Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Tungkol sa “Ikasangpung Bahagi" o “Tithes”
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
Hinggil sa Pagdiriwang at Paghahandog
Inihayag noong ika-22 ng Setyembre 2006
Ang
sabi ni Maestro Evangelista, hindi kailangan ng Dios ang mga materyal na bagay;
ang mga pagdiriwang at mga paghahandog ay hindi pamamaraan ng pagsamba sa Dios.
Bagaman pinayagan ng Dios na tuparin ng Kanyang bayan ang mga pagdiriwang at mga
paghahandog, nguni’t hindi para sa lahat sa buong mundo. At ang hindi
napag-alaman ng mga relihiyon nang sinalita ng Dios sa Kanyang bayan na gumawa
ng mga paghahandog, ginawa nila ang mga yaon bilang kabayaran sa nagawa nilang
mga kasalanan noon.
Bilang isang halimbawa, ang isang magulang ay pagagalitan o parurusahan ang
kanyang anak sa mga masamang ginawa nito, “Huwag kang umalis ng bahay at lumuhod
ka sa isang dako ng silid , at manatili ka ng ilang oras!” Gaya rin ng mga
pagdiriwang o ritwal at paghahandog na sinalita ng Dios na gawin ng bayan Niya
noon.
Ang mga relihiyon ay ginaya ang kanilang pagdiriwang o ritwal sa kaparusahan na
ibinigay ng Dios sa Kanyang bayan. Dahil sa mga aral ng mga relihiyon, ang mga
tao ay ipinagdiriwang at dinaranas pa ang mga paghihirap ng mga kaparusahan na
ibinigay ng Dios sa Kanyang bayan noon!
Hindi na tayo saklaw sa mga iyon. Basahin natin:
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, Iyong salitain kay Aaron, at sa kaniyang mga anak, at sa lahat ng mga anak ni
Israel, at sabihin mo sa kanila, Ito ang iniutos ng Panginoon, na sinasabi, Sinomang tao sa sangbahayan ni Israel, na pumatay ng baka, o kordero, o kambing
sa loob ng kampamento, o pumatay sa labas ng kampamento, At hindi dinala sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, upang ihandog na pinaka
alay sa Panginoon, sa harap ng tabernakulo ng Panginoon: ay dugo ang ipararatang
sa taong yaon; siya'y nagbubo ng dugo; at ang taong yaon: ay ihihiwalay sa
kaniyang bayan: Upang ang mga anak ni Israel ay magdala ng kanilang mga hain, na inihahain sa
kalawakan ng parang, sa makatuwid baga'y upang kanilang dalhin sa Panginoon, sa
pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, sa saserdote, at ihain sa Panginoon na mga
pinakahandog tungkol sa kapayapaan.
Leviticus 17:1-5 (TAB)
“kapayapaan” – Ay isang uri ng kaparusahan sa kasalanan.
Kaya’t kung tayo ay
mag-aalay o maghahandog sa mga simbahan at mga templo, hindi tayo nag-aalay ng
papuri at pagsamba sa Dios.
At iwiwisik ng saserdote ang dugo sa ibabaw ng dambana ng Panginoon, sa pintuan
ng tabernakulo ng kapisanan, at susunugin ang taba na pinakamasarap na amoy sa
Panginoon. At huwag na nilang ihahain ang kanilang mga hain sa mga kambing na lalake na
kanilang pinanaligan. Magiging palatuntunan nga magpakailan man sa kanila sa
buong panahon ng kanilang lahi. At sasabihin mo sa kanila, Sinomang tao sa sangbahayan ni Israel, o sa mga taga
ibang bayan na nakikipamayan sa kanila, na naghandog ng handog na susunugin o
hain, At hindi dinala sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, upang ihain sa
Panginoon: ay ihihiwalay nga ang taong yaon sa kaniyang bayan.
Leviticus 17:6-9 (TAB)
Dahil ang bayan ni Moses ay matigas ang ulo, palagi silang gumagawa ng kasalanan
sa Dios.
Ano ba talaga ang kahulugan ng paghahandog?
At kaniyang dadalhin sa Panginoon ang kaniyang handog dahil sa pagkakasala, sa
pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, sa makatuwid baga'y isang tupang lalake na
pinakahandog dahil sa pagkakasala:
Leviticus 19:21 (TAB)
"handog dahil sa pagkakasala" - Ginagawa nila ang paghahandog dahil sa kanilang kasalanan sa Dios, hindi ito
isang uri ng pagsamba.
Ito ang ipinagawa sa atin ng mga relihiyon, ang ganapin ang mga pagdiriwang o
ritwal ng mga ibang tao na hindi nalalaman ang kahulugan o pinagmulan ng mga nito!
Ang lumahok pala sa mga pagdiriwang o ritwal sa mga templo at simbahan ay isang
uri ng kaparusahan! Hindi pagpupuri sa Dios.
Ito ang mga kautusan na dapat nilang tuparin:
Huwag kayong kakain ng anomang may dugo: ni huwag kayong mag-eenkanto ni
magpapamahiin. Huwag ninyong gugupitin ng pabilog ang mga buhok sa palibot ng inyong ulo, ni
huwag mong sisirain ang mga dulo ng iyong balbas. Huwag ninyong kukudlitan ang inyong laman dahil sa namatay: ni huwag ninyong
lilimbagan ang inyong laman ng anomang tanda; ako ang Panginoon. Huwag mong hahamakin ang iyong anak na babae, na siya'y iyong pagmamasamaing
babae: baka ang lupain ay malugmok sa pakikiapid, at mapuno ang lupain ng
kasamaan. Ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath, at igagalang ninyo ang aking
santuario: ako ang Panginoon.
Leviticus 19:26-30 (TAB)
Ito ang mga kautusan na dapat na kanilang tuparin, o sila ay makakatanggap ng
kaparusahan at ipagagawa sa kanila ang mga binanggit kanina.
Huwag ninyong babalikan ang mga inaalihan ng masasamang espiritu ni ang mga
mangkukulam: huwag ninyong hanapin na magpakahawa sa kanila: ako ang Panginoon
ninyong Dios.
Leviticus 19:31 (TAB)
May industriya pa nga tayo sa kasalukuyan para lang sa panghuhula sa ating
makabagong panahon!
Mababasa natin na magpahanggang sa kapanahunan ni Salomon, sila ay pinapagawa pa
ng mga pagdiriwang at paghahandog.
Ano ang sabi ni Salomon:
Ingatan mo ang iyong paa pagka ikaw ay napasasa bahay ng Dios; sapagka't ang
paglapit upang makinig ay maigi kay sa magbigay ng hain ng mga mangmang:
sapagka't hindi nila nalalaman na sila'y nagsisigawa ng kasamaan. Huwag kang pakabigla ng iyong bibig, at huwag magmadali ang iyong puso na
magsalita ng anomang bagay sa harap ng Dios; sapagka't ang Dios ay nasa langit,
at ikaw ay nasa lupa: kaya't pakauntiin mo ang iyong mga salita.
Ecclesiastes 5:1-2 (TAB)
Ito ang tunay na mensahe na ibinibigay sa atin ng Dios, na kung tayo ay mag-aalay
ng mga materyal na bagay sa Kaniya, tayo’y mga mangmang sa Kanyang mata. Dahil sa
paggawa ng mga paghahandog tayo ay patuloy na gumagawa ng kasamaan.
Ang sabi ni Maestro Evangelista, basahin at inyong matatanto na sinasalita na ng
Dios sa mga tao na huwag nang maghandog ng mga ganitong bagay kailan man:
Magsiparito kayo, at tayo'y manumbalik sa Panginoon; sapagka't siya'y lumapa, at
pagagalingin niya tayo; siya'y nanakit, at kaniyang tatapalan tayo.
Hosea 6:1 (TAB)
Sinasabi ng Dios sa atin na magsipanumbalik sa
Kaniya.
Pagkatapos ng dalawang araw ay muling bubuhayin niya tayo: sa ikatlong araw ay
ibabangon niya tayo, at tayo'y mangabubuhay sa harap niya.
Hosea 6:2 (TAB)
Mahal tayo ng Dios, at makikilala na natin Siya.
At ating kilalanin, tayo'y magpatuloy upang makilala ang Panginoon: ang kaniyang
paglabas ay tunay na parang umaga; at siya'y paririto sa atin na parang ulan, na
parang huling ulan na dumidilig ng lupa.
Hosea 6:3 (TAB)
“ang kaniyang paglabas ay tunay na parang umaga”
– Mangyayari ang mga ito.
“ulan” – Ang Dios ay paririto sa atin na parang ulan na nagbibigay ng buhay,
hindi gaya ng isang bagyo na nakakasira.
Oh Ephraim, ano ang gagawin ko sa iyo? Oh Juda, ano ang gagawin ko sa iyo?
sapagka't ang inyong kabutihan ay parang ulap sa umaga, at parang hamog na
lumalabas na maaga.
Hosea 6:4 (TAB)
Ito ang pag-uugali ng dalawang dating bayan ng Dios noon.
Kaya't aking pinutol sila sa pamamagitan ng mga propeta; aking pinatay sila ng
mga salita ng aking bibig; at ang iyong mga kahatulan ay parang liwanag na
lumalabas.
Hosea 6:5 (TAB)
Dahil naniwala tayo sa mga relihiyon, nguni’t ngayon:
“mga salita ng aking bibig” – Ang Salita ng Dios na dala ng mga propeta.
Kailangan pa bang mag-alay at ganapin ang mga pagdiriwang?
Sapagka't ako'y nagnanasa ng kaawaan, at hindi hain; at ng pagkakilala sa Dios
higit kay sa mga handog na susunugin.
Hosea 6:6 (TAB)
Kailan natin dapat kilalanin at magpasalamat sa Dios? Ang sabi ni Maestro
Evangelista:
Dinggin mo ang tinig ng aking daing, Hari ko, at Dios ko; sapagka't sa iyo'y
dumadalangin ako. Oh Panginoon, sa kinaumagaha'y didinggin mo ang aking tinig; sa kinaumagahan ay
aayusin ko ang aking dalangin sa iyo, at magbabantay ako.
Awit 5:2-3 (TAB)
“Hari” – Ang ating Dios ay ang ating hari rin.
Tayo ay dapat magpasalamat at purihin ang Dios bago tayo matulog sa gabi at
pagkagising sa umaga.
At kung kailan wala na tayong makitang lunas sa ating suliranin, ito ang
panahon na ating hingiin ang patnubay ng Dios kung papaano natin maalpasan ito.
Bumalik sa
Itaas.
Magpatuloy sa:
Hinggil sa
Pananalangin at Pamamanata
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Wednesday May 28, 2014
|