Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Ang Tungkol sa Kasalanan
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
ANG PAMAMARAAN NG PANLILINLANG NI SATANAS
Inihayag noong ika-22 ng Agosto 2005
Alam na natin kung bakit ganito karami at bakit matagumpay ang mga relihiyon. Sa
kapahayagan ito ni Maestro Evangelista, binunyag niya ang kapanangyarihan na
nagtutulak sa mga relihiyon na lumaganap sa buong mundo!
Nalinlang tayo ng mahabang panahon, upang matigil na ang panlilinlang sa atin ay
kailangang makilala ang “manlilinlang” at malaman ang pamamaraan na ginagamit
nito.
At ito mismo ang ipakikita ni Maestro Evangelista,
kung papaano natin makikilala ang "Manlilinlang."
At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, Sapagka't ginawa mo ito, ay sumpain ka ng
higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawa't ganid sa parang; ang iyong tiyan
ang ilalakad mo, at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong
buhay:
At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi:
ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.
Genesis 3:14-15 (TAB)
Sa Halamanan ng Eden, naging matagumpay ang ahas sa paglinlang kina Adan at
Eva at sila
ay pinalayas.
“ang iyong tiyan ang ilalakad mo” – Ibig sabihin, ang ahas ay gagapang sa kanyang tiyan bilang parusa;
ibig sabihin, ang ahas ay gagapang sa kanyang tiyan bilang parusa;
nangangahulugan na ang ahas ay may mga paa noon at nakakalakad!
Tungkol sa hiwaga ng pagkakilanlan ng ahas, ni isa sa mga tagapagturo at mga
pantas ng mga relihiyon ay hindi alam ang sagot kung sila’y ating tatanungin
tungkol dito, at sasabihin nila na balot pa ito sa lihim. Ang sabi ni Maestro
Evangelista, sa panahon natin ay hindi na dapat tanggapin ang mga hiwaga; nasa
panahon na tayo ng teknolohiya, lahat ng bagay ay naipapaliwanag na.
Ihahayag ngayon ni Maestro Evangelista ang lihim ng pagkakilanlan ng ahas noon
sa Halamanan ng Eden. Siya rin ang inutusan ng Dios upang maghayag at magbigay
ng paliwanag sa mga hiwaga at mga lihim na nasa Banal na Aklat na nalingid sa
atin at sa mga relihiyon; ang mga hiwaga ay mahahayag lang sa panahon natin sa
pamamagitan ng aklat ng Apocalipsis.
Ang
sabi ni Maestro Evangelista: Ang pinakamahalagang mga aklat sa Biblia ay ang mga
aklat ng Genesis at Apocalipsis. Kagaya ng isang bahay, ang aklat ng Genesis ang
pundasyon at ang aklat ng Apocalipsis ang bubong ng bahay. Kung ang pundasyon ay
mahina, hindi tatayo ng matagal ang bahay, at gayon din naman sa bubong, kung
mahina rin ito, hindi magandang manirahan dito. Tulad din ng mga relihiyon,
hindi nila binibigyang pansin ang aklat ng Genesis at bahagya lang nilang
tinalakay sa atin ang aklat ng Apocalipsis. Dahil hindi sila pinahintulutan ng
Dios na malaman ang mga ito!
Ano
nga ba ang anyo ng ahas bago pa mangyari ang panunukso sa Halaman sa Eden?
Basahin sa:
At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at
Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang
kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.
Apocalipsis 12:9 (TAB)
Ang
ahas ay ang “malaking dragon!” At dahil sa ginawa nitong panunukso sa babae ay
hindi pumayag ang Dios na hindi maparusuhan ang ahas o ang “manlilinlang”,
kaya’t inalisan Niya ito ng paa at naging ahas bilang kaparusahan.
Muli, totoo ba na ang ahas ay ang
dragon din? Isaisip ang pagkakasunod-sunod na mga pagkakakilanlan.
Basahin sa:
At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang Diablo at Satanas,
at ginapos na isang libong taon,
Apocalipsis
20:2 (TAB)
Sa
mga nagdaang panahon, ang “manlilinlang” ay naging matagumpay sa pagtukso dahil
sa iba’t ibang anyong ginagamit nito na lingid sa kaalaman ng tao.
Nguni’t sa Pahayag ni Maestro Evangelista, makikita na natin ang mga anyo na
ginamit ng “manlilinlang” sa mga nagdaang panahon at sa wakas ito ay makikilala
na.
Sa panahon ni Adan, ang "manlilinlang" ay nag anyong ahas.
At ng dumating ang
panahon na ang "manlilinlang" ay manuksong muli, anong anyo o balatkayo ang
ginamit nito?
At sinabi sa kaniya ng diablo, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ipag-utos mo na ang
batong ito ay maging tinapay.
Lucas 4:3 (TAB)
Sa
panahon ni Jesus, ang manlilinlang/ahas ay nagsa-anyong Diablo. Kung ang
“manlilinlang” ay nagpakita kay Jesus sa anyong ahas, kakausapin pa ba ito ni
Jesus? Hindi na!
At nang matapos ng diablo ang lahat ng pagtukso, ay hiniwalayan siya niya ng
ilang panahon.
Lucas 4:13 (TAB)
Nakilala nga ang Diablo, muli ang manlilinlang ay sumubok na
manukso muli, at
anong anyo ang kanyang ginamit?
At isinama siya ni Pedro, at nagpasimulang siya'y pinagwikaan, na nagsasabi,
Panginoon, malayo ito sa iyo: kailan man ay hindi mangyayari ito sa iyo.
Datapuwa't lumingon siya, at sinabi kay Pedro, Lumagay ka sa likuran ko,
Satanas: ikaw ay tisod sa akin: sapagka't hindi mo pinagiisip ang mga bagay ng
Dios, kundi ang mga bagay ng tao.
Mateo 16:22-23 (TAB)
Nalaman ni Jesus na sa pagkakataong ito, ang “manlilinlang” ay nasa anyong
Satanas. At nagtagumpay na linlalingin siya sa pamamagitan ni Pedro.
Tumigil ba ang panlilinlang sa
panahon niya? Ang panglilinlang ay hindi natigil doon. At bago mamatay si Jesus,
kanino niya nailipat ang "kapamahalaan at kaluwalhatian ng mundo" na kanyang tinanggap mula sa
Diablo?
At tinipon niya ang labingdalawa, at binigyan sila ng kapangyarihan at
kapamahalaan sa lahat ng mga demonio, at upang magpagaling ng mga sakit.
At sila'y sinugo niya upang ipangaral ang kaharian ng Dios, at magpagaling ng
mga may sakit.
Lucas 9:1-2 (TAB)
Ito ang pagpapatuloy ng paglilinlang na nag-simula sa Halamanan; sa pagkamatay ni
Jesus, ang mga apostol ang nagpatuloy ng panlilinlang
sa mga tao gamit ang kapangyarihan at
kapamahalaan sa lahat ng mga demonio, upang magpagaling ng mga sakit at
ipangaral ang kaharian ng Dios.
Ang tanong ni Maestro Evangelista, sinong dios
ang kanilang ipinangangaral? Pag ang isang simbahan ay nagpagaling sa inyo ng
inyong sakit, sa pamamagitan ng “pray over” at iba’t-ibang mga ritwal,
malalabanan mo pa ba ang kanilang aral? Ito ang pamamaraan ng pagpapatuloy ng mga
apostol sa paglilinlang, ipapangako nila ang kaharian ng Dios, nang hindi
ipinakikilala ang Kanyang Tunay na Pangalan.
Kung ang relihiyon ay hindi naipakilala ang Pangalan ng Dios, kaninong kaharian
ang ipinangangako nila sa atin?
At sa ating panahon, kanino inilipat ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan
sa lahat ng mga demonio, at upang magpagaling ng mga sakit at ipangaral ang
kaharian ng Dios? Sa mga relihiyon! Ang sabi ni Maestro Evangelista, wala kang
makikitang relihiyon o
simbahan na hindi nagpapalayas ng demonyo, nagpapagaling ng sakit at nangangaral
ng kaharian ng Dios.
Ito ang huling panlilinlang sa mundo.
Ano ang mangyayari sa kanila sa bandang huli?
At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at
Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang
kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.
Apocalipsis 12:9 (TAB)
“at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya” – Sino ang mga "anghel"
ni Satanas? Ang mga relihiyon!
Ito
ang pahayag na mangyayari sa di kalaunan. Mahahayag na ang mga relihiyon ay hindi
kabilang sa Dios. Una, hindi nila kilala ang Pangalan ng Tunay na Dios, hindi
nila sinunod ang mga kautusan ng Dios. Kaya tayo ay nasumpa nang nagsisunod tayo
sa mga relihiyon at inilagak din natin ang ating paniniwala kay Jesus.
Bumalik sa Itaas.
Magpatuloy sa:
Si Jesus ba'y nabuhay muli?
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Wednesday May 28, 2014
|