Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Ang
Dakilang Mapagpanggap
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
Ang "Maningning na Tala sa Umaga"
Inihayag noong ika-22 ng Agosto 2005
Ang
sabi ni Maestro Evangelista: Si Jesus ay namatay sa sarili niyang “kasamaan” dahil sa pagpapanggap niyang siya’y
“anak ng Dios!”
Ano
ang kinahinatnan niya? Simulan nating basahin ang pahayag ni Maestro Evangelista
tungkol dito:
Sa dalawang libong taon, ang mga relihiyon
ang nagmulat sa atin upang mamuhi sa taong
tinaguriang "Lucifer," na siya ang anti-Kristo at karumaldumal na tao sa
kasaysayan ng sangkatauhan. Ngunit ang mga relihiyon ay hindi matukoy ang tiyak
na katauhan ng taong ito, sabi nila siya ay si Satanas, babasahin natin mamaya
kung tunay ngang si Lucifer o ang “tala sa umaga” ay si Satanas ayon
sa nakasulat sa Banal na Aklat.
Ano ang nakahayag tungkol sa “tala sa umaga” na nakasulat sa Banal
na Aklat?
Ating basahin ngayon upang ating malaman at maunawaan kung
sino ang taong inihayag dito:
Ang Sheol mula sa ibaba ay nakikilos sa iyo upang salubungin ka sa iyong
pagdating; nangapupukaw ang mga patay dahil sa iyo, sa makatuwid baga'y ang
lahat na pinakapangulo sa lupa; nagsitindig mula sa kanilang mga luklukan ang
lahat ng hari ng mga bansa.
Isaias 14:9 (TAB)
At ano ang sasabihin nila kapag nakita at
nakilala nila ang taong inihayag dito?
Silang lahat ay magsisisagot at mangagsasabi sa iyo, Pati ba ikaw ay naging
mahinang gaya namin? ikaw ba'y naging gaya namin?
Isaias 14:10 (TAB)
"ikaw ba'y naging gaya namin?"
- Na ang inihayag na ito ay tao
lamang gaya natin, hindi banal at hindi nagtagumpay sa kanyang
tungkulin.
Ang
taong ito na ipinangaral sa mga tao na kamuhian, nguni't mabibigla ang lahat
kung makikilala ng tunay na katauhan niya sapamamagitan ng pag-amin niya kung
sino talaga siya.
Ano ang "kasamaang" nagawa niya?
Ang iyong kahambugan ay nababa sa Sheol pati ng tunog ng iyong mga biola: ang
uod ay nangangalat sa ilalim mo, at tinatakpan ka ng mga uod.
Isaias 14:11 (TAB)
Dahil sa kanyang "kahambugan," ano ang nangyari sa kanya?
…ang uod ay nangangalat sa ilalim mo, at tinatakpan ka ng mga uod.
Isaias 14:11 (TAB)
Ibig sabihin, namatay siya at hindi siya nabuhay muli. Ano ang tangan ng taong
ito?
Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw
ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa!
Isaias 14:12 (TAB)
"tala sa umaga" - ito ang tanda ng taong
iyon.
Basahin natin ang talatang ito ang salin sa ibang
wika, kung papaano nila isinulat ito?
Sa New International Version (NIV):
How you have fallen from heaven,
O morning star, son of the dawn!
You have been cast down to the earth,
you who once laid low the nations!
Isaiah 14:12
"morning star" - sa bagong salin ng Banal
na Aklat.
Sa King James Version (KJV):
How art thou fallen from heaven, O Lucifer, son of the morning! how art thou cut
down to the ground, which didst weaken the nations!
Isaiah 14:12
"lucifer" - nag-iba na, dahil ang unang
salin nito ay noon pang 1611.
At sa Contemporary English Version (CEV),
inilimbag noon 1995:
You, the bright morning star, have fallen from the sky! You brought down other
nations; now you are brought down.
Isaiah 14:12 (CEV)
"morning star" - kapareho sa NIV.
At sa Good News Bible (GNB), inilimbag noon 1966:
King of Babylon, bright morning star, you have fallen from heaven! In the past
you conquered nations, but now you have been thrown to the ground.
Isaiah 14:12
"bright morning star" - mas lumawig pa ang
pagkatukoy.
At ang panghuli, sa Latin Vulgate (Biblia Sacra Vulgata),
inumpisahan noong pang 382:
quomodo cecidisti de caelo lucifer qui mane oriebaris corruisti in terram qui
vulnerabas gentes
Isaiah 14:12 (Vulgate)
"lucifer" - malinaw na binago nila ang
tunay na kahulugan ng tanda ng taong ito sa pahayag na ito, dahil ang tanda na
ibinigay ang magtuturo sa tunay na katauhan niya.
Mula sa salin ng salitang Latino sa talata sa Isaias 14:12, malinaw na mula pa
sa simula ang mga relihiyon ay tinangkang itago o ilihim ang tunay na pagkatao
niya.
At nabasa rin natin kanina na sinalita ni Jesus
sa Apokalipsis 22:16 na siya ay "anak ni David" at siya rin ang "maningning na
tala sa umaga" - bakit sinalita niya ito? Ito ang kanyang pag-amin na siya ang "tala
sa umaga" na binabanggit sa pahayag na ito!
Pinalitan ng mga relihiyon noon ang tanda na
"tala sa umaga" na maging "lucifer," upang aalis ang maguugnay kay Jesus sa "tala
sa umaga."
Ito ang dahilan kung bakit mabibigla ang lahat
kapag nalaman nila na sa pag-amin ni Jesus, siya pala ang taong itinuro na
kamuhian nila sa nakalipas na dalawang libong taon! At sino ang may kagagawan
niyon? Ang mga relihiyon.
Bakit “nahulog ka mula sa langit” – Dahil akala ng bawa’t isa na si Jesus ay
umakyat sa langit, nguni’t tayo ay nabigla ng nalaman natin na siya ay nasa "kailaliman"
at nagiisa; ang lahat ay mabibigla sa kaalaman na siya ay hindi nakapamanhik sa
langit!
Upang patunayan pa kung si Jesus nga ito. Ano ang sinabi niya nang nabubuhay pa siya?
Datapuwa't magmula ngayon ang Anak ng tao ay mauupo sa kanan ng kapangyarihan ng
Dios.
At sinabi nilang lahat, Kung gayo'y ikaw baga ang Anak ng Dios? At sinabi niya
sa kanila, Kayo ang nangagsasabi na ako nga.
Lucas 22:69-70 (TAB)
Kaya, ito rin ang nasusulat sa pahayag:
At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y sasampa sa langit, aking itataas ang aking
luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa bundok ng kapisanan,
sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan:
Isaias 14:13 (TAB)
Siya ay naging lubhang mapaghangad na kilalaning
"anak ng Dios:"
Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng
Kataastaasan.
Isaias 14:14 (TAB)
At naging dios pa sa iba. At ano pa ang sinabi ni Jesus noon?
Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat;
at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama.
Ako at ang Ama ay iisa.
Juan 10:29-30 (TAB)
Ginusto niyang maging Dios… nguni’t ano ang nangyari sa kanya?
Gayon ma'y mabababa ka sa Sheol, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hukay.
Isaias 14:15 (TAB)
Tayo ang mga nakaalam kung saan naroroon ngayon ang taong ito. Ito ang dahilan
kung bakit sinabi ni Jesus sa Juan 16:5-6, na tayo ay malulungkot kung ating
maaalaman kung saan siya paroroon.
Ano ang sasabihin tungkol kanyang kinahinatnan?
...Silang nangakakakita sa iyo ay magsisititig sa iyo, kanilang mamasdan ka, na
mangagsasabi, Ito baga ang lalake na nagpayanig ng lupa, na nagpauga ng mga
kaharian;
Isaias 14:16 (TAB)
“Ito baga ang lalake” - nangangahulugan na hindi si
Satanas ang “maningning na
tala sa umaga,” dahil ang binabanggit dito ay isang “lalake” - Si Jesus ang
umamin!
Papaano niya niyanig ang lupa, basahin sa:
Ako'y naparito upang maglagay ng apoy sa lupa; at ano pa ang iibigin ko, kung
magningas na?
Datapuwa't ako'y may isang bautismo upang ibautismo sa akin; at gaano ang aking
kagipitan hanggang sa ito'y maganap?
Inaakala baga ninyo na ako'y naparito upang magbigay ng kapayapaan sa lupa?
Sinasabi ko sa inyo, Hindi, kundi bagkus pagkakabahabahagi:
Sapagka't mula ngayon ay magkakabahabahagi ang lima sa isang bahay, tatlo laban
sa dalawa, at dalawa laban sa tatlo.
Sila'y mangagkakabahabahagi, ang ama'y laban sa anak na lalake, at ang anak na
lalake ay laban sa ama; ang ina'y laban sa anak na babae, at ang anak na babae
ay laban sa kaniyang ina; ang biyanang babae ay laban sa kaniyang manugang na
babae, at ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyanang babae.
Lucas 12:49 -53 (TAB)
Hindi ba niya niyanig ang mundo sa kanyang aral ng pagkakabahabahagi at
di-pagkakasundo, na naging dahilan ng pagkakasumpa ng mundo?
Na ginawang gaya ng ilang ang sanglibutan, at gumiba ng mga bayan nito; na hindi
nagpakawala ng kaniyang mga bilanggo upang magsiuwi?
Isaias 14:17 (TAB)
"bilanggo” – ibig sabihin, tayo – ang mga sumailalim sa
Kristiyanismo at iba pang mga relihiyon na sumusunod rin sa bulaang aral hinggil
kay Jesus:
Lahat ng mga hari ng mga bansa, silang lahat, nangatutulog sa kaluwalhatian,
bawa't isa'y sa kaniyang sariling bahay.
Nguni't ikaw ay natapon mula sa iyong libingan na gaya ng kasuklamsuklam na
sanga, gaya ng bihisan ng mga patay, na tinaga ng tabak, na bumaba sa mga bato
ng hukay: gaya ng bangkay na nayapakan ng paa.
Isaias 14:18-19 (TAB)
At ang kanyang katawan ay kinuha o ninakaw sa libingan at itinago, ano ang iba pa
niyang tanda?
Ikaw ay hindi malalakip sa kanila sa libingan, sapagka't iyong sinira ang iyong
lupain, iyong pinatay ang iyong bayan; ang angkan ng mga manggagawa ng kasamaan
ay hindi lalagi magpakailan man.
Isaias 14:20 (TAB)
Si Jesus - ang taong pinatay nguni’t hindi nailibing magpahanggang ngayon.
Siya ay nakapako
pa sa krus sa mga simbahan.
At tungkol kay Satanas na sinasabi ng mga
relihiyon ay ang "Lucifer" o ang "tala sa umaga" rin, tao rin ba si Satanas?
At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at
Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang
kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.
Apocalipsis 12:9 (TAB)
Malinaw na ang dragon, ang ahas, ang Diablo at Satanas ay iisa lang at hindi
tao na inakala ng mga relihiyon, basahin ang isa pang paliwanag:
At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang Diablo at Satanas,
at ginapos na isang libong taon,
Apocalipsis 20:2 (TAB)
Kung gayon sino ang “maningning na tala sa umaga?”
Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo'y magpatotoo ng mga
bagay na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang
maningning na tala sa umaga.
Apocalipsis 22:16 (TAB)
Ang “anghel” ang maghahayag kung sino talaga si Jesus; na siya ay ugat
at "anak" ni David at siya rin ang “maningning na tala umaga” ito ang
panghuling pahayag ni Jesus.
At sino ang nagbigay sa atin ng malinaw na paliwanag sa mga sinalita at mga ginawa
ni Jesus? Si Maestro Evangelista – siya ang “anghel”na binabanggit ni Jesus.
At upang ating malaman na ang Banal na Aklat ay hindi nagbabago sa paghahayag na si
Jesus ay umamin na siya ang “maningning na tala sa umaga,” basahin natin sa
ibang salin ng Banal na Aklat ang talata:
• New International Version (NIV)
Revelation 22:16 "I, Jesus, have sent my angel to give you this testimony for
the religions. I am the Root and the Offspring of David, and the bright Morning
Star."
• Contemporary English Version (CEV)
Revelation 22:16 I am Jesus! And I am the one who sent my angel to tell all of
you these things for the religions. I am David's Great Descendant, and I am also
the bright morning star.
• Good News Bible (GNB)
Revelation 22:16 "I, Jesus, have sent my angel to announce these things to you
in the religions. I am descended from the family of David; I am the bright
morning star.
• Latin vulgate (Biblia Sacra Vulgata)
Apocalypsis 22:16 ego Iesus misi angelum meum testificari vobis haec in
ecclesiis ego sum radix et genus David stella splendida et matutina
Ano ang ginawa ng mga relihiyon upang itago o
ilihim ang maguugnay sa dalawang talata sa
Latin Vulgate?
• Latin vulgate (Biblia Sacra Vulgata)
Isaias 14:12 quomodo cecidisti de caelo lucifer qui mane oriebaris corruisti in
terram qui vulnerabas gentes
At mula din sa:
Apocalypsis 22:16 ego Iesus misi angelum meum testificari vobis haec in
ecclesiis ego sum radix et genus David stella splendida et matutina
At ang mga tao sa buong mundo ay nilinlang ng mga relihiyon, na nagdadag at
nag-alis ng mga salita sa aral ng Dios. Itinago nila si Jesus – “ang maningning
na tala sa umaga” – at ipinalit ang pangalang mula sa salitang Latino na “Lucifer.”
Sinasabi ng mga relihiyon na naganap ni Jesus ang mga pahayag sa Banal na Aklat,
nguni't ang mga sumpa nga lamang ang naisakatuparan niya; isa na dito ang
tungkol sa pahayag at tanda ng “maningning na tala sa umaga” – ang sumpa sa taong
dinaya o tinukso ni Satanas.
Ang
mga relihiyon ay ipinangaral na si Jesus ay namatay na mabuting tao, at “anak ng
Dios” na walang kakayahang mabigo sa kanyang tungkulin; Nguni’t ngayon, nabasa
at naunawaan natin na siya ay namatay dahil sa kanyang "kasamaan," at
nabigla kayo. Ito ang
dahilan kung bakit sinalita o nasulat na ang lahat ay mabibigla kapag nalaman
ang tunay niyang katauhan.
May darating na “anghel” na magpapatotoo kay
Jesus sa ating lahat:
1. na siya (Jesus) ang “anak ni David”, at
2. si Jesus din ang “maningning na tala sa umaga.”
Ang
mga relihiyon ay ipinalagay sa mga tao ang pagkamuhi sa pangalang "Lucifer," o ang
“maningning na tala sa umaga”, na isa itong anti-Kristo. Nguni't mabibigla sila
kapag malaman nila na si Jesus ang umamin na siya ang tinutukoy na “tala sa
umaga” sa Isaias 14:12! Sino ngayon ang anti-Kristo?
Ang sabi ni Maestro Evangelista, nang nakagawa ng kamalian sina Adan at
Eva,
hindi kayo nabigla, gayundin kay Moses, kina David at Salomon; nguni’t ngayon,
nalaman natin na si Jesus ay hindi rin sumunod sa Dios, nabigla kayong lahat.
Dahil mali ang itinuro ng mga relihiyon tungkol kay Jesus.
Malinaw na ngayon, ang sumpa na nasa atin
magpahanggang ngayon ay idinulot ng “taong” ito – ang "maningning
na tala sa umaga” na inihayag sa Isaias 14:9-20. Siya ang dahilan ng paghihirap na ating dinaranas,
sa pamamagitan ng mga relihiyon na nagpatuloy ng kanyang mga maling aral.
Sa patotoo ni Jesus, hindi niya nagampanan ang tungkuling ibinigay sa kanya ng Dios
at hindi na siya ang may dala ng kaligtasan para sa bayan niya.
Ang
sabi ni Maestro Evangelista, matagal ng umamin si Jesus na siya ay “anak” lamang
ni David at siya rin ang taong may “tanda” ng “maningning na tala sa umaga.” At dahil sa kanyang kahambugan at pagpapanggap na
“anak ng Dios,” noon pa niya
napagbayaran ang ginawa niyang “kasamaan.” Kung ang mga relihiyon ay tunay
ngang sa Dios, dapat ay noon pa nila alam ang tungkol dito.
Nguni’t sa kanilang pagpapatuloy ng kanilang aral gamit ang mga kamalian ni
Jesus, ang mga tao ay dumanas ng mga paghihirap hanggang sa kasalukuyan dahil
sinamba ang isinumpa ng Dios – kaya’t sumpa rin ang tatanggapin sa mga
nagsisisunod kay Jesus.
Sino na ngayon ang dahilan ng sumpa sa mundo? Hindi na si Jesus sapagka’t
napagbayaran na nya ang mga nagawa nyang “kasamaan.” Kung hindi si Jesus, sino?
Sino pa ba ang nagtuturo sa atin sa kasalukuyan na sambahin at sundin si Jesus
bilang kristo at muling magbabalik para daw sa kaligtasan nating lahat? Ang mga
relihiyon!
Ito ang kasagutan sa tanong na ibinigay kanina kung bakit hindi sinabi ni Jesus
ang mga bagay na ito sa kanyang mga tagasunod noon at ang dahilan kung bakit tayo malulumbay kapag ating
malaman kung saan siya pumunta.
Ito ay hindi bunga ng pagsasaliksik, ito ang mga
pahayag na tinanggap ni Maestro Evangelista mula sa Dios. Ito ang kaganapan ng
Patotoo ni Jesus, nang kanyang sabihin na siya ay
magpaparating ng isang “anghel” upang magpatotoo sa lahat.
Papaano niyanig ni Jesus ang mundo? Papaano niya ito nagawa? Saan siya kumuha ng
gayong kapangyarihan? Na ang tanging tungkulin na ibinigay sa kanya ng Dios ay
ang akayin at iligtas lamang ang kanyang bayan.
Bumalik sa Itaas.
Magpatuloy sa:
Ang
Kapamahalaan at Kaluwalhatian ng Mundo
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Monday November 23, 2015
|