Isang salin ng lahi ay yumayaon,
at ibang salin ng lahi ay dumarating; nguni't ang lupa ay nananatili magpakailan
man.
Eclesiastes 1:4 (TAB)
Luk 21:5 At samantalang sinasalita ng ilan ang tungkol sa templo, kung
paanong ito'y pinalamutihan ng magagandang bato at mga hain, ay kaniyang sinabi,
Luk 21:6 Tungkol sa mga bagay na ito na inyong nangakikita, ay darating ang mga
araw, na walang maiiwan ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato, na hindi
ibabagsak.
Luk 21:7 At kanilang itinanong sa kaniya, na sinasabi, Guro, kailan nga
mangyayari ang mga bagay na ito? At ano ang magiging tanda pagka malapit ng
mangyari ang mga bagay na ito?
Luk 21:8 At sinabi niya, Mangagingat kayo na huwag kayong mangailigaw: sapagka't
marami ang paririto sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at,
Malapit na ang panahon: huwag kayong magsisunod sa kanila.
Luk 21:9 At pagka kayo'y nangakarinig ng mga digmaan at mga kaguluhan, ay huwag
kayong mangasindak: sapagka't kinakailangang mangyari muna ang mga bagay na ito;
datapuwa't hindi pa malapit ang wakas.
Luk 21:10 Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Magtitindig ang isang bansa
laban sa bansa, at ang isang kaharian laban sa kaharian;
Luk 21:11 At magkakaroon ng malalakas na lindol, at sa iba't ibang dako ay
magkakagutom at magkakasalot; at magkakaroon ng mga bagay na kakilakilabot, at
ng mga dakilang tanda mula sa langit.
--
2Th 2:1 Ngayon aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, tungkol sa pagparito
ng ating Panginoong Jesucristo, at sa ating pagkakatipon sa kaniya:
2Th 2:2 Upang huwag kayong madaling makilos sa inyong pagiisip, at huwag din
naman kayong mabagabag maging sa pamamagitan man ng espiritu, o sa pamamagitan
ng salita, o sa pamamagitan ng sulat na waring mula sa amin, na wari bagang
nalalapit na ang kaarawan ng Panginoon;
2Th 2:3 Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi
darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas, at mahayag ang taong
makasalanan, ang anak ng kapahamakan,
2Th 2:4 Na sumasalangsang at nagmamataas laban sa lahat na tinatawag na Dios o
sinasamba; ano pa't siya'y nauupo sa templo ng Dios, na siya'y nagtatanyag sa
kaniyang sarili na tulad sa Dios.
2Th 2:5 Hindi baga ninyo naaalaala nang ako'y kasama ninyo pa, ay sinabi ko sa
inyo ang mga bagay na ito?
2Th 2:6 At ngayo'y nalalaman ninyo ang nakapipigil, upang siya'y mahayag sa
kaniyang talagang kapanahunan.
2Th 2:7 Sapagka't ang hiwaga ng kasamaan ay gumagawa na: lamang ay may pumipigil
ngayon, hanggang sa alisin ito.
2Th 2:8 At kung magkagayo'y mahahayag ang tampalasan, na papatayin ng Panginoong
Jesus ng hininga ng kaniyang bibig, at sa pamamagitan ng pagkahayag ng kaniyang
pagparito ay lilipulin;
2Th 2:9 Siya, na ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni Satanas na may
buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan,
2Th 2:10 At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak; sapagka't hindi nila
tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila'y mangaligtas.
2Th 2:11 At dahil dito'y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian,
upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan:
The Revelation of the Foreigner
as mentioned by King Solomon in:
“As for the
foreignerwho does not belong to your people Israel but has come from a
distant land because of your name— for they will hear of your great name and
your mighty hand and your outstretched arm—when he comes and pray toward this
temple, then hear from heaven, your dwelling place. Do whatever the foreigner
asks of you, so that all the peoples of the earth may know your name and
fear you, as do your own people Israel, and may know that this house I have
built bears your Name."
I
Kings 8:41-43 (NIV)
Maestro Eraño M. Evangelista was
only sent to deliver God's Message to all people; he is not starting a
new religion, nor asking for any kind of donation. Please find time to
read the messages completely.
View the visitors from around the
world:
Click
on the Revolving Map to view it entirely.
Since May 13, 2011
If for some reason that you cannot see the map in the link
page, simply download the latest Java plug-in for your browser. Click here to
install the
latest version of Java.
Read the prophecies in your own language by linking to the
BibleGateway.com website:
(Right click on the image and select
"Open link in new window.")