sa tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga magulang sa araw na aking kinuha sila sa pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Egipto; na ang aking tipan ay kanilang sinira, bagaman ako'y asawa nila, sabi ng Panginoon.
Jeremias 31:32 (TAB)

Ganito ang turing ng Dios sa Kanyang bayan ng una at hindi sila nanatiling matapat sa Kaniya.
 
Anong uri ng pakikipagtipan ito?

Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan;
At hindi na magtuturo bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at bawa't tao sa kaniyang kapatid, na magsasabi, Iyong kilalanin ang Panginoon; sapagka't makikilala nilang lahat ako, mula sa kaliitliitan sa kanila hanggang sa kadakidakilaan sa kanila, sabi ng Panginoon: sapagka't aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin.
Jeremias 31:33-34 (TAB)

Ang Dios ngayon ay bumabanggit ng isang bahay lamang; ito ang pagsasamasama ng "bahay ni Israel at ang bahay ni Judah sa mga biinhi ng mga tao at ng mga hayop." ang mga ito ang ituturing ng Dios na Kanyang bagong bayan.
 
"Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso" - Ang mga tao ng mundo ay makakaalam ng Tunay na Dios, ng hindi titingnan sa katayuan sa buhay, at sa kulay ng balat; at ang lahat ay makatitiyak na ang Dios na kanilang sasambahin ay ang Tunay na Dios.
 
"aking ipatatawad" - Ipapatawad ng Dios ang ating mga kasalanan at bibigyan tayo ng bagong panimula para sa atin.

Ganito ang sabi ng Panginoon, na nagbibigay ng araw na sumisikat na pinakaliwanag sa araw, at ng mga ayos ng buwan at ng mga bituin na pinakaliwanag sa gabi, na nagpapakilos sa dagat, na humugong ang mga alon niyaon; ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan:
Jeremias 31:35 (TAB)

"ang Panginoon ng mga hukbo" - Ang katawagan ng ibibigay sa Dios, dahil hindi Siya nagpapaliban sa Kanyang mga kaaway.

Kung ang mga ayos na ito ay humiwalay sa harap ko, sabi ng Panginoon, ang binhi nga ng Israel ay maglilikat sa pagkabansa sa harap ko magpakailan man.
Jeremias 31:36 (TAB)

"Israel" - Bakit ang dating bayan ng Israel ay binabanggit pa?
 
May isa lamang bayan na tatayo sa buong mundo. Kaya ang lahat ng mga bayan ay darating at sasama upang maging isang bayan sa Dios.
 
Basahin natin ang hinggil sa bayan na bibigyan ng Dios ng bagong tipan?

Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan;
Jeremias 31:33 (TAB)

"sila'y magiging aking bayan" - Sino sila? Sinu-sino ang magkakaroon ng karapatan na tawaging "bayan ng Dios?"

Gumising ka, Oh tabak, laban sa pastor ko, at laban sa lalake na aking kasama, sabi ng Panginoon ng mga hukbo: saktan mo ang pastor at ang mga tupa ay mangangalat; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa mga maliit.
Zacarias 13:7 (TAB)

Sino ang "Pastor?" Upang malaman at mabunyag ang katauhan ng taong ito, ilalahad sa atin ni Maestro Evangelista kung sino siya:

Nang magkagayo'y sinabi sa kanila ni Jesus, Kayong lahat ay mangagdaramdam sa akin sa gabing ito: sapagka't nasusulat, Sasaktan ko ang pastor, at mangangalat ang mga tupa ng kawan.
Mateo 26:31 (TAB)

Ito ang panahon ng pag-amin ni Jesus, siya ang pastor" na sinaktan.
 
"Mga Tupa" - Upang malaman at mabunyag ang mga taong ito.
 
Nangalat ba ang "mga tupa ng kawan?"

Sinagot sila ni Jesus, Ngayon baga'y nagsisisampalataya kayo?

Narito, ang oras ay dumarating, oo, dumating na, na kayo'y mangangalat, ang bawa't tao sa kanikaniyang sarili, at ako'y iiwan ninyong magisa: at gayon ma'y hindi ako nagiisa, sapagka't ang Ama ay sumasa akin.
Juan 16:31-32 (TAB)

"kayo'y mangangalat" - Ang mga apostol nga ay nangalat upang magsipagtayo ng mga kani-kanilang mga simbahan na ginamit ang mga mapanlinlang na aral ni Jesus.
 
"ako'y iiwan ninyong magisa" - Dahil siya ay namatay.
 
"ang Ama ay sumasa akin" - Sa pagkakataon ito, hindi na malaman o matiyak kung sino ang "ama" na kanyang tinutukoy dito.
 
"mga maliliit" - Upang malaman at mabunyag rin kung sinu-sino sila.

Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin.

Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.
Kaya't ang sinomang sumuway sa isa sa kaliitliitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit: datapuwa't ang sinomang gumanap at ituro, ito'y tatawaging dakila sa kaharian ng langit.
Mateo 5:17-19 (TAB)

Ang mga taong "sumuway" sa Kautusan ng Dios at "ituro ang gayon sa mga tao" ay ang binabanggit na "mga maliliit" ayon sa Salita ng Dios.
 
Sino ang unang sumuway sa mga kautusan ng Dios?

Datapuwa't nang marinig ng mga Fariseo na kaniyang napatahimik ang mga Saduceo, ay nangagkatipon sila.

At isa sa kanila, na tagapagtanggol ng kautusan, ay tinanong siya ng isang tanong, upang siya'y tuksuhin:

Guro, alin baga ang dakilang utos sa kautusan?

At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo.
Ito ang dakila at pangunang utos.
At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.
Mateo 22:34-40 (TAB)

Si Jesus ang unang sumuway sa mga kautusan ng Dios ng ginawa niyang dalawa ang Sampung utos!
 
Ang malala pa, ito ay pinagtibay pa ng kanyang mga apostol at ng mga relihiyon sa kanilang mga aral!
 
Sino ang "mga maliliit?" Ang mga relihiyon na gumamit ng mga aral at sumampalataya kay Jesus!
 
Ang mga relihiyon ang mga maliliit, ang galit ng Dios ay nagpupuyos laban sa kanila, dahil kanilang ipinagpapatuloy ang baluktot at mapanglinlang na mga aral ni Jesus at ng mga apostol.
 
Pagkatapos na sila ay mabunyag, ano ang susunod na mangyayari?

At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ng Panginoon, dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay; nguni't ang ikatlo ay maiiwan.
Zacarias 13:8 (TAB)

Ang mga relihiyon ay nawawasak, sinu-sino ang nalabi?
 
Ang mga Nalabi ng Dios

 
Basahin natin ang tungkol sa kanila:

At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.
Zechariah 13:9 (TAB)

"Sila'y magsisitawag sa aking pangalan" - Ang sabi ni Maestro Evangelista, ang mga tatawag lamang sa Pangalan ng Dios ang kikilalanin ng Dios na Kanyang Bayan.
 
Sa kaunawaang ito, nangangahulugan na ang bayan ng Israel, ang mga Hudyo sa kasalukuyang panahon ay hindi tunay na bayan ng Dios; dahil hindi nila naalaman ang Pangalan ng Dios!
 
Ang misyon ni Jesus na ipakilala noon sa kanyang bayan ang Pangalan ng Dios ay hindi naganap.
 
Totoo ba ito? Sino ang may dala ng Pangalan ng Dios?

At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng banal, niyaong totoo, niyaong may susi ni David, niyaong nagbubukas at di mailalapat ng sinoman, at naglalapat at di maibubukas ng sinoman:
Apocalipsis 3:7 (TAB)

"banal, niyaong totoo" - Ito ang sinugo o anghel ng Dios, at nasasakanya ang...
 
"niyaong may susi ni David" - Siya ang magbubukas o maglalahad ng mga pahayag ng Dios upang maunawaan ng mga tao sa mundo.
 
Hindi siya galing sa dugo o sa "bahay ni David," tinawag siya na "taga ibang lupa" ni Salomon (I Mga Hari 8:41-43.)
 
Ang taong may hawak ng "susi ni David" ay mahalaga sa pagpapakilala ng Pangalan ng Dios.

Nalalaman ko ang iyong mga gawa (narito, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman), na ikaw ay may kaunting kapangyarihan, at tinupad mo ang aking salita, at hindi mo ikinaila ang aking pangalan.
Apocalipsis 3:8 (TAB)

"isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman" - Walang taong may kakayahang pabulaanan ang kanyang mga inilalahad ng mga tunay na aral.
 
"may kaunting kapangyarihan" - Siya ay may lakas ng loob at lakas na harapin ang misyon na ibinigay ng Dios.
 
"tinupad mo ang aking salita, at hindi mo ikinaila ang aking pangalan" - Sinunod ni Maestro Evangelista ang pagsusugo ng Dios at hindi ikinaila ang Pangalan ng Dios.
 
Papaano naman ang mga Hudyo sa pag-angkin nila na sila ang piniling bayan ng Dios? Ano ang Salita ng Dios hinggil sa kanilang pag-angkin?

Narito, ibinibigay ko sa sinagoga ni Satanas, ang mga nagsasabing sila'y mga Judio, at sila'y hindi, kundi nangagbubulaan; narito, sila'y aking papapariyanin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at nang maalamang ikaw ay aking inibig.
Apocalipsis 3:9 (TAB)

Malinaw, ang mga Hudyo ay hindi na ang bayan ng Dios. Tinutukoy nila ang Dios gamit ang katawagang "Hashem." Hindi ito ang tunay na Pangalan ng Dios. Nangangahulugan na katotohanang hindi nila napag-alaman ang Pangalan ng Dios.
 
Maliban kung ang mga Hudyo ay kilalanin si Maestro Evangelista, ang NAG-IISANG tao na may hawak ng "susi ni David;" at makinig sa Mensahe, sa gayon ay kanyang ipakikilala ang Dakilang Pangalan at akayin pabalik sa Dios. Nguni't kung hindi nila tutugunan ang kanyang panawagan, sila ay tuluyan nang pababayaan, na sila ay kasalukuyang dumaranas ng digmaan sa kanila bayan.

Sapagka't tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa.
Apocalipsis 3:10 (TAB)

Ang lahat ay susubukin ng Dios, at ang pamumuhay ay lalong hihirap pa: digmaan, kagutuman, sakuna, pagsasalot, karukhaan at ang pagbabago ng panahon. Ang mga pangulo ng mga bayan at mga tao ay pagpakumbabain. Ang mahalaga ay alam natin ang pagdating nito.
 
At ano ang susunod na mangyayari?

Ako'y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong.
Apocalipsis 3:11 (TAB)

Nagkamali ang mga relihiyon dito sa pag-aakalang ito ang ikalawang pagdating ni Jesus, tunay nga ba na siya ay darating?

Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat.
Apocalipsis 1:8 (TAB)

Ang Dios ang darating. Pinatunayan ni Maestro Evangelista na ang ipinangangaral ng mga relihiyon hinggil sa pagbabalik ni Jesus ay mali.
 
Tunay nga ba na ang Dios ang darating?

At ang apat na nilalang na buhay, na may anim na pakpak bawa't isa sa kanila, ay mga puno ng mata sa palibot at sa loob; at sila'y walang pahinga araw at gabi, na nagsasabi, Banal, banal, banal, ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, na nabuhay at nabubuhay at siyang darating.
Apocalipsis 4:8 (TAB)

Ang Dios, ang Makapangyarihan sa lahat ang darating!
 
Nagaganap na ba ang pahayag?

At ang Panginoo'y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa.
Zechariah 14:9 (TAB)

"sa araw na yao'y" - Magaganap na lubos.
 
Basahin rin naman natin ang hinggil sa pagdating ng sinugo ng Dios:

Narito, aking sinusugo ang aking sugo, at siya'y maghahanda, ng daan sa harap ko: at ang Panginoon na inyong hinahanap, ay biglang paroroon sa kaniyang templo; at ang sugo ng tipan na inyong kinaliligayahan, narito, siya'y dumarating, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
Malakias 3:1 (TAB)

"aking sinusugo ang aking sugo" - Malinaw, ibinigay ng Dios ang Kanyang patunay hinggil sa pagdating ng sinugo na kanyang ipinangako kay Moses (Deutoronomy 18:18-19).
 
"ang sugo ng tipan na inyong kinaliligayahan" - Ang hindi pagkakaalam ng Tunay na Pangalan ng Dios, kahit anong batas o kautusan na hindi nilagdaan ay walang bisa.
 
Mapalad tayo na sa ating kapanahunan ay ipakikilala ang Pangalan ng Dios sa pamamagitan ng sinugo ng Dios o "ang taga ibang lupa" na inihayag sa Banal na Aklat, ang Salita ng Dios.
 
Ano ang tanda na ang "sinugo" ng Dios ay nasa sa atin?

Nguni't sino ang makatatahan sa araw ng kaniyang pagparito? at sino ang tatayo pagka siya'y pakikita? sapagka't siya'y parang apoy ng mangdadalisay, at parang sabon ng mga tagapagpaputi:
Malakias 3:2 (TAB)

Inyong mapapansin na si Maestro Evangelista, isang tao na hindi pinag-aralan ang Banal na Aklat; nguni't pag kanyang ipinaliwanag ang mga pahayag at mga salita na nakasulat roon, siya ay nauunawaan ng lahat. At sa mga tao, na nakapakinig at nakabasa ng kanyang pangangaral ay hindi mapabulaanan ang mga iyon. Tanda ito na ang kanyang mga ipinangangaral ay galing sa Dios.
 
"parang apoy ng mangdadalisay, at parang sabon ng mga tagapagpaputi" - Sa kaunaunahang pagkakataon mauunawaan natin kung bakit siya ay tinawag na gayon, basahin natin sa:

At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.
Zacarias 13:9 (TAB)

Ang mga makikinig at magbabasa ng mga pahayag ng "sinugo" ay makakaalam ng Tunay at Dakilang Pangalan ng Dios; sila ang dadalisayin ng gaya sa apoy, at sila rin ang tatawag sa Pangalan ng Dios at kikilalanin ng Dios na Kanyang bayan.
 
Ang "sinugo" ay ang taong may dala ng Pangalan ng Dios, at kung tayo ay makikinig at magbabasa ng mga aral ng kanyang ibinibigay sa atin mula sa Dios, mauunawaan natin sa wakas ang Nagiisang Pangalan ng Dios.
 
Ano ang gagawin o gagampanan ng "sinugo?"

At siya'y mauupong gaya ng mangingintab at mangdadalisay ng pilak, at kaniyang dadalisayin ang mga anak ni Levi, at kaniyang pakikinising parang ginto at pilak; at sila'y mangaghahandog sa Panginoon ng mga handog sa katuwiran.
Malakias 3:3 (TAB)

"kaniyang dadalisayin ang mga anak ni Levi" Ang "sinugo" ang makakakita ng mga tao na tutulong sa kanyang misyon upang ipalaganap ang mga aral ng Dios ayon sa nakasulat sa Banal na Aklat.
 
Nangangahulugan na ang "Sinugo" na ipinangako ng Dios kay Moses noon ay ang nag-iisang sinugo sa buong mundo, at sa pamamagitan lamang ni Maestro Evangelista na ating natunghayan at naalaman ang mga pahayag sa Banal na Aklat, at siya lamang ang may Pangako mula sa Dios.
 
At kung hindi bibigyan ng pansin ng mga tao ang sinugo, ano ang sinabi ng Dios tungkol dito?

At mangyayari, na sinomang hindi makikinig sa aking mga salita na kaniyang sasalitain sa aking pangalan, ay aking sisiyasatin yaon sa kaniya.
Deuteronomio 18:19 (TAB)

Dahil ang mensahe ng sinugo ay ang Salita ng Dios, hindi ang sarili niyang salita.
 
At tungkol kay Jesus, sino ang may kapangyarihan at karapatang mag patotoo sa kanya? Ang mga apostol at tagasunod niya? Ang mga relihiyon? Sino?
 
Basahin nating kung ano ang sinasabi ni Jesus hinggil rito?

At sinabi niya sa kanila, Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako'y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit.
Lucas 24:44 (TAB)

Sinabi ni Jesus noon na dapat nating basahin siya sa mga Kautusan ni Moses, upang malaman kung ito ay ginanap ni Jesus o hindi.
 
"mga propeta" - Inihayag si Jesus sa mga propeta, na siya ay darating at gaganapin ang mga pahayag sa Banal na Aklat na inukol sa kanyang bayan; at
 
"sa mga awit" ni David, na propeta rin - sa aklat na ito, maaalalaman at mauunawaan natin sa wakas kung alin sa "pagpapala" o "sumpa," na kasama sa mga pahayag, ang naganap kay Jesus.
 
Sabi ni Maestro Evangelista, upang malaman ang tunay na pagkatao ni Jesus, dapat nating pakinggan o basahin ang mga sinalita ng mga propeta na nakasulat sa Banal na Aklat. Bakit kinakailangan pang patotohanan siya ng mga propeta kung siya ay isang propeta rin? Nangangahulugan na si Jesus ay hindi isang propeta.
 
Muling sinabi ni Maestro Evangelista, si Jesus ay isang "anak" ni David, hindi isang propeta; siya ay sinugo lamang upang tuparin ang isang tungkulin:

Pagka ang iyong mga araw ay naganap, at ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga magulang, aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo, na magmumula sa iyong tiyan, at aking itatatag ang kaniyang kaharian.
II Samuel 7:12 (TAB)

Ito ang pangako na ibinigay ng Dios kay David, isang binhi o "anak" ang darating na magmumula sa kanyang dugo o lahi, ano ang magiging tungkulin ng "anak?"

Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian magpakailan man.
II Samuel 7:13 (TAB)

"Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan" - "bahay" na may Pangalan ng Dios. Siya ang mamatnugot sa kanyang bayan sa Dios sa pagpapakita sa "bahay" na may Pangalan ng Dios. At kung makikita nila ang Pangalan sa "bahay," makakatawag na sila sa Dios. Kung gaganapin ni Jesus, siya ang magiging hari sa kanyang bayan.
 
Alam natin na ang "anak" na humalili kay David ay si Salomon, kahit naitayo na ang "bahay," ang Pangalan ng Dios ay hindi napagalaman ng kanyang bayan (I Mga Hari 11:1-13); si Jesus ang dumating upang ipagpatuloy ang misyon na makilala ng kanyang bayan ang Pangalan ng Dios.
 
Nguni't may ipinagbilin ang Dios:

Ako'y magiging kaniyang ama, at siya'y magiging aking anak:
II Samuel 7:14 (TAB)

Binaluktot ng mga apostol, at ng mga relihiyon na sumunod sa kanila, ang tunay na katauhan ni Jesus; ayon sa nakasulat sa Banal na Aklat, si Jesus ay tunay na "anak" ni David. Tao lang si Jesus, at kung siya ay magtatagumpay ay ibibigay ng Dios ang luklukan ni David at maghahari sa kanyang bayan, siya ay pararangalan na tatawaging o babansagang "anak" ng Dios, kahit na siya ay "anak" lamang ni David.
 
At kung di niya pagtagumpayan ang kanyang misyon?

kung siya'y gumawa ng kasamaan, aking sasawayin siya ng pamalo ng mga tao, at ng panghampas ng mga anak ng mga tao;
II Samuel 7:14 (TAB)

Nalalaman ng lahat na si Jesus ay pinalo at hinampas ng mga tao, na nakasulat sa Banal na Aklat (Mateo 27:25-26.) hindi maipagkakaila na si Jesus ay nakagawa nga ng "kasamaan."
 
Sa ating pagpapatuloy, maaalaman natin kung sino ang nangangaral ng tapat at kung sino ang nanlilinlang; ipaghahambing natin ang aral ng mga propeta at ang aral ng mga apostol ni Jesus, upang ating malaman kung sinong pangkat ang nagsasasabi ng totoo at ang kung sinong pangkat ang nanlilinlang.
 
Sabi ni Maestro Evangelista, nais ng Dios na ating makita ang dalawang magkabilang paning sa mga bagay-bagay sa Aral hinggil sa Dios sa Banal na Aklat.
 
Papaano masasabing totoo ang isang aral kung hindi mo pa nakita ang kabaligtaran o ang kamalian nito?
 
Sa Banal na Aklat, dapat nating malaman at matanto ang mga tunay na aral ng Dios sa mga maling aral; maaalaman natin ang mga ito kung matapat nating sinusunod ang Tunay at Nagiisang Dios, makakatiyak tayo na ating tatanggapin ang mga pagpapala.
 
Ano ang katunayan na ang Dios ay di nagbabago sa kanyang kautusan hinggil sa "pagpala at sumpa?"
 
Tanungin natin ng may katapatan ang ating mga saliri, sa kasalukuyan tinatamasa ba natin ang magandang pamumuhay sa mundong ito? Hindi baga natin nararamdaman o nagugulimihanan sa mga kapahamakan, mga sakuna, mga paghihirap sa pamumuhay sa pangaraw-araw, mga digmaan, mga pagsasalot at mga sakit na kasalukuyang nangyayari sa buong mundo? At makakakita ka pa ba ng isang bansa ng tumatamasa ng maunlad na pamumuhay, walang mga suliranin at di dumadanas ng kahit anong sakuna at iba pang uri ng mga paghihirap, masasabi natin na ang bansang iyon ay pinagpala at ang dios na sinasamba sa lupaing iyon ay totoo.
 
Nguni't wala tayong makitang bansa sa kasalukuyan sa gayong kalagayan, ang mundo nga ay nasumpa.
 
At, dapat tayong maalalalahanan sa mga pangyayari at mga tao na mababasa sa Banal na Aklat:
 
Sa Lumang Tipan, ang mga tao ng Dios, kasama na ang mga propeta ay iniligtas,

• si Lot, iniligtas sa pagkawasak ng Sodom


• si Noah, sa baha


• si Daniel, sa mga leon


• si David, sa mga kaaway na nakapaligid sa kanyang kaharian


• si Jonas, mula sa malaking isda

Sila ang mga tao at mga propeta ng Dios na sumunod sa Kaniya sa kanilang misyon. Iniligtas sila ng Dios at hinayaang mamuhay ng lubos sa buhay, ito ang Kanyang gantimpala sa kanila, ang pinagpalang pamumuhay.
 
Ano naman ang sinapit ng mga tao na naniwala at sumunod kay Jesus sa Bagong Tipan?

• umpisa kay Jesus, pinatay siya sa kabataan ng kanyang buhay


• ang kanyang mga apostol, at mga tagasunod, lahat ay pinatay


• ang mga martir, na nagbuwis ng buhay alang-alang kay Jesus, namatay din sila sa nakakarimarim na paraan


• at ang mga iba, sa pagdaan ng mga panahon; namatay sila ng may karahasan, sa pamamagitan ng pagbitay o pagpatay

Papaano ninyo masasabi na sila ay pinagpala na hindi sila pinahintulutang mahumay ng lubos sa buhay nila?
 
 Ang mga apostol ang nagpapaniwala sa atin na ang pagbubuwis ng sariling buhay para kay Jesus ay isang pagpapala; nguni't nabasa natin ang kautusan ng Dios, sa pagsunod lamang sa Dios at sa Kanyang mga kautusan makakamit natin ang pagpapala.
 
Nangangahulugan ba na ang Dios sa Lumang Tipan ay naiiba sa Dios ng Bagong Tipan? Dapat nating unawain na ang Dios ay di nagbabago sa kanyang kautusan hinggil sa "pagpapala at sumpa"; Nagbigay na Siya ng mga halimbawa sa Banal na Aklat upang ating malaman kung papaano nating makakamit ang pagpapala at hindi ang sumpa.
 
Ipinangangaral sa atin ng mga relihiyon na kung masama o mabuti man ang ating pamumuhay, sasabihin nila "Kaloob ng Dios." Ang sabi ni Maestro Evangelista, hindi na tayo mag-iisip pa ng ganyang pamamaraan. Tayo ang may gawa ng ating buhay; kung mabuti, ginawa natin iyon. Kung masama, tayo rin ang may gawa kung bakit ito sumama. Galit na ang Dios sa ating kasisisi sa Kaniya sa kalagayan ng ating mga buhay.
 
Upang maibunyag ang panlilinlang ng mga relihiyon sa mga tao, ilalagay natin ang Salita ng Dios na nakasulat sa Banal na Aklat sa isang panig at ang mga aral ng mga relihiyon sa kabilang panig, upang ating matanto at maunawaan kung ang mga relihiyon ay mula sa Dios:
 
Sinabi ng Dios, sa pamamagitan ng Kanyang propeta sa Aklat ni Isaias sa Lumang Tipan:

Ako, sa makatuwid baga'y ako, ang Panginoon; at liban sa akin ay walang tagapagligtas.
Ako'y nagpahayag, at ako'y nagligtas, at ako'y nagpakilala, at walang ibang dios sa gitna ninyo: kaya't kayo ang aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at ako ang Dios.
Isaias 43:11-12 (TAB)

Ang Panginoon, wala nang iba, ang Dios ang tanging Tagapagligtas. At nagpakilala Siya sa atin sa kasalukuyang salinlahi.
 
Ang sabi ni Maestro Evangelista, Ang Dios lamang ang ating kikilalanin, wala nang iba. Ito ang katotohanan.
 
Upang ating mapigil ang sumpa, kilalanin at magbalik-loob sa Dios.
 
Ano naman ang pangbabaluktot na ginawa ng mga relihiyon?
 
Sinasabi ng mga relihiyon na:

Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo;
Titus 2:13 (TAB)

"ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo" – Binasa, pinaniwalaan at ipinangaral ng mga relihiyon ang aral ng mga apostol na hindi naman sinugo ng Dios, nang tayo ay naniwala sa kanilang mga aral, sinumpa rin tayo ng Dios.
 
Salungat ito sa Salita ng Dios. Sino ang paniniwalaan ninyo na inyong tagapagligtas, ang Dios o si Jesus ayon sa sinalita ng mga apostol niya?
 
Ito ang aral na mga apostol at mga relihiyon na nanlilinlang sa atin. Hangga't ang mga tao ay naniniwala sa aral ng mga apostol at mga relihiyon sa Bagong Tipan, hindi titigil ang sumpa ng Dios.
 
At sa pagpapakita pa ng isang halimbawa:
 
Ang sabi ng Dios, sa pamamagitan ng Kanyang propeta sa Banal na Aklat:

Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin.
Ako'y sumumpa ng aking sarili, ang salita ay nakabitaw sa aking bibig sa katuwiran, at hindi babalik, na
sa akin ay luluhod ang bawa't tuhod, bawa't dila ay susumpa.
Isaias 45:22-23 (TAB)

Ang Dios lamang ang tanging Tagapagligtas.
 
Ano ang ipinangaral ng mga Apostol ni Jesus hinggil sa Kaniya?
 
Ang sabi ng mga relihiyon:

Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa,
Philippians 2:10 (TAB)

Kahit sa ating pangkasalukuyang panahon ang mga relihiyon ay ipinangangaral ito, nguni't totoo ba na ang lahat ng mga tuhod ay luluhod sa pangalan ni Jesus lamang? Ito ay isang kalapastanganan!
 
Ito pa ang isang aral na nanlilinlang sa atin, at sinumpa pa tayo ng Dios.
 
Sa kaunaunahang pagkakataon sa dalawang libong taon, ang tunay na Salita ng Dios ay naihayag na sa mga tao sa buong mundo at ang mga relihiyon ay natagpuang hindi sa Dios; kundi kanilang ipinalit ang isang huwad na dios sa kanilang pangangaral ng Banal na Aklat.
 
Ang panlilinlang ay ang pagsasabi ng tama sa umpisa at mali na sa hulihan, Kaya hindi mo makikita agad ang pagkakaiba.
 
Ang sabi ni Maestro Evangelista, Ang pagpapala at sumpa ay ibinigay muli sa Aklat ng Apocalipsis, upang inyong malaman kung tunay nga bang ating tinalikuran ang Dios o hindi.
 
Basahin natin:

Aking sinasaksihan sa bawa't taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito, ay daragdagan siya ng Dios ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito:
Apocalipsis 22:18 (TAB)

"Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito" - Nang idinagdag ng mga apostol at mga relihiyon ang aral na si Jesus ay dios at tagapagligtas, walang pagaalinlangan na dinagdagan at binaluktot ang mga Tunay na Aral sa Banal na Aklat; kaya hanggang sa ating pangkasalukuyang panahon ang mga pagsasalot (mga mababagsik na sakit), mga sakuna at kapamahakan ay lalong tumitindi.
 
at:

At kung ang sinoman ay magalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng Dios ang kaniyang bahagi sa punong kahoy ng buhay, at sa bayang banal, na nangakasulat sa aklat na ito.
Apocalipsis 22:18-19 (TAB)

"kung ang sinoman ay magalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito" - Tunay ngang nagbawas ang mga relihiyon sa mga aral sa Banal na Aklat at hindi ipinangaral sa mga tao. Kaya nga na magpahanggang sa ating panahon, hindi tayo magkaroon ng tunay na kapayapaan sa gitna ng mga kaguluhan sa mundo, hindi tayo makabalik sa Halamanan ng Eden.
 
"punong kahoy ng buhay"
- Ang sabi ni Maestro Evangelista, hindi ito tunay na puno o ang pangako ng walang hanggang buhay na hinahanap ng mga relihiyon; kundi ang tanda ng mapayapa at masaganang pamumuhay - Ang Mabuting Pamumuhay - na ating matatamasa kung tayo ay manunumbalik sa Dios.
 
"bayang banal" - Ilalahad sa atin sa susunod niyang mga pangangaral kung papaano natin matutukoy kung ito nga ay ang dating bayan ng Jerusalem.
 
At, ano ang mga pagsasalot na sinalita ng Dios, ang mga ito ba ay binagggit na noon?

Kung hindi mo isasagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito na nasusulat sa aklat na ito, upang ikaw ay matakot dito sa maluwalhati at kakilakilabot na pangalang, Ang Panginoon Mong Dios.
 Kung magkagayo'y gagawin ng Panginoon na kamanghamangha ang salot sa iyo, at ang salot sa iyong binhi, malaking salot, at totoong malaon, at kakilakilabot na sakit, at totoong malaon.

At kaniyang pararatingin uli sa iyo ang lahat ng mga sakit sa Egipto, na iyong kinatakutan at kakapit sa iyo.
Bawa't sakit din naman, at bawa't salot, na hindi nasusulat sa aklat ng kautusang ito'y pararatingin nga sa iyo ng Panginoon, hanggang sa ikaw ay maibuwal.
Deuteronomio 28:58-61 (TAB)

Ang Dios na ang nagsalita na ang mga pangyayari (pagsasalot) sa kapanahunan ni Moses sa Egypt ay mangyayaring muli, tulad ng mga pagkalat ng iba't ibang uri ng mga sakit sa buong mundo sa pangkasalukuyan.
 
Lingid sa kaalaman ng mga relihiyon ang tungkol dito, o sila ay sadyang abala sa pagpapalaganap ng kanilang mga binaluktot na aral? Magisip muli.
 
"Bawa't sakit din naman, at bawa't salot, na hindi nasusulat sa aklat ng kautusang..." - ang mga sakit (mga pagsasalot) na ating dinadanas ngayon; ang AIDS - HIV, Ebola, SARS, Avian Influenza virus - H5N1, ang "mad cow" na sakit, FMD at ang mga malalakas at mapanirang bagyo, lindol at tsunami na hindi pa nasaksihan at naranasan sa kapanahunan ni Moses.
 
Sa kasalukuyan, tayo ay nagagapi ng mga magkakasunod na mga pagsasalot o sumpa. Ang tanong ay: Sino ang nagdagdag sa mga aral ng Dios?
 
At kung napakarami ang mga namamatay at ang pagkawasak sa mundong ito: Sino ang nag-alis ng mga salita sa mga aral ng Dios? Alam ninyo ang sagot.
 
Ang website na ito ang maglalahad ng mga kadahilanan kung bakit hindi natin naalaman ang tunay na Dios at ang paraan ng panlilinlang na ginamit ng mga relihiyon na pinasamba tayo sa ibang mga dios na hindi natin kilala.
 
Ang sabi ni Maestro Evangelista, upang ating malaman at maunawaan ng lubos ang Dios kailangan makilala ang Kanyang Pangalan, makakatiyak tayo na ang dios na ating sinasamba ay ang Nagiisa at ang Tunay na Dios.
 
Makakapamili tayo sa dalawa, kung ating susundin ang Dios - pagpapala, at kung hindi natin susundin ang Dios at sumunod pa sa ibang dios na hindi nakilala - sumpa. Ang mga tao sa mundo ay napapansin na ang mga sakuna, digmaan at pagsasalot ay tumitindi, ito ang sumpa. Nasa sa ating ang pagpili. Hindi natin masisisi ang Dios sa ating mga paghihirap; dahil sinunod natin ang mga relihiyon na pinaniwala tayo sa mga pangangaral na patungo sa sumpa.
 
Ito ang huling paglalahad mula sa Dios, sa pamamagitan ng kanyang sinugo, si Maestro Evangelista, ay ibinunyag ang tunay na mukha ng mga relihiyon, na hindi sila sa Dios. Sila ang mga nanlilinlang sa mga tao sa mundo sa mga libong taong nagdaan. At dito lamang sa kasalukuyang salinlahing ito, sa pamamagitan ng mga aral ni Maestro Evangelista, na ang mga panlilinlang ay nabunyag.

 

Bumalik sa Itaas.

 

Magpatuloy sa: Ang mga Kautusan ng Dios

 


Ang pahinang ito ay huling inayos noong: Tuesday November 03, 2015

 


Home | About | News | Sitemap | Email

Please go to www.facebook.com/Thenameph for more information.
Copyright © 2011 www.thename.ph


The Revelation of the Foreigner as mentioned by King Solomon in:

“As for the foreigner who does not belong to your people Israel but has come from a distant land because of your name— for they will hear of your great name and your mighty hand and your outstretched arm—when he comes and pray toward this temple, then hear from heaven, your dwelling place. Do whatever the foreigner asks of you, so that all the peoples of the earth may know your name and fear you, as do your own people Israel, and may know that this house I have built bears your Name."

I Kings 8:41-43 (NIV)

 


 

Maestro Eraño M. Evangelista was only sent to deliver God's Message to all people; he is not starting a new religion, nor asking for any kind of donation. Please find time to read the messages completely.

 


 

View the visitors from around the world:

 Click on the Revolving Map to view it entirely.

Since May 13, 2011

If for some reason that you cannot see the map in the link page, simply download the latest Java plug-in for your browser. Click here to install the latest version of Java.


Geo Visitors Map


 

Read the prophecies in your own language by linking to the BibleGateway.com website:

(Right click on the image and select "Open link in new window.")


 


Home | About | News | Sitemap | Email

Copyright © 2022    www.thename.ph